1. Home
  2. Stories
  3. Ang Yummy ni Yumi... ( 12 )
Lagablab

Ang Yummy ni Yumi... ( 12 )

By wish_trish ·
" Ang Yummy ni Yumi... " ( 12 ) EPILOGUE: Dinala ko ang aking misis na si Yumi para sa kanyang pre-natal check-up. Pinanuod ko habang nilalagyan ng babaeng duktor na kakilala ko, ang tiyan ng aking maybahay ng isang klaro, ngunit malapot na likido. Para makasiguro na walang banta sa aming kambal ay sumailalim muli sa ultra sound ang aking asawa, at pinanuod ko sa screen ang itsura ng aming mga supling sa loob ng kanyang sinapupunan. "There you go... ayan ang baby girl ninyo Mrs. Carbonell... ano ba ang balak niyo itawag sa kanya?" Tanong ng duktor sa amin. "Kendra po 'yung babae, 'yung lalake ipapangalan namin ay Maverick." Sagot ko naman dito. Tumango naman si Yumi sa duktor, at nakita kong ang lalakeng baby naman namin ang naka focus sa screen. Masaya akong makita na malusog at ok naman ang lagay ng aming mga anak sa ultra sound, at hinalikan ko ang nuo ng aking maybahay. Saglit lamang ang proceedure, at tinawag ako ng duktora upang sumunod sa kanyang klinika habang tinutulungan ng nurse ang aking asawa upang magbihis. Sa kabilang kanto pa ng pasilyo ng ospital ang klinika ng duktora, at nang maabot namin ito'y isinara niya agad ang pinto upang walang makarinig sa aming paguusap. ala ba siyang pagdududa?" Tanong ng duktora sa akin, matapos niyang ikandado ang pinto ng klinika. "Wala naman, mukhang hindi siya nakakahalata." Sagot ko dito. "Mabuti kung ganun. Mahusay ang iyong ginawa." Sabi nito sa akin. "Salamat dok, pero sana po, walang makaka alam ng ating sikreto. Gusto kong palakihin ang mga bata na parang tunay kong mga anak... walang dapat maka alam na baog ako. Baka ikasira ng pagsasama namin ito." Tumango ang duktora, at nangako na itatago ang lihim ko. Kumatok sa pinto ng klinika ang nurse na akay akay ang aking maybahay. Mabilis siyang pinaupo sa isang silya paharap sa desk ng duktora. "Ok na, naka schedule ka na para i-kapon next week Mr. Carbonell. Gaya ng sabi mo, dalawa na agad ang anak mo, isang babae, at isang lalake, kaya't nais mo nang makasiguro na hindi na madadagdagan ito." Sabi ng duktora sa akin. "Mahal? Sigurado ka ba? Parang hindi naman kailangan pa 'yan eh. Puwede naman ako mag pills, o magpatali?" Mungkahi ng tumaba ngunit maganda ko pa ring misis. "Ok na 'yan mahal, 'wag mo na problemahin pa... para sigurado ako na mas maaalagaan pa natin ang mga anak natin. Responsible parenthood nga 'di ba?" At hinawakan ko ang kanang kamay nito. "So, we're set. Next week na Mr. Carbonell... I'll see you then." Tumayo ang duktora at kinamayan kami ng aking asawa, hudyat na tapos na ang aming appointment dito. Tinulungan kong tumayo si Yumi, at inalalayang lumabas ng pinto. Nilingon ko ang duktora habang pasara ang pinto, at kumindat dito. Kampante ang loob na hindi na mabubulgar pa ang aking sikreto. -The End-