1. Home
  2. Stories
  3. Bahay At Lupa - Part 23: Client Meeting
Pinoy Tambay

Bahay At Lupa - Part 23: Client Meeting

By suicideking ·

Habang binabaybay namin ni Tricia ang lansangan patungo sa ospital ay hindi ko naiwasang isiping muli ang aming nakaraan. Ang maiksi niyang suot noon ay ang nagsilbing pang-gatong upang ang init ko para sa kanya ay muling umalipato. Ang makinis na hita ni Tricia ay hindi nakalagpas sa aking mga mata, tunay ngang kayputi nito at tila masarap himasin ng may kasama pang pagnanasa.

Naalala ko noong kami ay nagkaroon ng tsansang magtalik, mabilisan ito at walang pagkakataong mabusisi ko ang buo niyang katawan. Tsinupa niya ako't tinira ko naman siya ng patalikod habang nakatayo. Kaya naman ang aking alaala galing sa kanya ay hindi kumpleto, gayung ipinakita na niya ang kanyang mga suso dati sa webcam, iba pa rin ang makita ko ito ng malapitan. Sigurado akong maputi rin ito, siguradong makinis, at siguradong ang kanyang mga utong ay mala-rosas ang kulay.

"Bogs?" wika ni Tricia habang ako'y gising na nangangarap.

"Huy! yung cellphone mo may tumatawag..." paalala pa niya.

Kaagad kong hinawi ang aking imahinasyon, halos hubaran ko na kasi ang katabi kong babae sa kotse noong mga oras na iyon. Mabilis kong dinukot ang aking cellphone, na naroon lang sa bulsa ng aking pantalon kung saan naroon din at katabi ng titi kong kanina pa galit. Alam kong nakita ni Tricia ang nakabukol na iyon, napangiti pa nga siya nang mapansin kong nakatitig na rin siya dito.

"Hello?...oh babe...oo papunta na kami...ah eh, isinama ko kasi si Tricia, bored na daw siya sa condo at gustong langhapin ang polusyon ng Maynila" sagot ko sa aking asawa.
Muling ipinakita ni Tricia ang kanyang maputing mga ngipin dahil sa pagtawa sa mga biro ko.

"Ah eto oh..." inabot ko sa aking katabi ang hawak kong telepono.

"Hi Angel! kumusta kana? ...well I'm fine too thank you...yes..yes everything went well...oo naman, nakakahiya nga kay Bogs, ginawa ko siyang alalay kagabi hihi!" wika ni Tricia sa aking asawa.

Mga ilang minuto ring nag-usap si Tricia at ang asawa kong si Angel, bagay na naging pabor sa akin upang ipag-patuloy ko ang aking pagnanasa.

"Yes of course! hihi!...sige sige...see you in a while" paalam ni
Tricia.

"Are we there yet?" tanong niya sa akin.

"Ah malapit na" aking tugon.

Noon lang yata nalibot o napadpad si Tricia sa parteng iyon ng kalakhang Maynila, madalas kasi noong huli nilang pag-uwi sa ating bansa ay sa mga shopping malls at mga pamosong kainan lang sila nagpupunta ng kaniyang asawa.

Hindi nagtagal at narating na rin namin ang pinagtatrabahuhang ospital ni Angel. Malayo pa lang ay nakita ko na ang aking asawa, kasama si Alex.

"Oh there they are!" masayang wika pa ni Tricia.
"...hi! hi Angel! hihi!" bati pa nito sa aking asawa.

"Hi! Tricia! hihi!...how are you?" bati naman ni Angel.

Akmang bababa sana si Tricia subalit pinigilan siya ng aking asawa.

"No no, dito na lang kami ni Alex sa likod, you stay na lang there mabilis lang naman ang byahe..." utos pa ni misis tungkol sa pag-upo ni Tricia sa harapan kung saan siya ay aking katabi.

"This is your place Angel, dito kana" sabi naman ni Tricia.

"C'mon Tricia, okay lang yan, ikaw muna ang asawa ni Bogs today haha!" biro pa ni misis.
Siguro medyo naasiwa si Tricia sa birong iyon ng aking asawa, gayung alam naman namin na minsan naman talaga kami ay parang naging mag-asawa. Nagpumilit siyang bumaba, nag-dahilan nalang siya na gusto niya ay katabi niya ang aking asawa.

"No, gusto kitang katabi hihi!...uhm, Alex right? ikaw na lang dito at dyan kami ni Angel sa likod, if you don't mind...ikaw na rin muna ang asawa ni Bogs today hihi!" biro naman ni Tricia.

Bilang "Saling-pusa", walang nagawa si Alex kundi dito na nga sumakay sa aking tabi. Ang mag-hipag nama'y doon sa likod at tila walang humpay na ang kanilang kwentuhan at kumustahan.

"Hi kuya..." mahinang bati naman sa akin ni Alex.

"Hi..." sagot ko naman.

Ako din nama'y medyo nanghinayang, sayang din kasi ang pagkakataon na masilayan ko ang makinis na hita nitong si Tricia. Tunay na kaakit-akit naman talaga ang kanyang pinakitang laman, maging mga guwardya kanina sa ospital ay lumuwa ang mga mata nang makita si Tricia na bumaba.

Halos buong byahe namin pabalik sa condo ay tanging mga boses ni Angel at Tricia ang nangibabaw.

"...oo think you will like it! hihi! ...and maybe Bogs will do also haha!" narinig kong wika ni Tricia, tungkol yata sa pasalubong niya kay misis galing Canada.

Habang abala ang dalawa sa likod, nagkaroon din naman kami ni Alex ng pagkakataon. Halos dalawang linggo na rin yata ang lumipas mula noong huli kaming nagtalik ng "Kabit" kong ito. Pangiti-ngiti, pasulyap-sulyap. Ito ang naging paraan namin upang kumustahin ang isa't isa. Alam din naman niya kasi kung gaano kabagsik ang pang-amoy ng aking asawa kaya't 'di lang doble kundi tripl ingat ang kailangan.

Naroong sagiin ko ang kanyang hita tuwing ako'y hahawak sa kabyo ng aking sasakyan. Alam kong alam niya ang nais kong ipahiwatig, subalit sadyang mahirap talaga para sa isang bawal na relasyon ang magkaroon muli ng lubos na pagkakataon.

"Gusto ko sanang puntahan yung project nyo ni Edong Bogs..." wika ni Tricia. "Ah eh, sige sige, ngayon na ba?" tanong ko.

"E oo sana, kung okay lang sa iyo?" sagot niya.

"E dadaan muna ako sa isa kong project, baka kasi hanapin ako doon ngayong umaga" sabi ko pa.

"Great! sasama na rin kami doon!" masayang sabi ni Tricia.

"Kayo?" tanong ko.

"Oo kami...'di ba Angel?" sagot ni Tricia.

"Naku Tricia, sorry pero parang 'di ko na yata kaya, alam mo namang galing ako sa duty 'diba?" dahilan ni misis.

"Ay...uhm, ikaw na lang Alex, hihi! para may makasama naman ako..." patuloy ni Tricia.

Napatingin ako sa dalaga, hindi ko alam kung ano ang plano niya. Ngumiti siya sa akin, pero sa isip ko sana ay muli ko siyang babalikan pagkahatid ko kay Angel at
Tricia sa condo. Ngunit tila malabo yatang mangyari iyon sapagka't ang bisita namin ay nauna na sa mga balak niya.

"Uhm ate Tricia, parehas lang po kami ng duty ni ate Angel...hihi..." dahilan ni Alex.

"So paano?" singit ko sa usapan nilang tatlo.

Hindi pumayag na maiwan na lang si Tricia, wala naman siyang gagawin sa condo, naroon man si Angel e siguradong matutulog din ito.

"Kayo na lang ni Bogs, kayo nalang bumisita sa project nyo Tricia...next time na lang ako, sa isang araw off ko, promise we will have a day off...girls' day off haha!" pangako ni Angel.

Hindi naman siguro masama, kung tutuusin e "Kliyente" ko naman talaga si Tricia. Yun nga lang, bilang asawa ng pinsan ni Angel, medyo mayroong personal touch ika nga.
"Okay lang Angel, kung hindi nga lang talaga ako bored sa bahay e...saka kung mag-stay ako e baka hindi ka naman maka-rest diba?" sabi ni Tricia.

"Uhm, pero dumaan ka muna sa taas, magpalit ka ng damit mo...alam mo na..maraming manyakis doon haha!" paalala ng aking asawa.

"Ay ganun? what do you mean? sasamahan naman ako ni Bogs 'diba?" tanong pa ni Tricia.
"Oo nga, pero alam mo naman mga workers ni Bogs, mana yata sa amo nila haha!" biro pa ni Angel.
Sabay-sabay nagtawanan ang aking mga pasahero, sa isip ko'y kahit biro ang mga ito, alam kong napuna na ng aking asawa ang suot na maiksi ni Tricia. Tama nga naman sa isang banda, naalala ko rin noon kung saan si Angel ay ang aking bisita. Hindi pa kasing iksi ng pekpek shorts ni Tricia ang suot niya noon pero ang mga mata ng aking mga manggagawa'y halos lumuwa na.

"Ate Angel, kuya Bogs, salamat po sa pag-hatid...ate Tricia, nice meeting you ulit po...see you next time!" paalam ni Alex nang siya ay amin nang ibaba sa tapat ng bahay nila.
Sa tingin ko'y hindi lubos na napilitan lang si Tricia na sumama sa akin. Kung talaga kasing "Ayaw" niya e sana tiniis na lamang niya ang pagka-bato sa bahay, o 'di kaya nama'y nagpahatid na lang sa isang lugar na libutan, sa mall, sa park, o kung saan man. Subalit gaya nga ng aking pakiramdam, malamang ay dalawang bagay lang: ang makita nga ang proyekto naming apartment ng asawa niya o kaya nama'y gusto talaga din niya akong makasama.

"Ang init pala dito Bogs..." wika ni Tricia.

"Oo nga pala, wala kasing snow dito eh hehe" biro ko pa.

"No I mean, pinag-bihis pa ako ng asawa mo e napaka-alinsangan naman pala ngayong tanghali na" reklamo pa niya.

"Naku pasensya kana ha, hindi ko naman kasi alam na gusto mo talagang sumama at bababa ka mismo dito...akala ko sa kotse ka lang" sagot ko pa.

"Doon din ba sa project nyo ni Edong e mainit?" tanong ni Tricia.

"Ah doon hindi gaano, maraming puno sa paligid dun, masarap ang hangin.." sagot ko.
"...gusto mo doon ka na muna sa kotse, eto yung susi...mga kalahating oras pa ako dito Tricia e, may kailangan lang akong asikasuhin" wika ko sa aking kasama.
Nauna kasi kaming tumungo doon sa una sa dalawang hawak kong proyekto, pagkatapos ay didiretso na kami sa kanilang pinapagawang apartment. Tinanggihan ni Tricia ang alok ko na doon na muna niya sana ako antabayanan sa loob ng aking sasakyan upang kahit paano siya ay malamigan. Ako'y muling pinahanga ni Tricia sa sumunod niyang ginawa.

"I guess hindi naman sila ganoon ka-manyak..." wika ni Tricia sabay hubad ng suot niyang manipis na long sleeves.

Nanlaki ang mga mata ko mismo nang bumulaga ang kanyang katawan. Ang suot na kasi ni Tricia ay skinny jeans, tsinelas, at ang pang-itaas nama'y itim na tank-top kung saan kanina ay nakukublihan ng long sleeves. Hindi ito napansin ng mga manggagawa, tanging ako lang yata ang nakapansin kung paano niya hubarin ang damit na pang-ibabaw niya. Ako lang yata ang naka-saksi nang bahagya pang umangat ang suot niyang spaghetti strap top at sumilip ang maputi niyang tiyan hanggang sa may pusod.

"You know what Bogs, mali si Angel, hindi naman pala mga manyakis ang mga tao mo e" wika ni Tricia. Mayabang ko pa na ipinagmalaki na ang mga tao ko ay matitino, subalit hindi pala iyon ang nais niyang iparating.

"...but I think may tama din sa bilin ni Angel..." pahabol pa niya.

"Alin?" tanong ko.

"...na yung boss nila ang manyakis..." mahinang sagot ni Tricia sa akin.