TIWALA 1 - INGGIT AT PANIBUGHO

Hello po mga dear readers / lagablaberz - ito ay isang true to life story na Ang mga karakter sa istoryang ito ay mga totoong nabubuhay na tao at iniba ko lang ang kanilang pangalan, propesyon at mga lugar na pinangyarihan. Dinagdagan lang ng konting mga anggulo at situwasyon para sa ikakaayos ng takbo ng kuwento. Pasensya na din po at walang masyadong erotic o detalyadong sex ang kuwentong ito. Sana ay magustuhan niyo.

Sabay sa batch ng labindalawang Inhinyero si Richard at Elmer na nakapasok sa isa sa pinakatanyag na engineering at construction na kumpanya. Parehong masipag kaya lamang agad sila sa mga nakasabayan ... parehong umangat ang posisyon sa ilang taon pa lang,

Dahil sa pareho din may hitsura at makikisig ay marami ding babae sa opisina o sa field kung sila ma assign ang humahanga ... si Elmer ang may pagkapalikero kaya sya ang nagsamantala sa mga paghanga na yun ... samantalang si Richard ay isa lang ang napupusuan sa opisina nila, siya ay si Arianne.

Isa si Arianne sa mga magaganda sa opisina nila at nasa top three ng listahan ng mga kakalalakihan pagdating sa kaseksihan ... pero ng panahon na yun ay may boyfriend ito ... kaya si Richard ay panay paghanga na lang muna ... hindi nya ugali ang manulot ... si Elmer ay may pagtingin din kay Arianne, maski may boyfriend ito ay dumidiskarte pa din.

Kilala si Elmer sa pagkapalikero nito kaya hindi rin naman sya pinapansin ni Arianne ... naging magkaibigan si Richard at Elmer pero mas masasabi na sa professional na lebel lang ... si Elmer ay nakakaramdam na si Richard ang kanyang magiging mahigpit na competition sa hinaharap ... habang tumatagal ay nakikita ng mga matataas na manager ang potential ni Richard na malamang sya ang makaabot ng kinalalagyan nila ngayon ... doon lumalakas ang kaba ni Elmer kay Richard at nag umpisang manibugho ito sa kasamahan nya.

Graduate si Elmer sa sikat na engineering school at maraming matataas na managers nila ay graduate din sa eskuwelahan na yun ... bukod doon ay may ilang koneksyon ang tatay nya at isa doon ang stockholder ng kumpanya ... yun ang ginamit ni Elmer para maungusan nya si Richard na ngayon ay under na nya ... karamihan ng matataas na managers ay hindi natuwa sa pagkakakuha ng posisyon na yun ni Elmer, dahil may dalawa pang inhenyero na nauna kay Elmer na isa dapat sa kanila ang nakakuha ... nag resign tuloy ang isa at ang isa naman ay pinigilan dahil sabi ay magkakaroon ng expansion ang kumpanya at maghintay lang.

Naungusan man si Richard sa posisyon ay meron naman syang ibang nakuha ... ang pag-ibig at puso ni Arianne ... tahimik lang na niligawan ni Richard si Arianne ... dahil minsan na assign sya sa Cavite ... nagkataon na nag leave ng ilang araw si Arianne at umuwi sa Cavite ... broken hearted dahil nahuli ang boyfriend na two timer pala.

Napansin ni Richard si Arianne sa isang park at habang katatapos nya lang mag survey ... kita nya ilang beses nagpunas ng panyo sa may mata ... alam ni Richard na umiiyak ito ... linapitan nya ... biniro ...

"Hay bakit umiiyak ang magandang babae ... baka pumangit" ...

Napatingin si Arianne ... para naman nagliwanag ang mundo nya sa biro at ng makita si Richard ... meron din paghanga si Arianne kay Richard pero syempre di nya pinapansin ang nararamdaman sa lalaki dahil nga may BF sya na mahal na mahal nya noon ...

"Okay lang na pumangit, hindi naman na-apreciate" sagot ni Arianne ...

Doon nagsimula ang magandang kabanata sa kanilang dalawa at di umabot ang isang taon ay nagpakasal ang dalawa ... pero bago nagpakasal ay may sinabi si Arianne kay Richard ...

"Sweetheart, buong buo kung ako ay magmahal, sana ay huwag mo akong bibigyan ng ikakasama ng loob gaya ng ginawa ni Dennis sa akin, dahil tandaan mo ito ... baka hindi ko na alam ang gagawin ko pag ginawa mo sa akin yun" ...

"Makakaasa ka Arianne, buong buo din ang pagmamahal na ibibigay ko sa iyo" tugon ni Richard.

Nanibugho si Elmer sa pagkakawagi ni Richard kay Arianne ... dahil may pagtatangi din talaga ito para kay Arianne ... parehong pinagtaniman ng galit ni Elmer ang dalawa ... noong una ay balak lang talagang tikman ni Elmer si Arianne dahil sa ganda at kaseksihan nito ... pero ng lumaon ay gusto nyang seryosohin si Arianne dahil hindi sya yung easy girl at sya ang tipo ng babaeng papakasalan ...

Hindi nya nalaman na nagbreak si Arianne at ang dating BF ... at si Richard pala ay nakakaungos na sa puso ni Arianne ... at isa pa ay wala na din syang magagawa dahil dalawang buwan ang nakakaraan ay pinakasalan ni Elmer sa isang simpleng seremonya ang isa sa mga girlfriend dahil sa buntis ito ... kung hindi pa umalingawngaw ang tsismis na nagpakasal ito ay hindi malalaman ng kasamahan ng kumpanya na ikinasal na ito ...

Ngayon wala na syang inisip kung hindi bigyan ng pasakit si Richard at matikman na lang si Arianne ... sige magpakasaya ka Richard, may araw ka din sa akin dahil ang mga susunod na mga gagawin ko ay unti unting magaalis ng ngiti sa mukha mo, nasabi ni Elmer sa sarili habang pinapanood ang mga kaganapan habang nasa reception ng kasal.

Sa honeymoon naman ay talaga naman todo bigay ang performance ni Richard sa sex ... marami ding karanasan sa sex si Richard dahil may hitsura nga din ito ... pero kung sino ang partner o girlfriend nya ay yun lang ang kanyang ka sex ... hindi sya nagsasabay sabay ng partners o girlfriend ...

Sinabi naman ni Arianne sa kanya na bukod sa certified virgin sya ay talagang si Richard pa lang ang unang nakakita ng hubad nyang katawan ... pero nagulat din si Richard sa performance ni Arianne ng honeymoon nila ...

Honey medyo magaling ka din ha ... Ngumiti si Arianne  ... sweetheart baka kung ano ano iniisip mo ha ... ilang buwan bago tayo ikinasal ay marami din akong binasa na libro at natanong na mga kaibigang babae sa mga tips kung paano magpaligaya ng partner ...

Hmmm kaya pala, pasado na din for a certified virgin ... mamaya ay may binulong si Arianne ... sweetheart, alam mo maski pa ano ang mga nabasa ko at nakuhang tips ... eh ibang iba pala sa actual na ginawa natin ... napakasarap ng sex at napakagaling mo din ha ...

Satisfied ka ba honey sabi ni Richard dahil medyo nasaktan ka pa ngayon pero sa mga susunod ay siguradong mas masarap pa dahil wala ng sakit ... super satisfied sweet sa umpisa lang naman yung sakit ... pero ikaw ha dami mo na din kasing napag praktisan dati ano sabay kurot ni Arianne sa ilong ni Richard ... Hahaha aray masakit honey ... matagal na yun ikaw naman ... Binitawan ni Arianne ang ilong ni Richard at yinakap nya ito ... sweet ako na lang ha bigkas ni Arianne ... Pangako honey, you only.

TBC...