1. Home
  2. Stories
  3. Bahay At Lupa - Part 21: Kumunoy
Pinoy Tambay

Bahay At Lupa - Part 21: Kumunoy

By suicideking ·

Sa tuwing ako'y nakakaranas ng samu't-saring mga biyaya, partikular sa mga babae, hindi ko na ito binibilang. Hindi ko na itinatala sapagka't alam kong ito'y hindi naman permanente, ito ay panandalian lamang. Nananatili lang itong mahaba at matagal sa aking isipan, subalit sa totoong takbo ng oras ito ay lipas na. Sa loob ng ilang linggo o ilang buwan muling sumibol ang buhay ng aking laman, sunod-sunod, kay Carina, kay Jessica, sa hipag ko, at sa kasalukuyan kong "Kalaguyo" na si Alex.

Sa kabila ng aking "Kasarapan", hindi ko naiwasan ang makalimot sa ilan. Alam ko at nangyari na sa akin ito dati, liglig at umaapaw ang saya at ang dagliang kapalit nito'y tag-tuyot o 'di kaya'y pagdurusa. Nakalimot ako, naisantabi ko ang sana'y pang-matagalang relasyong bawal, ang hinubog ko noon ay tila biglaang naglalaho.

"Babe ikaw nalang sumundo kay Tricia ha?" bilin pa ni misis.

Ang plano sana ay kaming dalawa ang pupunta sa paliparan ng ating bansa upang sunduin ang asawa ng pinsan niya. Nagkaroon ng biglaang pagbabago sa duty niya kaya't naging pang-gabi ang duty ni Angel.

Noong nakaraan, noong umuwi sila ay kasama si Edong, ang asawa ni Tricia. Hindi ko alam kung paano sila dumating pero ngayon ay iba na ang sitwasyon. Mag-isa daw na uuwi si Tricia, bale mauuna siya ng ilang linggo bago sumunod ang asawa niya na pinsan ni Angel. Hindi ko kumpirmado pero ang dinig ko'y hindi yata agad maiwan ang trabaho nito sa Canada.

Pero bakit nga ba kulang ang detalye na alam ko?

Kung tutuusin ay dapat alam ko ang nangyayari kay Tricia. Kasalanan ko naman din kung bakit nagkaroon ng "Gap" ang komunikasyon namin.

Tama, tama ang inyong hinala.

Naging abala na naman kasi ako sa ibang babae kaya't ang regular na pag-uusap namin sa video-chat ay unti-unting naglaho. Siguro nakaramdam siya noong una na ako'y "Nanlalamig" o 'di kaya nama'y nainip na sa muli niyang pagdating. Doon nagsimula, hindi na nga niya pinapakita ang katawan niya tuwing kami'y nagkakausap sa chat. Madalas e puro kumustahan nalang, hanggang sa tuluyan nang nawala. Ang huling sabi pa niya, siguro para tapusin na lang, e muntik na daw siyang mahuli ni Edong na may kausap na iba. Mula daw noon e lagi nang nagdududa ang asawa niya sa kanya.

Masakit din naman para sa akin, alam nyo naman na bawat babaeng dumaan sa pundya ko e mayroon akong pagtingin. Pero iyon ang nakatakdang mangyari, sabi ko nga, kasalanan ko rin.

Matapos kong ihatid ang anak namin noong gabing iyon sa bahay nila biyenan ay dumiretso kami ni misis sa ospital kung saan siya nagta-trabaho.

"Ingat ka babe ha, see you tommorow" paalam ni misis.

Dumiretso na ako sa airport kahit alam kong medyo maaga pa, ganun din naman e, kung uuwi muna ako at babalik mamaya ay aksaya lang sa gasolina. Doon na lang ako naghintay at dalawang tasa ng kape na lang ang itinapat ko sa aking pagaantabay.
Habang ako'y nagmumuni-muni, inisip ko kung ano nga ba ang sasabihin ko kay Tricia. Sa totoo lang ako ay nahihiya. Nagmukha tuloy na ginamit ko lang siya, lumalabas e tinikman ko lang siya at pagkatapos ay wala na. Sana hindi niya isipin yun, sana ang mga dahilan ko'y maunawaan niya.

"Hello? hello Bogs?" tinig ng isang babae sa telepono.

"Hello? Tricia? nandyan kana ba?" sagot ko.

"Ah oo Bogs, nandito na ako sa arrival...nasaan ka na?" sagot ni
Tricia.

Nakakapanibago, tila ang boses niya ay nagsilbing musika sa aking tenga. Ang lamig, ang lambing, at ang lumanay ng boses ng babaeng kausap ko. Kakaiba talaga kumpara sa pagcha-chat namin noon kung saan bulgaran kami sa pagpa-palibog, ang kausap ko ngayon ay gaya na noong una ko siyang nakilala noong kasal ni hipag.

"Sige sige, papunta na ako dyan" sagot ko sa kanya.

Mabilis akong nagtungo sa arrival area, dala ang aking sasakyan ay hindi ko na maiwasang manabik sa kanya. Naroon pa rin naman ang kaba, naroon pa rin naman ang "Kasalanan" ko sa kanya. Ngunit hindi ko rin naman dapat isantabi ang nangyari sa amin ni Tricia, siguro naman hindi rin ganoon kadali para sa kanya ang makalimot sa aming pagtatalik.

Ilang metro pa ang layo ay kaagad ko nang nakita si Tricia, mabilis ko siyang natagpuan sapagka't ang ganda niya ay nangingibabaw sa iba. Maputi, kumikinang ang kutis, simpleng blouse na pula at shorts na puti ang suot niya kaya't maging ang makinis niyang hita ay kaagad kong napuna. Nang matanaw na rin ni Tricia ang aking sasakyan sa 'di kalayuan ay kumilos na siya at muling isinukbit ang isang bag niya sa kanyang balikat. Kaagad akong bumaba upang isakay na rin ang dalawang malaking bag niyang bagahe.

"Ako na, ako na, sumakay kana sa loob..." sabi ko pa nang akma sana niyang bubuhatin ang dalang gamit.

"Salamat Bogs..." sabi pa ni Tricia.

Ang aking antok ay lubusan nang napawi nang makasama ko na ulit ang asawa ni Edong. Gusto ko noong magpasikat, gusto ko noon na makabawi sa kanya, gusto ko siyang yakapin sapagka't totoo namang na-miss ko siya. Ngunit ang lahat nang iyan ay tila may humaharang, para bang ako pa mismo ang nahihiya na isakatuparan ang mga hakbang na iyan.

"Uhm, how's your flight? baka nagugutom ka daan muna tayo sandali sa kainan?" alok ko sa aking kasama.

"I'm fine, okay lang...I think mas gusto ko nang magpahinga Bogs" mahina niyang tugon.
Hindi ko nakitaan ng pananabik itong si Tricia, taliwas sa mga usapan namin noon sa chat bago pa kami nagkaroon ng "Tampuhan" sa isa't isa. Sa isip ko noong mga sandaling iyon ay sana doon kami didiretso sa kalapit na motel sa airport at doon na rin magparaos. Pero tila hanggang pangarap na lang yata iyon sapagka't sa tingin ko'y kung ano si Tricia noong una ko siyang nakilala ay ganito na rin ngayon. Tahimik at walang imik.
Hindi ko na sinubukan ang aking swerte, hindi na ako nagbaka-sakali pa sa kanya. Mabilis kong binabay ang daan pauwi na sa aming condo, gusto ko na ring umuwi, gusto ko na ring magpahinga sapagka't ako'y nawalan na rin ng gana.

"Uhm, Tricia...Tricia...dito na tayo" sabi ko pa sa nakatulog ko nang kasama.

Marahil pagod talaga siya, sa layo ng diperensya ng oras sa Canada at Pilipinas ay talagang kailangan mong habulin sa pamamagitan ng tulog. Hindi ko alam kung paano ko siya gigisingin, kung tapikin ko kaya ay baka naman magalit pa siya sa akin. Hindi naman siya magising sa aking mga tinig.

Ang mata ko'y napatingin tuloy sa katawan ni Tricia.

"Tricia, dito na tayo..." muli kong tawag sa kanya.

Hindi pa rin nagigising. Ako'y napakagat sa aking mga labi nang sipatin ko na ang kanyang mga hita. Ang kinis, ang puti, mas maputi pa sa balat ni misis. Iba talaga ang sikat ng araw sa Canada kaya siguro ganito ang kinang ng kutis ni Tricia. Kahit na mas matanda siya kay Angel at maging sa akin ay hindi halata ito sa banat na banat niyang balat sa hita.

Pinagmasdan ko rin ang kanyang maamong mukha, kahit na wala siyang suot na pampakulay sa labi ay sadyang mamula-mula ito at kaakit-akit. Gusto ko na siyang halikan noon, gusto kong surpresahin ang aking kasama subalit may takot sa aking damdamin. Sa bawat paghinga ni Tricia ang bundok sa dibdib niya ay umaangat pa, ang sarap sigurong lamasin nito, pero, natatakot ako.

"Tricia...Tricia nandito na tayo" medyo nilakasan ko na ang boses ko upang magising na siya.

Tinapik ko na ang isa niyang braso na nakayakap sa kalong niyang bag.

"Tricia...gising na please..." sabi ko pa.

Ilang saglit pa, matapos ang ilang beses na aking pagtapik sa braso niya ay nagising na rin ang dalaga. Nabigla rin naman siya at napangiti nang ma-realize niyang kanina pa pala siya nakatulog at kami nga ay nakarating na sa aming condo.
"Ay sorry...sorry Bogs...kanina mo pa ba ako ginigising?" tanong pa niya sa akin.

"Uhm hindi naman...halika na, akyat na tayo..." sabi ko.

"Sorry ha, napagod lang talaga ako" pahabol pa niya.

Halos lumuwa ang dila ko sa aking dala-dala. Ang isang maleta ni Tricia ay walang gulong kaya't wala akong choice kundi buhatin ito. Nang makarating na rin kami sa aming palapag ay muli ko siyang inalok na doon na muna sa aming unit.
"Hindi na Bogs, gusto ko na talagang magpahinga at matulog." sagot pa ni Tricia.

"O sige, hindi na kita pipilitin..." sagot ko nalang.

"Salamat talaga Bogs, salamat sa pag-sundo sa akin" paalam pa ni Tricia.
Inihatid ko siya doon sa kabilang unit, at muli kong binitbit ang dala niyang mga gamit.
"Bogs dito na lang, dito mo na lang ilagay yang mga yan...salamat ulit ha" sabi pa niya.
Nalungkot ako talaga. Ang inaasahan ko noo'y yayakapin niya ako kaagad pagdating pa lang sa airport, tutuloy sa motel at magpaparaos. Pero dahil nga sa naging sitwasyon namin, para ngang napilitan lang siyang umuwi ng Pinas e. Puro salamat lang ang natanggap ko sa kanya, wala man lang beso sa aking mukha. Well, ganun talaga yata, pasalamat nalang ako at kinakausap pa niya ako ng matino pa.
Ni hindi nga niya ako kinamusta, ang alam ko talaga e may tampo pa siya sa akin. Pero tuwing gagawa naman ako ng paraan e parang lagi siyang tumatanggi at ayaw akong bigyan ng pagkakataong makabawi. Siguro nga pagod lang siya talaga, o sa kabilang banda e talagang nilimot na niyang talaga ang nangyari sa amin noon na pagtatalik. Siguro nga ito ang kultura niya bilang laki sa Canada, ang sex ay laro lang at kahit anong oras ay pwede nang pagtakpan at kalimutan.

Kinabukasan, mga alas-kwatro ng madaling araw ay nagising ako sa tunog ng aking telepono. Kahit medyo puyat pa at mabigat pa ang mga talukap ng mata ko'y mabilis kong nasagot ang tawag ni Tricia.

"Hello? o may problema ba?" tanong ko kaagad sa kanya.

"Uhm, Bogs, sorry ha, sorry sa abala...baka pwedeng makahiram muna ng pera, wala akong peso eh..." sagot ni Tricia.

"Ah o sige, bakit may bibilhin ka ba?" tanong ko pa ulit.

"Bibili lang sana ako dyan sa baba ng makakain, 'di na ako ulit makatulog e..." sabi niya.

"Sandali, sasamahan na kita..." sabi ko naman.

Kaagad akong bumangon upang magpalit ng damit, mabilis akong lumabas upang puntahan ang babaeng kailangan ng tulong ko. Ilang saglit pa't bumukas na ang kanilang pinto, ako'y namangha sa aking nakita. Muling nanumbalik ang dati naming pagsasama, ang suot niya ay puting damit na malaki, at sabi ko nga, wala siyang suot na bra sa ilalim nito sapagka't ang mga utong halata.

Nanlaki ang mga mata ko, ewan ko lang kung napansin niya akong nakatitig dito.

"Ano ba gusto mo? ako na lang ang bibili" sabi ko.

"Ay hindi na Bogs, ako nalang bibili, kaya ko naman e..." sabi ni Tricia.

Patuloy ang pagtanggi sa akin ni Tricia, lumalabas na kahit anong tulong ko na hindi niya kailangan ay wala talagang kwenta.