Twist of Fate 9: the unofficial debut

lumipas ang ilang araw at madalas ng sinasamahan ng binata ang kanyang kasintahang si Gwen para siguraduhing wala ng makakaano dito.

at gaya ng naipangako ng binata sa kanyang kasintahan ay ipapakilala sya nito sa kanyang ina at ama pero bago yun ay uunahin muna ng dalaga ang kanyang nalalapit na debut ni Gwen.

at nag kasundo ang lima na sila na ang mamahala ng Debut at kinausap ni Freya ang magulang ng dalaga pero inilihim nila eto kay Gwen.

kahit ang bestfriend ng dalaga ay kinundyaba ng lima at syempre kasama dito ang boyfriend nitong si Jason.

ilang araw nalang bago ang debut ni Gwen bago kumilos ang lahat para simulan ang plano ng lima kunyari ay may problema ang mga magulang ng Dalaga sa pera at sa trabaho.

kaya nag deside ang dalaga na hindi na sya mag hahanda sa debut tutal naman ay isang birthday lang yun na gaya ng dati ay okay lang kung di na sya mag handa.

pero ang pinag tataka ng dalaga ay ang hindi pag pansin sa kanya ng kasintahang si Odin na para bang may nagawa syang kasalanan.

kaya naman depress na depress ang dalaga dahil sa ng yayari sa kanya ngayon una ay hindi na mag hahanda sa debut nya at ngayon naman ay hindi nya alam kung galit sa kanya ang boyfriend nyang si Odin.

"o friend bakit ang aga aga ay naka simangot ka dyan?" tanong ni Melissa sa kaibigang si Gwen na hindi magawang kainin ang nag iisang burger na binili para sa meryenda.

"friend may nagawa ba akong kasalanan kay my Prince at hindi nya ako pinapansin" mangiyak ngiyak na tanong ni gwen sa kaibigang si Melissa na naawa na sa kaibigan.

nakukunsensya narin sya dahil kung bakit ba sya pumayag na makipag sabwatan sa apat na mag kakaibigan at sa pinsan ni Odin na si Freya.

hindi pa nakakasagot si melissa sa tanong ng kaibigan ay nilapitan na eto ng kanyang kasintahang si Odin.

"my princess pasensya na kung di kita na susundo at naihahatid nitong mga nakakaraang araw medyo busy kasi sa bahay may pinaayos si mom sakin" sinabi ng binata sa kanyang kasintahan

dahilan para yumakap sa kanya eto ng mahigpit na mahigpit dahil sa tuwa ng malaman nyang hindi galit sa kanya ang kanyang kasintahan.

"akala ko galit ka sakin kaya hindi mo ako pinapansin akala ko may nagawa akong kasalanan ng hindi ko napapansin kaya iniiwasan mo ako" sinabi ni Gwen sa kasintahang si Odin at sabay tumulo ang luha nito na agad namang pinahid ng binata.

"kung hindi ako nag kakamali my princess sa friday na ang Debut mo diba gusto sana kitang ayaing lumabas kung okay lang" sinabi ng binata sa kanyang kasintaha na walang dalawang isip na pumayag at sumagot ng oo.

nakahinga ng malalim ang dalaga dahil kinausap sya ng kanyang kasintahan kaya naman muli ng bumalik ang gana ng dalaga sa pag kain.

tatlong araw pa bago ang debut ni Gwen ay may hindi inaasahang pang yayari ang naganap dahil bumalik ang lalaking nakaaway ni Fenrir at ngayon ay may kasama etong mas maraming kaibigan para pag tulungan ang nakaaway nila at isama narin si Odin na nag bigay sa kanya ng isa sa pinakamasakit na naranasan nya gamit ang isang ballpen.

hindi alam ni Odin at ni Gwen na mag kasing university lang pala sila ng lalaking naka away at isa eto sa pinaka siga sa university.

kasama ng mag kasintahan ang tatlong kaibigan ni Odin at hindi rin nawala dito si Melissa at ang boyfriend nyang si Jason na nag kayayaan na kumain at gumimick muna sa labas dahil maaga pa naman at tutal tanghali na ang mga klase nila bukas.

"heh ikaw nanaman di ka pa ba sawang masaktang" sinabi ni Fenrir ng harangin sila ng mga lalaking kasama ng nakaawa ni Fenrir na gustong bumastos kay Gwen at Melissa.

"mga tol sino nga pala ang mga yan?" tanong ni Jason sa apat na kasama nyang lalaki na kaibigan ng girlfriend nyang si Melissa.

"sila yung bumastos kay Gwen at kay Melissa" sagot ni Odin kay Jason at kinuha nya ang payong na hawak ng kasintahan.

"my princess pahiram muna ako ng payong mo papalitan ko nalang" sinabi ng binata sa kanyang kasintahan.

"my prince kaya mo bang makipag away?" tanong ni Gwen sa kanyang kasintahan.

"wag kang mag alala my princess jan ka lang at hawakan mo lang yang gamit ko at akong bahala sa mga eto igaganti lang kita sa ginawang pambabastos sayo ng lalaking eto" sagot ng binata sa kanyang kasintahan at dahil sa narinig ng dalaga ay pipigilan nya sana ang kasintahan ng hatakin sya ni Melissa pa punta sa puwesto nilang dalawa ni Jason.

"tol paki bantayan ang may princess ko wag mong ipapakanti kahit kanino yan lang ang gagawin mo di muna kailangang tumulong saming apat" sinabi ni Odin kay Jason na tanging nagawa lang ay ang pag tango dahil alam nyang imposibling makaya ng apat ang mahigit tatlongpung lalaki na panay kilalang mga basag ulo sa university.

"kailangan ba talaga nating makipag away hindi ba puweding peace on earth mga tol" sinasabi ni Thor habang sinusuot nya ang gloves na ginagamit nya pag nakikipag away.

"nako naman madudumihan pa ba tayo bago makapag malling lalayuan tayo ng mga chicks nyan eh buti pa si Odin may GF na tayo mga mistulang single pa" sinabi naman ni Loki sa tatlong kaibigan habang binubuksan ang pulo na suot nya at inabot eto kay jason ng mahubad nya eto ngayon ang t-shirt lang ang suot ni Loki.

"hindi ko alam sa inyong dalawa pero ako masaya akong magulpi ulit ang lalaking yan at tignan nyo si Odin kanina pa nag iinit sa galit" sinabi ni Fenrir kay Thor at Loki.

"pano gaya ng dati?" tanong ni Loki sa tatlong kaibigan.

"teka ilan ba sila?" tanong ni Thor sa tatlo.

"38" sagot naman ni Fenrir sa tanong ni Thor.

"paramihan ang may pinaka kaunti sya ang taya ano deal?" sinabi ni Odin sa Tatlo na bumuhay ng mga natutulog na dugo ng tatlong kaibigan nya.

"humanda na kayong mag bayad at marami tayo ihanda nyo na ang mga wallet nyo" sabay sabay na sinabi ng apat habang nakangiti.

sabay sabay tumakbo palusob ang apat na agad namang sinalubong ng mga kasama ng lalaking nakaaway ni Fenrir.

ang gulo ay mabilis na sumiklab dahil sa pag lusob ng apat at agad nag simula ang palitan ng suntok at sipa pero hindi eto ininda ng apat at sumasagot parin sila sa bawat suntok at sipang tinatamo nila sa kanilang kaaway.

tumagal ang gulo ng kalahating oras dahilan para makatawag eto ng atensyon ng ibang mag aaral sa univerisity.

bagsak ang tatlongput walong kalalakihan habang ang apat ay pagod na pagod dahil sa dami ng kanilang kalaban.

"11" hingal na pag mamalaki ni Thor sa tatlong kaibigan nya

"11 din" sagot naman ni Loki sa tatlo na parang dismiyado na ganun lang ang nagawa nyang
pabagsakin.

"14" sinabi naman ni Fenrir pag mamalaki nya dahil alam nyang sya ang may pinaka mataas na napabagsak sa lahat.

"sige na ako na ang taya 2 lang ang napa tumba ko" sinabi ni Odin na itinigil ang pakikipag away ng mapabagsak nya ang lalaking bumastos kay Gwen at ang kapatid nito hindi dahil eto lang ang gusto nyang pabagsakin kung hindi dahil ayaw nyang masira ang payong ng kanyang kasintahang si Gwen.

"ano sa tingin nyon ginawa nyo sa dalawang apo ko at sa kaibigan nya" sigaw ng matandang deansna  nag mamadaling nilapitan ang pinabagsak ni Odin na dalawang lalaki.

"guard ipahuli ang pitong yan madali" sinabi ng matandang deans sa guard naman nilapitan nito ang pito ng biglang may sumigaw ng malakas para mapahinto ang guard.

"ano sa tingin mo ang ginagawa mo sa anak ko at sa mga kaibigan nya" galit na sigaw ng boses ng lalaki at ng lumingon ang deans ay nagulat sya sa nakita ang isa sa stock holder ng university at ang ama ni Loki.

"oi dad anong ginagawa mo dito?" tanong ni Loki ng makita nya ang ama.

"magandang hapon tito" sabay sabay na sinabi ng tatlo sa ama ni Loki.

"ilan ang napabagsak mo anak" tanong ni Mr.Simmos kay Loki.

"11 dad at si Odin ang talo" sagot ni Loki na nag pangiti sa ama nya.

"sya ba ang girlfriend mo Odin" tanong nito sa binata na sinagot lang ng ngiti at ng pag tango.

"aba maganda sya bilib na talaga ako sayo di gaya ng anak ko single parin" sinabi ni Mr.Simmons sa binata na naging dahilan ng pag pula ng pisnge ni Gwen dahil sa hiya.

"at ikaw Dean bakit mo ipapahuli ang anak ko at ang mga kaibigan nya kung ang apo mo naman ang humarang sa kanila at nag simula ng gulo na nasaksihan ko mula sa CCTV camera na naka install all over the campus habang kami ay nag memeeting" matigas na sinabi ng ama ni Loki na dahilan ng panlalata ng matandang dean.

itutuloy...