Chapter 1

"Hi! Good morning, Ma'am! May I know what you'll be having?" Magiliw na wika ng cashier kay Sheena.

"I'd like to have one Coffee Jelly please..." Sagot niya habang dumudukot ng pera mula sa kanyang pitaka.

"Would it be tall or grande?"

"Make it grande. Kindly add some extra jelly on it, but lessen the whipped cream"

"Thanks for verifying. Would that be all, Ma'am? Would you like some sandwiches or our delicious baked cookies to go with your Coffee Jelly?"

Umiiling na ngumiti siya sa kahera saka iniabot ang kanyang bayad.

Halos puno na ang naturang coffee shop. Kaya bago pa man niya tinungo ang counter para umorder ay inilapag niya na ang kanyang mga gamit sa isang bakanteng table.

Bitbit ang kanyang frappe, naglakad siya patungo sa nasabing mesa.

But to her surprise, she saw a guy comfortably occupying the table she earlier reserved for herself

"What the--"

Napatigil siya sa paglalakad at piniling obserbahan muna ang lalaki. He wasn't aware that he caught her attention. Tila engrossed ito sa pagbabasa ng diyaryo kaya hindi siya napansin nito .

Damn. He's hot

She finds the guy very handsome. Para itong doppelganger ni Lee Min Ho. If not for his hazel colored eyes, he'd really be mistaken as the famous Korean actor.

Hindi niya namalayang napapakagat-labi na pala siya. Na-starstruck na nga yata talaga siya sa lalaki. But that also made her realize something...

"Aba, teka parang may mali ata dito ah. 'Tang ina! Puwesto ko yun ah!" Mahina ngunit nanggigigil na usal niya saka sinugod and kinaroroonan nito.

"Hey!" She knows that calling someone's attention with such word is quite rude. But for her, any rudeness shown deserves to be returned with equal disdain, no matter how good looking a person might be. Besides, ito naman ang naunang maging bastos. Inagaw nito ang table niya!

"Excuse me!" She blurted out, the second time. Pero hindi pa rin siya pinansin nito.

"Gago 'to ah! Dineadma ako." It's evident in her face, that in a matter of seconds, she will lose her temper.

Nanigas ng husto ang mga daliri ni Sheena sa matinding pagkainis habang hawak hawak ang tray nito.

"Ehem!" Eksaherada siyang tumikhim. Ngunit wala pa din reaksyon ang makisig na lalake.

'Tang ina!

Halos umuusok na na-parang chibi ang pagmumuka ng dalaga sa galit at kulang nalang magkaroon ng unti unting pangil at handa na nyang kagatin ang lalaki.

"Excuse me!" This time, her voice is much louder with a hint of arrogance.

"I'm sorry, are you talking to me?" Tila balewalang sagot nito at tinapunan rin siya ng tila ba iritadong tingin.

"Nah! I'm talking to this invisible man beside you... Isn't it obvious?" she gave a very sarcastic reply.

"What?! What do you want?"

"FYI... I occupied this table first!"

"Sorry Miss... I was here first"

"What? Don't you see that my things were already placed here before you sat down?!"

"Ah... Okay. So, why don't you just take your things and buzz off?" Masungit nitong tugon.

"And why should I? It's you who needs to get off my table. Now!" She has lost her temper. Tumaas na talaga ang boses niya na naging sanhi upang pagtinginan na sila ng ibang customers.

The guy suddenly stood up with a naughty smile plastered on his lips.

Shit Sheena, This is bad, Really bad.

He seems to be 5'11'' or 6 feet tall with an undeniable aura of confidence. Na-i-intimidate siya sa tangkad nito kahit pa 5'7 ½'' naman siya. She knows that for most Asian women, maikokonsidera nang above average iyong height niya.

Naglakad papalapit sa kanya ang lalaki. And that caused her to step back. Being in the corner, there wasn't much space for her to move away from his advances. Kaya wala na siyang nagawa pa.

Knowing that she's trapped, he slowly pressed his face towards her.

Napapikit siya sa pag-aakalang hahalikan siya nito. Subalit hindi iyon nangyari. Bagkus ay dumako ang labi nito sa tapat ng kanyang tenga.

"I knew it, you have a crush on me..." Bulong nito.

Upon hearing what he said, her eyes opened wide with an infuriated expression.

Ugh! Ang kapal!

"What?! Why would I have a crush on a thick-skinned imbecile like you?!" sigaw niya

"Oh, come on. Just admit it. It's okay, 'cause I like you too. Where do you want to go afterwards?"

Marahil ay napansin na ng security guard ang kanilang pagtatalo kaya nilapitan sila nito.

"Ma'am, may problema po ba?"

"Well, this man---uhmm..." hindi niya na natapos ang iba pang sasabihin sapagkat hinila na siya ng lalaki at ginawaran ng mapusok na halik sa labi. She tried to escape from his embrace, but he assertively gripped her head.

Unti-unti siyang nakarinig ng hiyawan mula sa mga customers na naroon. They started to cheer as if they saw a particular kissing scene from a romantic movie.

Matapos ang ilang segundo ay tinapos na nito ang halik. Nag mukha siyang estatwa sa kanyang kinatatayuan. She was still numb when the guy spoke.

"Baby, take a seat first and let's talk it over"

"Ah! Girlfriend niyo po pala si Ma'am" Tanong ng security guard.

"Yes, she's my girlfriend and we're just having a little argument. Sorry for the inconvenience and thanks for the concern. We will try to settle things more amicably"

"Ah! Sige po, Sir. Maiwan ko na po kayong dalawa." Sagot ng guard sabay talikod.

"Hmmm...Let's talk." Halos pabulong na saad nito.

Noon lang siya tila nahimasmasan. The magical moment brought by their kiss wore off.

"Shit! Who the hell gave you the right to kiss me? You bastard!"

"Didn't you enjoy it? I know I'm a great kisser"

"Pervert!" Sigaw niya. Akmang itataas niya sana ang kanyang kamay upang sampalin ito pero nagsalita ang lalaki.

"If you continue to be unreasonable, then I will kiss you again"

Naalarma siya sa sinabi nito. Kaya naman bigla siyang nagbago ng taktika.

She smiled at him. Isang ubod ng tamis na ngiti. Bago pa man makapag-react ang lalaki ay kinuha niya na ang kanyang Coffee Jelly at ibinuhos ang laman niyon sa mukha nito.

"Shit!"

"You deserved it, pervert!"

Dali-dali niyang kinuha ang kanyang mga gamit at mabilis na tumakbo palabas ng coffee shop. Nasa labas na siya nang lingunin niya ito at nakita niyang nakatayo pa rin ito sa pwesto nila. Tila ba matagal bago nag-register sa utak nito na habulin siya.

"Hey... you! Come back here! I won't let you get away with this!" SIgaw nito habang patakbong humahabol sa kanya.

Late reaction ang gago!

She immediately ran to her car, got inside and started the engine, Namani-obra niya na ang kanyang sasakyan mula sa kanyang parking spot nang maabutan siya ng lalaki at pinaghahampas nito ang bintana ng kanyang kotse.

"Damn you! Get out of your car, bitch!" Sigaw nito

"Harhar! Ano ko bale? Baliw!" She's not afraid of him because she's safe inside her car now. Kaya nag-e-enjoy siyang i-bully ito na parang batang paslit.

Pinaharurot niya ang sasakyan. Nang masigurong ilang metro na ang kanyang layo mula sa lalaki ay naisipan niyang inisin pa ito lalo.

So she stuck her head out of the window

"Blehhh!!!" Nag-make face pa siya, Nagduling-dulingan at ginawang sungay ang kanyang dalawang hintuturo.

"Chicken Shit!"

"You're such a pussy!" Sigaw niya, sabay dirty finger dito gamit ang dalawang kamay.

To Be Continued

_____________

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

All rights reserved. This story or any portion thereof may not be reproduced or used in any manner whatsoever without the express permission of the author by any means available.

Copyright 2017

© Rance Revilla