1. Home
  2. Stories
  3. Agnas 3 (Episode 9)

Agnas 3 (Episode 9)

Filipino Sex Stories
35 minutes
Author's Note: This story is entirely fictional. Any events and names in this series that resembles real life is purely coincidental. This series is brought to you by Balderic and is a free to read story. Sharing of this story is allowed only with permission and credits to the author.

Episode 9
Mark of Death
By: Balderic

"GGRRRRROOOOOOOOOHHHHHH!!!!!" Binalibag ni Thanatos ang isang Brutalist sa gilid ng pader. Wasak ang konkretong bakod nang bumagsak ang katawan ng halimaw.

Tumayo itong muli at isang malakas na uppercut ang tinanggap ng Brutalist. Sumabog ang ulo nito sa lakas ng impact at bumagsak ito sa lupa. Inapakan ito ni Thanatos at sumigaw ng napakalakas.

Napapalibutan si Thanatos ng napakaraming infected. Ang ingay na dinulot ng kanilang laban ay nagtawag sa mga patay. Subalit walang ginagawa ang mga ito kundi ang maglakad nang walang patutunguhan dahil wala silang nakikitang buhay.

Ipinatong ni Thanatos ang kamay nya sa likod ng bumagsak na Brutalist. Lumitaw ang ilang uod at kumonekta ito sa katawan ng napatay na halimaw. Dahan-dahan ay sinisipsip ng mga uod ang laman at katas ng Brutalist bago pa ito malusaw. Ang naturang gawain ay nag epekto ng mabilis kay Thanatos. Umugat ang malaki nitong braso. Ang ilang pinsala nya mula sa mga laban ay naglaho at napalitan ng ilang bumubukol na mga laman at mas dumoble pa ang laki ng kanyang katawan.

"HHOOUURRRRAAAAAAAAARRRGGHH!!!"

"Ano yun?" naalimpungatan ang isang bantay ng kampo ni Andrea. Tila may dalang sigaw ang ihip ng hangin sa madilim na gabi. Isang babala para sa mga mamamayan ng compound. Kinibit-balikat na lamang ito ng nakatokang bantay at bumalik sa pagkakatulog.

----------

By: Balderic

Kimabukasan ay naging isang normal na umaga ang sumalubong sa survivors camp. Naglalakad ang magandang si Erich at naabutan nito si Jeric na kausap si Sheryl sa labas ng isang gusali. Napangiti ang dalaga at nilapitan ang dalawa.

"Ahahaha! Ganyan nga talaga si Danny, sa pagkakatanda ko ha." Bigkas ni Sheryl at halatang masaya itong kausap si Jeric.

"Hello guys. Mukhang ang saya-saya nyo ngayon ah. Anong meron?" singit naman ni Erich. Nawala ang ngiti ni Sheryl pero nakangiti parin ito na sinalubong ang kaibigan.

"Oh Erich kamusta umaga mo?" bati ni Jeric.

"Hay naku kainis. Sinabihan ko na si Ate na kumuha ng mga gulay kahapon para sana kanina may maipaghanda akong almusal, aba mantakin mong wala na sa bahay at nandun na sa lalake nya."

"Ha? Sinong lalake?" tanong naman ni Jeric.

"Si kuya Harold yun Jeric. I think mag on na sila ni ate Michelle eh." Sabat naman ni Sheryl. Umiiling naman si Erich.

"So di ka pa ba naka-almusal? Eto may nakuha akong bayabas kanina. Try mo." Sabay alok ni Jeric. Tinignan lang ito ni Erich na tila diring-diri sa prutas.

"Hinog yan at matamis." Dagdag pa ni Jeric.

"Um di ba matigas kagatin yan?"

Nag roll naman kaagad ang mga mata ni Sheryl sa pag iinarte ni Erich.

"Malambot yan ano ka ba. Eto nga kinakain ko rin yun isa." Pinakita ni Sheryl ang bayabas na hawak nya.

"Sige lang hihi okay na ako. Mamaya nalang. Di pa naman ako ganun kagutom eh."

"Ay sis, matanong nga kita, totoo ba yung mga naririnig ko sayo?" diretsahang tanong ni Sheryl.

"Yung alin?"

"Jeric pwede ko ba muna kausapin sandali si Erich?"

"Ah sige. May pupuntahan rin naman ako eh. See ya guys." Sinundan ni Erich ng titig si Jeric na umalis at bakas sa mukha nya ang pagkadismaya.

"Ano bang itatanong mo? Umalis tuloy si Jeric."

"Totoo bang nagba gangbang ka sa tropa ng anak ni mang Marcelo?"

"What!? At saan mo naman nakuha yan!?" halatang nagulat si Erich at halos mabilaukan ng laway.

"Wala, dinig ko lang na usapan dyan sa tabi-tabi."

"As if naman gagawin ko yan? Ano tingin mo sakin, cheap!? Jusko naman Sheryl magpapaniwala ka sa mga chismis. Sa panahong ito may oras pa ba akong maglandi?"

"Sa titig mo palang kay Jeric eh halos tunawin mo na yung tao eh."

"Hoy, di ako ganun ha. Although inaamin ko crush ko si Jeric pero di ako ganun kababaw. Hmph dyan ka na nga." iniwan nito ang kaibigan at tila nainis sa usapan nila.

"Loko-lokong mga lalake yun, naka isa na nga, pinagkalat pa! Fuck! Mga walang hiya! Arrgh! Ang sarap pumatay ng mga hayop!! " bulong ni Erich sa sarili at galit na galit ito sa nangyari. Tila nagsisi rin ito at nagpa pila balde sa kalalakihan dahil lamang sa tawag ng laman.

Habang patuloy sya sa paglalakad, naabutan nya si Jeric na kausap naman si Bea. Naglalakad ang dalawa habang nag uusap. Dahil walang magawa si Erich, nagpasya itong sundancang dalawa. Maingat itong sumunod hanggang naka abot sila sa likod ng compound. Malapit lamang ito sa clinic ni Andrea kaya nakita nya ang ilang mga pasyente ng doktora na nakapila na. Nang lingonin nya sina Jeric ay nawala na ito sa paningin nya.

"Dito boss tignan mo." Wika ni Bea nang huminto sila sa isang pader na gawa sa kahoy, plywood, yero at mga gulong. Katabi lamang ito ng generator nila. Maingay ang generator kaya hinde nila marinig ang kung sino man ang nasa paligid.

Kinapkap ni Bea ang isang parte ng pader. Biglang bumukas ang isang secret door sa pader na ikinagulat ni Jeric. Gawa ito sa kahoy at hinde masyadong napapansin dahil natatabunan ito ng mga sako.

"Alam kaya ni Andrea ito?"

"Di ko sure boss pero wala kasing bantay dito so most likely secret door ito."

"Kailangang malaman ito ni Andrea."

Umalis ang dalawa upang puntahan si Andrea habang lihim naman itong nakita ni Erich na nagtatago sa kabilang bahagi ng lugar.

Ipinagbigay alam ito kaagad ni Jeric kay Andrea na sya namang ikinagulat ng doktora. Kaagad nila itong binalikan. Natuklasan ni Andrea na isa nga itong pintong dinadaanan dahil ang gilid ng bukasan ay medyo gasgas na ng pinto na indekasyong ginagamit ito ng malimit.

"Di ko alam kung sino ang gumagamit nito." Wika pa ni Andrea.

"It seems may ilang tao ditong lumalabas ng hinde nagpapa-alam." Sagot naman ni Bea.

"Okay pero sino? At anong pakay nilang aalis ng walang dahilan?"

"Mas mabuti pang ilihim muna natin ito at bantayan kung sino ang gagamit. Maliban sa amin, sino pa dito ang mapagkakatiwalaan mo Doc?" tanong naman ni Jeric.

"Mahirap maghusga Jeric. Pero siguro tama ka. Kailangang mabantayan ito. Kakausapin ko si Mang Marcelo para magtalaga ng ispiyang magbabantay dito ng pasekreto."

"Mainam nga yan para mahuli natin ang gumagamit ng pintong ito."

Sa loob naman ng isang gusaling ginawang event hall ng survivors camp, nagsasanay si Elza at Danny. Nag sparring ang dalawa habang nanunood ang ilang kabataan at survivors na tila namamangha sa kanilang liksi at dunong sa pakikipaglaban. Sa loob ng mga panahong magkasama si Danny at Elza ay sinanay ng huli ang binata upang mas lalo pa itong maging magaling sa pakikipaglaban sa mga infected. Kakaibang martial arts ang ipinapakita nila. Ang mga atake ng kanilang mga paa ay nakasentro sa pagpapatumba kaagad ng kalaban. Malaking bagay ito para mapigilan ang mga infected. Ang mga kamay nila ay hinde lang mabilis sa mga suntok at atake kundi mabibilis rin sa pagtanggal ng iba-ibang klaseng pag hawak at grapple. Tila isang mix martial arts ang kanilang skills.

"You're getting much faster Daniel." Wika ni Elza matapos ang kanilang pagsasanay. Parehong pawisan ang dalawa. Dumating si Mang Marcelo.

"Maghanda kayo Danny, aalis tayo mamaya. Makikipagkita si Doc sa pinuno ng Bagong Bukas."

"Ngayon na ba yun?" tanong ni Danny.

"Oo, kaya maging alerto kayong dalawa."

"Okay manong."

"Kuya Danny pwede mo ba kaming turuan ng karate mo?" wika ng isang binatang napahanga ni Danny.

"Next time na. May lakad kami mamaya."

"Ayos hehe."

"Kuya Danny, close ba kayo ni ate Erich?" tanong naman ng isa.

"Ha? Bakit?"

"Ah wala naman hehehe."

"Tumahimik ka nga dyan. Pinapahiya mo tayo kay kuya idol eh. " binatukan nito ang tropa. Napa iling naman si Danny at hinayaan na lamang ang tanong.

Umuwi si Erich na tila nagtataka parin sa kanyang natuklasan. Naabutan nito si Michelle at Harold na magkausap sa sala ng bahay nila.

"Wow ang aga-aga harutan agad ah!"

"Erich pwede ba. Nakapaghanda na ako ng makakain mo. Kumain na kami." Sagot naman ni Michelle.

"Wala ako sa mood." Tinignan nito si Harold pero umiwas ng tingin ang lalake. Dito nainis si Erich.

"Harold bakit ang suplado mo na sakin ngayon? Sawa ka na ba sakin? Hihihi." Pang iinis ni Erich.

"Erich ano ba? Di ka ba titigil?" sabat naman ni Michelle.

"Aalis na muna ako mahal."

"Sige mahal, mamaya nalang."

"Wow, mahal! Hahahaha! Magaling!"

Umalis si Harold upang makaiwas ng gulo. Matapos isara ni Michelle ang pinto, hinarap nito ang nakababatang kapatid.

"Anong problema mo? Nagkakaseryosohan na kami ni Harold, di mo ba nakikita? At least man lang sana maging masaya ka pa para sakin eh. "

"Masaya para sayo!? Wow! Ikaw lang ba ang dapat sumaya? What about me!? Di mo man lang ba tatanungin kung masaya ako!? Ha? Ano?"

"What the fuck is your problem ba!?"

"Hinde pa ba malinaw ate!? Mahal ko rin si Harold!"

Natahimik si Michelle. Napahawak ito sa ulo nya at kinuskus nya ito. Hinde malaman kung ano gagawin.

"Erich hinde mo ba nakikita? Ako ang mahal ni Harold. Kung ikaw ang pinili nya, tatanggapin ko yun kasi kapatid kita. Pero iba eh. Ako ang pinili nya, kaya sana naman kahit ngayon lang, irespeto mo naman ang buhay ko."

"Hinde pa ba sapat sayo na palagi akong nasa likod mo ate? Hinde ba kita nirespeto? Yan ba ang tingin mo sakin? Dahil kung susukatin natin ang lahat, hinde kita sinukuan kahit noon pang hinde pa nagkaletse-leche ang mundo!"

"Erich, isang beses lang. Ito lang naman. Ayoko ng gulo. Lalo na kung ikaw lang naman ang makaka-away ko. Tama na."

"Okay fine. Para matapos na ito, hindeng hinde na kita guguluhin pa. Never." Lumabas muli si Erich at napabuntong hininga na lamang si Michelle. Mabigat ang loob netong makaaway ang nakababatang kapatid. Ito lamang ang natitira nyang mahal sa buhay at ayaw nyang magka-away pa sila dahil lamang sa iisang lalake.

Samantala, nakapaghanda naman si Danny ng kanyang dadalhin. Nauna nang lumabas si Elza at dumiretso na ito sa gate kung saan sila magkikita-kita. Pagkalabas ni Danny ay nakasalubong nya si Pablo. Kilala nya ito at hinde nya magawang kalimutan ang pagmumukha ng lalake.

"Pwede ba kitang makausap Danny?"

Napatingin si Danny sa paligid at mabigat ang paghinga nito pero tumango ito. Umupo si Danny sa gilid ng pinto habang si Pablo naman ay nakatayo lang sa harapan nya.

"Anong gusto mong pag usapan natin?"

"Alam kong nasaktan kita Danny. Alam ko rin na dahil sa akin naging magulo ang relasyon nyong dalawa ni Andrea. Pero Danny, nandito ako para makiusap sana sayo… .na sana… .ipaubaya mo na sa akin si Andrea. Tulad mo, mahal ko rin sya. Sa katunayan nyan, matagal ko nang iniibig si Andrea. Simula pa noong nasa Camp Aguinaldo pa tayo, hinde ko na mai-alis ang isipan ko sa kanya. At ngayong nagkaroon ako ng pagkakataong patunayan sa kanya ang bukal kong pagmamahal, ibinigay ko ang makakaya ko para mapaligaya ko sya sa piling ko. Kaya sana, kung mamarapatin mo… ipaubaya mo na sya sa akin. Tatanawin kong malaking utang na loob ito sayo." Mahinahong paliwanag ni Pablo. Hinde kaagad nakasagot ang binata. Umabot pa ng ilang minuto bago ito magpasyang sagutin si Pablo.

"Mabigat sa loob ko ang nangyari mang Pablo. Para akong sinaksak sa puso. Kung kilala mo ako, malalaman mong hinde na ako bago sa isang lalakeng binigo ng pag-ibig. Bago ko pa nakilala si Andeng, may minahal rin akong babae pero pinagpalit nya lang ako sa isang walang kwentang tao. Kaya kung iisipin mo, mahirap sa akin ang kahilingan mo. Mahal na mahal ko si Andeng. Alam nya rin yan. Kaya kung ako sayo, hihintayin ko nalang ang desisyon ni Andeng. Kung sino man ang piliin nya sa atin, irerespeto ko yun. Sana maintindihan mo rin ako mang Pablo. Dahil hinde lang ikaw ang umiibig. Ako rin." Iniwan ni Danny si Pablo na hinde pa nakakasagot. Napayuko ang lalake sa sagot ni Danny. Hinde sya sigurado kung sino ang pipiliin sa kanila ni Andrea.

Nag ipon-ipon na ang lahat na sasama sa meeting place. Si Andrea, si Mang Marcelo, si Danny, si Elza at Jeric. Pina-iwan ni Jeric si Bea upang sumama sa magbabantay ng compound.

"Ingat ka boss ha."

"Bea pwede ba, Jeric nalang itawag mo sakin. Wala na tayo sa Shard."

"Um.. okay hihi.. nakakahiya naman kasi. Parang napaka-close natin." Tila nagblush ang dalaga subalit biglang bumilis ang pintig ng puso nya ng bigla syang yakapin ni Jeric.

"Close lang naman ang pag-uusapan eh ganito tayo ka close Bea."

"Ah.. bo.. boss! I mean… Je.. Jericcc wag naman.. ganyan.. nakakagulat ka naman!" kumalas si Bea sandali at mas namula ang mukha nito.

"Ayan tuloy nag blush na alalay mo idol Jeric hahaha!" kulit naman ng isa sa mga nagbabantay sa gate.

"Che! Tumahimik nga kayo!" hiyang hiya naman si Bea sa nangyari. Natigilan ito ng ipatong ni Jeric ang kamay sa ibabaw ng ulo nya.

"Relax, wala namang masama sa ginawa ko. Plus, parang kapatid na rin naman kita eh haha!"

"Ka.. kapatid… .ahe.. he.. hehe… "

"Ouch! Hahahaha! " sabat ulit ng isang bantay sa gate.

"Isa pa! Sige, babatuhin talaga kita ng sapatos ko!"

"Hihi ang cute mo naman mahiya Bea." Wika naman ni Andrea.

"Eeehhhh doc naman ehh!! Ayoko na! Bahala na nga kayo dyan!" naglakad ito palayo.

"Hoy bumalik ka nga rito! " tawag naman ni Jeric.

"Di na! Ayoko na! Pinaglalaruan nyo ako eh!"

"Walang nangloloko sayo dito. Balik na."

"Well handa na ba kayo lahat?" tanong ni Andrea.

"Handa na kami doc." Sagot naman ni Jeric.

"Okay let's go."

Sakay ang isang pickup truck, bumiyahe na ang grupo. May apat pang kasama sina Jeric na mga bantay rin ng gate pero pinasama ang mga ito ni Marcelo.

----------

By: Balderic

Isang abandonadong basketball gymnasium ang napag usapang pupuntahan ng magkabilang grupo. Magulo ang itsura ng building. Nagkalat ang mga gamit. Ang pintura ng mga dingding ay natutuklap na rin. May mga abandonadong sasakyan sa paligid pero kapansin-pansing walang infected na umaaligid.

Dumating ang grupo nina Andrea sakay ang pickup truck. Unang bumaba si Jeric at naglabas kaagad ng sandata. Sumunod sa kanya si Danny at dalawa pang lalake na sakay sa likod. Kasama naman ni Andrea si Marcelo at ang natitira pang dalawang lalake.

"Dito muna kayo Andrea, at kayong dalawa samahan nyo si mang Marcelo at Andrea. " utos ni Jeric. Tumango naman ang mga ito.

"Elza, stay here with them." Wika naman ni Danny.

"Okay, be careful."

Pumasok si Jeric kasama ang grupo sa loob ng gusali. Naamoy kaagad nila ang mabahong simoy ng hangin. Masangsang ito at nabubulok. Napansin nila ang ilang nakahandusay na mga bangkay. Mukhang matagal na ang mga ito at ang itsura ng kanilang katawan ay tila nilapa ito. Lumapit ang isang lalake sa isang bangkay na nakatihaya at putol ang katawan mula sa bewang. Warat ang lamang loob nito.

"Hunnghh.. " bigla itong gumalaw at sinubukang abutin ang lalake.

"Ahh buhay pa!" sigaw nito sa takot. Lumapit si Danny at kinuha ang itak nya. Inapakan nya ang mukha ng infected at tinaga nya ang leeg nito hanggang maputol.

"Matagal maagnas ang katawan ng isang infected. Mag ingay kayo at wag kayong lalapit sa mga ito. Nagbabantay lang ang mga yan at aatake nalang bigla." Paliwanag pa ni Danny.

"Magaling!" malakas na salita ng isang lalake mula sa kabilang dulo ng basketball court. Napatingin ang grupo. Nakita nila si Fr. Danny, kasama si Gardo at lima pang mga lalakeng armado rin.

Lumapit si Jeric at sumunod naman ang mga tropa nya. Sa wakas ay nagkita na rin ang magkabilang grupo. Nakangiti si Father Danny sa mga ito. Itinaas ang kanyang mga kamay.

"Please… maging sibilasado tayo dito. Ako si Father Danny. Ang pinuno ng Bagong Bukas. Ito nga pala si Gardo ang driver ko at ang iba ay ang mga kasamahan kong naglilingkod lamang sa aming hamak na community. Sino sa inyo ang pwede kong makausap?"

"Bago ang lahat, mas mabuti siguro kung ibababa nyo muna ang mga sandata nyo." Wika naman ni Danny.

"Haha! Ulol!" sabat naman ng isa sa mga tauhan ni Fr. Danny. Muntik pang magtutukan ng mga baril ang magkabilang grupo pero sumenyas kaagad si Fr. Danny at huminto ang mga ito. Tinitigan ni Fr. Danny ang binata.

"Anong pangalan mo iho?"

"Danny."

"Aba, magkatukayo pala tayo iho. Pwes, mas mainam naman siguro kung magsisimula tayo sa isang magandang paghaharap na walang bahid ng karahasan. Pwede ba yun?"

"Depende yan kung ibababa mo ang mga armas ng mga aso mo Father." Sagot naman ni Danny.

"Ang lakas ng loob mo boy!" sabat muli ng isang tauhan ni Fr. Danny.

"It's okay. Sige ibaba nyo ang mga sandata nyo."

"Pero Father."

"Sige na. Ibaba nyo na."

Sumunod naman ang mga ito at inilapag sa sahig ang kanilang mga baril.

"See, sumusunod kami. Kayo ba, pwede nyo ring ibaba ang mga baril nyo?"

Ibinalik nina Danny at Jeric ang mga baril sa holsters nila. Tumaas lang ang kilay ni Fr. Danny at tumango.

"Bueno, mga bata kunin nyo ang isang lamesa dun sa dulo at mga upuan. Mabilis." Utos ng pari. Kumilos ang dalawa at nang akmang pupulutin nila ang mga baril, mabilis hinugot ni Danny ang shotgun nya.

"Ang utos ng amo nyo ay kumuha ng mga upuan at isang lamesa. Anong gagawin nyo sa baril?" wika ni Danny habang nakatutok ang shotgun sa mga ito. Tumingin ang dalawa kay Father Danny at nang tumango ang pari ay sumunod naman ang dalawa at kinuha ang mga pinag uutos ng huli.

"Tawagin nyo dito si Andrea. Pero iwan nyo ang iba sa labas." Utos naman ni Jeric. Tumango ang isa at tumakbo palabas.

"May mgs kasama pa pala kayo sa labas?" tanong naman ni Father Danny.

"Naniniguro lamang kami Father. Mahirap na sa panahon ngayon."

Dumating si Andrea. Nakasuot ito ng white shirt at black pants pati combat boots. May dala rin itong baril na nakasabit sa holster ng belt nya. Nakalugay ang medyo curly nitong buhok. Namangha ang mga kasama ni Father Danny sa kagandahan ni Doc Andrea.

"Totoo nga ang sinasabi ni Gardo sakin. Maganda nga ang pinuno nyo." Wika ni Fr. Danny.

"Ikaw si Father Danny?"

"Yes ako nga."

"Ako si Doc Andrea."

"Aba isang doctor? Mabuti at mukhang magiging maayos ang usapan natin."

"Ayokong magtagal dito Fr. Danny. Alam mo ang kailangan namin."

"Mabilis ka sa usapan Doc. Alam mo, walang problema sa akin ang hinihiling mo pero sana makinig ka muna sa mga sasabihin ko." Tumango naman si Andea.

Inilatag ang lamesa sa gitna ng grupo at umupo si Fr. Danny at sa kabila naman ay si Andrea.

"Alam mo doc, ang sa akin lang naman ay mas mainam kung magsasanib pwersa na lamang tayo. Ikaw at ako ang magmamando ng grupo at nang magkaroon tayo ng mas matibay at mas ligtas na komunidad. Sa tingin ko, pagdating ng panahon ay tayo ang magbibigay ng panibagong simula sa makabagong mundo. Ano sa tingin mo?"

"Magandang pangarap yan Father pero sa mga naririnig ko sayo at sa mga kasama mo, tatanggihan ko ang alok mo. Ayokong magtiwala sa taong may mga tinatagong kalokohan. I think alam mo naman siguro ang tinutukoy ko."

"Naku doc, wag ka agad magpapaniwala sa mga naririnig mo. Ang mga yan ay pawang kasinungalingan. Walang patunay sa mga inaakusa mo sa akin."

"Kung ganun, ipakita mo dito ngayon sina Arvin at Ayesha. Gusto ko silang makausap."

"Paumanhin Doc. Hinde ko sila dinala dito dahil gusto ko munang makasiguro na maayos kayong mga tao. Napag-alaman kong tumakas lamang ang dalawang yun mula sa grupo nyo at naisip ko, bakit umalis ang dalawang ito at tinaya pa ang buhay nila sa paglalakbay papunta sa aming pamayanan? May dahilan yan. At sa asal ng mga kasama mo, mukhang masyado kayong agresibo doc. Baka naman kayo talaga ang dahilan kung bakit tumakas ang dalawang yun."

"Wag mo kaming paikutin Father. Nasa pangangalaga ko ang dalawang batang yun. Hinde aalis ang mga yun ng walang dahilan. Ang tunay na dahilan ng pag alis nila ay dahil nakokonsensya si Arvin sa nangyari ng aksidente nyang mapatay ang isa naming kasamahan na si Pat." Napatingin si Jeric at Danny kay Andrea. Umiling lang ang doktora.

"At bakit naman nya napatay ang Pat na ito?" tanong pa ni Fr. Danny.

"Sa isang misyon. Hinde ko sinisisi ang bata. Hinde pa nya alam ang ginagawa nya."

"Kung ganun, anong ginagawa nya sa isang misyon kung hinde pa sya handa? Hinde mo ba nakikita doc? Ikaw mismo ang nagpadala sa kanya sa labas kahit alam mong wala syang kakayahang makipaglaban. Ngayon nakapatay sya ng kasamahan nyo. Dumating sya sa amin at malungkot. Walang direksyon ang buhay nya. Ako ang kumopkop sa kanilang dalawa at kami na ang nangangalaga sa kanila. Pero kayo anong ginawa nyo? Ni hinde nyo yata hinanap yung mga bata eh."

"Wala ka sa husgado para magpaliwanag Fr. Danny. Malinaw sa amin ang ginawa nyo. May dumating din sa aming mga babaeng nagsabing hinahalay nyo ang mga katulad nila at ginagawa nyo silang parausan." Sabat naman ni Jeric.

"Sa tingin mo ba tatagal ng ganito ang usapan natin kung ganun akong tao? Nakita mo namang sumunod ako sa kahilingan nyo hinde ba? Ibinaba ko ang mga baril ng mga tao ko kahit pa pwede nyo kaming pagbabarilin. Alagad ako ng simbahan at Diyos iho. Hinde ako isang pusakal na kayang gawin ang mga sinasabi nyo. Tulad ng nauna, wala kayong ebidensya dito. Pero malinaw sa usapan base sa ginawang kwento ni Doc Andrea na nagkulang kayo sa dalawang kabataan kaya sila umalis."

Nakatambay sa labas sina Marcelo at Elza. Habang naka upo naman sa likod ng pickup truck ang dalawa pang kasama nilang mga lalake nang may dumating na dalawang sasakyan. Isang kotse at isang multicab.

"May dumating!" wika ni Marcelo.

Huminto ang mga sasakyan katapat ng pickup truck nina Mang Marcelo at bumaba ang ilang kalalakihan na pawang mga armado at may kanya kanyang armor na suot. Mabilis pumwesto ng defensive positions sina Elza at hinugot ang mga baril nila.

Narinig naman sa loob ang mga kumosyon.

"Nagdala kayo ng mga tauhan!?" tanong ni Jeric. Ngumiti naman si Fr. Danny.

"Narito lamang sila para siguruhing maayos ang usapang ito. Pero dahil nakikita kong walang patutunguhan ang ating paghaharap ay nakapagdesisyon na akong maging alisto sa mga posibleng mangyari."

"Demonyo ka Fr. Danny. Alagad ka pa naman ng Diyos." Tinutok ni Jeric ang magnum kay Fr. Danny. Tumayo naman ang pari at itinaas ang mga kamay. Mabilis lumabas ang dalawang lalakeng nakatago sa itaas ng gymnasium at may hawak silang sniper rifles. Nakatutok ang mga ito sa grupo ni Andrea.

"Ginagawa ko lamang ang iniutos ng Panginoon iho. Protektahan ang mga inosente sa makasalanang mundo. Sa tingin mo, bakit tayo pinaparusahan ng ganito? Dahil sa naipong kasalanan ng mga tao. Punong puno na tayo ng kasamaan. Kaya tayo nililipul ng mga patay! Nakasulat ito sa banal na aklat! Wala kang karapatang harangan ako at ang aking krusada dahil ako ay anak ng Diyos at disipulo ng simbahan! Kaya kung ako sa inyo ay sumuko na lamang kayo at humingi ng kapatawaran ng gayun ay mabigyan pa kayo ng ikalawang pagkakataon sa kabilang buhay."

"Masyado kang maingay. DAPA!!! " Hinatak ni Jeric ang upuan ni Andrea at sinipa naman ni Danny ang lamesa. Kasunod nito ang pagputok ng mga sniper rifles pero wala itong natamaan. Umangat ang ulo ni Jeric at nakitang tumatakbo na palayo sina Fr. Danny kasama ang mga tauhan nya.

"Shit!!" napamura si Danny nang paulanan sila ng mga bala. Napadapa muli ang grupo. Gumapang si Andrea palapit kina Danny.

Nagkaputukan rin ang mga tao sa labas. Tatlo kaagad ang natamaan sa mga bata ni Fr. Danny. Tinamaan ng bala ang isa sa mga kasama ni Mang Marcelo at nahulog ito sa pickup truck. Lumabas si Fr. Danny at kaagad sumakay ng multicab.

"Tayo na!" utos nito.

Umalis naman kaagad ang mga snipers para hinde sila maiwan ng mga kasama nila. Dito nakatakas ang grupo ni Andrea at saktong nakalabas sila ng makita ni Danny ang manyak na pari na papatakas na at nakasakay sa harapan ng multicab.

"Tatakas kapang hayop ka!!!" binanatan ni Danny ng Shotgun ang harapan ng multicab.

"Gaaaahh!! " tinamaan sa mukha si Fr. Danny at dumugo ang kanang mata nya nang mabasag ang salamin ng pickup truck. Bumanat naman ng putok ang mga kasamahan nya para sila makatakas.

Humarang ang pickup truck nina Fr. Danny at natamaan ang ilang mga tauhan nya sa nagpapalitang mga putok. Ito ang hudyat ng pagtakas ni Fr. Danny at humarurot na ang sasakyan. Ang isa pang kotse nila ay sakto ring paalis na nang bigla itong tumilapon papunta sa dingding ng gymnasium. At mula sa kakahuyan ay lumabas ang halimaw na si Thanatos!

"EEELLZZZAAAAAAA!!!! WAAAALKKKEEEERRRR!!!!" Sigaw ng halimaw nang makita sina Danny.

"Anong ginagawa nyan dito!?" pagtataka ni Danny. Mabilis ang mga pangyayari at nakatakas na ng tuluyan si Fr. Danny. Sumabog ang kotse ng mga tauhan nya. Naiwan naman ang pickup truck at ang mga bata nya ay walang choice kundi ang labanan si Thanatos na halatang mas naging malaki pa. Hinablot nito ang isa at hinagis. Bumangga ang katawan nito sa puno at dinig ang pagkabali ng backbones nito saka bumagsak sa lupang wala nang buhay. Ang isa naman ay pinagbabaril si Thanatos pero inapakan nya lang ito at para itong itlog na kumalat ang lamang loob sa lupa. Tumakbo naman sa talot ang huli at bigla itong sinalubong ng mga dumating na mga infected.

"Gyaaaaaahh!!!!" tuluyan itong nilamon ng mga patay.

Napagbalingan naman ni Thanatos ang grupo nina Danny na nakahanda na. Pinapaandar na ni Jeric ang sasakyan pero tila hinde parin ito maka start.

"GGGGRRRRAAAAAAAAAOOOOOOOOHH!! " Lumusob ang dambuhalang nilalang.

"LABAAAASS LAAABAAASSS!!! " Sigaw ni Jeric at mabilis na lumabas ang lahat.

"HHHRRAAAAAAAHH!!" Binagsak ng halimaw ang dalawang malalaking braso sa harapan ng pickup truck at umangat ang likuran nito habang nayupi naman ang harapan.

Pinagbabaril ng grupo si Thanatos. Nakapalibot sila dito. Subalit hinde tinatablan ang halimaw. Inaabsorb lamang ng malaki at matigas nitong katawan ang mga bala. Sa ingay ng mga baril ay nilapitan sila ng ilan pang infected. Dito nabaling ang pansin ng mga kasama ni Andrea. May isang infected na nakalapit sa magandang doktora pero sinipa ito kaagad ni Danny at tinaga ang leeg.

"Okay ka lang?" tanong nito.

"O.. oo.. salamat.. Danny.. "

"Danny focus tayo kay Thanatos! Mang Marcelo, tumakas na kayo. Mag regroup nalang tayo malapit sa campsite! Bilis!" utos naman ni Jeric.

"Oo iho. Ta… " bigla itong hinampas ni Thanatos at tumilapon ang matanda ng ilang metro.

"Mang Marcelooooo!!!! " sigaw ni Andrea sa sindak. Hinde makagalaw ang matanda at bumuga ito ng dugo sa bibig. Isang infected ang nakalapit sa kanya at kinagat ito sa leeg.

"Aaaaaahhhh!!!!" sigaw ng matanda nang mapunit ang leeg nya at sumirit ang dugo. Binaril ni Danny ang matanda sa ulo.

"Andrea tumakas na kayo! Kayong tatlo samahan nyo si Andrea!" utos ni Danny sa natitirang kasama nila.

"Danny… maghihintay ako sa inyo! Mag iingat kayo!" niyakap ni Andrea ng mahigpit si Danny. Napatingin naman si Elza dito.

"He's coming!!!" sigaw ni Elza. Tumakbo kaagad palayo sina Andrea. Humarap si Thanatos kay Elza.

"EELLZZAAAAAA!!! "

"I heard you the first time!" rinatrat ni Elza ng rifle ang malaking halimaw. Tulad ng inaasahan, sya ang punterya nito. Mabilis itong sumugod.

"Ako muna ang harapin mo!" sinalubong ni Jeric si Thanatos at sinuntok nya ito sa tagiliran. Sa lakas ng kanyang kamao natulak nito papunta sa gilid si Thanatos subalit kapansin-pansing hinde gaano katinde ang pinsala nya sa katawan.

"Mas tumibay pa sya ngayon."

"HRAAAAAAAHH!!!" Galit itong tumayo. Si Jeric ang napagbalingan nito.

Binanatan naman sya ni Danny gamit ang shotgun. Inubos ng binata ang lahat ng shells at tinadtad ang katawan ni Thanatos. Sumabay din si Elza at inubos ang buong magazine sa katawan ng halimaw. Napahinto si Thanatos at bigla nitong sinuntok ang lupa. Nagkaroon ng tremors at natumba ang tatlo.

"EEEELLLZZAAAA!!!! " Hinablot ni Thanatos si Elza na parang manika. Pigang piga ang babae.

"Hinde! Bitawan mo sya!!" sumugod si Danny at malapitang binaril ng handgun ang mukha ng halimaw. Dumating din si Jeric at umatake muli ng suntok. Pero sinalubong sya ng malakas na sipa ng halimaw. Tumalsik si Jeric ng ilang metro.

Patuloy si Danny sa pamamaril. Winasak naman ni Thanatos ang bubong ng pickup truck sa malapit at pinunit nya itong parang papel. Hinagis nya ang bubong na gawa sa bakal kay Danny. Natigil ang pagputok ng binata at napilitan itong magdive palayo.

Samantala, hawak-hawak parin ni Thanatos si Elza at pigang piga nya ito.

"EEELLLLZZZAAAAA WWAALLKKKEEERRR!!! "

"GAAAAAHHH!!" Walang magawa ang babae kundi ang sumigaw.

"Elzaaaa!!!" sigaw naman ni Danny.

"Go Danny! Unngghh!! Get.. out.. of heree!! This is.. your… chance… goooo!! "

"No! I will not leave you to die!"

"Stop.. being.. stubborn! Gaaaaahh!! "

"HHHRRRRROOAAAAAAAHHHH!! " Inangat ni Thanatos si Elza at lumabas ang ilang maitim na uod mula sa kanyang katawan at papunta ang mga ito sa babae. Nagreload kaagad ng handgun si Danny. Wala na itong oras.

"Nandito pa ako halimaw!!!" sumugod muli si Jeric at tumalon sabay sinapak ang mukha ni Thanatos. Wasak ang kalahati ng mukha nito sa lakas ng suntok. Pero pinalo sya ng kamay ng halimaw at bumagsak sa lupa si Jeric.

Sumabay naman si Danny at binaril ang mukha ni Thanatos sa mismong pinsala nito. Binanatan nya ito ng ilang beses at nabitawan si Elza. Lumapit pa si Danny upang hatakin palayo ang babae. Pero sinubtok sya ni Thanatos at tumilapon rin sya palayo.

"DANNYYY!!!" Sigaw ni Elza ng makitang bumagsak ang binata malapit sa isang kahoy. Tumakbo si Elza palapit kay Danny.

Muntik mawalan ng malay ang binata. Hilong hilo pa ang pakiramdam nya. Biglang dumating ang isang infected at umibabaw kay Danny.

"Gaaahh!! Lumabayan mo ako!" gamit ang braso ni Danny ay pinigilan nya ang infected pero malakas ito at mahina sya. Patuloy sa pagnga-ngatngat ang infected.

Dumating si Elza at sinipa ang mukha ng infected. Tumihaya ito kaagad binaril ng babae.

"Get up Danny….are you okay?" tinulungan nyang tumayo ang binata.

"I'm fine.. unghh. " halatang damaged si Danny. Hinde ito makatayo ng maayos.

"GGGRRRRAAAAAAAAHHH!! " Bumagsak si Thanatos sa malakas na uppercut ni Jeric. Hinang hina na rin si Jeric. Nauubos na ang lakas nya sa patuloy na paggamit nya ng kanyang abilidad mula sa Leaf. Tumayong muli ang halimaw.

"Masyado kang matibay hayop ka… talo mo pang naka drugs… " bulong ni Jeric.

"HHOOOOUUUURRRRRAAAARRGGHHH!!" Sumugod muli si Thanatos. Sumalubong naman si Jeric. Handang ibigay ang lahat para lamang mapigilan ang halimaw. Pero alam ni Jeric ang limitasyon nya. Binunot nito ang magnum at inasinta ang tuhod ni Thanatos. Pinasabog nito ang malaking tuhod ng halimaw. Nawalan ito ng balanse at akmang babagsak.

"Heto pang isaaaa!!" inuppercut ni Jeric ang panga ng halimaw at umangat ang ulo nito bago bumagsak sa lupa. Dito nya inubos ang bala ng magnum sa ulo ng halimaw.

"This is our chance! Let's get out of here!" sigaw naman ni Elza. Tumango si Jeric at tumakas sila habang hinde pa gumagalaw si Thanatos.

----------

By: Balderic

Makalipas ang ilang oras, gabi na ng makarating si Fr. Danny sa kanyang kampo. Kaagad nitong sinugod ang magkasintahan at naabutan nya ang dalawa sa loob ng dorm. Sinipa ng isang tauhan ni Fr. Danny ang pinto.

"Lumabas kayo!" sigaw ni Fr. Danny. Nakita ni Arvin ang nakabenda nitong mata. Hinablot ni Fr. Danny si Ayesha at si Arvin naman ay hinila ng isang tauhan ng pari palabas.

"Anong kasalanan namin?" tanong ni Arvin at halatang kinakabahan. Magang maga parin ang mukha ni Ayesha.

"Malaki! Dahil sa inyo kaya nabulag ang kanang mata ko! At dahil sa mga kasamahan nyo nalagasan ako ng mga tao! "

"Ha? Paanong naging kasalanan namin yun?"

Sinampal ni Fr. Danny si Arvin. Sinabunutan naman nya si Ayesha at napa-angat ang ulo ng dalaga.

"A.. arayyy.. bitawan nyo akoo.. aah.. " angal ng dalaga.

"Masyado nang malaki ang atraso nyong dalawa sakin! Kaya ngayon ay ibibigay ko sa inyo ang isang parusang hindeng hinde nyo makakalimutan!" naglabas si Fr. Danny ng barya at ipinakita ito sa dalawa.

"Itong harap ay ikaw Arvin, at ito namang taob ay itong kasintahan mo! Tignan natin kung sino ang haharap ng parusa ng Diyos!" pinitik ni Fr. Danny ang barya sa ere. Umikot-ikot ito bago bumagsak sa palad nya at tumaob ito.

Naglabas ng punyal si Fr. Danny at ginilitan nito ng leeg si Ayesha.

"AAAYYEEESSSHHAAAAAAA!! " sigaw ni Arvin.

"GUUGHH.. GGHKKKK.. " Dumanak ang dugo mula sa leeg ng dalaga.

Binagsak ni Fr. Danny ang katawan ni Ayesha sa sahig at inapakan nito ang ulo ng kawawang dalaga.

"HAYOP KAAAAAAA!!!! HAYOP KAAAAA!!! " Patuloy ang hinagpis ni Arvin sa pangyayari.

"Diyos ang nagbigay ng parusa sa inyo dahil sa pagiging makasalanan nyong dalawa. Walang bahid ng dugo ang kamay ko bata."

"DEMONYO KAAA!! WALA KANG AWAAAAA!!"

"Sige, ikulong yan!"

"AYESHAAAAAAA!!!!! " Patuloy sa pagsisigaw si Arvin nang ito ay ipasok muli sa kanyang silid. Naiwan sa labas ang katawan ni Ayesha.

Lumapit ang isang tauhan ni Fr. Danny sa kanya.

"Anong plano nyo Fr. Danny?"

"Uubusin natin sila."

----------

By: Balderic

Tahimik si Jeric habang nasa loob ng banyo. Naka upo lang ito sa bathtub at puno ito ng tubig. Tulala si Jeric at tila malalim ang iniisip. Nanginginig pa ang mga kamay nya. Ramdam nya ang pagod sa pakikipaglaban. Marami na rin ang nagbuwis ng buhay ngayong araw.

"Boss? Okay ka lang?" kumatok sa pinto ng banyo si Bea. Hinde sumagot si Jeric. Binuksan ni Bea ang pinto at nakita nitong naliligo pa ang lalake.

"Aayy! Sorry Boss! Akala ko kasi ano nang nangyari sayo dito kasi di ka sumasagot eh." Tumalikod kaagad si Bea.

"Hinde ko na alam kung ano ang rason kung bakit pa ako nabuhay Bea."

"Bakit naman Boss? May problema ka ba?"

"Kahit may lakas ako para makalaban ang mga halimaw, wala akong lakas para mailigtas ang mga nasawi kanina. Habang lumalakas si Thanatos, napapansin kong mas lalo akong humihina."

"Boss pagod ka lang. Tsaka magkaiba kayo ni Thanatos. Halimaw yun at tao ka. Kahit pa malakas ang epekto sayo ng Leaf, hinde ka katulad ng mga bioweapons ng Shard. May limitasyon ka rin."

"Alam ko. At nararamdaman ko kung hanggang saan lang ang kaya ko. Pero hinde ito sapat para matulungan ko ang mga kasamahan natin. At hinde ko mawari pero parang unti-unti na akong nilulubayan ng lakas ko."

"Nawawalan na ng bisa ang Leaf?"

"Siguro."

"Parang imposible naman yata yun boss. Nailagay na sayo yun virus at ngayon nag aadapt na sya sa katawan mo."

Tumayo bigla si Jeric.

"Eekk!" hiyaw ni Bea ng makita ang hubad na katawan ni Jeric.

"Kailangan kong subukan kung tama ang hinala ko."

"Boss wag ka naman pabigla-bigla ng kilos. Ako tong kinakabahan sayo eh."

"Ba't ka naman kakabahan sakin eh ilang beses kanang nakakita ng hubad na katawan. Ngayon ka pa ba magugulat."

"Eh boss iba naman ang sayo eh. Ang awkward kaya."

"Masanay ka na. Hinde ka na iba sakin. Parang magkapatid na tayo."

"Uh Boss, news flash, hinde nagpapakitaan ng titi at puke ang magkapatid. Ahehehe."

"Hinde naman yun ang ibig kong sabihin. Sige babaguhin ko. Parang magkaibigan. Okay na ba? "

"Ah eh boss, ganun din yun eh. May magtropa bang nagpapakitaan ng ari?"

"Ganun kami ng tropa ko noon bata kami eh. Tsaka ako lang naman nagpapakita sayo. Unless ipapakita mo rin sakin ang sayo. Hahaha!"

"Boss naman. Wag ka namang magbiro ng ganyan."

"Oh at bakit?"

"Baka seryosohin ko eh."

"Anong seryosohin?"

"Wala boss."

"Oh edi sige maghubad ka rin sakin ngayon. Go."

"H.. ha!? Boss naman! "

"Ano? Seryosohan eh. At ipinag uutos ko yun. Para mawala na yang pagka ilang mo."

"Wag na boss, di ka naman mabiro."

"Seryoso nga eh di ba?" lumapit si Jeric. Napa atras naman si Bea hanggang mapasandal sya sa tiles na pader. Sinara naman ni Jeric ang pinto at lumapit kay Bea.

Tahimik lang si Jeric pero pinahawak nya kay Bea ang titi nya. Hinde naman tumanggi ang babae. Napalunok lang ito ng laway ng mahaplos ang nakalaylay na sandata ni Jeric.

"Ano? Anong masasabi mo?"

"Um.. boss.. "

"Ano?"

"Mataba sya boss… "

"Mas tataba yan pag ginising mo."

"Um.. okay lang ba ito boss? Masyado na yata tayong nadadarang eh."

"Paminsan-minsan Bea kailangan rin nating kalimutan ang mga bagay-bagay at magpadala sa agos ng damdamin." Hinde na tumanggi si Bea ng halikan sya sa labi ni Jeric.

Mabilis naging mapusok ang laplapan ng dalawa. Mabibigat ang paghinga nila habang nagkikiskisan ang mga labi nila. Nagsimulang magising ang burat ni Jeric. Kaagad naman itong jinakol ni Bea.

"Aaahhhhh…" ungol ni Jeric.

"Ang tigas boss… ang tigas nya na agad… "

"Syempre… matagal na akong hinde nakakadilig eh… "

" Bo.. boss… "

"ano?"

"Pwede bang… diligan mo ako ngayon… tuyong tuyo na ako ehh.. "

"Sure… ummhh.. " naghalikan muli ang dalawa. Malilikot ang mga dila nilang nageespadahan. Mas lalong nagising ang burat ni Jeric. Mas lalo itong tumaba at mas lalong tumigas.

Lumuhod si Bea at sinalubong ang galit na ari ni Jeric. Ang pinagnanasaan nyang burat ay nasa harapan na nya at hinde na sya nag aksayan ng panahon. Sinimulan nya itong isubo. Umungol muli si Jeric nang lamunin ni Bea ng buo ang kanyang pagkalalake. Sumagad ito hanggang lalamunan ni Bea.

Hinawakan ni Jeric ang ulo ni Bea at kanya itong kinantot sa bibig.

"Urrk urrk urrgh uullk ulkhh ullkk!! " patuloy sa pagsalpak ang katigasan ni Jeric sa bibig ni Bea.

Pinakawalan nya lang ito nang tumirik ang mga mata ng babae at naduwal ito. Tumayo si Bea at tumalikod. Humarap ito sa pader at tumuwad. Hinubad at binaba ang pantalon at underwear nya. Bumungad kay Jeric ang makinis at mabilog na pwet ni Bea. Binasa ni Jeric ng laway ang kanang kamay nya at saka nya ito ipinahid sa hiwa ni Bea. Mahinang napaungol si Bea dahil sa kiliting dulot ng kamay ni Jeric. Basang basa na ang lagusan nya.

"Boss pasukin mo na ako… "

" Wag kang magmadali. May oras tayo dyan."

"Anong gagawin mo?"

Lumuhod si Jeric at ibinuka ang pwet ni Bea. Exposed ang dalawang butas ng babae. Mula sa puke hanggang pwet ay nilinisan ni Jeric gamit ang dila nya.

"Oh my God! Aaahhh!! Shit ka boss!! Ummhhh!!! Ummmhh!! " buong pagnanasang ungol ni Bea nang ito ay makatikim ng kain pepe kay Jeric. Mas lalong kinatasan ang babae. Kagat labi ito habang ninanamnam ang sarap ng bawat paghagod ng dila sa tinggil at hiwa nya.

Tumayong muli si Jeric. Handa na itong angkinin ang dalaga. Tayong tayo ang sandata nitong naghahanap ng away.

"Aaahhhhhh fuckkkkk!! " mahabang ungol ni Bea nang itarak sa kanya ang matigas na tarugo ni Jeric. Dumulas ito papasok. Hinugot at muling ipinasok. Walang humpay na kasarapan at libog ang bumalot kay Bea.

Tinanggap nya ang bawat ulos ni Jeric. Kinantot sya na parang isang puta.

"Ahh aahh aahh aahh ahh aaahhh aahh…… " patuloy sa malalanding halinghing si Bea. Rinig din nito ang mabibigat na paghinga ni Jeric. Sagad na sagad sa loob ng kanyang lagusan ang matigas na pag-aari ng lalake.

"Fuck.. Beaaa… "

" Boss… ummhh.. sige pa… sige pa… malapit na ako.. "

Binilisan ni Jeric ang kanyang mga ulos. Para itong nagmamadali at dumoble ang sarap na naramdaman nilang dalawa. Kumapit na lamang si Jeric sa pwet ni Bea habang patuloy ito sa pagsargo.

"Haaaahhhhhhh… ummhh.. " dito inabutan ng langit ang dalaga. Nangisay ito sa sarap. Hinugot ni Jeric amg burat nya at kaagad lumuhod si Bea. Sinubo nya ito at chinupa.

"Aahhhh… shit… aaahhh… " hinde nakayanan ni Jeric ang sensasyon. Sumirit ang gata nya sa loob ng bibig ni Bea. Malugod naman itong nilunok ng babae.

"Wala kang tinira ah. "

"Ayoko magsayang boss eh hihi.. hmm sarap pala ng tamod mo… "

" Hehe gago… "

"Um pwede maka isa pa mamaya boss?"

"Aba namumuro ka na ha. Pinagbigyan na nga kita eh."

"Ay ako pa namumuro na ikaw nga 'tong nagsimula hihihi."

"Oh sya pero sa susunod na."

"Hmm hihi sure boss, tawagin mo lang ako kung kelan mo gusto. Bihis ka na, baka sipunin ka pa nyan."

Sa kailaliman ng gabi, naging tahimik ang paligid sa compound. At sa kadiliman naman ay maingat na naglalakad si Erich. Nasa likod ito ng compound at malapit sa generator house. Pakay nya ang sekretong pinto na napansin nina Jeric. Kita naman ni Erich ang tulog na nagbabantay doon.

Maingat nyang nilampasan amg gwardya at binuksan nya ang sekretong pinto. Lumusot sya dito at nakalabas na ng compound. Bumungad sa kanya ang kakahuyang binabalot ng kadiliman. Binuksan ni Erich ang kanyang flashlight at nagsimulang maglakad. Dala-dala nito ang kanyang backpack.

Dahil sa nangyaring mga pagkabigo sa kanyang buhay ay nagpasya na lamang syang tumakas. Patuloy lamang sa paglalakad si Erich nang makarating sya sa isang batis. Lumampas sya dito at tantyang nakalampas na sya ng ilang kilometro mula sa compound. Hanggang napansin nya ang isang maliit na bahay sa gitna ng dilim. May ilaw ito sa loob kaya pinatay nya kaagad ang kanyang flashlight at dahan-dahang lumapit sa bahay.

Kapansin-pansing hinde luma ang bahay at gawa ito sa troso kaya matibay ito tignan. May iisang bintana ang bahay pero mataas ang kinalalagyan nito kaya hinde ito masilipan ni Erich. Nagpasya syang hanapin ang pinto. Kinapa-kapa ni Erich ang paligid ng bahay hanggang mahawakan nya ang door knob. Maingat nya itong pinihit pero naka lock ito.

Biglang nakarinig si Erich ng kaluskos ng mga tuyong dahon sa likuran nya kaya binuksan nya ang flashlight at nagulat nang makita ang isang infected na paparating.

"Hhuurrggkkk!! "

"Aaaahhhhh!!!!" napasigaw si Erich sa takot. Biglang bumukas ang pinto at lumabas ang isang taong may hawak na pistol na may silencer. Pinatumba nya kaagad ang infected. Napatingin si Erich sa tao at nasurpresa sya.

"Ikaw!?" hinde makapaniwala si Erich. Tinutok sa kanya ang baril at wala itong magawa kundi ang sumunod. Pumasok sya sa bahay.

Samantala, sa loob naman ng pamamahay ni Danny, nasa kwarto nya ito at patuloy sa mahinang pagdaing.

"Unngghhh… .uuhh.. " bakas sa mukha ng binata ang hapdi. Bumukas ang pinto nya at pumasok si Elza.

"Daniel? What's wrong?" nilapitan nya kaagad sa ibabaw ng kama si Danny na nakaside position at tila may iniindang karamdaman. Hinaplos nya ang ulo nito.

"Oh God, you're burning up! Danny what's happening?" kinapkap ni Elza ang katawan ni Danny at nakapa nya ang braso ni Danny na mahigpit nitong hinahawakan. Pilit nyang inalis ang kamay ni Danny na nakahawak sa braso nya.

"Danny let go.. let me see!" tinanggal ni Elza ang kamay ni Danny at nagulat syang makita ang isang kagat ng infected sa braso ng binata.

"Oh God no… please.. no no no no… " hinde makapaniwala si Elza. Napatingin si Danny sa kanya. Nangingitim ang mga mata nito at maputlang maputla ang mukha nito.

"E.. Ellllzzaaa… "

"Danny… no… "

Itutuloy

About Balderic

u/Balderic
Balderic has nothing to say.

More from Balderic

Chapter 5: Makaraos Lang "Tuloy ka Archie." Pinapasok ako ni ate Danica sa bahay nila. Tahimik sa loob, kaming dalawa lang...
22 minutes

Ben 12 Omnisex (Chapter 10)

Filipino Sex Stories
Author's Note: This story may not be used, or copied by anyone without the permission of the original author Balderic...
37 minutes

Agnas (Episode 8)

Filipino Sex Stories
Episode 8: Truth By: Balderic "Iniwan mo ba si Kyle? Sagutin mo ako Andrew! " nanatiling naka kwelyo ang mga kamay ni...
27 minutes

A Second Chance 8

Filipino Sex Stories
Chapter 8: Katarungan Ko By: Balderic Pagkalabas ni Sasha ay lumapit si Selena kay Adel at pinagmasdan ito. "Babe kamusta na...
13 minutes

Heaven or Hell Chapter 2

Filipino Sex Stories
Chapter 2: Detective Maagang nagising si Mang Pedro at bumili ng pandesal. Napadaan sya sa isang bodegang abandonado at umihi sa...
15 minutes
Act X: Who Am I By:Balderic India "Kzzzzt!!! " "Uurrrrgghhh!!!! " daan daang boltahe ang dumaloy sa katawan ng kawawang si...
17 minutes

Related Stories

Cold Shower 2

Filipino Sex Stories
Dave gritted his teeth when the cold water made contact with his skin. Most days, he would not have mind...
5 minutes

The Varsity and the Maid I

Filipino Sex Stories
Chapter One: The Varsity "Baaaaaabbbbbbeeeee! Ipaaaasok mo naaaaaa!" ungol niya. Napangiti ako. Mukhang hindi pa rin kumukupas ang galing ko...
7 minutes

Repost: Teen Celebrities 3

Filipino Sex Stories
REMINDER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the...
12 minutes

A Second Chance 10

Filipino Sex Stories
Chapter 10: Tanggaping Katotohanan By: Balderic Dalawang araw na rin ang lumipas. Nanatiling nasa kulungan si Terry. Si Adel naman ay...
14 minutes

Mind Games II

Filipino Sex Stories
It begins with a touch like it always does. Followed by a string of words. Urged on by hunger. "I...
8 minutes