Gabing maliwanag ang buwan,

Liwanag na tanglaw sa karimlan,

Ang siga ay akin pang sisindihan,

At bubuksan ko ang kwentuhan,

Ang istorya ay pinamagatan ko...

The Chronicles of Bedek (Limbo Rocks)

 

Sa pagpapatuloy...

 

Nagmulat ng mata si Bedek.
Parang nasa loob siya ng isang kweba. Bahagyang may liwanag na naglalagos sa di kalayuan. Bumangon ang binata at iginala sa paligid ang paningin. May nakita siyang tambak ng mga kalansay at bungo na umaalingasaw ang nakakasulasok na amoy ng nabubulok na mga bangkay. Natungo siya sa may liwanag. Doon niya nakita ang iba't ibang mga nilalang.

May mga taong gaya niya, may ilang mga nilalang na may pakpak ng ibon, mga halimaw na may pakpak ng paniki, mga werewolves, zombies at ghouls. Meron ding mga tila mga kabalyerong nangakasuot ng itim na mga armors at mapuputla ang mga balat, mapupula ang mga mata at maiitim ang mga labi. Gaya ng lalaking nasa malayo, may hawak itong isang tila rifle at pinapayapa ang mga zombies na tila nagwewelga.

"Ibagsak si Empress Ana Marie!" ang sabay sabay na sigaw ng mga zombies.

Parang may kamukha ang lalaking may hawak na rifle pero hindi maalala ni Bedek kung sino. Biglang dinamba ng mga zombies ang lalaking may hawak na baril. Sa pagkabigla nito ay nabitiwan ng lalaki ang rifle at humagis sa may paanan ni Bedek. Pinulot niya ito para isauli sa lalaki pero pinatutulungan itong igupo ng mga zombies. Inakala ng ibang mga zombies na tutulungan niya ang lalake kaya inatake din nila si Bedek. Dahil sundalo ang binata ay mabilis niyang naiwasan ang mga atake ng mga ito saka pinagsisikwat ng butt ng tangang baril ang mga ulo nito. Isa isa iyong natanggal mula sa pagkakakabit sa mga leeg nila.

Lalong nag-ibayo ang galit ng mga nag-aaklas kaya ang mas maraming bilang ng mga zombies ang sumugod kay Bedek. Wala na siyang pagpipilian kundi gamitin ang hawak na baril. Isa isa niyang pinaputukan ang mga galit na nilalang. Namangha siya sa bala ng rifle dahil liwanag iyon na tumutupok sa katawan ng tinamaan niya hanggang sa maging abo.

"Nosferatu din ang isang iyon. Hawak niya ang soul buster. Patayin natin siya." ang sigaw ng pinakalider na zombie.

Nakita ni Bedek ang pagtataka sa mga mata ng lalaking nagmamay-ari ng baril na ginagamit niya. Nagdatingan na mula sa kung saan saan ang mapuputlang mga nilalang na mga naka armor para umawat sa mga nag-aaklas. Imbes na baril at mga espada ang kanilang mga dala, Maliban sa isang tila pinuno ng hukbo na kahawig ni Bedek. Takot na takot ang mga zombies na biglang nagsiyuko sa lupa. Nakalapit na noon ang ang lalaking may rifle sa pinuno ng mga zombie na aatake sana kay Bedek. Matamang tinitigan ng lalaki si Bedek saka nito hinarap ang punong zombie. Nabuo sa isip ni Bedek ang isang hinala, ang lalaking ito ang sinasabi ng abogado na ama nya.

"Anong pautot ito, Zargo?" ang singhal ng lalaki sa zombie na nakayukod.

"Marquis Alexandru, hanggang ngayon ay di ko matanggap na zombie lang ang naging uri ko sa resureksiyon. Mas lalo akong nagngitngit nang makita ko ang taong iyan na kadadating pa lang ay agad na nabibilang sa inyong mga bampira." ang paliwanag ng zombie na tinutukoy si Bedek.

"Paanong hindi magkakaganoon ay anak ko itong sinugod mo at balak saktan?!" ang madiing sabi ni Alexandru sabay kasa sa hawak niyang 'soul buster' saka binaril ang zombieng kausap. Nasunog ang katawan nito hanggang sa maging abo.

"Itay? Kayo ba talaga yan?" ang sabi ni Bedek na akmang yayakapin ang ama, pero inawat siya nito saka pabulong na nagsalita.

"Wag mong gagawin yan dito. Kung ayaw mong tawanan tayo ng mga nilalang dito at sabihing mahina tayo." ang usal ni Alexandru sa anak.

Walang pakialam na niyakap pa rin ni Bedek ang ama. Kahit matagal niya itong hindi nakita at tila pinabayaan sila nito ay walang galit sa puso ng binata. Nasabik siyang mayakap ang amang pinagkakautangan niya ng kanyang buhay. Nagtataka si Alexandru na nakakaramdam pa siya ng konting tuwa sa pagkakayakap sa kanya ng anak. Matagal na panahon na nang alisin ang tuwa, awa at pagmamahal sa kanyang puso para maging isang malupit na taga pagpatupad ng batas ng mga bampira. Posible kayang tumutubong muli ang ibang emosyon sa kanyang dibdib?

"Anak, hindi ka pa dapat naririto. Umalis ka na bago pa tuluyang lisanin ng kaluluwa mo ang iyong katawan sa lupa." ang sabi ni Alexandru sa anak. "Demetri." ang tawag ni Alexandru sa lalaking pinatulungan ng mga zombies.

Lumapit ang lalaking pamilyar ang itsura kay Bedek, saka inutusan ng kanyang ama. "Kumpadre, pasamahan mong umalis dito ang anak ko hang may oras pa." ang sabi ng Marquis kay Count Demitri.

"Sige kumpadre, masusunod." ang agad na sagot ni Demetri. "Demi... Samahan mo itong anak ni Marquis Alexandru na makalabas dito sa Limbo." ang malakas na sabi nito.

Sa isang iglap ay nasa harapan na nila ang tinawag. Nakayukod ito sa dalawang matataas na mga bampira. Tumayo ito na ikanagulat ni Bedek dahil kilalang kilala niya ang babaeng bampira. Hindi siya maaring magkamali, si Capt. Demi Damasco ito, ang platoon leader niya sa Camp Bagumbala.

"Umalis na kayo. Demi, bumalik ka kaagad at marami ka pang gagawin sa Resureksiyon." ang sabi ni Demetri sa babae.

Agad hinila siya ng babaeng bampira papasok sa tila kweba kung saan siya nagising kanina. Nilamon silang dalawa ng liwanag. Nagising si Bedek na nakalatag ang katawan sa matigas na higaan. Kinapa niya ang kanyang kaliwang dibdib, naalala niyang sinaksak nga pala siya ni Atty. Lucayo ng matulis na kahoy. Nagtataka siyang wala namang kahit na anong bakas ng sugat doon. Ibang damit na rin ang suot ng binata. Iginala niya ang paningin sa paligid, madilim pero may ilaw na nagmumula sa isang gaserang ilawan. Naaninag ni Bedek na nasa loob siya ng isang kubo. Pumasok mula sa pintuang kawayan ang isang babaeng naka daster na pilit niyang inaaninag ang mukha.

"Demi?" ang nagulat pero natutuwang sabi ni Bedek.

Tila walang kahit anong emosyong ibinaba ng babae ang dalang pinggan ng pagkain sa hinihigaan ni Bedek. Niyakap ng binata ang babae nang mahigpit pero di man lang ito gumanti ng yakap. May kakaibang naramdaman sa puso niya ang babae kaya tila napapasong itinulak niya si Bedek na napatihaya sa papag.

"Bakit Demi? Hindi mo na ba ako mahal?" ang nagtatakang tanong ni Bedek.

"Mahal? Ano yun? Wala naman kaming ganoong pakiramdam, wala ring awa, lungkot o pagmamahal. Galit lang ang alam kong pakiramdam. Isa pa, hindi kita kilala. Ang tanging alam ko ay anak ka ni Marquis Alexandru." ang walang emosyong sagot ni Demi.

Hindi maintindihan ni Bedek kung anong nangyari sa babae kung bakit tila wala itong maalala buhat sa nakaraan. Susubukan niyang ipaalala dito ang lahat kaya sinimulan niyang magtanong dito.

"Hindi mo talaga ako, kilala?" ang tanong ulit ni Bedek. Umiling lang ang babae. "Sige ipapaalala ko sa'yo. Ikaw si Deminica Damasco, dati kang lieutenant ng army na napromote na captain dahil nailigtas natin ang paring bihag ng mga bandido sa isang operation. Ginapang mo nga ako noon sa kubo habang nagpapahinga ako doon dahil sabi mo nabaril ako sa labanan..." ang sabi ni Bedek na pinutol ni Demi ang iba pa niyang sasabihin.

Naguguluhan si Demi sa mga sinabi ng binata. "Alam kong si Demi Damasco ako, pero di ko maalalang naging opisyal ako ng army na kasama pti na ang sinasabi mong ginapang kita. Ang alam ko lang ay ako si Lady Deminica Damasco, isang nosferatu ng Resureksiyon na nagpapatupad ng mga batas ng iyong ninunong si Empress Ana Marie Dragomir. Wala akong ibang alam kundi sumunod sa mga utos ng mga opisyal doon. May paraan para maalala ko ang lahat pero mahigpit na ipinagbabawal." ang sagot ni Demi. Di niya maintindihan sa sarili kung bakit nasabi niya iyon sa binata.

"Anong paraan iyon?" ang tanong ng binata.

"Kailangan kong tumingin sa salamin para maalala ang lahat." ang nabiglang sagot ni Demi. Parang may nag-uutos sa utak at puso niyang sabihin ito kay Bedek.

Kinuha niDemi ang isang maliit na antigong kahon na gawa sa kahoy at may salamin sa loob. Natukso ang babaeng alamin ang katotohanan sa lahat ng mga nangyari sa kanya. Bumangon ang interes niyang alamin dahil sa kwento ni Bedek. Binuksan niya ang kahon saka tumitig sa salamin. Biglang nanigas ang katawan ni Demi nang tumitig siya sa salamin at tila isang video player na nagplay ng eksena ang salamin. Nakipanood si Bedek sa mga pangyayaring ipinakikita ng salamin ng kahon.

Ipinakita ng salamin ang pagsilang ni Demi, pagpasok sa pre-school hanggang military school. Ang pag graduate ng dalaga sa military. Ang training nila sa Camp Bagumbala. Ang pagliligtas nila sa pari. Ang pagbaril kay Bedek na nagresulta sa pagwawala ni Demi. Ang pagkabuhay ulit ni Bedek na labis ikinatuwa ni Demi. Ang paggapang ni Mari at Demi kay Bedek sa loob ng kubo habang natutulog ang pari. At ang paggagawad ng mga medalya sa kanila hanggang sa pag-uwi ni Bedek sa probinsiya nito.

Matapos mag file ng leave ni Bedek noon ay nag file din si Demi. Gusto muna niyang magbakasyon matapos ang bakbakan nila laban sa mga bandido. Umuwi sa kanilang bahay si Demi na matagal na palang minamanmanan ni Carlos Benk. Noon pa ay may lihim na pala itong pagnanasa sa dalagang opisyal hanggang sa nagbalak na halayin si Demi. Nagpatulong si Carlos sa mga alipores niyang mga sundalo. Pinasok nila ang bahay ng nag-iisang si Demi. Nanlaban ang babaeng sundalo at nabaril ni Carlos si Demi.

Bumaon sa puso ni Demi ang bala, umagos ang dugo sa kama. Noong oras ding iyon ay binawian ng buhay si Demi. Galit na galit si Bedek sa eksenang ipinakita ng salamin, lalong lalo na kay Carlos na bagaman di nagawang gahasain si Demi ay ito pala ang sanhi ng kamatayan ng dalaga. Si Demi naman ay tulala lang na nakatitig sa salamin. Pero lahat ng napapanood niya ay pumapasok lahat sa kanyang utak.

Nag-iba na ang ipinapakita ng salamin. Sinundo ni Count Demetri si Demi mula sa Limbo at dinala sa isang tila training camp ng mga sundalo. Binura ang lahat ng kanyang mga alaala at inalis ang lahat ng pakiramdam sa kanyang puso, galit lang ang kanilang iniwan doon. Sinanay siyang makidigma gamit ang mga espada at mga baril, tinatuan ng mga talisman, tinuruang kumilos na singbilis ng kidlat, tumalon mula sa matataas na mga lugar, mag-anyong paniki at mabangis na halimaw. Ang paglelecture sa mga ito tungkol sa mga ipanagbabawal at mga responsibilidad na gagampanan ng mga nosferatu o vampire knights.

At ang huli ay ang pagpapainom sa kanila ng sariwang dugo mula sa unholy chalice of darkness. Binigyan pa sila ng tig-iisang mga alipin na pwede nilang sipsipin ang dugo anumang oras na mauhaw sila. Noong una ay ayaw ni Demi sa alipin niya dahil pandak ito at pangit, nagagalit siya dahil siya ang summa cum laude ng batch nila pero ang pinaka pangit at nakakadiring alipin ang ibinigay sa kanya. Hindi gaya ng sa kabatch niyang kahulihan sa ranking na binigyan ng isang seksi at magandang babae. Ang paliwanag ay kapag ang kukuhanan niya ng dugo ay pangit at nakakadiri mas class ang lasa nito kesa sa magagandang alipin.

Madalas siyang magpunta sa bar para humanap ng ibang masisipsipan ng dugo. May nakukuhanan siyang mga macho dancers pero lasang luma ang dugo ng mga ito. Hanggang sa napilitan siyang kagatin ang kanyang alipin at sipsipin ang sugo nito. Noon niya nalamang totoo nga ang sinasabi nila. Para sa kanya ay lasang champagne ang dugo ng alipin niyang si Igora. Kulubot ang balat nito, luwa ang isang mata, pandak na eh kuba pa. Muling napalitan ang eksena sa salamin. Ipinapakita nitong kasama na ni Demi si Bedek sa pag-alis sa Limbo hanggang makita nilang lulutang lutang sa ilog ang katawan ng binata. Agad siyang ibinalibag ni Demi papunta sa katawang lupa ng binata. Kinuha ni Demi ang katawan ni Bedek saka dinala sa isang liblib na lugar kung saan may isang kubo.

Noon ay gabi na, madilim ang paligid at malakas ang buhos ng ulan. Ibinaba ni Demi ang basang katawan ni Bedek sa lupa saka pumasok sa loob ng kubo. Kinagat ni Demi ang mga leeg ng mag-asawang natutulog sa kubo saka sinipsip ang dugo. Ipinasok muna ni Demi ang katawan ng binata sa loob ng kubo, ihiniga sa papag na kawayan saka pinalitan ng damit na nakita doon. Kumuha siya ng pala at piko saka naghukay ng paglilibingan sa mag-asawang biktima. Natabunan na ni Demi ng lupa ang mga bangkay sa hukay saka siya kumuha ng mga pwedeng kainin ni Bedek at bumalik sa loob ng kubo at nagpalit ng damit pambahay. Dapat ay kanina pa niya iniwan ang binata sa utos ng ama na ihatid lang niya ito palabas sa Limbo pero para siyang nababato balani nito kaya ayaw pa niyang umalis sa tabi nito.

Natapos ang pinapakita ng salamin. Bigla itong nabasag at nadurog nang pino. Sumambulat ang mga piraso ng salamin. Tinamaan sa mukha at katawan sina Demi at Bedek. Duguan silang bumagsak sa lupa na puro dugo ang mga mata na pinasok ng mga pinong bubog. Napasigaw sa sakit si Bedek pero hinagilap agad ni Demi ang mga kamay ng binata para pigilang hawakan ang mga duguang mata.

"Wag mong kukusutin ang mga mata mo.Maghintay ka lang ng ilang sandali." ang sabi ni Demi.

Ilang sandali lang ay naramdaman ni Bedek ang tila pag-ahon ng pinong mga bubog sa mga mata niya hanggang sa muli siyang nakamulat at nakakita. Wala na ang mga bakas ng dugo nila ni Demi sa katawan at mga mata nila pero butas butas ang mga suot nilang damit na tila tinamaan ng mga shrapnel. Mabilis na nakatayo si Demi saka inalalayang makatayo si Bedek saka sila naupo sa papag na kawayan. Takang takang nagtanong si Bedek.

"Paano nangyari yun? Ang astig naman!" ang sabi ni Bedek.

"Ganap na akong bampira ngayon kaya mabilis ang paggaling ng mga sugat ko. Ikaw naman ay may dugo ni Marquis Alexandru kaya taglay mo na rin ang ilang mga katangian ng lahi natin." ang sabi ni Demi.

Parang hirap tanggapin ni Bedek ang katotohanang magiging bampira siya sa takdang panahon. Tumingin na lang siya sa bright side kung sakaling bampira na siya. Mabilis kumilos, matalas ang mga senses, kayang tumalon mula sa mataas na lugar at iba pa. Pero wala namang ibang pakiramdam dahil galit lang ang meron sa puso ng mga bampira. May ilang mga tanong pa sa utak niya na di niya natiis na di itanong kay Demi.

"Kung mabilis mag hilom ang mga sugat natin, paano ka namatay sa tama ng bala?" ang tanong ni Bedek.

"Sa puso ako tinamaan ng bala. Silver bullet pa ang gamit ng walang hiyang si Carlos." Ang galit na sabi ni Lady Demi.

"Pero bakit ako, sa lalim ng saksak sa akin ni Atty. Lucayo, imposibleng hindi tinamaan ang puso ko?" ang usisa pa ni Bedek pero agad din niyang naalala ang kanyang kundisyo. "Oo nga pala, nasa kanan nga pala ng dibdib ko ang puso ko." ang nangingiting sabi ni Bedek.

"Alam mo naman pala ang sagot." ang sabi ni Demi.

Nagtaka sa kanyang sarili si Demi. Pagkatapos niyang tumingin sa salamin ay unti unting bumalik ang lahat ng mga alaala sa utak ng dalaga gayundin ang lahat ng pakiramdam sa puso niya.Nakilala niya si Bedek. Niyakap niya ito nang mahigpit saka hinalikan nang mariin. Kumalas si Bedek na tuwang tuwa dahil sa mga nangyari.

"Magkwento ka pa tungkol sa lahi natin, sige na." ang hiling ni Bedek habang nagbabalat ng isang nilagang kamote.

Tila nagutom din si Demi nang makita ang nilagang kamote na kinakain ni Bedek. Napawi ang pagkauhaw niya sa dugo, nandoon pa rin pero sa tingin niya ay kaya na niyang kontrolin. Kumuha muna ng isang kamote si Demi, binalatan ito saka nagkwento sa gitna ng pagkain nila ni Bedek.

Sa Limbo daw ang puntahan ng mga namatay na wala pang hatol, waiting area kumbaga. Ang mapupunta sa taas ay sinusundo ng mga anghel, ang papuntang basement ay mga gargoyles ang sundo. Ang maiiwan ay pwedeng I recruit sa Resurrection, ang mga magagaling at makakapasa sa traing ay magiging mga Nosferatu o mga kabalyerong bampira. Pero depende sa mga pinagmulan nilang lahi. May nagiging mga werewolves na siyang pangalawa sa rankings at mahigpit na kaaway ng mga bampira sa teritoryo dito sa lupa. Meron din namang mga bagsak na nagiging mga ghouls at zombies.

Sa lahat ng mga uri ay pinakamababa ang mga ghouls dahil mga utak hayop sila na kumakain ng mga bangkay. Ang zombies naman ay kumakain ng buhay na tao pero mga bobo silang gaya ng mga ghouls. Kaya naman nagwelga ang ibang mga zombies na nakita mo dahil di nila matnaggap na bumagsak sila sa training kaya zombies lang ang binagsakan nila. Gusto nilang iparating ang hinaing sa nuno mong si Empress Ana Marie pero dadaan muna sila sa ama mong si Marquis Alexandru Dragomir.

Ang rankings sa lahi natin ay ganito, kaming mga nosferatu ang mga commanders ng digmaan. Under kami ng mga royal officers na kinabibilangan ng iyong ama at ng aking ama. Pinakamataas si Empress Ana Marie na sinundan ng anak ng empress na si King Olivier na ama ni Prince Marcel, naging anak ng prince si Duke Maurice na siyang ama ni Marquis Alexandru. Mas mataas ang father mo ng isang rank sa ama kong si Count Demitri pero di tayo magkamag-anak. Promoted lang ang father ko na best friend ng ama mo. Sila ang 'twin fangs' ng Resureksiyon. Sumunod sa Count ang Baron at ang mga Knights pero pinaka mababa ang mga citizens.

"Ngayon Bedek, hindi ako babalik sa Resureksiyon nang hindi nagagawa ang dalawa kong misyon dito." ang seryosong sabi ni Demi.

"Ano namang mga misyon yun?" ang tanong ni Bedek.

"Gusto kong maka s*x ka Bedek para may magandang alaala akong baunin pagbalik ko ng Resureksiyon. At gumanti sa pagpatay sa akin ni Carlos." ang sagot ni Demi.

Naalala ni Bedek ang ginawa sa kanya ni Atty. Lucayo na dapat niyang singilin sa utang sa kanya. Malamang na tinangay nito ang mga kayamanang iniwan ng ama pati na ang mga perang nakuha niya sa tatlong lugar na pinuntahan niya sa nakaraan. Napangiti si Bedek sa unang sinabi Demi na gusto siya nitong makatalik pero kinakabahan ngayon siya sa dalagang ito.

"Oh bakit ganyang kang makatingin sa akin, ha Bedek? Ngayon na ba natin gagawin?" ang malambing na sabi ni Lady Demi sabay lapit kay Bedek.

"Eh kasi, b-baka kagatin mo ko." ang takot na sabi ni Bedek.

"Hahaha. Wag kang mag-alala, hindi na ko sugapa sa dugo ngayon matapos kong tumingin sa salamin." ang sagot ni Demi na namumungay na ang mga mata.

Inilapit ni Bedek ang mukha kay Demi saka ito ginawaran ng isang masuyong halik sa labi. Masuyo namang tumugon si Demei sa halik na iyon na kasabay ng mabining mga haplos sa buhok at batok ng binata saka kinabig para dumiin ang halikan nila. Hinaplos naman ni Bedek ang kulay puting buhok ni Demi, mula nang maging bampira ang dalaga ay naging kulay puti na ang dating blonde na buhok. Naging maputla na rin ang kanyang buong katawan at mukhang tila wala nang dugo. Nagkaroon din siya ng mga matatalim na mga pangil na nagagawa naman niyang itago kapag ginusto niya, kagaya ngayon na itinago ni Demi ang pangil para di masugatan ang labi ng kahalikang si Bedek. Pakiramdam ng dalaga ay tila nanuyo ang kanyang lalamunan dahil amoy na amoy niya ang mainit na dugo ng binata na mainit na rin ang pakiramdam dahil sa kanilang ginagawa. Habang naghahalikan ang dalawa ay abala ang kanilang mga kamay sa pag-aalis ng kanilang mga saplot. Marahang hinila ni Bedek pataas mula sa gitna ang suot na daster ni Demi para hubarin ito. Nagtaas ng dalawang mga bisig ang dalaga saka kumalas sa paghalik para ganap na maitaas ng binata ang saplot. Tumambad ang maputla pero seksi pa ring katawan ni Demi na may malalaking mga suso, malamang balakang, matambok ng pwet at lalong mas matambok na pagkababae.

Si Demi ang naghubad sa lahat ng suot ni Bedek, sinimulan niyang itaas ang suot nitong kamisa de tsino, sunod ang salawal. Ngayon ay para na silang mga sanggol na walang suot na kahit ano sa kanilang mga katawan. Nagtataka siguro kayo kung bakit wala silang suot na mga underwear? Iyon ay dahil sa ang mga pang ilalim ng mag-asawang nakatira sa kubo ay puro 'nogar' o tila dinaanan ng el ninyo dahil tila tuyong bacon na ang mga garter ng mga ito kaya sobrang luluwang na. Kaya napilitang wag na lang isuot ni Demi ang nakitang panty at nadidiri siya sa brief ng lalaking may-ari ng kubo kaya di na niya isinuot kay Bedek noong palitan niya ito ng damit kanina. Balikan natin ang mainit na tagpo ng dalawa.

Ang binata ang nakapailalim sa tila tuyong katawan ni Demi. Mainit ang pakiramdam ni Bedek pero ang katawan ng dalaga ay nanatiling mababa ang temperatura. Para siyang nakikipaghalikan at yumayakap sa isang babaeng yelo. Nagdulot sa binata iyon ng matinding kilabot at kataka takang lalo namang nagpasidhi ng kanyang nararamdaman sa dalagang bampira. Kahit pa isipin ni Bedek na tila isang bangkay ang katalik, ang puso naman niya ay sumisigaw na ito pa rin ang babaing kanyang minamahal. Nagsimula na si Demi sa paghalik at pagdila sa katawan ni Bedek, sinimulan niya sa leeg ng binata. Ginawa ng dalaga ang lahat ng pagtitimpi para hindi niya sakamalin ang bahaging iyon ni Bedek na may pumipintig na ugat.

Bumaba ang malamig na labi ng dalaga sa dibdib ni Bedek, hinalikan ni Demi iyon, dinilaan ang magkabilang mga utong ng binata saka isinubo ang isa tapos marahas na sinipsip. Nagdulot iyon ng matinding kiliti at kilabot kay Bedek lalo na nang ibaba ni Demi ang paghalik at pagdila sa bandang puson nito. Napapapitlag ang binata sa bawat dampi at labi ni Demi na sinlamig ng yelo. Hanggang sa isubo na nga ni Demi nang tuluyan ang buong pagkalalaki ni Bedek. Nagawa niya itong ideep throat sa kabila ng hindi birong laki ng kargada ni Bedek. Pambihira ang lalim ng lalamunan ni Demi kaya naman ang binatang nakahiga sa papag ay hindi malaman kung saan ibabaling ang ulo. Nasabunutan niya ang dalaga at idiniin pang lalo sa kanyang matigas na pagkalalaki.

Kinapa ni Demi ang kanyang biyak, nagtaka siya dahil may nakapa siyang malagkit na likido mula sa kanyang p*ke. May katas pa rin pala ang mga bampira, virgin pa rin kasi si Demi hanggang ngayon. Hindi siya nakikipag s*x sa mga lalaking bampira sa Resureksiyon, sumumpa siyang kay Bedek lang niya ibibigay ang kanyang sarili kahit na anong mangyari. Pagkatapos pa ng isang daang taon bago siya makabalik sa lupa, siguradong patay na noon si Bedek kaya nagsagawa siya ng research.

Nalaman niyang posible siyang makabalik nang wala sa takdang panahon kung titingin siya sa salamin. Pero walang salamin sa resureksiyon dahil mahigpit itong ipinagbabawal doon. Pwede ring makabalik kung may permiso mula sa marquis hanggang sa empress or emperor kaya nakakita siya ng pagkakataon nang ipahatid sa kanya ang isang lalaki na pabalik sa lupa. Nagkataon namang ang lalaking dahilan ng pagnanais niyang makabalik agad sa lupa ay ang anak ni Marquis Alexandru.

Inangat na ni Demi ang kanyang itaas na katawan mula sa gitnang hita ni Bedek. Umupo na siya sa kandungan ng binata para ihanda na ang biyak niya sa pagpasok ng matigas nitong b*rat sa kanya. Sa unang subok niya ay hindi niya maigiit papaloob ang matigas na t*t* ng binata, dumadaplis ito. Sumenyas si Bedek na siya na lang ang magpapasok ng b*rat niya kay Demi. Bumangon ang binata mula sa pagkakahiga at tumayo sa sahig na lupa ng kubo. Pinatuwad niya ang dalaga sa may papag na nakatukod ang mga kamay. Nilawayan ni Bedek ang sariling kamay saka ipinahid sa ulo ng matigas niyang pagkalalaki. Itinutok niya ito sa bukana ni Demi saka dahan dahang idiniin. Nakita niyang hindi naman nasasaktan ang dalaga kaya binigla niyang ipasok ito, nasagad ang pagkakabaon. Bumigay ang hymen ni Demi pero hindi dumugo, wala ring naramdamang sakit ang dalagang bampira.

Marahang ibinayo ni Bedek ang nakabaong pagkalalaki sa biyak ni Demi. Nagtaka na naman ang dalaga dahil unti unti siyang nakakadama ng hindi niya maipaliwanag na kiliti sa loob ng kanyang pagkababae. Habang lumalaon ay sumasarap ang pakiramdam ng paglabas pasok ni Bedek sa kanya.
"Bedek, bilisan mo ang paggalaw mo." ang utos ni Demi.

Binilisang nga ng binata ang paglabas pasok ng b*rat niya sa biyak ni Demi. Napungol ang dalaga sa nangyayaring kiskisan nila ng laman. Bumubukal mula sa kanyang biyak ang maraming katas na lalong nagpapadulas sa pagparoo't parito ng binata. Ilang pagbaon at paghugot pa ni Bedek ay tila kinilig ang buong katawan ni Demi saka umagos pababa sa kanyang mga hita ang mas marami pa niyang katas. Sumunod namang inilabas ni Bedek ang naipon niyang t*mod sa loob ng p*ke ni Demi. Lalong kinilig ang dalaga dahil sa naramdamang pagtilamsik ng mainit na katas ni Bedek sa ubod ng pagkababae niya. Hinihingal si Bedek na itinukod ang mga kamay sa malamang pwetan ng dalaga habang si Demi naman ay napapikit habang ninanamnam ang mainit na t*m*d na nasa loob niya. Sandaling nagpahinga ang binata saka hinugot ang b*rat mula sa biyak ni Demi. Umagos palabas ang katas na nakulong sa loob ng p*ke ng dalaga, nabasang lalo ang kanyang mga hita sa dami ng umagos doon.

Humupa na ang ulan sa labas, kasabay ng paghupa ng damdaming nag-aalab ni Bedek kay Demi. Pumihit si Demi paharap kay Bedek saka matamis na ngumiti. Hindi niya napigilan ang emosyon kaya lumabas ang itinatagong pangil niya. Lumambot ang t*t* ni Bedek dahil sa takot na napuna naman ni Demi.

"Hahaha. Ano ka ba, Bedek? Wag ka sabing matakot. Hindi kita sasagpangin." ang malambing na sabi ni Demi. "Pag-usapan natin ang ating pagganti sa nagtangka sa buhay mo at sa puri ko." ang sumeryosong sabi ng dalagang may pangil.

Pinunasan muna nila ang nanlalagkit nilang katawan saka sila kapwa na nagbihis. Kumuha sila ng maayos na damit ng mag-asawang may-ari ng kubo bago nila pinag-usapan ang gagawing hakbang. Una nilang pinuntahan ang ancestral house nila Bedek, sa tulong ng bilis at lakas ni Demi ay agad nilang narating iyon. Pumasok sila hanggang sa basement at nandoon pa ang matulis na kahoy na ipinansaksak ng abogado sa binata. Kinuha ito ng dalaga at inamoy. May bahid pa ito ng dugo ni Bedek na bahagyang nagpawala sa katinuan ni Demi. Inilabas ng dalaga ang mahabang dila saka akmang didilaan ang matulis na kahoy.

"Hey! Demi, ano ka ba? Dugo ko yan, baka hanap hanapin mo." ang pag-awat ni Bedek.
"Ay sorry. Na carried away lang, hihihi." ang ngisi ni Demi. Inamoy ulit niya ang hawak na kahoy.

Ngayon ay alam na niya ang amoy ni Atty. Lucayo kaya pwede na nila itong sundan. Hindi kasi kabisado ni Bedek itong lugar ng ancestral house kaya kailangan niya ang tulong ni Demi. Bitbit ng dalaga ang matulis na kahoy nang lumabas sila ni Bedek mula sa lumang bahay. Nag-abang sila ng sasakyang pwedeng angkasan, swerte namang may dumaang isang pick up na lulan ng limang kalalakihan. Maiingay sila, parang mga lasing yata o bangag sa droga. Huminto ang pinarang sasakyan ni Demi dahil nailawan nito ang katawan ng dalaga kaya aninag na wala itong suot na panloob. Natakam ang mga lalaki sa alindog ng dalaga. Pinasasaky sila ng driver sa loob. Bumaba ang tatlong mga lalaking nasa loob at lumipat sa likurang bahagi ng pick up.

Habang umaandar ang sasakyan ay panay ang sulyap sa rear view mirror ng dalawang lalaki sa unahan. Masama ang kutob ni Bedek sa mga lalaki pero hindi siya natatakot dahil alam niyang kayang kayang ihandle ni Demi ang sitwasyon. Halos 30 minutes na takbo lang ng sasakyan ay huminto ito sa tabi ng kalsada. Alam na nina Bedek at Demi ang balak ng mga lalaki sa kanila. Hindi nila alam na may binabalak nang gawin si Demi. Agad na naglabas ng baril ang dalawang lalaki saka pinababa sina Bedek at Demi. Nang makababa na ang dalawa ay nakita nilang may hawak na ring mga baril ang tatlong lalaki sa likuran ng sasakyan. Nakangisi lahat ang mga ito, nagsibaba na rin ng sasakyan at mukhang takam na takam kay Demi. Lumapit sila sa lalaking katabi ng driver kanina at nagtanong.

"Boss, anong gagawin natin dito sa lalaki?" ang usisa ng isa sa tatlong lalaki.
"Eh di itumba." ang sabi ng pinakalider.

"Wag! Gagawin ko ang lahat ng gusto nyo. Wag nyo lang kaming papatayin." ang pakiusap ni Demi. "Ito naman ang gusto nyo di ba? Doon tayo sa damuhan para malambot higaan. Halikayo..." ang malanding sabi ni Demi sabay hinubad ang suot na daster saka inabot kay Bedek. Tumambad sa limang durugista ang malaman at nakakal*b*g na katawan ni Demi.

Tila nakalimutan na ng limang adik si Bedek. Sumunod silang lahat kay Demi na nauna nang pumunta sa damuhan. Nagtaka sila dahil biglang nawala sa dilim ang babae pero napangiti silang lahat nang marinig ang boses nitong tila nanghahalina.

"Hanapin nyo ko, mga pogi. Hihihi" ang malanding sabi ni Demi.

Napangisi ang limang lalaki dahil sa trip ng dalaga. Naghiwa-hiwalay ang limang lalaki para hanapin si Demi sa damuhan. Samantalang nakasandal si Bedek sa gilid ng pick up na hawak ang hinubad na daster ni Demi habang naghihintay sa pagbabalik ng dalaga. Nagulat pa si Bedek paglingon niya sa kanan ay nasa ibabaw ng hood ang hubo't hubad na si Demi na tigmak ng dugo ang bibig, leeg at dibdib. Tarantang pinababa ni Bedek si Demi mula sa hood, naghagilap ng basahan sa loob ng sasakyan. Swerte namang may puting towel sa loob kaya iyon ang ipinunas ng dalaga sa dibdib, leeg at bibig na puno ng dugo. Isinuot na rin niya ang daster saka sila pumasok sa sasakyan. Si Demi ang nag drive dahil hindi marunong magmaneho si Bedek.

Malapit nang magliwanag nang marating nila ang bahay ng abogado. Nakita nilang nagwawalis ng bakuran ang isa sa tatlong babaeng nakatalik ni Bedek. Tinawag ito ng binata at agad naman itong lumapit.

"Asan si Atty. Lucayo?" ang tanong ni Bedek na pigil pigil ang galit.
"Nasa likod sila pogi. Kasama sina Carlos Benk, yung pamangkin ni Major. Nag-iinuman pa sila." ang sabi ng kasambahay.

Pinapasok silang dalawa dahil kilala ng babaeng kasambahay si Bedek, saka ito tumalikod para tawagin ang amo. Namutla ang mukha ni Atty. Lucayo nang sabihin ng kasambahay niyang nandoon si Bedek. Paano daw nangyari yun, eh patay na ang binatang yun. Kinilabutan ang kasambahay sa pag-aakalang nagmumulto si Bedek kaya takot na takot itong pumasok sa loob ng bahay papunta sa maids quarter. Alerto naman si Carlos na sinamahan ang amo sa pagpunta sa may gate ng bahay para tingnan kung nandoon nga si Bedek. Wala silang inabutang tao sa lugar na sinabi ng kasambahay. Inisip nilang inaantok pa marahil ang kasambahay kaya namalik mata lang. nagbalik na ang abogado at si Carlos sa likod bahay.

Nanlaki ang mata ng abogado nang abutan ang mga tauhang wala nang mga buhay. Laslas ang mga leeg. Napamura naman si Carlos nang may napakalakas na kamay ang bumali sa braso niya. Nabitawan nito ang hawak na baril, habang ang abogado naman ay napairi sa maraming tama ng mga bala ng M16 sa katawan. Nagmistulang salaam ang katawan nito sa dami ng butas na gawa ng pagkakabaril ni Bedek. Hilakbot na napaluhod noon si Carlos, nagmakaawa kay Demi.

"M-mam Demi. Patawrin mo ako sa nagawa ko sa'yo." ang pakiusap ni Carlos.

Kinuha ni Demi ang baril ni Carlos na nasa sahig saka nito pinaputukan ng pitong beses ang pagkalalaki nito. Nagkikisay itong bumagsak sa sahig na wala nang buhay. Bumaling si Demi kay Bedek.

"Ano nang plano natin. Nakabawi na tayo sa mga umapi sa atin?" ang tanong ni Demi.
"Ewan ko, pero may problema tayo. Maliwanag, paano tayo aalis? Sigurado naalerto na ang mga kapitbahay at may tumawag na ng pulis.

Nasa ganoon silang pag-uusap nang may gumulong na bagay sa paanan nila. Buhay pa pala ang isang tauhan ng abogado at nagawa pa nitong pagulungin ang isang granada sa paanan nina Bedek. Alertong dinapaan ito ni Bedek bago sumabog. Nagkalasog lasog ang katawan ng binata. Napuruhan ang puso nito sa tama ng mga shrapnel kaya agad namatay.
"Sa wakas, Bedek, magkakasama na tayo nang walang hanggan." ang usal ni Demi.

Bagaman may mga sugat din si Demi dahil sa tama ng mga shrapnel ay buhay pa rin ito. Pero para sa kanya ay walang dahilan para mamalagi siya dito sa lupa dahil sidurado siyang nasa Limbo na ang mahal niyang si Bedek. Lumabas ng bakuran ang dalaga at hinayaan niyang sikatan siya ng bukang liwayway. Mahapdi ang sinag ng araw sa kanyang katawan hanggang sa unti unti siyang nalulusaw. Naging abo ang kanyang buong katawan at sumama sa hangin. Ang katawan ni Bedek ay mabilis din ang pagkaagnas hanggang sa tuluyan ding naging abo at nilipad ng hangin.

Halos sabay na nagdilat ng mga mata si Bedek at Demi. Tumayo sila mula sa pagkakahiga at dagling nagyakap. Nasa ganoon silang katayuan nang may nasalita buhat sa likuran ni Bedek.

"Ehem! Mukhang may dapat kang ipaliwanag sa akin Deminica." ang mariing sabi ni Count Demetri.

"Dad, si Bedek ang mahal ko. Siya lang ang lalaking mahal ko." ang sabi ni Demi.

"Mahal? May mabigat ka pang kasalanan. Tumingin ka sa salamin!" ang galit na sabi ng konde.

"Hayaan mo na sila, kumpadre." ang sabi ni Marquis Alexandru. "Special case ang dalawang iya. Alam hindi yan makakaapekto sa mga tungkulin nila. Iuutos kong wag na alisin ang mga alaala nila at mga pakiramdam." ang sabi pa nito.

"Salamat po, dad." ang sincere na sabi Bedek.

"Basta ipangako mo, anak, na hindi ako nagkamali sa desisyon ko. Tayong dalawa ang magbabayad nito sa mga lola mo pag pumalpak ka, maliwanag ba?" ang tanong ng kanyang.

"Yes, dad." ang nangingiting sagot ni Bedek. "Pero Dad, meron pa kong isang request." ang dagdag pa ni Bedek. Sabay lakad palabas ng lugar na iyon na kasama si Demi, wala nang nagawa si Count Demetri.

"Mukhang alam ko na ang request mo, anak." ang sabi ng ama ni Bedek sabay ihinagis sa kanya ang 'soul buster' rifle.

Nasalo iyon ni Bedek at matiim na nakatitig sa grupo ng mga zombies kung saan kasama sina Carlos, Atty. Lucayo at ang mga tauhan nito. Iisa ang iniisip nila ni Demi sa mga oras na iyon.

The End.