TIWALA 14 - PLANONG GUMANTI

Natapos ang picture taking ni Nestor kay Lanie at pinuntahan na nila si Elmer na nakasakay na sa sasakyan nito sa may parking ng Mcdo.

Ayos ba ang langit Nestor ...

Oks na oks bossing Elmer ... ang ganda at ang seksi ni Lanie ...

Hahaha ... marami pang Lanie basta lagi ka lang masunurin bata ...

Sumakay na si Lanie at Nestor sa sasakyan ... hinatid nila si Nestor sa lugar nito ... may ibinilin si Elmer sa kanya.

Pag nakarating ako sa Cebu mamaya ay may ipapadala ako sa email mo na mga litrato at kung ano ang gagawin mo ... sa lunes naman ay nasa opisina ako bandang hapon ...

Sige po bossing ... hintayin ko na lang ...

======

Bandang hapon nga ng araw na iyun ay natanggap na nga ni Nestor ang email ni Elmer ... naka attach ang ilang litrato na kinunan niya kay Lanie sa sogo hotel ... kinabahan na naman siya ng may nakitang litrato ni Richard na naka attach din ... at si Richard ay nakatayo din sa isang sogo hotel pero sa probinsya.

Dahil walang alam sa mga nangyayari sa mag asawang Arianne at Richard ay natanong ang sarili niya habang nagdownload ng mga litrato.

Hindi pa ba tapos ang pagbibiro ni bossing Elmer kay Engr. Richard ... baka hindi na biro ang dating kay Ma'am Arianne kung madalas na.

Sa email ni Elmer ...

Nestor, papalabasin mo na magkasama si Lanie at Richard sa sogo hotel sa Maynila ... isama mo yung time stamp sa litrato ni Lanie para lumabas na magkasama sila ngayong araw ng Sabado ... pag natapos na ay ipakita mo ulit sa akin kung approve ...

Sinagot na lang ni Nestor ang email na alam na niya ang gagawin at email ulit kay Elmer pag natapos.

Biglang may naalala si Nestor ... naghahanap siya ng kopya ng mga lumang litrato na niretoke niya sa kanyang files ... para walang bulilyaso kasi ay nag delete na siya ng mga litrato, mga email kay Elmer at email na ipinadadala kay Arianne.

Swerte at mayroon pang hindi na delete talaga ... nasa trash lang ang isang message na ipinadala niya kay Arianne ... tinignan niya ang litrato doon ... ngayon ay sigurado na siya na si Lanie yung mga nasa unang litrato niretoke niya para magkatabi sila ni Engr. Richard ... si Lanie yung star dancer sa club na kwinekwento ni sir Elmer niya.

Mas slim at mas sexy si Lanie ngayon pero yung wangis ng mukha ay natatandaan niya kaya parang naging pamilyar agad si Lanie ng makita niya nang umaga na yun.

Dumadami ang tanong sa isipan ni Nestor ... ano kaya ni Sir Elmer si Lanie ... binayaran niya kaya ito para nga makantot ko ... umiling na lang si Nestor at inumpisahan na niyang iretoke ang mga litrato pero ngayon ay may bigat na sa kalooban niya habang siya ay nag po-photoshop.

=======

Linggo ng umaga ... si Richard pumunta sa bahay ng mga byenan ... Iiwan nya ang bata dahil pupunta sya sa bahay ng Sir Luis nila ... tinanong nya ang byenan kung pwedeng makausap si Arianne ... nag alangan sumagot ang ina ni Arianne.

Richard, pasensya na ha ... nang malamang pupunta ka dito ay biglang umalis ng bahay si Arianne ...

Sige lang po ... pakisabi na lang na kailangan namin mag usap talaga kung ano na ang gusto niyang mangyari ... mabigat na po sa puso at isipan ko eh ...

Dala ni Richard ang mga ebidensya nya pero hindi nya ito pinakita sa biyenan na babae ... lumabas na sya ng bahay at pinaandar ang sasakyan ... nakita ang byenan na lalaki sa isang kanto, pinapara sya ... tinigilan nya ito at pinasakay ...

Eh itay saan ang punta nyo ... kaya pala wala kayo doon sa bahay kanina ...

Iho, itabi mo lang muna at gusto lang kitang kausapin .... sinadya kong lumabas dahil narinig kong nagtatalo ang mag ina kanina kung bakit hindi ito umuwi sa bahay nyo at bakit ayaw kang harapin ni Arianne ... tapos na nalaman pa ni Arianne na pupunta ka sa bahay namin ay biglang umalis ... nakiusap si Arianne na bigyan sya ng espasyo at haharapin ka din daw nya ...

Bakit naman ganoon ang asawa ko ...

Hindi ko din nga maintindihan si Arianne ... dapat talaga matapos na ang gusot nyo pero sya pa itong nagpapatagal ...

Richard, ngayon naman kung pwede ako naman ang makikiusap sa iyo na bigyan natin ng espasyo si Arianne ... ako ang tataning sa kanya na pag hanggang sa miyerkules pag di ka pa nya kinausap ay kakaladkarin ko sya ng magkausap kayo ...

Sige po itay, gagawin ko po yun ...

Salamat iho ...

Bumaba na ang byenan nyang lalaki nang may pinahabol si Richard.

Eh itay, nandyan nga pala si Arianne at ayaw nya akong harapin ... eh hindi ko na babalikan si baby mamaya ...

Okay lang iho ...

=======

Tanghalian sa bahay ni Luis ... nandoon na sina Agent Manzano at isang ahente nito, at si Anselmo ng dumating si Richard ... Kumain na muna sila ng tanghalian ... ng makatapos ay sinabi ni Luis na umpisahan na natin.

Lahat ba pare ilalahad ngayon ... sabi ni Agent Manzano ...

Yung hiniwalay ko ng envelope ay bigay mo muna sa akin pare ...

Ang mga litratong tinitignan nila ngayon ay si Elmer at si Nestor ... si Elmer at dalawang engineer nila na nasa labas lang ng restaurant ng birthday ng Attorney nila sa opisina ... pinaka importante sa mga litrato na yun ay yung mga abutan ng envelope at sinilip pa kung ano yung nasa envelope.

Sinabi ni Anselmo na noong hindi sya nakisama sa gusto ni Elmer ay ipinalit yung isang engineer na kasama ni Elmer sa labas ng restaurant ...

Pare, paano natin sasabihin na pera yung inabot eh ang kita lang sa litrato ay envelope ang inabot ...

Bukod sa dinig sa recording yung usapan tungkol sa payslip ... yung pera ay naka assume dahil sabi ni Elmer kay Nestor eh maliit na halaga lang iyan ...

Hay ... lumilinaw na ang misteryo ng pamangkin ko at ni Elmer ...

Pare, sabi mo nga ay pamangkin mo si Nestor ... kaya mo bang pasukahin ito ...

Sige ... ano ba ang plano pare ...

Ang kasong ito ay private matter pa ng kumpanya niyo kaya sa opisina nyo kasuhan si Elmer ... ang maganda lang is may mga ebidensya na kayo at mga witness kaya sa tingin ko ay mabilis lang maresolba o maibaba ang hatol ... tawagin nyo na ang mga witness nyo ... kahit tig dalawa sa isang project nyo at mga tatlong project ...

Sige ... bukas ay kakausapin ko si Atty. Clarence sa legal namin ... sabi ni Luis ...

Si Nestor ay bisitahin natin mamaya sa inuupahan niyang kuwarto ... pag wala sya doon ay pwede ba natin pasukin ...

Oo meron ako susi ng kuwarto nya dahil ako kasama nyang nag down noon sa may ari ... binigay nya sa akin ang susi dahil baka bangungutin daw sya, kaya pag nawala sya ng ilang araw dapat ako mag check ...

Anselmo, pwede ka bang mag sundo ng apat na witness natin sa probinsya ... ako na ang sasagot ng mga pamasahe ...

Eh Sir Luis, ako na lang dahil galing ako sa leave, eh extend ko na lang muna ... hanggang ngayon kasi di pa kami nag usap kami ni Arianne ... singit ni Richard ...

Nagkatinginan si Luis at Agent Manazano at napansin ni Richard yun ...

Okay Richard ... sige ikaw na lang pumunta sa dalawang project site at kumuha ng witness doon ... Anselmo pwedeng ngayon ka pumunta sa project site mo sa kasalukuyan sa Nueva Ecija ... bigyan mo lang ng pamasahe ang dalawang witness doon ...

Marami pang napag usapan at nauna ng umalis si Anselmo.

Richard, yung sa iyo naman ... pwedeng ipakita mo na ang ebidensya mo na magpapasinungaling doon sa mga litratong binigay ng asawa mo ...

Ibinigay ni Richard ang camera at ang na print nya ng mga litrato ... ikinumpara ng mga ahente ang original na kuha sa mga niretoke.

Pare, napakatyaga ng nag edit nito ... ilang araw siguradong trinabaho ito dahil pulidong pulido na pinapangit para hindi halatang naretoke ... ang pinaka importante na ginawa nila ay malinaw ang mga mukha ng nasa litrato ...

Ano po Agent Manzano, lusot na ba ako pag pinakita ko sa asawa ko ... tanong ni Richard ...

Lusot na pero hintayin mong ma review ni Agent Hizon ang mga litrato at magbibigay siya ng certificate na niretoke ang mga litrato ...

Iniabot na kay Agent Hizon ang camera at mga litrato ...

Richard, habang nag rereview sila Agent Manzano ay punta muna tayong dalawa sa kuwarto ko ...

Bakit sir Luis ... confidential ba ... tanong ni Richard ...

Sinenyasan na lang sya ni Luis na sumunod sa kuwarto nito ... sumunod naman agad si Richard.

Richard, hanggang ngayon ay sinusubaybayan pa din si Elmer maski nasa Cebu ito ngayon ... hanggang sa madaling araw na lang dahil sapat na ang mga recordings, litrato ni Elmer at Nestor at kila Elmer, engineer Tony at Robert ... Tama din siguro ang desisyon mo na extend ang leave mo ... ako na bahala magpaliwanag sa opisina ...

At bakit mo naman nasabi na tama Sir Luis ...

Richard, bago mo buksan ang envelope na ito ay tibayan mo ang loob mo ha ...

Kinabahan at pinagpawisan si Richard.

Ano ho ito Sir Luis ...

Buksan mo iho at gaya ng sabi ko ay tibayan mo ang loob mo ...

Binuksan ni Richard ang envelope ... dalawampung litrato na malinaw at kita ang mukha ni Elmer at Arianne at pati mga lugar ... may mga time stamp pa ang litrato ... nanghina si Richard at napaluhod sa sahig ... at saka napasigaw at umiyak ... matagal din umiyak si Richard ... ng humhikbi na lang ay yinakap ni Luis si Richard at pinatayo.

Sorry Richard, kailangan mo ding makita ... alam mo ang surveillance ay para sa payslip, kay Elmer at kung sino ang mga kasamahan nya sa anomalya niya ... pero nagkataon na nadamay si Arianne na makuhanan nila ng litrato dahil kasama nito si Elmer ...

Sir Luis, ano ang kasalanan ko kay Elmer ... bakit nya ginawa ito sa aming mag asawa ...

Ano ibig mong sabihin Richard ...

Sabi ni Mr. Yoon ay si Elmer lang daw ang humiram ng camera na dala ko ... Si Elmer lang ibig sabihin ang nakakita ng laman ng camera na yun at kinopya nya ... Ngayon heto ang epekto ... wala akong ebidensya pero pakiramdam ko ay sya ang nagpadala ng pekeng mga litrato kay Arianne ... para mag away kami ... para magkaroon sya ng pagkakataon kay Arianne kung sakaling magkasira kami ...

Okay Richard, susuportahan kita dyan at tutulungan humanap din ng ebidensya ... pero unahin mo na magkausap kayong mag asawa at ipakita mo ang mga ebidensya mo para pasinungalingan ang mga litrato na pinadala kay Arianne ...

Alam mo sir Luis, binigyan ako ng taning ni Arianne ... noong biyernes yun, hanggang alas sais ng gabi ... ng huli kaming nag usap ay parang di nya pinapakinggan ang mga sinasabi ko na may ebidensya na nga ako ... na alisin na nya yung taning sa akin at mag usap kami pag dating ko ...

Sagutin ba nya ako na ... sorry Richard, ilang minuto na lang tapos na ang taning mo ... at sigurado ako na hindi ka na aabot para pasinungalingan ang mga litrato ... sabi nya kung kaya nating mga lalaki ang mambabae ay kaya din daw ng babae ang manglalaki ...

Sinabihan ko si Arianne na huwag gagawa ng ikakasira ng pamilya at pagsasama namin ... pero ginawa pa din nya ... Maski walang litrato na may ginawa sila ni Elmer ay bakit sila nasa motel mula alas onse hanggang alas sais ng umaga ...

Wala akong masabi Richard ... talagang may mga pagsubok na dumarating sa buhay ng tao ... untag ni Luis ...

Ngayon sir, saan pa pupunta ang pag uusap namin, para saan pa ang ebidensya ko para pasinungalingan ang binibintang nya sa akin kung sya mismo na asawa ko ay di ako binigyan ng sapat na pagkakataon ... gumawa sya ng aksyon na pag ganti sa akalang ginawa ko ...

Richard, kung anupaman ay maguusap pa din kayo talaga ... kung tapos na o ipagpapatuloy nyo pa ang pagiging mag asawa ... tandaan mo may anak kayo ni Arianne ... kaya mula ngayon ay pag isipan mo ang magiging desisyon mo sa inyong mag asawa at sa pamilya mo ...

Susundin ko ang payo nyo Sir Luis ... gusto ko munang umalis dito at mapag isa, huwag kayong mag alala at kasama nyo pa din ako sa pag file ng kaso ...

Lumabas na si Richard at Luis sa kuwarto ... nagpaalam na din si Richard sa mga ahente ... sinabihan si Richard na ipapadala na lang sa kanya ang certification na pineke ang litrato ...

Nang wala na si Richard ay napapailing si Agent Manzano ...

Pareng Luis palagay ko may kinalaman nga din ang Elmer na ito para sirain ang mag asawa ...

Bakit mo naman nasabi pare ...

Sabihin mo nga Hizon ...

Yung mga litratong dala ko ngayon ay sa camera ko ... May huling litrato pa po kaming nakunan ng kasama kong ahente kahapon bago magtanghali gamit ang camera niya ... si Elmer, si Nestor at isang babae na Lanie ang pangalan ... kaya lang dala niya ang camera dahil may iba pa siyang surveillance ... salaysay ni Agent Hizon

Sino yung babae ... tanong ni Luis

Palagay namin si Lanie ay siya yung sinasabing dancer na kasama ni Richard sa mga unang litrato na ipinadala sa asawa niya ... hawig niya ito ... humaba lang ang buhok ... sabi ni Agent Manzano.

Ipapadala ko na lang din ang mga kopya sa inyo bukas kasama ng certification na pineke yung unang mga litrato ... pahabol ni Agent Hizon.

======

Kinagabihan ng araw ng Linggo ay natapos na ni Nestor ang kanyang bagong niretokeng litrato ... gaya ng dati ... hindi na naman halatang pineke ... dati masaya siya sa kanyang ginagawang pag retoke ... pero ngayon parang hindi siya makangiti ... pakiramdam niya ay hindi na biro ang itensyon ni boss Elmer niya sa mag asawang Richard at Arianne ... bakit hanggang ngayon ay gusto pa din ni boss Elmer niya na magpadala ng bagong litrato ...

Ipinadala niya sa email ni Elmer ang mga naretokeng litrato ...

Mga sampung minuto ay nag reply si Elmer ...

Bukas ko na titignan pagbalik ko ng bandang hapon sa opisina Nestor ... medyo busy lang ... binabarurot ko yung langit na biniyak mo kanina hahaha ...

Napailing na lang si Nestor ... bayarang babae nga si Lanie sabi sa niya sa kanyang isip ...

Maya maya ay nag ring ang cellphone ni Nestor.

Tiyong Luis good evening ... napatawag kayo ...

Sabihin ko lang na mag uusap tayo bukas pagtapos ng oras ng opisina ...

Sige po tiyong ... hindi ako uuwi agad bukas ...

=======

Umuwi na sa bahay nila si Richard halos hatinggabi ... tapos na siyang umiyak ... halos naubos na ang luha niya habang nakaparada siya sa isang park mula hapon hanggang gabi ... wala na ang sakit at pait ng pakiramdam niya ... napalitan na ito ng pagkamanhid.

Nakapagdesisyon na siya ... sinira ang kanyang buhay ng patraydor ... babalikan niya si Elmer, pati ang asawa na hindi siya binigyan ng pagkakataon ... sapat na ang mga litratong nasa kamay niya na magkasama si Elmer at Arianne sa motel.

Nagbukas siya ng computer at nag umpisang mag type ng kanyang complaint ... kay Elmer at sa asawa niyang si Arianne ... gagamitin niya ang probisyon sa employee code of conduct nila na bawal ang pakikipag relasyon sa kanilang magkakaopisina sa may asawa.

Bumigat na naman ang kalooban ni Richard habang nag type siya ... lalo na at nandoon sa kanyang salaysay na binabanggit ang pangalan ni Arianne ... huminga siya ng malalim ... tapos na ang pagiging emosyonal.

Para kay Arianne may plano na siya ...

Para sa damuhong boss niya ... naisip niya na hindi na pwede yung panlalamang ni Elmer ... dapat na siyang bumawi ... buweltahan si Elmer ... gantihan ito ng harapan ... sa legal na paraan ...

 

TBC ...