1. Home
  2. Stories
  3. Bakit Absent Si Klasmeyt - Ika Animnapu't Dalawang Pahina
Lagablab

Bakit Absent Si Klasmeyt - Ika Animnapu't Dalawang Pahina

By supertoyantz ·

Ika Animnapu't Dalawang Pahina

Ala una ng hapon.

Iginala ni Mrs. Senining ang paningin sa paligid.

Unti unti ng napupuno ang covered court ng mga estudyante.

May mangilan ngilan ding dayo mula sa ibang schools ang dumating para panuorin ang pagtatanghal ng mga mag aaral sa kanilang eskwelahan.

Masaya ang aura ng paligid.

Dapat ay maging masaya rin sya.

Ngunit di nya maintindihan ang nararamdaman.

Parang ginigiling ang kanyang sikmura.

Namamawis na rin ang kanyang mga palad.

Unti unti na syang kinakabahan.

Pakiramdam nya ay may mangyayaring hindi maganda.

Naalala nya ang kanyang klase.

"K-kamusta na kaya sila ? " tanong nya.

..

Ilang saglit lang, hindi na nakatiis si Mrs. Senining.

Binalingan nya ang katabing guro at nagpaalam dito.

"Ahm, Ma'am Legazpi excuse me. " wika nya.

Agad namang lumingon ang guro.

"Yes Ma'am Senining ? " tanong nito.

Nagdalawang isip si Mrs. Senining kung tama ba ang kanyang gagawin.

Nais nyang puntahan ang kanyang klase.

Para samahan sana ito at gabayan.

Ngunit dahil sa isa sya sa napiling mangasiwa at mag asikaso para sa darating na mga bisita, hindi sya makasilip ng pagkakataon.

Kaya kahit labag man sa loob na makiusap sa kinaiinisang guro, nilunok na lamang nya ang hiya at lakas loob na nakiusap dito.

"U-uhm, pwede ba akong mag request ?" tanong nya.

Tumaas ang isang kilay ng guro.

"What is that ?" tanong nya.

Napangiti ng kimi si Mrs. Senining.

"Ichecheck ko lang po sana yung class ko. Okay lang ba na umalis muna ako saglit ? Please ? " pakiusap nya.

Nagkibit balikat lang si Mrs. Legazpi.

"I don't know Ma'am. Anytime pwede ng dumating si Mayor. Dalawa tayong naka assign na sumalubong sa kanya sa entrance, what if bigla syang dumating, tapos wala ka pa ? Nakakahiya naman. " wika nya.

Natahimik si Mrs. Senining.

Muli syang naupo at nag isip.

Pero maya maya ay muli syang lumingon sa katabi.

"15 minutes lang Ma'am. Please. " pakiusap nya.

Muling nagkibit balikat ang guro.

"I really don't know Ma'am. Pasensya ka na. " sambit nya.

Napahinga ng malalim si Mrs. Senining at pasimpleng pinagmasdan ang direksyon ng kanilang classroom.

"S-sana ayos lang sila. " bulong nya.

Di nya napansin ang unti unting pagngisi ng katabing guro.

..

Mabilis na lumipas ang oras.

Masayang nagpatuloy ang pagtatanghal.

Napakaraming tao na ang nagtipon sa covered court ng paaralan nina Valerie.

Halos kalahati ng mga ito ay hindi galing sa kanilang eskwelahan.

..

Sa entrance ng convered court, nalula ang buong klase nina Valerie sa dami ng tao.

Ang kapirasong lakas ng loob na hinugot pa nila sa Apat na Alas ay tila bulang parang naglaho.

Lalo pa ng mapatingin sa kanila nag karamihan.

Pasimpleng nagtago si Valerie sa likod ng kasintahan.

Nagtaka si Caleb.

"Why baby ? " tanong nya.

Kagat labing nilingon ni Valerie ang dagsa ng tao.

"P-parang andaming tao ngayon. " wika nya.

Lumapit si Cheska sa dalawa at marahang napatango.

Maging sya ay nalulula sa dami.

"O-oo nga Bebs. Parang di ko ata kayang mag perform sa ganyan karaming audience. Sa room nga nahihiya ako, dito pa kaya. B-bak magkalat lang ako. Shit nakakahiya. " bulong nya.

Hinawakan ni Caleb ang kamay ng kasintahan at ngumiti ng pili.

"Everything will be fine. Tiwala lang. Ayun si Ma'am sa stage oh. Baka kanina pa nya tayo hinihintay. " wika nya.

Sumang ayon naman ang lahat at tahimik na naglakad patungo sa gilid ng stage.

Ng biglang may magsalita sa likod.

"Oh, bakit para na naman kayong namatayan ? " tanong ng boses.

Natigil sa paglalakad ang buong klase at napangiti ng maluwang.

Boses pa lang, kilala na nila ang pinanggalingan.

Paglingon nila ay di nga sila nagkamali, ang Kwadro Alas.

Excited na bumwelta ang lahat at pinalibutan ang apat.

"Oh, bakit ba para na naman kayong mga nalugi ? " tanong ni Rhoi.

Natawa ang iba.

Si Cheska ang sumagot.

"Look mo kuya Rhoi, andaming tao! Kanina ang konti lang nyan. " wika nya.

Tumango tango ang iba.

"Oo nga po kuya, nakakakaba mag perform pag ganyan karami ang tao. Expect namin mga students lang from this school. " sabi ng isa.

Nagkanya kanya ng sumbong ang lahat.

Natatawang tinaas ni Aldrin at Darius ang mga kamay para awatin nag buong klase.

"Oy oy oy. Anong nangyari sa sinabi namin kanina ? " tanong ni Aldrin.

Natahimik ang lahat.

"Kapag magpapalamon kayo sa kaba, wala talagang magandang kalalabasan ang play nyo. Talagang nakakahiya. " wika ni Darius.

Lumapit si Cheska.

"Wag nyo kaming iwan mga kuya. Dyan lang kayo sa harap ha ? " pakiusap nya.

Lumapit si Romeo at hinawakan ang kamay ng dalaga.

Nagitla si Cheska.

Halos panawan sya ng ulirat pero mahigpit na hinawakan ni Romeo ang kanyang mga kamay.

"Tingnan mo ko sa mga mata. " bulong ng binata.

Napalunok si Cheska.

Sinubukan nyang sundin ang utos ng binata ngunit halos mahilo sya sa tindi ng aura nito.

"K-kuya. " wala sa loob na bulong nya.

Nilapit ni Romeo ang mukha sa tenga ng dalaga.

"Wag kang matakot, hinding hindi namin kayo iiwan. " bulong nya.

Nanindig ang mga balahibo ni Cheska.

Bumilis ang tibok ng kanyang puso.

Napalunok sya at nilakasan na ang loob.

"This is it. " bulong nya sa sarili.

Dahan dahan nyang nilapit ang mga labi sa pisngi ni Romeo.

Gahibla na lamang ang pagitan ng labi nya sa pisngi ng binata ng bigla itong umatras at kinausap ang mga kapwa alas.

Napangiwi si Cheska.

Narinig nya ang pagbungisngis ni Valerie sa gilid nya.

"Manyak. " bulong ng kaibigan.

Ngumisi si Cheska at pinaypayan ang sarili.

"Putris, hindi ako nahimatay Bebang! Improving! Ulitin nya talaga yung ginawa nya, lalaplapin ko lips nya. " bulong nya.

Muli silang nagbungisngisan.

..

Sa gilid ng stage, nagliwanag ang mga mata ni Mrs. Senining ng makita ang pamilyar na mukha ng mga estudyante.

Napatayo sya at akmang aalis ng may humawak sa kanyang hamay.

Napalingon sya at napatingin sa kapwa guro.

"Ma'am ? " tanong nya.

Napakunot ang noo ni Mrs. Legazpi.

"Where are you going ? " tanong nito.

Napalunok si Mrs. Senining.

"Pupuntahan ko lang ang klase ko. " sagot nya.

Umiling si Mrs. Legazpi.

"Ano bang pinag usapan natin Ma'am Senining ? Isa ka sa mga nakatakdang sumalubong kay Mayor. Mamaya dumating na yon eh. " pigil nya.

Dahan dahang binawi ni Mrs. Senining ang kanyang kamay sa kapwa guro.

"Pupuntahan ko lang sila Ma'am. I just want to say something. To give them support. Bakit mo pinagkakait ito sakin ? " unti unti na syang nakaramdam ng pagkairita.

Ngumisi si Mrs. Legazpi.

"Don't be too childish Ma'am. Ako ba nakita mong nilapitan ko ang klase ko ? Hindi di ba ? To give them support ? Well, look at your class, I think kailangan mo nga silang bigyan ng suporta. Hahahaha. " natatawang panlalait nya.

Nagtiim ang mga bagang ni Mrs. Senining.

Nais nyang sagutin ang kapwa guro ngunit biglang lumapit ang kanilang principal.

"Teachers! Nandyan na si Mayor! Magsipag ayos kayo! Yung mga bata, pakisabihan na wag maingay! Palakpakan kamo! " natatarantang sabi nito.

Agad na nagsipag sunuran ang mga guro.

Kanya kanya sila ng toka.

Tumayo si Mrs. Legazpi at nilapitan si Mrs. Senining.

"Sige Ma'am, ako na lang ang sasalubong kay Mayor. Dito ka na lang at mukhang kailangan ng klase mo ng matinding suporta. Baka magkalat yan mamaya. Nakakahiya. " bulong nya.

Nanigas ang likod ni Mrs. Senining sa narinig.

Wala syang nagawa kundi tapunan na lang ng tingin ang papalayong guro.

Naningkit ang kanyang mga mata at akmang magsasalita ng maramdaman nya ang paghawak ng isang kamay.

Pagtingin nya ay nagtama ang tingin nila ng napakagwapong binata.

"S-sino ka ? " tanong nya.

Ngumiti ang binata.

"Romeo po. Friend ako nina Caleb at Valerie. " sagot nito.

Nakalma si Mrs. Senining at pasimpleng binawi ang kamay.

"A-ahh, a-anong kailangan mo ? " tanong nya.

Nilingon ni Romeo ang papalayong si Mrs. Legazpi.

"Masyadong harsh magsalita si Ma'am, nakakaasar no ? " balik tanong nya.

Natigilan si Mrs. Senining at tinapunan din ng tingin ang guro.

Hindi sya nagsalita.

Hanggang sa magsalita ang binata sa kanyang tabi.

"Go Ma'am. Do what you have to do. Kami na po ang bahala sa klase. " wika nya.

Napatingin si Mrs. Senining sa binata.

"Kami ? " tanong nya.

Ngumiti si Romeo at nginuso ang kapwa alas na abala sa pagmamando sa buong klase.

"There, my 3 other brothers. Don't worry about them. " sambit nya.

Natigilan si Mrs. Senining at pinagmasdan ang mga estudyante.

Unti unti ng nakalma ang kanyang kalooban.

"S-salamat. Huwag nyo muna silang iwan ha ? " pakiusap nya.

Ngumisi si Romeo.

"Of course. Go ahead Ma'am. Salubungin nyo na po kung sino man ang dapat nyong salubungin. After that, sit back and relax na lang kayo. " sambit nya.

Napangiti si Mrs. Senining at tumango tango.

"Maraming Salamat talaga sa inyo. Mamaya na ulit tayo mag-usap iho. " wika nya.

Tumango si Romeo at naglabas ng papel at ballpen.

"Before that Ma'am, can you sign here ? " sabi nya.

Napakunot ang noo ni Mrs. Senining.

"What's that iho ? Baka kung ano yan ha ? " nagdududang tanong nya.

Ngumisi si Romeo at pinabasa ang nakasulat sa papel.

Mabilis na pinasadahan ni Mrs. Senining ang nakasulat.

Unti unti syang napangiwi.

"Is this for real ? You are Romeo Di Carprio ? Sayo yung - " tanong nya.

Nahihiyang pinigilan ni Romeo ang guro.

"Yes po Ma'am. Please, hanggang dyan na lang. Wag nyo na pong ituloy. It's supposed to be secret. Pero alam ko namang di ko kayo maloloko kaya sa inyo ko lang ito talaga pinakita. Actually, even the kids don't know it. Basta ko na lang sila pinapirma. " sabi nya.

"Pero iho, panloloko ito. Maganda ang intensyon mo, pero yung paraan, parang hindi tama. Saka kung sasabihin mo yan sa kanila, for sure papayag sila. Mababait yang mga yan eh. " wika ni Mrs. Senining.

Tumango tango si Romeo.

"I know, I know. Pero mismong mga kapatid ko, hindi nila alam ang tungkol dito. Ewan ko po, pero sobra talaga kong nahihiya. Parents ko lang po at si Uncle Gus ang nakakaalam ng tungkol dito. Kayo po ang pang apat actually. Alam ko kasing malaki ang maitutulong nyo sa akin kaya di na ako maglilihim pa. As their advisor, I know na hahanapin nila ang pirma ninyo once na ibigay ko sa kanila yung tseke. " wika nya.

Tinitigan ni Mrs. Senining ang binata.

Lumaban ng tingin si Romeo hanggang sa mapailing ang guro.

"Tama nga ang sabi sabi, ikaw ang pinakabaliw sa lahat. Pero masasbi kong ikaw ang may pinakamatabang puso. I really admired your father. Isa sya sa mangilan ngilang abugado na hindi nasisilaw ng salapi. Ni hindi sumagi sa isip ko na magbubunga sya ng tulad mo. " wika nya at hinawakan ang ballpen at nagsimulang pumirma.

Napangiti si Romeo.

"Don't tell me Ma'am, may sintang pururot ka sa tatay ko ? " tanong nya.

Natigilan ang guro at hinampas ang braso ng binata.

"Siraulo. Pero tama ka, crush ko ang tatay mo. Oh eto, make sure na sa tama ang pupuntahan nyan. T-teka nga pala. Are you sure na sila ang mananalo ? Wag mong sabihing dadayain nyo ang result ? " tanong nya.

Ngumisi si Romeo at nilingon sina Valerie na masayang nagtatawanan sa gilid kasama ang kanyang mga kapatid na alas.

"Mandaya ? Nah, maloko kaming apat, pero never kaming nandaya. That's one of our sacred rule. And of course, they don't have to do that. They will surely win. Isang beses ko pa lang nakita yung play, pero nakikinita ko na. If ever na matalo sila at wala akong makuhang pera, ako mismo ang magbabayad ng kinse mil. Kailangan ko lang ng pirma nila." sagot nya.

Namangha si Mrs. Senining sa narinig.

"You really amaze me. Well, kayo na ang bahala. Pupuntahan ko lang si Mrs. Legazpi. I think tatanggapin ko na ang inaalok nyang pustahan. Haha, minsan lang to. " natatawang sabi nya.

Natawa rin si Romeo at tumango.

"Go Ma'am. Libre nyo ko ha. " tanging nasabi nya.

Napangiti lang si Mrs. Senining at kinindatan ang binata.

Pagkuwa'y naglakad na patungo sa ibang mga guro.

Sinundan na lamang ni Romeo ng tingin ang papalayong teacher.

Nakangisi sya at muling pinagmasdan ang hawak na papel.

"Ahihihi. "

ITUTULOY!!!