1. Home
  2. Stories
  3. Ang Aking CS - Chapter 1
Lagablab

Ang Aking CS - Chapter 1

By jerund ·

Chapter 1

Habang ako ay naglalakad sa gate ng aming eskwelahan.. Panay ang titig ng aking mga ka schoolmates ko, hindi ko alam kung napagatanto na ba nilang gwapo ako oh ano man. Pagkarating ko sa main ng campus ay nagulat ako ng bigla na lang akong pinagtawanan ng mga grupo ng babae at lalake.. Isa na dito ay ang kursunada kong babae.. Si Madel, siya ang pinapangarap kong babe simula pa noong 1st year high school pa lang kami.. Sa tuwing nakikita ko siya, naaalala ko noong una ko siyang nakilala..

Flashback

"Brad ang ganda nung babaeng yun oh, yun oh yung nasa sulok." sabi sakin ni JC, ang bespren ko.

"Alam mo brad yung mga ganyan hindi na pinapansin yang mga yan sus, wala rin namang mangyayari eh" angal ko.

End of FB

"Mga tol tignan niyo yang kawawang yan oh, umagang umaga bukas kagad yung zipper" sabay tawanan ng mga ka tropa niya. Hindi na sana masaklap kaso pati ang prinsesa kong mahal ay nakitawa rin.. Masaket.. yung lang ang masasabi ko. Ininda ko na ang mga panunukso ng grupo nila at nagtungo na ako sa aming classroom, nakita ko so JC at tumabi.

"umagang-umaga badterp ka kagad brad ah" bati sakin ni JC

"Oo nga brad eh, kasama na naman si life of my world brad. Hayaan mo na tsk." sagot ko.

Hindi ko maikakailang may masamang ugale ang crush ko pero ganun nga yata ang pag ibig, kahit ano pa siya kung siya ang nilalaman ng puso mo eh checkmate ka na..

Lumipas ang mga oras at uwian na namin. Pagkarating ko sa aming bahay ay usual thingy na ako hehehe.. Pag pasok sa kwarto ay may kinuha ako.. Sabay pasok sa C.R... Wala pang 30 segundo ay lumabas na ang ebak ko. Habagng umiire ako ay iyun din ang pag sabay ng pag kaskas ko sa gitara ko..

"Minamasdan kita.. Ng di mo alam.. Pinapangarap kong ikaw ay akin.. Mapupulang labi at matingkad mong ngit.. Umaabot hanggang sa langit."

Nagising ako sa huni ng mga ibon at napadilat ako dahil sa tagal ng aking tulog. May narinig akong kaluskos at biglang bumukas ang aking pinto.

"Anak wag ka ng magtaka kung anong nangyari sayo." sabi ng matandang magandang babae.

"Nakatulog ka habang nanonood tayo ng tv kagabi pagkatapos nating mag hapunan." dagdag ng nanay niya.

"Ahh ganun po ba, pasensiya na po" sagot ko.

"Halika na at mag-almusal na tayo Reanne" sabi ng kanyang nanay.

Habang bumababa kami sa aming hagdan ay isa na namang ordinaryo itong araw na ito na maituturing ko.. Kay daming mga tao na naman tumatagos sa aming katawan ni mama. Ang pagkaka alam ko ay silang mga tao ang may pagmamay ari ng aming bahay na bahay rin namin. Hihi medyo magulo ba?

Pagkarating namin ni mama sa lamesa ay kumain na kami.

"Inay nasaan po si papa?" tanong ko.

"Nagtuturo siya ngayong sa training grounds para sa mga baguhan" sagot ng nanay habang ngumunguya. Makalipas ang ilang sandali ay natapos na ako kumain na sabay naligo at nagbihis. Akala niyo tao lang ang nagbibihis? Pati rin kaming mga... Nanatili akong tahimik at tila may nilalabas na enerhiya sa aking katawa. Pagkalabas nito ay may bilog na portal ang lumabas at pumasok ako. Itong portal na ito ay ang ginagamit naming mga... para makapunta sa destinasyon na gusto namin. Lumipas ang ilang segundo at nasilaw ako sa sinah ng araw, kay daming mga bulaklak ang natanaw ko at kaydami rin namang mga... ang palakad lakad. Naglakad ako at nagtanong kung nasaan ang tatay ko

"Magandang umaga po, maaari po bang matanong kung nasaan ang ama ko?" tanong ko sabay ngiti ng mahinhin.

"Ay! Naku magandang umaga rin po prinsesa Reanne. Baka po nasa training grounds si Haring Leo" sagot nito sabay yumuko. Nagpasalamat ako sa babae at naglakad patungong grounds. Hindi nga ako nagkamali at nandoon ang papa. Nasa gilid lang ako nanonood at ayokong magpakita sa kanya.. Dati ko pa itong gawain upang makakuha ako ng mga technique sa mga laban. Siyempre bilang babae ay kailangan ko rin madepensahan ang aking sarili.. Lumipas na ang hapon at nagpakita na ako sa ama ko.

"Bata batuta palagi ka na lang bang magtatago?" tanong nito habang nakatalikod sa akin at may inaayos.

"Pa naman kayo talaga" sabay yakap ko sa ama ko.. Kahit papaano naman siguro ay naibsan ang pagod niya sa ginawa ko. Iyan ang papa ko, siya ang hari ng aming angkan... Ng mga multo.. Noon daw walang away at walang gulo sa mundo. Pero ng nagkaroon daw ng isang grupo ng mga multo noon na inggit na inggit sa angkan namin ay doon na nagsimula ang gulo. Dati rati ay walang mga tao ang nakaka alam sa aming lahi, pero nang dahil sa mga tumiwalag na grupo ay doon na sila nanggulo ng pamukuhay ng ibang tao.. Yung iba nananakot, nagpapalit sila ng anyo upang makapanakot at magbigay saya sa kanila. Pag namatay ang isang tao, magiging multo muna ito.. Mamimili siya sa landas na tatahakin niya kung kakampi ba siya o kaaway.. Nakakatawa ba? Hehehe. Pano pag namatay ang multo.. Magiging multo ba ulit ito? Siguro medyo nagtataka kayo noh? Pag namatay ang multo ay doon pa lang siya mahahatulan kung sa langit ba siya oh sa impyerno. Nang makarating na kami ni papa sa aming bahay, may naamoy akong masangsang na amoy.. Hinanap ko ito kung saan nanggagaling.. Naisip kong sa pinto ito ng mga mas matindi pa sa impyerno.. Hindi na sana ako tutuloy pero may narinig akong umiire. Hindi ako pamilyar kung isa sa kapamilya ko iyon pero natatawa ako ng mahinhin.. Ng may narinig akong parang tunog na masarap sa tenga at biglang may umawit.

"Minamasdan kita.. Ng hindi mo alam.. Pinapangarap kong ikaw ay akin.. Mapupulang labi.. At matingkad mong ngit.. Umaabot hanggang sa lagit.. Huwag ka lang titingin dahil baka matunaw ang puso kong sabik.... Sa iyong ngiti, ako'y nahuhumaling.. At sa tuwing ikaw ay gagalaw ang mundo ko'y tumitigil para lang sayo.. Ang awit ng aking puso.. Sana ay mapansin mo rin lihim kong, pagtingin." boses na nanggagaling sa pinto ng mas masahol pa sa impyerno.. Ang sarap pakinggan sa tenga ang boses na iyon.. Ang lamig sa aking pandinig..Alam kong bawal manilip pero ni nais ko pa rin malaman kaya lumusot ako sa ding ding. Alam kong bilang babae at laong lalo na bilang isang prinsesa sa aming angkan ay maling mali ito.. Pero kahit na ganoon ay sinubukan ko pa rin.. Tiniis ko ang masamang amoy at ako ay natawa sa aking nakita. Ang pawisan na lalaki na parang nalugmok dahil nalugi sa negosyo. Hindi siya guwapo, pangit nga siya kung tutuusin pero napamangha pa rin niya ako sa galing ng pag awit at pag-kaskas ng sa kung ano mang bagay na iyon. Natawa pa rin ako kaya di ko maiwasan ang maihampas ang kamay ko sa lababo. Alam kong sa tuwing may expression kaming nadarama ay maaari pa rin kaking makahawak ng kung ano mang bagay kaya natauhan ako. Nagulat ang lalaki, natulala at napabigkas ng

"Multo ka man oh ano, wag kang maiinlab sa kapogian ko huh, walang bosohan please lang wala pa akong salawal" bigkas ng lalaki. Lumabas na ako sa pinto ng mas masahol pa sa impyerno at dumiretso na sa aking kwarto. Pagkahiga ko ay napagtanto kong anak ata siya ng may ari nitong bahay at madalas ko siyang nakikita noon pero hindi ko ito agaw pansin. Hindi ako makatulog dahil natatawa pa rin ako sa sinabi nung lalaki kanina.