TIWALA 10 – KUWENTONG BARBERO

Naputol ang linya.

Tinawagan muli ni Richard si Arianne at sarado na ang telepono nito.

Dinig ni Elena lahat ng sinabi ni Arianne ... at kita nyang may tumulo ng konti na luha sa mata nito ... pinunasan ni Arianne ang luha at magulo ang isip nya pero ang huli nyang narinig kay Richard ay Korea ... huminga ng malalim at nagtungo na sa loob ng restaurant.

Si Elena ay tumakbo at dumaan sa ibang pintuan ... nauna pa sya sa mga upuan at alam nya nagpunta ng banyo si Arianne ... ilang sandal ay bumalik na si Arianne.

Ang tagal mo naman best sino ba tumawag sa iyo ...

Ah sa bahay lang best may binalita lang tungkol sa kamag anak namin ...

May gustong sabihin si Elena pero pinili na lang niyang manahimik muna.

Tuloy ang kasiyahan sa birthday ... okupado nila ang isang function room ng restaurant kaya okay lang na mag ingay sila at di naman gaanong nakaka istorbo sa ibang mga customer ... Napansin ni Elena na ang bilis uminom ng alak ni Arianne ...

Si Arianne ay may napapansin ... di naman kalayuan sa mesa nila ... Si Elmer umiinom pero mukhang hindi masaya ... at sa tingin ni Arianne ay di nakikipag usap ... tahimik ito ... sabagay sya din ay hindi masaya pero pilit na sumasabay sa kasiyahan at buti madaldal din si Elena kaya nalilimutan nya ang problema ...

Maya maya lang ay lumabas si Arianne sandali dahil may kakausapin sa telepono at naghanap ng tahimik na lugar ... doon nya napansin ulit si Elmer ...

Si Elena naman ay ang nobyo nyang si Anselmo ang kausap kaya hindi napansin ang paglabas ni Arianne.

Saan ka na Anselmo, ang tagal mo naman ...

Malapit na kami, heto na nga kami ni Sir Luis sa paradahan ...

Pumunta si Elena sa paradahan.

Paano kayo nagkasabay ni Sir Luis tanong ni Elena sa kasintahan ...

Hindi napansin ni Elena pero sumenyas si Luis kay Anselmo ng tahimik lang kung saan sila nagkita ... dahil si Anselmo pala ay nagsabi na kay Sir Luis na payag na siyang testigo tungkol sa mga pay slip at isinama din sya kay Agent Manzano para magbigay ng salaysay.

Ay babes nakita ako ni Sir Luis sa may sakayan ng jeep papunta dito kaya sinabay na nya ako ...

Ah sweetheart una ka sa loob kakausapin ko lang si sir Luis ...

Ah sige, gutom na nga ako eh ...

Sir kausapin pa daw kayo ng baby ko ...

No problem Anselmo ... tugon ni Luis ...

Sir Luis ... personal ang pakay ko ... sana kung anuman ang alam nyo ay gusto ko lang tulungan si Arianne at dahil alam ko malapit si Richard sa inyo ...

O ano naman ang maitutulong ko sa mag asawa ...

Kanina po narinig ko mataas ang boses ni Arianne at sinisigawan din nya si Richard habang magkausap sila sa telepono ... narinig ko po mga litrato at pambabae ... meron po ba kayong alam kung nasaan si Richard ? ...

Napahinga ng malalim si Luis.

Dyaske ka iha, gusto ko mang confidential ito pero sige na nga at baka makatulong ka sa pagliliwanag ng isipan ng best friend mo ... halika sakay tayo sa kotse at mag usap tayo ...

Sa loob ng kotse.

Elena, hanggang ngayon ay confidential ito dahil tinutulungan ko si Richard para ma solve ang problema nya sa asawa nya dahil sa mga litratong ito ...

Ipinakita ni Luis kay Elena ang mga litrato ... nang makita ni Elena ang litrato at mga email ng nagpadala.

Eh sir, nakita ko na yan ... ipinakita ni Arianne sa akin ...

Sa tingin mo ay ganoong katanga si Richard na magpapakuha ng litrato kasama ang babae kung mangbababae sya ...

Naku sir, litrato ito, paano nga mapapatunayan na mali ang litrato ...

Kaya nga iha, ipinadala na namin sa imbestigador ang mga kopya at sabi ay pwedeng niretoke ang mga litrato pero sana ay makita nila ang litratong sinasabi ni Richard na solo lang sya sa dalawang litrato na ito at dito sa beach ay lalaki ang katabi nyang natulog ... Si Richard ay nagpunta pa ng Korea para hanapin si Mr. Yoon na consultant natin dahil sigurado sya na doon sa camera ni Mr. Yoon lahat ang orig na litrato nya ...

Naku nag abroad pa pala si Richard dahil dyan ... mabigat pala ang hinaharap ng mag asawa kung ganoon ...

Kaya ikaw ay medyo kausap usapin mo ang kaibigan mo at pagsabihan mo na maging kalmado at huwag gagawa ng aksyon na ikakasama pa lalo ng situwasyon ...

Sasabihin ko bang nagpunta sa Korea ang asawa nya ...

Maganda kung sasabihin mo at huling tawag sa akin ni Richard ay nakuha nya ang camera ...

Sige sir at ng masabi ko ang ginawa ni Richard at baka ano pa maisipan ni Arianne, dahil mas marami pang ininom ito kaysa kinain ...

Hindi alam ni Elena na habang nasa labas sya ay sinundan ni Arianne si Elmer sa may labas lang ng function room.

Nasa may bintana si Elmer, parang nakatingin sa kawalan ... pero nangiti sya dahil tama ang hinala nya ... natuwa sya at ngayon sa gilid ng kanyang mata ay nakita si Arianne na palapit ... kinagat ni Arianne ang kanyang acting ... mapasama ko lang ito at mapainom ng marami ay siguradong matitikman ko ang kaseksihan nito ...

Oh Sir Elmer, mukhang di ka enjoy sa party ...

Kunwari ay malalim talaga ang iniisip kaya hindi nya napansin si Arianne ... tinapik tuloy sya ni Arianne sa balikat.

Uy Arianne nandyan ka pala ...

Mukhang malalim iniisip mo sir at di mo ako napansin at ang sinabi ko sa iyo ...

Ha paki ulit na lang Arianne, sorry ha ...

Obvious di ka enjoy sa party at mukhang wala ka dito sa mundong ito Sir ...

Pasensya na Arianne ... magulo lang isip ... gusto ko ng tahimik kaya nag iisip ako kung saan ako pupunta ... ayaw ko pang umuwi sa bahay dahil lalo lang akong mapapaisip ...

Actually ganoon din ang nararamdaman ko sir Elmer ... nag try akong mag enjoy sa party para mawala yung iniisip ko pero nandoon pa din ... ayaw ko pa din umuwi ng bahay dahil kapareho mo ay mapapaisip lang ako ... gusto ko pag uwi ko ay patulog na ako ...

So ano plano mo Arianne ...

Well last week you did me a favor, nalibang mo ako at naging maganda ang tulog ko kahit may iniisip akong problem ... although until now ay may iniisip pa din ako ... kung okay lang sa iyo bakit di ka mag isip kung saan may lugar na hindi gaanong maingay ... makapag usap tayo para ma share ang mga mabibigat na isipin ...

Naku Arianne, gusto ko suggestion mo ... pero okay lang sa iyo na iwan na ang party na ito ...

Okay lang sir Elmer at di rin ako maka enjoy dahil sa iniisip ... at lalong gumugulo isip ko sa lakas ng sounds ...

Okay Arianne, hope you understand kung papalakarin kita hanggang doon sa unang makikita mo na gasoline station ... you know baka matsismis ...

I understand very well Sir Elmer ...

Lumakad na si Arianne at di naman kalayuan ang gas station.

Si Elena at kasunod si Luis ay nagdaan sa pinto ng galing sa parking ... si Elmer ay dumaan sa main entrance kung saan din lumabas si Arianne ... ilang minuto lang ay narating na ni Elmer ang kinaroroonan ni Arianne at isinakay na nya ito ... hindi napansin ni Elmer na may bumuntot na sasakyan sa kanya mula ng umalis sya sa parking ng restaurant.

Si Elena naman ay nawala sa isip nya si Arianne dahil sinamahan ang kanyang nobyong si Anselmo habang kumakain ... kumakain na din si Luis ... ng mapalingon si Elena sa lugar kung saan sila naupo ni Arianne ay nagtaka ito ... wala si best friend ko baka nag CR.

Habang kumakain ... si Luis naman ay nakatanggap ng tawag kay Agent Manzano.

O padre mukhang masaya dyan sa lugar mo ha nakatawang sinabi ni Agent Manzano ...

Oo birthday ng isang kaopisina na abogado ...

Sabihin ko lang pare na yung mga susubaybay kay Elmer Suarez hanggang linggo ng gabi ay ready na ... limang tao yun at magpapalit palitan ... gaya ng usapan ay magdadala sila ng camera, video at voice recorder kung may pagkakataon na makalpit ...

Mabuti naman padre at ng makakuha tayo ng mas magandang ebidensya at mga kasabwat sa anomalya nya ... maraming salamat maski hindi nyo trabaho ay tumutulong ka din.

Sabing okay lang pareng Luis, to keep yung mga bakantent tao ko in shape pag wala masyado kaming trinatrabaho ... okay medyo papatayin ko ang cellphone ko ng matagal dahil may operation kami ... ako na lang tatawag sa iyo sa update ...

========

Isang oras ng naglalakbay sa himpapawid si Richard.

Bago sumakay si Richard ng eroplano nya pabalik ng Pilipinas ay ilang beses nyang sinubukan tawagan si Arianne ... talagang patay ang telepono.

Tumawag din sa mga magulang ni Arianne at sinabi nga ay nasa birthday ito ng kaopisina ... sinabi nya sa mga biyenan na meron na syang ebidensya na magpapasinungaling sa mga litrato pero hindi nya sinabi na nasa Korea sya ng mga oras na yun ... Naku iho salamat naman para magkaayos na kayong mag asawa ... sige sasabihin din namin kay Arianne kapag nakontak namin o pag uwi nya ... ang mga sinabi ng biyenan niyang babae.

Tinawagan din ni Richard si Elena ... nag ring lang ang telepono nito.

=======

Si Elena pala ay ikot na ng ikot ng mga oras na yun dahil sa paghahanap kay Arianne ... walang nakapansin kay Arianne kaya di alam kung saan nagpunta ito ... kinabahan din si Elena dahil hindi rin nya makita si Elmer ... ayaw nyang magtanong sa mga kaopisina kung nasaan ito.

Gaga ka friend ... kung anuman iniisip mo ay linawan mo ang pag iisip mo ang nasabi ni Elena sa sarili ... dahil malakas kutob nyang magkasama ngayon si Elmer at Arianne ... nakita ni Elena na may miss calls sya pero walang number ang nakalagay kaya hindi nya alam kung paano tatawagan ito ...

=======

Sa isang inuman na medyo class pero tahimik dinala ni Elmer si Arianne ... nag komento pa si Arianne.

Sir Elmer maglalabasan lang tayo ng sama ng loob ay dito pa sa mamahalin ...

Okay lang Arianne ... para maiba ang mood ko, gusto kong magpakasaya at lumimot ... at saka ang ganda ganda ng date ko at sexy pa ... bakit sa pipitsugin ko dadalhin ...

Sus naman Sir ...

Arianne tayo na lang ulit dalawa ha ...

Sorry Elmer, sasabihin ko lang na konti pa lang nainom mo kanina sa party ay bolero ka na ...

Naku Arianne, yung kagandahan at kaseksihan mo nakainom man o hindi ang isang lalaki ay siguradong yun ang sasabihan ...

Nagkatawanan sila ... pumasok na sila at namili si Elmer ng isang sulok na malayo sa ibang customer ... dati na syang nagpupunta doon kapag may mga prospect na babae at gusto niyang magpa impress ... hindi din ito napupuno masyado maski biyernes pa ...

Nag order na ng maiinom si Elmer at di naman daw gutom si Arianne dahil kumain sya ng konti sa party ...

Baka malakas yang inorder mo Elmer, alam mo naman hanggang sa matapang na ladies drink lang ako ...

Huwag kang mag alala at matamis ang mga yun ... di mo malalasahan ang tapang ng alak ...

Nagkuwentuhan muna sila ... nasabi ni Arainne na okay nga ang lugar at tahimik ... light o soft lang ang music at nakaka relax.

Pumasok na din ang isang ahente ni Agent Manzano at pilit na pumuwesto sa di kalayuan kina Arianne ... kaso ay di masyadong dinig ang usapan ng dalawa ng testingin nya ang microphone at voice recorder ... mahihirapan syang mas lumapit pa dahil napa konti ng tao ...

Si Arianne dahil mestisa ay kita agad ang pagkapula ng mukha nya ... Naisip naman ni Elmer na umpisahan na ang kanyang balak kay Arianne ng makadalawang round na sila ng inumin.

Arianne minsan natanong mo ako bakit ko nagagawa bilang lalaki na tumingin pa sa ibang babae o mag girlfriend pa ng iba at meron na naman akong girlfriend o partner ng oras na yun ...

Naalala ko nga Elmer, palagay ko natanong ko sa iyo yan noong martes lang ng nag dinner tayo ...

Ako naman ang magtatanong Arianne ... hindi ko naman nilalahat ... sa tingin mo bakit nakukuha ng babae na tumingin pa sa ibang lalaki eh meron na syang partner sa kasalukuyan ...

Napansin ni Elmer na mukhang nalungkot si Arianne ... pero ng makita nyang naghihintay pa si Elmer ng sagot ay ngumiti ito ng pilit.

Elmer kung may hindi magandang ginagawa ang lalaki sa babae ay siguradong titingin o maghahanap ito ng ibang lalaki ... pero konting pangyayari lang ang ganyan sa parte naming mga babae dahil bihira naman ang playgirl dito sa Pilipinas dahi na din sa kultura natin ... karamihan martir ... Bakit mo naman naitanong ang ganyan Elmer ...

Alam mo Arianne lately naging close na tayo, siguro pwede ko ng mailabas ang niloloob ko at ng mabawasan ang bigat ...

Okay, kaya nga ako na ang nagyaya na umalis sa party dahil pansin ko nga na problemado ka ...

Kung naalala mo sabi ko dati ay pupunta ako sa site tapos dadaan ako sa Bacolod ... sosopresahin ko sana ang misis at anak ko ... eh ako pala ang nasopresa ...

Ha anong sorpresa Elmer ... Malapit na ako sa bahay namin ng makita ko ang misis ko na lumabas ng gate namin ... napakas sexy ng suot at sumakay sa isang kotse ... di nga nya ako napansin na nakatayo sa kanto at kita ko na dating mangliligaw nya ang kasama ... gusto kong sundan pero parang gumuho ang mundo ko ... napasandal ako sa poste ... ilang minuto ay may lumapit sa akin, kababata ko ... sabi nya Elmer, mabuti at nakita mo dahil ayaw naming mag tsismis sa iyo ... dati ay sa kanto lang daw nag aabang yung lalaki pero kalaunan sa harap na ng gate namin tumitigil para sunduin at ihatid si misis ...

Napansin ni Arianne na parang nangingilid ang luha ni Elmer ... nahimas sandali ni Arianne ang balikat ni Elmer.

Syempre Arianne, maski sinabing madalas nga na ganoon pag wala ako ay wala naman ibig sabihin yung ang sabi ko sa kababata ko ... Sinabi lang sa akin na sige, mukhang sorpresa ang pagdating mo dahil pansin namin pag nandyan ka ay hindi nagpupunta ang lalaki ... pero ngayon ay di ata alam ang pagdating mo ... kaya dumito ka sa amin ... hintayin mo para makita mo din kung gaano sila katagal magkasama ...

Dahil sumama ang loob ko ay doon na lang ako namalagi sa bahay kababata ko ... gusto ko man makita ang anak ko ay di ko na ginawa ... nagpa inom ako ... at dumating din yung kumpare ko na may taxi ... sinabi nya na minsan nasundan nya ang kotse nila at pumasok sa isang lodge ... at mga anim na oras namalagi dahil ng lumabas ang kotse ay eksakto papasok sya ng lodge ng may nagpahatid na pasahero ...

Arianne, iniisip ko nakakarma ako pero nagloko lang naman ako ng binata pa o wala pa akong asawa noon ... ng magka asawa ako ay nagbago na ako ...

Pinapawisan si Elmer maski malamig ang aircon dahil ang hirap mag kuwento ng imbento nasabi nya sa kanyang sarili ... Kanina ay humawak lang si Arianne sa balikat ni Elmer pero ngayon ay marahan niyang hinihimas ito.

Sinabing huwag mong sisihin ang sarili mo ... hindi mo hawak ang pag iisip ng ibang tao ... kinausap mo na ba asawa mo Elmer ...

Hindi pa ... ayaw kong magkausap kami ng araw na yun lalo na at mahigit anim na oras ng ihatid nya asawa ko sa bahay namin ... baka kung ano lang ang magawa ko ... palipas muna ako at magiisip mabuti ng gagawin at maguusap kami sa linggo ...

Tama Elmer para mas mahinahon ka at makapag usap kayong mabuti ...

Pero biglang nalungkot naman si Arianne ... nagpapayo siya sa iba pero ganun ba ang ginawa nya para sa asawa, mahinahon ba sya, nakipag usap ba sya mabuti kay Richard.

O Arianne, sad ka na naman ... di ba sabi mo ay may isipin ka din ... baka pwede mong I share ...

Nag alangan si Arianne pero nagkuwento na din.

Sige Elmer, tutal sabi mo nga lately naging close tayo tapos kanina lang ay ang open up ka sa akin ... siguro tama din na magsabi din ako ng niloloob ko, lalo na at ikaw ang boss ni Richard ...

O ano ang tungkol sa inyo ni Richard ...

Parang katulad naman ng ginawa ng misis mo ang ginawa ni Richard ...

Ha, luko luko asawa mo kung ganoon ... eh dalawang taon pa lang kayong kasal tapos magloloko na sya ... paano mo nalaman.

Kinuha ni Arianne mula sa kanyang bag ang sampung litratong na print nya ...

Tinignan ni Elmer mabuti.

Akalain mo sa isang star dancer sa club ka nya pinagpapalit ...

Kilala mo ba ang babae Elmer ...

Alam mo Arianne, di naman sa nagmamalinis ... syempre alam mo naman na nagpupunta kami sa beerhouse ... pero dapat katuwaan lang yun ... sigurado naman di mo pagseselosan kung may table na babae ang asawa mo ...

Oo naman naintindihan ko yun pero ang mag girlfriend at lagi nyang kasama habang nandoon sya ... tapos ako martir na naghihintay sa kanya ... eh sobra na yun ...

May hitsura ang babae pero di hamak naman ang layo ng ganda mo Arianne ... tapos sasabihin ko mas sexy ang babae pero konting konti lang ang lamang sa kaseksihan mo ...

Kaya nga inis na inis ako Elmer ... gusto ko mang magpakahinahon ... pero ang daming pumapasok sa isip ko ...

Biglang sumenyas si Elmer sa waiter ... isang round pa sila ng inumin ... paglayo ng waiter ay nagpaalam na magbabanyo lang ito ... pero ang totoo ay hinabol ang waiter at sinabi na yung timpla ng ladies drink ay itulad na lang sa mens drink ...

Ng bumalik si Elmer ay nandoon na din ang inumin nila.

Ano nga pala ang sinasabi mo kanina Arianne ...

Sabi ko ay gusto kong magpakahinahon pero daming pumapasok sa isip ko lalo at naiisip ko na dancer lang yun ... ayaw kong minamaliit ang isang tao pero kapag ikaw pala ang involve ay di mo mapigilang mag isip ng ganoon ...

Hindi mo pa ba kinausap si Richard ...

Actually Elmer, mula ng matanggap ko ang mga litrato na yan ay hindi na kami halos nag uusap ...

Oo nga pala, kumusta yung mata nya Arianne ...

Ah Elmer, huwag ka sanang magagalit ... hindi ko alam talaga kung bakit sya nag leave ... sinabi ko lang yun dahil di ko alam na mag leave sya at hindi na nga kami nagkakausap ...

Ha, naku sige okay lang ... kung ako ang nasa katayuan ni Richard at may hindi magandang situwasyon sa asawa ay makaka isip din ako mag leave ...

So ano huling pinag usapan nyo ...

Eh binigyan ko sya ng taning hanggang kaninang alas sais ng gabi na pasinungalingan ang mga litrato ...

Naku eh litrato ito, paano nya papasinungalingan ...

Yun na nga Elmer, at kanina bago mag alas sais ay nagkausap kami ... sinasabi nya na bigyan ko pa sya ng konting oras dahil kaya nyang pasinungalingan ang litrato ... Dahil inis ako kanina Elmer, sinabi ko na malapit ng lumipas ang taning nya ... na binigyan ko sya ng pagkakataon na aminin ito bago mag alas sais at ... magkakasira kami pero hindi ko isasarado ang pinto sa kanya ...

O ano sinagot ni Richard ...

Napaluha ng konti si Arianne ... nagmatigas at wala syang aaminin ... nagpalitan pa kami ng mga salita saka ko sya binabaan ...

Si Elmer naman ngayon ang humimas sa balikat ni Arianne.

Pambihira naman si Richard Arianne, binibigyan mo na nga ng pagkakataon tapos hindi pa nya tinanggap ... eh wala naman syang lusot sa mga litrato na hawak mo ...

Pansin ni Elmer na mabilis naubos ni Arianne ang alak na nasa baso ... lihim na sumenyas ito sa waiter ng makitang nakatakip ang kamay ni Arianne sa mga mata ... umorder muli ng alak si Elmer ...

Ano na ang plano mong gawin Arianne ...

Ewan ko Elmer, magulo ang isipan ko ngayon pero at least gumaan ng konti ang pakiramdam ko ng mailabas ko niloloob ko ...

Dumating ang alak ... medyo may tama na kay Arianne ang mga naunang ininom ay nag alala pa din sya ng makita ang bagong dating na order ni Elmer.

Naku Elmer, last na ito ha ... kung tatagal pa tayo ay iba na ang iinumin ko ...

Well Arianne kaya ako umorder pa ay parang congratulate lang natin ang mga sarili natin ... at least di nasayang ang pag alis natin sa party ... at least gumaan ng konti ang mga loob natin sa pag share ng mga thoughts at isipin natin ...

Napatawa ng malakas si Arianne ... sa isip ni Elmer ay ... ayos medyo tumatama na ang alak kay Arianne.

Ahahaha ... nakakatuwa ka Elmer celebrate ang paglabas ng sama ng loob.

Well at least may dahilan ang pag inom natin ...

Sige na nga at agree na ako sa sinabi mo ...

Cheers Elmer ...

Cheers Arianne ...

Napatawa muli ng malakas si Arianne ... sinabayan naman ni Elmer ng pagtawa ni Arianne.

Talagang yari ka sa akin ngayong gabi Arianne ... matitikman na din kita sabi ni Elmer sa isipan.

Muling hinawakan ni Elmer ang mga litrato at tinignan ito ... Napatingin si Elmer kay Arianne.

Kung ako asawa mo ay hindi ko magagawa sa iyo ito Arianne ...

Napainom si Arianne kalahati agad ng baso ang naubos.

Kaso hindi ikaw ang asawa ko Elmer at nagawa ng asawa ko talaga ...

Ano plano mong gawin sa situwasyon na ito ...

Inubos na ni Arianne ang laman ng baso ... lalong namula ang mukha nito.

Marami akong iniisip pero lahat ng yun ay para lang pasakitan ang asawa ko ... tuturuan ko lang sya ng leksyon, di ko naman sya hihiwalayan ... sya pa din ang ama ng anak namin ...

Sumenyas muli si Elmer sa waiter.

Ikaw na bahala umorder ng inumin mo Arianne kung ayaw mo na yung iniinom natin ...

Sinabi ni Arianne ang order sabay nagsabing magbabanyo ... bago umalis ang waiter ay may binulong si Elmer at inabutan ng pera ... nginitian lang ng waiter si Elmer ...

Ng makabalik si Arianne sa mesa.

Ikaw naman Elmer ano din ang plano mo ...

Gaya mo din ang pasakitan ang asawa ko pero hanggang ngayon wala pa akong maisip kung paano ... hindi gaya mo ay maraming naiisip na paraan pero namimili na lang sa choices mo ...

Uminom agad si Arianne sa baso nya ... medyo naramdaman nya ang tamis at tapang ng alak.

Hindi naman marami pero sa mga naisip ko ay syempre yung pinakamasakit siguro ang pipiliin ko ...

At ano naman yung pinakasakit Arianne ...

Well, kung kaya nyong mga lalaking mambabae ... kaya din naman siguro ng babae ang mang lalaki ...

Ooops, huwag mo naman lahatin ang lalake, oo nagawa ko noong binata ako pero ng mag asawa na ako ay nabago na ako Arianne ...

Ngumiti si Arianne.

Sorry Elmer .... hindi ko naman nilalahat ... ganoon lang ang sinabi ko para ma emphasize ang gagawin ko ...

Teka muna Arianne, magpakahinahon ka muna ... ayaw mo bang kausapin pa muna ulit si Richard ...

Para saan pa Elmer, hindi naman sya aamin at talagang hindi na nya mapapasinungalingan ang mga litratong ito ...

Kung talagang di ka mapipigilan ay nasa iyo, payo lang ang sa akin ...

Wala na talagang atrasan ito Elmer ... ang kulang na lang sa plano ko ay kung sino at kailan ...

Ha, planado mo na ang lahat ...

Hindi pa naman dahil di ko pa nakausap ang lalaking makakasama ko sa plano kong ito ...

Kinabahan si Elmer ... baka meron na ngang naiisip si Arianne na lalakeng makakasama niya sa pag ganti nito sa asawa.

Sino naman ang lalaki kung di mo mamasamain Arianne ...

Syermpre para masakit para kay Richard ay kokontakin ko yung dati kong boyfriend.

At inubos na muli ni Arianne ang alak sa baso nya.

Nag iisip ngayon si Elmer, nag aalala baka hindi nya na madale sa Arianne kung may napupusuan na ito ... sayang dahil pakiramdam nya ay may tama na ng alak si Arianne ... mukhang normal pa sya puwera lang sa pamumula ng maputing pisngi at ang pagbagal ng konti ng salita ...

Ah Elmer sorry ha ... pwede na tayong umuwi ... kasi alas dyes y medya na ng gabi ...

Ha, Sure Arianne ...

TBC ....