TIWALA Bk2 – Ch. 2 BAGONG ANYO "ARCADIO"

Mahabang istorya sir ...

Handa akong makinig habang kumakain tayo Richard ...

Eh kung ganoon handa din akong magsalaysay Sir ...

=======

Una nagpapasalamat ako sa inyo Sir Manzano ... kung hindi dahil sa payo niyo na magpakahinahon ako noong araw na iyun malamang napatay ko si Elmer dahil sinira niya ang buhay ko ... ang pamilya ko ... nakatulong din ang pagtawag ng Agency na tanggap na ako papuntang abroad ...

Nang una ay pinilit kong maging kalmado dahil hindi din nga ako marahas na tao ... pero dahil sa nagtago ako sa mundo at nandoon yung pakiramdam na nag iisa ay ramdam ko ang hapdi at kirot sa puso at isipan ko buong araw at gabi ... unti unti ay nakakaramdam ako ng galit ...

Akala ko din hindi niyo ako pinansin ng tinawagan ko kayo dahil hindi kayo nakapagbigay ng oras o araw na pwede tayong magkita ... nakakaisip na tuloy ako ng mga marahas na gawain sa aking isipan ... mabuti na lang at kinatagpo niyo ako makalipas ang halos dalawang linggo ... dahil uumpisahan ko na sanang hanapin si Elmer ...

Gusto ko ngang matawa sa iyo noon Richard ... parang nawawalang magulang mo ako ... nang makita mo ako ay talaga naman napayakap ka ng mahigpit sa akin ...

Parang nakaramdam ako ng ginhawa kasi ng makita ko kayo Sir Manzano ...

Para namang umayon ang situwasyon ng araw na magkita tayo para magka usap ... dahil kinagabihan ay tumawag yung recruitment agency sa akin na baka interesado pa din ako sa offer ng kumpanya sa abroad ... dahil ako daw talaga ang gusto ng mga nag interview ...

Higit isang taon na kasi mula ng tinanggihan ko ang offer ng kumpanya na iyun ... pangarap kong mag abroad pero ng mapangasawa ko si Arianne at nag ka anak kami ay isinantabi ko na ang pangarap na iyun ... maski talagang malaki ang offer na sahod ay ang makasama ang pamilya ang gusto ko ...

Pero dahil nga nag iba ang situwasyon at gusto ko ngang maglaho dito sa Pilipinas ay tinanggap ko na ang offer ng kumpanya na iyun sa Russia ... sa isang offshore rig ang trabaho ko ...

Nang unang buwan ko sa Russia ... akala ko matatakasan ko ang masakit na alaala sa aking buhay ... gabi gabi ay impit akong naiiyak kapag naiisip ko ang naging kapalaran ng aking pamilya ...

Alam niyo Sir Manzano ... galing ako sa broken family ... limang taon pa lang ako ay naghiwalay ang ama at ina ko ... may kinasamang ibang babae ang father ko ... maski ganoong edad pa lang ako ay nakadama na ako ng sakit ... sakit dahil sa pagkakasira ng pamilya ... buti matatag ang nanay ko at pinalaki niya ako mabuti at hindi tinuruang mamuhi sa ginawa ng aking ama ...

Sabi ko sa aking ina ay hindi mangyayari ang ganoon sa aking pamilya ... kaya lang masisira din pala sa ibang kadahilanan ... yun ang pinag iiyak ko nang nasa abroad ako ... hindi ako homesick ... kung hindi parang masisiraan ako ng bait ...

Yung Ruso ko na room mate na si Vladimir ay naririnig pala niya ang impit na iyak ko ... hindi siya nakatiis na kausapin ako minsan dahil nakikita niya ang laki ng eyebag ko at isang buwan pa lang ay parang nabawasan ang timbang ko ... magaling naman siyang mag ingles kaya naging malinaw ang usapan namin ...

Sinalaysay ko sa kanya kung bakit ako umiiyak ... nang makatapos ako ay sinabi niya na you need to redirect your mind Richard ... put your energy on other things ... I see you work and after work, you eat and you go to the room ... there is a recreational area here in the rig you know ... play some sports or much better go to the gym so that your energy will be spent and you will have a good sleep ...

Syempre maganda naman ang payo niya at nahiya akong hindi sundin ... baka nga naiistorbo ko din siya sa impit na pag iyak iyak ko ...

Unang araw na nag gym ako ay sumakit ang mga buto buto at kasu kasuan ko ... pero doon ako nakatulog ng masarap ... buo ang tulog ko kaya pag gising ko parang bagong mundo ang aking nasisilayan ... nakadama ako ng gaan sa aking pisngi ... at pag tingin ko sa salamin ay may ngiti ako sa aking labi ..

Ipinagpatuloy ko ang aking pag punta sa gym ... marami na akong mga naging kaibigan ... Ruso, asiano, at iba ibang lahi ... hindi naman ako particular na palakihin ang katawan ko ... ang sa akin ay exercise lang at maging diretso ang aking pag iisip ... ibinubuhos ko ang aking enerhiya sa pabubuhat ng mga barbell at ibat ibang gym equipment at exercises ...

Napansin ko na lang na lumaki ang katawan ko ng magsikipan na ang aking mga damit ... tapos may nagsabi pa na gayahin ko ang isang porma ng isang local wrestler nila na Ruso dahil katipo ko ... ewan ko at bakit ako napasunod ... pati yung long hair ay ginaya ko ...

Richard, payo ko lang sa iyo ay pansinin ka sa long hair at pagiging balbas sarado ... palagay ko ay long hair pa din pero hindi yung ganyang kahaba ... at bigote na lang huwag na balbas sarado ...

Hayaan niyo susundin ko payo niyo Sir Manzano ... papagupit ako ng konti at bigote na lang ...

So ganoon na nga Sir ... patuloy akong nag gym at ganito na inabot ng katawan ko ... lumakas din po ako at minsan napapasabak sa mga laro nilang arm wrestling ...

Bakit naman medyo inayos mo ang ilong at pati pisngi mo umurong ... gusto mo ba talagang magbago ng anyo Richard ...

Hindi naman Sir Manzano ... nagkataon lang na ganito ako dinala ng pag iisip ko habang nasa abroad ... kung maalala niyo noon na si Elmer lang ang plano kong pa surveillance ... gusto ko siyang pahirapan makahanap ng trabaho ... gusto ko din siyang sirain ... pero napag isip ko na mahirap na gawain yun ... para bang habang buhay ko na lang siyang babantayan ...

Kaya nagbago ang plano ko ... kaya medyo nagpa ayos ako ng konti sa mukha ...

Sabagay Richard, pag hindi mo suot yang pekeng reading glass ay mamumukhaan kita basta matagal na kitang natitigan ... pero siguro alam ko kasi si Richard ka ... buti hindi ka nahirapan sa mga dokumento mo gaya ng passport ...

Hindi naman sir ... pag sa oil rig ka nagtarbaho ay pinagbabakasyon kayo kada tatlo o apat na buwan, 21 days iyun ... pero ako ay hindi ako umuwi ng Pinas sa kada bakasyon ... sa Moscow lang ako ... at doon ako nagka idea ni I ayos ng konti ang mukha ko para magkaroon ng pag kakaiba ... yung sa consul ng Pinas ay walang problem ... nakita nila ako palagi ... mula ng clean cut ako hanggang naging mukhang sanggano ako sa long hair ko at pagiging balbas sarado ...

Hahaha ... kaya pala ... so doon mo binago na ang plano mo ... hindi na si Elmer ang babantayan mo kung hindi yung mga malalapit sa kanya ... ang naiisip ko lang na gagawin mo kung hindi ka nga magiging bayolente ay magpapadala ka din ng mga mapanirang bagay sa mga taong malapit kay Elmer ...

Isa lang yun Sir Manzano ... may mga gagawin pa ako pero huwag kayong mag alala, pinapangako ko sa inyo, wala akon gagawing bayolente si Richard sa kanila ...

Well it remains to be seen ... magtitiwala ako sa iyo Richard ... dahil sabi ko sa iyo ako ang makakalaban mo kapag may nangyaring masama sa mga taong pina surveillance mo ...

Asahan niyo po Sir ... salamat din pala at hindi niyo binibigay ang impormasyon kay Sir Luis kung nasaan ako ...

Naku gusto na ngang magtampo ni Luis sa iyo pero sige lang daw ... suportado ka niya kung anuman ang iniisip mo basta sa ikakagaan ng iyung pakiramdam ...

Sir Manzano ... heto pala ang mga ID picture na hinihingi nyo sa akin ...

Sige, luluwas ang isang bata ko bukas ... sa kanya ko ipapatrabaho yung mga pekeng ID at drivers license na hinihingi mo ...

======
Nang gabi ding yun nagliligpit na si Arianne ng mga ginamit sa kakatapos na birthday party ng anak ... katulong ang mag asawa na ngayon na sina Elena at Anselmo ...

Nang may kumatok sa gate ...

Sir Luis ... naku ginabi na kayo ... buti may natira pang pagkain ... salubong ni Arianne ...

Naku ... may delay kasi yung eroplano kaya ngayon lang nakadating ng Manila mula sa project site sa probinsya ... huwag ka ng mag abala Arianne ... busog ako at idinaan ko na lang ang regalo ko kay Raphael ... at yung padala ni Richard ...

Biglang nalungkot na naman si Arianne.

Sir Luis, totoo bang hindi niyo alam talaga kung nasaan si Richard ...

Arianne ... kung alam ko ay sinabi ko na sa iyo ...

Kasi gusto ko lang maiparating sa kanya na kahit isang minuto lang niya akong harapin ... may gusto lang akong sabihin sa kanya ... pagkatapos nun ay huwag na niya akong pansinin ... kahit anak na lang namin ang dalawin o pagpakitaan niya ... ayaw ko naman magmalaki na hindi ko na tatanggapin ang buwan buwan niyang pinapadala na pera kung hindi sya makikipag usap sa akin ...

Arianne ... ganito yun ha ... ayaw pa trace talaga ni Richard ... sa kada buwan na magpapadala siya ay iba't ibang pangalan ng tao at bansa ang sender na nakalagay sa remittance ng Western Union ... parang James Bond ... daming koneksyon na tao at nagagawa niya ang ganun ...

Medyo napaluha si Arianne sa narinig ...

Arianne ... hayaan mo na lang muna si Richard ... maghihilom din yung sugat at sakit sa looban niya ... sigurado ako magkakausap pa kayo ... lalo na para kay Raphael ...

=======

Cebu ... Halos tanghalian na.

Nasa taxi si Richard ... binabasa ang dokumento tungkol kay Virgie ... ina ni Elmer.

Mula ng hindi na masyadong makapagbigay ng malaking halaga ng pera si Elmer kada buwan ay nagsarado ang bigasan at tindahan ni Virgie. Pati kasi puhunan ay nagagamit na din sa pang araw araw na gastusin nila ng anak na si Gina. Ginawa nilang paupahan na lugar ang tindahan na nasa ibaba lang ng bahay nila. Dahil sa malapit sa isang eskuwelahan ay apat na estudyante na galig sa malayong lugar ang kinuha nilang boarders. Ang inaabot ni Elmer na maliit na halaga at buwanang upa ng mga boarders ang pinagkakasya ni Virgie.

Kaya lang hindi nagustuhan ni Virgie na mga estudyante ang boarders na lalake. Bukod sa maingay ay nagsisigarilyo pa. Minsan may hindi pa nakakabayad at tumatakas na lang. Sinubukan naman ang mga babaeng boarders. Ang nangyari ay naging tambayan ng manliligaw na lalake ang ibaba ng bahay nila. Kaya naisipan ni Virgie na ipaayos at ipaupa na lang sa pamilya o sa mga nagtratrabaho ang silong ng bahay nila.

Dahil walang ginagawa sa buhay si Virgie ay tambay ito sa iba't ibang mall dalawa o tatlong beses isang linggo. Walking distance lang naman sa bahay nila. Alas diyes pa lang ng umaga ay nandoon na ito sa mall at uuwi ng alas tres ng hapon. Dadaan muna iyan sa isang supermarket. Bibili ng kung anong bagay na maliit lang ang halaga at saka uuwi.

Sa isang mumurahing hotel muna nag check in si Richard ... umidlip at nang magising ay ala una ng hapon na ... naghanap ng barbero at nag pagupit ito ... gaya ng plano ... nagpa ahit din siya at bigote lang ang itinira ... pagkatapos ay kumain sa isang makakainan malapit sa supermarket kung saan nagpupunta ang ina ni Elmer ... sanay din naman sya sa Cebu dahil ilan din construction projects nila ang na supervise niya dati.

Natapos na siyang kumain ... halos alas tres na at umistambay siya sa may entrance ng supermarket ... wala pang ilang minuto ay may nakita siyang pamilyar na mukha ... medyo nasropresa si Richard ... mas batang tignan sa personal ang ina ni Elmer ... hindi halatang 50 years old ... siya kaya ito medyo parang may pag aalinlangan si Richard.

Sinundan niya na lang muna sa loob ng supermarket ... nakumpirma naman ni Richard na Virgie nga ang pangalan ng babae ng may nakasalubong itong kakilala na babae at binati ang ina ni Elmer sa pangalan nito ... nag usap saglit.

Nang wala na ang kausap ni Virgie na babae ay inumpisahan ni Richard ang pag akto para makuha ang atensyon ni Virgie ... kinuha niya ang cellfone at kunwari ay may kausap ito ... ang boses niya ay linakasan para marinig ni Virgie.

Pare kumusta na iyung pinapahanap ko sa iyo na paupahan ...

Sige na pare at ilang araw na lang ako dito sa hotel na tinitirahan ko ... ayaw ba nila yung offer ko na limang libo isang buwan ... tapos babayaran ko pang isang taon eh hindi ko naman sigurado kung aabot nga akong isang taon ... palagay ko mga anim hanggang walong buwan lang ako ... eh di sobra pa ang kita nila.

Oo pare ... pang isang taon na agad ang babayaran ko ... walang problema sa pera

Ahhh ... salamat pare ... asahan ko tawag mo bukas ha ...

Ipinasok na ni Richard sa bulsa niya ang cellfone para ipakitang tapos na ang kanyang pakikipag usap ... lumakad dahan dahan palayo ... pero nakita niya sa gilid ng kanyang mata ang pagsunod ni Virgie.

Ah mister ... sandali lang ...

Ay ano po iyun ...

Ako si Virgie ... pasensya na kung tsismosa ... pero narinig ko may kausap ka sa telepono ... naghahanap ka ng uupahan ...

Opo ... tama ang inyong narinig Ate ... pero hindi po bedspacer ha gusto ko solo ko yung lugar ...

Meron akong pinapaupahan pero mga dalawang araw ay bakante na ito ... meron na itong gamit gaya ng kama ... sofa ... plastic na dining table at upuan ... may stove na ... syempre yung ibang appliance para maging kumportable ka ay sagot mo na iyun.

Malapit lang ba dito ang lugar niyo ... pwede ho bang makita Ate Virgie ...

Ay oo iho ... ano pala pangalan mo ...

Arcadio Madrigal ang buong pangalan ko po.

TBC ...