1. Home
  2. Stories
  3. Bahay At Lupa - Part 5: That Thing Called 'Tadhana'
Pinoy Tambay

Bahay At Lupa - Part 5: That Thing Called 'Tadhana'

By suicideking ·

Kinabukasan kami na lang nila Angel, Kat, at ang dalawang bata ang naiwan sa bahay nila kasama na rin ang dalawang yaya. Tulad ng sinabi ni biyenan kagabi, maaga raw silang tumulak papuntang probinsya para sa kanilang negosyo. Walang pasok noon ang mga estudyante at malamang kasali na ang anak naming nasa preschool pa lang.
"Mukhang maganda tulog mo babe ah?" nakangiting tanong ni misis habang kami'y nag-aagahan.
Naalala ko tuloy noong unang gabi namin ni Katherine, parehas na parehas ang sitwasyon nang ako'y tanungin din noon ni misis. Lumalabas ay alam din ni misis ang mga nangyari, at gaya din ng aming inaasahan kagabi, okay lang iyon para sa kanya.
"Hihi ate talaga!" singit ni Katherine.

"Anong oras ba dating ni Mulong?" tanong muli ni misis sa kapatid.

"Ah di ko alam e, pero before lunch siguro, bakit?" sagot ni Kat.

"Ah wala lang..." medyo may iba siyang gustong iparating.

"Papasok ka ba babe?" tanong ko naman.
"Oo eh, alam mo naman sa ospital walang holiday..." sagot ni misis.

"Sayang naman ate hihi!" sagot naman ni Katherine.

Tila nag-uusap yata itong magkapatid sa kanilang mga isip, hindi ko alam subalit ganoon na nga ang gusto nilang palabasin.

"Next time na lang, mahirap ang chances natin hihi! di ba Bogs?" tanong ni misis.
Tumango na lang ako kahit na hindi ako sigurado kung tama ang aking iniisip na iniisip o binabalak ng magkapatid. Matapos ang aming agahan ay umuwi na muna kami sa aming condo upang magpalit ng damit. Ayaw ko na sanang pumasok noon dahil sa sama nga ng panahon, pero kailangang pumunta pa rin ako sa opisina upang ayusin ang ilang papeles na aking kailangan.

Inihatid ko si Angel noong umaga ding iyon at ako nama'y tumungo na rin sa aming opisina para sa aking mga aasikasuhin. Habang nasa kalsada'y nagmensahe pa sa akin ang aking hipag.

"Ingat kuya ko, salamat kagabi ha...mwah!" ani Kat sa akin.

Ang naging plano ko ay ganito, kukuhanin ko lang ang dapat kuhanin sa office at pagkatapos ako'y babalik kaagad kila Katherine upang maka-isa pa ulit bago dumating ang asawa niyang si Mulong bago magtanghali. Noong una'y eksakto ang naging balak ko, walang traffic gawa nga nang walang pasok ang mga estudyante, ilang mga opisina lang din ang bukas kaya't nakarating ako kaagad sa aming opisina.

"Good morning sir Bogs!...wala po yata kayong pasok a? parang wala akong napansing mga ka-opisina nyo?" bati sa akin ni manong guard ng aming building.

"Ah ganun ba? may kukuhanin lang din naman ako" sagot ko na lang.

Tama nga si manong guard, wala ngang tao sa aming office maliban sa isang babaeng nakita ko sa kabilang dulo ng aming tanggapan. Hindi ko na ito pinansin dahil ang alam ko'y isang sekretarya lang iyon ng isa naming boss, baka may pinapakuha lang. Ako'y dumiretso na sa aking pakay, sayang ang oras.

"Bogs?" tinig na aking narinig.

Ako'y napalingon sa tumawag sa akin, laking gulat ko at hindi pala ang sekretarya ang tao naroon, si Jessica.

Kung inyong matatandaan, si Jessica ay ang kasabayan kong pumasok dito sa aming kumpanya. Ka-batch ko ika nga. Siya rin yung babaeng malibog ang bibig at ang asawa ng mukhang kargador sa Baclaran naming foreman. Hindi ko na ipapaliwanag kung bakit doon siya napunta, mahabang istorya. May itsura at katawan naman talaga itong si Jessica, kung una mo pa lang siya makikita siguradong titigasan ka, pero kung mula noo'y kilala mo na siya, lalo pa't alam mong ang tumitira sa kanya ay mukhang kargador, e tiyak na mawawalan ka ng gana.

"Oh bakit? bakit nandito ka e walang pasok?" tanong ko kaagad sa aking kasamahang arkitekta.

"Aba e ikaw?" sagot kaagad niya.

"Eto, may kailangan akong kuhaning documents para sa isang project...e ikaw?" paliwanag ko.
"Same. pero CAD files ang kinuha ko, sa bahay na ako gagawa at walang tao dito" ani Jessica.

"Okay" mahina kong sagot.

Bahagyang natahimik si Jessica, hindi ko alam kung may nakalimutan siya. Ako naman ay patuloy sa pag-aayos ng mga papeles na aking dadalhin upang iuwi. Nang mapansin ko na tila hinihintay niya ako e saka ako nagsalita.

"Oh may nakalimutan ka pa ba?" tanong ko na medyo masungit dahil ako nga ay nagmamadali.

"Eh kasi...uhmmm...Bogs...hihi" malumanay niyang tinig.

Anak ng. Pag sinuswerte ka nga naman. Kung kelan ka nagmamadali saka ganito ang mangyayari. Makikisabay pala itong babaeng ito kaya't hindi pa maunang umalis. Gustuhin ko man na tumanggi e nakakahiya naman at kunsensya ko pa kung mapano ito sa lansangan.

"Saan ba punta mo? di ko nga alam bahay nyo" masungit kong tugon sa kanya.

"Hindi, sa site muna ako, sa project ni Mr. Choi...alam ko malapit lang yun sa site mo, padaan naman please?" malambing na niyang tinig.

Dumikit si Jessica sa aking braso, alam kong sinasadya niyang idiin doon ang isang suso niya upang ako'y hindi na makatanggi. Kung sana wala akong ibang lakad e bakit hindi, kung wala lang sana akong plano e malilintikan sana sa akin itong hitad na ito.

"May choice ba ako? bakit ba kasi hindi ka pasundo sa asawa mo?" wika ko pa.

"Hay naku, papasundo kay Elmo e wala rin namang sasakyan yun?" dahilan pa nito.

"O siya sige na...malakas ka sa akin e (kahit ayaw ko!)...teka at magbabanyo muna ako, hintayin mo nalang ako sa parking" sagot ko.

Sa loob ng kubeta ay sinubukan kong tawagan si Katherine, gusto ko sanang siguruhin na ako ay makakauwi at iisa pa sa kanyang piling.

"Hello? Kat?" wika ko sa telepono.

"Hello? kuya Bogs? oh napatawag ka?" sagot ng lalake.

Nabigla ako, tumingin ako sa aking relo, mag-aalas diyes pa lamang noon. Nagtaka ako dahil si Mulong ang sumagot sa tawag ko na para sana sa hipag ko. May magagawa pa ba ako, hindi yata talaga akma ngayong araw na ito ang kapalaran ko.
"Ah Mulong? check ko lang sana yung anak ko, okay ba kayo dyan? buti nakauwi ka ng maaga walang kasama si Kat" sagot ko nalang.

"Ah okay naman kuya, si Kat naliligo kaya ako na sumagot dito...nanunuod ng cartoons yung anak mo kuya, pumasok ka ba?" sagot ni Mulong.

"Hindi, I mean, hindi pa ako makakauwi at kailangan ako sa site e, paki nalang yung anak namin ha? salamat" wika kong muli.

Nagpasya na lang din ako na manatili muna sa site, tutal wala naman akong gagawin sa bahay. Matatakam lang ako kay hipag at walang mapapala dahil naroon na ang kanyang asawa. Kung sa condo naman ako, ano naman ang gagawin ko doong mag-isa.
"Salamat Bogs ha? hihi!" ani Jessica habang patungo na kami sa project site ni Mr. Choi.

"Anong salamat? may bayad 'to noh..." masungit ko pa ring

"Hihihi! ano ba gusto mong bayad?" malanding sagot niya

"Aba, ikaw? malamig ang panahon oh, parang masarap mag ano" biro ko.

"Hahaha! ikaw ha, huwag mo akong subukan!" sagot ni
Jessica.

"...malamig ang panahon, masarap mag lugaw na may itlog at lamang-loob" patuloy ko.

Napatapik sa aking hita si Jessica dahil sa biro kong iyon. Alam ko namang hanggang biruan lang ang
"Kalibugan" namin sa isa't isa. At isa pa, ano naman ang gagawin ko sa kweba niya na may nakatirang taong bato?

"Ah yun ba? hahaha! akala ko pa naman e yun na...hahaha!" biro din niya.

"Edi pagkatapos..." sundot ko pa.

"Di nga??" tanong niya.

"Pagkatapos kape, para okay diba?" biro kong muli sa kasama kong babae. Sa aking pag-sulyap, nakita kong medyo napapangiti lang si Jessica sa mga tirada ko sa kanya. Sa aking isip e tutal nasira na rin lang ang plano ko kanina, bakit hindi ko na lang laruin para hindi naman boring.

"Ikaw ba supervisor dito ngayon?" tanong ko sa kanya pagdating namin sa site.

"Ah oo, naka-leave kasi si Samson, yung site engineer natin, kaya ako na muna, tutal finishing naman na kaya okay lang...tara sa loob Bogs, silipin mo na rin" paliwanag ni Jessica.

"Alin? ano ipapasilip mo??" tanong ko.

"Basta, halika at siguradong mag-eenjoy ka hihi!" sagot niya. May ilang mga trabahador kaming naroon, interior na lang naman ang tatapusin kaya't okay lang kahit magtrabaho habang umuulan. Doon kami dumiretso sa isang silid, silid na kung saan ginagamit naming mga arkitekto sa isang proyekto bilang pansamantalang opisina.

"Ano Bogs, maganda ba?" tanong ni Jessica.

"Alin? nasaan? hindi ko pa nga nakikita" sagot ko.

"Sira! etong interior ano pa ba?! ano sa tingin mo?" sagot niya. Tila nananadya talaga ang panahon at pagkakataon, mula sa loob ng bagong bahay na aming proyekto ay dinig ang lumakas na buhos ng ulan. Well, sa aking kalagayan e ayos na rin dahil sira na rin lang ang dapat sana'y makabuluhang araw.

"Naku Bogs, paano yan, paano tayo makakabili ng lugaw at kape?" tanong ni Jessica.

"Oo nga e, paano na tayong makakapag-painit nyan?" biro ko pang muli.

"Hahaha! edi ano na lang?" tanong niya sa akin. Umupo ako sa isang silya, sa harapan ng kanyang mesa at itinaas ko ang aking paa upang makapag-relax ng bahagya. Kinuha ko ang aking cellphone at nagsimulang maglibang sa pamamagitan ng paglalaro dito. Ganun din si Jessica, tumawag pa nga siya sa asawa niyang si Elmo upang ipaalam ang sitwasyon niya. Ilang minuto kaming naging tahimik at gumalaw sa sarili naming mundo.

"Oh ano na? giniginaw na ako e" wika kong muli.

"Ikaw? ano ba gusto mo? kahit ano okay ako" matapang na sagot ng kasama ko.

"Baka mapasubo ka?" sagot ko.

"Aba? baka nga di ako matinga hahah!" biro niya.
"Weh? paano mo naman nalaman?" pagyayabang ko pa.
"Bogs, may tatanong ako...yung seryoso ha?" ani Jessica.

"...nalilibugan ka ba sa akin?" tanong niya na seryoso ang mukha.