1. Home
  2. Stories
  3. Bakit Absent Si Klasmeyt - Ika Animnapu't Isang Pahina
Lagablab

Bakit Absent Si Klasmeyt - Ika Animnapu't Isang Pahina

By supertoyantz ·

Ika Animnapu't Isang Pahina

Hatinggabi na ngunit dilat na dilat pa rin ang mga mata ni Caleb.

Kanina pa sya nakatitig sa kisame ngunit talagang nahihirapan syang i-recall ang lahat ng nasa script.

Sa inis ay balikwas syang bumangon at hinilamos ang mga palad sa mukha.

"Aaarggghh." daing nya.

Muling napahinga si Caleb.

Pinikit nya ang mga mata.

Tukso namang lumitaw ang imahe ni Valerie.

Pero di ito nag iisa, pati ang kanyang mga kaklase at guro.

Lahat ito nakatingin sa kanya at may malungkot na ekspresyon sa mukha.

"B-bakit ? " tanong nya.

Ngunit walang nagsalita.

Pumaibabaw ang isang boses at paglingon nya ay ang nakangising mukha ni Yohan ang tumambad.

"Ano na Caleb ? Anong feeling matapos mong ipahiya ang buong section natin sa harap ng lahat ? " tanong nito.

Napanganga si Caleb.

Muli nyang tinapunan ng tingin ang mga kaklase.

Bagama't walang nagsasalita, kita sa mga mata nito ang paninisi.

"H-hindi. " bulong nya.

Nakangiting lumapit sa kanya si Valerie.

"Ginawa mo naman ang lahat ng kaya mo eh. " wika nito.

Pero halata sa mukha ng dalaga ang lungkot at panghihinayang.

At, dissappointment ?

Sa naisip ay nanliit si Caleb.

Nais nyang humingi ng tawad sa lahat pero unti unti nang naglaho ang mga ito.

Hanggang sa huli ay si Valerie na lang ang natira.

Pero matapos itong ngumiti ng malungkot ay dahan dahan na ring lumayo ang dalaga.

Mabilis na kumilos si Caleb.

Hinabol nya ang kasintahan para humingi ng tawad, ngunit kataka takang hindi nya ito maabutan.

Hanggang sa unti unti ng lamunin ng kadiliman ang lahat at tanging ang tumatawang tinig na lang ni Yohan ang natira.

..

"Aaahhh ! " sigaw nya.

Napabalikwas ng bangon ang binata at mabilis na ginala ang paningin sa paligid.

Pamilyar na tanawin ang tumambad sa kanya.

Kwarto, nasa kwarto sya.

Wala ang mga kaklase.

Wala si Yohan.

At wala rin si Valerie.

Panaginip.

Sa naisip ay nakahinga ng maluwang si Caleb.

Panaginip lamang pala ang lahat.

Panaginip lang, pero nag-iwan ito ng tila malaking butas sa kanyang pagkatao.

Tumagos patungo sa kanyang kumpyansa.

Ang kakarampot na self confidence ay tuluyan ng nasira ng panaginip na iyon.

Marahas na napahinga ng malalim si Caleb.

Pakiramdam nya ay tuyong tuyo ang kanyang lalamunan kaya nagpasya na syang bumaba para kumuha ng tubig.

..

Diretso sya sa baba patungo sa kusina.

Tahimik ang buong kabahayan.

Patay rin ang lahat ng ilaw pero dahil sa kabisado nya ang buong kabahayan ay hindi naging mahirap sa kanya na marating ang kusina.

Agad syang nagtungo sa ref at kinuha ang pitsel.

Hindi na sya gumamit ng baso, diretso syang tumungga at pilit na pinawi ang pagkauhaw.

Ilang saglit ang lumipas, maging si Caleb ay nagulat ng makitang naubos nya ang laman ng pitsel.

Napailing na lang sya at muli itong nilagyan ng tubig.

Matapos ibalik sa ref ay hapung hapo syang nagtungo sa sala.

Binagsak ang katawan sa sofa at tumitig sa kawalan.

Muli nyang inisip ang mga linya, pero sa malas ay naging malabo na ito sa kanyang memorya.

Inis na sinabunutan ni Caleb ang sarili.

"Wala kang silbi ! " gigil na daing nya.

Muli nyang naisip ang napanaginipan.

Partikular sa malungkot na mukha ng kasintahan.

Napailing iling sya.

Ayaw nyang mapahiya ang buong section.

Higit sa lahat ay ayaw nyang mapahiya ang kasintahan dahil sa nakaambang na kapalpakan mula sa kanya.

Pero talagang kinakain na sya ng kaba.

Para itong eraser na unti unting binubura ang mga nakabisadong linya sa kanyang utak.

..

Tuluyan ng napaungol si Caleb.

Kinagat nya ang ibabang labi at muling sinabunutan ang sarili.

Napakawalang kwenta nya.

Masasayang ang pinaghirapan ng lahat dahil sa kagagawan ng isa.

Nais nyang umiyak.

Pero batid nyang lalo lamang syang walang magagawa.

Hindi sya dapat magpatalo sa kaba at takot.

Kung kailangan nyang magpuyat para makabisadong muli ang mga linya nya, gagawin nya.

Wala ng tulugan.

Bahala na.

Determinado, tumayo si Caleb at akmang babalik na sa silid ng biglang may bumagsak na kung ano.

Dinampot nya ito at natigilan ng makitang cellphone ito ng kapatid.

"Yung babae talagang yon. Napakaburara. Buti na lang carpet tong sahig. Tsk. " naiiling na bulong nya.

Binuksan nya ang cellphone para alamin kung gumagana pa.

Bumukas naman ito tanda na walang nagbago.

Pero may screen lock.

Napangiti si Caleb at nakaisip ng kapilyuhan.

Alam nya ang password ng kapatid.

Bumuo sya ng letter C.

Pero bigla syang natigilan ng makitang walang nagbago.

"Aba, nagpalit sya ng password. " bulong nya.

Saglit syang napaisip.

Muling sinubukan ang letter C ng mas mabagal at maingat.

Pero mali pa rin.

Nagkibit balikat na lamang ang binata.

Nagpasya syang ibalik na lamang ito sa silid ng kapatid.

Muli syang umakyat sa hagdan at tinungo ang silid ng dalaga.

Akmang pipihitin na nya ang doorknob ng may tila kuminang sa kanyang isip.

Muling binuksan ni Caleb ang phone at sinubukan ang password.

Pero sa pagkakataong ito, imbes na letter C, letter R ang ginawa nya.

"Boom ! Sabi ko na eh ! " bulalas ng binata.

Natawa si Caleb.

Unti unti syang umatras at bumalik sa sariling silid.

Mali man dahil pribadong pag aari na ito ng kapatid, di nya mapigilan ang sarili.

Nais nyang alamin kung meron bang tinatago ang dalaga.

Dali dali syang nagtungo sa kama at kinalikot ang cellphone ito.

Una nyang binuksan ang mga messages.

Karamihan sa mga ito ay galing kay Val at Cheska.

Pero agad na nahagip ng kanyang mga mata ang isang pangalan.

"Spade. " bulong nya.

Iisa lang ang spade na kilala nya, si Romeo lang ng Kwadro Alas.

Agad nya itong binuksan ay binasa ang palitan ng mensahe.

Hanggang sa bigla syang matawa.

"Anong gusto mo sa isang babae ? " tanong ng kapatid sa text.

Binasa nya ang reply ni Romeo.

"Yung kayang mangulangot sa harap ng iba. " basa nya.

Natawa ng malakas si Caleb.

"Siraulo talaga." sabi nya.

Pero di nya maiwasang makahinga ng maluwang.

Base sa takbo ng usapan ng mga ito, halata sa mga mensahe ni Coleen na may gusto ito sa binata, pero hindi nag take advantage si Romeo.

Kita nya sa pananalita nito na umiiwas sa topic at iniiba ang usapan.

Napangiti sya at sinara na ang cellphone.

Nilagay na lamang nya ito sa side table at nagpasyang bukas na ibigay sa kapatid.

Nahiga na sya sa kama at pilit na inalala ang mga linya.

Pero talagang malabo.

Kailangan nya pang basahing muli ang script.

Napahinga na lang ng malalim si Caleb at malungkot na tumingin sa kawalan.

Ayaw nyang mapahiya.

Ayaw nyang maging kahiya hiya ang section.

Sayang ang pinag paguran ng lahat.

Gagawin nya ang lahat ng kailangan para magawa ng tama ang role.

Hanggang sa mapatinging sya sa cellphone ni Coleen.

Nagliwanag ang mukha ni Caleb pero mabilis din syang nag alangan.

"G-gising pa kaya sya ? " tanong nya.

Muli nyang binuksan ang cellphone ng kapatid.

Hinanap nya ang number ni Romeo at kinopya sa sariling cellphone.

Matapos ay binalik sa side table ang cellphone ni Coleen.

Agad nyang sinave ang number ng binata at nag compose ng mensahe.

"Kuya Rom, Caleb to. Gising ka pa ? " tanong nya sa text.

Matapos isend ay muling nahiga si Caleb.

Naghintay sya ng reply.

Isang minuto naging dalawa.

Hanggang sa naging limang minuto.

Umabot ng kinse minutos na nakatitig lang si Caleb sa cellphone.

Napahinga sya ng malalim.

"Tulog na siguro. " bulong nya.

Muli syang nagkabisa.

Hanggang sa biglang tumunog ang cellphone.

Dali daling dinampot ni Caleb ang aparato at tiningnan kung kanino galing.

Napangiti sya ng maluwang makitang galing ito kay Romeo.

Agad nya itong binasa.

"Tulog na ako. " wika nito.

Natawa si Caleb.

"Haha, sige kuya. Sorry sa istorbo. " tanging nasabi nya.

Muling nagreply si Romeo.

"Bakit ba ? " tanong nya.

"Pwede bang tumawag kuya ? " tanong ni Caleb.

"K. " sagot ni Romeo.

Agad na tinawagan ni Caleb ang binata.

"Kuya. " bungad nya.

"Oy, bakit ? " tanong ni Romeo.

"Papahelp sana ko eh. " sagot ni Caleb.

"Saan ?" tanong ni Romeo.

"Nahihirapan akong mag memorize ng lines eh. Kinakabahan ako baka magkalat ako bukas. Sayang yung ginawa natin. " sagot ni Caleb.

Saglit na nawala sa linya si Romeo.

"Kuya ? Still there ? " tanong ni Caleb.

"Gago, patay tuloy. Nagrereview ako eh. Ano nga yun ulet ? " tanong ni Romeo.

Natawa si Caleb.

"Ows ? " tanong nya.

"Baket ? Di ka naniniwala ? " tanong ni Romeo.

Muling natawa si Caleb.

"Sorry, yun nga. Nahihirapan ako sa lines ko sa play. BAka magkalat lang ako. " pag amin nya.

"Kinakabahan ka. First time mo ba ? " tanong ni Romeo.

"Oo eh. " sagot ni Caleb.

"Ahh, kakakaba nga yan. " wika ni Romeo.

"So, anong dapat kong gawin ? " tanong ni Caleb.

"Wag kang magkamali. " sagot ni Romeo.

NApangiwi si Caleb.

"Ha ? Eh pano na ? " tanong nya.

"Luh, malay ko. Basta galingan mo na lang. Matulog ka na, pangit yung bangag ka mamaya. Alas dos na oh. Anong oras ba play nyo ? " tanong ni Romeo.

Napaisip si Caleb.

"After lunch. Maybe 1pm. Depende sa mabubunot namin kung pang ilan kami. " sagot nya.

"Ahh, hapon pa pala. Pero kahit na, matulog ka na. " utos ni Romeo.

"P-pero kuya, halos lahat ng kinabisado ko, di ko namatandaan. " wika ni Caleb.

Saglit na nawala sa linya si Romeo.

Naghintay si Caleb.

HAnggang sa muling magsalita ang binata.

"Alam mo Caleb, hindi sa lahat ng oras, may tutulong sayo. Kailangan mong gumawa ng sariling diskarte. Hindi sa ayaw kitang tulungan. Ayaw ko lang na maging dependent ka sa ibang tao. Paano na pag honeymoon nyo na ni Valerie ? Tatawagan mo pa rin ako ? " tanong ni Romeo.

Natigilan si Caleb.

Nahiya.

"A-alam ko naman yun kuya. It's just that, desperado na ako. Sorry kung naabala kita. " bulong nya.

Rinig nya ang pagbuntong hininga ng binata sa kabila.

"Tangna mo. Last na to. Kapag ganito kaliit na problema, tirahin mo na mag isa. Pwede mo kong tawagin kahit anumang oras. Pero dun na sa mga kritikal na sitwasyon na. Kunyari, lima kalaban mo sa suntukan tapos isa lang. Yung ganun. " sabi ni Romeo.

"Di naman ako nakikipag away e. " wika ni Caleb.

"Gago, lalo na ko. " sagot ni Romeo.

Natawa si Caleb.

"Haha, ewan ko sayo. Pero salamat kuya. Tama ka, dapat ko tong harapin mag isa. " sambit nya.

Natahimik si Romeo sa kabilang linya.

Sinilip ni Caleb kung naputol na ang tawag, pero tuloy pa rin ito.

"Kuya Rom, nandyan ka pa ? " tanong nya.

"Oy ano nga yon ? " tanong ni Romeo.

Kumunot ang noo ni Caleb ng tila may marinig na kung ano sa kabilang linya.

Pero binalewala na ito.

"Sige kuya, mag - aral kang mabuti dyan. Idol talaga kita. Salamat ulit. " wika niya.

"Alam ko, huwaran talaga ako. Ah basta, ito ang tandaan mo. Wag mong kabisaduhin lahat sa script. Gumawa ka ng keywords then tandaan mo sila. Hindi mo kailangang sabihin yung eksaktong lines mo. Basta kahawig non, okay na. Kapag nakalimutan mo, wag kang matakot na mag adlib. Ganun lang. Wag kang magpatalo sa kaba. Kung iniisip mong magkakamali ka, magkakamali ka talaga. Focus lang. Pero ang pinakamahalaga sa lahat, mag enjoy ka. Wag mong hayaang sakupin ka ni Romeo. Gawin mong Romeo ang sarili mo. Gets mo ? " tanong ni Romeo.

Napanganga si Caleb.

Pero unti unti syang napangiti.

"Gagawa ako ng sarili kong Romeo ? " tanong nya.

"Yes. Your own version. Pero may isang recipe na di mo dapat kalimutan. Yun ay ang wagas na pagmamahal ni Romeo kay Juliet. Madali yan kasi mahal mo yung Juliet mo. " sagot ni Romeo.

Natigilan si Caleb.

Napaisip hanggang sa dahan dahang manpangiti.

"Thank you talaga kuya. Sobrang thank you. " wika nya.

"As always, sobrang bait ko kase. Sige na at mag aaral pa ako. Marami pa to. Alam mo naman ako, huwarang estudyante at anak. " sambit ni Romeo.

Namangha si Caleb.

"Oo nga kuya. Idol kita. Sige, di na kita iistorbohin. Basta mamaya ha ? Punta kayo ng tropa. " aya nya.

"Shoo shoo, di ako makafocus. " sabi ni Romeo.

Natawa si Caleb at tumango tango.

"Sige kuya. Salamat ulit. Bye. " wika nya.

Pero wala ng nagsalita.

Akmang ibababa na nya ang tawag ng makarinig ng kakaiba si Caleb.

Biglang may umungol.

Nanlaki ang kanyang mga mata.

"Kuya Rom ! Di ka nag aaral ! Nanunuod ka ng PORN ! " sigaw nya.

Pero biglang pinatay ni Romeo ang tawag.

Gulat na napatingin si Caleb sa cellphone.

Di nya alam kung ano ang mararamdaman.

Kung tatawa ba o maiinis.

Pero mas pinili nyang tumawa na lang at ginawa na ang sinabi ng binata.

Imbes na kabisaduhin ang buong script, ginuhitan nya na lang ang mga importanteng salita na magpapatanda sa kanya.

Matapos nito ay sinubukan nyang kabisaduhin ang ginawa.

At napangiti sya ng maluwang.

"Ayos ! " bulalas nya.

..

Kinabukasan.

"Kids, good morning. Nakatulog ba kayo ng maayos ? " pambungad na tanong ni Mrs. Senining.

Napaungol ang mga estudyante.

Natawa ang guro at napailing.

"Oh bakit parang mga zombie kayong lahat ?" tanong nya.

"Nakakakaba po Ma'am. " sabi ng isa.

Napangiti ang guro.

"Alam ko. Aaminin ko sa inyo, maski naman ako. Pero wag kayong magpatalo sa kaba. Alam kong mahirap, pero kayanin nyo. " sambit nya.

Nanatiling tahimik ang mga estudyante.

Napahinga na lang ng malalim si Mrs. Senining.

Ginala nya ang paningin sa paligid at napako ito sa inaanak.

May hawak na papel ang binata.

Base sa nakikita nya, ito ang script ng play.

"Caleb. " tawag nya.

Ngunit dahil sa abala sa pagkakabisa ang binata, kinailangan pa itong kalabitin ni Cheska.

"P-po ? " tanong ni Caleb.

Nakangiting lumapit si Mrs. Senining.

"Okay ka lang ba ? " tanong nya.

Di naitago ni Caleb ang kaba sa kanyang ngiti.

"M-medyo po. " bulong nya.

Ayaw nyang makita ng mga kaklase na unti unti na syang kinakain ng nerbyos.

Ngunit sadyang matalas ang pandama ng mismong ninang nya.

Hindi ito nagsalita, bagkus ay marahang tumango.

Muli nyang ginala ang paningin sa buong klase.

"Kids, pupunta lang ako sa faculty para alamin kung kanino tayo susunod. Please, try to relax. Hindi makakatulong kung kakabahan kayo. Tandaan nyo, anuman ang kalabasan ng event na to. Kayo pa rin ang champion sa puso ko. All of you are now excempted sa exams sa subject ko. " palakas loob nya.

Napangiti ang lahat at tumango.

Kahit papaano, nakahinga ng maluwang si Mrs. Senining.

Muli nyang tinapunan ng tingin ang mga estudyante bago tuluyang lumabas ng silid.

..

Matapos lumabas ng guro, binalingan ni Valerie ang kasintahan.

"Babes, okay ka lang ? " tanong nya.

Ngumiti si Caleb at nagthumbs up.

"Ako pa ? Always ready to babe. " sagot nya.

Natawa si Cheska.

"Kaya nga nanginginig yang kamay mo eh. " turo nya.

Napasimangot si Caleb at mabilis na tinago ang kamay.

"Syempre, first time kong gumanap sa ganito. " sambit nya.

Napangiti si Valerie at tinabihan ang kasintahan.

"First time ko rin to Babes eh. Kinakabahan din ako. Sana talaga wag akong magkalat. " wika nya.

Tinitigan ni Caleb ang nobya.

"Babes, kabisado mo na ba yung script mo ?" tanong nya.

Tumango ang dalaga.

"Oo, pero minsan, nakakalimutan ko. Kaya nga kinakabahan ako. " sambit nya.

Napangiti si Caleb ng maalala si Romeo.

"Alam mo, ganyan din problema ko kagabi. Hanggang sa magkausap kami ni Kuya Rom. " wika nya.

"Oh ? Nagkausap pa kayo ? Anong sabi nya ? " tanong ni Valerie.

"Sabi nya, wag ko daw hayaan na sakupin ako ng pagkatao ni Romeo. Gumawa daw ako ng sarili kong version ni Romeo para di ako mahirapan. " sagot ni Caleb.

Namangha si Valerie.

"Wow, oo nga naman. Mas madali yon. Galing talaga ni Kuya Rom no ? " tanong nya.

Tumango si Caleb.

"Pero may isang importanteng recipe daw na di ko dapat kalimutan. " wika nya.

"Uhm, ano yon ? " tanong ni Valerie.

Ngumiti si Caleb at hinawakan ang kamay ng dalaga.

"Yun ay ang wagas na pagmamahal ni Romeo kay Juliet. Sa tingin ko, di ako mahihirapan. " bulong nya.

Natigilan ang dalaga at unti unting napangiti.

"Talaga ? Bakit naman ? " landi nya.

"Kasi matagal ko ng mahal si Juliet. " bulong ni Caleb.

Kinilig si Valerie.

Nagkatitigan sila hanggang sa unti unting maglapit ang mga mukha.

Pero biglang may nagsalita.

"Ahem. Ang alam ko, sa last part na yung kissing scene pero bakit inuumpisan nyo na agad ? Ano yan ? Praktis ? " tanong ni Cheska.

Imbes na maasar, natawa na lang ang magkasintahan.

..

Mabilis na lumipas ang oras.

Abala ang lahat sa paghahanda para sa nalalapit na play ng pumasok ang guro.

"Kids, kamusta ? " tanong ni Mrs. Senining.

Tulad kanina, kulang sa energy ang mga ito.

Nagsimula ng kabahan ng guro.

"Bakit parang wala kayong gana ? Ano bang problema ? Anong gusto nyong gawin ko ? " tanong nya.

Pero walang nagsalita.

Ngumiti lang ang mga ito pero halata ang kaba.

Napahinga na lang ng malalim si Mrs. Senining at nilabas ang isang papel.

"Siguro makakatulong ito sa inyo, tayo ang last na mag pe-perform. " sabi nya.

Nakahinga ng maluwag ang lahat.

"Nice Ma'am. " sambit ng iba.

Ngumiti si Mrs. Senining.

"Sabi ko sa inyo, enjoy lang. So paano, after ng prayers, simula na. Di ko na kayo pwedeng lapitan. I know na kaya nyo yan. Malaki ang tiwala ko sa inyo. " palakas loob nya.

Napangiti ang lahat.

"Opo Ma'am. Salamat po. " sabi ng iba.

Atubiling umalis si Mrs. Senining.

Nais nyang samahan ang mga estudyante pero ipinagbawal ito ng principal para sa fair play.

Matapos ang huling sulyap, lumabas na sya ng silid at nagtungo sa covered court.

..

Eksaktong pag alis ng guro, may kumatok ng malakas sa pinto.

"Anong meron dito ? Lamay ? " tanong ng boses.

Napatingin ang lahat at nanlaki ang kanilang mga mata ng makita ang Kwadro Alas.

Di nila maiwasang maghiyawan.

Natawa si Darius.

"Haha, kanina lang parang namatayan. Ngayon parang nanalo na kayo. Baliw ata mga tao sa room na to. " sabi nya.

"Gago, excited silang makita kagwapuhan ko. " wika ni Aldrin.

"Ulol, wala kang natulong kahapon. Puro ka lang selfie sa gilid. " pang aasar ni Rhoi.

Natawa ang lahat.

Tahimik na pumasok si Romeo at dahan dahang sinulyapan ang mga estudyante.

"Guys. " seryosong sabi nya.

Natahimik ang lahat at tumingin sa binata.

Naglabas ng papel at ballpen si Romeo.

Nilapag nya ito sa mesa.

"I know matatawa kayo. Pero first time kong mag direct ng isang play na hindi ako kasali. Nakakatuwa at nakakaproud at the same time. Ayaw kong malimutan ang pangyayaring ito kaya gumawa ako ng isang maliit na remembrance. Nakikita nyo naman itong papel na to. Nakasaad dito kung gaano ako naging proud sa inyo at ganun din kayo sa amin ng Kwadro Alas. Ngayon pa lang tayo nagkakilala pero napamahal na kayo sa amin. Sana'y ganun din kami sa inyo. " makabagbag damdaming wika nya.

Natouch ang lahat sa sinabi ng binata.

Sunod sunod silang tumango.

"Salamat mga kuya. Salamat po sa tulong. " sabay sabay nilang sabi.

Napangiti si Romeo at inabot kay Caleb ang ballpen.

"Caleb, pirmahan mo tong papel. Gusto kong maalala ang pangyayaring ito. Lahat kayo, pumirma dito. Para di ko malimutan ang mga pangalan nyo. Grabe, naiiyak na ako. " sabi nya.

Agad naman syang dinaluhan ni Aldrin.

"Tol, easy lang. " sabi nya.

"Nakakatouch talaga tol. Napakabubuti ng mga batang to. " sabi ni Romeo at ngumuyngoy sa balikat ng kaibigan.

Napangiti ang lahat sa nakitang kabutihan ng binata.

Isa isa silang pumirma sa papel.

Ilang saglit lang, matapos pumirma ang huling estudyante, agad na binulsa ni Romeo ang papel at sinulyapan ang lahat.

"Oh, bakit parang malungkot kayo ?" tanong nya.

Sabay sabay na nagsalita ang lahat.

Natawat sina Rhoi.

"Oy, isa isa lang ang reklamo. " sabi nya.

Nagtawanan sila.

Sumingit si Cheska.

"Kabado kami mga kuya. First timers eh. " wika nya.

"Oo nga kuya, baka magkalat isa sa amin tapos tuloy tuloy na. Nakakahiya. " sambit ng isa.

Nagkatinginan ang apat na alas at ngumisi.

"Alam nyo ba ang Domino ? " tanong ni Darius.

Kumunot ang noo ng iba.

"Oo kuya. " sagot nila.

"Alam nyo ba na kapag nalagaw ang isa, damay na rin ang iba ? " tanong ni Aldrin.

Nagkatinginan ang lahat at napatango.

"Oo. Nilalaro namin yun eh. " sagot ng iba.

Ngumisi si Rhoi.

"Well, ganun din kayo. Kapag magkamali ang isa, damay damay na lahat. Gusto nyo bang magyari yon ? " tanong nya.

Nagkandailing naman ang mga estudyante.

Sumingit si Romeo.

"Gusto nyo bang manalo ? " tanong nya.

"Gusto namin kuya, pero okay lang kahit na matalo kami. Ang importante, nagawa namin ng tama ang lahat at walang nagkalat. Saka di ba sabi nyo, enjoy lang ? " tanong ni Caleb.

Naningkit ang mga mata ni Romeo at ngumisi.

"Mananalo kayo. Kailangan nyong manalo. " giit nya.

Napanganga si Caleb.

"P-pero kuya. Di ba sabi mo. " sabi nya.

Pero muling nagsalita si Romeo.

"Ang Domino, kapag nagalaw ang isa, magagalaw na rin ang lahat. Matumba ang isa, matutumba ang iba pa. Magkamali ang isa sa inyo, maaaring katapusan na ng lahat. Gusto nyo ba yon ? " tanong nya.

Umiling sila.

"Syempre ayaw namin. " sagot ni Cheska.

"Kaya anong gagawin mo para hindi madamay ang iba sa pagkakamali mo ? " seryosong tanong ni Romeo.

Napaatras si Cheska.

"G-gagalingan ko ? " tanong nya.

"Tama, galingan mo. Ikaw ? Anong gagawin mo para di magkalat ang iba ? " tanong ni Romeo kay Valerie.

"Gagalingan ko rin. " sagot ng dalaga.

Tumang tango si Romeo.

"Kayo ? Magpapabigat na lang ba kayo ? Anong silbi ng praktis nyo ? Hahayaan nyo bang mapahiya ang iba dahil sa kagagawa nyo ? " pasigaw na tanong nya.

Natigilan ang lahat.

Pagkuwa'y unti unting napailing.

"Hindi ! " sagot nila.

Ngumisi si Romeo.

"Sinong mananalo ? " tanong nya.

Nagkatinginan ang lahat.

"KAMI !" sagot nila.

Nilahad ni Romeo ang tenga.

"WAla kong naririnig ! " sigaw nya.

"Sinong mananalo ? " tanon ni Aldrin.

"KAMI ! " sigaw ng lahat.

"Wala pa rin, kulang pa. Sinong mananalo ? " tanong ni Darius.

Buong pwersang sumigaw ang buong section.

"KAMI !!!!!!!!!!!!!" sigaw nila.

"Rwarrrr ! Sigaw nyo pa ! " sigaw ni Rhoi.

"RwARRR!!! KAMI ANG MANANALO ! " sagot ng buong section.

Tumawa si Romeo na parang demonyo.

"BWAHAHAHAHA. " sigaw nya.

Gumaya ang lahat.

"BWAHAHAHAHAHA. " sabay sabay nilang sagot.

Tinuro ni Romeo ang labas.

"Dalhin nyo ng lahat ng props nyo ! Ipakita nyo sa iba na kayo ang mananalo ! Rwarrr !! " sigaw nya.

Tumango ang lahat at nagkanya kanya ng bitbit.

Nasa mukha ang determinasyon.

Habang pasimpleng sinilip ni Romeo ang papel na naglalaman ng mga pirma ng lahat.

Ng masigurong nakapirma na ang lahat ng estudyante, di nya maiwasang kiligin.

"Ahihihi. " bulong nya.

ITUTULOY !!!