1. Home
  2. Stories
  3. Ako Si Dan 20
Filipino Sex Stories

Ako Si Dan 20

By meganekun ·
Pagkakita sa akin ni hipag ay hindi man lang ito nagulat o nailang man lang bagkus ay isang magandang ngiti
ang ibinigay nito sa akin, nalilito man ay hindi na rin ako nagpahalata sa mga kasama ko sa salas, agad akong
nagpalit ng damit at pinuntahan ang mga kasama. Kaswal na usapan lang naman ang nangyari, napag alaman ko nga
na hindi na rin tutuloy talaga si bilas ng mangibang bayan sa halip ay magtatayo na rin sya ng isang branch
dito malapit sa amin at bibili na rin ng kanilang bahay na titirhan. Habang nag uusap kaming apat ay hindi namin
maiwasan ni hipag na magkatinginan at magngitian na hindi naman nahahalata ng mga kasama namin.

Makapananghalian ay agad agad akong lumabas para bumili ng sigarilyo, matagal ko ng tinigilan ang bisyo na ito
ngunit kailangan ko ito ngayon, halong nerbyos at saya na rin kahit papano. Paano nga kaya kung sa akin ang
ipinagbubuntis ni hipag, ano na kayang mangyayari sa pamilya ko, sa akin?. Seryoso akong nakamukmok sa isang
tindahan na medyo may kalayuan sa bahay, para na rin hindi makita ni misis ang paninigarilyo ko. Sa aking pag
iisip ay hindi ko na namalayan na nasundan pala ako ni hipag sa tindahan.

hipag: sabi sakin ni lorie matagal ka ng tumigil sa paninigarilyo?(nakangiti nyang tanong sakin)

me:(napa angat ang tingin ko) ay ate andyan ka pala.(sabay tapon ng nangalahating stick ng sigarilyo)

hipag: mukang may problema ka, makakatulong ba ako?

me: wala ate, okay lang ako.(maigsi kong tugon)

hipag: alam ko na ang gumugulo sa isip mo ngayon.

Alam kong alam na nga ni hipag ang aking iniisip, hindi ko rin naman ito maitago lalo pa at nagulat talaga ako
sa nasaksihan at nalaman ko, sana naman ay hindi nagbunga ang katarantaduhan ko.

hipag:(luminga linga muna sa paligid) alam mo dan, wala kang dapat isipin. nangyari na ang dapat mangyari at isa
pa, hindi pa tayo nakakasigurado na sa iyo nga itong nasa tiyan ko ngayon, sinunod ko yung payo mo nung huling
may mangyari sa atin, nakipag do din ako sa asawa ko, halos inaraw araw nga namin ehh,hihihi.

me:(blangkong tingin ko kay hipag) nakuha mo pang magbiro ate, ikaw talaga(napangiti na lang ako)

hipag: wag mo nang paka isipin, ang mahalaga sa atin lang ang sikretong iyon at isa pa, yung huling nangyari
satin, iyon na talaga ang pinaka huli. ayoko ng magkaron pa ng kasalanan sa asawa ko, naging tapat sakin
ang asawa ko kaya dapat ganun na din ang gawin ko, makaka asa ba ako na iyon na ang huli dan?

me: oo ate, pangako iyon na talaga ang huli. ayoko ring masira ang pamilya ko at ang pamilya mo.

hipag: maige naman at nagkaka intindihan na tayo. sige na at aalis na ako, umuwi ka na rin at hinahanap ka na ni
darien, may ipapabili ata sayo ang pamangkin ko.

Pag uwi ko ay nakita ko ang anak kong masayang papunta sa akin, duon ay medyo nabawasan ang aking iniisip.
Isang buwan muli ang lumipas, napakabilis ng araw ngunit parang napakabilis din ng karma.

Nasa trabaho ako nung tumawag sa akin ang aking biyenang babae, galit na galit ito at pinag mumura ako sa
tawag. Nalaman pala ni misis ang aking pagloloko dito sa trabaho, ang ikinababahala ko pa ay kung nalaman nga
nila na kung sino ang babaeng nakalaguyo ko, wag naman sana sa isip isip ko. Dali dali ko itong sinabi kay
tere at sya man ay nagaalala sa kalagayan ko, sinabi ko na lang sa kanya na wag akong paka isipin at akong
bahala(may choice pa ba ako). Nagpaalam agad ako sa aming team leader dahil alas dos pa lang nun ng hapon,
nag under time na lamang ako at dali daling pumunta sa bahay ng aking biyenan. Habang nasa biyahe ay iniisip
ko na ang lahat ng magiging senaryo pag nakita nila ako, sa muli ay bahala na si batman.

Pagkaparada ko pa lang ng aking motor ay rinig ko na ang sigaw ng aking galit na galit na biyenang babae.
Halos isumpa na nya ako, mura at pangmamaliit ang inabot ko sa biyenan ko samantalang ang biyenan kong lalake
ay tahimik lang, halata ko ang konting galit sa kanyang mata ngunit parang mas nangibabaw ang disappointment
nya sa akin, siguro ay dahil nga sa close kami at siguro naman ay naiintindihan nya ako (nung araw daw kasi ay
talagang chick boy din ang biyenen kong lalaki, kahit kumare ng biyenan kong babae ay naka away nya dahil
huling huli din sila sa akto pero, hindi excuse yun para gumawa din ako ng mali). Nung huminahon ang biyenan
kong babae ay pinapasok na rin ako sa loob ng biyenan kong lalake.

Hindi ko nakita sa salas ang mag ina ko kaya naman kahit walang pahintulot ng aking dalawang biyenan ay
ginalugad ko ang buong kabahayan ng aking mga biyenan. Lahat ng kwarto ay akin nang napuntahan at ang pinaka
huling lugar kung saan ako pumunta ay sa isang mini garden sa likod bahay. Duon ko nakita ang aking mag ina,
ang aking anak na nakaupo sa isang rubber mat habang masayang naglalaro ng kanyang bagong laruan at ang asawa
ko naman na naka upo lang sa isang bakal ngunit magarang upuan na para lamang sa mga bisita sa hardin. Nang
makita ako ng aking anak ay dali dali itong tumakbo at nagpakarga sa akin samantalang nakita ko naman ang mata
ng aking asawa, mugto ito at halatang kakagaling lamang sa pag iyak, nagkatinginan lamang kami at dali dali din
syang umalis sa hardin at pumasok sa loob ng bahay. Nakita naman iyon ng aking biyenang lalaki at kinuha sa akin
ang aking anak at sumenyas ito sa akin na sundan ito sa loob. Pasalamat pa rin ako dahil hindi war freak ang
aking biyenang lalaki, kung hindi ay baka kung saan ako pulutin.

Sinundan ko ang aking asawa sa kanyang lumang kwarto, sa dating kwarto nya nung sya ay dalaga pa. Tumayo muna
ako ng ilang segundo sa tapat ng pinto na tila naghahanda sa ano mang sapitin ko. Pinihit ko ang door knob at
natuwa ako dahil hindi ito naka lock, senyales na inaantay nya rin akong pumasok sa loob. Pagkapasok na pagka
pasok ko pa lang ay dalawang sampal agad ang dumapo sa aking dalawang pisngi galing sa kaliwat kanang kamay ng
aking asawa, handa na ako sa ganung mangyayari ngunit nabigla pa rin ako dahil ito ang unang beses na masampal
ako ng isang babae lalot asawa ko pa. Hindi ako maka tingin ng diretso sa aking asawa dahil sa hiya na dapat ay
nuon ko pa naramdaman dahil sa mga pinaggagagawa ko. Pagtingin ko sa aking asawa ay lumuluha ito, ako man ay
lumamlam ang mata at maya maya pa nga ay bigla akong niyakap nito. Duon na bumuhos ang luha ko, kahit anong
pigil ko ay hindi ko kaya. Dahil sa galit ay napagbuhatan ako ng kamay ng aking asawa ngunit agad din itong
lumambot ng makita ang aking namumulang pisngi. Sa kanyang mga yakap ay lubos kong naramdaman ang pagmamahal ng
aking asawa, ramdam kong ayaw nyang mawala ako sa kanya at ganun din naman ako kaya ginantihan ko din ito ng
isang mahigpit na yakap. Nagiiyakan kaming dalawa sa loob ng kwarto at ako naman ay todo hingi ng tawad sa
aking asawa.

me: hon im sorry, im sorry, im sorry(habang todo buhos ng aking mga luha)

misis: sorry din hon, nasampal kita.

me: kulang pa yun hon, kulang pa sa ginawa ko sayo, sana mapatawad mo ako. ayokong mawala kayo ng anak ko sakin.

Hindi na sumagot ang aking asawa ngunit ramdam ko ang pagpapatawad nya dahil sa lalong humigpit ang pagkakayakap
nya sa akin. Kinuha nya ng dalawang kamay nya ang aking magkabilang pisngi at hinalikan ang aking mga labi.
Nagpapasalamat ako dahil kahit ganun ang aking nagawa ay napakabilis na ako ay patawarin ng aking asawa. Tila ba
namiss namin ang isat isa sa tindi ng pagkaka hinang ng aming mga labi.

misis: wag mo ng uulitin yun hon ha, promise me.

me:promise hon, promise.

Pagkatapos ng tagpong iyon ay naikwento sakin ni misis na matagal na nya pala akong pinatitiktikan sa anak ng
kanyang dating kaklase sa kolehiyo na kasalukuyang nag o-OJT sa aming kumpanya. Malaki ang utang na loob ng
kaklase ni misis sa kanya dahil nung time na nabaon sa utang ang mag asawa ay si misis ang agad nilang nalapitan
kaya siguro madaling nautusan ni misis ang anak ng kanyang dating kaklase. Pasalamat na lamang ako dahil hindi
na sinabi nung bata kung sino ang aking kalaguyo, ang sinabi na lang nito sa aking asawa ay agad din itong
nag resign sa trabaho na akin naman pinagtatakhan, bakit nya pa pinagtakpan kung sino ang aking kalaguyo kung
alam nya naman, nagsinungaling pa sya kay misis. Siguro ay naisip nya rin ang kapakanan ni tere na nagbubuntis
ngayon, pasalamat na rin ako.

Nung araw ding iyon ay napatawad naman ako ng aking asawa ngunit nanggagalaiti pa rin sa galit ang biyenan kong
babae. Todo hingi ako ng paumanhin sa aking mga biyenan bago ako umuwi ng mag isa sa bahay, gusto daw munang
makasama ng aking mga biyenan ang aking mag ina, gusto ko mang isama na sila pauwe ay wala akong magawa dahil
may atraso pa ako. Tatlong araw ding naglagi sila misis sa bahay ng aking biyenan at nung nakauwe si misis sa
bahay ay siya lang mag isa. Napangiti na lamang ako nung nalaman ko kung ano ang pahiwatig ni misis kaya naman
halos magdamag kaming nag nagtalik ni misis, talagang ibinuhos ko ang lahat sa kanya at ganun din naman sya sa
akin. Nung araw ding iyon ay tumigil sya sa pag inom ng pills dahil sabi nya sa akin ay gusto na nya raw magbuntis
muli,naiinggi daw sya sa kanyang ate, ano pa nga ba ang magagawa ko. Nag leave na ako hanggang sabado kaya
sinulit na namin ni misis ang buong kabahayan, hindi na muna namin pinapasok ang aming kasambahay para naman
masolo namin lalo ang bahay. Nung nagkapasok ako ay ginabi gabi ko si msisis kahit pa andyan ng muli ang anak ko.

Makalipas nga lang ng isang buwan at hindi pa dinatnan si misis ay nag p* na sya at dun sapul, buntis na sya.
Tuwang tuwa kami ni misis nung malaman namin yun kaya naman pag nag me-make love na kami ay medyo hinay hinay
lang ako at hindi pwedeng manggigil.

Kahit pa nagkaron ako ng kalokohan sa kumpanya ay hindi din naman ito kumalat duon, hindi rin ako pinag resign
ni misis dahil hindi nya alam na si tere ang naging kalokohan ko pero kung malaman nyang si tere iyon at ako
pa ang nakabuntis ay malamang yari na talaga ako.

Kami ni tere, ayun at tumigil na sa aming kalokohan dahil natatakot din kami na baka malaman ng kanya kanya
naming mga asawa, sabi ni tere ay wala na daw sa kanyang mawawala kung malaman ng asawa nya pero sakin daw ay
malaki ang mawawala kaya naman kinalimutan na namin ang mga nangyari kahit pa mahirap. MakalipaS nga lang ng ilan
pang buwan ay nanganak na si tere, babae ang naging anak naming dalawa. Maliit lang daw ang nakuhang features sakin
nung bata kaya hindi na rin nagtaka ang kanyang asawa. Tuluyan na rin syang pinag resign ng kanyang asawa dahil
dalawa na ang anak DAW ang anak nila. Nabinyagan nga ang bata at isa rin ako sa mga naging ninong ng bata.
Ilang linggo lang at si hipag naman ang nanganak. Pagka kita ko sa bata ay wala naman akong naramdaman na
sinasabi nilang lukso ng dugo o kahit anong excitement man lang, kita ko rin naman sa bata na halos lahat ng
features nya ay kay bilas nya nakuha. Dahil nga malapit na din samin nakatira sila hipag ay nagawa nyang ilihim
ang pagpapa DNA test samin nung baby nya at nung lumabas naman ang resulta ay kumpirmadong kay bilas iyon, maige
na rin lang sa isip isip ko. Malaking kasalanan man ang nagawa ko ay malaking biyaya naman ang dumating samin
dahil nung magpa ultrasound si misis ay napag alaman namin na kambal ang kanyang ipinagbubuntis. Hindi maitago
ang tuwa ng mga biyenan ko nung malaman iyon kaya naman nagpahanda sila ng isang salo salo, duon ay napatawad na
rin ako ng aking biyenang babae, nabiro pa nga ako na kung hindi ako naka kambal ay baka galit pa din ito sa akin.

Nakausap ko rin ang anak ng kaklase ni misis, napag alaman ko na kilala nya nga kung sino ang aking naging
karelasyon sa kumpanya, hindi nya na lang din sinabi sa aking asawa dahil nga sa pagbubuntis ni misis, isa pa
ay tama na raw iyon at baka lalo pang gumulo ang buhay ko. Laking pasasalamat ko sa kanya dahil kahit papano
ay pinaagtakpan nya pa rin ako, mabait pa rin saking ang tadhana.

Maayos na nairaos ni misis ang kanyang pagbubuntis at ang kanyang panganganak, laking tuwa ko dahil babae at
lalake naging anak namin ni misis. Duon ay mas lalo ko na syang minahal, hindi na rin ako nagloko hanggang
ngayon kahit pa napakaraming prospects sa kumpanya, sa isip ko na lang ay napaka swerte ko na sa asawa ko, tama
na ang minsang pagkakamali.

Sa ngayon ay maayos naman na ang buhay naming mag anak, apat na ang aming anak ni misis dahil nasundan pa ule iyon
ng isa pa makalipas ang dalawang taon, babae naman ang bunso namin. Maisalalarawan na kami na isang buo at
masayang pamilya, nakaka angat man sa buhay ay hindi naman maluho sa mga bagay.

Ngayon ay natuto na ako sa aking pagkakamali, dapat ay makuntento na sa kung anong meron at hanggang kaya ay
iwasan na ang lahat ng tukso,hanggag may paraan para maka iwas ay gawin para sa ikabubuti ng pamilya at ng
iyong sarili. Tama nga ang sinabi ng isa nating mambabasa, HUWAG IPAGPALIT ANG HABANGBUHAY NA KASIYAHAN SA
PANANDALIANG KALIGAYAHAN. Swerte na ang iba sa atin na may mga asawang madaling magpatawad kaya naman huwag
na nating silang hayaang maging manhid at magsawa sa ating mga kamalian, baka pag dumating ang panahon at sila
ay matauhan ay saka lamang natin mapapagtanto ang kanilang halaga.

Magpapasko na pala, malamang sa malamang ay dadalaw sa bahay ko ang aking inaanak/anak ko kay tere, sa tingin
nyo, ano kaya ang magandang regalo sa kanya?

END

Maraming maraming salamat po sa lahat ng sumubaybay sa aking kwento.

Humihingi din ako ng paumanhin sa lahat ng nagpadala sa akin ng mensaha, hindi ko kayo napagbigyan sa inyong mga
nais, sana po ay maintinihan nyo.

Sa mga nag abang din ng threesome dyan, pasensya po at wala talagang nangyaring ganon.

Next year ay panibagong mga kwento naman ang ilalahad ko sa inyo, sana po ay suportahan nyong muli ang aking
mga ibabahaging kwento, ang iba man duon ay hindi nangyari sa totoong buhay,sana ay mapaligaya ko pa rin kayo.

Advance Merry Christmas and Happy new year po sa lahat.