TIWALA 18 – THE TRUTH HURTS & EPILOGUE

Nasalo naman agad ni Luis at ni Joy si Arianne ng patumba na ito.

Naku naman ... ang ba itong nangyayari ... dali dalhin niyo dito si Arianne ... tawag ni Atty. Cherry na nakasilip mula sa kuwarto ng Legal Dept.

Intensyon ni Atty. Cherry ay itago agad sa paningin ng ibang empleyadong naka saksi at nakarinig ng mga isinigaw ni Elmer.

Tapos na ang salaysay ni Nestor kay Atty. Cherry ng marinig nila ang kaguluhan kaya sumilip sila sa may pinto ... dito nanggaling si Nestor ... nang marinig niya ang sinabi ni Elmer na nagtalik na sila ni Arianne ng dalawang beses ay nag react siya ... gusto niya lang patigilin sa pagsasalita si Elmer at baka marami pang masabi ito ng hindi maganda para kay Arianne kaya sinugod niya ito.

Nagngingitngit sa galit si Elmer habang pinipigilan siya ng dalawang guwardiya.

Para saan yun Nestor, gago ka din pala eh ... ano nilukaban ka ng konsenysya kaya mo ako sinapak ... kasama ka sa anomalya kaya magnanakaw ka din ... makawala lang ako dito ay yari ka sa akin ...

Hawak hawak din ng dalawang guwardiya si Nestor pero hindi naman nagpupumiglas ito.

Hindi katangkaran si Nestor pero malaki ang pangangatawan nito kaya hindi siya takot kung sakaling magkasuntukan sila ni Elmer.

Oo magnanakaw na ... pero hindi yung manira ng buhay ng tao ... ang bobo ko kasi, nagpagamit ako sa iyo sa kunwaring pagbibiro mo ... malakas pero kalmadong pag sagot ni Nestor kay Elmer ...

Hahaha, nakakabobo ba Nestor kapag may perang katapat ... kaya ...

Natigil si Elmer ng may sumigaw sa likod niya.

Shut up Elmer ... what has happened to you ... para kang istambay sa kanto o baka mas masahol ka pa sa inaasal mong yan ... sigaw ni Engr. Mansueto ... (isa sa shareholder, ninong at backer ni Elmer) ... na may mga nakita at narinig din sa mga pangyayari.

Hindi na nakaimik si Elmer ... hindi din siya makatingin kay Engr. Mansueto ... biglang nawala ang astang matapang ... parang isang naging maamong tupa ...

Humahangos naman si Atty. Clarence ng lumabas ng pinto ng elevator ... nakita niya si Engr. Mansueto at nakaramdam ng pagkahiya sa may ari ... nabalitaan niya na nagkagulo nga ang grupo nila Elmer at Luis habang siya ay kumakain ng tanghalian kaya agad niyang tinapos kumain para makabalik agad pero nangyari na nga ang kinakatakutan niyang baka may mga may ari pa ng kumpanya na makakita.

Engr. Mansueto ... i apologize sa kaguluhan na ito ... paghihingi ng paumanhin ni Atty. Clarence ...

No worries Clarence ... emotions are high kaya siguro nagkagulo ... be sure na matapos agad ang mga hearings at magkaroon agad ng resolution ang case na ito ...

Yes Sir ...

No leniencies ... wala kang sasantuhin ... kung ano ang parusa ipataw mo ... malakas na sinabi ni Engr. Mansueto na tumingin pa sa direksyon ni Elmer ...

That i will do Sir ...

Any repeat of this unruly behavior in company premises or may mabalitaan kami na nagpang abot kayo sa labas ... lahat ng involve i will recommend for immediate termination ... remember that gentlemen ... at umalis na si Engr. Mansueto ...

=======

Nahimasmasan na si Arianne sa loob ng kuwarto ni Atty. Cherry ... inabutan agad sya ng baso ng tubig ni Joy at pinapaypayan siya ni Elena maski malamig ang kuwarto.

Nang bumalik na sa wisyo si Arianne ay naalala niya ang mga pangyayari ... nakita niyang nakatingin lang sa kanya ang tatlo kaya tumungo at napa iyak siya ...

Atty. Cherry ... sigurado terminated na din ako dahil sa sinabi ni Elmer ... nag file ng kaso ang asawa ko sa inyo hindi ba ... humihikbing nagsalita si Arianne ...

Arianne teka muna ... are you okay na ...

I'm okay na Atty. ...

Gusto mo bang mag lunch muna baka gutom ka na kasi kaya ka hinimatay ...

Sa mga nangyari wala na din akong ganang kumain Atty. Cherry ...

OK, do you want to talk privately ...

Napatingin si Arianne kay Elena at Joy ... okay lang siya kay Elena kung maririnig.

Ay lalabas na ako ... sabi ni Joy ... at tuloy tuloy na siya sa pinto para lumabas ...

Paki lock Joy ... pahabol ni Atty. Cherry ... ni lock naman ni Joy at isinara na niya ang pinto.

Akmang tatayo si Elena.

Samahan mo lang ako Best ... sabi ni Arianne kay Elena.

Naupo muli si Elena.

Okay Arianne ... yes gustong mag file ni Richard ng kaso sa inyong dalawa ni Elmer for violating the employees code of conduct ... pero pina delay ko kasi nga kasama siya sa mga naghain ng kasalukuyang dinidinig na kaso nila laban kay Elmer at sa ibang kasama nito ...

Ano ang basis ni Richard Atty. Cherry ...

Inilabas ni Atty. Cherry ang isang folder at may kinuha na mga litrato.

Heto Arianne, around 12 pictures mula ng pumasok kayo ng motel ni Elmer hanggang sa lumabas kayo ng motel after 7 hours ... very clear na kayo iyan hindi ba.

Manghang mangha si Arianne sa nakitang litrato.

Best naman pinayuhan kita hindi ba, na lagi mong linawan ang isip mo at ibukas mo lang ang komunikasyon sa asawa mo ... ginawa mo din pala ... nalulungkot na nagsalita si Elena ...

Napaluha muli si Arianne.

Bakit may kuha siyang ganyan ... ibig sabihin nag espiya na din siya sa akin dahil takot siya sa multong ginawa niya at iniisip niya gaganti nga talaga ako Atty. Cherry ...

Alam mo Arianne ... si Elmer ang minamanmanan ng mga ahente para malaman kung saan nagpupunta ito, sino mga kasama at kinakausap para lang magkaroon ng ebidensya para sa kaso ng anomalyang ginagawa nila sa pasweldo ng outside o local hire na laborers ... nagkataon kasama ka ni Elmer ng gabi na iyan kaya nakunan kayo ng litrato ...

Natakpan ni Arianne ang mukha niya.

Care to explain Arianne bakit ka sumama kay Elmer sa motel ...

Huminga ng malalim si Arianne at nagsalita.

Meron po kaming alitan ni Richard ... nambabae po siya ... i am very sensitive to that Atty. ... marami na kasing mga lalaki na lumoko at nagbigay ng heartaches sa akin mula ng nag umpisa akong makipag boy friend at lagi na lang third party or another girl ang dahilan ng break up namin ... I am giving my all sa isang relationship pero hindi pala kuntento ang mga ka relasyon ko ... syempre mas masakit kapag asawa mo na hindi ba ...

So ang panglalake din ang sagot mo Arianne sa perception mo na nambabae si Richard ...

Atty. Cherry hindi perception, i have pictures na ipinadala sa akin ng isang nagmamalasakit ...

May inilabas ulit si Atty. Cherry na mga litrato.

This pictures Arianne? ...

Yes Ma'am ... at ito pa nga ang pinaka latest ... habang itinuturo ni Arianne yung nasa Sogo Hotel na picture ni Richard at Lanie ...

So gusto mong gumanti kay Richard at si Elmer ang ginamit mo sa iyon pag ganti ...

Atty. Cherry ... i have someone in mind already, kaya lang biglaan lang kasi, nandoon si Elmer ng time na yun at we were in a situation na nagkapalagayan kami ng loob at nagkakuwentuhan sa problema ng mga asawa asawa namin ... nasabi ko lang yung kay Richard at plan ko na gumanti with another guy na nasa isip ko na ... na sinabi niyang gusto niyang gumanti din sa asawa niyang nagtataksil sa Bacolod ... na bakit lalayo pa ako para hanapin yung guy na gagamitin ko ... eh nandoon lang siya, na mas masasaktan si Richard kung siya ang gagamitin ko sa aking pag ganti ... may konting impluwensya ng alak sa akin ng oras na iyun kaya pumayag ako.

Bakit nasabi niyang nagtataksil ang asawa niya ... may bago na bang asawa si Elmer Arianne? ... tapos na ba ang annulment case? ...

Bagong asawa??? ... annulment case??? ... what do you mean Ma'am ... hindi ba ang asawa niya ay si Daisy, yung lagi pa nga niyang isinasama dito sa opisina ng mga first year ng kasal nila ... at proud na proud siya sa misis niya ...

Arianne, natanong ko kung may bagong asawa kasi only a few knows na wala pang two years silang kasal ay hiniwalayan na ni Daisy si Elmer ... dahil nga babaero ito ... do you see Elmer still bring Daisy sa company occasions natin for the past years ... Elmer is fighting out the annulment na inihain ni Daisy sa kanya dahil mayaman ang pamilya nila Daisy ... ayaw niyang hiwalayan siya ni Daisy ...

Sino ang tinutukoy niya na asawa sa Bacolod Ma'am Cherry ... naguguluhang tanong ni Arianne ...

Si Daisy is from Bacolod, gaya ng sabi ko, for more than a year na silang hiwalay ni Elmer ... so sa tingin ko nagawan ka ng kuwento ni Elmer tungkol sa pagtataksil ng asawa niya na pinalabas niya na sa kasalukuyan lang nangyayari ... na pinaniwalaan mo naman ...

Tumango si Arianne ... nakaramdam man siya ng pagsisi ay nandyan na naman eh, maski naman hindi si Elmer ay talagang makikipag sex siya sa ibang lalake.

Ah Arianne ... I will show you some pictures at pagmasdan mo mabuti ha ... gusto ko lang ikaw ang magsabi kung ano ang magiging obserbasyon mo ...

Itinabi ni Atty. Cherry ang mga litratong peke na natanggap ni Arianne sa mga original na litrato ... ipinapakita niya kung ano ang pwesto ng litratong orihinal kung saan mag isa lang si Richard at doon sa pekeng litrato na kung saan nandoon pa din si Richard sa parehong pwesto pero may katabi ng babae.

Nanglaki ang mga mata ni Arianne habang ipinaghahambing ang mga litrato na ... nakaramdam ng malakas na kaba sa dibdib.

Atty. Cherry ... ano ang gusto niyo sabihin ko ...

What's your observation Arianne ...

Kung gusto niyong sabihin ko na pineke ang litrato ay hindi ko sasabihin dahil mga piling litrato lang ito Atty. Cherry ...

Well, I see your mind is really closed when you're hurt Arianne ...

How about this picture ...

Ipinakita ni Atty. Cherry ang kuha ni Mr. Yoon na katabi si Lanie sa parehong kinauupuan ni Richard sa naunang litrato.

And this pictures may convince you Arianne ...

Ipinakita kay Arianne ang solong litrato ni Richard na nasa tapat ng Sogo Hotel pero sa probinsya ... ang litrato na kinukuhanan ng picture ni Nestor si Lanie sa Sogo Hotel sa Mabini ... at ang litratong pineke na magkatabi si Richard at Lanie ... napansin ni Arianne ang parehong mga damit ni Richard at ni Lanie ...

Ohhh My God ... at napahagulgol si Arianne ...

Nagdala ang husband mo ng certification sa Investigation Bureau na fake ang mga pictures na pinadala sa iyo Arianne ... mga litratong pinag ugatan ng galit mo sa iyong asawa kaya naisipan mong gumanti ... Richard was hoping na magkakaayos pa daw kayo kahit binigyan mo siya ng taning ... pero nanlamig na siya sa iyo ng makita ang mga litrato niyong dalawa ni Elmer sa motel for seven hours ... maski walang nakunan na intimate kayong dalawa ni Elmer ... imposible naman daw na natulog lang kayo doon sa loob ng kuwarto ng motel ... and it was academic kanina ng ipinagsigawan pa ni Elmer na naka sex ka niya ... twice pa Arianne ...

Napaiyak na ng malakas si Arianne ... yinakap naman ni Elena ang bestfriend at nalulungkot sa nangyari sa mag asawa ... nakonsensya din si Elena dahil pati siya ay nagduda na din kay Richard sa huling litratong nakita niya na kasama nito si Lanie.

Ma'am Cherry ... may knowledge ba kayo kung sino ang nagpapadala ng email kay Arianne ... tanong ni Elena ...

Pinindot ni Atty. Cherry ang intercom.

Joy, nandyan pa ba si Nestor ...

Yes ma'am ...

Papasukin mo dito ...

Nestor??? ... sabay na tanong ni Arianne at Elena ...

Bumukas ang pinto at agad na pumasok si Nestor ...

Ah Nestor ... may sinabi ka kanina sa akin ... pwede mo bang sabihin kay Arianne ...

Lumakad papunta si Nestor kay Arianne ... nakatingin na may halong pagtataka si Arianne kay Nestor ... nang makatapat sa kanya ang lalake ay lumuhod ito.

Ma'am Arianne, patawarin mo ako ... ako yung nagpapadala ng mga email na may pekeng litrato sa utos ni Sir Elmer ...

Anoooo .... bakit mo sinunod utos niya Nestor ... nanghihinang tanong ni Arianne, dahil parang binagsakan ng langit ang buhay niya ...

Sabi niya kasi bibiruin ka lang daw ... opo may inaabot sa akin na pera si Sir Elmer ... pero kaya ako napasunod dahil nakikita ko naman ang mga biruan doon sa departamento nila ...

Kaso ako ang biniro ng mga pinadala mo Nestor ... naniwala ako at ngayon ay sira ang pamilya ko ...

Alam ko mahirap mapatawad ang nagawa ko ma'am Arianne ... kung habang buhay kong pagbabayaran iyun ay gagawin ko sa kahit anuman na bagay para sa iyo at kay sir Richard ...

Pasensya na, pero hindi mo na kailangang pagbayaran pa Nestor ... matigas na sagot ni Arianne ...

Hindi na nagsalita si Nestor ... alam niya mataas pa ang mga emosyon kaya pinili na niyang manahimik ... tumayo na siya at nagpaalam.

Nag usap pa si Arianne, Elena at Atty. Cherry bago sila lumabas ng kuwarto nito para mananghalian na lang sa labas ng opisina ...

Hindi na pinabalik ni Atty. Cherry si Arianne sa opisina dahil sigurado ay pag piyepyestahan siya ng mapanuring tingin ng mga nakasaksi at sigurado na kumalat na ang mga sinabi ni Elmer sa nakaraang kaguluhan.

Habang pauwi ng bahay ng mga magulang niya si Arianne ay patuloy niyang tinatawagan ang cellphone ng asawang si Richard pero sarado ito ... ngayon ay gustong gusto niyang makausap ang asawa ... intensyon niya ay humingi ng kapatawaran sa mga nagawa niya kaya nasira ang kanilang pagsasama.

Naisipan pa ni Arianne na dumaan sa bahay na inuupahan nila ni Richard pero walang tao doon ... nag iwan ng sulat si Arianne na kung may oras na si Richard at handa na siyang harapin ay makikipag usap siya ... at panay hingi ng patawad ang inilagay sa kanyang sulat ... umuwi na siya sa bahay ng magulang, matiyaga pa din niyang tinatawagan ang cellphone ng asawa pero hanggang nakarating sya sa bahay ng kanyang magulang ay hindi niya nakontak si Richard.

Itinuloy naman ni Atty. Clarence ang hearing pasado ala una ng hapon ... hindi na dumalo si Richard ... umalis ito ng building nila at tinawagan na lang si Sir Luis niya para magpaalam ... mahaba ang kanilang pag uusap.

Epilogue:

Nagpatuloy ng ilang araw ang hearing.

Hindi lumusot ang depensa nila Elmer na dahil pinirmahan ng mga laborer ang payslip na copy ng accounting yun talaga ang halaga ng tinanggap nilang sahod.

Dumating ang mga witness na laborer ... gamit ang blangkong payslip na may tatlong kopya para maging sample ... ipinakita nila kung paano sila pinapapirma sa kopya ng accounting ... ang ibabaw na kopya ang kanila pero lagi na nakatupi ang bahagi kung saan sila pipirma ... hindi sila pinapapirma sa box na para sa pirmahan.

Sinabi pa ng dalawang laborer na nakita nilang inuutusan ni Elmer ang dalawang tao ng isang barangay captain ang magpasahod sa kanila at itinuro ng isang engineer kung paano papapirmahin ang mga laborer sa payslip ...

Nakatulong din ang certification nila Agent Manzano na magkaiba yung ink sa payslip ng mga laborer at orihinal na payslip ng accounting ...

Binayaran ng kumpanya ang lahat ng mga kakulangan na nakuha nila sa mga laborers sa lahat ng kanilang project sites na apektado.

Terminated si Elmer without benefits, kasama si Tony at Robert ... suspended sila Bernardo at Elmo ng ilang buwan dahil nag alibi silang natakot sila kay Elmer at baka mawalan ng trabaho ... umamin din na tumanggap ng bigay ni Elmer.

Suspended lang din si Nestor dahil umamin ito na siya ang gumagawa ng pekeng unang kopya ng payslip sa utos ni Elmer ... may mga na retrieve siyang email na inuutusan siya ni Elmer na gawin yung pagpeke sa payslip ... sinabi ni Nestor na pinapalitan niya ang orihinal na unang kopya ng peke na kopya na iba ang halagang nakalagay ...

Kaya lang ay sinabihan siya ng tiyuhin na si Luis na mag resign na lang sa kumpanya at tutulungan na lang makahanap ng trabaho sa ibang kumpanya ... sinunod naman niya ang kanyang tiyuhin at ang isa pang dahilan ay wala siyang maihaharap na mukha kay Arianne o kay Richard dahil sobrang hiyang hiya siya.

=======

Iyak ng iyak si Arianne ng makarating sa bahay ng mga magulang ... ipinagtapat niya lahat sa kanyang mga magulang ang mga nangyari pati na ang ginawa niyang pakikipag sex kay Elmer para lang makaganti sa asawa ... hindi naman nakuhang magalit ng husto sa kanya ang kanyang mga magulang dahil sa pagseryoso niya sa mga pekeng litrato ... pero katakot takot na sermon at pag sita sa kanyang makitid na pag iisip ang inabot niya ... na komunikasyon, pang unawa at pagtitiwala sa isa't isa lang sana ang naging solusyon ng kanilang alitan ng asawa ...

At lalo pang napahagulgol si Arianne ng sinabi na ng ama na napadaan ng may isang oras na ang nakaraan si Richard ... hinalikan ang anak at nagpaalam na lalayo muna siya ... na kalmado nagsasalita si Richard pero dama nila punong puno ng sakit ang nadarama nito ... na sila na muna bahala kay Arianne at apo nila ... na hindi sinabi kung saan pupunta ito ...

=======

Naging Officer-In Charge muna si Luis sa departamento nila habang si Anselmo at Jimmy ay na promote bilang mga senior engineers. Ma pro-promote din sana si Richard bilang head ng departamento kapag nakalipat na si Luis sa bagong departamento na para sa kanya ... kaya lang ay bigla itong nag resign ... nang magpaalam siya kay Arianne habangnagkakagulo ay yun na ang huling pagkakataon na nakita nila Luis si Richard.
======

Si Richard ay nilisan agad ang opisina nila ng magpaalam siya kay Arianne ... kalmado siya panglabas na anyo pero parang sasabog ang dibdib niya ng marinig mula kay Elmer na dalawang beses pang nakipagtalik si Arianne dito ... masakit na nga ang kalooban niya ng makita ang litrato ng asawa na kasama si Elmer sa motel ... pero mas matindi palang sakit na ipinagyabang pa sa harap ng maraming tao ni Elmer ang pakikipagniig niya sa kanyang asawa.

Nang kumalma siya ay agad nagtuloy sa bahay ng mga biyenan ... maikli lang ang sinabi niya sa mga biyenan ... na wala na silang pag asa ni Arianne ... na mapapakalayo muna siya ... na sila na muna ang bahala sa kanyang mag ina ... yinakap ng matagal ang kanyang anak na lalake, naluha pa ito ... pagkatapos ay nilisan na ang bahay ng biyenan.

Agad bumili ng ibang sim card si Richard para magpalit ng numero ... tinawagan si sir Luis niya at sinabing walang makakaalam sana na iba ang bago niyang numero.

Sinabi agad ni Richard na mag reresign na siya irrevocably ... ipapadala na lang niya ang resignation letter ... at kung anumang mga benepisyo ang makukuha niya ay ibigay kay Arianne ... sinabi lang ni Richard na magpapakalayo siya ... inusisa siya ni Luis pero walang binibigay na impormasyon ... kaya iginalang na lang ni Luis ang kagustuhan ni Richard at sana ay magbago pa ang isip nito ... may mga binilin si Richard kay Luis at bago sila nagtapos ay hiningi nito kung paano makokontak si Agent Manzano ...

=======

Nag leave si Arianne sa opisina nila ng ilang linggo pero natuloy din ito sa pag reresign ... nahiya din siyang magpakita pa sa opisina nila ... nakahanap naman agad siya ng nalipatan na trabaho ... umaasa pa din siya na magkakausap sila ni Richard ... hinanap niya ito sa mga magulang, kamag anak at mga kakilala.

Pero pagkatapos ng anim na buwan ay sumuko na si Arianne ... pati na sa pagbalik balik sa inuupahan nilang bahay ni Richard ... hindi na niya din itinuloy ang pag upa ... ibinenta na niya ang ibang gamit at dinala sa bahay ng magulang ang iba ... laging may bigat sa dibdib na dala si Arianne ... nakokonsensya siya dahil hindi niya nilawakan ang pang unawa at tiwala sa asawa kaya nasira ang magandang umpisa ng kanilang pamilya.

Pinayuhan si Arianne ng kanyang mga magulang na maging matatag na lang para sa anak ... kung magkikita o magkakausap pa sila ni Richard ay diyos na lang ang nakakaalam ...

=======

Teaser

Higit dalawang taon ang lumipas ... sa di kalayuan ay may mga matang nagmamasid mula sa loob ng nakaparadang sasakyan sa pakikipag usap ni Arianne sa isang lalake sa may garahe ng bahay ng magulang nito ... nakita niya din na naglalaro ng bola ang isang batang lalake malapit lang sa kanyang inang si Arianne ...

Tumayo ang lalake ... nagpapaalam na kay Arianne ...

Hindi naman kita minamadali Arianne na magdesisyon ... basta nandito lang ako dahil alam mo naman na may espesyal kang puwang sa puso ko matagal na ...

Salamat sa pang unawa mo ... alam mo naman kasi na wala kaming pormal na paghihiwalay ng nawawala kong asawa ... panahon lang naman ang magsasabi ... kung matyaga ka at nandyan ka pa din pagdating ng panahon na iyun malay mo ... sagot ni Arianne sa lalake ...

Lumabas na ng gate ang lalake at muling nagpaalam kay Arianne.

Sumakay na ang lalake sa kanyang sasakyan at umandar na ito papalayo sa bahay nila Arianne.

Nag dial ng cellphone niya ang lalakeng nagmamasid mula sa loob ng kanyang sasakyan ...

Nag ring naman ang cellphone ng lalakeng dumalaw sa bahay nila Arianne ... hindi registered ang numero kaya hindi niya sinasagot ... lalo na at nag mamaneho siya ...

Pero makulit ang tumatawag ... kaya itinabi niya ang kanyang sasakyan at sinagot ito.

Hello sino ito ...

Boto ako sa iyo ... kung papalarin ka kay Arianne ay mahalin mo siya ng husto pati ang anak niya ... okay Dennis ...

Richard ???? ...

Abangan po ang Book 2 ng Tiwala

Salamat po sa mga tumangkilik ng first series ng Tiwala ...

THE TIWALA SERIES IS EXCLUSIVELY WRITTEN FOR LAGABLAB.