TIWALA 5 - PICTURE

Biyernes ng umaga, unang gawain ni Arianne ay magbukas ng email bago magtrabaho ... maski junk ay binubuksan nya baka kasi may naligaw sa mga kaibigan na bago ang email address ... binubura nya talaga kapag spam ... napansin nya ang isa kakaiba ang title ... tagalog ito ... huwag I delete ... mga litrato ... kadalasan kasi ng junk o spam ay English ang title ... nag alangan man baka may virus ay binuksan nya ang attachment ... pakiramdam ni Arianne ay nasira ang araw nya ... litrato ni Richard na may katabing babae at magkaiba ng lugar sa kada litrato ... binasa nya ang message

Arianne:

Paunang litrato pa lang yan dahil mabagal ang internet ko ... pag may tyempo at maganda ang intenet ay ipapadala ko ang kasunod ... hindi mo na ako kailangang makilala ... gusto ko lang makatulong at hindi makasira ng pagsasama ... ang lalaki talaga ay naliligaw ng landas o natutukso kapag nalalayo sa mahal sa buhay ... kaya ko pinadala ito para habang maaga pa lang ay masita mo na si Richard at ng magkausap kayo at maging maayos at matatag ang inyong pagsasama ...

Isang nagmamalasakit

 

Na control pa naman ni Arianne ang sarili ... maski nakaramdam ng selos na may katabing sexy at maganda ding babae sa litrato si Richard ay sa tingin nya ay harmless ito ... hindi pa dapat nya bigyan ng masamang kahulugan ... ang iniisip nya ngayon ay may mga kasunod pa na litrato ...

Hindi masyadong nakakain ng tanghalian si Arianne at napansin pa ng kaibigang si Elena ...

"Friend wala ka atang gana" ...

"Oo, parang masama panlasa at tyan ko" ...

"Baka buntis ka na ulit friend" ...

"Hindi ah, naka pills ako di ba" ...

"Kung gusto mo ng umakyat sa kuwarto ay okay lang na iwan mo ako, lipat na lang ako sa kabilang mesa" ...

"Okay friend, una na ako" ...

Nakabalik na si Arianne sa kuwarto nila ... pagkaupo sa pwesto nya ay agad binuksan ni Arianne ang email nya ... wala na sa junk kung hindi nasa inbox yung email na sinunod na ipinadala ng misteryosong nagmamalasakit ... ng makita nya ang litrato ay medyo namasa ang mata nya sa inis at selos ... isang litrato nagpapakita na may kasamang koreano na consultant si Richard at sa gitna nila ay yung babae ulit sa naunang dalawang litrato ... si Richard ay naka akbay sa babae ... yung isang litrato ay kasama pa din ni Richard ang koreano na consultant ... pero ang babae ay nakayuko at parang humalik sa pisngi ni Richard ... at naka bra lang ito ... nasabi na lang ni Arianne sa sarili na ... ano ito Richard nahuhumaling ka sa isang bar girl o dancer ... binasa ang message.

Arianne:

Pasensya na at dalawang litrato ulit ... bawal kasi ang personal na gawain dito sa opisina ... at mabagal pa din ang internet ... gaya ng sabi ko intensyon ko ay para masita mo si Richard ... may susunod pang mga litrato.

Isang nagmamalasakit

Dahil walang mga tao ay mabilis na nag print ng litrato si Arianne at saka inilagay sa envelope ... dalawang kopya ang ginawa sa kada litrato ... Ano ito, fling nya ... girlfriend nya sa kung saan sya naka assign ... huminga pa din sya ng malalim at kalmadong nag isip ... parating si Richard galing mula sa project site sa probinsya ... sinabihan sya na sabay silang uuwi ...

Hihintayin na lang sya sa parking ng opisina nila dahil ang tantya nya ay pasado lang ng konti sa alas singko ay nandoon na sya ... Naisip nya na sana ay kalmado sya mamaya pag ipinakita na nya kay Richard ang apat na litrato ... ayaw pa din nyan pag isipan ng masama si Richard ... alam nya gawain ng mga engineer na mag happy happy at nagpupunta sa mga beerhouse o bars ... wala lang kay Arianne yun pero gumulo sa isipan nya ay isang babae lang ang lumalabas sa mga litrato.

Para hindi na masyadong mag isip ay nagconcentrate sa trabaho nya si Arianne ... nagutom na din sya kaya nag meryenda ay pansit ang inorder nya para mabigat ng konti ... alas kuwatro ay balik na sya sa upuan nya ... nagbukas ulit sya ng email ... sa inbox ay may message ulit yung nagmamalasakit ... hindi nya muna binuksan ang mga litrato at binasa ang message ...

Arianne,

Dalawang litrato muli at hanggang dyan na lang muna sa araw na ito ... meron pang mga litrato pero sa ibang araw na ... bago mahumaling ng husto si Richard sa babaeng nasa litrato ay sitahin mo na at mag usap kayong mabuti ... sayang naman kung magkakasira kayo, bagay na bagay pa naman kayo ...

Isang nagmamalasakit

 

Ng buksan ni Arianne ang mga dalawang litrato ay nangilid ang luha nya ... isang litrato ay katabi nya muli ang babae at nasa may pintuan ng isang lodge o maliit na hotel ... at ang isang litratong nagbigay ng galit sa puso at isipan nya ay nakahiga si Richard na natutulog na nakakumot at ktang walang pang itaas na damit ... may katabing babae, hindi man dikit na dikit ay natutulog din at nasa parehong kumot ... may background na cottage at nasa buhanginan nakalatag ang hinihigaan nila ... tuloy ang pagtagas ng luha nya pero dahil napapalitan ng galit ay napigilan nyang humagulgol ... huminga sya ng malalim at nag print sya muli ng dalawang kopya ...

Hindi na halos nakapagtrabaho si Arianne ... habang palapit ang uwian ay sari saring tanawin ang naiisip ni Arianne ... kung ano ang mangyayari sa pagkumpronta nya mamaya sa asawang si Richard ... at ang galit na nararamdaman ay napupunta na sa poot ... poot na magpapalabo ng kanyang kaisipan ... Richard, sinabi ko na sa iyo na buo akong magmahal ... ikaw lang at ikaw ang mamahalin ko ... pero ngayon ay sinaktan mo ang damdamin ko ng dahil sa babaeng yun na umaagaw ng iyong atensyon at balang araw ay puso mo ... hindi mo alam ang kaya kong gawin Richard ...

=======

Oras ng uwian, mga ala singko kinse ng hapon ... si Luis ay nasa loob ng sasakyan nya ... hindi pa umaalis dahil may kausap pa sa cellfone ... kita nya sa salamin na pumarada ang sasakyan ni Richard sa likod nya ... hindi pansin ni Richard na nandoon si Luis sa sasakyan nya ... halos lima na lang ang sasakyan sa parking area ...

Kita din ni Luis sa salamin si Arianne na mabilis ang lakad at palapit sa sasakyan ni Richard ... bumaba si Richard para ipagbuksan ng pinto ang asawa ... ng makalapit si Arianne at akmang hahalikan ni Richard ay itinulak nya ito ...

Si Luis na nakatingin sa salamin maski may kausap sa cellfone ay nagtaka sa lakas ng pagtulak ni Arianne sa asawang si Richard ... dinig nya parng malakas ang boses ni Arianne ... napilitan syang ibukas ang bintana nya para marinig kung ano ang pagtatalog ng asawa ...

Sino ang babae mong yan Richard ... dalawang taon pa lang tayong kasal ay nagsasawa ka na sa akin ... losyang na ba akong tignan ...

Honey, huminahon ka at pag usapan natin ito ...

Huminahon, ano pa ang pagsisinungaling na sasabihin mo Richard ... hindi nagsisinungaling ang mga litrato ... hindi na kailangan ng paliwanag, kung ano ang nasa litrato ay yan na yun ...

Oo honey, litrato nga yan ... aaminin ko nasa mga lugar ako na yan pero hindi dapat ganyan yan ... at wala akong babae ...

Lalo ka lang nagkakasala Richard sa pag dahilan mo ng kasinungalingan ... singhal ni Arianne sabay hampas ng mga litrato sa dibdib ni Richard at iniwan ang asawa ...

Sinundan ni Richard ang asawa palabas ng parking lot ... si Luis naman ay bumaba ng sasakyan dahil nakita nyang nakabukas ang pinto ng sasakyan ni Richard at baka may mawala kaya mabuting isara nya ...

Sa 3rd floor ng building ay kanina pa may nga matang nagmamasid sa bintana ... ngising aso at nagdidiwang ang damdamin ng tao na ito sa nakita na pangyayari sa parking lot sa pagitan ni Richard at ni Arianne ... hindi man nya narinig ang pagtatalo ng mag asawa ay alam nya na gumagana na ang kanyang mga plano ... nagligpit na sya ng gamit at umalis para tumungo sa harap ng building kung saan ang parking lot naman ng mga manager ...

Samantala si Luis ay napansin ang nagkalat na litrato na naka print sa coupon bond ... pinulot nya ito at di maiwasang hindi tignan ... ng makita nya ay maski sya nagulat ... nakita nya lahat at dali nyang inayos ang mga litrato at isinilid sa envelope na nakakalat din ...

Pabalik si Richard sa parking lot at nakita nga nyang nandoon si Luis sa may sasakyan nya at hawak ang envelope ... Kita ni Luis ang pagkabahala at panglulumo sa mukha ni Richard ... Inabot nya kay Richard ang envelope ...

Nandyan lang ako sa sasakyan ko kanina ... narinig at nakita ko sa salamin ang pagtatalo nyong mag asawa ...

Sir Luis, nakita nyo ba ang litrato ...

Oo Richard at mabigat nga, pero sabihin mo sa akin ang gusto mong ipaliwanag kay Arianne tungkol doon sa hindi dapat ganito ang litrato ...

Inilabas muli ni Richard ang mga litrato sa envelope.

Sir Luis, totoo nandito ako sa litrato na ito at sa mga lugar na ito ... pero hindi dapat ganyan ...

Ipinakita ni Richard ang dalawang litrato na katabi nya yung babae.

Sir, ang pagkakaalam ko ay mag isa lang ako sa mga litrato na ito ... itong nakahiga ako sa buhanginan na nakakumot ... puro lalaki kami noon sa beach pero hindi ko lang matandaan kung sino katabi kong natulog ... pero sigurado ako hindi ang babae na yan ... sa isang litrato ni minsan ay di ako nahalikan ng babaeng ito ... si Mr. Yoon yung koreano ang alam kong hinalikan nya ...

Tumango tango lang si Luis at tinatapik tapik ang balikat ni Richard.

Nasaan na si Arianne? ...

Hayun po galit na galit at di mapaliwanangan ... ilang beses kong pinigilan pero sumisigaw na at ayaw ko ng makakuha pa ng atensyon ng mga tao ... sinabi na lang nya na sa bahay sya ng mga magulang nya uuwi ...

Ano balak mong gawin sa mga litrato na ito Richard ...

Sir Luis sa akin ay gusto kong itapon dahil gulo ang dala sa akin ... pero kailangan kong malaman kung saan nya nakuha at bakit ganito ang litrato ... sir Luis, naniniwala ba kayo sa akin ? ...

Richard, 100% ay naniniwala ako sa iyo ... dahil alam kong matalino kang tao ... kung nambabae ka man ay hindi ka tangang magpapa picture ng mga ganitong klase lalo na at may asawa ka ...

Salamat naman sir Luis, at least nabawasan ang bigat sa dibdib ko ...

Yun lang, hindi lang dapat ako ang maniwala sa iyo kung hindi pati na ang asawa mo ... kung mapapahiram mo sa akin muna ito at ipapakita ko sa isang kakilala kong imbestigador ...

Di ba po magaling sa computer ang pamangkin nyo na si Nestor, bakit hindi sa kanya ...

Richard, ang mabuti ay walang ibang makakita na taga opisina natin at sa taga labas na lang ako hihingi ng tulong ... sa Lunes ay ibibigay ko sa iyo muli ang mga ito ... ngayong weekend ay gawin mo lahat para makuha mo ang atensyon ni Arianne at humingi ng pagkakataon na mapatunayan na nagsisinungaling din ang mga litrato ...

Sige po, sa inyo muna yan at si Arianne ang aabalahin ko ngayong weekend ...

======

Samantala si Elmer habang nagmamaneho ay biglang napangiti ... kita nya si Arianne na naglalakad patungo sa may sakayan ... alam nya na hindi ito ang normal na dinadaanan nito papunta sa sakayan paglabas sa opisina kung hindi nya kasama si Richard ...

Malayo ang tingin ni Arianne at parang maluluha ... hindi nya napansin na nakalapit na ang sasakyan ni Elmer sa tabi nya at ang takbo ay para masabayan si Arianne ... Nagbukas ng bintana si Elmer sabay tinawag si Arianne.

Arianne halika sabay ka na sa akin at drop kita sa inyo ... may pupuntahan ako doon malapit sa bahay niyo ...

Ayaw pa talagang umuwi ni Arianne at gustong mapag isa ... hindi na sya sumagot kay Elmer pero binuksan nya ang pinto ng sasakyan ni Elmer at sumakay sya.

TBC...