1. Home
  2. Stories
  3. Bahay At Lupa - Part 14: Taksil
Pinoy Tambay

Bahay At Lupa - Part 14: Taksil

By suicideking ·

Panandaliang napawi ang libog namin ni Carina sa isa't isa, bago pa man makarating sa aming palapag ay inayos na namin ang aming mga sarili. Mabilis na nagbago ang ihip ng hangin para sa akin hindi lamang dahil sa hindi namin pwedeng ipahalata sa nobyo niyang si Cid ang aming pagpaparaos, kundi dahil na rin sa aking nararamdamang kaba at pananabik sa kung ano man ang maaaring naganap kanina sa pagitan ni Angel at Cid.

"So that's why hindi ka mapakali? hahaha!" panunukso pa ni Carina nang aking aminin ang dahilan ng aking pangamba.

"...so e ano naman? bakit ikaw? bakit ikaw e nakipag-sex ako sa iyo? paano naman ang BF ko?" patuloy ni Carina.

Ilang metro pa ang aming lalakarin mula sa elevator lobby patungo sa pintuan ng aming unit. Naging mas mahina ang mga boses namin sapagka't alam naming pareho na ang pinag-uusapan nami'y naglalaman ng mga maseselang salita.

"Fair lang siguro, nag-sex tayo sa kotse mismo ng BF ko...then sila naman sa condo mo...hihi!" biro pa ni Carina.

"Hindi ko alam Carina. hindi ko talaga alam." seryosong pahayag ko sa kanya.

Napatingin si Carina sa akin, tingin na para bang noong ako'y nasa bingit ng mga problema. Alam kong isa si Carina sa mga babaeng mas nakaka-intindi sa akin hindi lamang sa usaping sekswal kundi na rin sa mga bagay na may kaseryosohan. Muli niyang inapuhap ang isa kong kamay at hinawakan niya ito.

"Awww...kuya...kuya wag ganyan...akala ko we are just joking about it...sorry kuya ko..." pahayag ng aking kasama.

Tumango lang ako.

"...wait...you mean to say, ate Angel is seducing my BF right now??" sabi pa niya.

Kibit-balikat ang tanging naisagot ko.

"...oh my gosh...hahaha! is she that horny? sorry kuya Bogs ha, hindi ko akalaing may chance pala na maki-ano sa iba si ate? hihihi!" malandi niyang tinig.

"...uhm, baka...siguro..." sagot ko.
"Well, I know Cid is one hundred percent faithful to me...hindi niya kayang gawin yun kuya, trust me...kahit na alam ko din naman na kanina pa niya tinitignan yung bakat na utong ni ate at yung legs nya haha!" pahayag ni Carina.

Samakatuwid ang planong hinubog ni Carina at Angel kanina ay para sa akin, para kami ni Carina ay magkaroon ng tsansang makapag-talik. Sa isang banda'y mali ang aking haka-hakang doble ang kahulugan ng kanilang usapan, na ako ay kay Carina at ang asawa ko nama'y sa binata.

"Let's go inside na kuya, alisin mo na sa isip mo yang mga yan...maniwala ka sa akin, no need to worry baby..." ani Carina.
Binuksan ko ang aming pintuan, sa maraming pagkakatao'y naramdaman kong muli ang kaba at pananabik. Hindi ako nagkamali, sa aking pagpasok ay sandali kong nakita ang kanilang sitwasyong dalawa. Ang makinis na binti ng aking asawa'y naroon at nakataas sa aming sofa, naka "Indian seat" sabi nga.

"Hey guys, ang tagal nyo naman?" bungad ng aking asawa.

"Hay nako ate, bago yata yung guard ngayon, nakipag-talo pa kami ni kuya Bogs..." palusot kaagad ni Carina.

Hindi mapakali si Cid, parang isang magnanakaw na nahuli sa akto ang kanyang mga galaw. Hindi ko naman siya pinansin, oo ako'y medyo nainis sapagka't siguradong nagpaka-busog ang mga mata niya sa hita ng aking asawa pero para bang mas matimbang sa aking isip ang pananabik. Nagkunyari na lang ako na walang nakita, hindi naman alam ni Cid na nakita ko ang kanilang pwesto kanina, pero alam kong si misis ay nakita akong nakatingin sa kanila.

"Uhm, okay lang ba talaga dun kuya?" sabat nitong si Cid.

"Ah okay lang yun, wag ka mag-alala" sagot ko naman.

Ako'y muling nagmasid sa aking paligid, aking pinagmasdan ng pasimple ang ayos ng aking asawa at ni Cid na iniwan namin kanina ni Carina. Parehas na pwesto, parehas ang postura, nagkukunwaring wala silang ginagawa. Ang tanging naiba ay ang bagong bukas na lata ng beer at saka ilang bukas pang supot ng pulutang binili din namin kanina.

Ah isa pa pala.

Ang naka-pugong na buhok ni misis ay medyo gusot na.

"So how's everything? may na-miss ba kami?" wika nitong si Carina.

Alam kong nasa panig ko na ang dalaga, alam din niya kung saan siya lulugar na hindi nahahalata ng aming mga kasama. Walang duda na gusto rin niyang malaman kung ano ang naganap sa pagitan nila Cid at Angel habang kami ay nagpapakasasa sa sarap ng aming pagtatalik kanina. Kahit pa alam kong basa pa ang puke ni Carina dahil sa iniwan ko doong punla, hindi niya ito pinahalata sa aming mga kasama.

"Wala naman..tahimik nga itong BF mo e, mahiyain pala hihi!" biro ni misis.

"Mahiyain? hahaha!" sagot ni Carina.

"...ang baby ko mahiyain? hay naku ate, kung alam mo lang, before we met, alam ko e maraming chicks yan hahaha!" patuloy ni Carina.

"Kaya nga e, pogi naman itong BF mo, no wonder maraming nagalit nang naging kayo" pambobola pa ni misis.

Kinuha ko ang aking beer, kahit medyo wala na ang lamig nito'y nakuha ko pa ring tunggain ng diretso. Pinagmasdan ko si Cid, hindi naman yung tipong nakakatakot na tingin, pasimple pa rin na parang wala akong nais maatim. Namula ang pisngi niya, siguro'y tama nga ang sinabi nitong syota niya at maging ang mga pambobola ni misis sa kanya ay tumalab na rin.

"Swerte ba ako ate? hihihi!" sagot ni Carina.
"Uhm, medyo lang...hahah!" sagot ni misis.

"Hmp! porke't swerte ka kay kuya Bogs ko! hihihi!" sabay yakap sa braso ko ni Carina.

Sa tatluhang upuan kami nila Carina at Angel ay magkakatabi, habang si Cid nama'y naroon sa nag-iisang silya kung saan malapit naman siya sa aking asawa.

"Ate, makiki-CR muna sana ako" wika ng binata.

"Oh sure, go ahead" sabay turo ni misis sa direksyon ng aming banyo.

Sandaling natahimik ang paligid, hindi ko alam kung kapwa ba kami nakikiramdam sa isa't isa o di kaya nama'y lasing na ang aking asawa. Muli siyang uminom bago basagin ang katahimikan sa pagitan naming tatlo.

"So uhm, ano, kumusta kayo?" mahinang tanong ni Angel.

"Okay naman ate, hihi! thanks ha?" sagot ni Carina.

"Bogs, ikaw? parang tahimik ka yata? hindi ka ba nag-enjoy?" tanong ni misis.

Ngumiti lang ako, sa pamamagitan ng expression ng aking mukha'y naiparating ko sa aking asawa na ako'y masaya at kuntento kanina sa piling ni Carina. Subalit talagang may pigil na salita na gusto ko sa kanya ay sabihin, gusto kong tanungin si Angel kung ano ba talaga ang pakay niya noon.

"Ate, 'di mo naman sinabi kanina may balak ka pala?" biglaang tanong ni Carina.

"Ha??" gulat din ni misis.

Napatingin sa akin si Angel, tila naguluhan din siya sa mga sinabi nitong dalaga.

"What do you mean Carina?" patuloy ni misis.

"...uhm, correct me if I'm wrong ate...do you have plans for Cid?" deretsahang tanong ni Carina.
Napa-ngiti at napa-iling lamang ang aking asawa sa sitwasyong kinalalagyan niya. Sa sarili ko din naman e may kaunting guilt sa pag-iisip ng masama sa aking asawa. Hindi ko rin naman kasi ito maiwasan sapagka't minsan na itong nangyari sa aming buhay. Naroon na nga ang tiwala ko sa kanya na buong-buo, pero mahirap talagang alisin na mag-isip ng iba lalo pa sa mga kilos niya.
"Seriously? hahaha!" sagot ni Angel sa amin.

"Bogs, do you think so?" baling ni misis sa akin.

"Yun na nga babe e, hindi ko alam..." sagot ko na lang.

"Well, it may look like...but I don't have the 'plan'..." wika ni Angel. Alam kong alam ni Angel na nakita ko siya at ang pagkakapatong ng kanyang mga hita. Maaaring ayaw niya itong ipaalam kay Carina, at pwede ring gusto niya itong pag-usapan namin ng pribado at walang ibang kasama.

"Kung papayag ako ate, gusto mo?" malanding tanong ni Carina.

Lumabas na si Cid mula sa aming palikuran, kapwa kami natigilan sa aming maselang usapan. Buti na lamang ay hindi ito nahalata ni Cid, wala siyang kaalam-alam sa mga aming kwentuhan.

"Naku ganun talaga mga pasyente, di ba ate?" sabay baling ng usapin ni Carina.

Tumingin muli sa akin ng pasimple si misis. Sa pagkakataong ito'y may gusto na siyang iparating. Tila nagpa-paalam si Angel sa akin na payagan siyang "Landiin" na ang syota ni Carina.

Halos lumuwa ang mga mata ng binata nang ayusin ni misis ang kanyang pagkakaupo, ang isa niyang binti ay ipinatong na niya sa kanyang kaliwang tuhod, medyo umangat pang muli ang maiksing suot ni misis kaya't siguradong kitang-kita na ni Cid ang kahabaan ng makinis na hita ng aking asawa.

"Kuya pahiram naman ng laptop mo sandali" wika ni Carina.

Kaagad akong tumayo upang magtungo sa aming silid, sa likuran ko'y sumunod naman si Carina kahit na ito'y hindi na nagpaalam sa aming mga katabi. Patay ang ilaw sa aming silid, naroon din ang aking anak na kanina pa tulog. Habang inaapuhap ko ang aking laptop ay naroon na rin si Carina sa aking likuran. Pangiti-ngiti lang siya, ito nga yata yung pangako niya kanina na kami uulit pa sa aming pagtatalik.
Sinadya kong hindi isarado ang aming pintuan, sapat na siwang upang masilip pa rin namin ang gagawin ni misis at Cid.

"Hayaan mo na muna sila kuya, walang mangyayari dyan...hindi ganoon kalibog si Cid kumpara sa iyo hihi!" bulong pa ni Carina.

Sa aming pagmamasid, asiwang-asiwa itong nobyo ni Carina. Iba kasi ito kumpara noong si Benjo ang nakasalang sa aming sofa. Noo'y alam ni Benjo na wala siyang kasama maliban sa aking asawa, ngayon nama'y mas delikado para sa lalake sapagka't una, narito ang nobya niya, at huli, narito ako na asawa ng kumakalantari sa kanya. Kahit siguro maghubad na si Angel sa harapan niya ay hindi niya ito papatusin dahil sa tiyak na eskandalong kanyang kakaharapin.

Hindi ko na naririnig ang pinag-uusapan pa ni Cid at Angel, gawa ng bukas na telebisyon na gumagawa ng ingay. Nakita kong pasulyap-sulyap si Cid sa direksyon ng pintuan ng aming silid, kung saan ako'y naroon at naka-kubli sa dilim habang nagmamasid.

"Kuya tara na, isa pa tayo" bulong muli ni Carina.

"...baka magduda na BF mo, kanina pa tayo magkasama" sagot ko.