1. Home
  2. Stories
  3. Rancho Guapo 4
Filipino Sex Stories

Rancho Guapo 4

By lexmavil ·

Nagsimula na ang pag aaral ni guiller. Lahat ng kailangan para sa pag aaral niya ay sagot lahat ni Nyora Miranda. Istrikto si Nyora Miranda Hindi maaaring abalahin si guiller sa pag aaral nakakauwi lang ito kapag semestral break. Nalulugod naman ang Senyora sa dedikasyon ni guiller sa pag aaral.

Naisip ni Miranda na pag nakatapos si Guiller ay kailangan pa din nito ng mga taong tapat at at hindi kailanman mag titraydor sa kanya. Para maisakatuparan nila ang mga plano pagdating ng takdang oras.

Semestral Break noon ng ipatawag sya ni Miranda.

Mgandang hapon po Nyora miranda,, ang pag bati ni guiller.

Gayon din sa iyo Guiller, kumusta ang pag aaral mo? may mga kailangan ka ba? mag sabi ka lang.

Wala naman po Nyora Miranda lahat naman po ng kailangan ko ay naihatid na sa akin, tungkol naman po sa pag aaral ay ayos naman po sa isang lingo po makukuha ko na ang aking mga grado.

Mabuti kung ganoon Guiller at iyan naman ang inaasahan ko sa iyo. yun nga palang mga kaibigan mo kumusta sila.

Hoh! ah eh ayos naman po sila….medyo nagtaka si Guiller dahil ngayun lang nagtanong si Nyora Miranda tungkol sa kanyang mga kaibigan.

Kausapin mo sila Guiller, baka gusto din nilang mag aral, pag aaralin ko din sila at kagaya mo lahat ng gastos mula simula hanggang sa makatapos ay sagot ko lahat.

Nabigla man sa nais ni Miranda ay nakahigilap pa rin siya ng lakas ng loob para magtanong.

B-bakit,,,,,, nyo po ginagawa ito.

Dahil para sa iyo Guiller kailangan mo sila.

Banaag sa mukha ni Guiller ang pagtataka kaya nagpatuloy sa pag papaliwanag si Miranda.

Pag nakatapos ka na Guiller at pag sinimulan na natin ang plano ay mangagailangan ka ng mga taong tapat at mapagkakatiwalaan mo, yun kahit na ano ang mangyari ay mananatili sa iyo at hindi ka ipagkakanulo. Hindi tayo aasa sa mga tao nakapwesto na sa gobyerno, bagkus ay huhubog tayo ng mga taong itatanim natin sa pwesto, pag aaralin nating ang mga kaibigan mo at pag nakatapos ay itatanim natin sila sa konstabularya, sa militar sa hudikatura at sa larangan ng pag nenegosyo, huhubog din tayo ng isang pulitiko Guiller, sa gayon ay hindi na natin kailangan makisama sa mga gahaman at bulok na pulitiko para sa koneksyon.

Bago mag bukas ang panibagong semestre ay kaharap na ni Miranda ang tropa ni Guiller na sina Coy, Paul Evert at Roul at pati si Atong na anak ng intsik na magtataho ay hindi nagpaiwan. Dito ay ipinaliwanag ni Miranda ang nais niyang mangyari at bilang kapalit ng pag papaaral sa kanila ay dalawang bagay lang ang hinihingi ni Miranda sa kanila dedikasyon at katapatan hanggang sa huli.

Paul--- PMA
Roul……PC
Evert…..Lawyer
Coy………Business Management
Atong…. Fixer

Matapos mag paalam sa kani-kanilang kamag-anak ang magkaka Rancho ay bumalik sila sa mansyon para sa huling habilin ni Miranda at upang ihatid sa kanya-kanyang unibersidad o institusyon na kanilang papasukan.

Tandaan nyo mga iho wala dapat makaalam na ako ang nagpapaaral sa inyo at hindi kayo maaring masangkot sa anumang gulo o problema kung sakali mang may hindi maiiwasan gulo pumirmis lang kayo, yaman din lamang na ayaw mag aral ni atong siya ang haharap at mag aayos ng problema para sa inyo maliwanag ba?

Opo, Nyora Miranda ang sabay sabay nilang aagot.

At ako ang bahala sa inyo pag may trobol mga tol, just calll my name atong da fixer. Ang sabat ni atong na ikinahalakhak naman ng mga barkada nya.

Oh, siya tama na yang biruan nyo at bibiyahe pa kayo mag iingat kayo mga iho at pagbutihin nyo.

Habang tanaw ni Miaranda ang papaalis na sasakyang mag hahatid sa magkaka rancho ay may mapaklang ngiti sa labi ito, sabay usal nang,
ilang panahon na lang at buburahin ko ang lahat ng kaaway ng pamilya ko para mamuhay ng matiwasay ang pamangkin ko

Ilang lingo ang lumipas. .

Sa isang pribadong silid ng Manila Hotel nagaganap ang pag pupulong ng triangulo.

Naghihintay na sila Senyor Labra at Datu Impid ng dumating si Nyora Miranda.
Hindi na sila nabigla kung bakit si Miranda ang dumating. Dahil ayon sa nag organisa ng pagpupulong ay si Miranda ang kakatawan kay Senyor Gavino.

Bilang panimula ng pag uusap ay inilabas nila ang kanya-kanyang piraso ng ginto na pag pinag dikit-dikit ay bubuo sa hugis ng isang triangulo.

Simbulo ito ng pag kakaisa ng tatlong bahagi ng Pilipinas ang Luzon, Visayas at Mindanao. Napakahalaga ng simbolo sapagkat ang lahat ng pag uusap na nagaganap sa presensya ng simbolo ay itinuturing na sagrado at kailangan sundin ng tatlong partido.

Matapos ang pagbibigay bati sa isat-isa at pangungumusta sa kalagayan ni Gavino ay opisyal na nilang sinimulan ang pulong.

Si Miranda ang unang nagsalita.
Lumalaganap ang droga sa Luzon wala naman kaming problema dun, ang ayaw lang namin ay sa pantalan na nasasakupan ng teritoryo namin ibinabagsak ang mga epektos, pinag pipyestahan na ng media ang sitwasyon kinakalampag na kame ng mga koneksyon namin sa gobyerno kaya humanap ka na ng pagdadaungan ng basura mo Labra… ang walang ligoy na turan ni Miranda.

Napngisi ng mapait si Labra sa narinig mula kay Miranda.

Alam ko naman kung gaanu kataas ang koneksyon nyo abot hanggang PUNO Miranda at kung gugustuhin mo lamang ay walang magagawa ang mga nasa baba na tahol ng tahol, maano bang pag bigyan mo lang ako.

Nasabi ko na ang nasabi ko, matagal mo na din namang pinakinaabangan ang kahabaan ng pantalan ng Luzon, itigil mo na yan Labra.

Iyan din ba ang desisyon ni Gavino ha! Miranda!

Tinignan ng matalim ni Miranda si Labra.

Ako ang nakaupo ngaun dito kung ano ang pasya ko ay sya ding magiging pasya ni Gavino.

Magkano!!? Miranda magkano ang kailangan mo!!?

Napatitig ng matalim si miranda kay Labra bago nagsalita ng mariin,.

Alam ko na alam mo ang ginawa ko sa taong huling nang insulto sa akin Labra.

Natahimik si Labra alam na alam niya ang nangyari sa taong iyon, pinutulan ito ni Miranda ng ari at ipinakain sa kanya kilala ni Labra ang taong iyon isa ding maimpluwensya ngunit walang nagawa sa takot na ubusin ni Miranda ang kanilang angkan.

Kaya Labra kung walang magandang salitang bibigkasin ang bibig mo ay manahimik ka na lang, maliban na lang kung gusto mo matikman ang sarili mong ari, ang tiim bagang na sagot ni Miranda.

Kahit galit na galit dahil sa lantarang panghihiya ni Miranda ay pinili ni Labra ang manahimik.

Kaya mula bukas ay wala ng dadaong na droga sa pantalan na nsasakupan namin kung ayaw mong MATUNAW SA TUBIG ANG BASURA MO SAMPU NG IYONG MGA TAUHAN!!!! maliwanag ba ha!! Senyor Labra!!

Hindi kumikibo si Labra tiim bagang na nakatingin lang kay Miranda naniningkit ang mga mata sa galit kumukulo ang kalooban.

Nakikirandam naman si Datu Impid alam niyang sumusulak na ang galit ni Labra subalit mas pinili niyang manahimik na lamang tutal naman ay sa pagitan ng Visayas at Luzon ang sigalot at ayaw nya ding salungatin si Miranda nasubaybayan niya ang paglaki nito dahil matalik na kaibigan niya ang ama nito na si Don Fausto dalawang magkapatid lamang si Marita at si Miranda kung anong kina kimi at hinhin ni Marita ay kabaligtaran si Miranda palibhasa walang anak na lalaki si Fausto ay si Miranda ang palagi niyang kasana saan man sya magpunta kaya kinamulatan niya ang karahasan sapagkat si Fausto ay isang marahas na tao kung kinakailangan wala siyang pinangingilagan at higit sa lahat malaki ang pagpapahalaga sa Palabra de Honor wala syang binitiwang salita na hindi nya tinupad.

Bata pa lamang si Miranda ay nakapatay na ito dahil sa pagtatangol sa kapatid na si Marita. Hindi man lang ito kinakitaan ni katiting na pag ka konsensya o pagka bahala sa nagawa, lumaki itong malupit hindi mo gugustuhing maging kaaway ng pamilya ni Miranda dahil siguradong hindi mo na aabutin ang iyong pag tanda.

Ang buong akala ng lahat ay si Miranda ang hahalili kay Fausto dahil taglay nito ang ang karakter at kakayahan ng kanyang ama pero ng napangasawa ni Marita si Gavino na kaibigan din ni Fausto ay ito na ang napiling punalit kay Fausto.

Nang matapos ang pulong ng triangulo ay mabilis na umalis si Miranda.

Anong plano mo ngayon primo hindi ka na pwedeng gumamit ng pantalan sa Luzon,, ang tanong ni Datu Impid kay Labra na malalim na nag iisip.

Hindi pwedeng hindi dumaong ang kargamento ko naka angkla lang sila sa laot at nakatakdang idiskarga mamayang gabi, kaya sa ayaw at gusto ni Miranda wala akong PAKEALAM!!!

Paalala lang Labra si Miranda ang kausap mo hindi si Gavino alam ko na alam mo ang kaya niyang gawin, magpasalamat ka na lang na kaya ka pa humihinga hanggang sa ngayon ay dahil wala pa syang ebidensya na ikaw ang ulo sa pagkamatay ng kanyang kapatid.

Napatiim bagang si Labra napasandal sa upuan at napapikit alam niya ang bigat ng sinabi ni Impid maging siya man ay talagang nababahala sa maaring sapitin nya at ng kanyang pamilya pag nalaman ni Miranda.

Napabuntung hininga sya ng maalala ang pangyayari.

Senyor! Senyor! Ang tawag ni Mario nung araw na tambangan ng kinontrata nilang grupo ang pamilya ni Gavino.

Ano Mario wala na ba ang balakid?

Himdi agad nakasagot ang namumutla at humihingal na si Mario.

IHO DE PUTA!!! ANONG NANGYARI!!!

Se-se-senyor, nadale nila si Gavino at madaming bala ang kinain ng katawan nya pero naisugod sa Ospital.

Napangisi si Labra sa isiping natadtad ng bala si Gavino at nay posibilidad na matuluyan din ito.

Magaling Mario maasahan ang mga tao mo HA HA HA ang halakhak ni Labra.

Pe-pero senyor may po-problema.

Napatigil bigla si Labra sa kasiyahan.

Anong problema ang agad na tanong nito.

Na-na-napatay din po si Nyora Marita ang halos di mabigkas ng pinagpapawisang si Mario dahil sa kaba.

Napatanga si Labra na nakaawang ang bibig pilit na inaanalisa ang sinabi ni Mario.

At ng maturol ng isipan ang sinabi ng tauhan ay napasigaw ito sa galit.

NYAAHHHHHH, AHHHHHH, MGA BOBOOOOO, IHOOOO DEEE PUTAAAAAA KAYOOOOO!!!!!!!
sabay bunot ng baril at pinaputok hanggang sa maubos ang bala. Humihingal ito sa galit nanlalambot na napaupo at tahimik na nag isip.

Tahimik lang si Mario alam niya kung gaano kabigat ang pagkamatay ni Nyora Marita hindi pa man ay nanlalambot na siya sapagkat alam nya na lahat ng may kagagawan ay nakatakda na din ang hukay.
Hindi siya takot kay Labra na kanyang amo, katunayan ay dinadali pa nga nya ang esposa nito pero ibang usapan na pag ang pangalan na ng kapatid ni Nyora Marita ang mababanggit, kinikilabutan siya at nanginginig sa takot ang kanyang tuhod. Alam niyang walang konsensya ito pag dating sa kaaway, patay ka na ay paulit-ulit ka pang papatayin.
Nasaksihan niya ng patayin nito ang bumastos sa kanyang kapatid isinakay sa kareta dinala sa Plaza at doon ay apat na araw binabaril ni Miranda ang ulo nito.
Nang ilibing ang taong yun ay halos leeg na lang ang natira.

Natapos ang pagmumunimuni ni Mario ng magsalita si Labra.

Mario ipatawag mo lahat ng taong kinontrata mo LAHAT!!
NAINTINDIHAN MO!! PAGPAPATAYIN MO SILANG MGA IHO DE PUTA SILA WALA KANG ITITIRA!!!! HINDI DAPAT MALAMAN NI MIRANDA NA AKO ANG ULO MALIWANAG BA!!!! IHO DE PUTA!!!!

O-o-opo Senyor!!!

Iisa ang nasa isipan ni Labra at Mario, binulabog nila ang nanahimik na DIYABLO sa katawan ni Miranda.

Pagdating sa bahay ay agad na ipinatawag ni Miranda si tata Guido isa sa pinkamatagal at pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, na hanggang ngayon ay naninilbihan pa din sa kanila. Sa kanya sumasanguni si Miranda kapag may nais itong mangyari at siya rin lang ang pwedeng sumalungat kay Miranda kung sa tingin niya ay malalgay ito sa alanganin.

Pinatawag mo daw ako Miranda.

Opo tata Guido gusto kong mawala ang basura sa pantalan natin.

Napakunot ang noo ng matanda, linawin mo ineng ang gusto mo, mawala na itaboy o mawala na parang bula.

Napatingin si Miranda sa matanda bakas na ang ilang guhit sa noo nito hapis na din ang pisngi ngunit mababanaag pa din sa mata ang bangis nito ang katatagan walang pasubaling tapang at karanasan na pinanday ng panahon.

Mawala na parang bula!! Ang tiim bagang na sagot ni Miranda.

Saglit na tumitig ang matanda sa mga mata ni Miranda, marahang tumango at tumalikod na upang lumisan.

Nakatingin naman si Miranda sa papalayong matanda.
Konting panahon na lang tata makakapagretiro ka na din, makakapag pahinga at makapamumuhay ng tahimik ang usal nito.

Hating gabi sa dagat malapit sa baybayin ng cavite ay nakaankla ang may kalakihang bankang de motor maaaninaw ang isang anino na maingat na nakapanik sa banka, wakang ingay na isa-isang ginilitan ng leeg ang mga tauhan ni senyor labra nang masiguradong nakitil nya ang lahat ng lulan ng banka ay hinanap nya ang mga epektos na karga nito tinastas ang mga pakete at ibinudbud lahat sa dagat matapos nuon ay binuhusan ng gasolina ang paligid ng banka at sinidihan ito naglagablab agad ang apoy na unti-unting tumupok sa banka at sa bankay ng mga tao ni labra.

Madaling araw habang nakaupo si Miranda sa beranda ay natanaw nya ang pag dating ni tata Guido.

Malinis na ang pantalan miranda, ang sabi ni tata Guido.

Tumingin si miranda, marahang tumango sa matanda at sinabing sige po tata mag pahinga na po kayo, yumukod ang matanda sa kanya at itoy lumisan.

Umaga sa mansyon ni senyor Labra ay dinig na dinig ang paghuhumiyaw nito sa galit nagpupuyos ang kanyang dibdib sagad sa buto natunaw ang kanyang milyong halaga ng mga epektos ang nawala sa kanya ngunit wala syang magawa at iyon ang mas kinagagalit niya, wala siyang magawa.

Ayaw man niyang aminin ngunit sa isip nya alam nya kung bakit wala siyang magawa, dahil hindi kaya ng dibdib niya na banggain si Miranda,,,,…

Itutuloy,,,..