Nabalitaan ni Mercy na namatay na ang kanyang lolo. Kaya naman, naisipan niyang dalawin ang kanyang lola upang alamin ang dahilan ng pagkamatay nito.

"Heart attack.", ang sabi ng lola.

"Nangyari yan sa kalagitnaan ng aming pagtatalik."

Nagulat si Mercy sa narinig.

"Lola naman eh! Sa edad niyong yan, hindi na dapat kayo gumagawa pa ng mga ganyang bagay. Makakasama ho iyan sa inyo eh."

"Hindi mo naiitindihan iha, magmula ng magkaedad na kami, napagkasunduan namin ng lolo mo na gawin lamang iyon sa tuwing tutunog ang kampana sa simbahan kada linggo. Mabagal, malumanay, simple at sakto lamang ang ritmo."

"Kundi lamang sana napadaan dito yang lintek na sorbetero na yan, buhay pa sana ang lolo mo!"