1. Home
  2. Stories
  3. Alon - Gone. Gone. Gone.
Lagablab

Alon - Gone. Gone. Gone.

By ereimondb ·

Pagdating ng hapon, nagpasya si Alon na maglakad-lakad sa may baybayin. Tila iwinawaksi ang kalungkutan at depresyong hanggang sa ngayon ay kanyang nadarama. Nakatingin sa kawalan. Nakatitig sa kalawakan ng dagat habang sinasamyo ang sariwang hangin na nanggagaling dito.

Para sa kanya, mas mabuti nang nililibang ang sarili, mamasyal, lumabas sa kanyang kuwarto upang makalimot. Hindi man ganoon kadali, ngunit alam niyang paparating na din siya sa rito.

Dalawang linggo na ang nakalipas, ngunit parang kahapon lamang ang mga pangyayari.

Habang nadarama niya ang lamig ng tubig sa kanyang mga paa, ay tila sinisikap nitong mahugasan na ng tuluyan ang hindi magandang nakaraan.

Makalipas ang ilang minuto ay naupo na ito sa mga pinung buhangin. Patuloy pa din itong nagmamasid at pinapanood ang mga taong lumalangoy sa dagat.

Kahit papaano'y naiibsan ang kanyang kalungkutan at pansamantalang nakakalimot.

"Ang senti mo naman..."

Isang pamilyar na boses ang bigla niyang nadinig at agad itong lumingon sa kanyang tabi.

"Mahilig ka din palang tumambay dito. Palagi ko din pinapanood ang paglubog ng araw."

Ngumiti lamang si Alo sa sinabi nito at agad ibinaling ang kanyang paningin sa magandang tanawin – habang lumulubog ang araw.

Umupo sa tabi niya ito at sinamahan ang kaninang nag-iisang si Alo.

Chapter 6: Gone, Gone, Gone.

Baler, Aurora - May 2013

Tumabi sa kanya ang magandang babae habang pinapanood ang paglubog ng araw. Tumingin naman sa kanya si Alo dahil hindi niya akalaing nasa tabi niya ang kanina lamang na nakasagutang dalaga.

"Siguro naman puwede ako umupo sa tabi mo?"

Ngiti pa rin ang sagot sa kanya ng binata.

"At siguro naman, okay lang sayo na kinakausap kita..." Dagdag pa ni Iris.

"Tinawagan ka na ba nila?" Tanong ni Alo sa magandang babae.

"Yes. Officially, magstart na ako sa Lunes."

"You did well. You are a great addition to the team. You deserve it."

"Oo nga pala, sorry kanina ha. Ganun talaga ako. I mean, hindi ako palaaway o reklamador, pero... ipinaglalaban ko lang yung alam kong dapat at tama."

Napangiti naman si Alo sa sinabi ni Iris.

"Natuto lang akong maging palaban. Marunong lang akong lumaban sa buhay." Dagdag pa nito.

"Wala namang masama maging palaban. But still, you should know how to control your emotions, and choose your battles. Hindi lahat kailangan mong sugurin, labanan. May mga bagay lang talaga sa mundo na sadyang hindi patas, at wala kang mahahanap na kasagutan doon... kasi...ganoon lang talaga yun."

Nakatingin sa kanya ang babae at parang natatawa sa mga nadidinig niya mula sa binata.

"What?" Tanong ni Alo.

"Napaka seryoso mo kasi eh. Marunong ka bang magrelax, tumawa? Hehehe"

Hindi sumagot ang binata, sa halip, ibinaling na lamang niya ang kanyang paningin sa dagat.

"Alam mo ba kung bakit gusto kong pinapanood ang paglubog ng araw?" Tanong ni Iris.

"Bakit?"

"Kasi, iyon ang nagpapatunay na kahit gaano kahaba ang buong araw mo, ay magwawakas at matatapos din ito. Na lahat ng bagay o problema, kahit gaano ito kahirap o kabigat, darating din ang tamang panahon na matatapos ito at masusulusyonan."

Kahit hindi man nakatingin sa kanya si Alo, nakikinig pa din ito sa mga binibitawang salita ng dalaga.

Maya-maya ay napansin ni Iris na nagpipigil ng tawa si Alon. Napakunot-noo ang dalaga sa kanyang nakita.

"Alam mo... bipolar ka talaga." Saad ni Iris.

"Hahaha... Natatawa lang kasi ako. Hindi ako sanay. Nahawa ka na tuloy sa pagsesenti ko."

"Sira ka talaga."

Napangiti na din ang magandang dalaga kay Alo.

"Hindi ba may kasalanan ka sa akin?"

"Humingi na nga ako ng sorry."

"Kung gusto mong mapatawad kita, sasamahan mo ako mag dinner mamaya."

"Huh? Bakit ako?"

"Bakit hindi?" Kindat ni Alo sa kausap na babae.

"Meet me at the restaurant, sa tabi ng coffe shop, mamaya." Dagdag pa ni Alo, sabay tayo at nagsimulang naglakad.

Hindi naman nakatanggi si Iris sa imbitasyon ng binata. Kaagad itong umuwi at nagbihis upang paghandaan ang dinner nila ni Alo.

Nagtataka naman si Iris kung bakit biglang inimbitahan siya ni Alo para samahang magdinner. Hindi niya inaakala na mismo ang boss niya ang kanyang makakasamang maghapunan.

---

Bandang alas-otso ng gabi ay nasa restaurant na si Alo. Habang inaantay si Iris ay tumungo ito sa bar ng restaurant at umorder ng maiinom na alak.

Bakas naman sa kanyang mukha ang kasiyahan dahil may makakasama at makakausap siya ngayong gabi. At nararamdaman niyang magiging maganda ang gabi niya dahil kay Iris.

Nakakatatlo na siyang order ng alak ay hindi pa rin dumarating si Iris. At nang lumingon siya ay namataan niya ang kanyang mga empleyado sa eskuwelahan na papasok sa restaurant.

Balak sana nitong magtago, ngunit nang patalikod na siya ay may nakita siyang isang seksing babae na nakaitim na damit. Nakataas ang kanyang buhok at nakalitaw ang liit ng mukha nito na talaga namang napakaganda at napaka-amo. Halatang naghanda para sa gabing ito.

Naka-nganga na lamang si Alo nang masilayan niya si Iris.

Iyon nga lang, may kasama siya tatlong empleyado mula sa kanyang surfing school.

Hindi man nagpahalata si Alo, ngunit sa loob-loob niya'y medyo naiinis at nagagalit siya dahil hindi niya masosolo si Iris.

Kitang-kita din sa mukha ni Iris ang pagkabalisa dahil nasalubong niya lamang ang tatlo nang siya ay papunta sa restaurant. Hindi rin niya masabi na inimbitahan siya ng kanilang boss para kumain ng hapunan. Iniisip din naman niya kung ano ang sasabihin nila kapag tumanggi siya at idinahilang kasama niya si Alo.

Tumayo na si Alo at binayaran ang kanyang ininom na alak at nagsimula na itong maglakad patungo sa pinto ng restaurant.

Nakatingin lamang si Iris sa kanya, at napansin naman agad ito ng kanyang kasamahan.

"Hindi ba si Sir Alo yun?" Tanong ng isang instructor.

"Oo nga ano? Tawagin niyo dali."

"Sir Alo! Sir Alo!" Saad ni Justin.

Tumingin naman si Alo sa kanilang grupo at ngumiti. Ngunit patuloy pa din itong naglakad.

"Enjoy your dinner." Maikling pahayag ng binata.

"Sir Alo, join us. Kain po tayo."

"Oo nga naman Sir Alo. Ngayon lang naman poi to."

Tahimik na nagmamasid lamang si Iris habang kinukumbinsi nila si Alo para sumama sa kanilang grupo para maghapunan.

"Sige na naman po sir Alo. Tignan niyo po si Iris, nag-ayos pa po talaga ngayong gabi." Biro ng kasama nilang instructor.

Nagtawanan naman sila dahil talagang halatang nag-ayos ang dalaga para sa dinner nila ni Alo.

Napayuko na lang si Iris dahil sa kahihiyan.

Tumingin naman si Alo kay Iris at sinipat nito ang magandang dalaga mula ulo hanggang paa.

"Sige na sir, continuation ng handa ni Justin."

"Naku patay tayo dyan." Sagot ni Justin sabay kamot sa kanyang ulo.

Napangiti naman si Alo at patuloy na sinusulyapan si Iris.

"Okay sige. I will stay for the night. I'll join you guys." Saad ni Alo.

Tuwang-tuwa naman ang lahat dahil napapayag nila si Alo.

Hindi nga lang nito natabihan ang magandang dalaga dahil sumingit sa kanya si Justin, na tila yatang trip na trip niya si Iris.

Ngumingiti lamang ang magandang dalaga sa tuwing kinakausap siya ni Justin kahit hindi pinapakinggan ang mga sinasabi nito.

Samantalang si Alo naman at patuloy sa pagsulyap sa magandang dalaga. Wala ang atensyon niya sa kanyang kausap, tanging sa magandang mukha lamang ni Iris nakatuon ang kanyang paningin.

Masaya nilang pinagsaluhan ang mga pagkaing inorder ni Justin para sa kanila. Dahil nagpapaimpress ito kay Iris kung kaya't napilitan siyang manlibre ng dinner sa isang mamahaling restaurant.

Habang kinakausap ni Justin si Iris ay nakatingin sa kanya ang binata.

Maya-maya ay may naramdaman si Iris na sumisipa sa kanyang paa. At ang tanging nasa harapan niya ay si Alo.

Kahit may kausap din si Alo ay panay pa din ang pagpapapansin nito sa magandang dalaga.

Gumanti si Iris at binigyan nito ng mahinang sipa si Alo. Napaubo naman si Alo sa pagkabigla at hindi nito inaasahan na gaganta ang magandang babae.

Pasimpleng tumawa si Iris sa kanyang ginawa. Akala naman ni Justin ay natuwa ito sa mga sinasabi niya. Kung kaya't hindi pa rin sila nahalata ng mga kasama.

Umayos naman sa kanyang pagkakaupo si Alo, dahan-dahang tinanggal nito ang kanyang isang sapatos at tanging medyas na lamang ang kanyang suot.

Maya-maya ay may naramdaman si Iris na parang may gumagapang na paa papaitaas sa kanyang tuhod.

Nanlaki ang mata ni Iris at parang kinilabutan ito sa tindi ng kiliti. Napalunok siya at parang nasasamid sa sensasyong naramdaman sa ginawa ni Alo.

Kunwaring natatawa naman si Alo sa sinabi ng kanyang katabi upang maibaling sa kanya ang atensyon at hindi kay Iris.

Napansin naman ni Justin ang biglang pamumutla ng magandang dalaga.

"Okay ka lang?"

"Yes. I'm okay." Sagot ni Iris sabay kuha ng baso at uminom ng iced tea.

Pasipol-sipol pa si Alo habang nakikinig sa kuwento ng kanyang kausap.

Kahit kapwa silang may kausap ay parang may sarili silang mundo. At tanging silang dalawa lang ang nagkakaintindihan.

Nakatingin si Iris sa kanya at nag-iisip siya ng ganti para sa binata.

Hindi nagtagal, ay umurong sa kanyang pagkakaupo si Iris. Nakatingin siya kay Justin habang nagkukuwento ito. Dahan-dahang tinanggal ang kanyang sapatos at pinagala ito sa paa ni Alo.

Nagpipigil naman si Alo nang maramdaman niyang gumaganti na si Iris sa kanya. Nagpapanggap siya na hindi siya apektado at patuloy na nakikipag-usap sa kanyang katabi.

"Putang!!"

Biglang napamura si Alo nang maramdaman nitong umabot sa kanyang bayag ang paa ni Iris.

Nagulat ang lahat at nagtinginan kay Alo.

Pinipigil naman ni Iris ang kanyang tawa sa nangyari kay Alo.

Biglang kumilos ang kanyang sandata at bahagyang tumigas.

"Are you okay sir?" Tanong ng isang instructor.

Agad namang isinuot ni Iris ang kanyang sapatos. Inayos nito ang kanyang pagkakaupo.

"Yes. I am okay, may langgam... may langgam kasi.." Sagot ni Alo sabay tingin sa kanyang paa at kinakapa kunwari ang kanyang binti.

"Excuse me. Punta lang akong CR." Saad ni Iris sabay tayo. Tumayo din si Justin upang magbigay daan sa magandang babae.

Nakatingin naman si Alo sa kanya ng masama. Hindi na ito nakaganti sa magandang babae.

Nang marating nito ang banyo ay tawang-tawa si Iris sa kanyang ginawa. Natatawa ito sa pagmumukha kanina ni Alo. Natutuwa din siya kasi hindi na nakaganti sa kanya ang binata.

Maya-maya ay sumunod sa kanya ang kasama nilang babaeng instructor at nadatnan siya nitong tumatawa. Natigilan siya sa pagtawa at agad pumasok sa isang cubicle para umihi.

Dahil nag-CR lahat ng kanyang kasama sa table ay nagpunta na lamang ulit ang binata sa bar. Umorder ulit ng isang basong malamig na alak.

"Ganda nung isang kasama niyong bebot sir Alo ah!" Saad sa kanya ng bartender.

"Maganda ba?" Tanong ni Alo.

"Oo sir. Balingkinitan ang katawan, kahit morena, maganda pa din."

Ngumit lamang si Alo sabay inom nito mula sa kanyang baso.

Lumapit naman sa kanyang tabi si Iris na galing sa CR. Umalis naman kaagad ang bartender.

"Pasensya na ha. Nakasalubong ko kasi sila kanina diyan sa labas. Saktong papasok ako. Hindi ko naman masabi... alam mo na... Sorry ha."

Napatingin naman siya sa magandang dalaga.

"Alam mo... may nagsabi sa akin dati na sawa na sila sa kasasabi ko ng sorry sa lahat ng bagay na maling nagawa ko. Parang hindi daw kasi ako natututo. Ganito pala ang pakiramdam na paulit-ulit na nakakadinig ng I'm sorry." Sagot ni Alo kay Iris.

"Hindi ko naman talaga sinasadya eh... Sorry na..." Paglalambing ni Iris kay Alo.

"May utang ka sa akin."

"Huh? Anong utang?"

"Una, itong dinner. Pangalawa yung ginawa mo sa junior ko."

Napakunot-noo naman si Iris sa mga sinabi ni Alo.

"Sino ba nagsimula? Hindi ba ikaw?"

"Kinukuha ko lang atensyon mo kasi sinisilipan ka ng mokong nay un. Halos lumabas kasi yan." Saad ni Alo kay Iris sabay nguso sa dibdib nito.

"Pero bakit mo ginawa yung sumunod? Paakyat na yang paa mo."

"Kasi tinadyakan mo ako. Masakit kaya yun."

Habang sila ay nag-uusap ay dumating na ang kanilang mga kasamahan galing sa banyo.

"Sir Alo, sama po ulit kayo sa amin." Alok ng kanina pang nangungulit na babaeng instructor.

"Saan kayo pupunta?" Tanong ni Alo.

"Diyan po sa may videokehan. Inuman tayo." Sagot ni Justin.

"Sige na naman po, sulitin na po natin ito. Once in a blue moon lang naman kung makasama ka naming sir Alo."

Ayaw na sanang pumayag ni Alo ngunit naisip naman niyang tama sila, na minsan lang mangyaring may makasama siyang uminom sa isla.

"Okay sige. Since it is still early, sama na ako sa inyo."

Natuwa ang lahat nang muling sumama si Alo sa kanyang mga empleyado. Nagkuhaan pa sila ng litrato sa kanilang mga cellphone dahil minsanan lang ito kung mangyari.

Paglabas ng restaurant ay nagsindi si Alo ng yosi. Pumunta naman sa kanyang tabi si Iris. Tila nakabuntot lang ito sa binata at ayaw na niyang lumapit sa kanya si Justin.

Maya-maya ay tinanggal nito ang suot na jacket at ibinigay kay Iris. Dahil sa medyo maikli nitong suot ay malamang nilalamig na ito.

Nagtinginan naman ang lahat sa ginawa ni Alo.

"Isuot mo muna yan. Malamang nilalamig ka na sa suot mo." Saad ni Alo.

Napayuko naman ang lahat nang madinig ito mula sa kanilang bossing.

Hindi naman tumanggi si Iris at mabilis na sinuot ito dahil sa lakas ng hangin na nagmumula sa dagat.

Nilakad lamang nila patungo sa isang videoke bar na katabi lamang ng hotel and resort nila Alo.

Simple lamang ang lugar at hindi magarbo tulad ng mga bar and restaurants na pagmamay-ari ng kanyang ama.

Umupo sa may dulo ng sofa si Iris at agad namang nakapuwesto si Alo sa tabi ng magandang dalaga. Hindi na nakaporma si Justin upang tabihan si Iris.

"Inumin niyo na ang gusto ninyong inumin. Umorder na kayo ng gusto niyong pulutan. Ako naman ang bahala." Saad ni Alo.

Natuwa nanaman silang lahat at agad umorder ng tatlong bucket ng red horse beer at kung anu-anong pulutan. Umorder din sila ng ladies drink para sa mga hindi mahilig sa alak na kasamahan.

Masayang nagkakantahan ang lahat at nag-aagawan pa sa mikropono. Nag-inuman naman sila Justin at Alo at mabilis na naubos ang tatlong bucket ng beer.

Kahit sukang-suka na si Justin ay umorder pa si Alo ng tatlong bucket ng red horse para sa next round. Halata na ang kalasingan ni Justin dahil sa kanyang pagsasalita at pamumula.

Nagtatawanan silang lahat sa inaasal ni Justin dahil nagkukunwari pa itong maghuhubad habang kumakanta ang mga kasamahan.

"Ang lakas niyo pala uminom sir Alo. Idol ko talaga kayo. Hik!"

"Sanay ako pare. Sanay ako sa mga inumang ganito. Konti pa nga yan eh." Pagmamayabang ni Alo.

"Kaya ko din ito bossing. Dahil Idol kita, sasamahan kitang ubusin ang next round. Kung gusto mo dagdagan mo pa eh. Hehehe hik!" Saad ng lasing nang si Justin.

"Sige pare hangga't gusto mo."

Natatawa na lamang si Alo sa kayabangan ni Justin.

Medyo lasing na din naman ang binata. Umiikot na din ang kanyang paningin. Gustong-gusto niya ang ganitong pakiramdam. Iyong tipong parang umiikot ng mabilis ang kanyang mundo. Madalas na din kasi siyang umuuwi ng lasing. Dahil natatakot siyang makaalala sa tuwing mag-isa na siya sa kanyang kuwarto.

Maya-maya ay may naramdaman siyang kumapit sa kanyang braso. Nilingon niya ito at tumingin kay Iris.

"Tama na iyan. Hinay-hinay lang bossing." Saad ni Iris.

Nginitian niya ang magandang dalaga. Napansin din niyang nakatanggal na pala ang jacket na ipinasuot nito sa kanya at nakapatong na lamang sa kanyang legs. Nakita niya sa malapitan ang ganda at kinis ng dibdib ni Iris.

Napansin naman agad ni Iris na nakatingin sa kanya ang binata at parang hinuhubaran na siya nito.

Nagulat naman silang dalawa nang biglang tumayo si Justin at tumakbo patungo sa banyo. Nagmadali ang dalawa pa nilang kasama upang tulungan si Justin dahil sumusuka na ito.

Alalang alala naman si Iris dahil sa pagsusuka ni Justin, ngunit pinigilan siya ni Alo. Pinaupo niya ito.

"Hayaan mo na yang mokong na yan. Parusa ko na sa kanya yan sa ginawa niya sayo."

Nagtinginan sila Alo at Iris. Pakiramdam nila ay silang dalawa na lamang ang nasa kwarto at biglang naglapat ang kanilang mga labi.

Marahas na hinalikan ni Alo si Iris sa labi at lumalaban naman ang magandang babae. Alam niya kailangang mabilisan lamang ito kung kaya't sinusunggaban niya ang pagkakataon.

Nagulat na lamang si Iris nang maramdaman ang isang kamay ni Alo ay nasa kanyang dibdib at nilalamas na ito. Minamasa ni Alo ang suso ni Iris dahil kanina pa itong libog na libog sa dalaga.

Hindi nakuntento si Alo at agad kinapa ang bandang ibaba ni Iris.

Nakahanap ito ng paran upang maipasok ang kanyang kamay sa loob ng suot ni Iris.

Nakapa nito ang panty ng dalaga at naramdaman ang kaumbukan nito.

Pansamantalang tumigil sila sa paghahalikan at napakapit naman si Iris kay Alo ng maramdaman nitong kinakalabit ni Alo ang puking medyo nakalabas sa gilid ng kanyang panty.

Naglulumikot na ang daliri ni Alo sa gilid ng kanyang panty habang nilalaro ang kayang maabot ng binata.

Maya-maya ay biglang bumukas ang pintuan at pumasok na ang mga kasama.

At dahil natatakpan ng jacket ni Alo ang bandang ibaba ni Iris ay hindi nila nahalata kung nasaan ang isang kamay ni Alo. Natatakpan din sila ng lamesa na nakalagay sa may gitna ng silid.

"Okay ka lang pre?" Tanong ni Alo habang kinakalikot ang puke ni Iris.

"Oo idol bossing. Kaya ko pa ito idol...kaya ko pa."

"Good! Ubusin natin ito."

Habang ang dalawang babae na kanilang kasama ay tinatapos ang mga kanta, ay patuloy pa din sa pag-inom ng beer ang dalawa.

Si Iris...

Na parang namumutla sa sobrang kiliting nararamdaman.

Tuluyan na kasing nakapasok ang daliri ni Alo sa gilid ng kanyang panty.

Wala itong kaimik-imik. Tila nagcoconcentrate.

Nakakapit siya sa bisig ni Alo.

Patuloy sa pagmasahe si Alo sa puke ni Iris.

Kinakalkal ang tila masikip na butas ng magandang dalaga.

Basang basa na ito at kumakatas na kahit hindi pa lubusang nagpapalabas ang babae.

Nakakaganti na si Alo sa ginawa sa kanya ni Iris kanina sa restaurant. At wala itong balak itigil hanggang hindi nilalabasan si Iris.

Habang patuloy sa pagkanta ang mga kasamahan, pati si Justin ay tumayo ulit at nakikanta sa mga kasamahang instructor.

Sinamantala naman ni Alo ito upang bilisan ang pagfinger kay Iris.

Maya-maya ay napakahigpit na ng kapit ni Iris sa braso ni Alo.

Impit na parang naiihi ang magandang dalaga.

Sumulyap sa kanya si Alo at kitang kita pa rin nito ang ganda ng pagmumukha ng babae.

"uuggghhhhh" Isang mahinang ungol ang lumabas sa bibig ni Iris nang biglang sumirit sa puke nito ang katas. Kahit nilabasan na ang babae at patuloy pa din si Alo sa pagkalkal dito.

Tamang-tama ay natapos na din ang kanta at hinugot na ni Alo ang kanyang basang-basang daliri. Basa ng katas ni Iris.

Pasimpleng pinunas ni Alo ang katas na ito sa kutson ng sofa.

Tumayo naman si Iris at nagpaalam na pupunta ng banyo.

Itinali niya sa kanyang baywang ang jacket na ipinahiram ni Alo.

Nakatingin lamang sa kanya ang binata at nagpatuloy sa kanilang inuman.

Kahit sukang-suka na si Justin ay pinipilit pa din siya ni Alo na ubusin lahat ng inorder na beer.

Muling pumili ang dalawang kasamahang babae ng kanta.

"Number 4...5...5..3...1."

"Alone? Ang taas naman niyan!!!"

"Kaya mo yan! Hahaha"

Mukhang mahaba-haba pa ang oras ng grupo. At tila madami pang plano si Alo para sa kanila ni Iris.

Pagtugtog ng kanta, bumukas ang pinto at pumasok si Iris.

TIla isang Anghel na pumasok galing sa langit.

Bumalik ito sa tabi ni Alo.

Tumingin lamang ang binata ng sandali sa kanya at may naramdamang kamay na nilalakbay ang kanyang binti, papataas.

End of Chapter 6.

Itutuloy...