1. Home
  2. Stories
  3. Ang Mga Tukso Sa Buhay Ni Dan [2] - Chapter 5 - A Moment Of Truth
Filipino Sex Stories

Ang Mga Tukso Sa Buhay Ni Dan [2] - Chapter 5 - A Moment Of Truth

Written by Van_TheMaster on
Chapter 5

Nasa tapat na ng bahay nina Alyssa si Dan, kanina pa nasa kanyang isipan na dumaan sa bahay ng dalaga upang makisuyo na ilagay muna doon ang mga pagkaing ipinadala sa kanya ng Mommy ni Angela. Ngunit ng nasa tapat na siya ng gate ay nakita niyang may bisitang lalake si Alyssa. Kahit na parang malapit silang magkaibigan ay nagdadalawang-isip naman si Dan kung marapat bang abalahin pa niya ito ngayon. Nagpasya siyang mamaya na lang babalik kapag wala na ang bisita ng dalaga. Minsan pa siyang tumingin sa nag-uusap na dalawa at saka siya nagsimula ng maglakad papunta sa makitid na daanan.

Dahil na din sa pangungulit ni Raymond at palaging pag-udyok ng kanyang mga magulang ay napilitan na din si Alyssa na pagbigyan ito na mag-dinner silang dalawa sa labas. Isa din sa dahilan ng kanyang pagpayag ay upang tuluyan ng makalimot ang kanyang sawing puso sa una nitong pag-ibig.

Matamlay ang kanyang pakiramdam ng sila ay nakauwi na, wala naman kasing pagbabago sa kanyang nararamdaman. Lalo lang siyang nakaramdam ng kalungkutan ng pilit niyang ibinabaling sa iba ang nararamdaman. Ang puso ay hindi maaaring turuan , isang leksyong kanyang natutunan ngayong gabi.

Nais na niyang magpahinga ngunit parang wala pang balak na magpaalam si Raymond. Napagawi ang kanyang paningin sa may gate at napansin niya si Dan na nagsimula ng lumakad palayo.

Mabilis siyang tumayo at lumabas ng kanilang bahay habang malakas na tumitibok ang kanyang puso. Makakapagsinungaling siya sa ibang tao ngunit hindi sa kanyang sarili. Ito ang katotohanang isinisigaw ng kanyang puso at isipan. Binuksan niya ang gate at lalo pang binilisan ang paglalakad upang kanyang maabutan si Dan.

"D-Dan..." nang ganap na siyang malapit sa likuran nito.

Tumigil naman si Dan sa paglalakad at nakangiting humarap sa dalaga.

"Gandang gabi Alyssa..."

Nang magtama ang kanilang mga paningin at muling marinig ang kanyang pangalan sa labi ni Dan ay nais ng bumigay ng dalaga. Nais niyang sabihin kay Dan ang totoong saloobin, ang kanyang totoong nararamdaman na labis na nagpapahirap sa kanya ngayon. Ngunit sa halip ay pilit niyang kinalma ang sarili, paano niya sa sasabihin kay Dan ang tungkol sa damdaming ayaw niyang mapag-usapan upang lalo lamang saktan ang kanyang sarili. Paano niya sasabihin na broken hearted siya at hindi pa din siya maka-move on dahil ang kanyang mahal na kaibigan ang nasa puso ni Dan.

"M-May kailangan ka ba?" nag-stammer na ulit siya, naiinis na naman si Alyssa dahil hirap pa din siyang kontrolin ang sarili sa harap ng binata. "Alyssa, wag ka ngang mag-asal na batang teenager" ang inis niyang lihim na nasabi.

Itinaas na bahagya ni Dan ang sisidlang plastic bag sa harapan, "Makikiusap sana ako kung pwedeng pakilagay nito sa ref nyo, wala naman kaming ref sa kwarto namin sa likod."

Napangiti naman si Alyssa, "Yun lang naman pala, bakit ka pa umalis? Sana tinawag mo na lang ako." At saka kinuha mula sa binata ang sisidlang plastic bag na may lamang mga magagandang lagayan ng pagkain. Kahit hindi sabihin sa kanya ni Dan ay alam niyang kina Angela nagmula ang mga ito dahil magkasama ang dalawa kanina.

Habang kinukuha niya mula kay Dan ang hawak nitong sisidlang plastic bag ay hindi nakaiwas ang kanyang kamay na madikit sa kamay ng binata. Parang nakuryente ang kanyang pakiramdam ng magdikit ang kanilang balat. Iba pala talaga kapag inlove ka, ang mga munting bagay na tulad nito ay kakaibang saya na ang dulot sa kanyang puso.

"Nakita ko kasing may bisita ka, nahihiya naman akong abalahin ka dahil lang dyan. Mamaya na lang sana ako babalik. Pero dahil sa narito ka na, at hawak mo na yan. Salamat ng marami Alyssa." ang may halong pagbibirong sabi ni Dan.

Muling matamis na ngumiti si Alyssa, ang sarap sana kung siya ang mahal ni Dan. Kung ang tadhana lang ay naging mabait sana sa kanya at sila ni Dan ang unang nagkakilala. Nagkaroon sana siya ng pag-asa at -hindi siya nahihirapan at nagdurusa ng ganito.

Ngayon ay nakatingin lamang siya sa maamong mukha ng binata. Ayaw na niyang magsalita upang hindi matapos agad ang sandaling magkalapit lang silang dalawa habang kapwa nakatingin sa isa't-isa.

"Alyssa." ang pagtawag ni Raymond mula sa likuran ng dalaga.

Napadako ang paningin ni Dan at Alyssa sa palapit na si Raymond. Sa mukha pa lang nito ay mababanaag na hindi nito gusto ang nakikita sa kanilang dalawa kahit wala naman silang ginagawang masama.

"Hindi mo ba ako ipakilala sa kasama mo Alyssa." ang sabi ni Raymond na kay Dan nakatingin. Halata sa boses nito ang hindi nito maitagong pagseselos.

Nakaramdam naman ng lalong pagkainis si Alyssa, dahil parang nobyo niya kung umasta si Raymond. At ang masayang sandali na kasama niya si Dan ng sarilinan ay natapos ng mabilis dahil sa paglapit sa kanila ni Raymond.

Dahil sa ayaw na ni Alyssa na magkaroon ng hindi magandang eksena sa labas ng kanilang bahay kahit talagang badtrip na siya muli niyang kinalma ang sarili.

"Dan, this is Raymond, isa siya sa senior natin sa school. Raymond, si Dan, third year din sa Engineering."


Inilahad ni Dan ang palad sa kaharap na may kasamang nag-aalangang ngiti, "Nice meeting you."

Saglit munang hinayaan ni Raymond na nasa hangin ang kamay ni Dan bago niya iyon ginagap at saka mabilis na binawi din ang kanyang kamay. Tiningnan niyang mabuti ang binatang kaharap, mas magandang lalake siya kumpara dito. Maamo lang itong tingnan at halatang may magandang pangangatawan kahit balingkinitan lang. Sa ayos pa lang ng pananamit ay lamang na siya, maging sa itsura, napaismid na lang si Raymond na napansin din naman ni Dan, na lalong nakadagdag sa inis ni Alyssa.

"I'm not just her senior. Kaya pwede ko bang malaman ang pinag-uusapan ninyo?" ang may diin na tanong ni Raymond.

Matalim na sumulyap naman si Alyssa kay Raymond. Hindi na niya gusto ang presenya at sinasabi ni Raymond at napapahiya na siya kay Dan.

"Nakisuyo lang ako kay Alyssa, na kung pwedeng pakilagay sa ref ng dala ko"

Tiningnan ni Raymond ang hawak ni Alyssa at napangisi siya.

"Pagkaing nakabalot? Saan galing? Kaunting yan ay mang-aabala ka pa."

Hindi na lang nagsalita pa si Dan at napatingin na lang siya kay Alyssa. Hindi naman manhid si Dan upang hindi maunawaan ang nais na iparating sa kanya ni Raymond. Ayaw din niyang malagay sa hindi magandang sitwasyon ang kaibigan ni Angela. Kaya kahit nais niyang sumagot ay nagpaalam na lang siya sa dalawa. Hindi naman bago sa kanya ang mga ganitong sitwasyon. Sa kanyang buhay ay ilang ulit na din siyang nakaranas ng ganito.

"Alyssa, una na ako sa inyo, gusto ko na ding magpahinga." si Dan na tipid na nakangiti kay Alyssa.

"Goodnight Dan, rest well." ang nakangiti ding si Alyssa, ngunit sa kanyang kalooban ay labis na siyang galit.

"Raymond." ang paalam ni Dan sa binatang katabi ni Alyssa.

Hindi naman ito kumibo sa kanya, muli siyang tumingin kay Alyssa at saka siya gumawi na papunta sa kanyang kwarto.

Hindi muna umalis si Alyssa at inantay munang makalayo si Dan habang magkasalikop ang dalawang bisig sa harap ng kanyang dibdib. At saka niya iniwan ng walang salita ang nakatayo ding si Raymond na mabilis na tahimik na humabol sa kanya sa paglalakad.

Nang nasa loob na sila ng kanyang bahay ay inantay muna niyang makapasok si Raymond bago isinara ni Alyssa ang pinto.

"What's wrong with you ba? Kailangan mo pa bang maging rude kay Dan at umastang boyfriend ko. Baka nakakalimutan mo Raymond, wala tayong relasyon." ang inis na tanong at sabi ni Alyssa sa kaharap na binata. Ang galit ay nasa tinig ng dalaga.

"What's wrong with me? Ako dapat ang magtanong nun sayo Alyssa. Ako ang ka-date mo kanina lang pero ambilis mo akong iniwan dito sa loob para lang kausapin yung lalakeng yun? Bakit sino ba siya sayo? Sino ba yung Dan na yun sayo?" ang ganting sagot ni Raymond sa dalaga, iritado din ang lalake dahil sa matinding selos. Dahil ngayon lang niya nakitang ganito si Alyssa at nasa panganib ang panunuyo niya sa dalaga.

Lalo namang nag-init ang pakiramdam ni Alyssa dahil sa galit, dahil wala siyang kakayahang sabihin na mahal niya si Dan. At ang karapatan na iyon ay matagal ng nasa kaibigan niyang si Angela. Na one-sided at hindi mutual ang love na nasa puso niya. Gusto niyang umiyak ngunit lalo lang siyang magmumukhang kawawa sa harap ng binata.

Huminga siya ng malalim, "Raymond, please lang umuwi ka na. Because I'm so damn tired at gusto ko ng magpahinga." ang galit na sagot na lang ng dalaga.

"Bakit di mo masabi kung sino siya sayo? May hindi ba ako alam Alyssa? Ha! Magsalita ka!" ang galit na sabi din ng binata. Lalong lumalaki ang kaba sa kanyang dibdib dahil sa hinalang umiibig na sa ibang lalake ang babaeng pinakamamahal niya.

Dahil sa palitan nila ng mga galit na pananalita na dinig kahit sa kusina ay lumabas mula doon ang mga magulang ng dalaga. Maging ang bunsong kapatid ni Alyssa ay napalabas din mula sa kwarto nito.

"Anong nangyayari sa inyong dalawa? Bakit kayo nag-aaway? Kanina lang ay okay kayong dalawa ah." ang nag-aalalang si Celia, ina ni Alyssa. Katabi nito ang asawang si Damian na seryosong nakatingin sa dalawang nasa gitna ng salas.

Nakaramdam naman ng pagkabahala si Raymond, hindi kinaya ang tingin ng mga magulang ng dalaga.

"I'm sorry Tito, Tita, it's just a misunderstanding sa pagitan po namin ni Alyssa."

"Huh? Misunderstanding, walang misunderstading dito Raymond. Malinaw naman ito sayo diba. Ito na ang huling beses na pakikiharapan kita. Hindi kita gusto at hindi kita gugustuhin kahit kailan. Now, get lost!" ang galit pa ding si Alyssa.

"Alyssa, please naman..." si Raymond na biglang nakaramdam ng takot.

Isang huling matalim na tingin ang ibinigay ni Alyssa kay Raymond at saka siya mabilis na nagtungo na sa kusina upang ilagay sa ref ang hawak niya. Pagkatapos ay dumiretso na siya kanyang kwarto na hindi na muli pang tumingin kay Raymond o sa kanyang mga magulang.

Nilapitan naman ni Damian ang binata. "Raymond, umuwi ka na muna. Magpalipas ka na muna ng ilang araw at saka na kayo muling mag-usap. Maaayos din yan." at saka niya tinapik sa balikat ang binata.

Malungkot namang ngumiti ang binata, napabuntunghininga na lang. Ni hindi niya inisip na sa ganito mauuwi ang unang date nila ni Alyssa.

"I'll go na po. Sa susunod na lang po ulit."

"Ingat ka Raymond sa paglalakad." si Celia.

Nang nakalabas na si Raymond sa gate ng kanilang bahay ay gumawi ang tingin ng mag-asawa sa kwarto ng anak.

"Maricar, may hindi ba kami alam sa ate mo at sa bagong boarder natin na lalake sa likod?" ang tanong ni Celia sa kanyang bunso.

Umiling naman ang dalagita. "Hindi ko naman po sila nakikitang magkasama, o nag-uusap dito sa bahay."

"Sige na Maricar, ituloy mo na yung ginagawa mo sa kwarto mo." si Damian.

"Opo." at saka pumasok na muli ang dalagita sa kwarto nito.

Naiwang tahimik ang mag-asawa sa salas habang hindi maitago sa kanilang mukha ang pag-aalala. Si Raymond ang gusto nila para sa panganay na anak. Iisa ang laman ng kanilang isipan. Hindi na dapat magtagal pa ang bago nilang boarder sa kanilang paupahan.

Sarado pa ang ilaw sa kwarto ng magkapatid, nag-straight malamang si Ella at alam naman ni Dan na nasa trabaho pa si Mika. Malapit ng mag alas-nueve ng gabi. Pumasok na si Dan sa kanyang kwarto at nagpahinga. Gaya ng dati ay hindi na niya ini-lock ang pinto para kay Mika. Hindi naman niya hahadlangan ang dalaga kung nais nitong matulog na magkatabi sila. Dapat ay kay Angela lamang ang araw na ito, bilang natatanging babae na espesyal at may pinakamalaking puwang sa kanyang puso. Ngunit dahil sa hindi naman magtatagal ay aalis na siya dito ay nais pa din niyang bigyan ng ligaya si Mika sa natitirang mga sandali na magkasama silang dalawa.

*****

Pasado alas dyis na ng gabi ng dumating si Ella, bukas na ang ilaw sa katabing kwarto at alam niyang naroon na si Dan. Hindi muna siya pumasok sa kanilang kwartong magkapatid, sa halip ay mahinang kumatok sa kwarto ng binata. Nang walang sumagot mula sa loob ay maingat niyang binuksan ang pinto. Napangiti siya ng makitang naroon ngang natutulog si Dan. Ganap niyang isasara ang pinto ng mapatitig siyang mabuti sa natutulog na binata. Namalayan na lang niyang nakapasok na siya sa loob. Mula sa tabi ng kamang kinahihigaan ni Dan ay malaya niyang napagmasdan ang maamong mukha ni Dan maging ang matipuno nitong pangangatawan.

Napag-isip niyang mapalad na ding maituturing ang kapatid niyang si Mika. Dahil halos gabi-gabing kapiling nito ang binata at ang alam niyang napakasarap sa kapatid ang maling relasyon nila ni Dan. Mainit na naman ang kanyang pakiramdam lalo't napatingin sa short ng natutulog na si Dan. Sa kanyang isipan ay kailan kaya niya mararanasan ang umungol ng buong sarap habang pinaliligaya ng isang lalake. Karanasang natikman na ni Mika mula sa dalawang lalake.

Bago pa siya matukso ng tuluyan ay maingat na din siyang lumabas ng kwarto ni Dan. Uminom ng tubig upang palamigin ang sarili at nagsimulang maghanda para sa pagkain nilang magkapatid.

Mahigit isang oras pa ang lumipas at dumating na din si Mika. Nasa bungad pa lang ng makitid na daan ay nakangiti na ang dalaga. Bukas ang ilaw sa kwarto ni Dan at magkatabi na naman sila ngayong gabi.

Nakabukas na ang pinto sa kwarto nilang magkapatid at dumiretso na si Mika sa loob. Pagkatapos batiin ang kapatid ay nagpahinga siya saglit. Naligo at saka nagpalit ng damit na pambahay.

"Hindi mo ba gigisingin si Dan?" si Ella habang nag-aayos ng pagkain sa lamesa.

"Hindi na Ate, baka kumain na din naman siya." ang sabi ni Mika dahil alam naman niyang magkasama kanina sina Dan at Angela. At kung sakaling hindi pa nga naghahapunan si Dan ay malalaman din naman niya mamaya kapag katabi na niya ang binata sa kama.

"Okay, ikaw ang bahala. Nagpasobra kasi ako, kasya ito sa ating tatlo."

"Hindi na lang Ate, kain na tayo."

Hindi na din nagpilit pa si Ella kahit sa katotohanan ay nais niyang makita at makasalo si Dan. Alam niyang may mali na sa kanya, at natatakot na din siya. Ngunit ginising nina Dan at Mika ang kanyang katawan na ngayon ay naghahanap na ng apoy na dadarang dito.

Pagkatapos kumain, maghugas ng mga ginamit at mag-ayos ng sarili ay nagpaalam na si Mika sa kanyang kapatid. Nakakaunawa namang tumango na lang si Ella kahit nakakaramdam siya ng inggit. May mainit na namang katawan na kayakap si Mika ngayong gabi.

Pagpasok ni Mika sa kwarto ni Dan ay inilock na niya ang pinto. Nakangiting lumapit sa natutulog na binata at umupo sa gilid ng kama nito. Saglit niyang pinagmasdan ang mukha ni Dan at saka hinaplos-haplos ang itim nitong buhok.

Nagmulat ng mga mata si Dan dahil sa masarap na paghaplos sa kanyang buhok, at ang nakangiting si Mika ang nasa tabi niya na inaasahan na naman niya.

"Malapit ng mag-twelve Dan, kumain na kami ni Ate ng hindi ka ginising." si Mika na itinigil na ang paghaplos sa buhok ng binata.

"Tapos na ako Mika, kanina pa ako kumain ng hapunan." ang sabi ni Dan na bumangon mula sa kanyang pagkakahiga.

Isang masayang ngiti ang sumilay sa labi ni Mika, "Meron ka pa namang pwedeng masarap na kainin ngayon."

Nag-init ang pakiramdam ni Dan dahil sa sinabi ni Mika. Medyo basa pa ang buhok ni Mika at alam niyang wala itong suot na panloob dahil bakat sa suot nitong damit ang magkabilang nipple na kahit hindi mapula ay kaysarap ding lawayan at supsupin.

Tumingin siya sa orasan , malapit na namang sumapit ang panibagong araw. Ang bagong araw na maaari na niyang ilaan kay Mika, lalo't mahigit isang buwan na lang siyang mananatili sa kwartong ito. Higit na mas madali sa kanya ang sitwasyon niya kay Mika at Arcelle, ngunit ibayong hirap naman pagdating kay Christine.

Tuluyan ng tumayo si Dan at gumawi sa may banyo. Pagkatapos ay uminom ng tubig at saka nilapitan ang nakangiting si Mika. Niyakap niya ito at saka mainit na hinalikan ang labi ng dalaga. Agad namang gumanti ng yakap at halik si Mika kay Dan. At saka ihiniga na ng tuluyan ni Dan si Mika at ipinasok ang kanyang kamay sa loob ng suot nitong tshirt. Mabilis na nilamas ng salitan ang magkabilang malulusog na dibdib ni Mika habang hindi naghihiwalay ang kanilang labi. At kasunod niyon ay gumawi na ang kamay ni Dan pababa sa laylayan ng damit ng dalaga. Inalis iyon mula kay Mika at muli na namang nalantad sa kanyang paningin ang kanasa-nasang malulusog na nakatayong mga suso ni Mika.

Si Dan naman ang naghubad ng kanyang damit at saka niya hinawakan ang gilid ng short ni Mika, wala ng suot na panty ang dalaga, marahan niya iyong inalis sa nakakagat-labing si Mika habang nakatingin sa kanya. Nang ganap ng nahubaran ni Dan si Mika ay kusa ng pinaghiwalay ni Mika ang kanyang magkabilang hita upang ipakain dito ang masarap na pagkain na tinutukoy niya kanina.

Muling bumaba ng kama si Dan at siya naman ang naghubad ng kanyang suot na short. Lalong namungay ang mata ni Mika ng muli na naman niyang nasilayan ang naghuhumindig na galit na alaga ni Dan. Sadyang malaki iyon at walang-wala ang sukat ng alaga ng huli niyang nobyo.

"Sabik ka na ba dito Mika?" ang tanong ni Dan sa natatakam na dalaga habang hinihimas sa harapan nito ang kanyang pagkalalakeng halos maglabasan na ang lahat ng ugat dahil sa tigas at namamasa na din ang dulo.

"Isang linggo ko ng hinahanap yan Dan sa bawat gabi." ang buong init na tugon naman ni Mika.

"Sabay na tayo Mika." ang nakangiting si Dan.

Saglit namang natigilan si Mika, ngunit ng pumwesto si Dan sa kama habang nakatagilid na nakaharap sa kanyang pagkababae ay nakuha na niya ang nais nito.

Ibinuka ni Dan ang isang hita ni Mika at nagsimulang kainin ang bahagyang namamasa ng katambukan ng hiwa ng dalaga. Hinila naman palapit ni Mika ang baywang ni Dan hanggang sa matapat sa kanya ang matigas nitong pagkalalake na galit na galit talaga. Umunan si Mika sa isang hita ni Dan at nagsimulang isubo ang pagkalalake ng binata habang banayad niyang hinihimas ang bayag nito. Ramdam niya sa loob ng kanyang bibig ang nakakapasong pagkalalake ni Dan na lalong tumupok sa kanyang laman.

Halos masasarap na panakanakang pag-ungol ang maririnig sa kwartong iyon kasabay ng ingay ng ginagawa nilang pagkain sa kasarian ng bawat isa.

"Ahh.. Tuloy mo lang Mika, wag kang tumigil..."

Ipinagpatuloy pa ni Mika ang kanyang pagpapaligaya sa binata kahit halos hindi niya alam ang gagawin ng kanyang katawang sarap na sarap din sa ginagawang pagkain sa kanya ni Dan.

Naroong hahagurin niya ng dila ang kahabaan ng pagkalalake ng binata at saka niya muling ilalabas pasok sa kanyang bibig habang sinusupsop ang bawat mainit na katas na lumalabas doon. Si Dan naman ay patuloy lang din sa pagdila sa hiwa at tinggel ni Mika, at minsan ay dadaliriin ang lagusang basang basa na sa kanyang laway at nektar ng dalaga.

"Hmm... Hmm... , Pwahh" at bahagyang iniluwa ni Mika ang pagkalalaki ni Dan. Ang pinaghalong katas ng pagkalalake ni Dan at kanyang laway ay nasa bibig at labi pa ni Mika.

"Dannn.., simula na tayo.. Di ko na kaya please... Ipasok mo na..." ang nagsusumamong si Mika.

Isang masarap na halik pa ang iginawad ni Dan sa basang-basang hiwa ng dalaga at umayos na siya ng higa. Nais pa sana niyang higupin ang mainit na nektar ni Mika ngunit kita naman niya ang labis nitong pananabik na muli silang maging isa.

Ibinuka niya ng maluwang ang magkabilang hita ni Mika at saka niya hinawakan ang baywang ng dalaga. Itinutok ang kanyang alaga sa lagusang naglalawa na at saka siya dahan-dahan na bumaon.

"Ahhh... Ahh.. Daannn..." at lalong humigpit ang pagkakahawak ni Mika sa bisig ni Dan nasa kanyang baywang habang ang kanyang isang kamay naman ay humihimas sa mukha ng binata.

At ng ganap ng humulma ng tuluyan ang pagkalalake ni Dan sa loob ng lagusan ni Mika ay nagsimula na siyang bumayo ng marahan habang hawak pa din ang tagiliran at isang hita ng dalaga.

"Ahhh.... Ahhh..."

"Hahh.., Ano Mika? Masarap?"

"O-Oo Dann.. Masarap... Napakasarap.. Ahh.."

Inilipat ni Dan ang kamay malapit sa magkabilang balikat ni Mika at nagsimulang bilisan pa ang ginagawa niyang pagbayo sa pagkababaeng patuloy na nangangatas dahil sa matinding sarap.

Ibinaba ang kanyang labi sa magkabilang malulusog na dibdib ni Mika at saka iyon buong sarap na sinupsop at nilamas ng husto. Napakasarap din talagang paglaruan ang magkabilang dibdib ni Mika. Kasing sarap ng ginagawa niya sa mga malulusog ding dibdib ni Christine.

Nang magsawa sa malulusog na dibdib ni Mika ay muli niyang hinalikan ang nakaawang nitong labi habang patuloy sa kanyang pag-ulos. Kung saan-saan naman humahawak na si Mika at parang nagsasayaw na ang kanyang balakang habang nakahiga siya sa kama. Iba ang sarap ng bawat paglabas-pasok ng malaking alaga talaga ni Dan. Ramdam ng bawat laman sa kanyang pagkababae ang kakaibang sarap ng bawat pagpasok ng malaking alaga ng binata.

"Dann... Baliwin mo pa ako ng husto... Ahh... Ahh..."

Pagkatapos na lasapin ang masarap na laway ni Mika ay muling bumaba ang labi ni Dan sa dibdib ni Mika. Mabilis iyong sinupsop at saka muling nilawayan ng husto. Ibinaba niya ang isang kamay upang laruin ng kanyang daliri ang tinggel ng dalaga habang patuloy na naglalabas-pasok ang kanyang alaga sa pagkababae ng dalaga.

"Aaahh... Daann..."

Sa kabilang kwarto naman ay pinagpapawisan na din si Ella habang nakahiga, hindi siya makatulog dahil sa ingay na nagmumula sa katabing kwarto na dinig na dinig niya. Mainit ang kanyang pakiramdam at basa na ang kanyang hiwa. May gustong gawin ang kanyang katawan ngunit hindi niya alam kung papaano. Isa lang ang laman ng kanyang isipan, nais din niyang maranasan na ang kaligayahang maraming ulit ng natikman ni Mika.

*****

Marahas na nilalamas ni Arman ang magkabilang mayamang dibdib ng asawa niyang si Arcelle habang patuloy siya sa kanyang pag-ulos.

"A-Armannn... Honnn.., be gentle naman sa mga suso ko.." ang pakiusap ni Arcelle. Nasasarapan siya sa bawat pagbayo ng asawa ngunit ramdam niya ang ibang panggigigil ng kanyang asawa sa kanyang mayayamang dibdib.

Ngunit nanatiling bingi si Arman sa pakiusap ng asawa. Hindi niya itinigil ang paglamutak sa dalawang dibdib na nasa kanyang magkabilang kamay. Patuloy siya sa ginagawa niyang pagbayo habang ang nasa isipan ay si Mika.

"Hahh.. hah... Malapit na ako Hon..." si Arman habang patuloy pa din sa madiin na paglamas sa mga suso ni Arcelle.

"S-Sige Honn, putok mo naaa..... " ang masarap na pakiusap ni Arcelle, nais niyang muling maramdaman ang mainit na tamod ng asawa na muli na namang magpupunla sa kanya. Nais na din niyang matapos ang kanina pa nitong ginagawang panggigigil sa kanyang magkabilang dibdib. Namumula na ang kanyang mga suso at nakakaramdam na din siya ng bahagyang sakit.

Ilang mararahas at mabibilis na pag-ulos pa at isang ubod lakas na pagbayo ang iginawad ni Arman sa halos namumula na ding pagkababae ng asawa.

"Hmmnp.. Hahh..." ang impit na ungol ni Arman kasabay ng muling pagpulandit ng kanyang mainit na tamod sa sinapupunan ni Arcelle.

Ibinagsak niya ang pawisang katawan sa ibabaw ng asawa at saka hinalikan ang labi nito.

Si Arcelle bagaman ilang ulit ding nilabasan ay hindi naman kasing sarap o sing dami ng beses kapag si Dan ang kanyang kaulayaw. Ang mahalaga sa kanya ay natapos din ang ginagawang paglamutak ni Arman sa kanyang namumula ng mga suso.. Simula pa lang kaninang first round nila ni Arman ay ramdam na niya ang kakaibang panggigigil nito sa mga iyon.

"Hon, bakit parang sobrang gigil na gigil ka sa mga suso ko ngayon?" ang nakangiting si Arcelle habang hinahaplos ang buhok ng asawa.

"Asawa kita Arcelle, kaya kong gawin lahat ang gusto ko sayo. Bakit? Siya ba? Yung lalake mo? Pinagbabawalan mo ba siya sa mga ginagawa niya sayo?" ang may halong galit na sabi na lang ni Arman. Saglit na nawala sa sarili dahil sa guilt na ibang babae ang nasa kanyang isipan habang ang asawang si Arcelle ang kasama sa kama. Idagdag pa ang katotohanang hanggang ngayon ay masakit sa kanyang ego na may ibang lalakeng nagpakasawa din sa masarap na katawan ng kanyang magandang asawang si Arcelle.

"A-Arman...", ang natigilang si Arcelle, matagal na nilang napag-usapang mag-asawa na hindi na muli pang uungkatin ang nakaraan. Lalo tuloy siyang nakaramdam ng sumbat ng kunsensya dahil walang alam ang asawa na patuloy pa din siya sa kanyang ginagawang pagtataksil. Dahil aminado siyang mas higit siyang nasasarapan sa mas bata niyang empleyado.

"I'm sorry Hon.." si Arman ng nakabawi, hinaplos ang buhok ng asawa at saka ito hinalikan sa labi.

"I-It's okay Hon, pero please naman, don't mention it next time or pareho tayong hindi ganap na makaka-move on."

"I know Hon, nawala lang talaga ako sa sarili. Matagal na din kasi ng huli akong nanggigil sayo. Forgive me na." ang nakikiusap na si Arman, siya ang nagkamali at walang alam ang asawang si Arcelle sa kanyang bagong bawal na pantasya.

Ngumiti na lang si Arcelle. "Kaya mo pa ba? Nakaka two rounds na tayo."

Hinugot na ni Arman ang bahagyang lumambot na pagkalalake at tumayo na. "Bukas na ulit Hon, wala na akong katas, naubos mo na lahat."

Napatawa naman ng bahagya si Arcelle, "Sige na nga, mauna ka ng maligo, rest muna ako saglit."

Nakatingin lang sa kisame si Arcelle habang naririnig niya ang pagdaloy ng tubig mula sa banyo. Iba talaga kapag si Dan ang kapiling niya.

"Dann... Sabik na sabik na talaga ako." ang sinabi ni Arcelle sa sarili habang laman ng kanyang isipan ang binatang labis na pinagnanasaan.

*****

Nakataas sa magkabilang balikat ni Dan ang mga binti ni Mika habang mabilis siyang bumabayo. Maingay na ang kanilang salpukan at hindi na alintana na naririnig sila ni Ella.

"Ahh... D-Dannn... Malapit na ako..."

"Bilisan mo pa Dan.. Ang s-sarapppp ... Ahh... Ahhh..."

At nag-iba na ang ekspresyon ng dalaga habang dumadaing ng impit, halos bumaon na ang kanyang mga daliri sa magkabilang bisig ni Dan habang ilang ulit siyang sunod-sunod na nilalabasan.

Inalis na ni Dan ang magkabilang binti ni Mika sa kanyang balikat. Ibinuka ang mga iyon sa kama at saka siya muling mabilis na bumayo habang panay lang ang masarap na pag-ungol ng dalaga. Nang maramdaman ni Dan na nalalapit na siyang labasan ay mabilis niyang niyakap ng mahigpit si Mika na yumakap din sa kanya ng mahigpit habang nakakulong ang baywang ng binata sa magkakrus na binti ni Mika.

Ilang sandali lang at pagkatapos ng mas mabibilis pang pag-ulos ay muling naramdaman ni Mika ang mainit na tamod ni Dan na muli na namang nagpunla sa kanyang uhaw na sinapupunan.

"Ahh... Ahh..."

"Hah... Hhah.."

Abot nila ang paghingal habang nanatiling nakayakap si Dan kay Mika. Hinawakan ni Mika ang mukha ni Dan at muling pinaghinang ang kanilang labi. Mainit. Matagal. At ng matapos ay ngumiti si Dan kay Mika, hinugot ang kanyang pagkalalake at humiga sa tabi ng dalaga na yumakap naman sa kanya.

Hinaplos naman ni Dan ang bisig ni Mika na nasa dibdib niya.

"Isa pa tayo Mika?"

"Ikaw? Linggo na naman, wala tayong pasok. Kahit late tayong magising mamaya ay okay lang naman." ang nakangiting si Mika.

"Halos isang linggo na kaya akong nasasabik sayo Dan, kahit abutin tayo ng pagsikat ng araw ay nakahanda naman ako. Ikaw lang ang inaalala ko, baka di mo kayanin Dan." at saka matamis na ngumiti si Mika kay Dan pagkatapos niyang magbiro.

"Hanggang madaling-araw? Hindi ko kaya yun Mika." ang natawa na ding si Dan, hinaplos ang buhok ng dalaga at saka ito muling hinagkan.

"Isa na lang, tapos pahinga na tayo."

Nakangiting tumango naman si Mika, "Sige, isa pa ha."

At pagkatapos magpahinga ay muli na naman silang nagtampisaw sa kanilang mali ngunit masarap na relasyon. At sabay ng natulog pagkatapos na may ngiti sa kanilang labi. Ngunit nanatiling gising pa din si Dan habang nasa dibdib naman niya ang mukha ng natutulog na si Mika. Banayad niyang hinaplos ang buhok ng dalaga, sa pagtatapos ng semestre ay aalis na siya sa lugar na ito. Sana ay kasabay ng kanyang pag-alis ay tuluyan ng matapos ang relasyon nila ni Mika.

*****

Dahil lampas hatinggabi na ng siya ay nakatulog ay tanghali na din ng magising si Christine. Pagkamulat ng kanyang mga mata ay agad na iginawi ang paningin sa hinigaan ni Brandon. Wala na ito doon at nakaayos na ng pagkakatupi ang mga ginamit ng binata. Bumangon na siya ng tuluyan at nagtungo sa banyo. Naligo at saka inayos ang sarili. Muli siyang tumingin sa orasan, pasado alas otso na ng umaga.

Sa salas na niya naabutan si Brandon na kasama ng kanyang mga magulang. Nakagayak na itong umuwi at siya na lang ang hinihintay.

Lumapit siya sa ama at ina at humalik sa pisngi ng mga ito, "Morning Pa, Ma."

"Christine, doon muna kami ng Papa mo sa may veranda. You're Brandon's fiance, take good care of him, okay." ang nakangiting paalam ng kanyang ina.

"Iho, take care on your way home. Drive safely." ang kanyang ama na nakangiti sa binata.

"Yes Pa." si Brandon.

Inantay muna ni Brandon na sila na lang ni Christine ang nasa salas at saka niya binati ang dalaga.

"Morning Christine, wala ba akong kiss tulad ng sa kanila." ang nanunuksong biro ng binata.

Ngunit hindi ngumiti si Christine. "If wala ka ng ibang sasabihin, I have other things to do." Na sinabayan niya ng pagtalikod.

"Still cold towards me?"

Muling hinarap ni Christine ang binata. "You know I love someone Brandon, we have an arrangement. Everything that we are doing are all based on what you've told me. To protect me and my secret. I already give in a little and you know that. But never, never ever cross that line again." ang madiin na sabi ni Christine.

"So you're still awake when I kiss you?" ang hindi natinag na si Brandon.

Matiim na tumitig si Christine sa mga mata ni Brandon. "Yes. And I feel bad and so stupid for allowing you to do that to me."

Lumapit si Brandon kay Christine, "Really? You feel stupid? Or nagustuhan mo din and you feel the warm in your body? You can't lie to me that easy Christine, alam kong nag sway ka na kagabi. Since yesterday morning ay ramdam ko na. Hindi na katulad ng dati ang presence ko sayo, iba na, may init ng kasama. At kung ginusto ko last night, alam kong alam mo kung saan tayong dalawa makakarating."

Isang sampal sana ang ibibigay ni Christine sa binata na nanatiling nakatingin sa kanyang mga mata.

"Do it Christine if you think that I'm wrong. You want me but you keep denying it to yourself." ang matatag na sabi ng binata.

Binawi niya ang kamay mula sa ere at mabilis na tumalikod. Lumakad na palayo habang patuloy na nagagalit sa kanyang sarili. Dahil ang mga sinabi ni Brandon ay katotohanan lamang. Kilala niya ang sarili at alam niyang totoo ang sinabi ni Brandon. Kung ninais nito kagabi ay malamang na magkatabi silang magigising na kapwa walang saplot sa kanilang mga katawan. Mahal niya si Dan ngunit magkaiba ang puso at ang kanyang katawan. Ang puso niya ay kay Dan ngunit ang kanyang katawan ay mahina pa din sa tawag ng laman na akala niya ay nagbago na simula ng matuto siyang umibig. Dahil sa bawat sandaling nasa malapit sa kanya si Brandon ay lagi siya nitong tinutukso at pinapainit. Isang katotohanan na ayaw niyang tanggapin, gusto ng kaniyang katawan na tanggapin si Brandon ngunit masidhing tinututulan naman ito ng kanyang puso at isipan.

Naiwan si Brandon na nakatingin lang sa papalayong si Christine, ngayon ang ningas ng pag-asa ay nasa kamay na niya. Nararamdaman niyang hindi magtatagal ay makukuha na din niya ang dalaga. At kapag ganap ng ngyari ang gusto niya ay ilalayo na niya si Christine sa lugar na ito, malayo kay Dan at sa mga alaala ng dalaga sa una nitong pag-ibig. Magiging kanya lang si Christine na kanyang iingatan at mamahalin sa lahat ng araw ng kanyang buhay. "You will be mine Christine, and mine alone."

*****

Sa isang marangyang tahanan sa Manila, nakaupo si Leandro habang masayang inaayos ang mga pictures na nasa lamesa na katatapos pa lang ma-develop. Hobby niya ang photography na isa sa madalas niyang pinagkakaabalahan bukod sa pag-aaral. Maingat niyang pinaghiwa-hiwalay ang mga larawan habang hinahanap ang isang larawan na pinanabikan niyang makita.

Nang kanya itong masilayan ay napangiti siya. Kakaibang damdamin ang nasa kanyang dibdib habang nakatingin sa hawak na larawan.

Natigilan siya saglit ng may yumakap sa kanya mula sa likuran.

"I like her face Kuya Lean. Who is she?" ang nakangiting tanong ni Khate.

Ngumiti lang din si Leandro sa kanyang bunsong kapatid na kinuha ang larawan mula sa kanya.

"She looks like an angel Kuya Lean."

Muling bumalik sa binata ang tagpong nagpabago sa katotohonan ng kanyang mundo. Ilang araw na din ang nakalipas ng pakiusapan siya ni Samantha na humiram ng libro sa library. Ayaw sana niyang sundin ang kaklase ngunit dahil may isang munting utang ng loob siya dito ay napilitan na din siya.

Pagkatapos hanapin ang libro ay napansin niya ang isang estudyante na abalang nagsusulat na mag-isa sa isang lamesang nasa pinakadulong parte ng library. Hindi niya maipaliwanag ang damdaming umusbong sa kanyang dibdib habang nakatingin dito. Ang hangin na nagmumula sa aircon na parang nakikipaglaro sa mahabang buhok nito ay isang tanawing napakasarap pagmasdan.

Umupo siya sa bakanteng upuan sa may katapat na lamesa kung saan naroon ang estudyante. At saka niya ito malayang pinagmasdan ng palihim habang nakabukas ang librong kinuha sa kanyang harapan. At hindi niya napigil ang sarili na kunan ito ng litrato ng palihim na siyang nasa kanya ngayon.

Nang matapos ang estudyante sa ginagawa nito ay nagsimula na itong ibalik ang ilang libro na hiniram. Nang bahagya na itong nakalayo ay kinuha niya ang isang libro na hiniram nito at binuksan ang huling pahina upang tingnan ang library card na naroon.

"Her name is Angela, and it suits her very well. She really looks like an angel." ang nakangiting sabi ni Leandro

Natuwa naman si Khate sa nakikita sa kanyang Kuya Leandro. Dahil never pa itong nagka girlfriend kahit na makisig , matalino at sobrang bait ng kanyang nakakatandang kapatid. Hindi ito naniniwala sa love at first sight na parang nagbago na ngayon.

"Do you believe in love at first sight now Kuya Lean?" ang nakangiting tanong ng dalagita.

Ngumiti din si Leandro at saka kinuha ang larawan mula sa kapatid.

"Yes I do my dear, I do believe in it now." ang sagot ng binata kay Khate habang nakatingin sa larawan ni Angela.

(Ipagpapatuloy...)

Author's Note: Please do "Likes", "Hearts" and give "Comments", only if you think that my story deserves one. Consider this my reward for giving plenty of my time for the continuation of the series. An additional motivation for me to go on.

It's not easy and it will probably takes more time, but like the first book, rest assured that the ending will be there, I'm not sure what kind of ending we will get, but it's still an ending nonetheless.

Donation Request : Willing po akong tumanggap ng kahit na maliit na donation mula sa aking mga readers na nakakaluwag. Load and Gcash lang po. MagPM lang po ang nagnanais na tumulong. Salamat po ng marami.

Copyright @ 2020 Van_TheMaster ALL RIGHTS RESERVED.

More from Van_TheMaster

Related Stories

Filipino Sex Stories

A Heady Edsa Experience 2

Padr3

Sa Pagpapatuloy. Umuwi ako sa amin at nagdahilan kay madre na may kina canvass na paninda. Masusi niya akong tinitigan...

13 minutes Read Time
Filipino Sex Stories

Dito sa baryo

specialguy15

Hi. First time kong gagawa ng story sana magustuhan nyo. Ako si Mark, 16 years old, dito mo nakatira sa Nueva...

2 minutes Read Time
Filipino Sex Stories

Ben 12 (Chapter 7)

Balderic

Author's Note: This story is may not be used, or copied by anyone without the permission of the original author...

27 minutes Read Time
Filipino Sex Stories

Richy Rich II

mozoerella

Sorry sa uber late na update haha mejjo naging busy lang. Anyway, eto na kasunod :) I immediately went to the...

6 minutes Read Time
Filipino Sex Stories

Nurses Sila Chapter 3

Balderic

Chapter 3:Malibog na Nurses By: Balderic Merong kumakalat na mga chismis patungkol kay Athena na kumakalat sa ospital na pinagtatrabahuan...

7 minutes Read Time