TIWALA 7 - CAMERA

Samantala si Elmer naman ay nagpunta pa sa bahay ng isa sa mga kabarkada niya pagkahatid kay Arianne. Birthday ang selebrasyon pero konti na lang ang mga natirang bisita at ito ay mga malapit na kaibigan ng celebrant at mga kabarkada din ni Elmer.

Tuloy ang inuman at kantahan pero dahil sa malalim na ang gabi ay parang naging boring na ang selebrasyon.

Heto ang mahirap sa nahuhuli ang dating pag may selebrasyon, naubusan na ako ng kasayahan niyo hahaha ... nakangiting sinabi ni Elmer sa limang kabarkadang kaharap niya sa inuman ...

Eh kasalanan mo yan pareng Elmer, alam mo naman birthday ni pareng Dindo ay halos hating gabi ka na darating ... ano na naman siguro pinag gagawa mo heheheh ...

San ka ba nagpunta pareng Elmer at late na late ka ng dUMating sa birthday celebration ko ... tanong ng celebrant sa kanya ...

Pasensya na pareng Dindo at mga brod ... sige heto may pangbawi ako ... para magising kayo ... itigil niyo muna ang kantahan ...

Itinapat ni Elmer ang kanyang cellphone sa TV na kapareho ang brand. Ilang sandal pa ay nag stream ang video sa cellphone ni Elmer na nakikita din sa TV.

Biglang lumitaw ang nakangiting si Arianne sa TV ... lahat ng ikinilos ni Arianne ay nakuhanan ng video ni Elmer na hindi niya alam ... mga kinunan habang dinner at nang nasa bar sila ... ipinatong lang ni Elmer sa lamesa ang cellphone niya  at inanggulo para makunan si Arianne ...

O mga brod, ang magandang babae na ito ang pinagkaabalahan ko kanina kaya naman ako na late sa pagpunta ko dito ...

Namputsa nambabae ka na naman pareng Elmer ... kaya pala late ka ngayon hahaha ... nayari mo na naman ang babae na iyan sigurado ... at nagtawanan ng grupo ...

Hahaha ... hindi pa mga parekoy ... balak pa lang ... nakangiting sagot ni Elmer ...

May mga kuha din si Arianne na nakatayo ito at naglalakad ... kitang kita ang kaseksihan niya ...

Ang ganda at ang sexy pareng Elmer ... sigurado namin hindi mo papalagpasin ang pagkakataon na matikman siya ... ano nga ba pangalan niya ...

Secret ... saka na lang at baka maunahan niyo pa ako hahaha ... pero sinasabi ko sa inyo ... may asawa at isang anak na ito pero tignan niyo naman ... aakalain niyong wala pang asawa at anak ... maganda na at ang bata pang tignan at sexy nga ... parang dalaga ...

Wala bang sexy shots yang chicks mo pareng Elmer ...

Hahaha, wala eh ... pero meron pang painit ... mga ilang minutes lang naman ...

Aba nasaan ... ipakita na agad at ng magakaroon ulit ng buhay ang party natin ...

Ilang saglit lang ay biglang dumilim ang nakikita sa TV at ilang segundo ay nagliwanag ito ... nakikita ngayon ang pang ibabang bahagi ng isang babae na nakaupo ... nakaharap sa nakatutok na camera ng cellphone ni Elmer ... naka steady lang ang pagkakaipit ng mga hita nito ...

Anak ng teteng hahaha ... binobosohan mo yung babaeng ka date mo ano ... siya sigurado yan, pareho kulay ng palda ... manyak ka talaga Pare ... itapat ba naman ang camera ng cellphone at mag video sa ilalim ng lamesa ...

Sige ... hintayin niyo lang ang mga susunod na kabanata at tignan ko kung hindi kayo ma manyak ...

Ilang sandali lang ay nakikita sa TV na napabuka ang mga hita ng binobosohan ni Elmer na si Arianne sa pamamagitan ng pag video sa ilalim ng lamesa kung saan sila nag dinner o noong nasa bar sila habang nakaupo din.

Hiyawan ang mga magbabarkada ... parang nakaboso din sila kay Arianne mula sa video na pinapanood.

Wow ... ang kinis ng legs ... ang tambok ng femfem pareng Elmer ... panalong panalo ito ... ang sarap sigurado ng chicks mo na yan hahaha ...

Hahaha ... hindi ko naman minamadali ... malalaman niyo din kapag nangyari na mga brod ...

Kada galaw ng mga hita ni Arianne ... mapabuka man o mapapa de kuatro siya ay nakunan ng video ni Elmer ...

Nagtuloy ang kasiyahan ng magbabarkada at iniwan na lang na laging naka play ang mga video na nakunan ni Elmer kay Arianne ...

Napangisi si Elmer sa sarili ... konting panahon at matitikman na din kita Arianne ...

======

Sabado ng gabi ... sa bahay ng mga magulang ni Arianne ... ayaw pang makita ni Arianne si Richard pero pinapunta nya ito para ihatid ni Richard ang anak nila dahil doon muna titira si Arianne sa mga magulang ... pinakiusapan ng mga magulang si Arianne para bumalik sa bahay ng asawa pero nagmatigas ito ... pero pinabigyan ang pakiusap na sinabi ni Richard na harapin ito.

Nasa isang kuwarto ang mag asawa ... hindi kinakausap ni Arianne si Richard ... hinahayaan lang nyang magsalita ito pero parang wala syang iniintindi ... Pakiramdam naman ni Richard ang pagkabigo dahil parang wala syang kausap.

Arianne, aaminin ko na tama nasa litrato ako ... pero ...

Pero ano Richard, idadahilan mo na naman na dapat hindi ganoon ang litrato ...

Dismayado ang pakiramdam ni Richard dahil sarado talaga ang isipan ng asawa.

Okay Arianne nakikiusap lang na sana maging bukas lagi ang isipan mo at bigyan mo ako ng lahat ng pagkakataon at suporta para malampasan natin ang pagsubok na ito ... gusto kong magkaayos tayo at maayos lahat ng ito alang alang sa ating anak at pagmamahalan ...

Malakas ang boses ni Arianne ng sumagot.

Kung tapos ka na sa mga sasabihin mo ... heto ang sagot ko ... hanggang sa biyernes, alas sais ng gabi ang iyong taning Richard ... pasensyahan tayo at malalaman mo ang aksyon ko pag hindi mo naipaliwanag ng mabuti yan ...

Arianne, pakiusap ko sa iyo kanina na ibigay mo lahat ng pagkakataon sa akin pero bakit ngayon may taning ...

Matigas talaga si Arianne.

Ano, kailangan mo ng mahabang panahon para doktorin ng teknolohiya ang mga litrato ... narinig mo sinabi ko hanggang biyernes alas sais ng gabi ... gusto ko ng magpahinga at may pasok pa bukas ...

Lumong lumo si Richard ng nilisan ang bahay ng mga biyenan. Wala naman ding magawa ang mga magulang ni Arianne para tulungan siya para mapaliwanagan ang kanyang asawa dahil nga matinding ebidensya ang litrato.

Pauwi na sana ng bahay si Richard ng tinawagan sya ni Luis.

Hello sir Luis, napatawag kayo ...

Richard, naipakita ko sa kumpare kong taga NBI yung mga litrato ... kung mahahanap mo daw yung original dahil ito ay pinalaki na sa coupon bond ...

Nasaan po kayo ngayon Sir ...

Nandito sa bahay pati yung kumpare ko ... eh kung wala kang ginagawa ay punta ka dito ay may konting pampainit lang ...

======

Wala pang 30 minuto ay nakarating na si Richard sa bahay ni Luis ... ipinakilala sa kanya si Agent Manzano na taga NBI ... inabutan sya ng bote ng beer ... at agad uminom si Richard.

Napansin ni Richard na iniwan ng anak ni Luis ang laptop.

Sir Luis, may naisip lang ako baka sakaling alam ko kung saan ang original ... pwede po bang magamit ang laptop at mabuksan ang email ni Arianne ...

Sige Richard, by all means ...

Para walang lihiman silang mag asawa ay ibinigay nila sa isa't isa ang mga password ng email nila ... agad naman nakita ni Richard ito at ipinakita kay sir Luis nya at kay Agent Manzano ... ipinakopya agad ni Agent Manzano ang mga litrato at pati ang mga email na galing doon sa nagmamalasakit ... ngayon ay alam nila na may ipapadala pa itong mga litrato sa susunod na linggo ... Ipapakita ko sa eksperto namin ito para masuri nya kung dinoktor nga ... ipapaalam nya agad ang resulta kay Luis.

Nagkaroon ng pag asa si Richard habang pauwi ng bahay ... di gaya ng biyernes ng gabi ay halos di sya nakatulog kakaisip ... dala na din ng puyat ng nagdaang gabi at konting pag asang naibigay ni Agent Manzano ay nakatulog sya ng mahimbing.

======

Kinabukasan araw ng Linggo ay parang naglaho muli ang pag asa nya ... kausap nya si sir Luis sa telepono.

Richard, medyo mahihirapan I declare na dinoctor ... magaling daw ang damuhong gumawa dahil nagkaroon ng tinatawag na term na recompression ... ayos ang litrato pero bumaba ang image quality dahil nga sa recompression na yan ... sinadya daw papangitin ang image quality ... kung baga parang hindi marunong yung kumukuha ng litrato ... o pinapalabas na low tech ang camera na ginamit ... pero may pag asa pa naman daw ... di ba sabi mo doon sa dalawang litrato na dapat ikaw lang mag isa doon ... kung maipapakita mo daw ang original noon ay pwede nilang ikumpara ...

Naku sir Luis wala akong kopya ... kung tutuusin sa lahat ng litrato alam ko sa camera ni Mr. Yoon eh ... saan ko hahagilapin ang Koreanong consultant nating yun, di ba nag end of contract na sya, kaya nga ng mga huling araw nya, dalawang buwan ang nakaraan ay halos panay pasyal at isa ako sa mga sumasama sa kanya ... bakit hindi nga pala sya na renew ...

Actually Richard, for renewal sya pero may sakit ang tatay nya at gusto nyang magtagal ng konti sa Korea, eh nakakahiya daw kung magbakasyon sya pero hindi naman alam kung matatagalan sya ... heto subukan mong tawagan sya dito, dahil noong isang linggo ay tinawagan nya ako kung open pa yung posisyon nya ... namatay na yung tatay nya at ibabakasyon nya lang daw ang pamilya nya ... at kung open ay babalik sya dito ...

Hindi nagsayang si Richard ng panahon ... bumili ng maraming load at saka tinawagan ang numero ng dating consultant nilang si Mr. Yoon.

Nakausap nya ito ... ibinakasyon nya nga ang pamilya nya ... galing silang India at kasalukuyan ay nasa Thailand ... susunod ay sa China ... sinabi ni Richard ang pakay tungkol sa camera at kung gaano kaimportante yun sa relasyon nilang mag asawa.

Natuwa naman si Richard na malaman na hindi na daw ginalaw ni Mr. Yoon ang camera ... yun nga lang ay nanlumo muli si Richard ... sa isang sabado pa daw silang magpapamilya uuwi sa Korea at ipapa courier na lang nya yung camera ... sabi ni Richard sa sarili ay huli na ang lahat dahil biyernes ang taning ni Arianne sa kanya.

Iminungkahi ni Richard na baka may tao sa bahay nila at kung pwedeng utusan na lang na ipadala ang camera.

Nasabi ni Mr. Yoon na walang tao sa bahay nila at ang susi ng bahay ay nasa kapatid nya na kapitbahay lang nila  ... yun nga lang ay sa Miyerkules pa uuwi ito.

Desidido si Richard ... hiningi kay Mr. Yoon na ibigay ang address nila sa Korea ay Miyerkules ng gabi o Huwbes ng umaga ay nasa Korea sya.

My God Richard, you are really in trouble with your wife ... ang nasabi ni Mr. Yoon ...

Yes I am Mr. Yoon, may marriage is a matter of life and death ...

Ibinigay ni Mr. Yoon ang address niya at sinabing tatawagan ang kapatid tungkol sa pakay ng pagpunta nya sa Korea ... Panay pasasalamat ang ginawa ni Richard kay Mr. Yoon ...

Sunod na ginawa ni Richard ay mag download ng visa application sa Korean Embassy ... at tinawagan yung pinoy na nakilala sa embassy na yun dahil ilang beses na din naman syang nagpunta sa Korea para sa mga training at inspection ... sinabihan sya ng kausap na siguraduhin na pupunta sya ng Lunes o kinabukasan at gagawin ang lahat para makuha ang visa ng Miyerkules.

======

Lunes ng alas sais ng umaga ... nagbigay ng isang linggong leave application si Richard at medical ang dahilan ... ipinatong ito sa lamesa ni sir Luis nya at sulat kung ano talaga ang dahilan ng pag leave nya ...  nagpunta na agad sa Makati tungo sa Korean embassy ...

Nakita agad ni Luis ang linagay na mga papeles ni Richard sa mesa nya ... itinago agad ang sulat ni Richard at dinala sa HR ang leave form ... ng makarating si Elmer ay sinabi nya na nag leave si Richard.

O Engr. Luis, kaya mo bang I cover ang ma site ni Richard pag nagpunta ka sa Davao ...

Ako na bahala doon sir Elmer ... tugon si Luis

TBC