TIWALA Bk2 – Ch. 1 HOME

Sa Unang serye ... ang Tiwala ni Arianne kay Richard ay nawala dahil may lumason sa kanyang isipan sa pamamagitan ng mga pekeng litrato. Sa Book 2 ... kukunin ni Richard ang Tiwala ng iba't ibang karakter o katauhan upang maisakatuparan ang kanyang plano.

Ang kuwentong ito ay tunay na naganap ... iniba lamang ang mga pangalan ng mga karakter, lugar at mga estado nila sa buhay ... hinaluan lang ng mga situwasyon, ibang dialogo, drama at seksual na eksena upang bigyan ng buhay ang istoryang ito.

Babala:

Maaring may mga iniisip na kayo kung paano tatakbo ang istoryang ito ... hiling ko lang na huwag niyong isarado ang isipan at ihalo ang mga iniisip niyo sa daloy na aking istorya ... ibang iba ang istoryang ito at ibang Richard ang matutunghayan sa seryeng ito.

Sana magustuhan niyo pa din ang ikalawang serye ng tiwala ...

Mga Nagbabalik na Karakter:

Richard / Arcadio
Arianne
Elmer
Elena
Anselmo
Luis
Dennis
Agent Manzano
Lanie
Atty. Cherry
Engr. Mansueto

BAGONG PANIMULA

Higit dalawang taon ang lumipas ... may handaan sa bahay ng mga magulang ni Arianne ... birthday celebration ni Raphael ... ang anak nila Richard at Arianne ... apat na taong gulang na ito.

Inaasikaso ni Arianne ang mga bisita sa loob ng bahay nila ... kasama niya si Elena na sa pag aasikaso ... ilang saglit ay lumapit kay Arianne si Anselmo na nanggaling sa may garahe ... may ibinulong ito na narinig din ni Elena.

Elena, Anselmo ... kayo na muna ang bahala sa mga bisita ...

Lumabas si Arianne ng bahay ... nadaanan ang anak at mga batang bisita nila na naglalaro ... tinungo ang lalakeng nag iisang naka upo sa garden table.

O aalis ka na daw, pasensya na at hindi na kita masyadong naasikaso ... daming bisita kasi ... nabusog ka ba?

Okay lang Arianne ... wrong timing lang ako, hindi ko alam na may handaan kasi ng mapadaan ako dito ...

Sa di kalayuan ay may mga matang nagmamasid mula sa loob ng nakaparadang sasakyan sa pakikipag usap ni Arianne sa isang lalake sa may garahe ng bahay ng magulang nito ... maya maya ay mabilis na tumibok ang puso nito ... nakita na naglalaro ng bola ang batang lalake malapit lang sa kanyang inang si Arianne ... may tumulong kaunting luha galing sa mata ng taong lihim na nagmamasid.

Tumayo na ang lalake ... nagpapaalam na kay Arianne ...

Hindi naman kita minamadali Arianne na magdesisyon ... masaya na ako at napakinggan mo din ang paliwanag ko sa nangyari sa atin noon ... at ang gusto ko lang na malaman mo ang intensyon ko ulit sa iyo ... basta nandito lang ako dahil alam mo naman na espesyal ka pa din sa akin ... wala akong ipinalit na iba sa puso ko ...

Salamat sa pang unawa mo ... wala pa kasi sa isipan ko ulit ang mga bagay na iyan ... masyadong masakit pa ang mga nangyari at hanggang ngayon ay hindi ko pa makalimutan ... alam mo din na wala kaming pormal na paghihiwalay ng nawawala kong asawa ... oo buhay siya pero walang makapagsabi kung nasaan siya ... panahon lang naman ang magsasabi kung mawawala na ang sakit sa puso ko at handa na ako ulit na humarap sa panibagong pakikipag relasyon ... kung matiyaga ka at nandyan ka pa din pagdating ng panahon na iyun ... kung dumating man ang panahon na iyun ... malay mo ... sagot ni Arianne sa lalake ...

Lumabas na ng gate ang lalake at muling nagpaalam kay Arianne.

Sumakay na ang lalake sa kanyang sasakyan at umandar na ito papalayo sa bahay nila Arianne.

Nag dial ng cellphone niya ang lalakeng nagmamasid mula sa loob ng kanyang sasakyan ...

Nag ring naman ang cellphone ng lalakeng dumalaw sa bahay nila Arianne ... hindi registered ang numero kaya hindi niya sinasagot ... lalo na at nag mamaneho sya ...

Umabot na sa tatlong miss call ... makulit talaga ang tumatawag ... sa ika apat na tawag ay itinabi niya ang kanyang sasakyan at sinagot ito.

Hello ... Hello sino ito ...

Hindi muna sumagot ang tumatawag.

Hello ... huwag mo akong istorbohin dahil nagmamaneho ako kung sino ka man ...

Boto ako sa iyo ... kung papalarin ka kay Arianne ay mahalin mo siya ng husto pati ang anak niya ... okay Dennis ...

Richard ???? ...

In-off na ng tumawag ang telepono.

Parang natulala naman si Dennis ... nagtataka sa sarili kung bakit Richard ang nasabi niya eh hindi naman niya talaga kilala ang boses ng kausap ... minsan lang niya nakausap ng personal at hindi pa niya ito nakausap sa telepono.

Ipinagpatuloy ni Dennis ang pagmamaneho ... napapailing siya at malalim na napapaisip.

=======

O best, dapat masaya ka at birthday ng anak mo ... bakit parang malungkot ka ... ano na naman iniisip mo ... pahayag ni Elena habang palapit sa kaibigan na parang natulala na din mula ng umalis si Dennis ....

Wala lang ... napapaisip lang ako Elena ... si Dennis hindi ko binigyan ng chance na makapagpaliwanag dati ... ganoon din kay Richard ... ang masakit pilit ko pang pinapaamin muna si Richard bago ko siya pagbibigyan na kausapin ...

Shhhhh ... tama na best ... try to move on ... ito ang naging tadhana ng buhay mo ... binigyan ka ng hard lesson ... na maski marami na ang nanloko sa iyo sa mga naka relasyon mo na lalake noon ... dapat maging open minded ka pa din palagi ... na magbigay ka ng chance sa gustong magpaliwanag ... para hind na maulit ang nangyari ng kagaya sa inyo ni Dennis at lalo na sa asawa mo na si Richard ...

Oo nga best ... pinipilit kong mag move on ... pero hanggang hindi ko naipaparating ang paghingi ko ng tawad kay Richard ay patuloy na masakit at mabigat ang pakiramdam ng puso at isipan ko ... hindi naman ako umaasa na mgakabalikan pa kami ... gusto ko lang magsabi ng sorry at sana mapatawad niya ako sa pagkakasira ng pamilya namin ...

Huwag ka naman maging negative best ... panahon lang ang hihilom ng lahat ng ito ... ibuhos mo na lang lahat ng attensyon mo kay Raphael ... kita mo o ... lumalaki siyang kamukha ni Richard ...

Ngumiti si Arianne ... oo nga Richard Jr. ...

=======

Nag ring ang telepono ni Agent Manzano ... tinignan niya ang call register at napangiti siya.

Hello ... nasaan ka na ... kanina pa kita hinihintay ...

Eh Agent Manzano ... nandito ako sa sinasabi niyong dalawang puno ng niyog pero hindi lang pala ito ang dalawang puno ng niyog na magkadikit ...

Pero iyan ang una mong nakita ...

Oo sir ... mula sa eskinita ito ang unang magkadikit na puno ng niyog na nakita ko ...

Sige lumakad ka lang ng diretso ... mga limang minuto ...

Eh baka lumampas ng limang minuto ang paglalakad ko dahil madilim Sir ...

Maliwanag naman ang buwan ... aabangan na lang kita ...

Naglakad ang kausap ni Agent Manzano ... unti unti ay nakakita sya ng ilang kabahayan ... tahimik ... ang aga naman matulog ng mga tao ... wala pang alas otso nasabi nito ...

Ilang hakbang pa niya ay biglang nasinagan siya ng flashlight ... nasilaw siya kaya tinabingan niya ng kamay ang liwanag na tumutok sa kanyang mata ...

Sino ka .... tanong ng lalake sa di kalayuan na may hawak ng flashlight na nakatutok sa kanya ...

Si Richard ho ito ... si Agent Manzano nandyan ba ... ?

Ka-tsak ... tunog ng baril at naramdaman ni Richard na may tumutok na matigas na bagay sa ulo niya.

Ako si Agent Manazano ... huwag mo akong paglolokohin ... kilala ko si Richard ... anong ginawa mo kay Richard ... inaasahan ko siya dito ... pero ikaw ang dumaan sa harap namin ... malakas na sigaw ng ahente ...

Sir ... Agent Manazano ... teka muna ... hindi ako lalaban ... ako talaga si Richard ... posasan niyo ako at pagkatapos ay magpapaliwanag ako.

Nagtataka din naman si Agent Manzano .... kaboses nga ni Richard pero parang ibang tao ang nakikita niya ... maski sabihin pang hindi maliwanag ang lugar na kinatatayuan nila ...

Martinez ... posasan mo nga ito ...

Hoy huwag kang magtangka ng kung anuman habang pinposasan ka at hindi lang ako ang nakatutok ng baril sa iyo ... malakas na boses na paalala ni Agent Manzano ...

Opo Sir ...

Ipinasok nila sa isang bahay si Richard at pinaupo ... binuksan ng isang Ahente ang ilaw at ng magliwanag ay biglang itinutok ulit ni Agent Manzano ang baril sa ulo ni Richard ...

Putang ina ... sino ka ... hindi ikaw si Richard ...

Nakangiti ... kalmadong sumagot si Richard ...

Agent Manzano ... may mga babanggitin ako ... Arianne, Luis, Elmer, Nestor ... pekeng litrato ... Misis kong si Arianne nakunan niyo ng litrato kasama ni Elmer sa motel ...

King ina ... alisin niyo nga yung salamin ...

Inalis ng isang ahente ang parang reading glass na suot ni Richard ...

May alinlangan pa din si Agent Manzano ... pero ngayon ay nakita na niya ng husto ang mga mata ni Richard ... namangha siya sa ibang anyo nito.

Anong ginawa mo sa sarili mo Richard ... parang wrestler na ang katawan mo ... ang laki ng kaha mo ... pero bagay sa iyo ... long hair ka pa at pa balbas sarado effect ... ang kulay mo parang naging moreno ka na ...

Kailangang gawin ko ito ... para sa mga bagay na pinatrabaho ko naman sa inyo Agent Manzano ...

Kalagan ang posas boys ...

Pasensya na ha at natutukan pa kita ... alam mo naman alerto ako lagi eh ... hindi mo naman sinabi na nagbago ka ng anyo ... buti kabisado ko ang mata mo ...

Okay lang iyun sir ...

Kailan ka pa dumating Richard ...

Kaninang umaga lang sir ...

Wala ka talgagang sasayangin na oras sa bakasyon mo ha ... umpisa na agad ang misyon mo ...

Bakit nga pala kayo nasa liblib na lugar dito sa Cavite, may operation ba kayo? ...

Meron pero surveillance lang sa kabilang barangay ... kaya dito na kita pinapunta kasi hindi ako makakapunta sa maynila ... isang linggo kami dito at sabi mo nagmamadali ka ... halika sa isang kuwarto Richard ... pag usapan natin

Sir ... may dala pala akong pagkain at konting maiinom nasa sasakyan ko sa may labasan ...

Akin na ang susi ng sasakyan mo at hayaan mo na ang mga bata ko ang kumuha ...

Pumasok na sa loob ng kuwarto si Richard at Agent Manazano ... may kinuhang makapal na folder si Agent Manazano sa kanyang drawer at inilapag sa lamesa.

Bago ko umpisahan Richard, pinapaalala ko sa iyo na kapag may ginawa ka na hindi maganda sa mga taong pina surveillance mo ay mananagot ka sa akin ... ako makakalaban mo ...

Kung patayan at bugbugan ay walang mag uumpisa o magaganap sa parte ko puwera lang kung ipagtatanggol ko ang aking sarili Sir ...

Mabuti na yung nagkakalinawan tayo ... yung bayad mo sa trinabaho namin ay balewala, pang for the boys lang yun ... pinagbigyan kita dahil sa pakiusap ng kumpare kong si Luis na pinakiusapan mo noon.

Salamat Sir, pinapangako ko sa inyo na malayo sa isipan ko ang maging bayolente ...

Sige umpisa na tayo ...

Inilatag ni Agent Manzano ang mga litrato at mga dokumento.

Ito si Daisy ... sa papel ay asawa pa din niya si Elmer ... dahil nabinbin ang annulment case nila ni Elmer kasi nagpuntang Amerika si Daisy upang samahan ang ina para magpagamot at mag therapy ... higit isang taon itong nawala ... kamakailan lang din bumalik at muling binuhay ang annulment case laban kay Elmer ... sa maynila nga pala dinidinig ang annulment case kaya nasa Maynila si Daisy nanunuluyan ...

Gaya ng hiling mo ... hinanap din naman kung sino ang malapit na kaibigan ni Lanie ... yung babaeng lagi mong nakakasama sa pekeng litrato ... ang best friend niya ay si Jenny ... dancer din ito ... pero mas trinatrabaho na ang pagiging escort girl gaya ni Lanie ... dati magkasama sila ni Lanie ng tinitirahan pero dahil nga sa lumakas ang kita ay bumukod ... best friend pa din naman sila ni Lanie ...

Ito naman si Virgie ... mother ni Elmer ... 50 anyos ... disi otso ito ng ipinagbuntis si Elmer, syempre napilitan ipakasal sa nakabuntis na tatay nga ni Elmer maski sampung taon ang pagitan nila ... naging ordinary housewife lang dahil maganda na ang career bilang inhinyero ang ama ni Elmer ... alam mo na siguro na patay na ang ama ni Elmer noong bago pa lang kayong magkasama sa kumpanya na dati niyong pinasukan ... kaya ilang taon na din na biyuda ito.

Tumango lang si Richard ...

Ito si Gina bunsong kapatid ni Elmer ... 22 years old ... kasama niya ang kanyang inang si Virgie sa bahaygraduate na sana nang kolehiyo pero pailan ilang subject lang ang kinuha ng huling dalawang taon dahil nga hindi na masyadong makapagbigay ng pera si Elmer sa pag aaral niya ... Meron itong BF na Greg ang pangalan ... isang part time model ... lagi itong nakatambay sa bahay nila Virgie at Gina tuwing hapon ...

Nang huli tayong nag kausap ng nasa abroad ka pa ... sabi ko ay swerte ka dahil hindi ka na lalayo sa uupahan na bahay o kuwarto ... dahil nga ang ina mismo ni Elmer ay pinapaupahan yung silong ng bahay nila na may sala, kitchen at isang kuwarto ...

Kaya lang noong isang linggo lang ay alsa balutan dumating yung pangalawang anak niya na si Faye, 28 years old ... may alitan sila ng asawa na si Mando at gusto niya itong hiwalayan dahil nambababae ito ... kaya hayun pinagamit ni Virgie yung silong at inalis na yung for rent na karatula ... yung Mando naman pag may oras ay panay punta kay Faye at sinusuyo ito para bumalik na sa kanila ... inis si Virgie kay Mando kaya hindi niya ito sinusoportahan sa panunyo kay Faye ...

Pero sir, may nahanap ba kayo pwedeng upahan na malapit lang sa bahay nila Elmer o Aling Virgie ...

Ang pinakamalapit ay malayo din kaya yung sabi mo na gusto mong makita ang araw araw na galaw nila ay hindi mo magagawa ... eh kung nandoon ka na ay tumira ka muna sa tingin mo ang pinakamalapit at mag manman baka may pwede kang malipatan ng mas malapit doon sa bahay ...

O basahin mo na lang itong mga dokumento para sa karagdagan backgrounder ng mga taong pina surveillance mo ...

Salamat Sir Manzano ...

Okay lang Richard, basta pinaalalahanan kita na ako ang makakalaban mo kapag may nangyaring masama sa mga taong iyan ...

Pangako Sir ... hindi ako bayolenteng tao ...

Okay, naniniwala ako sa iyo sa ngayon Richard ... pero baka gusto mo akong kuwentuhan bakit naging ganyan ang hitsura mo ... sabi mo kanina ay paghahanda para sa pinatrabaho mo sa akin ... gusto kita tuloy pagdudahan na may gagawin ka talagang masama kasi bad boy ang image mo sa akin ngayon ...

Mahabang istorya sir ...

Handa akong makinig habang kumakain tayo Richard ...

Eh kung ganoon handa din akong magsalaysay Sir ...

TBC ...