1. Home
  2. Stories
  3. Ang Mga Tukso Sa Buhay Ni Dan - Final Chapter - Till Death Do Us Part
Filipino Sex Stories

Ang Mga Tukso Sa Buhay Ni Dan - Final Chapter - Till Death Do Us Part

Written by Van_TheMaster on
NOTE: Please don't spoil yourself about the ending. You'll get there soon. Thank you.

FINAL Chapter


Tahimik lang si Brandon na nag-iisip habang nasa loob ng sasakyan ni Lance. Binabagtas na nila ang daan pabalik sa kanyang tahahan. Laman ng kanyang isipan ang mga nangyari kanina sa lumang gusali na pinuntahan. Nakuyom niya ang kanyang mga palad habang matiim na nakatingin kay Lance mula sa likuran.

Pagdating sa harap ng tirahan ni Brandon ay mabilis na lumabas ang galit na binata. Maagap namang sumunod ang kinakabahang si Lance.

"B-Brandon, saglit lang..."

Hinawakan ni Lance sa bisig si Brandon, "Calm down at mag-usap muna ta-""

Kasabay ng paglingon ni Brandon sa kaibigan ang pagbigay niya dito ng isang malakas na suntok sa mukha. Dahilan upang hindi na matapos ni Lance ang kanyang sasabihin at napalugmok na lang ito sa semento.

"You are really a piece of shit Lance. You gave me your word that you will not mention it to anyone!" ang galit na hiyaw ni Brandon sa nakalugmok na kaibigan.

Hindi naman tumayo na si Lance, naupo na lang ito sa semento at inilagay ang dalawang kamay sa kanyang mukha habang nakayuko.

"I'm really sorry Brandon. I never expected this to happen, not like this. Believe me Brandon, it's not my intention na ganito ang mangyayari."

Hinarap ni Brandon si Lance, galit na hinawi ang mga kamay sa mukha nito. Hinawakan niya ito sa may kwelyo at saka niya ito matalim na tinitigan.

"Not your intention? Pinapatawa mo ba ako, ha! Napakaduwag mo Lance. Wala kang sariling bayag! I thought you learned your lessoned after what you did to Angela. Pero nagkamali ako, you are really rotten to the core Lance. Makabawi ka lang, kahit itapon mo na ang pagkalalake mo ay gagawin mo. If you just keep your mouth shut about what I've told you, hindi sana mangyayari ito! Pinagsisisihan ko na isinama pa kita ng gabing iyon." ang galit ay hindi mawala sa tinig ni Brandon, walang kapayapaan ngayon sa kanyang damdamin dahil sa nasaksihan.

"Brandon, please, we're buddies okay? Just let it go..." ang pakiusap ni Lance na walang makuhang paliwanag sa galit na kaibigan.

"Just let it go? Ganun na lang kadali sayo yun? Can you still look Angela in the eyes dahil sa ginawa mo? Because I can't, especially kay Christine, kapag nalaman niya ang nangyari. You're the worst Lance." at saka binitawan na ni Brandon ang damit ni Lance at pumasok na sa kanilang tahanan.

Naiwan naman si Lance na tuliro ang isipan at hindi alam ang kanyang gagawin. Ngayon siya nakaramdam ng bigat ng pasanin sa kanyang kunsensya dahil sa ginawa niya.

*****

Pagkauwi ni Anton sa kanilang tahanan ay tahimik siyang agad na nagtungo sa kanilang kwarto ni Alice. Lumapit siya sa gilid ng kama at yumukod sa himbing na asawa. Ginawaran niya ng banayad na halik si Alice sa pisngi at marahang hinaplos ang ulo nito. Saglit pa niyang pinagmasdan ang magandang mukha ng asawa at saka siya muling lumabas ng kanilang kwarto.

Nagtungo si Anton sa bar at kumuha ng isang bote ng mamahaling alak, kumuha ng baso at yelo at saka siya nagsimulang uminom. Wala naman siyang balak na ubusin ang laman niyon. Nais lang niyang uminom na mag-isa habang nag-iisip ng susunod niyang hakbang. Sa kanyang isipan ay tama lang ang kanyang naging pasya, ito ay para sa kanyang iniingatan at minamahal na pamilya.

*****

Malapit ng mag-alas dos ng madaling -araw ng makauwi si Mika na kasama si Alex. Galing sila sa presinto at doon sila naghintay ng balita tungkol kay Dan. Ngunit ng may tatlong oras na ang lumipas at wala pa ding kahit na anong bagong impormasyon ay pinauwi na din sila ng mga pulis.

Mugtong-mugto na ang mga mata ni Mika sa kaiiyak at mabigat ang kanyang pakiramdam. Hindi niya alam kung nasaan si Dan at kung ano ang kalagayan nito ngayon.

"Lakad na Mika, magpahinga ka na muna. Kailangan mo ng matulog at madaling araw na." ang nag-aalalang si Alex.

Tiningnan ng humihikbing si Mika ang kaibigan, "Alex, please, samahan mo ulit ako bukas. Baka may balita na kay Dan.", at saka siya muling napaiyak. Ang kaba at takot sa kanyang dibdib ay hindi mawawala hanggat hindi niya nakikitang ligtas si Dan.

"Wag kang mag-alala Mika, sasamahan ulit kita. Babalik ako dito bukas ng tanghali para makadaan tayo sa presinto bago tayo pumasok." ang pag-sang-ayon ni Alex, tunay din naman siyang nag-aalala kay Dan at nais niyang makaalam din agad ng kahit na anong balita tungkol sa nawawalang kaibigan.

Nagliwanag sa loob ng kwarto ng magkapatid at bumukas ang pinto sa harap nila. Bumungad kina Alex at Mika ang kanina pang nag-aalalang si Ella dahil sa labis na pagkahuli ng uwi nina Dan at Mika.

Pagkakita ni Mika sa kanyang Ate Ella ay mabilis siyang yumakap at umiyak sa balikat nito.

"A-Ate, Ate..., A-Ate, si Dann...." ang lumuluhang si Mika.

Nakaramdam ng kaba si Ella, ngayon pa lang ay ramdam na niyang may hindi magandang nangyari sa binatang minamahal ni Mika.

"Kumalma ka muna Mika, a-ano bang nangyari?" , ang kinakabahang tanong ni Ella sa kapatid na nakayakap sa kanya.

Hindi makasagot si Mika na patuloy lang sa pag-iyak.

Tumingin naman si Ella sa nakatayong binata, "Alex, anong nangyari kay Dan? B-bakit hindi ninyo siya kasama?"

"Mamaya na lang Ella, patulugin mo na muna si Mika." si Alex na labis na nahihirapan sa nakikitang kalagayan ni Mika.

Ipinasok na ni Ella ang kapatid sa loob ng kwarto, saglit na sinara ang pinto at ini-lock. Pilit niyang pinagbihis ang wala sa sariling kapatid na patuloy sa pagluha. Ayaw niyang magtanong kay Mika na alam niyang wala sa tamang kondisyon ngayon. Kanina pa namamahay ang matinding kaba sa kanyang dibdib. Isa lang ang tiyak niya, may hindi magandang nangyari kay Dan.

Si Alex naman ay nagsindi ng isang sigarilyo sa labas habang nag-iisip.

Dahil sa pagod, puyat at matagal na kaiiyak ay nakatulog na din si Mika. At saka lumabas si Ella at naupo sa upuang kahoy na nasa harap ng kwarto ni Dan. Naupo na din si Alex sa kabilang parte ng upuan at malungkot na tumingin kay Ella.

"Alex, anong nangyari?" nasa tinig pa din ni Ella ang hindi mawala nitong kaba.

Huminga ng malalim si Alex at saka siya nagsimulang magsalaysay kung ano ang mga nalalaman niya.

Alas-syete pa ang pasok ni Dan ngunit papasok sana ito ng alas singko. Bago mag-alas singko ng hapon nangyari ang pagkuha kay Dan sa harap ng bar at ang dalawang guard at ang manager na si Mam Arcelle pa lang ang nakakaalam. Alas-singko y media na ng hapon ng nalaman nila ang nangyari dahil may mga dumating na pulis upang magtanong at mag-imbestiga. Sinabi ng mga pulis na sinubukan nilang sundan at hanapin ang van na ginamit sa pagkuha kay Dan ngunit nabigo sila. Pagkatapos kausapin ang lahat ng maaaring makapagbigay ng impormasyon ay umalis na din ang mga pulis. Naiwan ang ilan nalulungkot sa nangyari lalo na si Mam Arcelle na parang balisa, si Mika na panay ang pag-iyak at gayundin naman siya na nag-aalala din sa kaibigan.

"Yun lang ang alam ko sa ngayon Ella. Kaya bukas ng tanghali ay babalik kami ni Mika sa presinto upang makibalita ulit." ang malungkot na pagtatapos ni Alex sa kanyang paliwanag kay Ella.

Nakaramdam din naman ng lungkot at takot si Ella para kay Dan, dahil kadalasan ay iisa ang kinahihinatnan ng mga ganitong pangyayari.

"Salamat Alex, ikaw na muna ang bahala kay Mika. Hindi ako basta makakaliban sa trabaho." ang matamlay na sabi ni Ella. Hindi niya inaasahang may mangyayaring ganito kay Dan lalo't alam niyang lalayo na ito.

"Wag kang mag-aalala Ella, hindi ko pababayaang lumakad ng mag-isa si Mika. Kapwa ko sila kaibigan at mahalaga sila sa akin."

Malungkot man dahil sa kanyang nalaman tungkol kay Dan ay tipid pa ding napangiti si Ella. Dahil ramdam niya ang espesyal na pagtingin ni Alex sa kanyang bunsong kapatid.

"Sige Alex, matutulog na din ako. Salamat ulit sa pagdamay kay Mika." ang paalam na ni Ella, tumayo na siya at lumapit sa may pinto ng kanilang kwarto.

"Walang anuman Ella. Pumasok ka na at uuwi na din ako." si Alex na tumayo na din at ngayon ay nakaharap kay Ella.

Tuluyan ng pumasok si Ella sa loob ng kwarto nilang magkapatid at isinara na ang pinto.

Nagsimula namang maglakad si Alex papunta sa abangan ng sasakyan. Habang naglalakad ay nag-iisip pa din si Alex. May alam si Alex na posibleng may kinalaman sa nangyari kay Dan ngunit hindi niya ito sinabi sa mga pulis. Inilihim din niya ito kina Mika at Ella.

Ang laman ng isipan ni Alex ay sina Lance at Brandon lang ang maaaring gumawa ng ganoon kay Dan. Hindi pa nagtatagal ng may nangyaring hindi maganda sa pagitan nina Lance at Dan, at nang nagdaang gabi ay kasama ni Dan ang dalagang mapapangasawa ni Brandon. Sapat na ang mga pangyayaring ito upang maging banta sila sa kanyang kaibigan.

At kung totoo ang hinala niya ay dapat siyang mag-ingat upang wag ng madamay pa ang magkapatid na si Mika at Ella. Wala siyang kakayahang labanan ang magkaibigang sina Lance at Brandon kung sakaling ang mga ito nga ang may kagagawan sa pagkawala ni Dan. At kung sasabihin naman niya sa mga pulis ang kanyang mga nalalaman ay baka siya naman ang malagay sa alanganin.

Napabuntung-hininga na lamang si Alex, napakasaklap talagang maging isang mahirap, wala kang magawa upang lumaban sa mga anak ng mga taong may kapangyarihan sa lipunan at maimpluwensya.

Iisa na lamang ang nakikita niyang pag-asa na maaaring makakatulong sa kanila. Kailangang makausap niya ang dalagang kasama ni Dan sa gabi ng pagdiriwang. Kung tunay na iniibig nito si Dan ay hindi ito basta mananahimik na lang. Ang problema lang ngayon ni Alex ay hindi niya ito kilala at hindi din niya alam kung saan niya ito matatagpuan.

*****

Kahit malalim na ang gabi ng natulog si Angela ng nagdaang gabi ay maaga pa din siyang nagising. Magkahalong emosyon ang kanyang naramdaman ng makita ang kanyang dadalhing bag na hindi naman kalakihan. Naroon ang kanyang mga piling damit at kailangan, maging ang isang picture frame na kasama niya ang kanyang mga magulang.

Nakahanda na din ang isang liham na nasa loob ng kanyang magandang tokador. Nakasaad doon ang kanyang pag-alis na kasama si Dan upang maging maligaya sa piling ng nag-iisang lalakeng inibig niya. Naroon ding nakasulat ang kanyang pangakong babalik sa tamang panahon.

Tumayo na si Angela at pumunta sa gitna ng kanyang kwarto. Iginala ang kanyang paningin, maraming masasayang alaala ang narito sa kwartong ito. Tumingin siya sa may gawi ng tokador, sa kanyang isipan ay naroon ang mga alaala ng panahong siya ay nakaharap sa salamin, habang masayang sinusuklay ng kanyang ina ang kanyang mahabang tuwid na buhok.

Minsan pang tumulo ang luha sa kanyang mga mata. Mahal niya ang kanyang ama at ina, at ang pagmamahal ng mga ito sa kanya ay hindi niya kalilimutan kailanman.

Pagkatapos na maligo at magbihis ay bumaba na siya sa kusina kung saan naghihintay ang kanyang mga magulang.

Habang palapit naman kay Anton ang nakangiting si Angela ay nakaramdam siya bahagyang bigat sa dibdib.

"Good morning Dad." at saka humalik si Angela sa pisngi ng ama.

"Good morning Mom." , at humalik din sa pisngi nito.

Gumanti din ng bati sa kanya ang mga magulang at masigla silang kumain ng agahan habang nag-uusap ng masaya. Nang matapos ay isang huling tingin ang ibinigay niya sa kanyang mga nakaupong mga magulang ng nakatayo na siya.

"Dad, Mom, I love you so much po." ang nakangiting paalam ni Angela. Sa likod ng ngiting iyon ay naroon ang nakatago niyang lungkot dahil sa napakatagal na ulit bago niya makapiling ang mga ito.

"We love you so much too Iha." ang nakangiting sagot ni Alice sa anak.

Nang lumakad na palayo si Angela ay may ibang naramdaman si Alice na hindi niya maipaliwanag.

Gumawi na sa salas si Angela at kinuha ang bag na dadalhin niya sa paglayo. Nakakailang hakbang na siya ng marinig niya ang pagtawag ng kanyang ina.

"Angela, Iha..."

Tumigil naman sa paglalakad si Angela at pumihit paharap sa kanyang ina.

"Mom.." ang luha ay nasa mga mata ngayon ni Angela.

Dahil sa kanyang nakita ay niyakap ni Alice ang nag-iisang anak.

"What's wrong Iha?" ang nag-aalang tanong ni Alice.

Binitawan niya ang hawak na bag at buong higpit na yumakap sa kanyang ina.

"Nothing Mom, it's just that I love you so much po." ang lumuluhang sagot ni Angela, mabigat ang kanyang pakiramdam sa huling sandali na mayayakap niya ang ina.

"Stop crying na Iha, male-late ka na sa school." ang nakangiting si Alice habang pinapalis ang luha sa mga mata ng anak.

Tumigil naman sa pag-iyak si Angela at pilit na kinalma ang sarili.

"I'm going na po Mom..." ang malungkot na paalam ni Angela, napakalungkot ng kanyang pakiramdam habang nakatingin sa kanyang ina.

Napasin naman ni Alice ang bag na nasa sahig.

"S-School activities po Mom." ang sabi ng nag-aalangang dalaga ng mapansin na sa kanyang bag nakatingin ang ina. Hindi siya sanay ng nagsisinungaling talaga sa kanyang mga magulang.

"Go ahead na Iha, do take care, okay?"

"Yes Mom."

Muling ngumiti si Angela sa kanyang ina, kinuha ang bag at saka siya lumakad na palabas, patungo sa naghihintay na sasakyan na maghahatid sa kanya. Nang nasa loob na siya ng sasakyan ay hindi niya inalis ang kanyang paningin sa harap ng kanilang tahanan. Kahit ng palayo na ang sinasakyan niya ay sa kanilang tahanan pa din nakatingin si Angela habang tahimik na lumuluha.

Kahit nag-aalala dahil sa nakikita ay hindi na din naman nagtanong pa si Mang Lando.

*****

Magaan ang pakiramdam ni Christine habang nasa loob ng sasakyan na maghahatid sa kanya. Sapat lang ang damit at gamit na dala niya sa hindi kalakihang bag. Nakahingi pa siya ng malaking allowance na doble sa normal niyang natatanggap. Dala-dala pa niya lahat ng mamahaling alahas na nabili niya at nairegalo sa kanya.

Tiyak na malaking tulong ang mga ito sa pagsisimula nilang tatlo. Ngayon pa lang ay nagdiriwang na ang kanyang puso. Tiyak na hindi makakatanggi si Angela sa hatiang gusto niya.Tig-tatlong gabi silang dalawa sa piling ni Dan sa loob ng isang linggo.

Pagkababa ni Christine sa sasakyan ay mabilis siyang naglakad papasok. Saglit na tumigil at hinanap ng kanyang paningin sina Dan at Angela. Napangiti siya ng makita si Angela na nakatayo malapit sa isang building. Lumapit siya sa kaibigang naghihintay, at ng napansin niya ang mugto nitong mga mata na alam niyang galing sa pag-iyak ay binitawan niya ang kanyang dala at niyakap niya ito.

"Don't cry Angela, kasama mo naman kami ni Dan." ang pagpapalubag-loob ni Christine sa malungkot na kaibigan.

Yumakap din naman si Angela kay Christine, "Thanks Christine, pero I'm fine naman, it's just that na hindi ako sanay na malayo sa parents ko, especially to my Mom." ang malungkot na pag-amin ni Angela. Mabigat pa din ang kanyang kalooban, ngunit sa kabila niyon ay ang sayang makasama si Dan sa isang tirahan na parang mag-asawa.

"Everything will be fine Angela, trust me, okay? Before you know it, masasanay ka din." ang nakangiting si Christine. Ang kaibhan niya kay Angela ay wala siyang malalim na pagmamahal sa kanyang mga magulang na hindi pinapahalagahan ang damdamin niya. Masaya siyang makakalayo sa mga magulang ng walang mabigat na nararamdaman.

Napilitan na din siyang ngumiti, "I know Christine, Dan promise me na babalik din kami dito once na naging okay na ang lahat at tanggap na kami ng Dad ko."

"See, so le't enjoy na lang each other's company habang magkakasama tayo." yun din naman ang nasa isip ni Christine, ang balikan ang mga magulang sa tamang panahon. Lalo na kapag may anak na sila ni Dan upang hindi na siya maipagkasundo pa sa kung kani-kaninong lalake. Siya pa din naman ang nag-iisang tagapagmana ng mga ito. Kung hindi matatanggap ng mga magulang si Dan ay wala naman siyang pakialam. Siya naman ang makikisama at magdadala ng kanyang buhay at hindi ang mga ito.

Magkatabi nilang inilagay sa may kalayuan ang kanilang mga dalang bag upang hindi makaagaw pansin sa mga kakilalang nakakakita sa kanila.

Ngunit ng sumapit na ang oras ng unang klase at wala pa din si Dan ay nagsimula na silang kapwa kabahan. Naghintay pa sila ng isang oras ngunit wala pa din ang binatang dapat na kanina pa nila kasama.

"Christine, I'm worried na, he's already an hour late." ang labis na nag-aalalang si Angela.

"Angela, isang oras pa lang naman. Let's just wait for him a little longer." ang malumanay na sabi ni Christine kahit kinakabahan na din naman siya.

Saglit na nag-isip si Angela. At saka siya tumingin kay Christine, "Christine, I know where he lives. I've been to his place once, I think we should go there to check on him." ang parang nahihiyang sabi ni Angela. Ayaw sana niyang sabihin ito kay Christine ngunit nag-aalala talaga siya kay Dan.

Nakaramdam naman ng selos si Christine dahil sa sinabi ni Angela. Hindi naman lingid sa kanya kung ano ang ginawa ng dalawa sa mismong kwarto ni Dan. Pilit niyang pinayapa ang sarili, hindi ngayon ang sandali para makaramdam siya ng ganito. May punto naman si Angela, kailangang puntahan nila ang tirahan ni Dan upang alamin kung naroon pa ito.

"Angela, it's still early pa naman, maghintay pa tayo ng thirty minutes. Then saka tayo magpunta sa place ni Dan."

"Okay Christine."

At ng lumipas pa ang kalahating oras ay nagpasya na silang puntahan ang tirahan ni Dan. Sa kabilang gate na sila dumaan dahil may bantay si Angela na nasa harapan. Kumuha sila ng taxi at saka nagpahatid sa lugar na tinitirhan ni Dan.

Pagkababa nila ng sasakyan ay magkasunod nilang nilandas ang makitid na daan papasok. Nilapitan ni Angela ang pinto ng kwarto ni Dan at saka siya ilang ulit na kumatok ngunit walang nagbukas ng pinto o sumagot mula sa loob. Nagkatinginan silang dalawa at ang kaba ay lalong namahay sa kanilang dibdib.

"What now Christine?" si Angela na talagang kinakabahan na.

Natigilan saglit si Christine, lalong lumalaki ang kaba sa dibdib niya, "I know where he works, let's go there Angela."

Marahang tumango na lamang si Angela, kung wala dito si Dan ay baka nasa trabaho pa ang binata.

Ganap na silang lalakad na palayo ng bumukas ang pinto sa katabing kwarto ni Dan. Nakita nilang gulat na napatingin sa kanilang dalawa ang babaeng nasa loob ng kwartong iyon.

Hindi agad nakahanap ng sasabihin si Mika sa dalawang magandang dalagang nasa kanya ngayong harapan. Kilala niya ang napakagandang dalagang may alon-alon na buhok ngunit hindi ang kasama nito.

Saglit niyang pinagmasdan ito at kahit siya ay nakaramdam ng pagkailang, maputi din ang babae na tulad ng katabi nito at may makinis din na kutis. Ngunit ang kapansin-pansin ay ang napakaamo at maganda nitong mukha.

Pinagmasdan din naman ni Christine ang dalagang nasa harap nila. Maganda din naman ito at tawag pansin ang malusog nitong dibdib na tulad ng sa kanya. Nakaramdam siya ng inis kahit wala namang dahilan, katabi nito ang kwarto ni Dan at hindi niya ito kilala.

"Miss, hinahanap namin si Dan.", ang walang ligoy at medyo nasusuyang sabi ni Christine.

Nabigla naman si Angela sa inasal na kaibigan, "Christine."

Ibinaling ni Angela ang paningin sa kaharap na dalaga, "Miss, may usapan kami ni Dan na magkikita today pero kanina pa siya wala sa usapan namin. So we decided na magpunta na dito pero wala din siya sa room niya. We are both worried now." , ang mababa at malumanay na sabi ni Angela.

Malungkot namang tipid na ngumiti si Mika sa dalawa, "P-Pasok kayo sa loob....," at saka binuksan ni Mika ng maluwang ang pinto.

"Pwede mo namang sabihin sa amin dito. Hindi din naman kami magtatagal." ang inis pa ding si Christine.

Ibinaba saglit ni Angela ang bag na dala at hinawakan sa kamay ang kaibigan, "Please Christine, be nice naman, let's just get inside na lang, hm?" ang pakiusap niya.

Tiningnan saglit ni Christine ang kaibigang tulad niya ay labis ding nag-alala, "Fine Angela, let's get inside."

Kinuha ni Angela ang bag na dala at magkasunod silang pumasok sa kwarto ng dalagang nasa harap nila.

"Maupo muna kayo, pasensya na at maliit lang itong kwarto namin." si Mika sabay turo sa dalawang upuang plastic na magkatabi. Bukas naman ang mga bintana at may napasok namang hangin mula sa labas. Ngunit binuksan pa din ni Mika ang electric fan ng mapansin na parang pinagpapawisan ng bahagya ang dalawang dalaga.

"Thank you." si Angela ng makaupo na sila ni Christine.

Naupo na din si Mika malapit sa dalawa. Malungkot siyang tumingin sa mga ito, huminga siya ng malalim at saka sinabi ang nangyari kay Dan kahapon.

Habang nagsasalita si Mika ay hindi naman napigilan ni Angela ang mapaluha, "D-Dan..." At saka siya yumakap kay Christine.

"Christine, what are we going to do now? What did they do to him? I'm so scared for him Christine." , si Angela na panay pa din ang pag-iyak.

Napaluha na din naman si Christine, hindi niya inaasahan na ganito ang nangyari kay Dan ng nakaraang hapon, "Hush Angela, we need to be brave para kay Dan." , at patuloy lang si Christine sa paghagod sa likod ng kaibigan.

"He is alone right now Christine, wala siyang kasama na tutulong sa kanya, he need us right now Christine. I know he is calling my name from somewhere. He wants me to be with him and I need to be there." , labis ang paghihirap ng kalooban ni Angela, natatakot siya para sa nag-iisang lalakeng minahal niya. Alam niyang kailangan siya ni Dan, saan man naroroon ngayon si Dan, sa langit o impyerno man ay susundan niya ang kasintahan.

Labis na galit naman ang nararamdaman ni Christine. Sa kanyang isipan ay may dalawang tao lamang siyang pinaghihinalaan. Ang daddy ni Angela at si Brandon, kahit sino pa sa dalawa ang may kagagawan, kapag may nangyari kay Dan. Titiyakin niyang magbabayad ng malaki ang sinuman sa dalawa. Itataya niya ang kanyang buhay at pagkatao, makaganti lamang sa may kagagawan nito.

Si Mika naman ay napaluha na din habang nakatingin lang sa dalawang dalaga. Ramdam niya ang paghihirap ng mga ito dahil ganun din naman siya. Ang ipinagtataka lang niya ay kung ano ang relasyon ng magandang dalagang may maamong mukha kay Dan.

"Saglit lang, kukuha ako ng malamig na tubig." ang paalam ni Mika.

"Please." ang sabi ni Christine habang pilit na pinatatahan si Angela. Hindi niya tiyak ang relasyon nito kay Dan, ngunit alam niyang malapit ito sa binata. Dahil hindi ito luluhang kasabay nila kung hindi mahalaga dito si Dan.

Nagtuloy na si Mika sa isang tindahan at bumili ng sampung bote ng maliit na mineral water at ilang piraso ng mga naka-pack na tinapay. Maaari naman siyang bumili na lang ng yelo at ilagay iyon sa pitsel ngunit nag-aalala siyang baka hindi uminom ang mga ito. Hindi naman lingid sa kanya na maykaya ang dalawang dalaga at iba ang kanilang nakasanayan pagdating sa pagkain at inumin.

Pagbalik niya sa loob ng kwarto ay inilapag niya sa lamesa ang mga pinamili. Binuksan ang dalawang bote ng mineral water at iniabot sa dalawa.

Maagap namang kinuha ni Christine ang dalawang bote mula kay Mika, "Thank you."

"Here Angela, calm down na ,okay?", at iniabot niya sa humihikbing kaibigan ang isang bote ng malamig na tubig.

Pagkatapos uminom ng tubig nina Angela at Christine ay saka muling nagsalita si Mika.

"Mamayang tanghali ay babalik kami ng kaibigan ko sa presinto para makibalita. Kung gusto ninyong sumama sa amin ay dito na muna kayo magpahinga."

"Okay, sasama kami sa inyo.", At saka ibinaling ni Christine ang paningin sa kaibigan, "Are you fine with that Angela?"

Tumango naman si Angela habang nagpapahid ng luha sa kanyang mukha. Ayaw muna niyang mag-isip, kasama naman niya si Christine. Kung ano ang pasya ng kaibigan ay ganun na din ang sa kanya.

Muling tiningnan ni Christine ang dalaga.

"I'm Christine, and this is Angela, we are both very close friends of Dan." ang pakilala ni Christine sa kanila ni Angela, ayaw niyang maging komplikado para sa kaharap ang sitwasyon nilang tatlo nina Dan.

"And you are?" ang patuloy ni Christine.

"M-Mika."

"Mika, pwedeng malaman kung anong relationship mayroon ka kay Dan?" ang nanghuhuling tanong ni Christine.

Nakaramdam naman ng kaba si Mika dahil sa seryosong pagtitig sa kanya ng kausap na dalaga.

"Close kami pero magkaibigan lang kami ni Dan." ang mahinang sagot ni Mika. Yun naman talaga ang totoo, magkaibigan lang sila ni Dan at hanggang sa kama lang ang relasyon nilang dalawa.

Saglit pang tinitigan ni Christine ang parang naiilang na si Mika. Hindi na din siya nagtanong pa, may ibang mas mahalagang suliranin sila ngayon kaysa sa kung ano man ang tunay na relasyon ni Mika kay Dan.

*****

Kanina pa iba ang pakiramdam ni Alice, parang may mali sa paalam sa kanya ni Angela. Tumingin siya sa direksyon ng kwarto ng anak. Tumayo si Alice at mabilis na nagtungo sa kwarto ni Angela. Iginala niya ang kanyang paningin, parang wala namang nabago. Ngunit ng mapansin niyang walang ang picture frame ng kanilang pamilya sa isang istante ay nakaramdam na siya ng kaba.

Naalala niyang may dalang bag kanina si Angela, lumapit siya sa damitang aparador ng anak, at saka kinakabahang binuksan ang dalawang magkadkit na pinto nito. Ang kanyang kaba ay naging takot dahil wala na dito ang ilang damit ni Angela. Tinungo niya ang magandang tokador at isa-isang binuksan ang mga lagayan ng alahas at mahahalagang kagamitan ng anak. Naroon ang lahat ng mga iyon, walang nabawas ni isa man. Huli niyang binuksan ang nasa gitnang lagayan sa tapat ng salamin, at dito na bumungad sa kanya ang isang kulay asul na sobre na may eleganteng disenyo.

Nanginginig na binuksan ni Alice ang sobre at kinuha ang maganda at mabangong papel na naroon.

"Dear Mom,

It pains me so much to write this letter, because I really love you both. But Dad doesn't accept Dan for me so we decided to leave before it's too late for us. I know that you and Dad will get angry ang upset about my decision. I know that you will understand me Mom, because we are so much alike. Please tell Dad that I'm sorry .

I promise you Mom that I will find my way back home to see you both again.

I love you Mom. I love you Dad.


Angela"


Nagpahid ng luha sa mga mata si Alice habang hinahaplos ang mga bakas ng patak ng luha ni Angela sa liham ng anak. Ramdam niya ang paghihirap ng kalooban ng anak habang isinusulat nito ang liham ng pamamaalam nito sa kanilang mag-asawa. Ngayon niya lalong nalaman kung gaano kamahal ni Angela ang kasintahan nitong si Dan.

Mabilis siyang lumabas ng kwarto ng anak at nagsabi sa isang katulong na kumuha ng taxi sa labas. Hindi na siya nagpalit ng damit, kinuha lang ang kanyang shoulder bag at saka siya nagmamadaling nagtungo sa may salas upang maghintay.

Wala siyang pinagsabihan ni isa man sa mga katulong na kasama. Hanggat hindi nakakauwi ang kanyang asawa ay mas mabuting walang alam ang mga kasama nila sa bahay. Nang sinabi ng katulong na may taxi ng naghihintay sa labas dali-dali siyang lumabas ng bahay at nagpahatid sa school ni Angela.

Panay ang usal ng panalangin ni Alice na sana ay nasa school pa ang anak. Hindi niya kaya ang malayo sa pinakamamahal niyang si Angela. Kung hindi matatanggap ni Anton ang pagiging magkasintahan ng dalawa ay aalis na lang sila ni Angela sa bahay ng asawa.

Mas mabuti na iyon kaysa mawalay sa kanya si Angela. Kapag wala na sila ni Angela sa bahay ni Anton ay malaya na ang dalawa at hindi na kailangang magtago o lumayo pa.

*****

Pasado alas dose na ng tanghali ng makababa si Alex ng sasakyan. Naglalakad na siya ngayon papunta sa tirahan ni Mika upang muling samahan ang kaibigan sa presinto. Umaasa siyang sana ay may balita na kay Dan, dahil hanggang ngayon ay magkahalong takot at kaba pa din ang nasa kanyang dibdib. Pagpasok ni Alex sa makitid na eskinita ay tanaw na niyang nakabukas ang pinto sa kwarto nina Mika. Nakahanda na malamang si Mika upang makalakad na sila.

Pagtapat ni Alex sa may pinto ay gayun na lamang ang kanyang pagkabigla. Ang dalagang kagabi pa laman ng kanyang isipan ay narito na ngayong malapit sa kanya. Nahawakan niya ang kanyang mukha at napaluha siyang mag-isa. Dahil malamang na narito ito ngayon dahil sa pagkawala ni Dan. May malakas na silang kakampi ni Mika na tutulong sa kanila upang mahanap nila si Dan.

Nang makita ni Mika si Alex ay lumapit siya sa kaibigang nasa labas.

"Alex? Anong nangyari sayo? M-May balita ka na ba?" ang nag-aalalang si Mika.

Umiling naman si Alex habang nagpapahid ng luha sa kanyang mga mata. Pagkatapos tuyuin ni Alex ang mga luha sa kanyang mukha ay tumingin siya sa dalawang magandang dalaga na nasa loob ng kwarto nina Mika.

"Wala pa akong balita Mika, naalala ko lang si Dan." ang pagbibigay dahilan na lang ni Alex.

"Halika Alex, ipapakilala kita sa kanila bago tayo umalis."

Muling lumapit si Mika sa ngayon ay nakatayo ng sina Angela at Christine. Ipinakilala niya ang mga ito sa isa't-isa at saka sila magkakasamang nagpunta sa presinto. Pagdating sa presinto ay wala pa din silang nakuhang kahit na anong impormasyon tungkol kay Dan.

Nanlulumong nag-usap-usap silang apat kung ano ang gagawin. Nagpasya si Mika na magpaiwan sa presinto upang maghintay ng balita hanggang alas-dos ng hapon bago siya pumasok sa trabaho. Nagsabi naman si Alex na sasamahan niya si Mika upang may kasama ang dalaga at sabay na silang papasok na dalawa. Sina Angela at Christine naman ay nagpasyang umuwi muna sa kani-kanilang bahay.

Nagpaalam muna si Alex kay Mika na ihahatid ang dalawa sa may sakayan. Nang nasa labas na silang tatlo ng presinto ay saka nakiusap si Alex na kung maaaring makausap si Christine ng sarilinan. Pumayag naman si Christine ngunit kailangang makasakay muna si Angela ng taxi pauwi sa kanila.

Kinuha ni Christine mula kay Angela ang numero ng tirahan ng kaibigan. At saka niya ito sinabihang maghintay na lang ng kaniyang tawag. Malungkot silang naghiwalay ni Angela na mugto pa din ang mga mata.

Habang nasa loob ng sasakyan ay muling napaluha si Angela. Ayaw man niyang isipin ay naroon ang isang hinalang baka may kinalaman ang kanyang ama sa pagkawala ni Dan. Mahal niya ang kanyang ama tulad ng pagmamahal nito sa kanya. Tahimik siyang umusal na sana ay mali siya sa kanyang inaakala. Dahil kung may kinalaman ang kanyang ama sa pagkawala ni Dan, at may nangyaring masama sa kasintahan ay hindi niya ito mapapatawad.

Sa isang tahimik na kapehan nag-usap sina Alex at Christine. Dito niya sinabi ang lahat ng tunay niyang nalalaman tungkol sa pagkawala ni Dan kay Christine. Pagkatapos marinig ang lahat ng sinabi ni Alex ay lalong naging masidhi ang pagnanais ni Christine na makausap si Brandon.

Pagkatapos magsalita ni Alex ay muli siyang napaluha sa harap ni Christine, "Yun lang ang lahat ng alam ko, hindi ko yan sinabi sa mga pulis dahil natatakot ako para sa kapakanan namin ni Mika. Alam mo naman ang katayuan naming dalawa, mga kakaning itik lang kami sa lipunan. Madaling tapakan at itapon na lang kung saan. Kaya nagpapasalamat talaga ako na nagtagpo ang landas natin. Ikaw na lang ang pag-asa naming makakatulong sa amin." at saka malungkot na ngumiti si Alex kay Christine habang nagpapahid ng luha sa kanyang mukha.

"Salamat Alex, ngayong araw din ay kakausapin ko si Brandon tungkol dito. Kailangang malaman ko ang totoo mula sa kanya. Kapag may nangyaring masama kay Dan, at sila ang may kagagawan, hindi ko sila mapapatawad Alex." ang madiin na deklarasyon ni Christine.

Dahil sa nakitang determinasyon ng dalaga ay bahagyang gumaan ang pakiramdam sa dibdib ni Alex.

"Salamat talaga Christine, ikaw na lang ang pag-asa namin para mahanap si Dan." ang tapat na sabi ni Alex habang nakatingin sa dalagang tangi nilang pag-asa ni Mika.

Tumango naman si Christine kay Alex. Hindi na din naman sila nagtagal sa loob ng kapehang iyon. Pagkatapos magbayad ni Christine sa kahera ay nilapitan niya si Alex at muli siyang nagpasalamat dito. Sinamahan siya ni Alex sa may abangan ng sasakyan at saka siya nagpahatid sa isang taxi pauwi na sa kanyang tahanan.

Habang nasa loob ng sasakyan ay naglalaro sa kanyang isipan ang sinabing dahilan ni Dan kung bakit nila kailangang lumayo ng maaga. Maging ang katotohanang alam ni Brandon ang tungkol sa lihim niyang relasyon kay Dan. Hindi lilipas ang araw na ito na hindi niya nakakausap si Brandon. Hindi ito makakapagtago sa kanya.

*****

Hindi na naabutan ni Alice ang anak sa eskwelehan, at wala ding alam si Mang Lando kung saan naroon si Angela. Sinabi din ni Mang Lando na napansin niyang lumuluha si Angela habang palayo sila kanina. Pagkatapos na marinig ang lahat ng sasabihin ni Mang Lando ay sinabihan na lang niya ito na maghintay pa hanggang hapon at baka sakaling bumalik ang anak. At saka buong pait na nilisan ni Alice ang lugar na iyon.

Nakabalik na sa bahay si Alice at ngayon ay lumuluhang mag-isa sa loob ng kwarto ng anak. Kanina pa siya nasa loob ng kwarto ni Angela at hawak niya sa kanyang dalawang kamay ang isang picture frame na larawan ng anak. Labis ang kalungkutan na kanyang nararamdaman sa kanyang puso. Ngayon pa lang ay labis na siyang nangungulila sa masayang paglalambing sa kanya ni Angela.

Hindi niya alam kung kailan ulit niya masisilayan ang mukha ng anak, kung kailan niya ulit ito mayayakap at mahahagkan. At ang asawa niyang si Anton ang may kagagawan ng paghihirap ngayon ng kanyang kalooban. Kung tinanggap lang sana nito ng maaga ang kasintahan ni Angela ay hindi aabot sa ganito ang mga pangyayari.

Napatingin si Alice sa bumukas na pinto, at nagliwanag ang kanyang mukha ng makita si Angela. Mabilis siyang tumayo at iniwan ang larawan ng anak sa may kama. Niyakap niya ng mahigpit ang anak na akala niya ay lumayo na sa kanya.

"Angela, I thought you leave me na Iha. Please, don't ever do that again or you'll never see me again Iha. Dahil mamamatay ako sa labis kong kalungkutan at pangungulila sayo." ang lumuluhang si Alice habang nakayakap sa kanyang pinakamamahal na anak.

Napaluha na ding yumakap si Angela sa kanyang ina, ngayon niya nakita at nalaman ang paghihirap na dulot niya sa kalooban nito.

"I-I'm sorry Mom. P-Please forgive me na po." ang lumuluha ding si Angela.

Inilayo ni Alice ang kanyang anak mula sa kanya ng bahagya. Hinawakan niya ito sa magkabilang-pisngi at pinalis ang mga luha nito sa mukha.

"It's alright Iha, you're here now. I'm really happy na you've changed your mind about leaving us Angela." ang nakangiting si Alice, ang matinding kalungkutan na kanina lamang ay nasa kanyang dibdib ay ngayon ay wala na. Narito na ulit si Angela at muli niyang nakapiling ang anak.

Muling bumalik kay Angela ang dahilan ng hindi niya pag-alis, at ang takot ay muli na namang lumukob sa kanya. Napahawak siya sa kanyang ina ng mahigpit.

"M-Mom, something bad happened to Dan." ang naluluhang sabi niya sa ina.

Naguguluhan namang napatingin si Alice sa anak, "Calm down Angela, anong nangyari kay Dan?"

"Yesterday , some bad men took him at hindi pa po siya nakikita hanggang ngayon." at saka yumakap ng mahigpit si Angela sa ina habang umiiyak.

"I'm so scared for him Mom. I want to see him now and I don't know what to do." ang labis na nag-aalang si Angela. Hindi niya masabi sa kanyang ina ang hinalang nasa kanyang isipan dahil nag-aalangan pa din siya. Wala siyang katibayan na may kinalaman ang sarili niyang ama sa pagkawala ng kanyang kasintahan.

Hinaplos-haplos naman ni Alice ang likod ng anak. Sa kanyang isipan ay naroon ang isang hinala na sana ay mali siya. Na sana ay walang kinalaman ang asawang si Anton sa pagkawala ng kasintahan ni Angela.

*****

Pagkauwi ni Christine sa kanila ay kaagad niyang tinawagan ang numero ng tahanan ni Brandon. Isang katulong ang sumagot sa kabilang linya at sinabi ni Christine na nais niyang makausap si Brandon. Sinabi ng katulong na nasa eskwelahan pa si Brandon kaya sinabi ni Christine na ang ina na lang ng binata ang kanyang kakausapin kung naroon. Hindi naman nagtagal ay kausap na niya ito. Saglit silang nagkamustahan hanggang sa sinabi na ni Christine ang kanyang sadya talaga.

"Tita, can you please tell Brandon to come and see me right away when he got home?"

"Of course Christine, I will tell him the moment he arrives. Is that all Iha?

"Yes Tita, and thank you."

"Christine, is there something wrong?"

"Nothing Tita, It's about something personal between me and him, that's why we need to talk about it privately."

"I see. Don't worry Iha, sasabihin ko sa kanya mamaya.

"Thanks Tita, please tell him it's very urgent."

"I will Christine. Christine? Are you sure it's not something serious?

"No Tita."

"Okay Christine."

"Thank you Tita, and give my regards to Tito."

"Give my regards to your parents as well."

"I will Tita."

"Bye Christine."

"Bye Tita."

Pagkatapos makipag-usap ni Christine sa ina ni Brandon ay bumalik na siya sa kanyang kwarto upang magpahinga. Desidido na si Christine, kapag hindi magpupunta si Brandon sa kanilang bahay upang makaiwas sa kanya ay siya ang pupunta ngayong gabi sa bahay ng binata. Kailangang malaman niya ang totoo kung may kinalaman ba ito o wala sa pagkawala ni Dan.

*****

Pagkauwi ni Brandon sa kanilang bahay ay sinabi sa kanya ng ina na tumawag si Christine at nais siyang makausap sa mismong bahay ng dalaga. Tiyak na alam na ni Christine ang nangyari kay Dan at iyon ang nais nitong kanilang pag-usapan. Nagdadalawang-isip siya kung pupuntahan ba si Christine. Handa ba siyang sabihin ang totoo kay Christine na maaaring magbigay ng suliranin sa kaibigan niyang si Lance?

Nahihirapan siyang magdesisyon, nagtuloy na siya sa kanyang kwarto upang doon patuloy na mag-isip. May isang oras na siyang nakahiga ng muling tumawag si Christine at nais siyang makausap. Nag-aalangan man ay napilitan na ding bumaba si Brandon upang kausapin sa telepono si Christine.

Kinakabahang hinawakan ni Brandon ang telepono.

"Christine, it's me."

Huminga ng malalim si Christine, "Are you coming or not? Or do you want me to see you there?" ang madiin na sabi ni Christine.

Ngayon natiyak ni Brandon na tama ang kanyang nasa isip. Lalake pa din siya, kailangan niyang harapin ang dalaga, "Please Christine, just stay in your home. I'm coming. I'll be there shortly."

"I'll expect to see you soon Brandon. Please do hurry."

"I will Christine."

At saka walang paalam na ibinaba ni Christine ang telepono sa kabilang linya. Ramdam niya ang pigil na galit ni Christine sa bawat nitong salita. Bumalik siya sa kanyang kwarto at nagpalit ng damit. Lumapit siya sa kanyang ina at nagpaalam na pupunta kina Christine.

Habang nilalandas ang daan papunta kina Christine ay kinakabahan si Brandon. Hindi niya alam kung paano magsisinungaling o haharapin ang iniibig na dalagang dahilan ng kanyang pagdurusa at kalungkutan.

Pagdating niya sa bahay ni Christine ay agad siyang pinapasok ng katulong. Binati niya ang mga magulang ni Christine na labis ang saya ng nakita siya.

"Brandon, it's good to see you again. Mukhang matutuloy na ang breakfast natin tomorrow." ang nakangiting ama ng dalaga.

Tipid na ngumiti lang si Brandon, wala siya sa kondisyon upang makaramdam ng init ng katawan at saya sa kanyang puso dahil sa sinabi ng ama ni Christine, "Thanks Pa, but I really want to see Christine right now."

"Brandon." si Christine habang naglalakad pababa ng hagdan, at ang tatlong nasa salas naman ay sa kanya lahat napatingin.

"Ma, Pa, I want to talk to Brandon privately. Can you give us a moment?" , nang malapit na si Christine sa mga ito. Malamig ang kanyang boses at galit ang kanyang pakiramdam.

"Of course Iha, go upstairs and talk to Brandon in your room." ang sabi ng kanyang ina nakangiti sa kanilang dalawa.

"You heard my Mom Brandon, let's go to to my room." ang makahulugang sabi ni Christine.

Tumango naman si Brandon at sumunod sa dalagang bahagyang nauna sa kanya ng paglakad. Naiwan naman ang mga magulang ni Christine na kapwa masayang nakangiti sa salas. Pagpasok ni Brandon sa kwarto ni Chrstine ay ramdam niya agad ang malamig na hangin na nasa loob nito. Kasing lamig ng pagtitig sa kanya ngayon ni Christine.

Kung normal ang sitwasyon at wala siyang alalahanin ay tiyak na mainit dapat ang kanyang pakiramdam ngayon. Napakaganda ng loob ng kwarto ng dalaga at nang-aakit ang kamang nasa harap niya. Matagal na din ng huli siyang may naikamang babae. Dahil simula ng makilala niya si Christine ay hindi na siya naghangad o nagnasa pa sa iba.

Natigil sa pag-iisip si Brandon ng magsalita na si Christine.

"Brandon, Dan is missing since yesterday. Do you know anything about it?" ang direktang tanong ni Christine habang nakatingin sa mga mata ni Brandon.

Hindi agad nakasagot si Brandon. Nakatingin lang siya sa napakagandang mukha ng dalaga na may galit na ekspresyon. Nagtatalo ang kanyang damdamin sa nais niyang sabihin kay Christine.

Dahil sa nakitang pananahimik ni Brandon ay muli siyang nagtanong habang ang matinding takot ay nasa kanyang dibdib, "I-Is he still alive Brandon?", at kasabay nito ang pagdaloy ng luha sa magkabilang pisngi ni Christine.

Dahil sa hindi na kinaya ng damdamin ni Brandon ang paghihirap ni Christine sa kanyang harapan ay sinabi na din niya ang totoo. At napahagulgol na lamang ng iyak si Christine ng malaman ang mga paghihirap na dinanas ni Dan ng dahil sa pagmamahal nito sa kanilang dalawa ni Angela.

Pagkatapos kalmahin ang kanyang sarili, ay sinabihan niya si Brandon na isama ang mga magulang sa veranda. Kailangang makausap niya si Angela ng walang ibang tao malapit sa telepono. Pagkatapos na makalayo ang mga magulang kasama ni Brandon ay sinabihan ni Christine ang dalawang katulong na malapit sa kanya na magsialis sa may salas.

*****

Tahimik na kumakain ang pamilya ni Angela ng hapunan na hindi normal para sa kanila. May ideya naman si Anton kung bakit ganito sila katahimik. Alam na ni Angela ang nangyari sa kasintahan nito na hindi din nalihim sa kanyang asawa.

Habang walang siglang kumakain si Angela ay nasa kanyang isipan pa din ang paalala ng kanyang ina. Na ito ang kakausap sa kanyang ama. Napatingin siya sa kanyang ina na tumango lang sa kanya. At saka ibinaling saglit ni Angela ang paningin sa kanyang ama bago itinuloy ang tahimik niyang paghahapunan.

"Is there something you want to tell me Iha?" ang kaswal na tanong ni Anton.

Malungkot na umiling lang si Angela, "Nothing po Dad."

Natigil sila sa pagkain ng lumapit ang isa nilang katulong.

"Mam Angela, may tawag po kayo sa telepono. Christine daw po Mam, importante daw po." ang sabi nito.

Walang paalam na iniwan ni Angela ang mga magulang at mabilis na nagtungo siya sa may telepono.

"Christine."

"A-Angela, l-listen to me very carefully." ang nanginginig na si Christine.

"I'm listening."

"I-It's your Dad A-Angela, B-Brandon told me everything just now. He was there together with Lance and your Dad Angela. T-They did something bad to Dan. P-Please Angela, talk to your Dad." ang naiiyak na si Christine sa kabilang linya.

Nabitawan na ni Angela ang telepono at hindi na niya nasagot ang kaibigan. Napatingin siya sa direksyon ng kusina kung saan naroon ang kanyang ama. Mabigat ang kanyang mga hakbang na bumalik sa kinaroroonan ng mga magulang.

Natigilan naman sina Anton at Alice ng makita si Angela na lumuluha sa harapan nila.

"D-Dad..., where is Dan?" ang kinakabahang tanong ni Angela.

"I don't know what you're talking about Iha."

Pinalis ni Angela ang mga luhang patuloy na naglalandas sa kanyang pisngi, "I-Is he alright Dad? I want to see him now Dad, please."

Nang hindi pa din ito sumagot ay malungkot na ngumiti si Angela sa kanyang ama, "D-Did he call my name when he was with you Dad?"

Galit na napatingin si Alice sa asawa, "Anton..., do you know where Dan is?"

"Wala akong alam sa mga sinasabi ninyo?" ang galit na hiyaw ni Anton.

"I love him Dad, and I promise Dan that I will always be with him. Na kahit saan siya naroon ay sasamahan ko siya." at saka muling ngumiti si Angela sa ama na puno ng lumbay ang kanyang mukha.

Mabilis na kinuha ni Angela ang isang kutsilyo sa lagayan nito at nagtungo sa kanyang kwarto. Nahintakutan namang napasunod ang kanyang mga nabiglang magulang.

"Angela! Angela! Wait..." ang sigaw ng kanyang natatakot na ina.

Mabilis na nakapasok si Angela sa loob ng kanyang kwarto at ini-lock ang pinto. Nang makaabot naman si Anton ay ubod lakas niyang sinipa ng sinipa ang pinto sa kwarto ng anak.

Nang tumambad sa kanilang mag-asawa ang ayos ni Angela ay isang nakakakilabot na takot ang naramdaman nila. Sinigawan ni Alice na magsilayo ang mga katulong na malapit sa kanila.

"A-Angela, Iha, p-please stop..." ang pakiusap ng natatakot na si Anton.

Nakatayo si Angela malapit sa kanyang kama at ang kutsilyo ay nasa pulsuhan ng dalaga.

"D-Dad, I want to see him now. P-Please let me see him." ang lumuluhang si Angela.

Nang isang beses pang humakbang si Anton ay bahagyang idiniin ni Angela ang kutsilyong hawak sa kanyang kamay dahilan upang magdugo ito ng kaunti.

"Anton stop!" ang hiyaw ni Alice na piniligan ang asawa sa paglapit.

"Angela, please Iha, stop it na, hindi ko na kaya ang nakikita ko Angela." ang lumuluha niyang ina.

Malungkot na muling napangiti ang patuloy sa pagluhang dalaga. "If I don't see him now, then I'll be happy to be with him. I'm sorry Mom, but I love him so much and we made a promise. That we will always be together. In this life or the next."

"Angela..." at lalapit sana si Alice ngunit lalong diniinan ni Angela ang pagkakahawak sa kutsilyo na nasa kanyang pulsuhan.

Mabigat ang loob na umalis si Anton sa harapan ng anak at nagtungo sa kanyang study room. Hindi niya kayang makita ang nag-iisang anak sa ganoong kalagayan. Ngunit hindi din niya kayang aminin ang totoo. Mabilis namang sumunod si Alice sa kanyang asawa.

Lumapit si Alice sa asawang nakaupo sa harap ng lamesa nito, "A-Anton, please, kung may alam ka kung nasaan si Dan. Tell me now, I'll go and get him right away. Angela is our only child Anton, please, tell me where he is." ang buong pusong pakiusap ni Alice sa asawa habang umiiyak.

Ngunit nanatiling nakaupo lamang si Anton. Magkadikit ang kanyang kamay na nakatukod ang dalawa niyang siko sa lamesa.

"You know nothing Alice, pinaglalaruan lang ng hayup na yun si Angela! May iba pa siyang babae bukod sa anak natin Alice!" ang galit na sabi ni Anton.

Natigilan naman si Alice dahil sa narinig, para na ding inamin ni Anton na ito ang may kagagawan sa pagkawala ni Dan.

"That's not important right now Anton. We need to save Angela first. Please Anton! Telll me where he is?" ang muling pakiusap ni Alice sa asawa, kung totoo man o hindi ang sinabi nito ay hindi na mahalaga. Ang buhay ng nag-iisa nilang anak na si Angela ang nakataya. Wala na siyang pakialam sa kahit na ano pang dahilan ng asawa.

Dahil sa nanatiling tahimik si Anton ay marahas na hinawakan ni Alice ng kanyang dalawang kamay ag bisig ni Anton.

Tinitigan niya ng matalim sa mata ang asawa, "Anton, kapag may nangyaring masama kay Angela dahil sa kagagawan mo. I swear it to you now, till my last breath, pagdudusahin kita ng husto at magbabayad ka sa akin ng mahal."

At saka galit na iniwan Alice ang asawa at muling bumalik sa kwarto ng anak. Naiwan naman si Anton na napasandal sa kanyang upuan at tahimik na lumuhang mag-isa.

*****

Pagkapasok ni Gavino sa bahay na iyon ay halos na magkakasabay na bumati sa kanya ang mga inabutang tauhan. Kumuha siya ng isang basong tubig at saka nagtuloy sa loob ng isang kwarto. Inilapag sa sahig ang baso ng tubig at saka isinandal ang nakahigang lalake sa pader. Inalis ang pagkakatali sa bibig nito at saka niya ito pinainom ng tubig.

Dahil sa hinang-hina na at masakit pa din ang kanyang katawan ay pilit na ininom ni Dan ang tubig na ibinigay sa kanya ng lalakeng nasa kanyang harapan.

Pagkatapos siyang painumin ay muling ibinalik ni Gavino ang pagkakatali sa bibig ng lalake. At saka siya naupo sa isang upuan habang nakaharap sa lalakeng bihag nila ngayon.

Matagal na niyang kaibigan si Anton, malupit ito kung kinakailangan ngunit hindi ito mamamatay tao na tulad niya. Hindi niya alam ang eksaktong nais na mangyari ni Anton. Ang ginawa lamang niya at ng kanyang mga tauhan ay ang ayon sa sinabi ng kaibigan.

("tok""tok""tok")

"Boss, may tawag kayo." ang sabi ng isa sa mga tauhan niya mula sa kabilang pinto.

Lumabas si Gavino pagkatapos na minsan pang tapunan ng tingin ang nahihirapang lalakeng nakatingin din sa kanya. Pagkatapos makipag-usap ni Gavino ay muli siyang bumalik sa pinanggalingang kwarto kasama na ang dalawa sa kanyang tauhan. Itinayo ng dalawa si Dan, sinakluban ulit ng itim paper bag sa ulo at saka nila inilabas ng kwarto.

Mahaba na din ang tinakbo ng sasakyan ay nag-iisip pa din si Dan. Masakit at manhid na ang kanyang katawan ngunit humihinga pa din naman siya. Akala niya ay katapusan na niya kagabi ng itapat sa kanya ng lalakeng nagpainom sa kanya ng tubig ang baril nito. Ngunit sa malapit sa may ulunan niya ito nagpaputok at iyon na ang huling alaala niya ng muli siyang magising. Ngayon ay labis na naman siyang nag-aalala dahil hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng mga ito.

Nagliwanag ang kanyang paningin ng biglang alisin ng mga ito ang takip sa kanyang ulo. Nagulat si Dan ang mapansin niyang nasa harap siya ng bahay ni Angela. Kinalag ng isang lalake ang pagkakagapos sa kanyang kamay at saka siya inilabas ng mga ito mula sa sasakyan.

Bumukas naman ang gate at lumabas si Anton at Mang Lando. Saglit na kinausap ni Anton si Gavino at saka lumayo na ang sinasakyan ng mga ito. Tiningnan lang ni Anton si Dan na nakahandusay sa may semento na nagpipilit na tumayo. Pagkatapos magbilin kay Mang Lando ay bumalik na sa loob si Anton.

*****

Pagkauwi ni Brandon sa kanilang bahay ay kaagad niyang tinawagan ang bahay ni Lance.

"What? Are you kidding me? Bakit ka umamin kay Christine?" ang kinakabahang si Lance habang kausap si Brandon sa telepono.

"I'm not like you Lance, may kunsensya pa din akong tao. It's your fault kung bakit nangyari ito. Don't blame me for this mess that you created!" ang galit na sagot ni Brandon sa kaibigan at saka niya ibinagsak ang telepono sa may lagayan.

Kung magalit man sa kanya ang kaibigang si Lance ay balewala na sa kanya. Makakatingin pa din siya ng diretso sa mga mata ni Christine at wala siyang dalang mabigat sa kanyang kunsensya ang mas mahalaga.

*****

Sa loob naman ng kwarto ng dalaga ay patuloy na nakikiusap ang lumuluhang si Alice sa kanyang anak.

"Angela, Iha, please, you're bleeding now anak. Don't make me suffer more dahil sa nakikita ko. Don't you love Mom Iha?" ang buong damdaming sabi ni Alice habang lumuluhang nakatingin sa anak.

Malungkot namang ngumiti si Angela, "I'm so sorry Mom, but I have to do this.", mugtong-mugto na ang kanyang mata at puro luha na ang kanyang mukha at damit.

Napatingin sina Alice at Angela sa bumukas na pinto. At napaiyak ng malakas si Angela ng makita si Dan na nakatayo na alalay ni Mang Lando. Mabilis niyang binitawan ang kutsilyo at saka tumakbo payakap kay Dan na nabuwal sa kandungan niya.

"D-Dan..., Daann.." ang palahaw ni Angela habang nakayakap sa puro pasang katawan ng kasintahan. May mga bahid pa ng natuyong dugo ang mukha at damit nito na lalong dumurog sa puso ni Angela.

Ngumiti si Dan at pilit na itinaas ang kanyang kamay upang haplusin ang maganda at maamong mukha ng kasintahan.

"A-Angela..., ilang ulit kong tinawag ang pangalan mo sa aking isipan ko."

"I know Dan, alam kong hinahanap mo ako. And I made a promise naman diba, na hahanapin din kita." ang patuloy sa pagluhang dalaga at saka niya hinawakan ang kamay ni Dan na nasa kanyang pisngi.

"I love you Angela." ang huling nasabi ni Dan bago muling pumikit ang kanyang mga mata.

"D-Dan? D-Dannn..." at saka buong higpit na niyakap ni Angela ang kasintahan habang lumuluha siyang nakatingin sa kanyang ina.

*****

Dumaan muna si Christine sa isang tindahan ng mga bulaklak at nagsabi ng kanyang gusto. Habang naglalakad ay minsan pang sinamyo ni Christine ang mga magagandang rosas na may ibat-ibang kulay na kanyang dala.

Nagmulat ng mga mata si Dan at ang nakangiting si Angela na nakaupo sa gilid ng kanyang kama ang agad niyang nakita.

Hinaplos ni Angela ang buhok ng kasintahan at saka niya ito inalalayan na sumandal sa may ulunan ng kama.

"Dan, musta ang pakiramdam mo?" ang malambing na tanong ni Angela.

"Okay naman ako Angela." ang nakangiting sagot naman ni Dan.

"Are you hungry? May iba ka bang kailangan Dan?"

Saglit na nagkunwang nag-isip si Dan, "Matamis na halik."

Malambing namang napa-giggle si Angela, inilapit ang kanyang mukha sa binata at naghinang ang kanilang labi habang magkahawak ang kanilang kamay.

Nakangiti namang binati ni Christine ang nakasalubong na sina Alex at Mika.

"Going home already?" si Christine.

"May pasok pa kasi kami ni Alex." ang nakangiting sagot ni Mika. Maaliwalas na ang mukha ng dalaga at magaan na ang kanyang pakiramdam.

Saglit pa silang nag-usap at saka siya humiwalay na sa dalawa.

Bumukas ang pinto at pumasok si Christine, lumapit siya kay Angela at inilapag ang bulaklak niyang hawak malapit kay Dan.

Nakangiting tumingin si Christine kay Angela, "Angela, it's my turn to take care of Dan. Kailangan mo ding magpahinga."

"A little longer Christine, let's stay here together muna, maaga pa naman at hindi pa ako pagod." ang nakangiti ding sagot ni Angela sa kaibigan.

Gumawi si Christine sa kabilang side ng kama ni Dan, "How do you feel today?"

"Okay na ako Christine." ang nakangiting sagot ni Dan.

"Then it's good." , at saka ginawaran ni Christine ng mainit na halik sa labi si Dan.

Ikalawang araw na ni Dan sa ospital at nais na niyang lumabas ngunit hindi pumayag ang dalawang dalaga. Labis na ligaya ang nararamdaman ni Dan habang nakatingin kina Angela at Christine.

"Angela, Christine..." ang masuyong pagtawag ni Dan sa dalawa.

Naupo na din si Christine sa gilid ng kama ni Dan katapat ni Angela.

Hinawakan ni Dan ang kamay ng dalawang dalaga at nangusap ang kanilang mga mata. Naroon ang mga salitang hindi na kailangang bigkasin pa na nagpapatunay sa tapat na pag-iibigan nila. Mali man tingnan sa mata ng mga tao ay hindi na mahalaga. Dahil maligaya na silang tatlo na magkakasama at sapat na iyon sa kanila. Kung hanggang saan sila dadalhin ng kanilang kapalaran ay panahon na lamang ang magpasya. Hanggat hawak nila ang pag-ibig sa puso ng bawat isa ay wala silang takot at pangamba.

-Wakas-

Writer's Note : Maraming salamat po sa inyong lahat na aking nakasama sa buong panahon ng aking paglathala sa series na ito. Sana ang bawat isa sa inyo ay nabigyan ko ng saya sa mga sandaling binabasa ninyo ang aking mga naisulat na kabanata sa buhay ni Dan. Kayo pong lahat ay parte ng story na ito. MARAMING SALAMAT PO SA INYONG LAHAT.

PS: Please do comments and give your reactions, it inspires me to continue. Giving hearts and likes doesn't requires an effort. Do this only if you think that my story deserves one. Thank you.

Copyright @ 2020 Van_TheMaster ALL RIGHTS RESERVED.

More from Van_TheMaster

Related Stories

Filipino Sex Stories

rainy days II

szadeck

Nang lumabas nako nang banyo, nakita ko siya sa kama na kumakain ng spageti ng jolibee, nasabi ko tuloy "specialty...

7 minutes Read Time
Filipino Sex Stories

Kaputol (3)

aero.cock78

Continuation... Habang nag mamaniho pauwi si Angelica ay bumalik sa kanyang isipan ang mga tinuran ni tina sa kanya... " wag...

12 minutes Read Time
Filipino Sex Stories

My Valentine's Day

Balderic

MARLON**** ********** Malapit nanaman ang ang araw ng mga puso. Narito ako sa opisina at tulalang nakatitig sa malaking salamin ng...

14 minutes Read Time
Filipino Sex Stories

The Love Of My Lovable Mother -28-

Kimbie101

"Read at your own RISK" . . . . . . . . . . . . . "Aaahhh, Kenjii, ang sarap" daing ni Diane matapos ang nakakabaliw na orgasm Pero si Kenji...

9 minutes Read Time
Filipino Sex Stories

Antigo 1: Salamin-Part 5

hapiko

Salamin Part 5 Taksil "H-huwag kang la-lalapit.... Si-sino ka?", tanong ng takot na takot na misis. Kinuha ang kumot upang takpan...

11 minutes Read Time
Filipino Sex Stories

Kaputol (8)

aero.cock78

Continuation... Masaya silang nag kwentuhan ni robin at tony habang nag kakape ng lumabas si linda at nag dilig ng...

12 minutes Read Time
Lagablab

Shooter Game Six

yoanstranger

GAME SIX. FIRST QUARTER. Nagkaroon ulit kami ng tune up game laban naman sa Roosevent High School. Kami ang dumayo...

14 minutes Read Time