1. Home
  2. Stories
  3. Bahay At Lupa - Part 47: The Trial
Pinoy Tambay

Bahay At Lupa - Part 47: The Trial

By suicideking ·

Ang relasyon ay tulad ng isang halaman. Kung hindi ito aalagaan, kung ito'y hindi didiligan, ito ay malalanta. Mamamatay. Pero ayos lang, lahat tayo ay may karapatan sa isa o higit pang pagkakataon. Pwedeng namang magtanim ulit, pwede ulit magsimula. Tumingala tayo sa langit, mangarap tayo, magkaroon ng mithiin. Mas mainam ito, na mayroon kang nais abutin kesa naman sumuko na lang.

Hindi tayo nag-iisa, kahit anong mangyari ay may mga tao na handa tayong tulungan at handang sumuporta. Didiligan ka't aalagaan, hindi ipagdadamot kung anong meron sila. Pero hindi dito nagtatapos ang pagsubok, darating at darating ang malalakas pang bagyo, susubukin ka at ibubuwal. Pero dahil sa ating pundasyon, dahil sa panibagong lupa na kinatatayuan ko, ako'y hindi na matitinag pa at lalong hindi na susuko.

Ganito naman palagi, ewan ko ba't hindi na ako nasanay. Simula noon, tuwing may masaya ay siguradong kasunod nito ang lungkot. Siguro nagkamali din ako, naging marupok ako, madaling natukso. Pwede naman akong tumanggi, pwede naman akong hindi magsabi ng "Oo". Ano nga kaya ang sitwasyon ngayon kung hindi nabuksan ang kakaiba naming laro? Sadya nga kayang ganito ang asawa ko, natural nga ba ang kakaiba niyang libog?

"I have to tell you something Bogs. wag ka mabibigla ha?" ito ang huling sinabi sa akin ni Angel bago ako natulala, bago ako nag-isip ng kung anu-ano.

Sino ba naman kasi ang hindi mabibigla, ang asawa mo na alam mong may kakaibang hilig e kasama ang lalaking minsan na siyang nahumaling? Wala sigurong lalake ang hindi maghihinala, maging si Carina na alam kong malupit sa pag-iimbestiga'y walang alam sa "Sikreto" nila. Narito na e, nangyari na ika nga.

Ganunpaman, hindi ako syento-pursyentong sigurado. Hindi isisiwalat ni Angel ang ganitong bagay sa gitna ng ibang tao, kung tama ang hinala namin ni Carina e sana sa liblib na lugar kami magkakaroon ng pag-uusap at hindi dito sa munting piging ni Alex. Hindi naman talaga mawawala ang kaba at paghihinala subalit kailangan
kong maging matatag, kailangan kong pakinggan ang panig nila.

"Ano? ano ba yun babe?" tanong ko sa aking maybahay.

Eto na, pakiramdam ko ako'y lulubog sa aking kinauupuan. Lalo pa akong kinabahan nang sabihin niyang hindi lang isa ang kanyang balita kundi dalawa daw ang kailangan kong malaman.

"Uhm first, yes may secret kami ni Cid hihi!" sabay tingin pa nito ng malandi kay Carina na sa pagkaka-alam ko'y nagseselos na rin.

"...surpresa ko sana sa iyo Bogs ito e, kaso hindi ko talaga maitago, alam mo namang mahina ako sa ganitong taguan hindi ba?" patuloy ng aking asawa.

Nanatili akong tahimik, inantabayanan ko ang buod ng kanyang sasabihin sa halip na ako'y magalit o mainis. Kung ito ma'y para sa akin, kung ito ay hindi tungkol sa nakalipas na "Laro" nila ni Cid, mayroon pa rin naman talaga akong dapat ika-inis sapagka't kakaiba naman talaga ang pagiging malapit ng aking asawa sa binatang nobyo ni Carina.

"Tinulungan ako ni Cid, thanks Cid ha...uhm, actually ako ang nag-ask...ayoko kasi sa kakilala mo which may spoil the surprise...babe, eto o..." sabay abot ni Angel sa akin ng isang malaking envelope.

Medyo nanginginig pa ang aking kamay ng abutin ko ang lalagyang papel na iyon. Ang paksa'y lumalayo na sa iniisip namin kanina ni Carina, ito'y bumabaling na tungkol sa aming mag-asawa. Kinuha ko at binuksan kaagad ang malaking sobre, isang pamilyar na dokumento ang nakita kong laman nito.

"Titulo?" wika ko.

"Oo babe...hihi!" masayang sagot ng asawa ko.

"Magpapagawa ka ulit Cid ng bahay?" patuloy ko.

Sa una akala ko'y ganoon nga ang hinala ko, na isa na namang proyekto ang hatid ni Cid, proyekto na ang kahuluga'y perang papasok. Subalit hindi e, ang sabi ni Angel kanina lang ay surpresa daw niya ito para sa akin. Kung ito ay proyekto ni Cid, sana siya na mismo ang nagsabi at hindi na kailangan ni misis na sumali pa.

"Read it kasi...basahin mo lahat" sabi pa ni misis.

Muli kong itinuon ang aking atensyon sa papel na hawak ko, marahil ako'y panandaliang nabulag kanina at hindi ko kaagad nakita ang tinutukoy ng asawa ko. Ang lahat ng poot at inis ay mabilis na napawi ng aking mabasa ang pangalan namin sa naturang papel na iyon. Titulo ito ng lupa, amoy bago pa nga ito, pangalan naming mag-asawa ang nakatala dito at siguradong pag-aari namin ito. Pero bakit nga ba ako o kami nagkaroon ng lupa e gayung wala naman akong naaalalang pag-aari ko.

"Seriously?" sabi ko pa.

"Yes babe. serious." sagot ni misis.

Tumayo ako at nilapitan ko ang aking asawa, hinalikan ko siya sa harap na rin mismo ng binata. Halos maluha pa nga ako dahil sa kanyang ginawa.

"I didn't expect this babe...paano? bakit?" tanong ko.

"Well, gaya ng sabi ko kanina, Cid helped me. hindi ko nga alam na sideline pala ni Cid ang magbenta ng properties...matagal ko na itong balak babe, finally natupad din...now build a house on it okay? ikaw na bahala sa bahay saka sa gagastusin mo hehe!" paliwanag ng aking asawa.

Ang "Kalungkutan" kanina'y napawi na at nabalot na ulit ng saya ang aming paligid. Si Carina na kanina'y parang iiyak na rin sa galit ay muli ko nang nakitaan ng matamis na ngiti sa kanyang mga mapupulang labi.

"Aba mukhang masaya kayo dyan ah?" wika ni Alex nang lumapit siya sa amin dala ang isang tray na may lamang ilang bote ng beer.

Doon naupo si Alex sa tabi ni Carina na katabi ko rin, at ang asawa ko naman sa aking kabila na katabi naman ni Cid.

"...oo naman Alex...lagi naman kaming masaya, masaya dito kaya huwag ka nang umalis haha!" biro naman ni misis.

"Ate naman e...lalo akong maho-homesick nyan! hmp!" sagot ng dalaga.

"...ano ba meron? ah eto nga pala, inom muna tayo guys..." at inalok kami ni Alex ng maiinom na beer.

Dobleng selebrasyon kung tutuusin, una ay ang pagtupad sa pangarap ni Alex na aalis at ang isa pa'y pangarap naman namin ni misis. Isa-isang nagsipag-abutan ng bote ng beer ang aking mga kasama, sumunod ako at mabilis na tumungga. Sa isip ko'y hindi naman pala masama ang pagiging malapit ni Cid at Angel sa isa't isa kahit pa meron pa ring kaunting "Selos" sapagka't tila talagang napaka-sweet nila. Sweet naman talaga si Angel kahit kaninong lalake naming kakilala, ewan ko ba't bakit iba talaga ang nararamdaman ko kapag si Cid ang kasama.

"So what will happen to the condo unit ate?" tanong ni
Carina.

"Maybe we will make it for rent na rin like the other one" sagot ni misis.

Condo.
Kung ito siguro'y isang "Hard disk" ay siguradong puno na ang kapasidad nito. Sa dami na ng mga naganap dito at nasaksihan nito, malamang ito na'y susuko. Alam kong may malaking parte rin sa puso ni Carina ang lugar na ito, kaya siguro naitanong niya kung ano na ang kahihinatnan nito.

Sa gitna ng munting selebrasyo'y napansin ko at maging si Alex ay napuna na ang hawak na inumin ni misis ay kakaiba. Dati madalas siya pa nga ang nagyayaya ng inuman, subalit noong araw na iyon ay sadyang umiiwas siya at ang tanging pinapansin lang ay ang pulutan.

"Ate sa iyo ito oh...hindi ka malalasing dyan sa juice haha!" biro pa ni Alex habang inaabot sa asawa ko ang nalalabing bote ng beer.

Tumingin muli sa akin si Angel, tingin na para bang may gusto pa siyang sabihin. Tingin na bihira kong makita sa kanyang mga mata, titig na tila malalim ang kahulugan pa. Tinanggihan ni misis ang alok na alak ni Alex, maging si Carina ay napukaw ang atensyon dahil sa kilos ni Angel. Sinilip ko ang kanilang mga mukha, mukhang ako lang yata ang hindi nakakaunawa.

"Babe...may isa pa akong surpresa hindi ba?" wika ni Angel.

"Ah oo nga pala, ano ba yun?" tanong ko kaagad sa kanya.

Ang mga kasama ko'y nagbulungan, si Carina ay tila may sinasabi kay Alex ngunit ito'y hindi ko na narinig pa sapagka't ang tenga ko ay nakatutok lamang sa aking asawa. Hinintay ko ang kanyang sasabihin, hindi ko talaga ma-arok ang kanyang nais na ipahiwatig.

"Wow ate talaga?? hihi!" sabi pa ni Alex.

"Sorry Alex ha, dito ko pa ibabalita sa party mo hihi!" sagot ni misis.

"Babe, Bogs babe...." sabi ni misis.

"Ano?" sagot ko.

"Babe I'm pregnant" sagot ng asawa ko. Boom.

Ilang segundo yata akong hindi nakapag-salita noong mg sandaling iyon. Bawat balahibo sa katawan ko'y tumayo dahil sa sinabi ni Angel. Ang aking isipa'y kaagad na naglaro na, nag-diwang, lumundag ang puso ko at ang pagkatao ko'y bigla nang sumaya.

Hindi ko ito napansin, hindi ko ito nahalata. Kaya pala noong isang araw noong kasama namin si Tricia sa swimming pool at mag-iinuman sana kaming tatlo'y tumanggi na siya. Kaya pala minsan sa umaga'y wala siyang gana, kaya pala minsan ang mood ng asawa ko'y kakaiba.

Kaya pala.
Pakiramdam ko noo'y para bang unang anak pa lang namin ang kanyang dinadala. Nagpalak-pakan pa nga ang aming mga kasama at binati kaming dalawa. Niyakap ko si Angel, yakap na puno ng pagmamahal. Wala na sigurong papantay pa sa pakiramdam ko noon bilang isang tatay.

Simula noo'y naging mas maalaga pa ako sa aking asawa, tulad noong ipinagbubuntis pa lang niya ang panganay namin. Hindi doon napatid ang sexual life namin, tulad dati hangga't kaya pa niya at hangga't pwede pa ay sinasamantala na namin. Siniguro naman din sa akin ni Angel na hindi niya ako pababayaan lalo na ang pangangailangan ng tawag ng aking laman. Si Katherine na may malaking papel sa buhay namin ay muling sinabihan ng kanyang ate, hindi lang siya masaya dahil sa panibangong pamangkin kundi dahil na rin sa mga kasunduan namin. Pipilitin naming ibalik ang dati, tulad noong buntis si Angel sa panganay namin kung saan si Kat ay nagsilbing sa akin.

Dalawang araw bago lumisan sa ating bansa itong si Alex ay tinupad naman niya ang kanyang pangako. Nagkita kami at muling idinaos ang dati naming ginagawa tuwing araw ng Huwebes. Sa huling pagkakataon ay ninamnam namin ang sarap ng pakikipagtalik. Sa kanyang pamamaalam ay muli niyang inialay ang sariwa niyang katawan sa akin.
Siguro dahil sa pagbubuntis ng aking asawa ay pansamantalang nawala ang atensyon ko para kay Tricia. Nagkikita pa rin naman kami minsan, tuwing magkakaroon kami ng hapunan sa labas subalit hindi na talaga ganoon kadaling kumuha ng pagkakataon upang ulitin pa namin ang mga nakaw na sandali at magtikiman. Bantay sarado siya ni Edong tulad dati, madali lang sana itong lusutan subalit dalawa na ang aming bantay. Si misis na sa tingin ko'y lalo pang tumapang ang pandinig at pakiramdam sa kanyang paligid. Ganunpaman, sa isang buwan na lumipas ay nagkaroon din kami ng pagkakataong mag-niig. Kahit mabilisan lang, ang importante'y muli ko siyang nahagkan.

Natuto akong makuntento, mas mainam na rin ito siguro. Tulad dati, si Kat lang naman talaga ang aming kasiping. Bonus na lang siguro noon si Carina, lalo na ngayon na may syota na siya. Ang pagbubuntis ng aking asawa'y nagsilbing tuldok sa kasalukuyang mga pantasya niya, subalit hindi ito tuluyang magsasara sapagka't alam ko ang kapasidad ng aking asawa.

"I know what you are thinking babe...hihi! don't worry, Kat and I settled this..." sabi pa ni misis isang araw habang kami ay kumakain.

"Ha? ano yun? ano ba yun?" pagkukunyari ko pa.

"Suuus...kunyari ka pa...pero 'di na tulad dati ha? alam mo naman na may pamilya na rin ang kapatid ko. ewan ko ba kung bakit mas gusto ka pa niya kesa sa asawa niya haha!" patuloy ni Angel.

Sa susunod na buwan ay magsisimula nang umumbok ang kanyang tiyan, hudyat na rin ito na ang regular na pagtatalik namin ay tuluyan nang mababawasan.

"Si Carina? okay lang ba na mag-ano kami babe?" tanong ko pa sa aking asawa.

"Uhm, kung okay sa kanya...pero baka naman makalimutan mo na ako babe? lalo na kapag tumaba na ulit ako..." malambing niyang biro.

"Aba hindi, kelan ba ako naging pabaya sa iyo?" sagot ko.
Alam kong gusto pa ring ituloy ni Angel ang kanyang pantasya kay Cid. Siguradong mas mataas ang antas ng kanyang kalibugan ngayong nagbubuntis siya. Pero mas pinili kong maging tahimik ukol dito, hindi ko sigurado pero hindi rin naman dito natatapos ang mga ganitong tagpo.

Sinimulan ko na ang pag-guhit ng plano, sinimulan ko nang bumuo ng isa pang pangarap na abot-kamay na lang ang layo. Hindi lang ito, bukod sa madaragdagan pa ng isang miyembro ang pamilya ko, nagkaroon kami ng kasunduan ni Mulong na asawa ni hipag. Batay na rin ito sa pangako ni Angel sa kanyang kapatid, gusto nilang muling magsama sa iisang bubong tulad dati. Nangyari na ito dati, sa condo, subalit hindi yata sapat ang buong espasyo kaya't umalis si Kat dito. Ngayon bilang isa pang pamilya ay magiging kasama na naman namin siya at ang kanyang asawa't anak pa. Ayos lang ito, hindi naman magulo sa tingin ko. Mas pabor pa nga ito sa akin dahil ilang hakbang na lang ang magiging layo namin tuwing kailangan namin ang isa't isa.

Minsan masaya, minsan magulo. Minsan wala, minsan naman ay mayroon. May dadating at may aalis. Daraan at darating naman talaga sa buhay natin ang ganito. Natutunan kong tanggapin ang bawat sitwasyon, kung wala na talagang magagawa'y sumang-ayon na lamang sa agos. Kailangan lang may direksyon talaga, may pangarap, may mithiin.

Ako'y sabik na sa panibagong yugto pa ng aking buhay, ako'y sabik na at hindi na makahintay. Ilang buwan na lang ay lalabas na ang isa pa naming anak, ilang buwan pa ay doon na kami titira sa bago naming bahay at lupa.

WAKAS