Ang Hiwaga Sa Daigdig Ng Mga Engkanto (Chapter 4)

Filipino Sex Stories
15 minutes
Message from author: Maraming salamat sa mga sumusuporta at nagbabasa ng aking kwento ang i mention to this people: diomjon, boytulog, packz, waking555, diegomadara, jhenyl1987, kuatog, coobs. salamat sa mga comment niyo kaya nakagawa agad ako ng chapter 4. sa mga viewers salamat din sa inyo. walang sex scenes ang chapter na ito kaya hindi ko ineexpect na may magbabasa.

Author's Note: This story is entirely fictional. Any events and names in this series that resemble real-life are purely coincidental. This series is brought to you by kapeng barako, sa Tindi ng pait Ikaw ay ngibit and is free to read the story. Sharing of this story is allowed only with permission and credits to the author. thanks and have a nice reading.


Ang engkantong si Juvai!
By:BladeMaster_Elven

CHAPTER 4

MATAAS na ang sikat ng araw nang magising si Efraim kinabukasan. Sunod-sunod na tilaok ng manok ang gumising sa kanya. Pagkahilamos ay diretso siya sa balkonahe kung saan nakaupo sa tungga-tungga nito ang kanyang Tiyo Amado.

"Magkape ka muna, Ef," wika nito nang mahiwatigan ang paglapit niya.

"Magandang umaga ho, T'yong!" masigla niyang bati. "Napasarap ang tulog ko kagabi! Ngayon lang uli ako nakaranas ng ganitong klaseng pakiramdam. Presko, payapa at tahimik na tahimik. Parang walang puwang ang nakakasakit ng ulong mga problema."

"Ha! Ha! Ha!" Tuwang-tuwa sa kanya si Tiyo Amado. "Iba talaga dito sa probinsya, hijo. Kahit na gaano kariwasa ang maging buhay sa Maynila o kahit na saan pang lungsod ay hindi ko ipagpapalit ang simpleng buhay dito sa atin."

"Maitanong ko nga pala, hindi pa ho ba kayo magreretiro sa pagiging albularyo ninyo, Tiyo Amado? Aba'y medyo nagkakaedad na rin tayo, a!" tanong niya.

"Kung titigil ako, sinong papalit? Mas kailangan ako ng mga kababayan natin lalo na ngayon at laganap ang kamandag ng dilim dito sa ating lugar."

"Tiyo, may paraan pa ba para masugpo ang mga sumasalakay na maligno?" tanong niya.

"Mayroon. Pero mahirap," sabi nitong napabuntung-hininga. "Magsusugal ng buhay ang sinumang magtangkang kalabanin ang mga kampon ng mga itim na engkanto!"

"Itim na engkanto?"

Napatingin ito sa malayo. "Ang mga Timawa ng gubat! Doon sa engkantadong gubat sa paanan ng Bundok Matungao. Napakahiwaga ng lugar na iyon!"

Ang bundok ng Matungao... Minsan ay napuntahan na niya ang paanan ng bundok na iyon. At kaya pala ganoon na lamang ang hirap niyang makabalik sa kanilang tahanan nung tangkain niyang pumasok doon. Nakipaglaban siya sa hindi nakikitang nilalang subalit ramdam niya ang hagupit ng kapangyarihan nito.

Kakatwa man, ngunit benditadong gulok na bigay ni Apo Adoy ang pinanggapi niya sa hindi nakikitang kalaban.

.

Mayroon pa siyang putik na ipinahid sa hubo't hubad niyang katawan. Wala siyang saplot habang nakikipagtunggali sa nilikhang nakatira sa ilalim ng lupa.

"Si Juvai...! Ang engkantong si Juvai! anak siya ni haring johar, ayon sa mga kwento kong narinig. isang nagngangalang enrico ang nakapuksa sa ama ni juvai. tinangay nito ang kasintahan ng binata at sinabing sundan dito sa teretoryo niya. sinundan ng binata hanggang sa mapuksa nga ito. hanggang duon lamang kwento ko."

"Natatandaan mo pa siya, Efraim?" tanong ng matandang lalaki sa naulinigang tinig ng pamangkin. "High school ka pa lang noon, hindi ba?"

"Opo, Tiyo." Binalikan niyang muli sa alaala kung paano siya napunta sa engkantadong lugar na iyon. "Nung minsang pinagalitan ako ng Itay dahil hindi ko ginawa ang pinag-uutos niya, doon ako nagpunta. Lakad ako ng lakad. Ang pinakapalatandaan ko ay iyong puno ng balete. Sabi ko kapag nakita ko iyon, malalaman ko kung saan ang daan pabalik. Gawing Hilaga ang daan pabalik dito sa atin, hindi ba?"

"Pero malapit nang gumabi ay hindi mo pa rin nakikita ang punong hinahanap mo," ani Apo Adoy na naalala rin ang pangyayaring iyon noong nasa fourth year high school pa lamang si Efraim.

"Opo. Kaya natakot na ako. Paano si Inay, lagi akong kinukwentuhan ng tungkol sa mga lamang-lupa. Kaya 'yun agad ang pumasok sa isip ko."

"Na totoo naman dahil nakita mo?"

"Si Juvai. Isang engkatong itim," aniyang napapikit. "Ang pangit-pangit niya. Iyong mukha ay parang sa paniki tapos ang lapad-lapad ng tainga na parang elepante. Makinis nga ang balat pero parang laging may likidong lumalabas at ang lagkit-lagkit ng itim nitong katawan!"

"Mahabang kuwento ang kasaysayan ng naghihiganting engkanto na iyan. At si Juvai ang pinakamatinding kalaban ng iba pang lahi ng mga lamang-lupa. Na karamihan sa kanila, dahil sa takot na mapahamak sa kuko nito ay kumampi na lamang at naging tagapangwasak ng buhay!"

Matamang napatitig si Efraim sa kawalan.

"Aalis ako, Efraim. May kakausapin akong tao sa bayan," sabi ni Tiyo Amado. Nagbilin pa ito na kung sakali at may dumating para magpagamot ay sabihing hintayin ito at babalik din kaagad.

Wala pang isang oras buhat nang umalis ang kanyang amain ay may dumating na ring panauhin.

Isang babae.

At sa hitsura ay mukha pang dalaga. Iyon nga lamang lumabas kaagad ang likas na pagiging mahiyain nito at tila takot na takot humarap sa tao.

Tipikal na probinsyana! naisip ni Efraim. Hindi ko na pala kailangan pang pumunta sa bayan dahil kusang dumarating sa akin ang grasya!

"Yes, Miss...?" Pomorma siya. "Anong maipaglilingkod ko sa dilag na mas maganda pa kaysa umaga?"

"Nariyan ba si Amado?" anang nakatungo pa ring babae sa harap niya.

Amado lang ang tawag sa tiyuhin niya? Iba sa kinamulatan niyang ugali ng mga taga-roon na basta lumagpas ang edad ay may nakakabit na kaagad na Tiyo o Mang o Kakang sa pangalan ng higit na nakakatanda.

"May kailangan ba kayo sa kanya, miss?" bahagyang tumungo si Efraim para silipin ang mukha nito. Iniiwas naman ng babae ang mukha nito. "Huwag kang matakot. Hindi ako masamang tao. Pamangkin ako ng taong hinahanap mo. Ako nga pala si Efraim," sabi niyang inilahad pa ang kamay.

Nang mapansing hindi nagbabago ang reaksyon ng kaharap ay binawi na niya ang kamay. Pero talagang nainsulto siya!

"Pakisabi na lang na kay Amado na babalik ako at importante na makausap ko siya," anang babae sabay talikod.

Hinabol ni Efraim ang babae. "A, Miss...", wika niya nang mahawakan ang balikat nito.

Ngunit gimbal siya nang makita ang hitsura nito pagharap sa kanya! Namumuti ang mga mata at tila galit na galit sa kanya.

Nanlalaki ang matang napaurong si Efraim.

"Huwag kang pangahas, lalaki! Hindi mo nalalaman ang ginagawa mo!" Pagkawika niyo'y bigla itong nawala sa paningin niya. At ilang minuto na itong nakakaalis ay hindi pa rin siya iniiwan ng takot at pagkabigla.

KUNG hindi pa dumating si Tiyo Amado niya ay hindi mahihimasmasan si Efraim.

"Efraim! Anong nangyari sa'yo at para kang natuka ng ahas?" Tanong ng tiyuhin niya paglapit sa kanya.

Ipinilig niya ang ulo. "Nariyan na pala kayo, Tiyo?" sabi niyang inilibot ang paningin sa buong paligid. "Wala ho ba kayong nakitang tao?"

"Sino?"

Napamaang si Efraim. Kung gayon ay siya lang ang nakakita sa babaing puti ang mata at hanggang tuhod ang mahaba at makintab niyong buhok!

"Wala ho..." Siya na rin ang kusang bumawi sa sinabi niya. "Baka namalik-mata lamang ako." Pero imposible, e! Nakita talaga niya ang babae.

Ang white lady!

Tinapik siya ng matandang lalaki sa balikat paglampas nito sa kanya. "Totoo ang nakita mo at hindi ka namamalik-mata lamang, Efraim," sabi nito nang nasa may hagdan na.

Sinundan niya sa loob ng bahay si Tiyo Amado.

"Anong ibig ninyong sabihin?"

"Si Mazoorka," sagot ni Tiyo Amado. Hinubad nito ang suot na sombrero na yari sa hinabing rattan at ipinatong iyon sa mesita. "Siya ang babaing nakita mo kanina."

"Alam n'yo ho? Nakita n'yo rin siya?"

Umiling ito. "Hindi ko siya nakita. Pero inaasahan ko na ang pagdalaw niya."

"Hindi ho siya tao, ano?" Pag-uusisa niya. "Natakot ako sa kanya. Ang pangit ng hitsura niya! Puting-puti ang mga mata at..."

Muling umiling si Tiyo Amado. "Ang tunay na kagandahan ng isang nilikha ay hindi mo makikita sa panlabas nitong anyo. Maaring mapanlinlang pa nga ang pisikal na katangiang nakikita mo! At gaya ng sinasabi ko sa iyo, Efraim." Huminto ito upang bigyang- diin ang nais nitong ipaalala. "Huwag kang basta maniniwala sa mga nakikita mo at naririnig. Puso at hindi isip ang gamitin mo para makaunawa. Maraming bagay sa mundong ito ang hindi kapani-paniwala. Mga bagay na pilit nating isinisiksik sa ating mga isip. Ngunit puso pa rin ang maaaring makapagsabi kung alin ang totoo at kung alin ang tama. Halika na sa loob," yaya nito. Magkasunod silang bumalik sa loob ng bahay. "Maupo ka."

Hinila ni Efraim ang isang silyang kahoy at naupo roon gaya ng hiling ni Tiyo Amado.

"Magsabi ka sa akin ng totoo, Efraim.," sabi nito sa napakalamyang boses. "Ano talaga ang dahilan at umuwi ka dito sa probinsya?"

"Tiyo...?"

Parang daga na nasukol ng pusa ang pakiramdam ni Efraim. Hindi pa pala nawawala ang pagdududa nito sa kanya. At gaya ng dati ay tahasan pa rin ito kung magtanong at mag-usisa.

"Tiyo Amado..." ulit niya.

Walang magawa si Efraim kundi ang tumango. "Opo."

Tumalikod sa kanya ang matanda at tinungo nito ang pinto. Doon lang ito nakatayo paharap sa malawak na pilapil. Wala itong kaimik-imik.

"Patawarin n'yo ako, Tiyo Amado," halos pabulong niyang sabi.

Humarap ito sa kanya. "Paano mong nalaman ang tungkol sa lagusan, Efraim?" Matigas ang tinig ngunit alam naman niyang hindi galit si Apo Adoy. Gayunman ay nangangamba siya sa seryosng pagkakatitig nito sa kanya. Mata sa mata kung tumingin at hindi halos kumukurap.

Isinalaysay ni Efraim ang tungkol sa website na aksidenteng nabuksan niya sa computer. Pati ang mga laman niyon. Gayundin ang isang milyong pabuya kung makikita ang tunay na lagusan patungo sa daigdig ng mga lamang-lupa.

"Hindi ho mahalaga sa akin ang perang pabuya, Tiyo. Maniwala kayo sa akin,"

pagsusumamo niya. "Noong una, oo! Pero hindi ko na hinahangad ngayon ang pera."

"Kung gayon ay ano ang mahalaga sa iyo?"

"Ang malaman at makita kung nasaan ang lagusan! At hanapin sa daigdig ng mga engkanto ang nawawala kong ama!"

"Pagkatapos?"

"Pagkatapos ay..." Wala siyang maisip na idadahilan. Nasaan na ang mga katwirang humikayat sa kanya noon na ipagpatuloy ang binabalak niya? Blangko ang isip niya at hindi makahanap ng isasagot.

"Maghiganti sa mga nilikhang hindi mo alam kung paano mo lalabanan? Alam mo bang buhay mo ang katumbas ng iniisip mong gawin?"

"May kutob akong –"

"Kutob?" May himig pang-uuyam ang tanong na iyon ng matandang lalaki. "Ipapahamak ka ng kutob mong iyan, Efraim!"

"Ang gusto ko lamang naman hong malaman ay kung sakali at matagpuan ko lagusan... Baka matagpuan ko na rin si Itay."

Kung tutuusin ay hindi na niya kailanganpang humingi ng permiso sa kapatid ng kanyang ama. Ngunit dahil malaki ang respeto niya kay sa amain na siyang nag-alaga at kumalinga sa kanya simula nang maulila siya, kailangan niyang hingin ang basbas nito.

Isa pa, alam niyang ito lamang ang maaring tumulong sa kanya sa gagawin niya!

"Galit na galit si Juvai, Efraim. Siya ang may kagagawan ng mga patayang nagaganap dito sa atin. At alam niyang magbabalik ka...!"

Kinakabahang napabaling ang tingin niya sa kausap. "Ho?"

Tumabi ito kay Efraim. "Oo, buhay ang engkantong itim na inakala nating nagapi mo," malungkot na sabi ni Tiyo Amado. "At iyon ang pakay ni Mazoorka sa pagpunta niya rito. Hindi mga militar o mga rebelde ang may kagagawan ng malagim na sinasapit ng mga taong napapatay dito sa Sta. Fe. Si Juvai at ang mga Timawa ng gubat. Sa loob ng apat na taon ay hindi niya pinatahimik ang lugar na ito!"

Napalunok ng laway si Efraim. "Sino naman ho si Mazoorka?"

"Isa rin siyang engkantada," sabi nito. "Siya lamang ang may lakas ng loob na makipag-usap sa katulad nating tao. Sa akin!"

"Madalas ho ninyo siyang nakikita? Nakakausap ninyo ang mga engkanto?" Naguguluhang tanong niya.

"Paroo't parito sa bahay ko ang mga engkanto, Efraim! Sapagkat hindi lamang ikaw, anak. Marami na ang sumubok na hanapin ang lagusan. Ngunit lahat sila ay nasawi!"

Lalong lumakas ang kaba sa dibdib ng binata. Para na rin nitong sinabi na hindi malayong iyon din ang mangyari sa kanya kung ipagpapatuloy niya ang kanyang binabalak. Subalit desidido na siya. Wala nang makapagbabago ng desisyon niyang iyon.

"Ano ho ang pakay ni Mazoorka sa pagpunta niya rito kanina?"

"Tungkol sa iyo," tipid nitong sagot.

Napamaang siya. "Ano hong tungkol sa akin ang ibig ninyong sabihin?"

"Hindi ka pa man dumarating, alam ko na rin na uuwi ka. Ipinaalam sa akin ni Mazoorka. Siya ang nagpapakita sa iyo sa apartment na tinitirhan mo sa Maynila."

Ang bilis, a! "Alam n'yo rin pala, T'yong?" Amado niya sa mga bisita.

"Mag-iingat ka, Efraim," babala nito sa kanya. "At huwag na huwag kang magpapagabi sa daan. Napakadelikado ng panahon ngayon."

MAG-AAPAT na oras nang paikot-ikot lamang si Efraim sa pinasok na kakahuyan. At alam din niya na mataas na ang sikat ng araw at malapit nang magtanghaling-tapat ngunit madilim pa rin sa pinasukan niyang gubat. Matataas ang mga puno doon at malalabay pa ang sanga. Suwerte nang may lumagos na isang hibla ng sikat ng araw sa pagitan ng mga punong mas matanda pa kaysa mga unang tao na nanirahan sa Sta. Fe.

Ang lugar na kinaroroonan niya sa mga oras na iyon ay ang pinakabungad pa lamang ng engkantadong gubat, ang tahanan ng mga engkanto.

Naaliw siya sa mga iba't ibang uri ng hayop na nakikita niya habang naglalakad sa masukal na gubat. Kanina ay nakasalubong pa niya ang isang malaking tamaraw na doon lamang sa kanilang probinsya matatagpuan.

Marami ring mga ibon na iba't iba ang laki, kulay at huni. Ngayon lamang siya tunay na humanga sa kagandahang angkin ng kalikasan! Parang sadyang inilatag ang mga ligaw na bulaklak na kaytitingkad ng kulay. Paroo't parito at tila sumsayaw-sayaw pa ang mga paru-paro at iba pang makukulay na insekto at kulisap.

Kaya naman hindi namamalayan ni Efraim na malayo na pala ang nararating niya. Tanda ang matatalas na talahib at masukal na daan na nasa pinakapusod na siya ng kagubatan.

"Shit! Nasaan na nga ba ang daan pabalik? Para yatang naliligaw na naman ako, a!" Hinahanap niya ang palatandaan. Ang puno ng balete. Sigurado siyang higit nang malaki ang punong iyon kaysa noong una na napadpad siya sa lugar na iyon.

"Unnngggh..." ungol iyon na narinig ni Efraim malapit sa kinatatayuan niyang ilalim ng punong narra. Napahinto siya at mabilis na napalingon. Nag-isip kung ano ang gagawin. Lalapitan ba niya ang dako kung saan niya narinig ang tinig? O aalis na lamang siya dahil baka iyon ay isang panganib?

May gumalaw sa likod ng matataas na talahib. Animo gumagapang palapit sa kinaroroonan niya. Napasandal siya sa katawan ng puno at walang kakurap-kurap na tiningnan ang paggalaw ng mga damo.

Naalerto siya. Kahit papaano ay naghanda siya sa nakaambang panganib.

Tumigil sa paggalaw ang mga damo.

"Unnngghhh...! Saklolo..."

Tao? Boses babae!

Dali-dali niyang hinawi ang mga damo at hinanap ang taong humihingi ng saklolo.

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Efraim pagkakita sa nakahandusay at duguang babae sa likod ng matataas na damo. Maraming sugat at hiwa ang mga binti ng babae.

"Miss? Miss?" Tinapik-tapik niya ang pisngi nito para magising. Subalit tuluyan na itong nawalan ng malay sa bisig niya. Kinapa niya ang pulso nito. May pintig. Ibig sabihin ay buhay pa! "Miss, gising!"

Biglang nawala ang pagod ni Efraim. Dali-dali niya itong binuhat at hinanap ang daan pabalik. Eksakto namang iilang hakbang na pala mula roon ang puno ng balete na palatandaan niya.

Dakong hilaga, tinalunton niya ang daan pabalik sa bahay ng kanyang tiyuhin.

"Tiyo Amado! Tiyo Amado!" sigaw niya nang malapit na siya sa bahay nito. "Tiyo Amado, tulungan ninyo ako rito!"

"Efraim?" Nasa mata nito ang magkahalong pagkamangha at pagtatanong lalo na nang makita nitong may kasamang babae ang pamangkin. "Saan ka ba galing? Kanina pa kita hinahanap, a!"

Inilapag niya ang babae sa higaan sa loob ng kanyang silid. "Namasyal ho ako sa gubat kanina nang umalis ako dito."

"Nagtungo ka sa engkantadong gubat?"

"Mamaya ko na ho sa inyo ipapaliwanag," sabi niyang hindi malaman kung ano ang gagawin sa babaing walang malay. "Tulungan n'yo ho muna akong asikasuhin ang taong ito."

"E, sino naman iyan?"

"Ewan ko ho," sabi niyang lumabas ng silid. Pagbalik ay dala na niya ang isang palangganang may maligamgam na tubig at saka isang bimpo. "Nakita ko hong nakahandusay sa likod ng mga damo sa gubat..."

Hindi nawawala sa mga mata ni Tiyo Amado ang pagtatanong. "Mukhang estranghero ang batang iyan. Ngayon ko lamang siya nakita."

Iniabot niya sa tiyuhin ang bimpo pagkatapos basain sa maligamgam na tubig. "Kayo na ho ang magpunas sa kanya, Tiyo Amado, please!"

"Bakit ako?" Tumanggi ito."Ikaw na. Lalabas na lang muna ako. Pero Efraim – "

"Ho?"

"Huwag kang magsasamantala, ha?"

Napakamot siya sa ulo. "Tiyo naman! Sa ganitong sitwasyon ba naman ay iisipin ko pa ang bagay na 'yan? At ano naman ang tingin n'yo sa 'kin? Maniac?"

"Ikaw ang nagsabi niyan!" Nakangising wika nito bago lumabas ng silid niya.

Habang pinupunasan ang narumihang katawan ng babae ay hindi mapigilan ni Efraim na humanga sa kagandahang taglay nito. Palibhasa naka-shorts na maong at blusang kulay pula ito, lantad na lanatad ang maputi at makinis na kutis ng babae. Tingin niya ay nasa 5"8 ang taas nito. Parang modelo.

Dalaga pa kaya? Naitanong ni Efraim sa sarili. Ang kinis ng mukha at ang pupula ng mga labi! Parang kaysarap hagkan!

Nang mapunasan ang katawan at makitang malinis na ito ay tumayo si Efraim. Inilabas niya ang planggana at dinala sa kusina. Sinilip pa muna niya ang kanyang Tiyo Amado kung nasaan ito. Nasa labas ito ng bahay at kausap ang isang kararating pa lamang na ginang.

Muli siyang pumasok sa kanyang silid. Naghanap siya ng damit sa aparador. Nang walang makitang damit na pambabae ay iyong maluwang na damit na lamang ang pinili niya.

Nangangatal ang kamay ni Efraim at hindi makatingin sa babaing himbing na himbing sa pagtulog habang pinapalitan niya ng damit.

"Salamat po, Diyos ko!" naibulalas ng binata pagkatapos niyang maisuot sa binibini ang maluwang at kulay puti niyang damit. Mabuti na lamang at medyo malalaki ang kanyang mga damit. Abot hanggang tuhod ang haba niyon kaya hindi na niya gaanong prinublema ang isusuot nitong pang-ibaba.

D'yahe naman kung pati mga pang-ilalim at mga kakapiraso nitong kasuotan ay tanggalin pa niya upang palitan!

Muli niyang pinagmasdan ang mukha ng babae. Talagang napakaganda! Para itong isang prinsesang natutulog lamang! Maamo ang mukha, lampas balikat ang buhok ng babae.

Tila may bumubulong sa isip ni Efraim na kintalan ng halik sa pisngi ang estrangherong babae na nahihimlay sa harap niya.

Dahan-dahan niyang inilapit ang kanyang mukha sa mukha nito. Naaakit rin siyang hagkan ang maninipis at kulay rosas nitong mga labi.

Ngunit mahahagkan na sana niya ito sa pisngi nang biglang bumukas ang pinto.

Gulat na napaurong si Efraim. Nanunudyo ang tawa ni Apo Adoy. ngising kakaiba sabay kindat sa pamangkin.

ITUTULOY

About BladeMaster_Elven

u/BladeMaster_Elven
BladeMaster_Elven has nothing to say.

More from BladeMaster_Elven


    Related Stories