1. Home
  2. Stories
  3. Ang Yummy ni Yumi... ( 3 )
Lagablab

Ang Yummy ni Yumi... ( 3 )

By wish_trish ·
" Ang Yummy ni Yumi... " ( 3 ) "Medyo nasasanay ka na rin magmura mahal ko. Kagabi, parang hiyang hiya ka pa eh, pero ngayon mas kumportable ka nang sabihin ito. Basta mahal ha, gusto ko sa tuwing kakantutin ka, i-todo bigay mo. Ayoko 'yung hiya hiya pa, tapos na tayo sa stage na iyon, ilang taon na tayong kasal eh, mas gusto ko na ngayon 'yung wala kang hiya hiya pag iniiyot ka. Ok ba mahal?" Tanong ni Caloy sa akin na pinapatuyo ang braso at dibdib ko ng isang malaking tuwalya. Namumula ako sa hiya sa maaaring nasaksihan ni Mico, at parang balisa ako kung sasabihin ko ba ito sa walang malay sa naganap na mister ko. Tumingala ako sa mukhang maamo ni Caloy, at halos matunaw ako sa ngiti ng gwapong mister ko. "Ano 'yun mahal? Ano sabi mo?" Tanong ko dito. Natawa ito, at inakalang tulala ako sa sarap ng aming kantutan kanina. Sinuotan ako ni Caloy nang bagong pink na mahabang t-shirt na paslubong niya sa akin, at sinabihang maunang bumaba habang magbibihis lamang siya. Inabutan ko si Mico na kumakain sa hapagkainan sa kusina, ng kaning lamig at isang buong fried chicken na niluto ko kagabi. Punong puno ang bibig nito nang tanungin ako kung nasaan ang mister ko. "O, akala ko tatawagin mo si pareng Caloy mare, asan na?" Sumusubong sabi nito. Lumingon ako sa sala kung saan nanduon si Kevin na nakikipagusap sa syota niya sa telepono, at hinarap kong muli si Mico sa may kusina upang sagutin. "Ah eh, susunod na daw, may inaayos pa kasi sa taas." Mahinang sagot ko dito. "Tagal naman ha, kanina pa 'yan. Kung ayaw niya kaming harapin ni pareng Kevin sabihin niyo lang, aalis na lang kami." Payamot na sabi nito. "Ito naman, hindi naman sa ganun ano. Tampuhin naman nito." Sabi ko kay Mico habang binubuksan ang ref upang kumuha ng malamig na juice mula rito. Inilagay ko sa isang baso ang juice at inabot kay Mico ito. Sa 'di sinasadya ay sumagi ang mainit na kamay ni Mico sa aking mga daliri, at parang nakaramdam ako ng kuryente sa pagkakataong iyon. Nagkatitigan kami, at parang may kung ano ang nakita ko sa kanyang mga mata, nang biglang bumaba nang hagdan ang aking mister. Agad tumayo si Mico, at umakbay sa aking asawa. "Loy... ano, musta ang milyunaryo kong kaibigan?" Sabi nito habang sinusuntok nang mahina ang braso ng aking mister. Ibinaba ni Kevin ang telepono at lumapit rin kay Caloy upang batiin ito, at kantyawan nang pasalubong na agad namang iniabot ng aking mister sa dalawa niyang matalik na mga kaibigan. Mukhang tuwang tuwa naman ang dalawa sa mga pantalon, t-shirt, at mga pabango na binili nito sa Duty Free para sa mga ito, at nakita kong nag pasalamat sila kay Caloy. "Kami rin, may pasalubong sa iyo. Eto o..." Inabot ni Mico kay Caloy ang isang plastic bag na kulay asul, at nang isa isahing ilabas ni Caloy ang mga laman nito ay nagtawanan ang magbabarkada. Limang malalaking bote ng gin, at ilang malalaswang porn CDs ang laman nito at nagtutulakan ang tatlo sa kanilang mga kalokohan. "Alam namin wala niyan sa bansa ng Arabo, kaya 'yan ang agad naming binili para sa iyo." Tumatawang sabi ni Kevin habang inumpisahang isukat ang isang t-shirt na pinasalubong sa kanya ng mister ko. "Umpisahan na natin ito. " Sabi naman ni Mico na kumuha ng baso sa kusina at naglagay ng tagay dito. Umupo sa isang mahabang sofa si Mico katabi si Caloy, habang si Kevin nama'y sa nag iisang sofa sa may kanto. Kumuha ako ng yelo mula sa ref at ilang sitsirya na pampulutan ng magbarkada. "O, mahal, hindi nilalagyan ng yelo ang gin." Natatawang sabi ni Caloy sa akin, at hinila nito ako upang maupo sa pagitan nila ni Mico. "Ay ganun ba 'yun? Akala ko kasi parang beer din 'yan na kelangan malamig pagininom. Pasensya na." Nahihiya kong sabi sa mister ko, na agad namang humalik sa pisngi ko. "Naku, ang esmi ko talaga, napaka inosente pa. Marami ka pang dapat malaman mahal para ganap ka nang maging isang bihasang maybahay." "Oo nga Yumi... nung una ka naming makilala puro mahahabang palda at polong kupas mga suot mo, manang na manang. Ngayon mas kumportable ka na sa mga t-shirts, skinny jeans, at minsan manipis na kamison lang." At kumindat ito sa mister ko na hinahaplos ang aking kanang braso. Sasagot sana ako nang biglang umingay ang T.V. sa pag pindot ni Kevin ng play button sa aming DVD player, at nag umpisa ang CD na dala ng mga kaibigan ng mister ko. Sa umpisa pa lang ay mga katawang hubad ang nag babangaan sa screen ang aking nakita, sa kadahilanang hindi ako sanay sa mga ito ay napatakip ako sa aking mga mata. Nahihiya, at parang asiwa na may ibang mga taong kasama kami ng aking mister nang mga panahong iyon. "O, ano 'yan... para ka namang bata Yumi, may patakip takip pa ng mata eh. Bakit, takot ka ba makakita ng hubad na katawan?" Tanong ni Mico na kinikiliti ang kaliwa kong tagiliran. "Tol hindi, takot 'yan manuod, kasi baka mag hanap siya ng mas malaking kargada kesa kayang ibigay ng mister niya." Tumatawang sagot ni Kevin na agad binato ng throw pillow ni Caloy. "Ungas, 'yun ang akala mo, sigurado naman akong kuntento na si esmi sa kung anong meron ako eh. Kindat ni Caloy sa akin. "Huwag kang pakakasiguro Loy, mukhang 'yang putotoy mo pa lang ang natitikman ni Yumi... baka magulat ka na lang pag iba na ang hinanap niyan." Bigla akong kinabig ni Mico dahilan upang mawalan ako ng balanse at mapasandal sa malapad at matigas niyang dibdib. "Ulol!" Tumatawang sagot ni Caloy, at hinila akong muli nito upang akbayan habang umiinom ng alak sa baso. Namumula ako sa hiya, at 'di pa rin maka tingin sa T.V. kaya't si Caloy na ang nang enganyo sa aking manuod. "Mahal, panuorin mo. Marami kang matutuklasan sa palabas na iyan. Marami kang matututunan na pwedeng ikaganda ng pagsasama natin." At marahang hinahaplos ni Caloy ang kaliwang braso ko. "Buti pa Yumi, subukan mo to... pampainit 'yan. Pampalakas ng loob, para maalis ang hiya mo sa katawan." At inabot sa akin ni Mico ang kanyang baso na may tagay ng gin. "Yan, yan, magandang ideya yan Mico... patikman mo ng gin si Yumi." Sabi ni Kevin na ngumunguya ng sitsirya. Halos mabilaukan ako sa tapang ng alak na wari mo'y gumasgas sa aking lalamunan, at naramdaman ko ang biglang paginit ng aking mukha at dibdib. Ilang ulit akong naubo, at kapos hininga akong tumayo upang magpunta sa kusina at uminom ng juice na naiwan sa lamesa. Sumunod sa akin si Caloy, at marahang hinihimas ang aking likod. Bahagya itong tumatawa sa aking itsura na humahangos at pulang pula ang mukha. "O, ok ka na mahal? Binigla mo naman kasi tunggain lahat eh. Sana patikim tikim lang muna. Ayos ka na ba?" Sabi nito sa akin. Tumango ako na pilit pinapakalma ang aking hininga. Malambing na hinawakan ni Caloy ang aking kaliwang kamay, at bumalik kami sa sala kung saan patuloy na nag iinuman si Mico at Kevin. Sa telebisyon ay nakita kong patuloy ang sagupaan ng mga puson ng lalakeng maskulado, at balingkinitang babae na mabilis ang pagtatalik. Naka patong ang lalake sa mukhang sarap na sarap na babae, at kinakagat nito ang utong ng babae sa kanyang ilalim. "Ok ka lang Yumi? Naparami yata ang tagay ko sa iyo, pasensya na." Sabi ni Mico na nakapatong ang kanang kamay sa aking kaliwang hita. Mainit ang kanyang palad, at matagal bago niya ito inalis sa pagkakapatong sa aking balat. Patuloy ang inuman at kwentuhan ng magkakaibigan, patuloy din ang mabilis nilang paglagok ng alak, habang patuloy naman akong nagiinit sa palabas na aking pinapanuod. Hindi ko napansin ang marahang pagbukas at sara ng aking mga hita, na nababalot lamang ng isang mahabang t-shirt na manipis ang tela. "CR muna ako tol." Sabi ni Mico na nagpaalam sa dalawa niyang kaibigan. Tumayo ito at nagtungo sa banyo sa may kusina ngunit hindi isinara ang pinto. Sa gilid ng aking mga mata ay nakita kong inilabas niya ang kanyang mamula mulang sandata. Medyo may katigasan na ito, at ilang saglit pa ay nag pakawala na siya ng naipong tubig sa kanyang pantog. Pinanuod ko siya nang palihim, at nakita kong pinapagpag na niya ang huling patak ng ihi sa kanyang kargada na hindi pa rin lumalambot. Biglang tumingin ito sa aking kinalalagyan, at mukhang nahuli niya akong nakasulyap dahil ngumiti ito sa akin. Dali dali kong inilipat ang aking paningin sa T.V. uli, at nag kunwaring umaabot ng pulutang sitsirya. Naramdaman kong umupo sa kaliwang bahagi ng sofa si Mico, at pinatong nitong muli ang kanyang kanang palad sa aking makinis na hita. Napansin ko na hindi niya sinara ang kanyang zipper, at aninag ko ang makapal na bulbol niya sa bukas na siwang ng kanyang maong na pantalon. Nagtagal pa ang kanilang kwentuhan at inuman. Naka dalawang porn CDs na kami na naisasalang nang si Kevin naman ang nagpaalam na gagamit ng CR sa kusina. Malaki ang bukol nito sa kanyang manipis na basketball shorts nang ito'y tumayo upang mag CR, at nagkantyawan ang magkakaibigan na nalilibugan na ang pinaka bata sa kanilang grupo. Hinimas pa ni Kevin mula sa labas ng kanyang shorts ang naninigas niyang tarugo sabay kindat sa akin at sabing: "Naghahanap ng mapapasukang lungga, mukhang nagising sa ganda ng pinapanuod." Tumawa lang si Caloy na agad namang hinila ako upang mapasandal sa kanya, at biglang siniil ako ng mainit na halik sa harap ng kanyang dalawa pang kaibigan na nag umpisang magkantyawan.