Ang Hiwaga Sa Daigdig Ng Mga Engkanto (Chapter 7)

Filipino Sex Stories
10 minutes
Author's Note: This story is entirely fictional. Any events and names in this series that resemble real-life are purely coincidental. This series is brought to you by kapeng barako, sa Tindi ng pait Ikaw ay ngibit and is free to read the story. Sharing of this story is allowed only with permission and credits to the author. thanks and have a nice reading.

Ang paglalakbay
BY: BladeMaster_Elven

CHAPTER 6

"HUWAG na huwag ninyong kalilimutan ang bilin ko," paalala ni Tiyo Amado sa dalawang aalis. "Pipiliin ninyong mabuti kung sino man ang pagkakatiwalaan ninyo. Maraming mapanlilnlang na nilikha sa pusod ng gubat. At kung sakali mang mapahamak kayo, hawak ninyo ang susi na magliligtas sa inyo!"

"Opo, Tiyo, " sabi ni Efraim na nagmano pa sa itinuturing niyang pangalawang ama. "Mag-iingat din po kayo. Umasa kayong muli kaming babalik na dala ang bagong pag-asa para sa atin at sa marami pang buhay na nasa daigdig."

Nakangiting tumango si Tiyo Amado. "Alam ko, anak. Alam ko."

"Tutuloy na ho kami, Apo Adoy," pamamaaalam ni Rheanna. "Maraming salamat po. Sa maikling panahon ng pagtigil ko sa bahay ninyo ay naramdaman ko kaagad na kabilang ako sa itinuturing ninyong kapamilya. Tatanawin ko pong malaking utang na loob ang lahat ng kabutihang ipinakita ninyo sa akin."

"Walang anuman iyon, hija," sabi nito. "Laging nakabukas ang pinto ng bahay ko sa sinumang nangangailangan ng aking tulong. O siya, sige na, tumuloy na kayo at baka abutin pa kayo ng dilim sa daan."

Pagkatapos muling humalik sa kamay ng matanda ay umalis na ang dalawa. Bitbit ng mga ito ang tig-isang knapsack na halos pagkain at ilang damit lamang ang laman. May dala rin silang banig at makapal na kumot na p'wede nilang gamiting tulugan at pahingahan saan mang lugar sila abutin ng gabi.

"Patnubayan nawa kayo ng Dakilang Lumikha! "sigaw ni Apo Adoy nang malayo na sina Efraim at Rheanna. "Hanapin ninyo ang sinag ng araw na nag-iiba-iba ng kulay! Malapit na roon ang daan patungo sa laguasan! Mag-iingat kayo!" Umalingawngaw ang tinig na iyon ng matanda ngunit hindi tiyak kung malinaw na nakarating sa pandinig ng magkasamang umalis.

"HINDI ka ba natatakot sa haharapin natin, Rheanna?" tanong ni Efraim pagkakita sa suson-susong hanay ng mga malalaking puno na iilang dipa ang layo sa kanila. Iyon ang pinakapasukan patungo sa engkantadong gubat. Ang masukal at mapanganib na kagubatang susuungin nila para mahanap ang lagusan.

"Natatakot siyempre," mabilis na tugon ng dalaga. "Nanggaling na ako dito at alam ko kung gaano kapanganib ang lugar na ito. Pero alang-alang sa nobyo kong si Ralph, hindi na ako nagdalawang-isip pa na bumalik para hanapin siya."

Tila may kumurot sa dibdib ni Efraim pagkarinig sa sinabing iyon ni Rheanna. "Mahal na mahal mo siya, 'no? Ang s'werte naman niya!"

Pumormal ng mukha ang dalaga.

"Naniniwala ka bang buhay pa nga ang nobyo mo?" tanong ni Efraim pagkaupo sa ilalim ng punong akasya. Nasa pinakabunganga pa lang sila ng kagubatan. "Pahinga muna tayo. Nakakapagod!"

Naupo rin si Rheanna sa ilalim ng puno. Ngunit mahigit isang dipa ang layo nito mula kay Efraim.

"Ewan," ani Rheanna. "Basta ang alam ko, ayaw kong tuluyang mawala ang natitira ko pang pag-asa na magkikita kaming muli."

"At kung hindi natin siya makita?"

"Ganoon din sa naramdaman mo nang mawala ang Itay mo ang mararamdaman ko."
Natahimik si Efraim.

"Ako naman ang magtatanong sa'yo, Ef," sabi niya. "Hindi ka ba natatakot sa haharapin natin ang mga pagsubok. Isa pa wala itong kasiguruhan, hindi ba?"

Inabutan muna siya nito ng isang pirasong tinapay at mineral water bago tumugon. "Natatakot din siyempre. Sino ba namang hindi?," anito. "Sino ba namang hindi natakot na humarap sa isang bagay na hindi tiyak kung ano ang kahahantungan? Pero sa dami ng mga bagay na ikinuwento ni Tiyo Amado, inilagay ko na rin sa isip kong may pag-asa pa para mahanap natin ang lagusan. At isa pa, inspirasyon ko ang pagkamatay ni Itay sa gagawin nating paghahanap."

"Naisip ko, Ef," sabi niya. "Kailan mo nalaman ang tungkol sa website?"

"Nito lang nakaraang dalawang linggo," sagot nito. "D'on sa bago kong nilipatang apartment sa Sampaloc. May dating tumira doon na nakaiwan ng computer. Pinakialaman ko! Doon ko nga nabuksan ang website na nagsasabing may pabuya sa sinumang makakakita sa lagusan."

"Hindi mo man lang ba naisip na baka kagagawan lamang iyon ng taong matalino pero sadyang planong manloko o manggudtaym ng kapwa?"

"Naisip ko na rin iyon noong una," sabi ni Efraim. "Pero may ibang bagay pang nangyari pagkatapos, e!"

"Ano?"

Tumayo si Efraim at pagkuwa'y pinagpag ang puwitan ng suot nitong pantalong maong na kupasin. "Madalas ay may nagpapakita sa aking white lady! Si Mazoorka..."

Nagpatuloy ang dalawa sa paglalakad hanggang sa makarating sila sa gitna ng gubat. Sa relong pambisig ni Efraim ay mag-iikatlo pa lang ng hapon ngunit sa dakong iyon ay tila mag-iikaanim na. Ni isang silahis ng araw ay walang makapasok sa makapal at nagtatayugang mga punongkahoy.

Musika naman sa pandinig ang huni ng mga ibon at iba pang mga hayop sa loob ng gubat. Marami ring ligaw na halaman at mga bulaklak na nakalatag sa dinadaanan nina Rheanna at Efraim. Ngunit tiyak nilang malayo pa ang pinakapaanan ng Bundok Matungao. Ang mga matataas na talahib ang palatandaan na malapit na sila sa bundok na kanilang pakay.

"Madilim na sa banda roon," anang binata na sinundan ng pagsulyap sa suot na orasan.

"Pero mag-aalas kuwatro pa lang pala."

"Anong gagawin natin?"

"Dito na muna tayo magpapalipas ng gabi, Rheanna," sabi ni Efraim. "Mas ligtas tayo rito dahil wala pang gaanong matataas na damo. Doon tayo," sabi niyang itinuturo ang malaking puno ng balete.

"S-sigurado ka?" Kinakabahang tanong ng dalaga. "Puno iyan ng balete, hindi ba."

"Alam ko. Dito kita naabutang walang malay. Natatakot ka 'no? Alam mo, Rheanna, kahit saang bahagi ng gubat na ito ay mapanganib. Ibig sabihin, walang pinagkaiba kung saang ilalim man ng puno natin piliing magpahinga." Pagkasabi ay nagpatiuna na siya rito

Pagdating sa sinasabi niyang puno ay agad niyang inilatag ang dalang banig at inilabas ang isang makapal na kumot.

"Dito ka muna," aniya. "Maghahanap ako ng mga tuyong dahon at sanga para makapagsiga tayo."

"Iiwan mo ako dito?" Napataas ang boses ni Rheanna.

"Oo, pero babalik din ako kaagad. At kahit anong mangyari ay huwag na huwag kang aalis dito!" Mahigpit ang bilin na iyon ng binata.

"Sumama na lang kaya ako sa'yo, Ef? Dalawa na lamang tayong maghanap ng mga tuyong dahon. Mas makakakita tayo kaagad, hindi ba? Kung dalawa tayong maghahanap?"

"Hindi p'wede," giit niya na humakbang palayo. "Mahirap kung lagi tayong magkasama. At least kung magkahiwalay tayo, may mapahamak man sa atin ay isa lamang."

Habang wala si Efraim ay hindi iniiwanan ng takot at kaba sa dibdib si Rheanna. Paano kung daluhungin siya ng mababangis na hayop? Anong laban niya sa lakas at bangis ng mga ito? At paano kung higit pa sa mababangis na hayop ang sumalakay sa kanya?

Nagsimulang magbutil-butil ang pawis sa noo ni. Rheanna. Wala siyang nagawa kundi ang mapayakap sa sarili at kalamayin ang loob.

Naglakad-lakad siya at umiwas sa tila nakadipang puno. Mahigit dalawang dipa ang layo niya mula sa puno ng balete. Matanda na ang punong iyon sa gitna ng gubat. Patunay ang matataba nitong mga sanga at matipunong katawan sa katagalan ng panahong nakatayo ito roon na tila bantay papasok sa pinakapusod ng gubat.

Maraming mga baging at ligaw na halamang nagsabit sa katawan ng malaking puno. Sa gitna niyon ay may guwang na tila lagusan patungo sa loob ng puno. Tumungo lamang siya ng konti ay tiyak kakasya siya at makakapasok sa loob nito.

May narinig na ingay si Rheanna. Sinundan niya ng tingin ang aninong tumawid sa harap niya. Mabilis ito. Sa isang iglap ay nawala kaagad sa paningin niya.

Naglakas-loob na siyang sumigaw para humingi ng saklolo. "Efraim!"

Umalingawngaw ang tinig niya subalit walang tumugon.

Mabilis na napaurong si Rheanna nang makitang gumalaw ang mga damo sa harap niya.

"Efraim, ikaw ba' yan?" nanginginig ang boses na tanong niya. Pero wala pa ring sagot.

"Hindi nakakatuwa! Ayoko ng ganyan!"

Tumigil ang damo. Pero malakas ang kutob niyang naroon pa rin ang nilikhang nagtatago sa likod niyon. Tinalasan niya ang pang-amoy at pandama. Titig na titig siya sa mga damo.

Mahirap nang malansi pa siya ng kung sino o anuman iyon.

Wala tuloy kamalay-malay ang dalaga na kanina pa may nagmamasid sa likod niya. Malapit na ang kamay nito sa balikat ng dalaga nang mapalingon siya.

"Eeeeee! Saklolo! Saklolo!" Tili ng dalaga nang mahagip nito ang balikat niya.

"Shhh! Shhhh! Si Efraim ito!"

Saka pa lamang tumigil si Rheanna sa katitili. Pero hindi pa rin nawawala ang kaba sa dibdib niya. At sa galit ay bigla niyang nasampal sa pisngi si Efraim.

"Bakit?" Hindi nakaiwas si Efraim sa malakas na sampal ni Rhenna. "Masakit iyon ha!" Sabi nito habang hinihimas-himas ang namumulang psingi.

"Sa susunod na takutin mo pa ako ay hindi lamang iyan ang matitikman mo!" Galit na sabi niya sabay talikod rito. Padabog na umupo siya at sumandal sa katawan ng puno.

"Hindi ko naman intensyong takutin ka," paliwanag ng lalaki. "I'm sorry..."

Matalim ang irap na ipinukol niya rito. "Sorry your face!"

Napayuko si Efraim dahil sa pagkapahiya. Humakbang na lamang ito palayo sa dalaga.

"Saan ka pupunta?" Natitilihang sabi niya sa pangambang iiwan na naman siya nito. "Iiwan mo na naman ako dito? Gusto mo ba talaga akong mamatay sa takot? Kung alam ko lang na ganito ang gagawin mo sa akin ay sana hindi na lang ako sumama at bumalik na ko sa Maynila!"

Napatigil sa paghakbang si Efraim. Ngunit paglingon nito ay nanlalaki ang matang napatunghay kay Rheanna.

"Rheanna, alis d'yan!" Sigaw nito na mabilis nilundag ang dalaga at magkasabay silang gumulong palayo sa puno. "Nasaktan ka ba?" tanong nito nang matiyak na wala na ang panganib.

Sinalat niya ang bahagi ng kanyang ulo na napatama sa nakausling ugat ng puno paggulong nila. "Okay lang," napapaluhang sabi niya nang makita ang gumagapang na ahas palayo sa kanila. Kulay pula iyon na napakahaba at sinlaki ng braso ni Efraim ang katawan.

Napayakap na rin siya sa lalaki ng dalhin siya nito sa matipunong dibdib. Pakinig niya ang malakas na kabog ng dibdib nito paglapat ng tainga niya sa tapat ng puso nito.

"Paano tayong makapagpapahinga niyan dito?" Nag-aalalang tanong ni Rheanna na hindi pa rin inaalis ang pagkakayakap kay Efraim.

Kumalas ang binata. "Palitan tayo," sabi nito. "Ikaw muna ang matutulog habang binabantayan kita. Saka na lang ako tutulog kapag nakapagpahinga at nakaidlip ka na ng maayos."

Marahan siyang tumango. Habang gumagawa ng siga si Efraim para maging ilaw nila sa buong magdamag ay buong paghangang pinagmamasdan ito ni Rheanna.

Kung sana ay una niya itong nakilala kaysa kay Ralph.

Mabait, masipag at napaka-responsible ni Efraim. Hindi man ito kasing yaman at kasing guwapo ni Ralph, taglay naman nito ang mga katangiang hanap ng halos karamihan ng mga babae sa isang lalaki.

Isa na siya sa mga babaing iyon. Sapagkat ngayon niya natiyak na may espesyal na pagtanging itinatago ang puso niya para kay Efraim.

"Mas ligtas kung mayroong apoy," sabi nito nang matapos at lumapit sa kanya. " Depensa natin ang apoy sa mababangis na hayp dito sa gubat. Gusto mo pa bang kumain?"

"Hindi na. Busog na 'ko," aniya. "Ikaw?"

"Busog na rin ako. Sige na, magpahinga ka na at pagkatapos ay ako naman."

"Efraim..."

Nilingon siya ng lalaki.

"Pasensya ka na sa ginawa ko kanina, ha?"

"Okay lang," sabi nitong ngumiti at pagkatapos ay tumalikod sa kanya.

Ibinuka niya ang kumot at pagkahiga ay ibinalot iyon sa katawan. Patagilid ang higa niya at nakatalikod kay Efraim. Ngunit ramdam niyang tinititigan siya ng binata.

Naging balais tuloy siya sa pagkakahiga. Hindi kasi siya sanay nang may nagmamasid sa kanya lalo na kapag matutulog.

"Rheanna...?"

"Hmmmm...?"

"Doon lang ako sa may siga," sabi ni Efraim. "Sige, pahinga ka na."

Naghanap si Efraim ng malaking bato para maupuan. Doon siya pum'westo sa lugar kung saan napagmamasdan niyang mabuti ang mukha ng dalaga.

"Ang ganda-ganda talaga niya kahit nakapikit," humahangang bulong ni Efraim sa sarili. "Matangos ang ilong, makinis ang kutis, at ang labi niya.... Parang an' sarap hagkan!"

Napabuntung-hininga siya.

Lalo lamang siyang nakakaramdam ng panliliit habang pinagmamasdan ang nahihimbing na dalaga. Hindi talaga siya babagay kay Rheanna. Kahit anong gawin niya, walang dahilan para mabaling ang atensyon nito at magkagusto sa kanya.

Purely business and nothing personal ang relasyon nila ni Rheanna!

Walang pag-ibig! Gayunpaman ay nakahanda siyang iaalay pati ang buhay niya para sa kaligtasan ng dalaga. Lalo na ngayon at siya lamang ang inaasahan nito.

At kung sakali mang matagpuan na nito ang nobyo, nakahanda naman siyang magparaya.

"Sana, noon pa tayo nagkita, Rheanna," anas niya habang nakatitig pa rin sa dalaga. "Sana noon pa kita minahal..."

ITUTULOY

About BladeMaster_Elven

u/BladeMaster_Elven
BladeMaster_Elven has nothing to say.

More from BladeMaster_Elven


    Related Stories

    • Ang Ate Ni Tropa (Part 20)

      Filipino Sex Stories
      ©The author intended not to use any copyrighted material for the publication or, if not possible, to indicate the copyright...
      6 minutes
    • The Fling

      Filipino Sex Stories
      ©2016 LordDrake. This story may not be reproduced in any manner, without the expressed permission of the author by any means...
      4 minutes
    • Sarap Mo Biyenan

      Filipino Sex Stories
      Ako si Joseph, beinte singko anyos, nagtatrabaho bilang sales clerk sa isang department store habang ang asawa ko ay nagtatrabaho...
      13 minutes
    • First Time Ko Si Mama

      Filipino Sex Stories
      Hi Guys! Share ko lang yung first experience ko. Ang storyang ito kasi ay hindi pangkaraniwan. Nakakahiya man pero share...
      8 minutes
    • Pantasya Ko Sa MILF 3

      Filipino Sex Stories
      "Ha ha ha ha ha!!!" Nagtatawa ng malakas si ate Sabrina ng di ko namalayan na tumulo ang laway ko...
      6 minutes
    • Ang Pantasya ni Mister

      Filipino Sex Stories
      Author's Note: This is the first erotica i ever made. I posted this from another site. What you'll be reading...
      3 hours 47 minutes