1. Home
  2. Stories
  3. Ang Hiwaga Sa Daigdig Ng Mga Engkanto (Chapter 3)
Filipino Sex Stories

Ang Hiwaga Sa Daigdig Ng Mga Engkanto (Chapter 3)

By BladeMaster_Elven ·
Author's Note: This story is entirely fictional. Any events and names in this series that resemble real-life are purely coincidental. This series is brought to you by kapeng barako, sa Tindi ng pait Ikaw ay ngibit and is free to read the story. Sharing of this story is allowed only with permission and credits to the author. thanks and have a nice reading.

Ang timawa ng gubat
By: BladeMaster_Elven
CHAPTER 3

Maraming beses na muntikan nang bumigay ako kay aling eden, sa mga ginagawa nitong pang-aakit para magtalik kaming dalawa. Hindi ko lubos maunawaan kong bakit napapaglabanan ko ang bawat panunuksong ginagawa niya sa akin, na kahit halos lumuwa na ang kanyang kaluluwa sa aking harapan ay hindi kaagad ako bumibigay sa gusto niyang mangyari. Hindi ako nagpapatinag sa mga pang-aakit niya sa akin. Kahit pa halos sasabog na ang aking short sa sobrang katigasan ng aking pagkalalaki.

Nagpapasalamat Ef sa kanyang sariling isipan at katawan dahil sa pagkakaroon niya ng malakas nitong control sa tawag ng kamunduhan. Hindi niya gusto ang may mangyari sa kanila ng ginang dahil may-asawa na itong tao, ngunit sa kaniyang palagay. Hindi 'yun ang pagkakakoon ng asawa ang kaniyang iniisip. iba ang kanyang pakiramdam niya para sa kanyang landlady. Parang may isang malaking lihim ang bou nitong pagkatao. Parang itong hindi normal na tao. Parang merong bumabalot hiwaga sa pagkatao nito. Kung ano man ang nakatagong lihim sa pagkatao ng ginang, gusto niyang tuklasin kung makakauwi muna siya sa kaniyang probinsya. Sa pamamagitan ng kanyang tiyo amado. Maaari nitong itanong kung sino ay mali, kung anong bumabalot sa pagkatao mayroon ang landlady niya.

*********

Sa panig naman ni aling eden, tila isang malaking insulto ang maraming beses na nitong ginagawang pag-iwas ng binata sa mga pag-aakit at pambubuyo nito sa ginagawa niya. Na ayaw nitong may mangyari sa kanilang dalawa. Hindi maintindihan ni aleng eden, halos lahat ng kalalakihan sa kanilang lugar ay tila baliw na baliw sa kanyang katawan at gusto na agad ng mga itong magtalik sila, ngunit ang binatang boarder niya naman nagtitiis lamang sa ginagawang pagsasariling sikap. Iniisip din ni aleng eden na baka isang bakla ang binata at nagtitiis na lamang ito sa ginagawang pagsasariling sikap. Na baka ang mga lalaking nakakaniig niya ang kursunada nito at hindi siyang pagjakulan.

Sa bawat pagtatangka niya sa binata. Makailang beses na niyang pinapasok ang bahay ng kaniyang boarder kapag alam nitong naroon Lamang ito. Ngunit sa tuwina'y, para siyang mangingibig na umuuwing luhuan at lag-lag ang balikat dahil hindi nito nakuha ang gusto sa iniibig. Sa bawat paglapit sa binata parang may pumipigil din sa kanya. Parang mayroong malakas na pwersa sa kanilang paligid na hindi nakikita. Parang may isang malaking harang ang naghihiwalay sa kanilang dalawa. At minsan merong sumusulpot na puting nilalang na nakatingin sa kanya. Parang white lady na binabantayan ang binata sa anumang gagawin nitong pagtatangka. Tila isang protector ng binata ang nasabing nilalang upang makaiwas sa ginagawa niya. At kapag hinahawakan niya ang binata sa kamay. Pakiramdam niya ang napakalakas na kuryenteng dumadaloy dito na papasok sa kanyang katawan kaya kaagad siyang humihiwalay.

MISSION FAILED: malungkot nitong isinatinig sa hangin ang mga katagang 'yun upang tangayin patungo sa kaniyang mga kasamahan. Patungo sa kanilang pinuno.

********

Isinantabi na muna ni Efraim ang bagay na gumugulo sa kanyang isipan. Maayos siyang nakapagpaalam na uuwi muna ng probinsya sa kanyang landlady. Kahit pa ilang ulit nitong pinagtangkaang akitin siya. Malugod at may kababaang-loob siyang nagsasalita sa ginang na hindi nito kayang gawin ang gusto nitong mangyari. Kung nagagawa nito sa iba, hindi niya kayang sikmurain ang ginagawa nito na pagtaksilan ang mabait na asawa. Ayaw niyang balikan siya ng karma.

Muli siyang nagbalik sa kanyang higaan at humiga. Nakatutok sa kisame ang mga mata niya na tila ba may pinapanood roon.

Natawa pa siya nang masulyapan ang dalawang butiki na nagsi-sex. Kahit papaano ay naaliw siya.

Para rin palang tao ang mga butiki. Magkapatong at may pumping din. Iyon nga lang walang ungol at halinghing, hindi kagaya ng tao na iyon ang ekspresyon ng saya sa pakikipagtalik.

Bigla tuloy pumasok sa isip niya si Myra, ang naging nobya niya sa loob ng halos dalawang taon.

Tinangka na rin nilang mag-sex kahit na nga hindi pa sila ganap na mag-asawa. Kapwa sila natukso sa isa't isa. Hindi niya malimutan ang bawat ungol at halinghing ng kanyang kapartner. Nangyari iyon dalawang linggo bago sila nagkahiwalay. Kinabahan pa nga siya dahil inisip niyang baka magbunga ang kapusukan nila. Pero nalaman din niya na nagkaroon ng menstruation si Myra. Mismong nang araw pa na magkagalit sila hanggang mauwi nga sa hiwalayan.

Napabuntung-hininga si Efraim. Nanghihinayang sila sa relasyon nilang dalawa. Ito na sana ang babaing pakakasalan niya. Dangan nga lamang at nitong huli'y napapadalas ang pag-aaway nila.

Kung anu-ano ang ibinibintang sa kanya ni Myra. Na kesyo raw may iba siyang babae sa mga lugar na pinupuntahan nila.

Iyon pala, natuklasan niya na ito pala ang may ibang lalaki. Kumbaga, humahanap lamang ng dahilan para makipagkalas sa kanya.

Likas kasing mabait si Efraim. Magalang, maabilidad at totoong responsable. Botong-boto nga sa kanya ang mga magulang ng dalaga. Kahit daw kasi ulila na siyang lubos ay nagawa niyang mamuhay ng maayos dala ng sariling pagsisikap.

"Myra..."

Sinariwa ni Ef ang maiinit na sandaling pinagsaluhan nila ng dalaga. Napangiti si Ef habang sinasariwa ang mga ungol at halinghing ni myra sa kanilang kantutan.

Patuloy ang aking pagbayo sa kanya hiyas habang nagpapalag at pilit na kumakawala sa pagkakadugtong na iyon ng mga ari. "aaayyaw... koooo!" ayaw ni myrna ngunit may kahalo ng daing habang patuloy kung binomba ng husto ang kanyang puke... "aaaayyyaa...." nalang kanyang nasabi dahil na rin sa basang basa na rin ang kanyang puke dahil na rin sa pagdila ko kanina...

Humina na ang kanyang depensa dahil na rin sa hawak ko ang kamay niya habang taas baba ang aking katawan sa kanyang puke.... "ooooohhhhh" daing niya....

"Bakit ang tigas tigas ng burat mo.... oooohhhhh" sabi niya habang panay ang bomba ko sa puke nya nanatili akong tahimik... cge ang kadyot.... sa kanya basang basang lagusan naramdaman ko na lang na umaayuda na siya pataas habang nakatitig sa akin isa lang ang ibig sabihin nito malapit na itong labasan... nagbabanggan na sa ere ang aming mga ari dahil sa pagsalubong niya ng liyad "oooohhhh Darling ang sarap! ang sarap!" daing niya "ayan na! ayan na!" kaninang salitang "ayaw" ay napalitan ng ayan na... "oooohhhhh Sige pa Darling" ayaaaaan naaaaaa" patuloy niyang pagliyad "aaaaayaaaaaannnn naaaaaa.... ayaaaan na bilisan mo! puta ka bilisan mo!" ganito siya kapag malapit ng labasan nagmumura na sa sarap "ooooohhhhh" daing niya sabay ng panginginig ng kanya katawan ramdam na ramdam ko pa ang pagbulwak ng kanyang pangalawang pagsabog na bumalot sa aking burat. Ngunit hindi pa tayo tapos sabi ko sa sarili ko. cge pa rin ang pagbayo ko sa kanyang puke... labas masok... hugot baon.... basang basa na aming dugtungan dahil sa kanyang katas...

"Ayan na naman Darling! ayan na naman" napipinto na namang pangatlong pagsabog ng kanyang katas dahil umaatras pa siya lalo para maisagad maiigi ang pagkakabaon ng aking malaking burat sa kanyang puke "Darling ayan na! puta ka ayan na naman siya!!!"

"Cge pa bilisan mo pa ayaaaaannnnnnn naaaaaaaa.... puta ka bilisin mo" nakaramdam narin ako na prang sasambulat na ang aking katas... binilisan ko lalo ang pagkanyog sa kanyang likuran.... "ayan na rin ako Myra...." sabi ko sa kanya "sabay tayo Darling ayaan na naman ako aaahhhhhhhhhhh ang sarappppppp" at sabay nanginig ang aming mga katawan tanda ng pagsambulat ng aming mga katas sa loob ng kanyang sinapupunan... "ang sarap Ef.... salamat sa pagkantot mo sa akin" nagpasalamat ngunit alam ko naman na may kumantot sa kanyang ng thank you din kahapon ng umaga... nanatiling matigas pa rin ang aking burat na nakalusong sa kanyang puke...

Muli siyang naidlip matapos balikan ang naganap sa kanila ng dating kasintahan. Pero hindi pa halos nagtatagal ang pagtulog niya ay naging balais na naman siya.

Natatakot siyang imulat ang kanyang mga mata at makita ang nilikhang nakatitig at nakatayo sa gilid ng kama niya.

Ramdam lang niya. Malamig. May tao sa harap niya.

Paano kung tangka siyang patayin nito? Mamamatay siya ng walang kalaban-laban? O nang hindi man lang nalaman kung sino ang pumatay sa kanya?

Dahil kung himalang mabuhay siya, sino ang paghahabulan niya?

SABADO ng hapon ay nasa Roxas, Oriental Mindoro na si Efraim. Nadatnan niya ang Tiyo Amado niya na may ginagamot na batang pasyente. Albularyo ang kanyang amain.

Tinanguan lang siya nito pagpasok niya sa sala ng bahay. Alam na ni Efraim ang ibig sabihin ng tangong iyon. Mamaya na sila mag-uusap pagkatapos nitong manggamot.

Kabisado niya ang ugali ng nag-iisa at panganay na kapatid ng kanyang ama. Kapag ganoong may pasyente ito ay ayaw nitong paistorbo. Anito, higit na maselan kaysa kondisyon sa mga ospital ang nagaganap kapag may ginagamot ang albularyo.

Buhay at kamatayan ang pinag-uusapan! Hindi basta sakit ang kalaban.

Mapanganib kung mapakikialaman at magagambala ang panggagamot.

Makapangyarihan daw ang mga lamang-lupa! Lalo na kung itim na engkanto. At, depende sa lahing matataas ang antas sa kanilang ginagalawang mundo. Hindi sila natatakot sa sikat ang araw o anumang kapangyarihang ginagamit ng albularyo. Kalimitan pa nga ay walang awa nilang tinatapos ang makukursunadahan. Tanging mga albularyo na may kombinasyon na kapagyarihan ng puting engkanto lamang ang may kakayahang makatalo sa mga ito.

Nag-iisa na lamang albularyo sa kanilang lugar ang Tiyo Amado ni Efraim at may-edad na rin ito. Apo Adoy kung tawagin ng karamihan. Malaki ang paniniwala ng mga taga- roon na nakapagpapagaling nga ito ng mga sinasapian ng engkanto, maligno at kung anu-anong uri pa ng lamang-lupa. Nagagawa rin daw nitong makihalubilo sa mga nilalang na hindi nakikita ng normal na tao.

"Bigla ka yatang napasugod ng uwi, Efraim?" tanong ni Tiyo Amado habang tinatapalan ng dahon na kung tawagin sa kanila ay mam-in ang batang ginagamot nito. Madalas nababanggit sa kanya ni Tiyo Amado na mahusay magpagaling ng karamdaman ang halamang iyon na berdeng-berde at amoy eukaliptus.

"Magbabakasyon ho muna ako dito, T'yong," sabi niyang nagkakandahaba ang leeg sa kasisilip kung paano ginagawa ng matanda ang panggagamot. "Ano hong nangyari sa kanya?"

"Napaglaruan na naman itong si Ronie," sabi ng albularyo nang mapansin ang kuryusidad niya sa ginagawa nito.

Napakunot ang noo ni Efraim.

"Mga duwende sa likod ng bahay nila."

Naging kimi ang mga sunod na kilos ni Efraim. Kung tutuusin ay hindi na bago sa kanya ang nakikita niya Bata pa ay katu-katulong na siya Apo Adoy sa mga ganitong klase ng panggagamot.

"Ngayon lang ulit ito nagising," wika ni Apo Adoy. "Mag-iisang linggo na itong natutulog. Kung hindi pa ito nadala sa akin, baka bukas o sa makalawa ay bangkay na itong si Ronie. Sayang naman, ka-guwapong bata, e sa mga engkanto lang mapupunta!" Biro pa nito. Natawa rin ang kanina ay umiiyak na ina nito.

"Salamat ho, Apo Adoy," malapad ang ngiting sabi ng babae. Dumukot ito ng pera sa bulsa at wari'y hiyang-hiya pang iniabot iyon sa albularyo. "Pagpasensyahan n'yo na – "

"Huwag na, Aling Bella." Inaasahan na ni Efraim ang pagtangging iyon Apo Adoy. Ni minsan ay hindi niya ito nakitang humingi ng bayad sa mga ginagamot nito. Boluntaryong pagtulong at hindi serbisyong may bayad ang habol ng kanyang t'yuhin. Ugaling katulad na katulad ng kanyang amang si Eufrecino o Efren sa kanilang lugar.

Dati ay may maliit silang klinika sa pinaka-bayan ng Roxas. Ngunit nang magkasunod na mamatay ang kanyang mga magulang ay napabayaan na rin. Tumor sa utak ang ikinamatay ng ina niyang si Aling Marietta. Pero mas kakatwa ang naging pagkawala ng kanyang ama. Engkanto raw ang may kagagawan sabi ng kanyang Tiyo Amado. At hanggang sa kasalukuyan, hindi pa nakikita ang bangkay ni Mang Eufrecino.

Hindi nagawang pagalingin ng kapatid nito ang ama niya. At ang masakit pa, ninakaw ng mga engkanto ang bangkay ni Mang Eufrecino. Huling araw ng burol nito nang makita nilang tuyong kahoy na lamang ang nasa kabaong nito at wala na ang bangkay.

Noon nagsimulang mabahala ang mga tao sa Sta. Fe. Subalit nangako si Apo Adoy na gagawa ito ng paraan para mabawi ang bangkay ng kanyang ama.

Ito'y upang patunayan na rin sa iba pang mga hindi naniniwala na totoo ang daigdig ng mga lamang-lupa!

Noong nabubuhay pa ang mga magulang ni Efraim, tuwang-tuwa sa kabutihang-loob ng mga ito ang mga taga- Sta. Fe. Kapag kasi hindi na kayang pagalingin ni Apo Adoy ang mga dinadala ritong pasyente ay sa klinika naman ng Itay niya nagsisitungo ang mga tao. Ganoon din ang ginagawa ng Itay niya lalo na sa mga kumplikadong sakit na hindi na kayang pagalingin ng mga gamot sa klinika. At bawat isang pasyente ay kinakalinga at ginagamot ng walang bayad.

Ang katwiran kasi ng magkapatid, anumang kariwasaang tinatamasa nila sa buhay ay regalong bigay ng Maykapal na kailangang ibahagi.

"Tatlong araw ninyong pausukan ng kamangyan at insenso ang likod ng bahay ninyo, Aling Bella." Narinig niyang sabi ng kanyang Tiyo Amado na siyang pumutol sa kanyang pagbubulay-bulay. "Mag-alay din kayo ng kahit na kaunting prutas sa ilalim ng puno ng sinegwelas dahil doon nakatira ang mga duwendeng natuwa sa anak ninyo."

Nang makaalis ang panauhin ay saka nag-usisa si Efraim.

"Tiyo, "sabi niya habang tinutulungan itong magligpit ng mga gamit tulad ng palanggana at timbang may tubig na binudburan pa ng tawas. "Galit ho ba ang mga duwende? Sabi ninyo ay mag-iisang linggo ring halos hindi nagigising iyong bata, hindi ba?"

Natawa si Tiyo Amado. "Talagang hindi ka parin nakakalimot, Efraim." Umakbay ito sa kanya. "Sinalbahe ng bata ang bahay ng mga duwende," sabi nito. "Hindi ko lang sinabi sa ina nito. Pero alam ko namang magtatanda at siguradong didisiplinahin nitong mabuti ang kanyang anak. Mabuti na nga lamang at naagapan dahil matindi ang galit ng mga kaibigan." Alam niya ang tinutukoy nitong 'kaibigan.'

"Nakausap ninyo sila? Ilan?"

Napatitig sa kanya ang albularyo. Iyong titig na may kahulugan. "Walong duwende."

"P-pasensya na kayo, Tiyo," nagkakamot sa ulong sabi ni Efraim. "Nagiging matanong na naman ako."

Ngumiti ito sa kanya. "Bakit nga pala bigla kang napasugod ng uwi dito? Dahil ba sa Itay mo? Kung sa bagay, may iba pa nga bang dahilan?"

Napalunok siya ng laway. "Gusto ko lang ho sanang makalanghap ng sariwang hangin. At gusto ko rin sanang tiyakin kung...." Tila may kumurot sa kanyang puso. "Wala pa rin ho bang balita tungkol sa pagkawala ni Itay? Mag-aapat na taon na rin ho mula nang maglaho ang bangkay niya."

Malungkot na umiling ang albularyo. "Kahit mga engkanto ay walang makapagsabi kung nasaan ang Itay mo. Ngunit may kutob silang buhay pa si Efren."

Napabaling siya ng tingin sa kausap pagkarinig sa sinabi nito.

"Talaga Tiyo?" Kinakabahang tanong niya. "Pero nasaan siya?"

"HINDI ko alam, wika ng kanyang tiyuhin. "May isang lugar na hindi pa nasisiyasat ng mga engkanto. Iyong kuta ng mga maligno. Ang mga Timawa ng gubat, Alam mo bang walang gabing hindi kami nakakarinig ng alulong ng mga aso dito, halos mag-apat na taon na rin."

Alulong ng aso? Sa loob ng apat na taon?

"Ano hong ibig sabihin noon? At anong mga Timawa ng gubat?"

"Mga maligno. Mabibilis sila at tulad ng hangin kung umatake. Sa isang iglap ay kayang-kaya nilang kumitil ng buhay. Ang Timawa ang mga tagapag-bantay sa engkantadong gubat."

"Engkantadong gubat?" Bigla siyang nalito. "Teka muna, Tiyo. Isa-isa lang. Kanina ay alulong ng aso sa loob ng apat na taon ang pinag-uusapan natin. Tapos napunta sa Timawa ng gubat. Tapos iba na naman at tungkol pa sa engkantadong gubat!"

Umupo si Tiyo Amado sa tabi ni Efraim. "Oo, bayan ng lahat ng uri ng mga engkanto. Alam mo bang laging may patayang nagaganap dito sa atin? Unti-unting nauubos ang mga tao sa Sta. Fe..."

"Sino naman ho ang pumapatay sa mga taga-rito?"

"Sino at ano." Muli itong tumindig at humarap sa bintana. "Ang hinala ng mga taga-barangay ay mga rebeldeng NPA ang pumapaslang dahil nagalit raw ang mga ito sa operasyon ng mga militar dito sa atin. Pero iba ang kutob ko." Huminto ito sa pagsasalita at tumingin sa kanya.

"May iba kayong iniisip, Tiyo Amado?" Nawala na sa usapan nila ang tungkol sa Itay niya. Saka na lang niya uli uungkatin.

Matagal bago tumugon ang matandang lalaki.

Marahan itong tumango. "Ang mga maligno ang may kagagawan ng lahat ng ito, Efraim! Ang mga malulupit na Timawa ng gubat! Sapagkat may nakatunton na sa lagusan!" Napapikit ito kasabay ang pagkuyom ng mga palad. "Maging ikaw ay gusto na nilang tapusin, sa pamamagitan ng babae. Mabuti na lamang at hindi ka bumigay sa gusto nilang mangyari. Ang babaeng 'yun Ef, isa siyang nimpang bundok, mula sa lahi ng mga Oreads, tagapagbantay lamang sila ng kalikasan ngunit, ang hindi ko maunawaan ay bakit sila kumikilos na sa kanilang ginagalawan. Bakit nila ginagamit ang kanilang kapangyarihan sa'yo. Mabuti na lang. Kung nagkataon, hindi kana makakabalik dito sa akin."

Gulantang si Efraim. Hindi niya lubos maisip na alam ng tiyo adoy ang mga nangyayari sa kanya. Ang babaeng gustong makipagtalik sa kanya

"T'yo! Papano ninyo nalaman ang mga nangyayari s'akin" nagtataka nitong tanong sa amain.

"Lahat ng bagay Ef, ay nalalaman ko. meron akong mga kaibigang engkanto, sila ang nagsasabi sa akin at nagbabantay sa'yo sa anumang oras ng panganib baka nakakalimutan mo. Iisa lamang ang nasa isipan ko. ito ay tungkol sa lagusan." Anito, matamang nagiisip habang nakatingin sa malayo na parang may tinatanaw.

Mas lalong nagulantang si Efraim. Hindi niya akalaing may kaugnayan ang pakay niya sa bagay na sinasabi ng tiyo niya ngayon.

Ang Lagusan...

Naglalaro sa balintataw niya bagay na nakita sa computer, doon sa apartment niya. At ngayon niya natitiyak na malapit ito sa katotohanan!

Posible rin kayang iyon ang makapagtuturo sa kanya kung nasaan ang bangkay ng Itay niya? Ang lagusan patungo sa daigdig ng mga engkanto?

"A-ano hong lagusan, tiyo?" Nagpanggap siyang walang alam. Hindi pa niya balak na ipaalam kaagad na bukod sa bakasyon ay may iba pa siyang pakay sa kanyang pag-uwi.

Hindi naman siya sinagot ni Tiyo Amado. Sa halip ay sinadya nitong ibaling sa ibang bagay ang kanilang usapan.

"Kumain ka na ba, Efraim?" Tanong nito.

"Kumain ho ako sa barko. Busog na busog pa ho ako," sabi niyang hinihimas-himas pa ang tapat ng tiyan.

"Kape?"

Awtomatiko siyang napangiti. "Tiyo naman?"

"Oo nga pala," sabi nitong agad ay tinungo ang kusina. Paglabas ay bitbit na nito ang isang puswelo ng mainit na kape at biscuit. "Kape! Kape! Iyan ang kahinaan ninyo ni Efren. Kahit ilang tasa ng kape ay kayang laklakin sa buong maghapon!"

Napakamot siya sa batok.

"At wala pa ring katulad ang timpla ninyo, Tiyo Amado!" Aniyang hinipan ang kape at paunti-unting hinigop iyon. "Daig pa ang kapeng barako ng Batangas sa sarap!"

"Aba't nambola pa ang d'yaskeng ito!"

Sabay silang nagkatawanan.

Mayamaya ay nagpaalam na rin si Apo Adoy sa kanya. "O siya, papaano? Ako'y magpapahinga na muna at maghapon akong nanggagamot. Kung sakali man at magutom ka, mayroong adobong manok sa kusina na maari mong ulamin."

"Sige, tiyo," sabi ni Efraim. "Ako na ang bahala rito." Pagkaubos ng iniinom na kape ay niligpit na rin niya ang tasa at hinugasan sa kusina.

Maliit din lamang pero kongkreto ang bahay na tinitirhan ng kanyang Tiyo Amado. May tatlong baitang na hagdanan patungo sa munting balkonahe. Pagpasok ng pinto ay sala na kaagad at sa gawing kaliwa ay naroon ang kusina at komedor. Dalawa ang kuwarto sa bahay. Isa para sa tiyo niya at iyong isa naman ay sadyang ipinaginawa ng matanda para sa kanya. Medyo maliit lamang ang kanyang silid paano'y pinaka-extension lang ng bahay. Modernong albularyo, lagi niyang biro.

"Siya nga pala, Efraim," anang matandang lalaki na sumilip sa siwang ng pinto ng silid nito. "Maaga kang magsara ng bahay. Iyong pinto d'yan sa may balkonahe ay huwag mong kalimutang ikandado. Matulog ka na rin at huwag kang maniniwala sa lahat ng nakikita o naririnig mo." Iyon lang at muli na itong pumasok sa silid kasunod ang pag-lock ng pinto niyon.

Napatanga si Efraim. Hindi halos niya matandaan ang mga bilin ng kanyang Tiyo Amado. Pero naroon ang mahigpit na paalala.

Isang babala.

Ano raw? Huwag siyang maniniwala sa lahat ng nakikita niya o naririnig?

Bakit nasabi iyon ng kanyang Tiyo Amado? Ano pa ba ang maaari niyang makita sa kanilang lugar maliban sa malawak na kaparangang nakapalibot sa kanila at ang mangilan-ngilang mga bahay na ilang metro ang layo sa isa't isa? At bukod sa huni ng kuliglig at mga panggabing ibon, mayroon pa bang maari siyang marinig na ingay?

Nagkibit na lamang siya ng balikat.

Sa ganoong probinsya, madaling mapapansin ang pagdilim ng paligid. Ikaanim pa lamang ng hapon ay nakaluklok na ang araw sa kanluran. Malamig ang simoy ng hangin at payapang-payapa ang buong paligid.

Lalo na sa kanilang lugar sa Sta. Fe na medyo malayo sa pinakabayan ng Roxas, Oriental Mindoro. "This is life!" Aniyang napainat pa. "So peaceful, so quiet, so beautiful! Para tuloy ayaw ko nang bumalik ng Maynila."

Matapos makapagmasid at humanga sa napakagandang tanawing nasa harap niya ay pumasok na rin si Efraim sa sarili niyang silid. Pagkaayos ng mga dalang gamit ay nagpalit na siya ng damit. Boxer's shorts na asul at sandong puti ang suot niya paglabas muli ng silid.

Pinakiramdaman niya ang kanyang Tiyo Amado. Maingat na humakbang siya palapit sa pinto ng kuwarto nito at pagkuwa'y idinikit ang isa niyang tainga roon.

Naghihilik pa. Ibig sabihin ay tulog na tulog.

May kumislap na ideya sa isip ni Efraim. Sabik din naman siyang makakilala ng dalagang taga-probinsya na bukod sa mahihinhin ay ubod pa ng lambing.

Naalala ng binata, mayroon nga palang motorsiklo na kahit luma na ay maayos pa ring umadar ang Tiyo Amado niya. Ang motorsiklong iyon ay madalas niyang hiramin at ginagamit sa pamamasyal sa bayan. Kung hindi siya pinapayagan, itinatakas naman niya!

At iyon din ang gagawin niya ngayon para makapunta sa bayan. Tutal ay maaga pa naman at hindi pa siya inaantok. Mag-iikapito pa lang ng gabi.

Nagsuot lang ng pantalong maong si Efraim. Ilang sandali pa ay iginigiya na niya ang motor sa gitna ng pilapil na dinadaanan niya. Doon na niya iyon patatakbuhin sa kalsada na buhat sa bahay ng Tiyo Amado niya ay sampung metro ang layo.

Nang makarating sa aspaltadong daan ay ini-start na nga ni Efraim ang motorsiklo. Sa malas ay nakakailang padyak na siya ay hindi pa rin ito umaandar.

"Lintek na motorsiklong ito!" Nagngingitngit na wika ng binata. Iniikot na lamang niya ang manibela ng sasakyan at muling inakay pabalik sa bahay na tinutuluyan.

Nasa may kalagitnaan na siya ng tinatawid na pilapil nang biglang lumakas ang hangin. Muntik na siyang mawalan ng panimbang at tumilapon sa pilapil. Mabuti na lamang at hindi iyon gaanong makitid at madulas. Kung nagkataon ay sabay silang nahulog ng motorsiklo sa maputik na taniman ng palay. Disin sana'y nakasalanta pa siya ng mga pananim!

Madilim at tanging liwanag ng babago pa lamang bumibilog na buwan ang tanglaw sa buong paligid. Hirap siyang makakita ng mga bagay sa gitna ng dilim.

Pero saan nanggaling ang malakas na hanging umihip kani-kanina lang? Ni senyales ng kung ano o sino na maaring dumaan sa himpapawid ay wala siyang napansin.

Nakarating din siya sa wakas sa bahay ng kanyang Tiyo Amado. Ngunit hanggang doon ay iniisip pa rin niya ang nagyari kanina.

"Awwwwooooo!"

Ang alulong ng asong sinasabi ni Apo Adoy!

Isasara na sana ni Efraim ang pinto sa unahan ng bahay nang makarinig siya ng nakapaninindig-balahibong ungol. Tila galing sa ilalim ng hukay ang tinig. Subalit hindi niya matiyak kung babae o lalaki ang may-ari niyon. Alanganing matinis, alanganin ding malagong ang boses.

Baka bakla? Sa gitna ng nararamdamang kilabot sa katawan ay nakuha pang isipin ni Efraim ang birong iyon at sa wari'y nais pang matawa sa sarili.

"Awwwwoooo!" Alulong ng aso. Na sinundan ng mahabang ungol na wari'y nasa harap lamang niya ngunit hindi niya makita.

"Uunghhhh..." anang tinig. Lumalakas na parang lumalapit sa kinatatayuan niya.

Nagpalinga-linga si Efraim. Wala namang ibang tao maliban sa kanya. At imposible rin namang ang Tiyo Amado niya ang umuungol. Kahit hilik nito ay kabisado niya palibhasa matagal din silang nagkasama nito.

Kung gayon ay sino?

"Unnghhhh...!" Hayun na naman ang tinig.

Pumasok sa isip niya ang sinabi ng kanyang Tiyo Amado kanina.

Huwag kang maniniwala sa lahat ng nakikita o naririnig mo!

Bukod doon ay naiisip rin ni Efraim ang white lady na nakita niya sa kanyang apartment sa Sampaloc. Hanggang dito ba naman ay sinusundan siya nito?

Iniwaksi niya sa isip ang naririnig at inisip na guni-guni lamang iyon. Isinara na ni Efraim ang pinto at pumasok sa kanyang silid para matulog. Baka pagod lamang siya, aniya sa sarili.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

HIMBING na himbing na sa pagtulog ang binata ngunit hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa umaalis ang may-ari ng nagniningas na mga matang nakatunghay sa bahay ng mag-tiyo.

Matalas ang pang-amoy niya.

Bawat kilos at galaw ni Efraim ay kabisado niya. Detalyado. Mula pa kanina nang dumating ito sa bahay na iyon.

Mismong ang tunay na pakay ng lalaki ay batid ng nilikhang kanina pa nagmamatyag. Kahit sa lugar na kinatatayuan niya ay dinig pati tibok ng puso ni Efraim. Bawat pintig ng pulso ng binata. Bawat galaw ng tiyan nito tuwing humihinga.

Alam ng nilikhang iyon lahat ng bagay tungkol sa kanya. Gumawa siya ng paraan, ginamit niya ang nimpang bundok dahil alam niya na kahinaan ng mga mortal, ang babae ngunit nabigo ang mga ito. Kaya sinabi na lamang niya sa mga ito na huwag na pakialamanan. Alam din nito na isang araw ay siguradong magbabalik si Efraim. At matagal na niyong hinihintay ang muli nilang pagkikita!

Muli... sapagkat minsan ay nagkaharap na sila ng binata. Muntik na siyang magapi ni Efraim noon! Subalit sa pagkakataong ito, titiyakin nitong mapapasakamay na ang tagumpay!

Tagumpay...! Kapalit ng buhay ni Efraim!

ITUTULOY