1. Home
  2. Stories
  3. Bakit Absent Si Klasmeyt - Ika Animnapung Pahina
Lagablab

Bakit Absent Si Klasmeyt - Ika Animnapung Pahina

By supertoyantz ·

Ika Animnapung Pahina

Napatingin ang lahat sa direksyon ni Caleb at tila nahulog sa malalim na pag iisip.

Maging ang kanilang guro na si Mrs. Senining ay natigilan.

Kabadong napangiti ang binata at ginala ang paningin sa buong klase.

"U-uhm. G-guys, don't ever think about it. Nagbibiro lang si Cheska. " wika nya.

Ngunit walang pumansin sa kanya.

Nilingon ni Valerie ang nobyo at pinakatitigan.

Pagkuwa'y unti unting napangiti.

"Bakit nga ba hindi ? Di ba may kopya ka ng script ?" tanong nya.

Napanganga si Caleb.

"Pati ba naman ikaw babe? Nag papaniwala ka dito sa baliw mong kaibigan. " sabi nya.

"Oy excuse me. Gusto ko lang makatulong no. Kung walang gaganap na Romeo, ano pang silbi ng Juliet ? Ano pang silbi ng play ? Kung lalaki lang ako, ako na lang sana. " katwiran ni Cheska.

Napatango ang iba nilang kaklase sa sinabi ng dalaga.

Binalingan ni Caleb ang guro.

Humingi ng saklolo sa mismong ninang nya sa pamamagitan ng tingin.

Ngunit tila ito ay kinain na rin ng ideya.

"I think, tama si Cheska. Walang masama sa naisip nya. Sa tingin ko nga, that was a bright idea. Although syempre, nasa iyo pa rin ang desisyon. Kung ayaw mo, we have no choice but to adjust. Isa sa mga minor characters ang aalisin para may gumanap na Romeo. " paliwanag nya.

Natahimik ang klase.

Muli silang nahulog sa malalim na pag iisip partikular na ang mga lalaki.

Bagama't nais nilang maging lead character sa play, malaking pag a-adjust ang mangyayari. Lalo pa at lahat sila ay may kabisado ng script at role sa play. Kailangan nila itong isantabi at yakapin ang role ng Romeo.

Maya maya ay may nagsalita.

"Okay lang naman sanang humugot na lang tayo ng isang lalaki sa minor character. Pero paano kung yung script at role nya ang magampanan at di nya sinasadyang masabi sa stage ? Syempre nasanay na sya na yung ang pinapraktis nya. It's been a month na rin na yun at yun lang ang sinasabi nya. Pati yung mga scenes. At saka, di ba talagang kapos tayo sa boys ? " sabi ng isa.

Napatangu tango ang iba.

Lalong napangiwi si Caleb.

Pakiramdam nya ay sya itong nagpapasaway at nagpapahirap sa sitwasyon.

Sumandal sya sa upuan at nag isip.

Ano bang kinakatakot nya ?

Play lang yon.

Pagkakataon na rin nya iyon para makatulong sa klase.

Higit sa lahat, makakasama pa nya ang kasintahan.

Sya ang gaganap na Romeo at ito naman ay Juliet.

Bagama't trahedya ang wakas ng play, happy ending naman dahil hindi na sya magseselos at mangangamba na baka samantalahin ni Yohan ang sitwasyon.

..

Napahinga sya ng malalim.

Naramdaman na lamang nyang may tumabi sa kanya at pagtingin nya ay ang nakangiting mukha ito ng guro.

"Iho. Alam kong kinakabahan ka. Nasa iyo naman yan kung ayaw mo. " wika nito.

"P-pero Ninang, baka po magkalat ako. " nag aalalang sambit ni Caleb.

Ngumiti si Mrs. Senining at nilingon ang buong klase.

"Guys, tutulungan natin si Caleb di ba? " tanong nya.

Agad na sumang ayon ang lahat.

Napabuntong hininga si Caleb.

Nilingon nya ang kasintahan.

Nakangiti sa kanya si Valerie.

Sa di malamang dahilan, napangiti rin sya.

Nagkibit balikat at dahan dahang tumango.

"Well, sa tingin ko dapat nyo ng kalimutan yung prize. " biro nya.

Pero sumingit si Chesa.

"Huh ? Bakit naman ? Eh nakwenta na nga namin kung magkano ang magiging parte ng bawat isa. " sambit nya.

Natawa ang lahat.

Maging si Caleb ay napangiti.

"I think we have to practice na. " suhestyon nya.

Napahiyaw ang buong klase.

Ngumiti si Mrs. Senining at tumayo na.

Tinapik nya sa balikat ang inaanak.

"Kaya nyo yan. " sabi nya.

Ngumiti na lang si Caleb at marahang tumango.

..

Mabilis na lumipas ang mga oras.

Tumunog ang bell na ikinagulat ng lahat.

"Awwww, bell na. " hiyaw ng iba.

Pagod na napaupo si Caleb sa upuan.

Hawak ang script at muli nya itong pinakatitigan.

Pakiramdam nya ay umiikot ang kanyang paningin.

Pero pinilit pa rin nyang kabisaduhin ang lahat.

Ayaw nyang magkalat at mapahiya.

..

Napatingin si Valerie sa nobyo.

Di nya maiwasang makaramdam ng awa para dito.

Kita nyang nagsusumikap itong kabisaduhin ang lahat pero talagang mahirap.

Sila nga ay inabot ng isang linggo bago tuluyang nakabisado ang lahat.

May mangilan ngilan pang nagkakamali sa kanila kaya di kataka takang ma-stressed si Caleb.

Lalo pa at main character ang hawak nito.

Napaisip si Valerie.

Dali dali syang lumabas ng silid at tumakbo sa canteen.

May mangilan ngilang estudyante ang bumabati sa kanya na bahagya nyang ikinagulat.

Ginantihan na lamang nya ito ng mga ngiti at tumuloy na.

Matapos umorder ng softdrinks, dali daling bumalik si Valerie sa silid.

Tinago nya ang hingal at pilit na kinalma ang sarili.

Diretso syang pumasok sa loob at nilapitan ang kasintahan.

Di nya maiwasang mapangiti ng makitang nagsasalita itong mag isa.

Hawak ang script, kumukumpas kumpas pa si Caleb.

Napahanga si Valerie.

Nagdalawang isip kung iistorbohin nya ba ang kasintahan.

Pero pumihit ito habang kumukumpas.

"Where art thou my love ? " sabi ni Caleb.

Napangiti si Valerie.

"I'm here. " biro nya.

Natigilan si Caleb.

Tila nagulat pa sya ng makita ang nobya.

"H-hi baby. " nahihiyang sabi nya.

Lumawak ang ngiti ni Valerie at inabot ang softdrink.

"Here my Romeo. " sabi nya.

Napangiti si Caleb at inabot ang inumin.

Bigla nyang naramdaman ang uhaw.

Sinaglit nya lang ito.

Ng maubos ay unti unti syang nakaramdam ng ginhawa.

"Thank you my Juliet. " ganting biro nya.

Nagkibit balikat lang si Valerie at nilabas ang panyo.

Masuyo nyang pinasadahan ang noo at leeg ni Caleb.

"Pinagpapawisan na ang baby ko. " lambing nya.

Napangiti ang binata.

"Init eh. " sambit nya.

"Oo nga eh, di ka kasi sanay sa ganito. Talikod ka baby. " utos ni Valerie.

"Di naman sa di sanay. Medyo nanibago lang. " sabi ni Caleb.

"I know naman. Seryoso ka pa sa ginagawa mo. Sorry baby ha ? Ikaw lang talaga makakagawa nyan eh. " wika ni Valerie habang nilalagay sa likod ng nobyo ang panyo.

Umilin si Caleb.

"Actually, wala akong pakialam kung si Yohan ang gumanap na Romeo. Pero ikaw kasi yung Juliet kaya medyo malaking factor sa akin to. Habang nanunuod ako sa praktis nyo, nagseselos ako at nainggit at the same time. Gusto ko maging Romeo, kasi ikaw yung Juliet. Minsan nahiling ko na sana, ako na lang yung maging partner mo. " natawa sya bigla.

"O bakit ka natawa ? " tanong ni Valerie.

"Well, tama nga yung kasabihan. Be careful what you for, because you just might get it. Eto na, nakuha ko na nga. Kaso, hassle, bukas na yung play. " natatawang sabi ni Caleb.

Natawa rin si Valerie at pinalibot ang mga kamay sa leeg ng binata.

Nagtitigan sila at nagngitian.

"I'm happy at ikaw na ang Romeo. Ikaw naman talaga ang Romeo ko. " sabi nya.

"Pero iba ang story natin, we will live happily ever after. Unlike sa nangyari sa kanila. " wika ni Caleb.

Tumango si Valerie.

"Oo nga eh. Bakit kaya ganon, kung sino pa yung wagas na nagmamahalan, sila pa yung naghihirap ng sobra ? " sambit nya.

Natigilan si Caleb at napaisip.

"Medyo hawig pala sa story natin. " sabi nya.

"Yeah, pero nalampasan na natin yung trials. Ang kailangan na lang nating gawin ay alagaan ang isa't isa para mag work yung relationship natin. " wika ng dalaga.

Ngumisi si Caleb at hinalikan ang ilong ng kasintahan.

"That's the easy part. You know, that's my job. " lambing nya.

Kinilig si Valerie at gumanti ng halik sa ilong.

"Well, that's my job too. " ganti nya.

Nagkangitian sila at matamang nagkatitigan.

Unti unti na namang binalot ng pamilyar na pakiramdam.

Parang may pwersang nabubuo sa pagitan nila at unti unti silang hinahatak palapit.

Hindi na nila pinaglabanan pa ang emosyon.

Dahan dahang nagdikit ang kanilang mga labi.

Saglit lang.

Ngunit sapat na ito para iduyan sila sa alapaap.

Napangiti sila sa isa't isa.

"I love you baby. " bulong ni Valerie.

"And I love you more. " wika ni Caleb.

Biglang may kumislap sa kung saan.

Pagtingin ng dalawa ay nakita nilang nakatingin na sa kanila ay buong klase.

Nasa gitna nito si Cheska hawak ang cellphone ni Valerie.

Ngiting ngiti ang lahat.

"Tuloy nyo lang. " suhestyon ng dalaga.

Pakiramdam ni Valerie ay umakyat lahat ng dugo nya sa kanyang ulo.

Dali dali silang nagkalas ni Caleb at nakasimangot na binalingan ang kaibigan.

"Paepal ka talaga ! " singhal nya.

Natawa lang si Cheska.

"Mahiyain si Juliet. " biro nya.

Nagtawanan ang buong klase.

Namula ang pisngi ni Valerie.

Pero napangiti na din sya ng makitang napangiti si Caleb.

Maya maya ay may nagsalita.

"Tama na muna kilig moments. Sorry sa istorbo, pero kailangan na nating umalis kasi nandyan na yung mga panghapon. " wika ng isa.

Natigilan ang lahat.

"Hala, pano yan ? San tayo magpapraktis ? Kila Yohan pa rin ba ? " tanong ng isa pa.

Napakagat labi si Valerie.

"Oo nga. Dun na pala tayo nag papraktis. Eh nasa hospital sya di ba ? " singit nya.

Nangamba ang lahat.

Napangiti si Caleb at dinampot script.

Nilabas nya ang cellphone at nagsimulang magdial.

Ilang saglit lang ay may sumagot.

"Hello Mom. " sabi nya.

Napatingin ang lahat sa binata.

Ngumiti lang si Caleb at nagpatuloy.

"Yes mommy, nandito po ako sa school. Ok na po. Uhm, I have something to tell you Mom. " wika nya.

Tumango tango ang binata.

"Remember nung kinwento ko po sa inyo na may Play ang section namin ? Bukas na po yon. Mamaya ko na po ikukwento yung ibang details. But we need to practice. Dadalhin ko po sila dyan Mommy, ok lang po ba? " tanong nya.

Nagkatinginan ang lahat.

Nagkaroo ng bulungan.

"K-kasya ba tayo kina Caleb ? Malaki ba bahay nila ? " tanong ng isa.

Akmang magsasalita si Cheska ng awatin sya ni Valerie.

"Tiwala na lang tayo sa kanya guys. " singit nya.

Bagama't nagtataka, tumango na lang ang iba.

Nagpatuloy si Caleb sa pakikipag usap sa ina.

Hanggang sa bigla itong tumawa.

"No Mommy, tama na po yung single na putahe. Naku, wag na kayong magpa cater. Hayz bahala kayo. Basta nandyan na kame in about 20 mins. See yah later Mom, thank you po. I love you. Bye. " paalam nya.

Maya maya ay masayang binaba na ni Caleb ang cellphone at sinilid sa bulsa.

Tiningnan nya sina Valerie at Cheska pagkuwa'y nilibot ang paningin sa mga kaklase.

"You need a place to practice ? It's done. Okay na tayo sa bahay. So, pack all our stufs and we are going. " nakangiting sabi nya.

Bagama't nag aalangan, isa isa nilang niligpit ang mga props at gamit.

Pagkuwa'y isa isa na rin silang lumabas ng silid.

Nag abang sila sa gate ng eskwelahan.

Ilang saglit lang ay may humintong dalawag van sa harap nila.

Bumaba ang isang driver at binati ang amo.

"Sir. " bati nito.

Ngumiti si Caleb.

"Kuya, mga classmates ko po. So guys, sakay na tayo. " wika nya.

Natigilan ang lahat.

Nagpauna ng sumakay si Cheska kaya sumunod na rin ang iba.

..

Ilang minuto ang lumipas, tumigil ang mga van sa gate ng subdivision.

Lumabas si Caleb at kinausap ang mga gwardya.

Tumango naman ang mga ito at tinaas na ang harang.

Muling sumakay ang binata sa van katabi ng kasintahan at pinausad na ito.

Ilang saglit lang ay pumasok na ang mga sasakyan sa bakuran ng isang malaking bahay.

Matapos nito ay bumaba si Caleb at binuksan ang pinto.

"Nandito na tayo. " nakangiting sabi nya.

Napanganga ang iba.

Habang mangha namang ginagala ng iba ang kanilang paningin.

Di nakatiis ang isa at nagtanong sa binata.

"Uhm, Caleb. Sa inyo to ? " tanong nya.

Napatingin si Caleb sa kaklase.

Napakamot sa batok at marahang tumango.

Nanlaki ang mga mata ng lalaki.

"Wee? Eh ang yaman nyo pala. Bakit ka sa public nag enroll ? " tanong nya.

Ngumiti lang si Caleb.

"Long story, pero di ako nag sisisi. Dun ko nakilala si Val eh. " sagot nya sabay tingin sa nobya na abala sa pagbababa ng ilang gamit.

Napangiti ang lalaki at tumango.

"Akala ko dati, mahirap ka lang din tulad namin. Kaya bihira kang pumapasok kasi may work ka. Eh mayaman pala kayo. Bakit ka absent ng absent ? " tanong nito.

Napangiti lang si Caleb.

"Long story bro. " pag iwas nya.

Ngumiti lang din ang lalaki.

"Sorry pare. Sige, pero infairness. Ang ganda talaga ng bahay nyo. Doble ang laki nito kina Yohan. Ang yabang pa naman non. Minsan nilait ka nya. Sabi nya kaya ka daw di pumapasok kasi wala ka sigurong baon. Yun pala. Tsk tsk. Kung alam lang nya. " naiiling na sabi nito.

Nagkibit balikat lang si Caleb at tinapik sa balikat ang kaklase.

"Hindi ko na kailangan pang ipagmalaki ito pare. Hindi naman kasi nasusukat ang ugali ng isang tao sa yaman nya. Masaya ako at safe ang family ko. Masaya ako at maayos kami ni Val. Sapat na yon. " sabi nya.

"Sabagay may point ka. So paano, saan tayo ? Grabe, ang laki talaga dito. " wika pa ng lalaki.

Natawa si Caleb at minwestra ang gilid ng bahay.

"Dito pare, tawagin lang natin sila. " sambit nya at nilapitan ang nobya.

Napalingon si Valerie.

"Hey baby, san tayo ? " tanong nya.

Ngumiti si Caleb.

"Babes, paki dala na lang sila sa garden. Check ko lang sina Lola. " sagot nya.

"Sama ko. " wika ni Valerie.

Tumango si Caleb.

"Okay. Tara, si Kakay na lang utusan natin. " sabi nya.

Humagikgik si Valerie at tumango.

Nilapitan nila ang kaibigan na abala sa pagkalikot sa cellphone nito.

"Bes. " tawag ng dalaga.

"Oh ? " sagot ni Cheska ng hindi lumilingon.

"Dun daw tayo sa garden. Mauna na kayo. Guide mo sila. " sabi ni Valerie.

"Sige, text ko lang si Inay. " wika ni Cheska.

Ngumiti si Valerie.

Magkasabay na silang pumasok sa loob ng bahay para batiin ang mga magulang.

..

Matapos tumipa ng mensahe para mga magulang, muling sinilid ni Cheska ang cellphone sa bag at binalingan ang mga kaklase.

"Oy mga alipin, dalhin lahat ng mga gamit at sundan nyo ang kagandahan ko. " biro nya.

Nagtawanan ang lahat pero isa isa rin silang sumunod sa dalaga.

Dahil kabisado na ni Cheska ang bahay, di na sya nahirapan na matunton ang lugar kung saan dinaos dati ang party.

Pero napanganga sila sa nabungaran.

Nasa gilid ng malawak na lawn ang isang mahabang mesa na puno ng pagkain.

"Pagkain. " tila nawala sa sarili si Cheska.

Eksakto namang lumabas ng bahay sina Caleb at Valerie kasama ang mga magulang nito at kapatid.

"Hoy lukaret ! " sigaw ni Coleen.

Napatingin si Cheska sa dalaga at kumunot ang noo.

"Sino ka ? " biro nya.

Natawa si Coleen at dinamba ang dalaga.

"Bagay ba ? " tanong nya.

Hinatak ni Cheska ang isa nilang kaklaseg lalake.

"Hoy alipin, sabihin mo. Maganda ba itong kaibigan ko ?" tanong nya.

Tulala lang ang lalake at di nakapagsalita.

Natawa si Cheska.

"Ayan, natulala. Dun ka na nga. " taboy nya.

Natawa si Coleen.

"Grabe ka sis, kung makataboy ka wagas. " sambit nya.

Ngumisi lang si Cheska at hinaplos ang buhok ng kaibigan.

"Bagay sayo, pero mas gusto ko yung straight mong buhok. " pag amin nya.

Napasimangot si Coleen.

"Eh si Mommy eh. Nag pa curl sya, dapat ako rin daw para new look. Pati si Lola. " sabi nya.

Natawa ng malakas si Cheska.

"Trip din ng ermats mo eh no. Oy, nagugutom na ko. " sambit nya.

Natawa si Coleen at hinatak ang kaibigan sa lamesa.

"Di pa rin ako kumakain, sabay tayo. " wika nya at kumuha na rin ng plato.

Ngumiti lang si Cheska.

"Nasan si Tisay? " tanong nya.

"Nandun, naliligo. Mamaya nandyan na yon. Ikuha na lang natin sya. " sagot ni Coleen at nagpauna na sa pagsandok.

Pero nagulat sya ng may tumapik sa kanyang kamay.

"Nauna ka pa. " saway ni Caleb.

Napasimangot ang dalaga.

"Baket ba ? Eh nagugutom na ko eh. Saka ang sasarap nitong inorder ni Mommy. " taray nya.

Natawa lang si Caleb.

"Sabing isang putahe lang pwede na. Well, mamaya ka na kumain at tumulong kang mag asikaso. Pakainin muna natin tong mga to. " utos nya.

"KJ mo talaga ever. " irap ni Coleen pero tumulong din naman sya sa pag asikaso.

Masayang nagtanghalian ang lahat.

Nasa kalagitnaan sila ng pagkain ng may marinig na pagtili kung saan.

"Wow ! Fiesta pala dito. Tara mga tol. " sabi ng boses.

Natulala sina Coleen at Cheska ng makita kung sino ang mga dumating.

"Ayos to. Kanina pa ko nagugutom. " wika pa ng isa.

Nagulat ang lahat ng tumalon ang mga ito sa bakod at dumiretso sa mesa.

"Tol, paabot ng plato. " wika ng isang lalake.

..

Matapos makakuha ng pagkain, muling tumalon sa bakod ang apat at naupo sa gutter.

Nagkatinginan sina Caleb at Valerie.

Pati sina Cheska, Coleen at Britney na kasalukuyan ding kumakain sa.

Maya maya ay bumunghalit sila ng tawa.

"Siraulo talaga. " naiiling na sabi ni Caleb.

Tumayo si Valerie at hinawakan sa kamay si Coleen.

Lumapit sila sa mesa at nagsalin ng juice sa apat na baso at pagkatapos ay umikot sa gate.

Nilapag nila sa tabi ng apat ang mga inumin.

"Kakapal nyo rin eh no. " biro ni Valerie.

Ngumiti lang si Romeo.

"Gutom eh. " sabi nya.

Natawa si Darius.

"Tangna, swerte mo tol. May kainan dito. Kung hindi, butas wallet mo. " wika nya.

"Talaga, sayo pa lang. Tangna mo, baboy. Pang apat na tao yang kinuha mo. Mahiya ka gago. " pang aasar ni Romeo.

"Tol, mag diet ka naman. Mahiya ka kay Ekang. " gatong ni Rhoi.

"Hiya ? Pati yung hiya nahiya na sa kanya. Kita mo, nasan ang manners mo. May laman pa bibig mo nagsasalita ka na. " saway ni Aldrin.

Nahagikgik lang si Valerie.

Habang nahihiyang inabot ni Coleen kay Romeo ang panyo.

"K-kuya Rom. May sauce ka pa sa lips mo. " turo nya.

Ngumisi si Romeo at pinakita ang dalawang kamay.

"My hands are full. Please, do the honor. " landi nya.

Natulala si Coleen at kinurot sa braso si Valerie.

Natawa lang ang dalaga at pasimple syang tinulak.

Napalunok si Coleen habang dahan dahang nilapit ang kamay sa bibig ng binata.

Kagat labi sya habang pinupunasan ang sauce, pero napapikit sya ng dumampi sa labi ni Romeo ang kanyang kamay.

Ngunit bigla syang napadilat ng biglang dilaan ng binata ang kanyang palad.

Nagtawanan ang lahat.

"Kadiri pota. Oy Coleen, mag alcohol ka. May germs yang laway nyan. " biro ni Rhoi.

Napalunok lang si Coleen at pasimpleng nagtago sa likod ni Valerie.

Natawa lang ang dalaga.

"San ba kayo galing ? Bakit parang gutom na gutom kayo ? " tanong nya.

Napangisi lang ang apat.

Natigilan si Coleen ng makita ang galos sa leeg ni Romeo.

Bumaling ang tingin nya sa tatlo pa, pati ang mga ito ay may kanya kanya ring galos sa iba't ibang parte ng katawan.

"S-sis, mukhang napaaway sila. " bulong nya.

Kumunot ang noo ni Valerie.

Nuon lang nya napansin ang itsura ng apat.

Gusgusin ang mga ito.

Sira rin ang manggas ng T-Shirt ni Aldrin.

"Napaaway na naman kayo ? " tanong nya.

Tila nagulat ang apat.

"How dare you accuse us. " bulalas ni Darius.

Eksaktong lumabas sina Caleb, Cheska at Britney.

"Hi mga Pogi. " bati ni Cheska.

Pasimpleng nginitian ni Britney si Romeo.

Habang nakiupo sa tabi ni Rhoi si Caleb.

Agad nyang napansin ang itsura ng mga ito.

"Anyare mga kuya ? Trouble ? " tanong nya.

Ngumisi lang si Rhoi.

"Anong meron sa loob ? Parang may field trip ah. " pag iiba nya.

Ngumiti si Caleb.

"Practice ng play. " sagot nya.

Natigilan ang tatlong alas.

Pagkuwa'y napatingin kay Romeo.

"Don't look at me idiots. " wika ng binata.

Natawa si Aldrin.

Kinalabit nya si Valerie.

"Sinong leader nyo, kausapin namin. " tanong nya.

Natigilan ang dalaga.

"Bakit ? " tanong din nya.

Sumingit si Darius.

"Anong play nyo ? Pwede panuod kami ? " wika nya.

"Oo naman kuya. " sagot ni Caleb.

"Ikaw ba leader Val ? " tanong ni Rhoi.

Umiling si Valerie.

"Hindi ako, si Yohan. Yung kausap nyo kahapon sa school. Sya yung nagbabawal sa ginawang harana ni Caleb. " sambit nya.

Nagkatinginan ang tatlong alas.

"Si Epal King pala. Kausapin natin tol. " sabi ni Aldrin.

Tumango si Darius.

"Tara, mamaya na tayo kumain. Masakit pa itong pisngi ko. " wika nya.

Natawa sina Rhoi.

"Tangna, masakit pa pisngi mo nyan ? Eh wala ng laman yang plato mo. " pang aasar nya.

"I'm on diet tol. " biro ni Darius.

"Luh, diet ka pa ? Nakakatakot kang magutom. Kaya lagi tayong ban sa mga eat all you can na restaurants eh. " natatawang gatong ni Aldrin.

Nagtawanan lang sila.

Aliw na aliw sila sa pakikinig sa tatlo.

Pero muli itong nagseryoso.

"Tara, nasan ba si Yohan ? " tanong ni Aldrin sabay tayo.

Nagkatinginan sina Valerie at Caleb.

Si Cheska na ang sumagot.

"Wala, di namin kasama. Naaksidente sya. Sinakyan nya yung ginagawang balcony na props para sa play. Eh ginagawa pa nga lang eh. Ayun, laglag. Napilayan. " imporma nya.

Natigilan ang tatlo, pagkuwa'y sabay sabay na tumawa.

"Tangna, digital yung karma tol. So paano na yan, sinong leader nyo ngayon ?" tanong ni Darius.

Nagkibit balikat lang sina Caleb.

"Wala nga eh. " sagot nya.

"Eh di kayo na lang tatlo. Siguro naman makikinig sa inyo yang mga kaklase nyo. " suhestyon ni Rhoi.

Sumingit si Romeo.

"They don't need a leader. Mas masarap kumilos kapag walang nagdidikta. Parang voluntary muscles lang. Kailangan lang nila ng goal. Parang tayo. " wika nya.

Napangiti ang tatlong alas at sabay sabay na tumango.

"Well, tama si utol. Kaya nyo yan. Goodluck na lang. Di naman siguro kabawasan si Epal king sa inyo. " wika ni Aldrin.

Muling nagkatinginan sina Valerie at Cheska.

Napangiwi naman si Caleb.

"Actually, malaking problema. Sya kasi ang bidang lalaki. " sambit nya.

Natigilan ang Kwadro Alas.

Kinumpirma ito ng pagtango nina Cheska at Valerie.

"Kamusta na daw si Yohan ? Makakabalik ba sya sa play nyo ? Kelan nga ba yan ? " tanong ni Rhoi.

"Bukas. " sabay sabay na sagot ng tatlo.

Natigilan din sina Britney at Coleen.

"Hala, eh pano yan ? " tanong ni Britney.

Malungkot na napangiti si Caleb.

"Well, someone has to take the part of Yohan. And unfortunately for them, it's me. " sagot nya.

Tumaas ang isang kilay ni Romeo.

"Bakit parang ayaw mo ? " tanong nya.

Ngumiti si Caleb.

"Don't get me wrong kuya. Hindi sa ayaw ko. Natatakot lang ako na mapahiya sila. Baka kasi magkalat lang ako. " sagot nya.

Napailing si Valerie.

"Wag mo kasing isipin yan baby. " saway nya.

"Tama si Val, wag kang matakot kuya. Ikaw pa. Nagawa mo na ngang haranahin sya gitna ng maraming tao. Sisiw na lang sayo yung play noh. " palakas loob ni Coleen.

Ngumiti si Caleb.

"Yung harana, kinaya ko. Kasi gusto ko talagang makabawi kay Val. At saka kung magkamali man ako o pumiyok, ako lang ang mapapahiya. Di tulad nito, kapag magkamali ako, damay yung buong section. " katwiran nya.

Natameme na lang sina Valerie.

..

Nagkatinginan ang apat na alas at napailing.

"Sayang. " bulong ni Rhoi.

Tumango si Aldrin.

"We have to help them. " wika nya.

"Oo nga, lubus lubusin na natin. Bayaran natin itong kinain natin. " sambit ni Darius.

"Gago, konti lang nakain namin. Kung magkabayaran man, ikaw itong malaki ang babayaran dahil sa dami ng kinain mo. " pang aasar ni Romeo.

Nagtawanan sila.

"But still, they need us. Makakatanggi ba tayo ? Ano sa tingin mo Rom ? " tanong ni Rhoi.

Natigilan ang lahat.

Nagkibit balikat si Romeo.

"Alam nyong hate ko ang pag arte. " sagot nya.

Nagtawanan silang muli.

"Tangna mo. Pakipot ka pa. Ano nga ? Manghihimasok ba tayo ? " tanong ni Aldrin.

Nabuhayan ng pag asa sina Valerie ng marinig ang pinag uusapan ng apat.

Napatingin silang lahat kay Romeo.

Tahimik na inubos ng binata ang kinakain nito.

Maya maya ay walang emosyong nagsalita.

"Wag natin silang pakialaman mga tol. Paano sila mag go-grow kung lagi tayong nandyan ? " tanong nya.

Nilagok ni Romeo ang natitirang juice at tumayo na.

Napatingin sa kanya ang tatlo.

"Hoy ! San ka pupunta ? " tanong ni Rhoi.

Dumiretso si Romeo sa basurahan at tinapon ang paper plate at plastic na basong ginamit sa pagkain.

Pagkuwa'y nilingon nya ang mga kaibigan.

"Uuwi na ko. Masakit ang katawan ko. Salamat sa pagkain. " sabi nya.

Nalungkot ang lahat sa sinagot ng binata.

Napahiniga ng malalim ang tatlong alas at tumayo na rin.

Tinapik ni Aldrin sa balikat si Caleb.

"Tama naman si Rom. Kaya nyo yan. Wag kayong panghinaan ng loob. Basta sama sama nyong harapin ang hamon. Di nyo kami kailangan. " nakangitinig wika nya.

"Curious lang ako, anong play ba ang gagawin nyo ? " tanong ni Rhoi.

Si Cheska ang sumagot.

"Romeo and Juliet. " sagot nya.

"Sayang nga yung prize money eh. " sabat ni Valerie.

Natigilan si Darius.

"May premyo ? Magkano ? " tanong nya.

"15, 000 sa first prize. " sagot ni Caleb.

Napahinto sa paglalakad si Romeo ng marinig ang sinabi ng dalaga.

Pumihit sya pabalik sa mismong harap ni Cheska.

"Who's going to play Romeo ? " tanong nya.

Nataranta si Cheska dahil muntik na syang mahalikan ng binata.

"S-si Caleb. " turo nya.

"And Valerie is Juliet ? " tanong ni Romeo.

Tumango si Valerie.

Natahimik si Romeo at nag isip.

"English ang script ? " tanong nya.

Tumango sina Caleb.

"Yes. " sagot nya.

Muling nag isip si Romeo.

Pagkuwa'y napatingin sa tatlong alas.

Pagkatapos ay binalingan sina Caleb at Valerie.

"Ayaw ko sana kayong tulungan, pero ni-request ng mga kapatid ko. Alam nyo namang di ko matatanggihan yang mga yan. So, sige. Tutulong kami. Tama ba mga bakla ? " tanong nya.

Natawa ang tatlong alas at sabay sabay na tumango.

Nanlaki ang mga mata ni Caleb sa narinig.

"W-wow ! Thank you kuya. ! " sabi nya.

Tumango lang si Romeo.

"From now on, lahat ng sasabihin ko ay sundin nyo. Gusto kong ma-meet ang lahat. " wika nya.

Agad namang tumango sina Valerie.

Nagpauna na silang pumasok sa loob.

Isa isa nilang pinakilala ang apat na alas.

Pero dahil sa kasikatan ng mga ito, halos di na nila kailangang gawin iyon.

"Yun naman pala, kilala nyo na itong apat na unggoy. " biro ni Valerie.

Natawa si Caleb.

"We must admit na kailangan natin ng help dahil sa nangyari. Okay lang ba sa inyo na sila na ang magiging leader natin from now on ? " tanong nya.

Tila natigilan ang lahat.

Walang nakapag salita at nagkatinginan na lang.

Sumingit si Romeo.

"I am Romeo. Ilabas na natin ang salitang gwapo sa pangalan ko. Mabait din ako at matulungin sa kapwa. Muntik na akong mabotong santo papa pero tumanggi ako. Sa lahat ng di nakakakilala sa amin, kami ang apat na poging. Ito ang mga kapatid ko. Handa kaming tumulong. Pero may hihilingin ako sa inyo. " sabi nya.

Lakas loob na nagtanong an isa.

"A-ano po yon ? " tanong nya.

Ngumisi si Romeo.

"Gusto kong tingnan nyo ang bawat isa. " sagot nya.

Nagtataka man, ginawa naman ng lahat ang sinabi ng binata.

Hanggang sa muli itong magsalita.

"Mula ngayon, gusto kong irespeto nyo ang mga nandito. Ituring nyong pamilya ang mga nandito. Walang bida o saling pusa lang. Lahat ng roles ay mahalaga. Ayaw kong may magpapabaya. Okay ba ? " tanong nya.

Napangiti ang lahat at nag thumbs up.

"Sige !" sagot nila.

"Good, and one thing. I want you to enjoy the play. Pero gusto kong ibuhos nyo ang lahat. Lahat lahat. Pati pato't panabla na. Kaya nyo ba ? " tanong ni Romeo.

Nagkatinginan ang lahat at napangiti.

"Kayang kaya ! " sabay sabay nilang sagot.

Napangisi ang Kwadro Alas.

Sabay sabay silang lumabas ng bakuran nina Caleb.

Nagtaka ang lahat.

"S-saan kayo pupunta ? " tanong ni Valerie.

"Maliligo. Babalik kami. " sambit ng apat at magkahawak kamay na naglakad palayo.

- -

Mabilis na lumipas ang mga oras.

Madilim na ng sabay sabay silang umuwi.

Bagama't pagod, di maitatanggi ang saya at excitement sa kanilang katawan.

"Goodluck na lang talaga bukas babes. Grabe, excited na akong magplay. " sabi ni Valerie.

Tumawa si Caleb sa kabilang linya.

Kasalukuyan silang magkausap sa cellphone ng nobyo.

"Yeah, di ko akalain na magagawa ko yung mga ginawa natin kanina. First time kong magparticipate sa ganitong event. I must admit, nag enjoy talaga ako. Lalo na sa kakengkoyan ng apat. " wika nya.

Natawa rin si Valerie.

"Oo nga eh. Pero may napansin ako kay Kuya Rom. Parang seryoso sya sa pagdirect. " sabi nya.

"Napansin ko na rin yan kanina. Sabi ni Kuya Rhoi, member daw silang apat sa drama guild sa school nila. Pero si kuya Rom daw talaga ang dahilan kung bakit sila sumali. " sagot ni Caleb.

"Hmm, di halata pero bagay sa kanya. " wika ni Valerie.

"Excited na ako for tomorrow. Sana wag akong magkalat. " bulong ni Caleb.

"Wag kang mag isip ng ganyan. Hindi ka magkakamali. " palakas loob ni Valerie.

"Thank you baby. Para sayo itong ginagawa ko at pati na rin sa section natin. I hate to say this but we have to sleep. " wika ni Caleb.

Eksakto namang naghikab si Valerie.

"Yeah. I love you baby. See you tomorrow. " inaantok na wika nya.

..

Sa kabilang linya, napangiti si Caleb.

"I love you more baby. Sleep tight. " bulong nya.

"Bye babes. " wika ni Valerie.

"Bye, muah! " hinalikan ni Caleb ang cellphone.

Gumanti naman ng halik si Valerie.

Nagtawanan sila at muling nagpaalaman bago pinatay ni Caleb ang tawag.

Nakangiti nyang nilagay sa side table ang cellphone at dinampot ang mga papel na nakapatong dito.

Saglit nyang pinasadahan ng tingin ang mga nakasulat.

Maya maya ay seryoso ng nagkabisa ng mga linya nya sa play.

ITUTULOY !!!