TIWALA 2 - PAGPAPANGGAP

Pinag aralan mabuti ni Elmer ang mga hakbang na gagawin upang sirain ang pagkatao ni Richard at ang pagsasama nila ni Arianne ... hindi naman agad nya naisakatuparan ang plano ... naging busy silang lahat sa kumpanya sa dumarami nilang projects ... Ng makalipas ang isa't kalahating taon ay biglang napag desisyunan ni Elmer na isakatuparan ang plano kay Richard ...

Dahil ito ng panunumbalik ng unti unti sa pagnanasa nya kay Arianne ... limang buwan mula ng maipanganak nito ang panganay na lalaki nila ni Richard ay muling nanumbalik ang dating kaseksihan nito na syang pinagnasaan ng mga kalalakihan sa opisina nilang yun ... at sa paningin ni Elmer ay mas lalo pa itong gumanda at kaakit akit sa pagkakadagdag ng konting laman sa pisngi at katawan ... sabi nga ng ilang kasamahan nila ay mas na enhance pa ang kagandahan ni Arianne ...

Ngayon na ang tamang panahon nasabi ni Elmer ... kaya inumpisahan na ang mga balak nya ... maliban kay Richard at isa pang datihan na si Luis na dapat ay mataas na din ang posisyon na naungusan ni Elmer, lahat ng engineer sa division ni Elmer ay takot sa kanya ... kaya alam ni Elmer gamitin ang mga takot na ito upang magantihan si Richard at maisakatuparan ang balak ...

Inutusan nya ang ilan sa mga inhenyero na kadikit nito na kung sakaling mapasyal si Arianne sa division nila dahil may ibibigay o may kailangan sa asawang si Richard ... ay magbiro ang mga ito at gumamit ng mga totoong pangalan ng mga babae sa lugar kung saan nakasama nila si Richard ...

Ganoon nga ang nangyari ... sa tatlong pagkakataon na pinuntahan ni Arianne si Richard sa division nila ay tatlong beses din ibiniro ang tatlong pangalan ng mga babae ng mga kasamahan ni Richard ... halata ang pilit na ngiti ni Arianne sa biro at bago lumabas ng pinto ay pairap na tumingin kay Richard ...

Balewala lang kay Richard yun ... nasabi na lang sa mga kasamahan na ... kayo talaga oo, galing ng timing ng biro nyo ... yari ako kay misis nyan mamaya ... nagtawanan ang buong division nila Richard ... pero si Luis, mula sa kinauupuan ay parang may nabasa sa ngiting aso ni Elmer habang nagtatawanan ang mga kasamahan ... dahil minsan ay narinig nya ang usapan nya sa dalawang inhinyero tungkol sa pagbibiro kay Arianne ... ano na naman kaya ang balak ng damuhong ito natanong na lang ni Luis sa sarili nya.

Sa bahay ng mag asawang Richard at Arianne ... habang naghahapunan sila ... pansin ni Richard na halos hindi kumain si Arianne ... Honey, bakit konti lang kinain mo ... Sagot ni Arianne, isang biro okay ... dalawang biro nakakapag isip ang tao ... pangatlong biro baka may katotohanan ...

Linapitan agad ni Richard ang asawa at yinakap mula sa likod at hinalik halikan sa may buhok ... honey, alam mo naman kung gaano kaloko sa biruan ang mga kasama natin sa opisina ... Bakit may pasabi pa ang mga babae na binanggit nila na miss ka na nila o hindi ka na nadadalaw sa lugar ng babae na yun ...

Honey alam mo naman pag nasa field ako ay may mga suking kinakainan kami o tinatambayan ... eh syempre area supervisor ako kaya hindi naman ako napipirmi sa isang project site ... kung tumatatak man ako sa isipan ng mga babae na yun ay dahil sa palabiro ako lalo na sa paghingi ng dagdag ulam o discount ...

Sabi nila ay seksi o may mga hitsura ang mga babae na yun ... O pati ba naman yun honey, normal sa mga may ari ng mga kainan o restaurant na mag hire ng mga seksi o may hitsura na waitress, receptionist o kahera para mahalina ang customers ...

Okay sorry love, mahal na mahal lang kita kasi at pinaalala ko lang sa iyo na sana huwag mo akong saktan dahil hindi ko alam ang gagawin ko pag dumating ang pagkakataon na yun ang sagot ni Arianne ...

Maski nakaramdam ng inis si Richard dahil apektado ang misis nya sa biro ng kasamahan ... ay napabuntung hininga sya ng sya ay pumasok sa loob ng banyo nila ... bumabagabag sa isipan ni Richard na hanggang ngayon di pa rin malimutan ng asawa ang ginawang pangloloko ng dating kasintahan nito na si Dennis.

Isa pa sa mga plano ni Elmer ay madalas na niyang Ipadala si Richard sa mga probinsya kaya weekends na lang ito nakakauwi at pag malayong probinsya naman ay kada dalawang linggo ang uwi ... pagkakataon ni Elmer na mapalapit kay Arianne ...

Lagi nyang tyinetyumpuhan sa canteen tuwing tanghalian o meryenda ... may pagkakataon pa na sya ang nagbabayad ng meryenda ni Arianne at pati ang kasabay nito sa division nila sa Admin at HR ... kaya sila Arianne at mga kasamahan nito ang nagyaya na kay Elmer na sumabay na sa pagmemeryenda nila ... kasama ito sa lahat ng plano nya ... magbibiro sya sa isang kasama ni Arianne na boyfriend ay isang engineer nya ...

Ikaw ba Elena ay magaling magluto ... Nagluluto naman ako sir Elmer at gusto naman ng mga kumakain yung linuluto ko ... bakit nyo naman natanong ... Eh ang boyfriend mong si Anselmo ay nahuhumaling sa isang restaurant doon, masarap daw ang mga pagkain kahit may kamahalan ay bumabalik balik doon ...

Sumingit naman si Arianne, naku Elena tanong mo kay sir Elmer baka hindi pagkain at iba ang binabalik balikan doon ... Sir Elmer ha, baka nga hindi pagkain ang binabalikbalikan doon ng boyfriend ko ha ...

Naku si Arianne, nadadala ka sa mga biro sa iyong mag asawa doon sa division namin ano ... Pagkain talaga ang binabalik balikan doon, pero anong magagawa nyo ... marami sa division namin ang magagandang lalaki gaya ng asawa mo Arianne at boyfriend mo Elena ... bukod sa guwapo ay makarinyo pa para makahingi ng dagdag ulam, discount o utang muna saka bayad ... hindi na namin kasalanan kung hinahanap hanap kami ng mga yun ... sa isip ni Elmer ay pinagtatanggol nya ang mga tauhan nya pero gusto nya ding iparamdam na hindi malayong may mga babaeng magkagusto sa kanilang mga asawa o boyfriend doon sa lugar ng mga project nila ...

Sa isang pagkakataon naman ay natyempuhan nya si Arianne na mag isang nagmemeryenda ... pagkabili nya ng meryenda ay tinungo na nya ang direksyon ng kinauupuan ni Arianne ... malayo pa sya ng medyo binagalan nya ang lakad ... dahil eksaktong napansin nya ang pag alis ni Arianne sa pagka cross legs nya ... kita nya ang puting panty ni Arianne at pati ang mapuputi at bilugang mga hita nito dahil medyo maiksi ang palda ... biyernes noon kaya hindi ito naka office uniform ...

Hindi naman napansin ni Arianne ang medyo pagkabuka ng konti ng mga hita nya dahil abala sya sa paglalaro sa cellfone nya ... pinagpyestahan ni Elmer ang tanawin na yun na ngayon lang nya nakita pero ramdam ni Elmer umabot na sa todo tigas ng alaga nya at siguradong babakat sa pantalon nya ito ... mabilis na umupo sa harap ni Arianne si Elmer bago sinabing pa join ha ... Hindi muna pinansin ni Arianne si Elmer pero ilang sandali ... ayan na dead tuloy ako ... sure join me nakangiting sabi nya kay Elmer.

Hindi pa din maalis sa isipan ni Elmer ang pagkakasilip nya sa panty at nakabukang hita ni Arianne ... bagay na bagay sa iyo ang suot mo ngayon Arianne ... Dati na ito, ngayon mo lang ba nakitang isinuot ko ang kumbinasyon na ito Sir ... Siguro ngayon lang dahil malapit ako sa iyo ngayon ...

O how will you go through ngayong weekend ... Walang plano, boring ... next week pa uuwi si Richard ... Naku kawawa ka naman, eh di walang partner, wala pang date at wala ding alam mo na nakangising sabi ni Elmer ...

Naku wala nga, higit isang linggo na ... ikaw kasi Sir Elmer, lagi mong linalayo asawa ko sa akin ... parang sya na lang ang engineer mo ...

Kita ni Elmer na may lungkot sa mata ni Arianne ... naku sorry Arianne, huwag mo sanang masamain ang laging may assignment si Richard sa malayo ... bukod sa pinagkakatiwalaan ko sya ay sya ang may kalibre na humawak ng mga ganoong project ... saka para sa kanya o sa  inyo din yan dahil magaganda ang hawak nyang projects ay malamang sigurado na ang promotion nya, magiging ka level ko na sya ...

Ay sana nga Sir sa madaling panahon para mabawasan na ang travel nya ...

Ah Arianne, para makabawi lang ako ... kung hindi mo mamasamain ... pwede ba tayong mag dinner mamaya, tutal byernes naman ngayon ...

Naku sir, hindi ko mamasamain pero nakakailang naman at pareho tayong may asawa ...

Suggestion lang naman, dahil bored din ako mamaya at this weekend, nagpunta misis ko sa Bacolod, dinalaw ang lola nilang matagal ng nasa hospital ... so what do you think, dinner lang naman ... maiba lang ng konti ang weekend dahil sigurado boring  ang buhay natin sa Sabado at Linggo ... wala ang mga love natin pareho ...

Natahimik si Arianne at parang nag iisip ... eh Sir pag isipan ko muna at ...

Hindi pinatapos ni Elmer si Arianne ... okay hintayin ko tawag mo at merong pang isang oras bago mag uwian ...

Hindi na nakasagot si Arianne dahil nakita nya kanina pa pala sinesenyasan si Elmer ng isang utility namin na tawag sya sa itaas ... hindi na kinain ang meryenda at inubos na lang ang juice at nagpaalam bigla si Elmer ...

Naisip nya na nasa mga magulang naman nya ang anak nila ni Richard ... pero nagdadalawang isip sya dahil ang asawa nyang si Richard ay nasasabihan nya na maging tapat ngayon sya naman nag iisip na makipag date ... sya na din ang nagbigay ng rason para sumama kay Elmer, dinner lang naman daw at para mabawasan ang araw ng weekend na bored sila ... at to make up sa laging pagpapadala sa malayo kay Richard ... kaya bago mag alas singko ay tinawagan nya si Elmer ... kinumpirma nya na okay sya at sinuguradong dinner lang sila ... at sinabi nya din na sa isang mall na malayo sa opisina nila pero malapit sa bahay nila sila magkikita ni Elmer ...

Nasa mall na si Arianne ng tawagan nya ang nanay nya na mahuhuli sya ng uwi dahil may gimik kasama ang dating kaklase sa kolehiyo, okay lang daw at tulog na ang baby nya ... tatawagan na din nya si Richard ng mag ring naman ang cellfone nya dahil tinawagan din sya nito para kumustahin ... nagsabi sya ng parehong dahilan gaya ng sabi sa Ina ... okay naman si Richard at wala syang tutol talaga kung gustong gumimik ng asawa ... alam nyang naiinip ito ... Alam nya hindi dapat ang gagawin nyang pakikipag dinner kay Elmer ... dahil pag gumimik sya ay talagang mga kasama nya sa opisina nila o dating mga kaklase ... pero dahil di pa araw ng sweldo kaya walang plano ang mga kasamahan nya ... at dahil naiinip nga sya ay sumama sya kay Elmer, dinner lang naman.

Nagkita na nga si Elmer at Arianne sa mall pero halata ang pagkailang ni Arianne sa mga nakakasalubong ... Suggestion lang Arianne ... ayaw kong mailang ka dahil sa situwasyon natin ngayon ... sa labas na mga restaurant tayo mag dinner at hindi dito sa mall .... Okay Elmer, mas okay yun para sa akin ... nasa itaas na palapag nag park ng sasakyan si Elmer ... kaya kinailangan nilang umakyat sa pamamagitan ng escalator ...

Maraming tao sa escalator kaya pinauna nya si Arianne at sa likod sya ... dito nya talagang napagmasdan ang kurbada ng kaseksihan ni Arianne ... pati ang mga binti at hitang mapuputi at makinis ... napakaswerte nga ng Richard na yun at napangasawa si Arianne ... nakaramdam sya, paumpisa na naman tumigas ang tarugo nya kaya mabilis nag imagine ng mga pangit na bagay para bumaba ang libog na nararamdaman ...

Pero talagang pumapanig ang pagkakataon kay Elmer ng muling masilayan nya ang panty ni Arianne at ngayon ay mabilisan nyang nakita ang tambok nito ng pagbuksan nya ito ng pinto ng sasakyan sabay umupo ito ... medyo huli na ng konti ng maisip ni Arianne na ipatong at ipangtakip ang bag nya sa ibabaw ng hita at medyo mini na palda nya ... napa isip sya tuloy kung nasilipan sya ni Elmer ... bago sumakay sa kabilang pinto si Elmer ay muling mga pangit na bagay ang inisip nya para di matuloy ang pagtigas ng alaga nya.

Naging maganda ang takbo ng dinner nila Arianne at Elmer ... lahat ng pag aakto at pananalita na magmukhang gentleman sya ay ginawa nya ... lahat ng ito ay kasama sa plano para mapalapit sa kanya si Arianne ... panay puri nya kay Arianne ... sinabi nya na mas lalo itong gumanda ng nakapanganak ... parang mas bumagay ang konting dagdag sa timbang at kalamnan ... nag Thank you naman si Arianne sa papuri ...

Hay Arianne napakaswerte ni Richard sa iyo ...

Ayan ka na naman sir Elmer ha ...

Elmer lang muna Arianne at wala na tayo sa opisina ... at may masama ba sa sinabi ko ...

Eh wala naman sir ... eh Elmer ...

Pasensya na dati kung naging pangit ang dating ko noon sa iyo ... alam ko chick boy ang impression sa akin dahil sa mga balitang marami akong chicks ... tapos pati ikaw nililigawan ko kahit alam ko may boyfriend ka dati ... Sa totoo lang Arianne, ineenjoy ko lang ang buhay ko ... maski ma chicks ako ay wala akong nilolokong babae dahil nakalatag pa lang sa simula na hindi pa ako seryoso na nagiisip ng kasalan o lumagay sa tahimik ... pero ng inumpisahan kitang ligawan noon ay binitawan ko na lahat ng girlfriend o flings ko dahil ikaw yung babaeng tinatawag ng mga kalalakihan na pang habangbuhay ...

Nangiti lang si Arianne sa sinabi ni Elmer ...

Kaya lang ay in love ka talaga sa BF mo kaya barado ako sa iyo ... at napag isip ko din naman na masama na nga ang impression sa akin ay mapapasama pa ako lalo sa iyo sa ginagawa ko kaya tinigilan ko na maski labs na labs kita ...

Ngiti ulit si Arianne ...

Kaya sinasabi ko ay swerte talaga si Richard sa iyo dahil nalaman nya break na kayo ng BF mo kaya nakapanligaw na sya ...

Ngiti lang si Arianne pero nagsalita na ito ... Elmer, I admit maski may BF ako noon ay meron din akong crushes ... sa opisina at sa labas ng opisina ... pero hanggang crush lang yun ... at sa totoo lang ay kasama ka sa mga crushes ko ... pero meron siguro tayong tinatawag na tulak ng puso at damdamin para makita mo ang mamahalin mo at kay Richard ko nakita yun ... actually di ko nga alam na may gusto sya sa akin dahil napakatahimik ... di tulad mo at ng ibang guys sa office natin na openly nanliligaw o nagpapakita ng interest sa akin maski may BF ako ... dinadaan lang ako sa tingin ni Richard kaya akala ko hangang pisikal lang sya ...

At ako yung taong hindi nagbibigay ng masamang impression sa isang tao kung sa mga tsismis o balita ko lang narinig ... dahil hindi ako pwedeng maghusga sa isang tao kung hindi mo gaano kakilala o naririnig ang panig ... hindi kita tinignan ng negatibo sa pagiging chick boy mo pero syempre negative ka sa akin noong linigawan mo ako maski alam mong may BF ako ... doon hinusgahan kita dahil directly involve ako hindi tsismis hindi kung saan ko lang narinig ... pero ngayon nakausap kita tungkol sa pagiging ma chicks mo at ang mga rason mo ay may impression na ako sa iyo pero hindi negative ...

Salamat naman Arianne at ngayon ay talagang maswerte si Richard at nakapangasawa sya ng malawak ang pag iisip ...

So kumusta naman kayo ng wife mo Elmer ...

Okay naman kami ... kaya lang naiinip, di na kasi nagtrabaho mula ng nanganak ... okay lang naman at kaya sa ngayon na mag isang kumikita ... isa din sa dahilan kaya pumunta sya sa Bacolod ay may negosyo ang lola nya na mukhang sa kanya mapupunta ...

Lingid kay Arianne, ang asawa ni Elmer ay pumuntang Bacolod para hiwalayan pansamantala si Elmer ... dahil babaero pa din ito at bihira ding umuwi ng bahay ... binigyan si Elmer ng anim na buwan ng asawa para ayusin ang sarili kung hindi ay hindi na sila magsasama at sa asawa ni Elmer ang mangangalaga sa bata ... Sinabihan lang ni Elmer ang asawa na kung ano ang nakikita nya ngayon ay ganoon pa din daw sya pagkatapos ng anim na buwan ...

TBC...