TIWALA Bk2 – Ch. 3 SA TERITORYO NI ELMER

(Paalala: Ang pangalan na Arcadio na ang pangalan ni Richard mula sa kapitulo na ito ... may pailan ilan na eksena na mababanggit ang Richard na pangalan ... pero babalik na lang muli siya sa pangalang Richard sa mga huling kapitulo ng seryeng ito)

 

Malapit lang ba dito ang lugar niyo ... pwede ho bang makita Ate Virgie ...

Ay oo iho ... ano pala pangalan mo ...

Arcadio Madrigal ang buong pangalan ko po.

=======

Dalawampung minuto din ang nilakad nila bago narating ang bahay ni Virgie.

Ito iho ang paupahan ko ...

Kumatok si Aling Virgie.

Faye ... Faye ... nandiyan ka ba? ...

Sino ho si Faye Ate Virgie ...

Ay anak ko siya ... lilipat naman sa itaas iyan ... sa bahay ko ... kaya sabi sa iyo dalawang araw ay pwede ka ng lumipat kung magugustuhan mo at magkakasundo tayo ... dahil papalinisan ko pa para paglipat mo ay malinis ...

Wala atang tao ... pero may susi naman ako ...

Binuksan ni Virgie ang pinto ... halika Arcadio ... tignan mo sa loob ...

Pagpasok ni Arcadio sa loob ay siya namang pagbukas ng pinto ng banyo ...

Ay mommy naman ... bigla isinara ulit ang pinto ng babae ... si Faye ... lalabas sana na nakatapis lang ng tuwalya ... bagong ligo ...

Nandyan ka pala Faye ... hindi mo ba narinig ang katok at sigaw ko kanina ...

Hindi eh, maingay ang lagaslas ng tubig siyempre ...

Ate Virgie ... labas muna ako ...

Huwag na Arcadio ... talikod ka lang ... nahiya pa ang anak ko eh nakatapis naman ... hoy Faye, labas ka na diyan at tumalikod na itong bisita ko ...

Agad nagbukas ng pinto si Faye at dumiretso sa kwarto ...

O Arcadio ... tignan mo na ...

Maliit lang naman ang lugar kaya naikot agad ni Arcadio ang kabuuan ng bahay ... tinesting ang tubig kong malakas ...

Faye ... bilisan mo magbihis at gustong makita ang kuwarto ... sigaw ni Virgie

Bumukas naman agad ang pinto ... lumabas si Faye na nagsusuklay ng basang buhok ... napatingin si Arcadio kay Faye ... naka T-shirt ito at maiksing shorts ... hapit sa balakang at puwetan ni Faye ang shorts ...

Sexy din pala itong kapatid ni Elmer ... sabi ni Arcadio sa sarili ...

Lumakad si Arcadio at sinilip ang kuwarto ... pagkatapos ay tumingin kay Virgie.

Okay na okay po ang bahay na ito Ate Virgie ... magkano po ba at may budget kasi ako sa kumpanya namin ...

Pasensya na ulit ha ... tsismosa Ate Virgie mo ... okay din sa akin yung narinig ko na limang libo isang buwan ... babayaran mo na ng pang isang taon ang upa ... kasama na tubig ... kuryente lang ang sa iyo Arcadio ...

Wala pong problema ako na po ang kukuha ...

Eh baka tawagan mo pa yung pare mo kanina ... baka maghahanap ka pa ng iba ha ...

Dumukot sa bulsa si Arcadio.

Ito po ang sampung libo ... para malaman niyo na interesado ako ... yung fifty thousand pag nakalipat na ako ... gawan niyo na ng kontrata at sabihin niyo kung ano ang kailangan ko ibigay pa sa inyo ...

Naku iho ... huwag na tayo mag kontrata ... gawa na lang tayo sa papel ng kasulatan ha ... hindi naman talaga ako yung nagpapaupa ng mga apartment at building ... pang dagdag kita ko lang ito ...

Sige po Ate Virgie ... pakipirma na lang dito sa papel na tinanggap niyo na ang sampung libo ... kunin ko na din po ang numero ng telepono niyo.

Pagkapirma sa papel at pagkakuha ng numero kay Virgie nagpaalam na si Arcadio ... lumabas na ito ng pinto ... pero hindi agad lumayo ng marinig na nagsalita si Faye ...

Eh saan naman ako lulugar sa itaas mommy ...

Doon ka sa kuwarto ng kuya Elmer mo kung ayaw mo makasama si Gina ... pag bumisita kuya Elmer mo doon ka sa kuwarto ko ... hindi pa ba kayo nagkakaayos ng babaero mong asawa ...

Hindi pa ho kami nagkakaayos ni Mando ...

O siya ... mag ayos at maglinis ka dito ha ... sa makalawa lilipat na si Arcadio ...

Lumakad na ng tuluyan si Arcadio at iniwan ang mag inang nag uusap ...

======

Sa Maynila ay kausap ni Atty. Cherry si Elmer ... napilitan lang makipagtagpo ang abogada dahil lang sa utang na loob niya kay Elmer ... si Elmer kasi ang nag supervise ng construction ng isang bahay dito sa pilipinas ng tiyahin ng abogada na nasa amerika na halos walang bayad ... dahil may intensyon din si Elmer kay Atty. Cherry kaya ito tumulong.

Elmer, kinausap ko na ang ninong mo na si Engr. Mansueto ... hindi ka nila bibigyan ng certificate of employment hanggang hindi pumipirma ng waiver yung lahat ng mga kinupitan niyo na mga labor ... pati yung akala mong kadikit mo na barangay captain at mga kagawad niya doon sa isang project site ay nakisawsaw na din ... pumanig sila sa mga laborer at sila pa ang nagsulsol na idinemanda pa ang kumpanya ...

Dalawang taon na lumipas ayaw pa din pumirma ng iba ... gusto ko na kasing makahanap ng trabaho na may mataas ang posisyon ... eh hanggang walang employment certificate wala akong mahahanap kung hindi isang ordinaryong engineer position lang ... kung pwede nga lang gumawa ng peke ay ginawa ko na ... yun nga lang mag veverify siyempre yung inapplyan ko ... pwede ko nga idemanda ang kumpanya niyo dahil nasa batas na maski terminated ay kailangan bigyan ng certificate of employment Atty. Cherry ...

Pasalamat ka nga Elmer at hindi ka na kinasuhan sa korte pati na pagtanggal ng lisensya mo ... lalo na ngayon nakademanda ang kumpanya dahil sa ginawa mo ... ang isa pang nakasama eh nagmalaki ka pa sa mga shareholders dati na kayang kaya mong makakita ng ibang kumpanya na mas maganda pa sa kumpanya namin ...

Dala lang naman sa galit ko iyun na hindi ako bigyan agad ng certificate of employment ...

Kung gusto mo ay puntahan mo ninong mo na si Engr. Mansueto ... magpakumbaba ka kasi ... eh ikaw na nga ang down ikaw pa mapagmalaki Elmer ...

Hinawakan ni Elmer ang kamay ni Atty. Cherry ... marahang hinaplos haplos.

Ikaw lang naman ang inaasahan kong makaka ...

Hindi na natapos ang salita ni Elmer dahil tinayuan sya ni Atty. Cherry.

Hay naku Elmer ... presko ka talaga ... kaya nawawala yang pagkaguwapo mo eh ...

Si Atty. Cherry naman ... para hinahawakan ko lang kamay mo ... lambing ko lang yun ...

Alam ko na ang karakter mo pagdating sa babae Elmer ... nakasira ka na nga ng relasyon ng mag asawa hindi ka pa din nagbabago ... diyan ka na nga ...

=======

Nakalipat na si Arcadio sa bahay na pinaupahan ni Virgie ... agad nagpadeliver ng refrigerator at home theatre ... nakamasid lang ang mag inang Virgie at Faye habang ipinapasok ang mga bagong gamit ...

Nagpaalam din siya na maglalagay ng mga bakal na mesa at upuan sa tapat lang ng bahay niya dahil nga may lilim naman ... matambayan tuwing gabi para makasagap ng hangin.

Pasimpleng nagkabit din ng cctv camera sa piling lugar sa loob ng bahay at may nakatutok din na camera sa labas ng bahay ... naisip lang ni Arcadio na baka may makuha siyang mga eksena na magagamit niya sa kanyang plano.

Sa unang linggo ay na interview ni Virgie si Arcadio ... pinalabas ni Arcadio na surveyor siya ng isang real estate developer na kumpanya ... naghahanap siya ng mga lugar kung saan pwedeng magtayo ng project ang kumpanya nila.

Laging wala sa mula umaga hanggang hapon si Arcadio sa bahay at babalik na lang tuwing alas syete ng gabi ... inumpisahan na din niya ang mga hakbang upang mapalapit ang loob ng mag iina sa kanya ... kay Virgie, Faye at Gina ... dalawang beses isang linggo ay nagdadala ng pagkain si Arcadio sa kanila ... sinasabi niya na mga sobrang inorder sa meeting niya ... mga hindi nagalaw na pagkain ...

Dahil nakapalagayan nila agad si Arcadio ay naging magaang ang loob ng mag iina sa kanya ... lalo na si Gina na nakikiusap palagi na sa tapat ng bahay niya na lang aasikasuhin ang kanyang nobyo na si Greg tuwing dadalaw ito o kaya hindi sila pinapayagang lumabas ...

Syempre payag lang parati si Arcadio ... minsan naglalabas pa ng pera si Arcadio dahil alam niya simpleng umiinom ang mag nobyo ..

O Gina ... ambag ko baka mabitin kayo ni Greg ...

Naku kuya Arcadio ... ang dami niyan baka hindi maka uwi si Greg hihihi ...

Eh biyernes naman babes ... walang pasok bukas ... kung magkalasingan tayo baka pwede ako makitulog kay Kuya ...

Aba walang problema Greg ... pwede ka sa sala ...

Kuya Arcadio ... tatanggapin namin ito kung makiki jamming ka sa amin ... hindi na pwede patago ito ...

Ah sige, biyernes nga naman ... pwede ako sumama sa inyo Gina ...

Ayan ... sigurado pag nakita ni mommy na kasama ka namin ay hindi na magdadakdak iyun ... hiya na lang sa iyo nun ...

Ay ganoon ba ... sige ... bihis lang ako at bahala na kayong bumili ha ...

======

Nang gabi ding yun sa isang lugar sa Cebu ... nagkita ang magkaibigan na Lanie at Jenny ...

Big time ka na sis ... salita ni Lanie habang papasok ng townhouse na inuupahan ni Jenny ...

O Lanie, salamat naman at nagpunta ka dito ... eh ikaw sana bigtime ka na din kung hindi ka nagpagarahe kay Elmer ...

Sobra ka naman ... hindi naman ako iginarahe ... available all the time for him lang ...

Eh yun nga, always available for him ka nga pero nawalan ka na ng raket ... o bakit napasyal ka nga pala Lanie ...

Naalala mo last week ... sabi mo may gustong kumuha ng serbisyo mo pero gusto din na magsama ka ...

Oo, pero ayaw mo naman eh ... sabi ko sa customer maghahanap na lang ako ng iba ...

May nahanap ka na ba Jenny ...?

Wala pa eh, dahil ang tipo mo daw talaga ang gusto ... nakita kasi daw nila ang picture ko na katabi kita at natipuhan ka ng kasama nitong customer ko ...

Ah ... pwede ako ... pinayagan na ako ni Elmer ... pero paminsan minsan lang daw ... kailangan ko din naman ng pera ano ...

Oo nga pala ... ang customer ko ay nakabakasyon dito sa pinas ngayon galing abroad ... ang magiging partner mo ay kaibigan at kaopisina niya ... foreigner ito ... padating pa lang ng pinas ...

Magkano mo siningil Jenny ...

Aba galante ... alam mo ba hindi ko pa sinasabi ang presyo natin ay nagsabi na siya kung magkano ang kayang ibigay ... nagulat ako halos doble ng singil natin at kapag nasiyahan pa sa serbisyo natin ay may malaking tip daw ...

Eh confirmed na ako sa iyo Jenny ha ... huwag ka ng hahanap ng iba ...

Ayan ... tatawagan ko ulit yung customer ko ... hindi pa naman siya nag cacancel ... sasabihin ko na pumayag ka na Lanie ha ...

Tumango si Lanie ...

======

May ilang oras na din nagiinuman sina Arcadio, Gina at Greg ... nakigamit sandali si Gina ng banyo ni Arcadio ...

Greg ... usapang lalake ...

Ano yun kuya ...

Ikaw ba seseryosohin mo si Gina ... sa tingin ko madami kang chicks ... guwaping ka eh ...

Hahaha ... si kuya talaga o ... pero atin atin lang ito ha ... noong una gusto ko lang tikman si Gina ... medyo pakipot ... pero nagtitiyatiyaga ako ... eh kita mo naman ... ang ganda at ang sexy niya di ba ... pero dahil tumagal na ang pagtiyatiyaga kong makatiyempo at bumigay ay napalipat na ako sa kanya ... parang nahulog na din ang loob ko ...

So wala ka ng balak tikman na lang ... siya na ang ihaharap mo sa simbahan ... ha Greg ...

Eh kuya ... malayo pa sa isip ko yang kasal ... lalo na at gusto ng mommy niya na makatapos muna siya ng pag aaral at magkaroon ng trabaho at makapagbigay sa pamilya ...

Sa tingin mo virgin pa si Gina ... ikaw na nagsabi ... sexy at maganda ...

Kaya nga kuya ... napapalapit pa lang naman ang loob ko sa kanya ... at kung darating ang panahon na matikman ko siya ay okay lang kung virgin man siya o hindi ... at least by that time mararamdaman ko na siguro kong siya nga ang papakasalan ko ...

Ah sige ... tahimik ka na Greg ... palabas na ng banyo si Gina ...

O tuloy ang inom ... ako medyo hinay hinay na sabi ni Gina pagkalapit sa dalawang lalake ...

Bigla naman nag ring ang cellphone ni Arcadio ... nag excuse siya sa magkasintahan ... lumakad ng palayo.

Hello good evening Sir ... si Jenny po ito ...

Ah Jenny good evening din ... palagay ko good news ang dala mo ngayon kasi napatawag ka ...

Good news nga sir ... pumayag na yung kasama kong si Lanie ... so pwede na tayong mag set ng date ... kailan ba ang dating ng kasama mo ...

Ah Jenny ... siguro by next week ang dating nila ...

Nila? ... akala ko isa lang ... so kailangan ko pang humanap ng partner nila?

Dalawa lang naman sila ... hindi mo na kailangang maghanap ng isa pa ... ikaw na lang papartner doon sa isa ko pang officemate na foreigner ...

Ay ayaw mo sa akin sir ha ... hihihi ...

Hindi naman ... pwede naman tayo mag date lang ... type din naman kita ... pero huwag na yung service ... ang I service mo mabuti ay yung office mate ko ha ... sigurado laki kita niyo dun ...

Hahaha ... malaki din sigurado ang asset ... naku mapapalaban na naman ata ako hihihi ...

Hehehe ... hindi lang malaki ... mahaba pa ... sige Jenny tawagan kita ulit kapag nandito na sila ...

Napangisi si Arcadio nang makatapos silang mag usap ni Jenny ... naglalaro sa isipan niya kung ano ang mangyayari kay Lanie ...

======

Normal na lumipas ang araw ... weekend ulit ... nagsiye siyesta sa may sala niya si Arcadio ng marinig na may nag uusap sa tapat ng bahay niya ... na curious siya dahil pamilyar ang mga boses ng nag uusap ... sumilip sya sa siwang ng bintana niya.

Biglang nakaramdam ng pagtaas ng dugo sa ulo ni Arcadio ... nakita niya si Elmer at ina nitong si Virgie ang nag uusap.

Dalawang taon din mula ng huli niyang makita si Elmer ... ito yung araw ng hearing na nagkaroon ng kaguluhan ... na ipinagyabang na dalawang beses na niyang nakantot ang asawa niyang si Arianne ...

Napatingin sa may kusina si Arcadio ... kumikinang ang stainless steel na kutsilyo ... lalo pang nagiinit ang dugo niya ... gusto na niyang kunin ang kutsilyo ... lumabas ng bahay niya at itarak ang kutsilyo sa puso ni Elmer ... biglang nag vibrate ang naka silent na cellphone sa bulsa niya ...

Nahimasmasan ito at dinukot ang cellphone at binasa ang text message ... nakipag sagutan siya sa text habang nakikinig sa usapan ng mag ina ...

Alam mo Elmer kaya ka minamalas dahil sa babae mo eh ...

Huwag niyo naman lakasan ang boses niyo mommy ... baka marnig ni Lanie ...

Eh ano kung marinig ... dahil diyan sa babae na iyan kaya ka hiniwalayan ng asawa mo eh ...

Si Lanie po ang karamay ko ngayon na nasa baba ang kapalaran ko ... lahat ng dating malapit sa akin eh kaibigan lang pala ako sa pera ...

Kung ganoon, bakit mo pa nilalabanan ang annulment case mo kay Daisy ... imbes na ipunin mo na ang pera mo sa binabayad mo sa abogado at pagsasayang ng oras sa hearing ... eh magsama na lang kayo ng pokpok na babae na iyan ...

Huwag na kayong magalit mommy ... pilit naman akong bumabangon ngayon ...

Dapat lang ibangon mo sarili mo ... hanggang ngayon hindi mo pa sinasabi sa akin kung bakit nagalit ang ninong mo sa iyo ... bakit naalis ka sa kumpanya nila ... kapag ninong mo tinatanong ko sabi ay tanungin ko sa iyo ...

Huwag na po ninyong alamin ... basta move on na ako ... at dumidiskarte kung paano guminhawa ulit ang buhay ko ... natin ...

Dapat lang ... wala ka bang pera diyan ... gusto kong dalawin apo ko sa Bacolod ...

Akala ko ba may pera kayo ... sabi ni Faye isang taong upa ang ibinayad nitong tao dito ...

Isang taon nga ... pero ini inot ko yun ano ... alangan naman gastusin lahat eh matumal naman ang padala mo ng pera ...

O mommy, singilin niyo din yung pag gamit niya sa garahe ... usapan lang naman dito ay yung bahay hindi ba ...

Eh minsan minsan lang naman may dala ng sasakyan yung tao ... at saka hindi naman sigurado na tatapusin niya yung isang taon ... kaya bakit ko sisingilin ... ang bait nga ... tahimik at matulungin pa ...

Naku mag ingat din kayo ... mahirap na ang buhay ngayon baka bait baitan lang yan ...

Lumabas si Arcadio ng bahay ... naka shades ito ...

Ay Arcadio ... panganay na anak ko pala si Elmer ... sabi ni Virgie ...

Iniabot agad ni Arcadio ang kamay niya kay Elmer ... nag alangan si Elmer pero kinamayan din niya ito ...

Arcadio brod ... medyo iniba ng konti ni Richard ang boses niya ...

Elmer pare ...

Pasensya na ha ... minsan kasi nadadala ko dito ang sasakyan ng opisina kapag malalim na ang gabi ...

Ah okay lang pare ... walang problema sabi ni Elmer ...

Maya maya ay pababa na si Lanie sa nakahiwalay na hagdan ... galing ito sa loob ng bahay nila Elmer sa second floor ...

Salamat po Aling Virgie ... pasensya na at naubusan kasi ng charge ang battery ng cellphone ko ... sabi ni Lanie ...

Hmmm walang anuman ... sagot ni Virgie

Ah eh mauna na ho ako sa inyong lahat at may lakad pa po ako ... singit ni Arcadio

Sige Iho ... mag ingat ka ha ... sabi ni Aling Virgie ...

Kumaway muna siya kina Elmer at Lanie bago sumakay ng sasakyan ... at umalis na ito ...

O mommy ... mukhang mabait nga iyung Arcadio na yun pero mag ingat pa din at hindi niyo kilala ang tao na yun ...

=======

Mactan – Cebu International Airport ...

Ang nag text pala sa kanya kanina sa bahay ay ang mga kasama niya sa oil rig sa Russia ... sinundo niya ang mga ito sa airport dahil nga gusto din nilang makita ang Pilipinas ... nag Asian tour ang mga ito ...

Richard we miss you ...

Hey guys, it great you can pass by our country ... how are you Vladimir ... how are you Nikolai ... how's your trip ...

Trip was okay ... Thailand was great but the girls there speak little English only ...

Well, you will not have any problems communicating here ... our girls can speak good English ...

Rest first today ... and tomorrow we will have fun the whole day ... sabi ni Richard ....

Well ... fun will not be complete if we don't have partners Richard ...

I have already arranged for that ... tomorrow you will meet Jenny and Lanie ...

TBC ...