TIWALA 9 – FADING HOPE

Miyerkules ng alas sais ng umaga ... wala pang tao sa opisina ay inilagay muli ni Richard ang mga nalikom na pay slip galing sa mga site sa probinsya sa mesa ni Luis ... nag iwan din ng sulat muli si Richard na sinasabing baka ngayon sya makaalis papuntang Korea at pipilitin sa biyernes ng hapon makauwi ...

Pumunta agad sa embassy ng Korea at sa kabutihang palad ay nandoon na ang passport nya na may tatak ng visa ... tinawagan din ng kaibigan nya ang isang travel agency kung makapag issue ng ticket na paalis din ng tanghali o hapon ng araw din na yun ... swerte si Richard at meron, may kamahalan nga lang dahil sa parehong araw ang issue sa araw ng departure ...

Ng bandang hapon si Luis naman ay nasa opisina pa pero nasa accounting department ... kinukumpara ang mga pay slip na galing sa mga trabahador na nalikom ni Richard at yung kopya sa accounting ... nanlamig ang pakiramdam nya ... may anomalyang nagaganap dahil pirmado ng trabahador ang nasa kopya ng accounting bilang patunay na natanggap nila ang sahod pero iba ang suma ng halaga doon sa mga kopya ng pay slip nila.

Kwinenta ni Luis, sa kinse pesos sa isang daan trabahador sa dalawampu't apat na araw ay mga thirty six thousand pesos ... nailing sya, iba pa yung buwanang hazard allowance ... kinumpara nya ang papel ng pay slip at ang logo ng kumpanya, parehong pareho naman ... isa sa bagong napansin ni Luis sa kopya ng trabahador ay may punit sa ilalim nito ... lahat ay ganoon.

Nagpaalam sya sa isang taga accounting na hihiramin ang ilang payslip ... walang problema kung iiwan lang ang xerox sa accounting pero ilalagay na kinuha nya ang original ... humingi din sya ng kopya ng ilang blankong payslip kung saan hindi pa naghihiwalay ang kopya ng accounting at ng empleyado ...

Pagka uwian ay dumaan si Luis sa kumpare nyang si Agent Manzano at ibinigay ang kopya ng payslip na galing sa mga trabahador at kopya ng payslip na naiwan sa accounting.

Pare ipapasuri ko sa iyo kung pareho ang tinta ng mga payslip na ito sa kabilang supot kumpara dito sa nasa envelope.

O kailan mo kailangan ito pare ...

Sa Biyernes na lang at pupunta pa ako sa Davao bukas sa project site namin ... puntahan na lang kita kung saan ka man sa biyernes para sa resulta ...

Bakit mo ba pinapakumpara ito ...

Pare palagay ko ay may malaking anomalya sa project site namin tuwing araw ng sahod ... tamang tama at sahod bukas, sana ay makita ko kung paano magpasahod ...

=======

Miyerkules ng gabi sa Korea, nagbyahe pa ng malayo si Richard mula sa airport para mapuntahan ang lugar nila Mr. Yoon ... hinanap ang kalapit bahay kung nasaan yung kapatid nito para pakiusapan na buksan ang bahay nila Mr. Yoon para makuha nya ang camera ... Pinagbuksan sya ng pinto ng babaeng may edad na.

You're Richard ...

Yes madam, good evening ...

Me not much speak English ... husband problem in plant, not home tonight but afternoon tomorrow ...

You mean madam, key of house of brother with your husband ...

Yes Richard, that is why problem also, if I have key, I don't know also where to get what you want ... You can sleep here tonight, no problem, my husband and his brother told ...

Dismayado man si Richard ay walang magagawa ... ang inaalala ay ang oras, ang taning ng mahal nyang asawa ... maski walang sinasabi si Arianne parang pakiramdam ni Richard na gagantihan sya nito sa inaakalang pambabae sa parehong paraan ... papasakitan sya sa pamamagitan ng isang lalaki ...

=======

Huwebes ay nasa Davao na si Luis ... pinuntahan nya ang mga kausap dati na naglikom din ng payslip ... natanong nya kung nagsweldo na sila ... oo daw umaga pa lang ay pinasahod na sila ... pinakita ang bagong pay slip at ang mga nakaraan na payslip ...

Dahil may dala syang payslip na hindi pa gamit ay tinanong nya bakit sa itaas sila pumipirma at hindi doon sa kahon kung saan pipirma ang mga empleyado ... ipinakita nya ang blankong payslip.

Eh sir dati ganyan ang hitsura ng pinipirmahan namin, sa harap namin pinupunit o inihihiwalay ... ngayon pareho pa din ang hitsura pero nakahiwalay na yung nga lang pag pipirma kami ay naka stapler tapos yung kopya sa opisina ay nakatiklop ... kaya sa itaas kami pumipirma hindi sa kahon ...

Malinaw na ang lahat kay Luis, may anomalya at kumukotong sa sahod ng mga local hire ... kaya pala may tiklop ang kopya ng accounting ay dahil ayaw ipakita sa kanila ang suma ng halaga nito kumpara sa halaga ng pay slip nila.

Sinong engineer namin ang nagpapasweldo sa inyo ...

Dati po noong ganyan pa ang payslip tulad ng dala nyo ay engineer nyo ang nagpapasahod ... pero ngayon ay yung kapatas namin na tulad din namin o minsan tao ni barangay chairman ...

Labag sa patakaran ng kumpanya namin ang ganyan ... eh sino may utos ng ganyan kung alam nyo ...

Eh yung big boss nyo na mas bata sa inyo ...

Napamura si Luis sa sarili ... putangina Elmer damuho ka talaga ... hayup ka pati mga maliliit na tao ay dinadaya mo.

Manong, kung sakali ba ay handa ba talaga kayong tumestigo pag nagpatawag ang opisina dahil talagang may kaso ito ... sagot namin ang lahat ... huwag nyo lang mabanggit din sa kapatas at sa mga tauhan ni chairman ang balak ko ... para din sa inyo ito at maibalik ang mga nakotong sa inyo ...

Walang problema sir ...

=======

Maghahapon na ng huwebes ay wala pa ang kapatid ni Mr. Yoon ... tinatawagan ni Richard si Mr. Yoon pero sarado ang telepono ... nahihiya naman magtanong si Richard sa asawa ng kapatid ni Mr. Yoon dahil sya lang ang nakikisuyo at nakikiusap ... kita naman ng may edad na babae na balisa si Richard ... binigyan sya ng tsaa nito at ipinatong ang kamay sa ulo ni Richard.

I feel you have serious problem ... but I pray for you everything will be okay ...

Thank you madam .... hope I am not much of a  disturbance ...

My husband say to treat you well so no problem ...

Balisa lang si Richard dahil ang return ticket nya ay ng gabi na yun sana ... pero sa tantya nya ay hindi na nya ito aabot dahil sa oras na yun dapat pabalik na sya ng airport ... madilim na ng may masilayan silang pumaradang sasakyan sa bahay mismo ni Mr. Yoon ... nagtakbuhan ang mga bata mula sa kotse.

Mr. Richard I think that is my brother in law ...

Nabuhay ang loob ni Richard ... hinawakan sya ng babae.

Sorry if I did not tell you as not to worry you, my husband cannot come home really very big problem in plant, but Mr. Yoon like you very much, he cut vacation ...

Thank you for your kindness madam ...

Nakita ko si Mr. Yoon na palapit sa amin.

Richard my boy ... how are you ... I just felt you really are in trouble and when my brother said that really big problem in their plant we have to go home ...

Sorry for disturbing your vacation Mr. Yoon, I just needed the camera urgently ...

Well come to my house and we will get it ... and stay for dinner okay ...

I will Mr. Yoon but can you help me with my ticket ... suppose to be I will fly back to Manila tonight but I am still here ...

No problem ... my wife will take care of that .. her sister works at Korean Airlines ...

Ng makatapos ng hapunan ay nagpunta si Mr. Yoon at Richard sa maliit na opisina sa loob ng bahay nito ... nakita ni Richard ng mabuksan ang drawer na may tatlong camera ito ... Nakangiti si Mr. Yoon.

Everytime I go to another country I forget to bring my camera from here so I am force to buy new camera ...

Inilagay nila ang wire sa camera tungo sa computer at view nila lahat ng picture ... I did not erase anything or transfer ... still the original ... nakita ni Mr Yoon na napaluha si Richard ...

Oh boy Richard what is really the problem ...

Kinuha ni Richard mula sa knapsack nya ang memory flash disc at ikinabit din sa computer ... This pictures is what the heartless person send to my wife ...

Nakita ni Mr. Yoon yung magandang dancer sa litrato na escort nya sa Pilipinas pero natawa sya.

Richard that person who sent those to your wife wants to destroy your marriage ... I remember even if I don't look at my own shots is that I am the one this girl kissed on the cheeks not you ... but now on the other picture you are the one kissed and I think we exchange bodies or head ... and I know who did or may have a hand in this matter ...

Who do you think Mr. Yoon ...

Who else but your asshole boss Elmer ... he was the only one to get hold of my camera for a while ... he copied some site pictures I have taken ... so do you want to copy Richard ...

Ah Mr. yoon, can I pay you the camera itself so if I need to show it as evidence, then it will be still from the original ...

No problem Richard, get the camera and I will copy no need to pay me ...

Biyernes ng tanghali ay hindi mapakali si Arianne ... hindi talaga tumatawag ang asawa sa kanya ... ang medyo lumalambot na puso nya ay nawawala na at napapalitan na naman ng galit ...

Huy bakit parang balisa ka dyan ...

Wala best parang umiikot ang pakiramdam ng tyan ko ...

Bakit may LBM ka? ...

Wala Elena, basta ganoon lang ang pakiramdam ko ...

O sayang naman baka di ka makasama mamaya sa pa birthday ni Atty Clarence ...

Hindi okay na siguro ako mamaya ... mag half day muna ako at tawagan mo ako kung saan ang final venue ha ...

Okay pahinga ka at enjoy pag si Atty Clarence ang may blow out ...

Paglabas ni Arianne ng opisina ay di nya namalayan na nag dead battery ang cellfone nya. Sa parehong oras na iyon ay tumatawag si Richard sa kanya. Nabalisa na naman si Richard at bakit sarado ang cellphone ni Arianne.

========

Samantala si Luis ay di muna pumasok ng makabalik sa Manila ... pumunta agad kay Agent Manzano.

Pare positive, magkaiba ng tinta ang ginamit sa kopya ng payslip ng trabahador at kopya ng accounting ...

Oo nga magaling ang gumawa sa unang tingin ay parehong pareho pero kung itatagilid mo sa ilaw ay makikita mong black talaga ang tinta ng kopya ng accounting nyo pero doon sa kopya ng trabahador ay medyo nag green ng konti ...

Meron akong suspect sabi ni Luis ... ito yung pinakabagong pay slip ng trabahador sa sahod kahapon ... sigurado ako yung kopya ng accounting ay hindi pa nadadala sa opisina dahil iipunin muna sa mga site ... kung makukuha natin ang mga payslip na yun o kung sino ang nag aayos ay pwede nating kasuhan ...

Sino ang suspect mo pare ...

Hindi na nga suspect eh, sya na mismo ang itinuro ng mga tao ... yung boss ko na si Elmer Suarez ...

May ilang akong tao na libre ... papasundan ko 24 oras hanggang sa linggo ... sa tingin mo nasaan sya ngayon ...

Palagay ko sa bahay nya o sa opisina dahil galing din ito sa byahe ...

Sige pareng Luis papasundan na natin ngayon din at ibigay mo lang lahat ng detalye ... gusto kong malaman din kung sino ang mga kasabwat niya.

Salamat sa tulong mo pare ... dapat office matter ito at sa legal kami lumapit ... pero malakas si Elmer sa mga nakakataas ... baka hindi namin alam kung sino ang kakampi sa amin o baka ilaglag pa kami ...

Okay lang yun pareng Luis ... medyo light lang ang mga assignment namin ... tuloy tuloy lang ang pag iimbestiga para hindi mabugok ang isipan at lagi kaming alerto hehehe ...

======

Tanghalian ng araw ding yun ... si Elmer ay nasa boarding house ni Nestor ... umuwi sya sandali dahil ibibigay ni Elmer ang mga pay slip na aayusin nya para hindi mahalata ang tupi at aalisin ang mga stapler ...

O Nestor yung iba sa sabado o linggo pa darating ... basta pag dating ay ibibigay ko sa iyo agad para matapos mo at ng ma turn over agad sa accounting ... Pagbalik mo sa opisina ay alam mo na ang iyong gagawin ...

Eh bosing nakasabay ko si Arianne kanina palabas ng office, half day ata sya pero dinig ko ay pupunta sya sa blow out ni Atty. Clarence ...

Di bale, kung talagang mahilig sa internet ang tao baka magbukas sya sa bahay ... o sige na, pero bukas o sa Linggo ay puntahan kita ulit dito ... mag happy happy tayo at bibigyan kita ng grasya at langit hahaha ...

Naku bosing ... mukhang masarap yan ha.

======

Si Richard naman ay nabuhayan na ng loob dahil dala nya ang camera at litrato na magpapatunay na fake ang litratong natanggap ni Arianne ... ang kaba nya lang ay hindi naka rebook ng ticket nya na mas maagang flight pauwi ng Pilipinas ang asawa ni Mr. Yoon ...

Nasa byahe na sya papuntang airport ng Korea pero tinawagan nya muna si Arianne bago umalis sa bahay ni Mr. Yoon kaso parang tinitikis siya ng pagkakataon ... patay ang cellfone ng asawa.

Alas otso y medya ang flight nya sa gabi ... lampas ng higit dalawang oras sa taning ni Arianne at idagdag pa ang apat na oras na biyahe ... tatawagan na lang nya si Arianne pag dating sa airport para sabihin dala nya ang magpapasinungaling sa litrato ... isantabi na lang ang taning nya ... isa pang pag asa nya ay nangako si Mr. Yoon na pupuntang Pilipinas kung hindi pa din papaniwalaan ang litrato sa camera nya ...

=======

Samantala ng bandang alas kuwatro ng hapon ay umuwi sa bahay nilang mag asawa si Arianne para maghanda at pupunta sya sa birthday blowout ni Atty Clarence ... galing syang banyo at kaliligo lang ... naiyak na naman sya ng makita ang litrato nilang mag asawa ... napaupo sya sa kama at napayakap sya sa litrato ... mamaya ay ibinalik nya ang litrato na nasa picture frame sa lamesa.

Napansin naman nya ang diary ng asawa ... diary ito ng mga paalala tungkol sa trabaho nya at dito din naglalabas ng sama ng loob si Richard pag nalulungkot sya at nasa project site ... binuklat ni Arianne ito dahil matagal na din nyang hindi nababasa ang mga sinusulat ni Richard lalo na yung sama ng loob nito sa trabaho ... Hindi alam ni Arianne kung matutuwa o magagalit na naman kay Richard dahil sa sinulat tungkol sa litrato.

Sinulat ni Richard ...

Ito ng araw na ipakita ni Arianne ang mga litrato ... Hay diary, kakauwi ko pa lang sa dalawang linggong trabaho sa site, looking forward sa isang mainit na weekend para sa amin ng mahal kong si Arianne ... pero ibang init ang natanggap ko sa kanya ... init ng ulo ... buti nga hindi nya ako sinampal dahil sa mga litratong sinisiraan ako ...

Hindi ko alam kung sino ang nagbigay sa kanya o nagpadala ng mga litratong yun ... tama, ako ang nasa litrato pero hindi dapat ganoon ang hitsura ... parang gusto kong pumatay kung sino man ang taong yun dahil isa lang ang kanyang pakay ... siraan ako sa mahal kong asawa ... hindi dapat ako magpatalo, kailangan malaman ko kung sino at ano ang puno't dulo nito.

Kibit balikat lang si Arianne matapos basahin ... basta sinabi ko sa iyo Richard, pasinungalingan mo ang litrato hanggang alas sais ng gabi ngayon ... kung hindi ... biglang napaisip si Arianne, kung hindi ano nga gagawin mo Arriane, tanong nya sa sarili.

Naalala nya ang cellfone nya ... ng tignan ang bag ay nakita nyang naka off ito ... saka nya nalaman na dead battery ito ... tinignan nya oras ... maski 30 minutes ko lang ma icharge ito nasabi nya ... nag charge ng cellfone si Arianne ... nagbihis na sya ng blouse at pantalon na fit ... at para huwag mainip ay nagbukas ng computer nila ... nag internet lamang sya ... ng maalalang magbukas ng email ...kinabahan sya sahil nakita agad ang email ng nagmamalasakit at may attachment ... binasa nya muna ang message ...

Arianne...

Pasensya na at ngayon lang ako nagka libreng oras ... sabagay konti na lang naman itong litrato na noong lunes o martes ko pa sana ipinadala ... panalangin ko lang na magkausap kayong mabuti na mag asawa para matigil na ang kalokohan ng asawa mo ....

Isang nagmamalasakit ...

Binuksan na agad ni Arianne ang apat na litrato ... at muling bumuhos ang luha nya ... dalawang litrato nasa beach ... kasama pa din ni Richard ang babaeng nasa mga naunang litrato ... isa sa tubig at isa sa buhanginan ...isang litrato na kumakain silang magkatabi sa isang restaurant ... isang litrato na nasa tapat muli ng lodge o motel ... ng matapos umiyak si Arianne ay nag print muli sya ng kopya ng mga litrato at nilagay sa bag.

Muling naghubad ng suot na damit at naligo dahil pinagpawisan sya sa nakita at kaiiyak ... habang naliligo ay nasabi sa sarili na, paano mo papasinungalingan ang mga litrato Richard ... iba't ibang lugar ay kasama mo ang babae mo ...

Nang makatapos maligo ay nakatapis ng tuwalya na lumabas ng banyo ... nagsusuklay sya sa tapat ng salamin ng di sinasadya ay nalaglag ang tapis nya ... tinitigan nya ang kanyang hubad na katawan ... bibihira nyang titigan ng matagal ang hubad nyang katawan sa salamin dahil kumpiyansa sya sa kaseksihan nya.

Richard asawa ko, nagsawa ka na ba dito sa kaseksihan ko ... kailangan mong mag girlfriend ng dancer ... hindi mo ba alam na sa halos araw araw ay nararamdaman ko ang malalagkit na titig ng mga kalalakihan sa akin.

Nakaramdam sya ng kakaiba, parang maski sya ay na tomboy sa kaseksihan nya ... ngumiti at may kinuha sa drawer nya ... manipis na lace na bikini cut na panty at lace na bra, parehong kulay puti at see thru ... isinuot ito at muling tinignan ang sarili ... lalo syang nakikiliti sa kaseksihan ng katawan na nakikita nya dahil naging seductive ito sa lace na bra at panty.

Ito ba ang kinasawaan mo na katawan Richard ... namili sya ng sleeveless na blouse na may collar na kulay puti at isinuot ito ... ang huli ay palda na stretchable cotton na puti na itim na stripes ... bakat ang hubog ng balakang at ang maumbok at bilugan na puwet nya.

Nagsawa ka na sa akin Richard kaya may pinansin ka ng ibang babae ... pwes ... maraming papansin sa akin ngayong gabi at pagsisihan mo ang mga ginawa mo at ng babae mo ... ang oras ng palabas sya ng bahay ay alas singko na ... meron ka pang isang oras Richard para maayos mo ang gusot natin ...

Nagkita ang magkaibigang Arianne at Elena sa isang mall at sabay silang pumunta sa libis ... sa lugar kung saan ipagdidiwang ni Atty Clarence ang birthday nya ... nasa parking lot sila nadaan at malapit na sa pintuan ng marinig ni Arianne ang pag ring ng phone nya ... si Richard ... sinenyasan ni Arianne si Elena na mauna at sasagutin nya ang telepono nya ... naglakad ng konti si Elena pero tumigil ito sa likod ng isang malaking sasakyan ... dinig nya si Arianne ...

O ano magaling na lalaki talagang sinagad mo pa ang taning ko ...

Arianne mahal ko dala ko na ang magpapatunay na hindi totoo ang nasa litrato ...

Alam mo Richard malinaw naman ang sinabi ko, hanggang alas sais ... eh nasaan ka ...

Tuloy tuloy at malakas ang boses ni Arianne ... at ng makasingit si Richard ...

Mamaya ko pa maipapakita sa iyo ito ... ang hiling ko lang ay alisin mo na ang taning mo sa akin at may puwereba na ako ...

Alam mo Richard, hindi ko alam kung paano mo mapapasinungalingan ang litrato dahil kanina ay may pinadala na naman sa akin na litrato ... ngayon sampu na ang litrato na hawak ko ...

Arianne ang pakiusap ko nga lang ay huwag mo ng igiit ang taning ko, mamaya maski hatinggabi ay ipapakita ko sa iyo ...

Naku Richard, ayaw kong magtalo tayo ... kung aamin ka ngayon ay aalisin ko ang taning mo ... oo sasama loob ko talaga, magkakasira tayo pero hindi ko isasara ang puso at pinto ko sa iyo ... hihintayin mo na lang kung kailan handa na ako na mag usap tayo ...

Arianne my God kaya nga hindi ako nagpapakita ng mga ilang araw para hanapin ang magpapasinungaling sa litrato tapos ngayong bibigyan mo ako ng pagpipilian na aminin ko lang at okay na ... wala akong aaminin dahil dala ko nga ang pruweba ko ...

Sorry Richard, halos alas sais na ... binigyan kita ng taning tapos isang pagkakataon na umamin ... walang sisihan Richard, lintik lang ang walang ganti ... kung kaya nyong mga lalaki ang magloko ay kaya ko din bilang babae na magloko din ...

Ng marinig yun ay napasigaw si Richard ... napatingin pa nga ang ibang tao sa loob ng Airport ng Korea.

Arianne, huwag na huwag kang gagawa ng aksyon na ipagsisi mo at siguradong magkakasira tayo, ang pamilya natin ...

Bakit di mo inisip yan magkakasira ang pamilya ng mang babae ka Richard ... Arianne please nandito pa ako sa Korea ... at naputol na ang linya ...

TBC ...