1. Home
  2. Stories
  3. Bahay At Lupa - Part 17: Misencounter
Pinoy Tambay

Bahay At Lupa - Part 17: Misencounter

By suicideking ·

Mula noong nagkaroon kami ng "Relasyon" ni Alex, ang dalaga at medyo bata pang kasamahan ni Angel sa ospital, ay nagawa naming magtalaga ng oras para sa aming makamundong gawain. Nubenta-pursyento ay nasusunod namin ang itinakdang oras at araw upang kami'y magtagpo, upang kami ay mag-salo at namnamin ang sarap ng bawal na pagtatalik.
Subalit sa mga maraming bagay na umaapekto sa ating araw-araw na pamumuhay ay hindi natin masisiguro ang katagalan ng isang bagay. Hindi tayo tiyak kung hanggang kailan ba natin maitatago, hanggang kailan ko ba aangkinin ang kanyang pagkatao. Ilang linggo na rin yata, ilang buwan na siguro, mula nang "Lumamig" ang pakikitungo sa akin ni Alex. Dati halos araw-araw ko siyang sinusundo, tuwing ihahatid ko si misis ay eksakto naman na siya ay lalabas na sa ospital. Kundi naman ganoon, si misis na mismo ang nagsasabing daanan na at isabay na rin papasok ang dalaga sapagka't malapit lang din naman sa amin ang bahay nila.

Hindi naglaon ay nagbago ang lahat ng ito. Siguro naging abala na rin ako sa dami ng trabaho ko ngayon at nitong mga nakakaraang mga araw. Siguro dahil iba na rin ang "Shift" niya sa ospital kaya't ang oras namin ay hindi talaga magiging sakto. Naalala ko pa ang huli naming pagtatalik, yung pinaka-huli bago ang araw na ito. Parang napilitan lang si Alex noon, parang wala lang. Hindi ko naramdaman yung tulad dati, tulad noong una kung saan umaapaw talaga ang libog niya.

Si Carina.

Alam ko na si Carina ang dahilan ng pag-iwas nitong si Alex sa akin. Well, kung tutuusin ay si Carina rin naman ang dahilan kung bakit naging "Kami" ng dalagang nars na ito. Si Alex ang naging sandalan ko noong ako'y naghihinagpis para kay Carina ko. Ngunit nang maayos namin ni Carina ang gusot, dito na nagsimulang mag-lamat ang relasyon ko kay Alex.

"Bye ate!" wika ni Alex.

"Bye Alex, uhm Bogs, ihatid mo na siya sa kanila ha?" bilin pa ni misis matapos siyang bumaba sa aming kotse papasok sa lobby ng ospital.

Katahimikan ang bumalot noon sa loob ng aking sasakyan. Taliwas sa dati naming naka-ugalian na may kwentuhan, kumustahan, at syempre may lambingan. Aking sinulyapan ang dalaga sa salamin sa aking ulunan, nakita ko siya na parang malayo ang tingin.

"Ayos ka lang ba Alex?" mahina kong tanong.
"Okay lang kuya, okay lang ako" sagot nito.

doon mo na lang ako iwanan okay na ako doon" wika ng dalaga.

"Ha? eh, sabi ni Angel ihahatid daw kita e...bibili ka ba ng breakfast mo? sakto hindi pa rin ako kumakain, sabay na kaya tayo?" sabi ko pa kahit busog na ako.
"Hindi kuya, huwag na...nakakahiya ako na lang" wika ni Alex.

Halatang umiiwas si Alex sa akin. Halatang napilitan lang siya na sumabay sa akin dahil sa hiling ng aking asawa kanina. Ngunit gusto kong ayusin na rin ang ugnayan naming dalawa, kung ayaw na niya e wala na talaga akong magagawa, ang maganda lang sana ay magkaroon kami ng pormal na paghihiwalay.

"Alex, I know there's something wrong with us...please, please sana ayusin natin ito" sabi ko.

Napangiti lang ang dalaga, ngiti na parang napilitan pa.

"Uhm kuya, walang 'us'...hindi naman kita BF, hindi mo ako nobya..." medyo masungit niyang tinig.

"So ano yung sa atin?" patungkol ko sa aming sekswal na relasyon.

"Alin? yung sex? hindi ba sex lang yun talaga? hindi ba nagkasundo tayo na bukod sa pagse-sex natin dati e wala na? hindi ba kuya?" paliwanag ni Alex.

Isa na yata ako sa mga taong hindi marunong sumunod sa batas ng pagkakaroon ng isang FUBU or fuck buddy. Tulad ng isang one night stand, na dapat bukas ay limot mo na ang kapareha mo noong nakaraang gabi. Ang pagkakaroon ng FUBU o sa halintulad nalang ni Alex para sa akin, may ritmo ito, may "Frequency" at hindi lang isang beses. Subalit ang mali sa akin ay nagkakaroon ako talaga ng attachment sa aking mga kapareha.

Isang matibay na ehemplo nito ay ang unang relasyon ko kay Carina. Kaya naman tuwing sasapit na ang paghihiwalay o ang pagtitigil ng gawaing iyon ay tila nagkakaroon ako ng hinanakit.

"Sorry naman. para kasing wala lang e, parang bigla kang nagbago, ang bilis" sabi ko pa.

"Ganun talaga kuya, hayaan mo na..." sabi naman niya.

"May...uhm, may BF kana ba?" tanong ko.

"Wala. wala akong BF kuya" sagot niya ng diretsa.

Wala nang nagawa si Alex nang aking idaan ang aking sasakyan sa "Drive-thru" ng nasabing kainan. Malugod naman niyang tinanggap ang inialok kong agahan. Hindi nagtagal ay narating na rin namin ang kanilang tahanan.

"Kuya thank you sa breakfast ha..." wika ni Alex nang siya ay bumaba.

"You are always welcome Alex..." sagot ko naman.

Sa totoo lang e naghihintay talaga akong yayain niya akong bumaba na rin at saluhan siya sa pagkain, gaya noon, tulad noong una kaming nagkakilala at kung saan din nagsimula ang lahat.

"Sige na kuya, baka ma-late ka pa...salamat ulit ha" muli niyang wika.

"Pwede ba kitang saluhan?" kinapalan ko na ang aking mukha.

"Uhm, next time na lang kuya Bogs, sa susunod na lang" mabilis niyang salita.
Bago pa man ako muling makapagsalita upang pilitin pa sana siya ay biglang tumunog ang kanyang telepono.

Kaagad sinagot ni Alex ang kanyang telepono, tila isang tawag na kanina pa yata niya inaantabayanan mula nang siya ay sumakay sa aking sasakyan. Sa pagmamadali ay hindi na naisarado pa ni Alex ang pintuan ng aking kotse na dahilan upang marinig ko ang ilang usapan nila ng kanyang kausap sa kabilang linya.

"...sorry naman hihi!...eh kasi nakita ako ng friend ko, sumabay na ako..." wika ni Alex sa 'di kalayuan.

"..eh kasi naman akala ko hindi ka na rin dadating...hihi! ikaw talaga! hihihi!...e sige, sige sige pero kakain na muna ako ha?" masayang wika pa niya.

Noon ko lang din ulit nakita ang saya sa mukha ni Alex, saya na kanyang ipinamalas na noong kami'y nasa itaas pa ng aming "Relasyon". Sa mga masasayang salita niya, sa expression ng kanyang mukha ay hindi mo maitatangging mayroon nang nagpapaligaya sa kanya.

"Oh sige..oo ako bahala hihi! ..sige sige...see you! bye!" paalam pa niya sa kanyang kausap.
Samakatuwid ay mayroon na talagang "Nagpapasaya" sa dati kong kinakalantaring dalaga. Malinaw pa sa sikat ng araw na ang sa amin ay wala nang talaga. Hindi ko na nagawa pang humingi ng paliwanag, sabi nga niya, hindi ko siya syota. Kung sabagay, sapat na siguro yung mga oras na ginugol niya para sa amin, higit pa siguro sa lubos ang ibinigay niya noon sa akin sa ibabaw ng kama.

"Ay kuya sorry, hihi! hindi ko naisarado...salamat ulit kuya ha? next time nalang kuya, sabay tayo kumain okay?" masaya na nitong wika.

Nakapagtataka.

Kanina e halos gusto na niyang tumalon sa aking kotse upang maiwasan lang ang aking presensya. Ngayon naman ay tila gusto pa niya akong makasalamuha ngunit sa ibang araw nga lang sabi niya.

"Ah okay lang, sige Alex, tutuloy na ako..." paalam ko.

"Bye kuya Bogs" paalam na rin niya at may kasama pang senyas sa kanyang nguso na parang humalik sa hangin.

Nagdesisyon na talaga akong hindi na siya pilitin sa anumang bagay. Nagtanda na ako sa aking mga karanasan. Kung ako'y huhukay pa sa kanyang kailaliman, siguradong ako rin ang mahihirapan sa pag-ahon sa pagdating ng panahon. Hinayaan ko nalang, masaya naman na si Alex e, kung pagbibigyan ng tadhana upang kami'y magkaroon muli ng tsansa e tatanawin ko na lang iyon na isang konsolasyon.
Sayang talaga, sayang sapagka't ang tulad niya ay bihira nang makita. Sino ba naman ang dalagang ipapaubaya ang kanyang kabirhenan sa isang lalake na hindi naman niya talaga asawa o kasintahan man lang.

Habang daa'y naalala ko ang mga kwento kanina sa akin ni misis, kung saan ang kanyang mga nakaraan ay ang nagsilbing guro niya sa kamunduhan. Ito'y kunektado kay Alex kahit paano, malamang na ako ang naging tagapag-turo niya, ako ang una siguro niyang na-tsupa, ang pagkakaiba lamang ay ako ang unang pinapasok niya sa pintuan ng kanyang pagkababae.

"Hello?" sagot ko sa aking telepono.

"Ay kuya, sorry ha? nakalimutan ko yung paper bag ko sa car mo..." sagot ni Alex. Lumingon ako sa kanyang inupuan kanina sa may likuran, naroon nga ang isang paper bag na maliit na kanyang naiwan.

"Ah nandito nga Alex, sige babalik na ako" sagot ko.

"Ay huwag na kuya, uhm, paki-tabi na lang...kukuhanin ko na lang kay ate Angel" bilin niya kaagad.
"No okay lang, hindi pa naman ako nakakalayo...pabalik na ako dyan" pagpupumilit ko pa.
Walang nagawa si Alex sa aking kakulitan. Hindi ko maintindihan pero para bang gusto ko pa rin talaga siyang makita ulit taliwas sa kanina na aking nabanggit. Mabilis akong nakabalik, kinuha ko ulit ang telepono ko upang ipaalam na ako'y narito na sa harapan mismo ng kanilang bahay. Busy, mukhang may kausap na naman si Alex, kaya't ang ginawa ko ay bumaba na lang ng kotse upang pumasok na mismo sa kanilang bakuran.

"Alex? Alex?" tawag ko sa may pintuan.

"Saglit kuya, sandali lang" sigaw ng dalaga sa 'di kalayuan.

Ilang sandali pa ay binuksan na rin ni Alex ang pintuan, bumungad sa aking harapan ang dalaga na minsan ko na ring pinag-nasahan. Kung kanina ay nakauniporme siya tulad ng sa aking asawa, siguro sa aking pag-alis kanina ay nakapag-bihis na siya. Hawak ang telepono sa kanyang tenga at tila abala pa rin sa kausap niya, ako'y muling pinabilib ni Alex sa kanyang itsura. Nakayapak ang dalaga, mula sa kanyang magandang paa at makinis na binti ay tinitigan ko siya pataas sa kaunting nakasilip na hita. Suot ang mahabang basketball jersey lamang at ang maputi niyang braso ay tila nag-eenganyo kasama pa rito ang sumisilip niyang kili-kili habang may kausap sa telepono. Sinenyasan ako ni Alex na pumasok na muna habang may kausap pa siya sa kabilang linya. Tumuloy naman ako at ang pinto ay kanyang isinarado.

"Eh ikaw...basta wala naman akong pasok ngayon pero matutulog din kasi ako, galing ako sa duty 'di ba?" wika ni Alex na aking narinig.

"...ikaw nga bahala, pag nakatulog ako edi gisingin hihi!" malandi niyang tugon. Ilang sandali pa ay natapos din ang pag-uusap nila, kung sino man yun. Sa tingin ko mula kanina sa kanilang mga usapan e tila may balak ang dalawa, parang may plano, parang magkikita yata sila ng kausap niya.

"Uy kuya pasensya na ha, naabala pa kita..." wika niya sa akin.

"Naku wala yun, ikaw pa e malakas ka sa akin..." lambing ko na sa dalaga.

"Pwede ba maki-CR na rin ako?" tanong ko sa kanya. Hindi naman talaga ako naiihi, gusto ko lamang talaga na manatili pa sa kanilang bahay.