1. Home
  2. Stories
  3. Bahay At Lupa - Part 24: Ninja Moves
Pinoy Tambay

Bahay At Lupa - Part 24: Ninja Moves

By suicideking ·

Muling nabuksan ang pintuan ng kalibugan ko nang sa tingin ko'y nagpakita na ulit si Tricia ng motibo. Hindi ko naiwasang mapatingin sa cleavage niya sa tuwing siya ay mapapayuko, hindi mawalay ang tingin ko sa kanyang makinis na braso, lalo tuwing aangat ng bahagya ito't sisilip din ang maputing kili-kili ni Tricia.
"Yung boss nila ang manyakis..." ito ang huling sinabi ni Tricia sa akin bilang pagpuna sa aking pagtingin.
"Sorry, hindi naman ako manyakis, humahanga lang ako sa ganda mo" pambobola ko pa.
"Okay sure..." balik niya.
Dahil gusto rin siguro ng "Adventure" ni Tricia, at malamang hindi niya naranasang maglibot sa mga ginagawang bahay sa Canada, sumama siya sa akin sa pagmamasid sa aking proyekto. Tulad ng inaasahan, kung kanina ang mga tao ko'y abala sa pagtatrabaho, ngayon ang mga mata nila'y nakatitig na rin sa kasama ko.
"Good morning ser Bogs..." bati ng ilan.
"Maganda umaga ser, mam.." sabi naman ng iba.
Isipin nyo na parang kami ay nasa kulungan ng preso, kung saan ako ang warden at may bisitang babae doon. Ang mga preso nama'y mga trabahador ko, kung saan bihira silang makakita ng anghel galing sa langit. Sa tingin ko'y halos mahubaran na si Tricia sa kanilang mga tingin, habang abala ang kasama kong babae sa pagmamasid ang mga kalalakihan nama'y nagpapakabusog sa nakikita nilang marikit.
"Ay ganito pala ginagawa ito hihi!" wika pa ni Tricia tungkol sa bintanang ikinakabit.
"Ganyan din ang ikakabit natin sa apartment nyo, mura lang yan pero matibay" sagot ko naman.
Matapos ang nakatakdang oras para sa aking pag-iinspeksyon,
niyaya ko na rin si Tricia na lumisan. Sapat na ang oras na iyon para sa aking pagbisita, sapat na rin ito para sa mga mata ng mga manggagawa.

"Ikaw rin ba nag-design nung bahay na yun?" tanong ni Tricia nang patungo na kami sa kanilang ginagawang apartment.

"Alin yung kanina? oo ako rin...mas maigi kasi na kung sino ang nag-design e siya rin ang magsu-supervise" sagot ko.

"Ang ganda Bogs, ang galing mo pala talaga" wika niya.

Napa-ngiti ako, sa isip ko kasi ay hindi ang mga gawa ko kundi ang "Galing" na ipinaranas ko sa kanya dati. Sana sumagi rin sa isip niya iyon, sana ay hindi pa talaga niya naibabaon sa limot ang mga karanasan naming dalawa noon. "Salamat" tangi kong naisagot.

Nilakasan ko ang aircon, napansin ko kasing init na init pa rin ang kasama kong sanay sa snow. Malayo ang tingin ni Tricia, hindi ko alam kung may iniisip ba siya o sadyang namamangha lang sa mga nakikita niya sa labas na kakaiba kumpara sa Canada. Nang maramdaman ni Tricia na medyo mas malamig na ang hangin sa loob ng kotse ko ay niyakap na niya ang kanyang sarili. Dahil dito'y bahagyang umumbok pa ang dalawang suso niya at ang cleavage ni Tricia ay aking muling nakita.

Nagkatinginan kami.

Nahuli niya ako ulit na sa kanya ay nakatingin.

"Uhm, isuot mo kaya ulit yung long sleeves mo, baka sipunin ka nyan" palusot ko kaagad.
"...okay lang, sanay naman ako sa lamig...saka for sure huhubarin ko ulit mamaya yan pagbaba natin..." sagot niya.

"...saka ikaw lang naman ang nakakakita, 'di ba?" pahabol pa niya na medyo mahina.
Naroon na't alam kong bukas na ang isip ni Tricia, subalit tila ang isip ko nama'y tila pinipigilan ang pag-atake ko sa aking kasama. Gusto ko nang magsalita ng may halong tirada, gusto ko nang ipaalam sa kanya na gusto ko na talagang ibalik ang nakaraan namin. Ngunit nanatiling tikom ang aking bibig, hindi rin kasi ako sigurado sa kanyang mga iniisip.

"Ito naman, lagi na lang yun ang pinapansin mo sa akin..." sagot ko.

"Bakit? hindi ba totoo?" sagot ni Tricia.

Nahiya ako. Totoo naman talaga na kanina ko pa siya pinag-nanasahan.

"Totoo. hindi ko naman itinatanggi e" sagot ko nang diretso.

Wala naman sigurong masama kung diretsahin ko na siya, tutal mayroon naman talaga kaming nakaraan. Siguro sa panig niya e medyo nababastusan pa siya sapagka't babae rin naman si Tricia na kailangang igalang.

"...o bakit naiinis ka?" tanong muli niya.

"Ha? ah hindi. hindi naman..nagpapaliwanag lang" sagot ko.

"Ahahaha! you are soooo serious Bogs...bakit ba? kagabi ka pa ganyan ha...hihihi!" sabi ni Tricia.

Ako'y natahimik sandali, mabilis kong inisip kung eto na nga ba ang tamang pagkakataon para gawin ko na ang aking nais.

"Lalo kang guma-gwapo kapag naiinis ka alam mo ba?" pahabol ni Tricia.

That's it.

"Relax Bogs...ako 'to, si Tricia...remember?" patuloy niya.

"Kasi ano, naguguluhan ako e..." sagot ko.

"Saan? sa akin?" sagot niya.

Kung tutuusin, dapat lang talaga na kalimutan na niya ako. Ako naman talaga ang bumitaw sa "Relasyon" namin noon, ako ang nawala sa ere at ang mga pahayag niya na muntik na daw siyang mahuli noon ni Edong na may ka-chat ay sumunod na lang o naging gatong na lang upang magkaroon din siya ng dahilan.

Muling nanumbalik ang alaala ko noon, noong kami'y nagkakilala pa lamang. Tahimik si Tricia noon, walang kibo. Kung hindi mo siya kausapin dati ay hindi rin siya sasagot. Hindi ko naman talaga rin inasahang magkakaroon ako ng tsansang matikman siya, oo merong "Pagnanasa" tulad ng sa mga artista, hindi pwedeng abutin ika nga. Isa pang dahilan dati ay dahil may asawa na siya at ang asawa niya ay pinsan ng aking maybahay. Pagnanasa lang talaga. Pero ang siste pala e kapwa kami naghihintayan dati, at yun nga, nauwi rin sa tikiman.

"So you mean, pwede ko talagang tingnan yan?" biro ko na.

"Sira ka talaga!" sagot ni Tricia.

"Sabi mo kasi okay lang, na ako lang naman ang nakakakita 'di ba?" patuloy ko.
"Alin ba? ito? ito ba gusto mong makita?" tanong ni Tricia.
Napalunok ako ng laway. Eto na't tunay nang "Game" na ang aking kasama. Pinagmasdan ko ulit si Tricia, itinabi ko muna ang sasakyan at muli ko siyang tinitigan. Nagulat din si Tricia sa ginawa ko, akala niya siguro ay gagahasain ko na siya doon din mismo.
"Oo sana e..." hiling ko sa kanya.
"Hihihi! ikaw talaga Bogs..." sabay sampal niya sa akin na mahina lang.
"...pag-iisipan ko...tara na" sabi pa niya.
"Tara saan?" tanong ko naman.
"San mo ba gusto?" seryoso niyang tugon.
"Kung saan ka liligaya" sagot ko.
"Tara na sa project mo...hihi!" biro pa niya.
Ang tensyon mula kagabi ay tuluyan nang humupa. Muli nang nanumbalik ang dati naming pagsasama. Siguro hindi ko lang naunawaan kagabi nang sinundo ko siya, siguro pala kung pinursige kong yayain kaagad siyang magtalik kagabi ay papayag rin siya.

Ganunpaman, hindi ko minadali ang lahat. Ayokong maging pabaya, ayoko ng padalus-dalos. Pinili kong maging maginoo kay Tricia, tulad dati, ganun ang ginawa ko at ang kinalabasan nito'y maganda. Merong mga kaunting "Tirada" sabi nga, mga salitang may dalawang layunin, para din hindi naman maapula ang munting apoy na nagsimula nang mag-alab sa pagitan namin.
Isang oras kaming nanatili doon sa apartment na ipinapagawa nilang mag-asawa. At tulad din kanina, halos naging tanghalian ng mga mata ng mga trabahador ang katawan niya. Siyempre ako naman e hindi nagpahuli, gayung alam ko na ipinapasilip na talaga sa akin ni Tricia ang dalawang suso niya, mas malapitan kumpara sa aking mga kasama.

"Saan mo gustong kumain?" alok ko sa kanya.

"Gustong kumain, o anong gusto mong kainin?" biro ni Tricia.
"Hehe, aba alam mo naman kung ano ang gusto ko..." sagot ko.

Muling ipinakita sa akin ni Tricia ang kanyang mapuputing mga ngipin sa kanyang pag-ngiti, ang kanyang mga mata'y tila may kutitap na kumikinang nang muli kaming magka-titigan. Hinawakan ko ang kanyang isang kamay upang akayin at yayain na siyang lisanin ang lugar na aming kinaroroonan. Malaya naman siyang sumunod, at sa tingin ko'y iisang daan na talaga ang tinatahak namin.

Sa loob ng aking kotse ay muli kaming nagkahiyaan, sandaling katahimikan ang nangibabaw sa pagitan naming dalawa ni Tricia. Tinginan lang at ngitian, para kaming bagong mag-syota pa lang at gagawa ng milagro sa unang pagkakataon.

"So uhm, saan tayo?" tanong ko na.

"Aba, hindi ako taga-rito Bogs...akala ko ba kakain tayo?" tugon niya sa akin.

"Busog na kasi ako e...kakatingin ko pa lang sa iyo e busog na ako..." pambobola ko pa sa kanya.

"Aysus...alam mo Bogs hindi ko alam kung bolero ka o manyakis e...o pareho? hihi!" sabi niya.
Inabot kong muli ang kanyang kamay, muli kong inilapat ang aking palad sa kanyang malambot na mga daliri. Naramdaman kong medyo pumisil na si Tricia sa aming pagkakahawak, at dahil dito'y naisip kong oras na upang ako'y gumawa na ng hakbang.
"I know a place, they serve good food...crispy pata, fried chicken, mga pinoy foods...I'm sure na-miss mo mga ganun...right?" wika ko.

"Ay oo naman...sige sige doon na lang tayo Bogs!" masaya niyang tugon.

Itinuring kong araw namin ni Tricia iyon, itinuring kong siya ang aking syota noong mga sandaling iyon. Sa ilang minutong byahe namin patungo sa lugar kung saan kami kakain ay hindi ko na binitawan pa ang kanyang makinis na kamay. Gusto kong maramdaman kasi niya ang bawat sandali, ang init ng aking sarili, at gusto kong ibahagi sa kanya na gusto ko na siyang angkinin.

"Dito na?" tanong ni Tricia.

"Oo dito na..." sagot ko sa kanya.

"This is a motel Bogs..." medyo masungit niyang wika.

"Yes it is, and they serve good food here also" palusot ko.

"You are so malibog, alam mo ba yun?" sagot ni Tricia.