KABANATA 5

LEAH's POV

Nandito kami ngayon sa isang kainan sa loob ng resort. Nagla-lunch. Grabe! Bored na bored ako. Napakadaldal nitong si Abner. Puro kwento noong buhay niya ng kabataan. Nakakaumay.

Kasama namin ngayon ang mga anak niyang sina Alice, Paeng, at Lulu. Kararating lang ni Lulu. Na-traffic daw. Hindi kasama ang asawa. Asawa na lang niya ang hindi ko pa nami-meet. Isa na lang talagang milagro kung pati siya ay may asawang gwapo tulad ng kapatid niyang si Alice. Losyang itong manamit kaya malamang baduy din ang asawa niyo. 'Yong tipong hindi mo bibigyan ng second look. In short, pangit.

Nabubwisit pa ko sa ingay ni Debbie na kumain. No doubt kaya mataba ay parang patay-gutom kung kumain. Kadiri. Ang nakakabuwisit pa ay nagtatawanan sila ng gwapong si Paeng. Ang asawa niyang si Paeng na siyang stepson ko. Kainis. Hindi sila bagay. Kahit galit ako kay Paeng ay nakakaramdam ako ng inggit sa kanyang asawa.

Ako itong maganda at sexy pero tigang na tigang at hindi nadidiligan gabi-gabi. Argh! Buwisit talaga.

Napatingin ako kina Alice at Leandro. Gotcha! Nakatingin sa nag-aalsahang dibdib ko si Leandro. Nakaka-turn on talaga ang pagiging pilyo nito. Napansin niya sigurong nakatingin ako sa kanya kaya nag-angat siya ng tingin. Imbes na ma-guilty siya dahil nahuli ko siyang malagkit na nakatingin sa suso ko ay ngumisi pa ang mokong. Sabay higop ng sabaw.

Kanina pa kami ganito ni Leandro. Malagkit na tinitingnan ang isa't isa. Kanina pa nga ko basa dahil sa mga titig niya. Pero nag-iingat din kami dahil baka mahalata kami nina Abner at Alice. Mahirap na.

Panigurado akong isa lang ang nasa isip naming dalawa. 'Yon ay kung paano pumuslit at masolo namin ang isa't isa. Grabe. Ang landi-landi ko talaga. Isipin ko pa lang na magsi-sex kami ng asawa ng isa sa mga buwisit kong babaeng anak-anakan ay parang naglalawa na ang kepyas ko. Masarap ang thrill.

Kailangang masolo ko si Leandro...

----------

HENRY's POV

Sinigurado kong naibilin ko na lahat sa mga tao ko sa shop ang mga dapat gawin sa mga susunod na araw habang wala ako rito. Sasamahan ko kasi ang asawa kong si Lulu sa reunion na in-organize ng biyenan ko sa isang resort. Ginawa ito ng bayaw ko para mas lalong maging close ang mga anak niya sa bago niyang asawa.

Ang stepmom ng asawa ko na hindi ko pa rin nakikita hanggang ngayon. Simula nang makilala ito ng asawa ko ay wala ng sinabing maganda ang asawa ko tungkol sa babaeng ito. Sinabi niyang gold-digger ito at tanging pera lang ng pamilya nila ang kailangan ng babaeng ito.

Sinabi rin ng asawa ko na sa edad na twenty-one ng babae ay malabong magkagusto ito sa ama nila triple ang tanda rito. Ginamit lamang daw nito ang ganda at katawan para maakit ang biyenan ko.

Well, hindi ko masisisi ang matanda dahil matagal nang namatay ang asawa nito. Bago ko pa man makilala si Lulu ay wala na ang ina nito.

Maski ako ay maghahanap ng kalinga ng babae kung matagal nang walang mag-aasikaso sa pangangailangan ko. Buti na lang ay lagi akong pinagbibigyan ng asawa ko kapag umuungot ako sa kanyang mag-sex kami. Missionary style palagi. Kahit pa higit sa missionary style ang gusto ko ay okay na rin dahil nagagawa pa rin niya ang obligasyon niya bilang asawa ko.

Pero aaminin kong nabibitin ako. Kaya nanonood ako ng mga porn videos online. Kasama ko ang aking palad sa pagpapaligaya sa aking sarili. Ini-imagine ko na ginagawa sa akin ng asawa ko ang mga bagay na ginagawa ng mga babaeng nasa porn videos na pinapanood ko. Mga bagay na sa panaginip at pantasya ko lamang mararanasan. Pero nirerespeto ko ang asawa ko sa kanyang mga desisyon dahil mahal ko siya.

Pinaglaban ko si Lulu mula sa kanyang matapobreng ama. Nagsikap ako para patunayang kaya kong buhayin ang ang kanyang anak. Nakapagpatayo ako ng furniture shop para sa mga taong gustong magpagawa ng mga furniture na may kakaibang disenyo. Nagpi-paint din ako na binibenta ko sa tamang halaga. Masasabi kong kumikita ang shop ko na higit pa sa kung ano ang kailangan namin ni Lulu.

Kumukuha rin ako ng mga larawan ng mga nakikita kong magagandang tanawin. Masasabi kong isa akong nature lover at masaya ako kapag kumukuha ako ng larawan ng ating kalikasan.

Alam kong suportado ako ng asawa ko sa aking mga ginagawa kaya lalo ko siyang minamahal.

----------

LEAH's POV

Naramdaman ko ang pares ng bisig na pumulupot sa aking baywang.

Leah: Akala ko hindi ka na aakyat.

Nakikita ko mula rito sa bintana ng aming hotel room ni Abner ang pagligo niya sa dagat kasama ang kanyang mga anak. Kasama ko naman dito sa aming kwarto si Leandro.

Leandro: Pwede ba 'yon? Eh, kanina mo pa ko pinapasabik.

Naramdaman ko ang kanyang hininga sa aking tainga na nagpakiliti sa akin.

Leah: Nasaan ang asawa ko?

Leandro: Dito. Nakayakap sa 'yo. Honeymoon na tayo, babe.

Kinagat niya ang aking kanang tainga.

Leah: Mmm...

Tok! Tok!

Shit! Istorbo!

Si Debbie pala ang kumakatok at hinahanap na raw ako ng asawa ko.

Shit!

Leah: Si-sige. Susunod na ko.

Bumulong ako kay Leandro na nakapasok na ang kanang kamay sa loob ng panty ko.

Leah: Mmm.. Mamaya na natin ituloy. Baka maghinala sila?

Leandro: Putang tabachoy 'yan. Istorbo! Shit. Sige. Mauna ka nang lumabas bago ko.

Naramdaman ko pa ang pagpisil ni Leandro sa puwit ko.

----------

Kinagabihan...

Shit! Tinulugan naman ako ni Tanda. Buwisit! Hindi na nga kami nakakita ulit ng tiyempo ni Leandro ay hindi pa pala ko makakatikim ng titi ngayong gabi.

Bababa na lang ako sa dalampasigan para magpahangin dahil nabubuwisit ako.

Pagbaba ko sa reception area ng hotel ay may nakita akong lalaki na tingin ko ay hulog ng langit. Oh my gosh. Ang gwapo niya! Kausap niya ang isa sa mga receptionist at mukhang may tinatanong siya rito.

Ang ganda ng katawan niya na hulmadong-hulmado sa suot niyang T-shirt. Sexy. Ang firm ng puwit niya sa suot na pantalon. Ang sarap pisilin. At ang bukol niya sa harap ay parang nag-aanyaya na tikman ito.

Ngumiti siya sa receptionist matapos kausapin ito. Ang gwapo niya talaga. Pero hindi siya 'yong tipo ng lalaking gwapong-gwapo sa sarili kaya lalo siyang gumugwapo. Tinungo niya ang elevator. Hindi na ko nagpatumpik-tumpik at sumunod sa loob. Nagulat pa siya pagpasok ko, pero ngumiti rin siya uli. Pumuwesto ako sa gilid niya. Saka ko lang naalala na naka-bathrobe ako at sa ilalim nito ay ang suot kong nighties.

Nang sumara ang elevator ay langhap na langhap ko ang pinaghalong pabango niya at natural na amoy ng lalaki. Ganoon na lang ang pagpipigil ko na hindi siya rape-in sa loob ng elevator.

Pareho kami ng binabaang floor at hindi ko lubos akalain na roon siya sa pintong iyon papasok.

No... This is not happening...

----------

KABANATA 6

LEAH's POV

Buwisit!

Anong ginagawa ng gwapong lalaking 'yon sa kwarto ni Lulu? Don't tell me 'yon ang asawa niya. Argh! Kainis! Bakit ang gugwapo ng mga asawa nila ng ate Alice niya? Ano bang ginagawa nila at nabibiyayaan sila ng mga gwapong lalaki? Samantalang ako na maganda at sexy ay nagtitiis sa matandang hukluban na asawa ko.

Ang sarap manakit ng tao.

Oh, well. Choice ko naman kung bakit asawa ko ngayon si Abner. Pero hindi pa rin ako makapaniwala na mayroong asawa sina Alice at Lulu na mga lalaking biyaya ng langit. Naiinis ako. Naaasar ako!

Tiningnan ko ang asawa kong mahimbing na natutulog sa kama. Kaunting tiis pa. Kakayanin ko ito. Masisira ko rin ang pamilyang ito. Kailangan kong mag-focus sa totoong misyon ko kung bakit nandito ako ngayon sa kinalalagyan ko. Kailangan kong makaganti sa mga sakit at pagdurusang dinanas ko dahil sa pamilyang ito.

Pinatay nila ang lalaking mahal ko.

----------

Kinabukasan...

Tama nga ang hinala ko. Asawa nga ni Lulu ang hot na lalaking nakita ko kagabi. Si Henry. May-ari siya ng isang furniture shop at isa rin siyang artist. Hobby niya ang photography.

Kung oobserbahan ko ang bawat kilos ng mga taong ito ay mukhang hindi maganda ang relasyon ng asawa ko sa dalawa niyang lalaking manugang. Siguro ay dahil hindi ka-level ng estado niya ang estado ng mga ito sa buhay. Kung tama ang hinala ko, pwede kong magamit ang bagay na 'yon para sa pagsira ko ng pamilyang ito.

Leah: So, asawa ko, anong agenda natin today? Since kumpleto na tayo, umpisahan na nating kilalanin ang bawat isa ng mas mabuti.

Isa-isa kong tinitigan ang mga hilaw kong anak at ang mga hilaw kong manugang.

Grabe kung makakapit si Alice sa asawa niya. Parang linta. Oh, well. Hindi ko siya masisisi. Kanina pa kasi malagkit ang tingin ng mister niya sa akin.

Alam kong nabitin si Leandro kahapon. Maski naman ako. Pero mukhang masarap tuksuhin itong si Leandro. Patakamin. At kapag takam na takam na, doon ko siya gagamitin para masira ang pamilya niya.

Si Paeng ay masama pa rin ang tingin sa akin, as usual. Pero bagay ang nagsusungit kay Paeng. Lalo siyang nagiging hot sa paningin ko.

Si Debbie ay masyadong feeling close. Laging nakangiti sa akin. Siguro ay gusto niya talagang maging maayos ang relasyon ng pamilyang ito. Pero halata namang napipilitan lang siya at nakikipagplastikan sa akin.

Si Lulu ay masyadong tahimik. Siguro ay pinapakiramdaman ako. Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa. Napaka-plain niya. Ano ba ang nagustuhan ni Henry sa kanya? Oo. Maganda siya. Pero hindi agaw-pansin tulad ng ganda ko. Simple lang siyang mag-ayos. Hindi rin siya sexy tulad ko. Manang siya at losyang.

Nang si Henry ang titigan ko ay talaga namang naglapot ang loob ng hiyas ko. Saan ba galing ang lalaking ito at parang hinulog mula sa langit para pagsawaan ng aking mga mata, labi, mga kamay, at ng aking masabaw na tahong.

Ang mahirap kay Henry ay hindi siya makaramdam. Basa na ko sa kanya pero siya ay parang wala lang. Tuloy-tuloy siya sa pagsubo ng kanyang almusal habang nakikinig sa usapan namin. Hindi man lang niya tinangkang bosohan ang dibdib ko. Ni titigan ako ng malagkit ay hindi niya ginawa. Hindi katulad ni Leandro na kung titigan ako ay para akong isang masarap na pagkain.

Argh! Leche kasi si Lulu!

Kung wala rito si Lulu ay malamang nakipaglandian na itong si Henry sa akin. Hindi uubra sa akin itong pande-deadma niya. Mas lalo lang akong nagnanais na matikman siya dahil sa pagiging hard-to-get niya. Hindi ba niya alam na sa bawat kilos niya ay gwapo siya? Na naglalawa ako dahil sa kakisigan niya. Isa siyang masarap na putahe sa aking paningin. Gusto kong matikman ang lahat sa kanya.

Abner: Gusto ko sanang mag-ikot-ikot tayo rito sa resort. Mag-banana boat tayo pagkatapos. Basta gamitin natin lahat ng amenities ng hotel at resort para makapag-bonding tayong lahat.

Ewww! Makikipagplastikan talaga ko sa mga ito. Kadiri talaga. Kay Henry ko lang naman gustong maging close.

Leah: That sounds so great, asawa ko. Ngayon ay may pagkakataon na talaga kong mas makilala pa ang mga anak ko.

Yuck! Nakakasuka!

Debbie: Buti na lang talaga at naisipan niyo ang ganitong bagay, Papa. At least matatapos na ang hidwaan sa pagitan ng bawat isa.

Ewan ko sa 'yo. Tabachoy!

Paeng: Gusto niyo bang mag-billiard tayo, Papa? Isama natin sina Leandro at Henry.

Napaangat ang ulo ni Henry mula sa pagngasab ng alimangong nakahain sa harap nito. Napakasarap tingnan ng labi nitong may sabaw-sabaw pa. Ang sarap sipsipin mula sa labi nito.

Henry: Gusto ko 'yan, bayaw. Sama ka, Honey.

Hinawakan nito ang kaliwang kamay ni Lulu at hinalikan.

Lulu: Amoy-ulam na 'yang kamay ko, Hon. Hindi ka man lang nagpunas ng kamay at bibig.

Biglang na-conscious si Henry at nagpunas ng labing tatawa-tawa.

Henry: Okay na, Hon. Kiss muna ko.

Tinampal ng mahina ni Lulu ang kaliwang pisngi ni Henry.

Lulu: Mag-toothbrush ka muna.

Nagtawanan silang lahat. Syempre kailangan ko ring tumawa. Pero sa loob-loob ko ay corny pala itong dalawang ito. Oh, well. At least gwapo si Henry. Pero itong si Lulu ay nakakainis. Ang sarap burahin ng ngiti sa labi niya.

----------

Kinahapunan...

Nakahiga ako sa lounge chair sa tabi ng pool habang masayang nagkukwentuhan sa katabing table ang dalawa kong anak na babae at ang babae kong manugang. Nakakasuka talaga.

Katatapos lang namin mag-swimming at ngayon ay nagpapahinga kami. Nagkukunwari akong tulog habang nakikinig sa kanila.

Debbie: So, how's your married life, Lulu? Nagbabalak na ba kayong magkaroon ng anak ni Henry.

Lulu: Oo. Nasa plano namin 'yon. Gustung-gusto na naming magka-baby.

Alice: Inaaraw-araw niyo ba, sis?

Lulu: Gusto nga ni Henry araw-araw, pero hindi ko talaga kaya. Mahirap magkaroon ng asawang masyadong mahilig.

Nagtawanan ang tatlong buwisit.

Hmmm... So sexually active pala si Henry. Hindi pala ko mahihirapang akitin siya. Oo. Tama ang nabasa niyo. Aakitin ko siya. At magtatagumpay ako.

----------

PAENG's POV

Kanina ko pa napapansing panay ang tanong nitong si Leandro kay Papa tungkol kay Leah. Bakit ba masyado siyang interesado sa stepmother ko?

Leandro: Ano ba ang dating trabaho ni Leah...I mean ni Mama Leah, Papa?

Abner: Dati siyang modelo ng isang modeling agency na pagmamay-ari ng mga Montecillo. Nakilala ko siya sa isang event na in-organize ng office namin at doon kami nagkapalagayan ng loob. Pero pinatigil ko na siya sa pagmo-model. Sabi ko ay kung gusto niyang maging model ulit, dapat mag-pose na lang siya sa harap ng camera at dapat kilala ko ang photographer.

Umakbay si Leandro kay Henry.

Leandro: Tamang-tama pala. Photographer itong si bayaw.

Inalis ni Henry ang bisig ni Leandro na nakapatong sa balikat niya.

Henry: Kalikasan ang kinukuhanan ko. Hindi tao.

Leandro: Sino ba nagsabing ikaw? Ako naman ang kukuha. Kailangan ko lang ng sideline. Tuturuan mo lang ako. Okay ba 'yon, Papa?

Napailing ako. Ano kaya ang pinaplano nitong si Leandro? Wala akong tiwala sa kanya.

----------

to be continued...