1. Home
  2. Stories
  3. AGUINALDO (37) | Tapat
Filipino Sex Stories

AGUINALDO (37) | Tapat

By missE ·
Undas. Madaling araw pa lamang ay ginising na sila ng ulan at malakas na ugong ng hangin na humahampas sa dingding ng bahay at mga capiz na bintana nito.

Dinig ang langitngit ng mga yerong pumapagpag sa bubong ng mga kabahayan na ang ilan ay tuluyan nang natuklap at nilipad sa may kalsada. Hindi man gaanong naramdaman sa Kamaynilaan ang inaasahang lakas ng bagyo ay nanalanta naman ito sa Bicol at ibang bahagi ng Calabarzon.

Wala halos maaninag sa kadiliman ng paligid dahil sa pagkaputol ng linya ng kuryente. Ilang araw ding nagbabala ang mga kinauukulan sa pagdating ng pinakamalakas na bagyo ng taon sa buong mundo at talaga namang ipinaramdam ng Bagyong Rolly ang lakas ng hagupit nito.

Pagsapit ng umaga ay bumungad sa lahat ang pinsalang idinulot ng bagyo. Kay raming mga nabuwal at nabunot na puno. Ang mga naiwan naman na nakatayo ay halos makalbo na ang mga dahon.

Malakas pa din ang hangin at ulan sa maghapon ngunit mabuti na lamang at hindi binabaha sa kanilang lugar. Gayon pa man ay kita sa paligid ang pinsalang hatid ng bagyo.

Sa halip na inaalala ng mga tao ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay ay abala ang lahat sa kanilang mga nasirang kabahayan at ari-arian. Bukod sa sarado ang lahat ng sementeryo dahil sa pandemya ay hinagupit pa sila ng malakas na bagyo.

Hindi rin nakaligtas sa pinsala ang ancestral house ng mga Aguinaldo. Nawasak ang isang bahagi ng kahoy na dingding sa may harapan ng bahay dahil sa paghilig doon ng nabuwal na puno sa may tapat nito. Ang bubong na kagagawa lamang matapos tumulo sa pagdaan ng bagyong Quinta ay nakitaan ulit ng mga tagas sa ibang bahagi maging sa kwarto ng mag-anak.

"Doon na muna tayo kila Ate tumuloy habang inaasikaso ko pagpapagawa dito." kunot-noong sambit ni Dennis habang pinagmamasdan ang mga sanga ng nabuwal na puno na nakausli sa loob ng bahay mula sa nabutas na dingding.

"Papalitan na din siguro buong bubong para isahang gawa na lang. May paparating na naman daw bagyo. Sakit na sa ulo pag ganitong maya't maya may pagawain!" dagdag pa nito.

"Pwede din naman sa baba na lang tayo Hon. Linisan na lang namin ni Romy yung isang side ng bodega, malawak naman yun." mungkahi naman ni Diane.

Ramdam na agad niya na hindi na niya iyon dapat sinabi sa itsura pa lang ng tingin ni Dennis nang pumihit ito upang lingunin siya.

"Talagang titiisin mong matulog sa bodega wag lang mapalayo ha?" sambit nito ng may mapaklang ngiti at nanunuyang tingin.

Nasa kabilang barangay ang bahay ng ate ni Dennis. Malapit din si Diane sa mga hipag nito at wala naman siyang problema kung doon sila makikituloy. Ngunit kaysa makaabala pa sila at para hindi na paroo't parito ang asawa kaya nito naisip na doon na lang sana sila manatili sa unang palapag.

Hindi na lang kumibo si Diane at pumasok na ng silid kaysa saan pa humantong ang usapan. Kagabi lamang ay napagbintangan siya nito na pupunta kila Greg nang masalubong siyang palabas upang sundan sa burol ng kanilang kamag-anak.

Gusto sana ni Diane na tapatin na ang asawa tungkol sa lahat-lahat ng namagitan sa kanila ni Greg at ng maayos na nila ang problema. Ngunit sadyang pinangungunahan siya ng hiya at takot. Wala siyang lakas ng loob upang harapin ang magiging tugon ng mister kung sakali.

Sadyang hindi na maalis ni Dennis ang magduda sa misis matapos ang mga nalaman nito. Wala naman kasi itong ideya na si Diane na mismo ang tumapos sa namamagitan sa kanila ng kumpare. Ang alam lamang niya ay nagtaksil sa kanya ang asawa at tinraydor siya ng kanyang kaibigan.

Ilang araw ngang nakituloy muna ang mag-anak sa bahay ng kapatid ni Dennis habang abala siya sa ipinapaayos na bahay-bakasyunan. Sa araw ay bumabalik siya doon upang pangasiwaan ang mga kinuhang karpintero sa paggawa doon.

Maging ang plantasyon ni Greg ay naapektuhan ng nagdaang bagyo. Marami sa mga puno ng niyog nila ang humilig at nabuwal. Nagkalat ang mga debris sa farm at laking panghihinayang nila sa mga bubot na bunga na nakalas dahil sa lakas ng hangin.

Gayon pa man ay hinayaan na niya ang magtiyuhing Paeng at Romy na lumiban muna sa pagpasok sa plantasyon upang makatulong din sa ipinapaayos na bahay ni Dennis. Alam niyang hindi naman matagal ang ilalagi ng mga ito sa Batangas kaya't kailangang matapos kaagad ang ipinapagawa lalo't may parating na namang bagyo.

Asingko na ng Nobyembre nang muling magbukas ang mga sementeryo. Gaya ng nakasanayan ay maagang gumayak si Dennis upang dumalaw sa himlayan ng kanyang mga magulang. Maging si Diane ay naghanda din upang samahan ito.

"Ate, alis na muna kami ha. Kayo na muna bahala kay JR." habilin ni Diane habang minamasdan ang anak na wiling-wiling nakikipaglaro sa nakatatandang pinsan nito.

"Sige Diane, mabuti ngang maaga kayo para hindi pa gaano matao. Baka mamayang hapon na lang siguro kami dumalaw o bukas. Andito lang naman kami kaya pwede naman kahit kailan." sagot ng hipag nito..

"Tara na Hon at ng makabalik agad. Ichecheck ko pa mamaya kung maayos pagkakafinish nila doon." tawag ni Dennis mula sa loob ng kanilang sasakyan.

Bitbit ang mga kandila ay sumakay na din si Diane at umalis na nga ang mag-asawa. May kaba ito sa dibdib at umaasang sana ay huwag silang magpang-abot nila Greg sa pagpunta sa sementeryo.

Bagaman hindi ganoon karami ay may mga tao na din na naroon upang dumalaw kahit maaga pa. May ilang mga nagtitinda sa labas na agad sumasalubong sa mga pumaparadang sasakyan upang maglako ng mga kandila at bulaklak.

Pagkabili nila ng mga bulaklak ay dumeretso na sila sa loob ng pribadong sementeryo.

"Hon... Sino yun?" nagtatakang tanong ni Diane habang may nililingon.

Kapapasok pa lang nila ng gate nang masalubong nila ang isang may edad na lalaking naka-polo barong at slacks. Sinusundan ito ng dalawang matipunong lalaki na tila mga body guards nito.

Para sa kanyang edad ay makisig pa din ang lalaki. Kundi nga lang sa nag-aabong kulay ng buhok ay hindi mahahalatang may edad na ito. Hindi halos makita ang mukha sa suot nitong shades at face mask.

"Ah si Mayor Vargas." maigsing sagot ni Dennis.

Napalingon ulit si Diane na parang namangha sa nalamang katayuan ng taong nasalubong nila. Saglit siyang napahinto ng lakad sa tapat ng museleong pinanggalingan ng alkalde at napatingin sa loob. Nagpatuloy naman ng lakad si Dennis at nagpatiuna na sa museleo ng kanilang pamilya.

May tatlong nitso sa loob ng puting museleo. Isa sa kaliwa at dalawang magkatabi sa kanan na pawang mga yari sa marmol. May mga arrangement ng pula at puting mga bulaklak na nakapatong sa bawat isa.

Hindi kilala ni Diane ang nasalubong na opisyal at wala siyang alam tungkol sa buhay nito. Ngunit nahinuha niyang marahil ay asawa ng alkalde ang nakahimlay sa gawing kaliwa base sa mga detalye ng yumaong babae na nakaukit sa lapida.

Ang mas pumukaw sa kanyang pansin ay ang magkatabing puntod na nasa gawing kanan. Isang lalaki at isang babae na nakaukit ang mga detalye sa isang malaking lapida.

Noong nakaraang taon pumanaw ang lalaki habang ang babae ay nitong taon lamang. Mahigit anim na buwan lang ang pagitan ng petsa ng kanilang kamatayan.

Ang babata pa ng mga ito nang namayapa. Habang minamasdan ang lapida ay nalungkot si Diane isipin na ni hindi man lang umabot ang mga ito sa kanyang edad nang lisanin nila ang mundo.

In Love Until Eternity. Napangiti si Diane sa nakaukit na linyang iyon sa bandang ibaba ng lapida. Kapansin-pansin na hindi Vargas ang apelyido ng babae ngunit mas napaisip siya nang mabasa ang pangalan ng lalaki na tila ba pamilyar sa kanya.

'Daniel Ramirez Vargas... Daniel Ramirez? Parang narinig ko na somewhere yung pangalan na yun...'

Sinubukan niyang alalahanin ngunit napailing na lang si Diane na di mawari kung saan niya nabasa o nadinig ang pangalang iyon. Inisip na lang niyang marahil ay kapangalan ito ng isa sa kanyang mga naging kliyente.

Umusal siya ng isang maigsing panalangin para sa tatlong namayapang iyon at agad na din siyang sumunod kay Dennis. Nadatnan niya itong nagsisindi din ng mga kandila para sa mga lolo at lola nito at iba pang mga kaanak.

Matapos mag-alay ng mga bulaklak, kandila at panalangin para sa kanyang mga biyenan ay iniwan na muna ni Diane ang asawa sa museleo ng angkan nito. Bitbit ang isa pang kumpol ng mga bulaklak ay nagtungo siya sa malawak na espasyo sa gitna ng sementeryo na nababalutan ng bermuda grass.

Nilapitan niya ang isang punong siya niyang palatandaan. Masusi niyang binasa ang mga pangalang nakaukit sa mga lapidang napapalibutan ng damo na nasa tapat ng puno hanggang sa makita niya ang kanyang pakay.

'Mare... Patawad... Sinisikap kong ayusin na ang lahat. Sana... sana mapatawad mo kami...'

Nangingilid ang luha ni Diane habang inilalapag ang mga bulaklak sa ibabaw ng lapida ni Elsa at ng baby nila ni Greg. Nag-alay ng taimtim na dasal para sa isang kaibigan kalakip ang paghingi ng tawad para sa mga salang nagawa nila noon ng asawa nito. Sinundan siya roon ni Dennis at nag-alay din ito ng panalangin.

Dumarami na ang taong naroon kaya't matapos ang ilang tahimik na sandali ay nagpasya na din silang umalis. Habang magkatabi silang naglalakad palabas ng sementeryo ay humawak si Diane sa kamay ng kanyang asawa. Bagay na kay tagal na din nilang hindi ginagawa mula nang mag-umpisa ang panlalamig ng kabiyak.

Hinayaan lamang iyon ni Dennis ngunit walang naramdaman si Diane na pagganti. Ni hawak o pisil ng kamay nito ay wala siyang nadama mula dito.

Pagkalabas ng sementeryo, papasakay na sana sila sa kanilang SUV ng matigilan si Dennis sa nakita.

Naka-hazard lights ang pick-up ni Greg malapit sa tapat ng kanilang sasakyan at tila nag-aabang ng mababakanteng espasyo na mapaparadahan. Hindi iyon napansin ni Diane na deretso lang na sumakay sa passenger seat habang abalang nakayuko sa telepono nito.

Agad nagsalubong ang kilay ni Dennis sa nakita. Dahil sa nakabukas ang bintana ni Greg ay nagkatinginan pa silang magkumpare. Walang ekspresyon ang mukha ni Greg samantalang di naman maitatanggi ang kinikimkim na sama ng loob ni Dennis sa kaibigan.

Nagmadali na itong sumakay at inistart ang makina. Dama agad ni Diane sa hininga ni Dennis ang galit nito.

"Oh bakit Hon? Ano problema?" nagtatakang tanong ni Diane.

Hindi kumibo si Dennis. Sa pag-abante ng kanilang sasakyan palabas sa kalsada ay siyang maniobra naman ni Greg upang okupahin ang iniwang espasyo ng kumpare.

Tiim-bagang si Dennis habang tahimik na nagmamaneho. Kakatwang isipin na maging sa parking slot, sa kanyang pag-alis ay siya namang paghalili ni Greg.

Kahit nalingon ni Diane ang sasakyan ng kanilang kumpare ay hindi na ulit siya nangahas kumibo tungkol doon. Pasalamat na din siya na tahimik lang si Dennis sa halip na siya na naman ang mapagbuntunan nito.

Sa kanilang pag-uwi ay biglang pumarada si Dennis sa tapat ng simbahan. Basta na lang itong bumaba nang hindi man lang nag-aya o nagsabi kay Diane at dumeretso na ito sa loob.

Si Diane na lang ang kibit-balikat na nagpatay ng makina ng sasakyan saka nito sinundan ang asawa. Tahimik itong naupo sa tabi ni Dennis ng may bahagyang distansiya.

Pinilit niyang klaruhin ang kanyang isip sa mga bagay na pinagdadaanan nila ng mister. Lumuhod siya saka tahimik na nanalangin, hindi lamang para sa mga yumaong mahal sa buhay, kundi para sa kanilang pagsasamang mag-asawa at sa katiwasayan ng kanilang pamilya na pilit niyang isinasalba.

Nang matapos ay naupo na siyang muli ngunit nakayuko pa din si Dennis sa pagkakaupo nito at ramdam niyang nagdadasal pa din ang asawa. May kurot sa kanyang puso na makitang tila kay bigat ng dinadala nito sa dibdib na siyang ipinagdarasal nito.

Makalipas ang ilang minuto ay naramdaman ni Diane ang pagbuntong-hinga nito ng malalim kasabay ng pagsandal sa upuan.

"Tara na." aya nito.

Nang makalabas sila ay natanaw nila si Romy na nakatayo sa tapat ng simbahan at may kausap na pari. May mga sakristan din sa malapit at tila naghahanda na ang mga ito para sa susunod na misa.

"Magandang araw po, bless us po Father..." bati ni Diane sa pari. Kundi nga lang may pandemya ay nais niya sanang magmano dito.

"Kaawaan kayo ng Diyos..." sagot naman ng pari kasabay ng pag-antanda ng kanyang kamay sa mag-asawa.

"Romy... pauwi ka na ba? Halika, sabay ka na samin." paanyaya ni Dennis sa katiwala.

"Ay, ay wait... Father... sila Kuya Dennis at Ate Diane nga pala... Mga bossing ko dun sa inuuwian namin ni tyong... Eto naman si Father Billy... schoolmate ko siya nung highschool... pogi noh?!" maharot ngunit pabulong na biro nito nang ipakilala ang pari sa mag-asawa.

Sabay naman na tumango at ngumiti sila Dennis at Diane na ginantihan din ng pari ng ngiti.

"Loko ka talaga Borromeo..." natatawang sagot nito. "Sige na sumabay ka na sa kanila. Mag-iingat kayo..."

Nagpaalam na ang tatlo kay Father Billy saka lumakad na pabalik sa sasakyan. Pagkasakay pa lang ay di na napigilan ni Diane na magtanong.

"Romy... siya ba yung--"

Hindi na natapos ni Diane ang kanyang tanong dahil agad nang sumagot si Romy.

"Corrected by, Te Diane! Oh di ba, pak na pak! My gulay, MVP namin yun te! Then pagkagraduate, nagdisappear... Yun pala... nagpari!! Ayan di ko na tuloy magapang!!"

Para itong kiti-kiti sa likod na kilig na kilig habang nagkukwento sa mag-asawa sa kanilang pagbaybay sa daan. Nangingisi din si Dennis sa tuwing mapapatingin sa rear view mirror upang masdan ang mga expression ni Romy habang nagkukwento ito.

Napalingon si Diane kay Dennis. Kay sarap makita ang kanyang mister na nakangiti. Ngunit nakakalungkot isipin na hindi na niya magawang palabasin ang mga ngiting iyon sa asawa. Na para bang puro na lang sama ng loob ang nararamdaman nito sa kanya sa halip na kaligayahan.

-------------------------

"Ano nga fantasy mo Diane? Hmm?..." tanong ni Dennis sa nobya habang salitang sinususo ang magkabilang utong at sinasalat ang namamasang hiwa nito.

Napangisi si Diane sa pilyong tanong na iyon habang nakapikit ito at ninanamnam ang romansa ni Dennis. Napapasabunot sa buhok ng nobyo dahil sa kiliti habang gigil na hinahagod ng kanyang kamay ang tigas na tigas na burat nito mula sa labas ng boxer shorts.

"Hmm... Ano nga ba... edi yung mga roleplays natin... like kunwari doktor ka... or may namboboso satin, mga ganon..." sagot nito habang nanatiling nakapikit.

"No, hindi ganon... I mean yung pinaka nalilibugan kang isipin... Yung gusto mo i-try..." bulong nito sa kanyang tainga sabay dila doon.

Gustuhin man sumagot ni Diane ay di niya maiwasang makaramdam ng alinlangan at pagkaasiwa sa itinatanong ni Dennis. Kahit na kapwa bukas naman ang magkasintahan sa usapin ng sex at sa mga adventures na ginagawa nila ay noon lamang siya natanong ni Dennis ng ganoon.

"Den naman ehhh..." apela niya dito.

"Dali na... Gusto ko lang malaman..."

Habang dinadampian ni Dennis ng halik ang mga labi ni Diane ay hinahagod naman nito ng daliri ang basang hiwa nito. Taas-baba iyon sa guhit saka idiniin ang gitnang daliri sa mismong butas. Ilang labas-masok doon at kinalabit naman nito ang namimintog na tinggil.

"Ohhh Denniisss..."

Napapagiling na ang balakang ng nobya sa kanyang ginagawa. Kusa na nitong inilabas ang kanyang naghuhumindig na burat at iginiya iyon na mapatutok sa kanyang pagkababae.

"Dali na Diane, kundi hindi ko ipapasok 'to... Ano na fantasy mo dali..." muling tanong ni Dennis habang hinahagod ang ulo ng titi sa nasasabik na biyak ng kasintahan.

"Ughh Dennis naman eh! Pero fantasy lang 'to ha? Sa isip lang... hindi ko naiisip na gagawin... at never ko talagang gagawin ha!"

Bakas sa boses ni Diane ang takot at alinlangan na malaman ng nobyo ang tungkol sa kanyang pinapantasya. Siniguro naman sa kanya ni Dennis na maaari nitong sabihin sa kanya kung ano man iyon.

"Oo naman... Fantasy nga lang eh, hindi naman totoo... Bilis na Diane, kantot na kantot na ko!" at lalo pa nitong idiniin ang burat sa bungad ng kepyas ng girlfriend at kinadyot-kadyot iyon.

"Oh sige na nga... Cheating!... Parang nakakalibog kasi isipin na nakikipagsex ako sa ibang lalaki ng hindi mo alam... Patago... Na may ibang gumagamit sakin tapos sarap na sarap kami..."

Nagulat man si Dennis sa narinig ay tila nalibugan pa ito lalo sa nalaman. Bigla nitong itinarak ng sagad ang galit na galit na burat saka inundayan ng kadyot ang kiki ng nobya.

"Sino naiisip mong umiiyot sa'yo ha? Si Greg ba?! Ha? Ughm... ugghm!!"

"Ughh NO! Wala akong naiisip! Dennis naman... parang kapatid mo na yun.... Di ko talaga maimagine makipagsex kay Greg sorry..." may pagkaasiwang sagot nito habang gigil na kumakadyot ang nobyo sa kanyang ibabaw.

Noon pa man ay alam na ni Diane na pantasya ni Dennis na makantot din siya ng bestfriend nito. Dinadaan lamang nito kadalasan sa biro at kantyaw ngunit di lingid sa kanya na umaasa talaga ito na mangyayari nga iyon.

"Edi bilisan na natin... Baka abutan tayo ng boyfriend mo miss... Tangina wala siyang kaalam-alam iniiyot ko syota nya!" bulalas ni Dennis at muling pinuntirya ng bibig nito ang naninigas niyang utong.

Lalo namang nalibugan si Diane sa narinig at agad sinakyan ang pag-arte ni Dennis. Ipinulupot niya ang kanyang mga hita sa balakang ng nobyo at nakayapos ang mga kamay sa katawan nito habang sinasalubong ng balakang niya ang bawat madiing kadyot.

"Fuck bilisan mo pa kuya... baka abutan niya tayo dito... Ahhhh shiiitt... mas masarap ka kumantot sa boyfriend ko! Ugghhh..."

Kagat-labi si Diane habang inaalala ang tagpong iyon noong sila'y magnobyo pa lamang ni Dennis.

Nakasuksok ang kaliwang kamay niya paloob sa itaas ng suot na kamison at nilalapirot ang kanan nyang utong. Ang isang kamay naman ay hawak ang dildo na bigay ni Dennis at hinahagod iyon sa ibabaw ng kanyang panty.

Nakabalik na silang mag-anak sa ipinaayos na bahay matapos iyong inspeksyonin ni Dennis pagkagaling nila sa sementeryo. Kinahapunan naman ay umalis si Dennis upang pumunta sa isang dating kaklase o kababata. Hindi tiyak ni Diane at hindi na din siya nangangahas magtanong kapag may lakad ang mister.

Gabi na at umuulan na naman ngunit wala pa din si Dennis. Wala din itong text o tawag kung nasaan na ito. Hindi na ito hinahanap ni Diane dahil baka mauwi na naman sa away.

Kanina sa kanyang pag-aayos ng kanilang mga gamit pabalik sa cabinet ay napanasin niya ang pouch ng kanyang itim na dildo na nakasuksok sa gilid ng maleta. Pilyang napangisi siya ng kuhain iyon.

Matagal na ding walang nangyayari sa kanilang mag-asawa, ang huli nga ay noong kaarawan pa niya. Di maitangging kailangan din niyang magpalabas ng init ng katawan kaya't nakukuntento na lang ito sa pagsasariling sikap.

Nang mapatulog na niya si JR at matapos makapaligo ay agad siyang nahiga sa kanilang kama bitbit ang laruang iyon. Sabik na hinagod ng kamay at dinama ang kahabaan at taba ng laruang titi. Malandi niya iyong pinagapang mula sa kanyang mukha, leeg, suso, pababa sa kanyang tiyan, hanggang sa may hita.

Nakalilis ang laylayan ng kanyang kamison hanggang baywang. Mula sa kanyang mga hita ay pinagapang niya ang burat papunta sa ibabaw ng kanyang puke at inihagod iyon sa hiwa na tila sinasabik lalo ang sarili.

"Oohhh..." mahinang ungol ni Diane habang idinuduldol ang ulo ng burat sa bungad ng kanyang kwebang natatabingan ng manipis na panty.

Nagbalik sa kanyang alaala ang isa sa mga roleplaying nila ni Dennis noong magboyfriend pa lang sila. Matapos siyang tanungin nito kung ano ang kanyang pantasya ay nagpanggap ito na ibang lalaki na sumalisi upang siya ay kantutin.

Malakas ang ihip ng hangin papasok ng silid dahil sa buhos ng ulan. Malamig na simoy na nagpataas sa mga balahibo niya sa braso ngunit hindi sapat upang masupil ang init na kanyang nararamdaman.

Tuluyan niyang hinubad ang suot na kamison at panty. Dinama sa kanyang balat ang kinis ng bagong palit na kobre habang pinaglalaro sa kanyang mga suso ang isang kamay at dinuduldol naman ang dildo sa kanyang bungad.

"Ahhh... dalian mo na... baka abutan niya tayo..." mahinang usal nito habang napapaangat ang balakang pahabol sa titing kusa niyang inilalayo ng bahagya upang pasabikin lalo ang sarili.

Lingid sa kaalaman ni Diane ay kanina pa may mga matang nakamasid sa kanya mula sa maliit na siwang sa pagitan ng magkabilang panel ng antigong pinto.

Kahit sa kadiliman ng silid ay lutang ang kaputian ng kutis nito. Kay sarap nito pagmasdan habang nakahiga sa gitna ng kama at nagkukumislot ang katawan sa sarap ng pagpapaligaya sa sarili.

Agad napahalukipkip si Diane sa gulat nang lumangitngit ang pinto pabukas. Napaahon ito ng upo at inipit pasara ang mga hita. Itinabon niya ang mga braso sa kanyang dibdib habang inaaninagan ang lalaking pumasok sa kwarto.

"Tuloy mo lang..." maigsing wika ni Dennis habang inilalapat pasara ang pinto.

Pumalya ang gamit niyang motor kanina kaya't inihatid na lang siya pauwi ng kanyang kababata. Marahil sa lakas ng ulan kaya't hindi na narinig ni Diane ang pagparada ng sasakyan sa tapat ng kanilang bahay.

Bagaman nakahinga ng maluwag na si Dennis lang pala ang pumasok ng silid ay agad napabalikwas si Diane uang abutin ang kanyang mga damit.

"Nagdinner ka na ba Hon? Teka paghahain kita..."

"Tuloy mo sabi eh!" mariing giit ng mister.

Sa kaunting liwanag na nagmumula sa poste sa tapat ng kanilang bakuran ay aninag ni Diane si Dennis na papalapit sa kama. Bahagyang nabasa ng ulan ang balikat ng t-shirt nito. Base sa ekspresyon ng mukha ay mukhang seryoso ito sa ipinag-uutos na ituloy niya lang ang kanyang ginagawa.

Napakunot ang noo ni Diane sa gustong mangyari ni Dennis. Sa kanyang pagkakatanda ay parang hindi pa nangyari na nagsarili siya habang nanonood ito.

Kahit naiilang ay muli siyang nahiga at ipinikit ang kanyang mga mata. Muling dumako ang kamay sa kanyang suso at sinimulang lamasin ulit ang mga iyon. Bahagya niyang ibinuka ang mga hita at isiningit ang dildo upang ihagod sa kanyang pwertang nangingintab na sa katas.

Inabot ni Dennis ang rattan na upuan at ipinuwesto iyon sa tapat ng kama sa bandang paanan. Mula sa anggulong iyon ay kitang-kita niya ang kabuuan ni Diane maging ang pagsingit ng dulo ng malaking burat na iyon sa mga labi ng puke ng kanyang misis.

Dahil sa hiya ay ayaw na sana ni Diane na ituloy pa. Ngunit dala na rin ng inis sa mister ay ipinagpatuloy nga niya ang nabiting pagsasarili. Balak pasarapin ng husto ang sarili kahit ano pa ang isipin ng mister.

Nakakapit siya sa suction cup at bayag sa dulo ng silicon na titing iyon. Muli niyang tinudyo-tudyo ng ulo ang kanyang nasasabik na butas habang nakatingin kay Dennis na di rin mapigilang mag-init ang katawan dahil sa napapanood.

Kagat-labing unti-unting ibinaon na iyon ni Diane sa kanyang lagusan. Napapaigtad ang katawan nito sa paglusong ng malaking burat sa sabik niyang pagkababae.

Kitang-kita naman ni Dennis nang mapanganga si Diane nang maisagad nito ang kabuuan ng otso pulgadang burat sa loob ng kweba nito. Gigil na nilamas ang sariling mga suso habang hinuhugot ang burat saka iyon muling ibinaon sa kanyang lagusan.

"Ahhhhh... ang sarap naman ng titi mo..." nakapikit na usal ni Diane habang nilalabas-masok ang burat na bumabanat sa kanyang kepyas.

Malalim ang paghinga ni Dennis habang pinanonood ang itim na itim na burat na humahagod sa biyak ng kanyang asawa. Kitang-kita niya ang namumuting dagta mula sa loob ni Diane na bumabalot sa katawan ng titing iyon.

Panay ang kislot ni Diane habang kinakantot ang sarili gamit ang dildo. Bukang-buka ang mga hita nito at napapatingkayad sa kutson ang pagkakatuon ng mga daliri sa paa.

Kahit umuulan sa labas ay dinig ni Dennis ang lalim ng paghinga ni Diane na halatang libog na libog. Maging ang basang tunog ng puke nito na parang humihigop sa bawat atras-abante ng hawak nitong titi na isinasalpak sa kanyang puke.

"Puta ka Diane... landi ng puke mo..." bulalas ni Dennis na napahimas na din sa tigas na tigas nitong tarugo.

Hindi pinansin ni Diane ang nadinig sapagkat nakatuon ang isip nito sa roleplay nilang mag-asawa na binabalikan nito sa kanyang isip. Hinugot niya ang burat mula sa kanyang puke saka walang alinlangang isinubo iyon habang kinakalabit ang kanyang tinggil.

Lasa niya ang sariling katas na nakabalot sa katawan ng isinusubong burat. Napamaang na lang si Dennis habang minamasdan ang maitim na titing labas masok sa bibig ng misis habang salitan nitong dinadaliri ang sariling lagusan at hinahagod ang tinggil.

Halong selos at libog ang nararamdaman ni Dennis habang pinanonood si Diane sa ginagawa nito. Ni hindi niya alam kung ano ang naiisip ng misis habang nagsasarili ito sa kanyang harapan.

Hindi niya maitanggi ang libog na dulot ng tanawing iyon. Dati na niyang nabosohan ang asawa habang nagpapaligaya ng sarili ngunit ngayon lamang nito iyon ginawa ng andoon siya at alam na inanonood niya ito.

Maya-maya'y muli nitong itinapat ang burat sa kanyang puwerta at isinagad. Mas bumilis na ang paglabas-masok niyon habang abala ang isang kamay nito sa pagkurot-kurot sa naninigas nitong mga utong.

Aninag ni Dennis ang pagngiwi ng magandang mukha ng asawa sa pinaghalong kirot at kiliti. Umaalon ang balakang nito sa mabilis na paglabas-masok ng burat sa kanyang namumulang puwerta.

Sumasama ang labi nito sa katawan ng burat sa bawat paghugot. Tila tumitilamsik ang katas sa tunog na nililikha ng bawat pagsuksok.

"Fuck ang galing mo kumantot! Yaaann!! Ungghh... Eto na ko!!"

Isinalpak ni Diane ang dildo sagad sa kanyang lagusan at inipit iyon ng mga hita. Saka niya mabilis na kinalabit ng madiin ang kanyang tinggil kasabay ng paglapirot sa kanyang utong.

Kitang-kita ni Dennis ang pag-unat ng mga hita ni Diane nang labasan ito. Namula ang mukha at leeg habang naninigas ang buong katawan. Nakikipagsabayan sa buhos ng ulan ang ungol at halinghing nito habang nangingisay ang katawan at napapaahon ang ulo sa tindi ng sarap.

Abot-abot ang hingal ni Diane nang bumagsak ang ulo nito sa kama sa paghupa ng kanyang orgasmo. Nakapikit ito habang ninanamnam ang sarap ng pagpapalabas ng init at kati ng kanyang katawan. Tila nakadagdag pa sa libog at thrill na pinapanood siya ni Dennis.

"Ano, masarap ba? Namiss mo kantot ni Greg noh?"

Hindi pa tuluyang kumakalma ang katawan ni Diane ay muli itong napaahon upang harapin si Dennis sa sinabi nito.

"Ha?" takang-taka nitong sagot lalo't alam niya sa sarili na ni hindi naman sumagi sa kanyang isip ang kumpare.

"Sarap na sarap ka sa burat ni Greg ha? Namiss mo na kantot niya, di ba tama ako?"

Sa nadinig ay napika na si Diane at waring naubos na ang pasensiya sa mga pambibintang ni Dennis sa kanya. Hindi na ito nakapagtimpi at tila mas lalo pang gustong pagsiklabin ang duda ng asawa sa kanyang isinagot dito.

"OO! Sige namimiss ko!... Yan naman ata gusto mong marinig eh!... Sige namimiss ko! Namimiss ko kantot ni Greg... Ano masaya ka na?!"

Natigilan si Dennis sa mga nadinig. Iba pala ang sakit ng iniisip mo lang ang isang bagay kumpara sa madinig mo talaga ito mula sa iyong mahal.

"Bakit Dennis, ikaw naman ang nagtulak sa'kin kay Greg ah!... Ikaw may gustong magpagamit ako sa kanya di ba?... Masisisi mo ba 'ko kung masarapan ako? Kung ulit-ulitin namin?" maluha-luhang bulalas ni Diane.

"Ikaw naman nagsimula ng lahat ng ito eh!" pahabol pa nito.

Napatiim-bagang si Dennis sa pag-amin ni Diane. Sa ilang buwang lumipas mula noong kanyang kaarawan na binabagabag siya ng pagdududa, kahit pa nga may nakikita na siyang pruweba ay nanatili siyang in denial sa namuong relasyon sa pagitan ng misis at kumpare.

At ngayon nga, sa mga labi na mismo ni Diane nanggaling ang mga salitang katumbas na rin ng pag-amin sa kataksilan nito.

Sa halip na sumagot ay biglang humangos pasampa sa kama si Dennis at itinulak siya pahiga. Puwersahang pinaghiwalay nito ang mga hita ni Diane at inihagis ang titing kusang dumulas palabas mula sa puke nito.

Inilabas ni Dennis mula sa garterized shorts ang kanyang burat at bahagyang sinalsal iyon saka itinutok.

"Asawa kita Diane... kaya sakin ka dapat! Sa'kin ka lang!"

Pagkasuksok ng titi ay agad niyang inundayan ng kadyot ang asawa. Kadyot na mapang-angkin. Kantot na nang-aari.

Amoy ni Diane ang alak sa hininga ni Dennis nang halikan siya nito ng marahas. Hindi siya gumanti. Ramdam pa niya sa kanyang hita ang kirot ng mariing pagkakapiga doon ni Dennis kanina upang paghiwalayin ang mga iyon.

Sa kadiliman ng silid ay aninag niya ang kislap ng luhang nangingilid sa mga mata nito habang nakayapos ito sa kanyang mukha at kinakantot siya ng marahas. Sagad-sagaran ang bawat paghindot ni Dennis sa asawa. Diin na diin ang paggiling ng puwet nito kasabay ng paghampas ng bayag.

Nalulukot ang mukha ni Diane sa kirot ng marahas na pagsupsop ng asawa sa kanyang mga utong. Halos magmarka ang mariing mga halik nito paakyat sa kanyang leeg at pabalik sa kanyang labi. Sa bawat galaw ng mister ay tila ipinapaalala nito na siya ay kanyang pag-aari.

Titig na titig si Dennis sa mukha ng asawa habang nagpupuyos ang damdamin sa mga sinabi nito. Oo, siya ang nagtulak. Oo, siya ang nagsimula. Mga bagay na alam niyang pawang katotohanan kaya nga't labis niya iyong pinagsisisihan.

Sa tindi ng emosyon at libog ay tuluyang gumuhit ang mga luha nito nang labasan. Mahigpit ang yapos sa asawa habang sumisirit ang tamod sa maibuturan nito. Parang sumabog di lamang ang init ng kanyang puson kundi maging ang bigat ng damdaming kinikimkim sa kanyang dibdib.

"Mahal kita Diane... Asawa mo 'ko, kaya sa'kin ka lang!" sambit nito nang may luha sa nanlilisik na mga mata.

Tahimik itong umahon mula sa kanyang ibabaw, kumuha ng unan saka lumabas ng silid. Napasapo na lang si Diane ng mga palad sa kanyang mukha habang lumuluha. Sising-sisi sa kanyang mga nasabi dala ng pagkabigla. Mga salitang alam niyang lalo lamang magpapalala sa sitwasyon.

Nang makapagbihis ay saka sinundan ni Diane ang asawa. Nadatnan niya itong naghihilik na sa kahoy na sala set. Kanya itong kinumutan, hinaplos ang buhok ng mister at dinampian ito ng halik sa pisngi habang gumuguhit ang luha sa kanyang mukha.

Abot-abot ang pagsisisi ni Diane sa kinahinatnan na ng kanilang pagsasamang mag-asawa. Kung maibabalik lang talaga ang panahon.

-------------------------

Maaliwalas ang umagang iyon. Maganda ang sikat ng araw kahit nakasanayan na nilang umuulan tuwing gabi kahit walang bagyo.

Pinakikiramdaman ni Diane ang kilos ng asawa. Inaasahan niyang kakausapin siya ni Dennis tungkol sa mga nasabi niya nang nagdaang gabi ngunit hindi nangyari iyon.

Parang normal lang ang lahat. Ganoon pa rin, tipid pa rin ang pag-uusap nila. Hindi magkikibuan kung hindi kailangan. Malamig ang pakikitungo sa isa't isa ngunit tila wala namang nabago dahil mahigit isang buwan na silang ganoon at nasasanay na rin si Diane.

Kung titignan ay parang walang nangyari nang nagdaang gabi. Napapaisip nga si Diane kung gawa ba ng kalasingan kaya tila walang naaalala ang mister.

Abala si Dennis na kinakalaykay ang mga lagas na dahon sa may bakuran. Inipon niya ang mga iyon sa bandang direktang nasisinagan ng araw upang mas madaling matuyo at masigaan.

Si Diane naman ay nasa kusina at naghuhugas ng kanilang pinagkainan habang tinatanaw si JR na naglalaro sa may sala. Napalingon siya nang mapansin ang pagpanik ni Dennis na dumeretso sa kanilang kwarto. Naulinigan niya ito na naghahalungkat sa mga drawer at cabinet.

"May hinahanap ka Hon? Ano 'yon, baka nakita ko?" tanong ni Diane habang nakatayo sa may pinto at nagpupunas ng mga kamay.

Hindi kumibo si Dennis na para bang walang nadinig at ipinagpatuloy lamang ang paghahalungkat sa kung ano man iyon na hinahanap nito.

Hanggang sa napagbalingan nito ang malaking maletang nakatayo sa isang sulok. Kahit magaan at tila walang laman ay binuksan niya iyon at kinapa ang mga bulsa sa loob. At doon nga ay natagpuan nito ang hinahanap.

Agad na kinuha ni Dennis ang pouch ng dildo na siya mismo ang bumili para kay Diane. Nilagpasan lamang nito ang asawa sa kanyang paglabas ng pinto at agad ding pumanaog ng hagdan.

Binalikan ni Dennis ang kanyang sinisigaan at walang pag-aatubili nitong inihagis ang kanyang hawak sa apoy. Binuhusan pa niya ng gaas ang tumpok ng mamasa-masang mga dahon upang lalo iyong magliyab.

Habang naglalagablab ang apoy ay pinanood niyang matunaw ang bagay na kanyang inihagis. Ang naiisip niya na siyang nagpapaalala kay Diane sa mga kataksilan nito kasama si Greg.

Habang nakatanaw sa ibaba mula sa bintana ay napasapo ang kamay ni Diane sa kanyang bibig. Di maiwasang makadama ng takot at pangamba sapagkat naaalala pala ni Dennis ang mga nangyari kagabi. At tiyak na tanda rin nito maging ang kanyang mga nasabi.

Nang umahon ang tingin ni Dennis at napatingala sa bintanang kanyang kinaroroonan ay nagtama ang kanilang paningin. Hindi maipaliwanag ni Diane ang pinaghalong sakit at poot na nakita niya sa mga mata nito.

Ginugol ni Dennis ang maghapon sa pagpapaayos ng kanyang motor. Nang sa wakas ay magawa na iyon ay humabol siya upang dumalo sa kaarawan ng isa sa kanyang mga kabarkada noong highschool.

Kasarapan na ng inuman ng magkakaklase noong siya ay dumating. Ngunit hindi niya inaasahan ang kanyang nadatnan. Naroon si Greg.

Nabanggit kasi ni Paeng na may biyahe sila ng produkto kasama si Greg nang hapong iyon kaya lang siya nagpasyang pumunta sa selebrasyon. Marahil ay hindi natuloy o sadyang hindi sumama ang kumpare sa biyahe kaya't naroon ito sa inuman.

"Ay sya, narine na pala ang taga-Maynila eh! Tara na Dencio nang makabarik na!" salubong sa kanya ng may kaarawan.

Nataon pang ang tanging puwesto na bakante sa lamesang nasa may bakuran ay katapat ni Greg. Nakangisi pa ito nang maupo siya sa harapan nito. Nag-abot si Dennis ng pera sa isang binatilyong naroon at nagpabili ng isa pang case ng maiinom.

"Katagal mo nang nakauwi pre, ngayon ka lang nagpakita sa'min ah!" kantyaw ni Greg na namumula na ang mukha sa naiinom.

Mapaklang ngiti lamang ang isinagot ni Dennis sa banat ng kumpare.

"Ala'y tagayan na nang makahabol!" hirit ng isa pa nilang kaklase.

Agad namang nagbuhos si Greg ng serbesa sa baso nito at iniabot iyon sa bagong dating.

"Wag na yan pre, nalawayan mo na yan eh. Alam mo naman ako, hindi ako naiinom sa pinaglawayan na." anas ni Dennis ng may makahulugang tingin.

Nagmuwestra ito sa isang kaklase na abutan siya ng basong hindi pa gamit. Agad naman itong tumugon at nagbuhos ng malamig na beer sa panibagong baso.

"Oo nga naman, mahirap nang ma-COVID eh!" at iniabot nito kay Dennis ang tinagayang baso.

Lumipas ang oras na sinikap na lang ni Dennis na ituon ang atensyon sa ibang mga kasama. Sa kwentuhan at tawanan ng grupo habang nag-iinuman ay tila di naman napapansin ng iba ang mga pasimpleng patutsadahan ng matalik na magkaibigan.

"Kaganda nyang itak mo brad ah, saan ga nabili ya-an? Patingin nga..." kantyaw ng isang bisita sa may kaarawan.

"Ah regalo ng bayaw ko. Gara di ba? Ganda pati ng suksukan niyan." pagmamalaki nito habang iniaabot ang kanyang itak.

Karaniwan na sa mga taga-Batangas na may sukbit na itak sa baywang lalo na iyong mga nagtatrabaho sa bukid. Bahagyang hinugot ng kainuman ang itak upang tignan ang talim niyon saka muling isinuksok sa lagayan.

"Bagong-bago... ay kahigpit pa ng suksukan eh!"

"Aba'y ulit-ulitin ko la-ang ng suksok at dudulas din ya-an..." humahagikgik na sagot ng may-ari.

"Ala eh'y kainam ngang mahigpit pa... Areng suksukan ko eh kaluwag na. Gusto ko na ngang itapon eh!"

"Aba pag maluwag na pre, hanap ng masikip-sikip pa at dun makisuksok!" natatawang kantyaw naman ni Greg.

Hagalpak ang tawa ng mga magkakainuman sa double-meaning nilang usapan maliban kay Dennis na nangingisi lang habang umiinom at inoobserbahan ang itinatakbo ng kwentuhan ng mga kaklase.

"Mas mainam nang gamayin ang sariling suksukan... kaysa nakikisuksok pa sa iba." makahulugang sambit ni Dennis.

"Ang kaso nga lang, paano kung mas swak dun sa suksukan yung nakikisuksok?" bwelta naman ni Greg.

Walang kaalam-alam ang mga kainuman sa patutsadahang nagaganap. Alam kasi ng mga ito na matalik na magkaibigan sila Dennis at Greg at sanay din sila sa kantyawan at barahan ng dalawa. Walang ideya na patungkol na iyon sa personal na buhay ng magkumpare at ng misis ni Dennis.

"Sanaol talaga malaki itak! Para swak na swak hehehe Taragis 'tong itak ko... kahit bago suksukan, kaluwag ng lapat eh!"

Kahit may ibang kaklase na bumanat ay tila hindi iyon narinig ni Dennis at muli na naman itong nagpatutsada sa kaharap.

"Mahirap talaga kapag walang sariling suksukan ano? Nakikisuksok na lang lagi sa suksukan ng iba." sambit ni Dennis ng may makahulugang tingin sa kumpare.

"Nako Dennis, alam mo naman ang itak niyang si Greg... mga suksukan pa ang naghahabol!" ani ng isa sabay siko sa katabi.

"Pero hindi pwedeng habambuhay nakikisuksok. Hindi ba Pre?"

Nagtama ang mga mata ni Greg at ang seryoso at makahulugang tingin ni Dennis. Dinampot ni Greg ang kanyang baso at tinungga ang laman niyon saka tumayo.

"Eh paano kung lumapat na itak ko sa suksukan ng iba? Baka mas ok na sakin na lang yung suksukan na 'yon. Swak eh!" kunot-noong bwelta nito kay Dennis.

"Sya sige na, makauwi na at lasing na din ako..."

Sa kabila ng pagtutol ng mga kasama maging ng may kaarawan ay nauna na ngang umalis si Greg sa inuman. Maya-maya'y nagpaalam na din si Dennis sa mga ito upang sundan si Greg.

Idineretso niya sa loob ng bakuran ang motor at naabutan niya ang kumpare sa may veranda ng kanilang bahay na mag-isang nag-iinom ng brandy. Pagkaparada ng motor ay agad niya itong nilapitan.

"Greg tapatin mo nga ako... ano ba talaga gusto mo ha?!" kunot-noong tanong ni Dennis.

Naninigas ang panga niya habang naiisip ang mga huling salitang binitawan ng kumpare kanina sa inuman bago ito umalis. Di naman nagpasindak si Greg at nakangisi pa habang nagbubuhos ng alak sa baso.

"Kailangan ko pa ba talagang sagutin 'yan?" nanunuyang tugon nito habang tinutungga ang lama niyon.

"Tang ina ayos ka rin 'no? Pinatikim ka na nga't lahat... Abusado ka rin eh!"

Nang sa wakas ay mapapayag ni Dennis si Diane noon sa kanyang pantasya ay agad niyang ipinaalam iyon kay Greg. Nataong nasa Maynila noon ang mag-anak upang dumalaw sa mga kamag-anak nila at para sunduin si Pam.

Komo noon pa kursonada ni Greg ang misis ng kumpare ay hindi na nagdalawang-salita si Dennis at agad siyang pumayag sa plano nito. Para siyang tumama sa lotto para magkaroon ng kaibigang papayag na ipatikim sa kanya ang maganda, sexy, at batang misis nito.

Dalawang bagay lang ang nilinaw ni Dennis. Una, walang alam si Diane sa kanilang usapang magkumpare. Ikalawa, minsan lang iyon mangyayari at hindi na mauulit pa.

"Teka lang pre... Nagkakalimutan ata tayo eh... Di ba ikaw naman nagsimula nito? Ikaw nag-alok sa'kin di ba? Sinakyan ko lang trip mo!"

Bahagyang natigilan si Dennis sa narinig. Para siyang muling sinampal ng katotohanan na kagabi lang ay ipinaalala din ni Diane sa kanya. Na siya ang nagsimula ng lahat ng iyon.

"Usapan natin di ba minsan lang? O di ba ikaw din ang lumapit sa'kin ulit nung anniversary nyo?"

Nagpupuyos ang damdamin ni Dennis na para bang sa kanya pa bumabalik ang sisi samantalang si Greg ang nakinabang.

Ginusto lang naman niyang iparanas kay Diane ang katuparan ng pantasya nito na makipagsex sa ibang lalaki ng hindi niya nalalaman. Bilang regalo at ganti niya sa asawa sa pagtupad din nito sa kanyang pantasya noong magpaPasko.

"Sayo lahat nag-umpisa 'to Dennis. Kaya masisisi mo ba kami ni Diane kung nasundan pa? Na nagkahulihan kami ng libog?"

"Pero malinaw naman ang usapan natin di ba?... Hanggang birthday mo lang! Pagkatapos non, tama na!... Kaso ano ngayon 'to, gusto mo na siyang agawin?!"