1. Home
  2. Stories
  3. Bakit Absent Si Klasmeyt - Ika Animnapu't Tatlong Pahina
Lagablab

Bakit Absent Si Klasmeyt - Ika Animnapu't Tatlong Pahina

By supertoyantz ·

Ika Animnapu't Tatlong Pahina

"Masigabong palakpakan para sa pagdating ng ating pinakakamamahal na Mayor!" bungad ng prinsipal.

Agad na umugong ang palakpakan na sinaliwan ng mala piyestang tugtugan.

Napatingin ang lahat sa isang lalaking kumakaway habang unti unting umaakyat sa gilid ng stage.

"Si Mayor. " bulong ni Cheska sa katabing si Caleb.

Tumango tango ang binata.

Napatingin sya sa kasintahang kasalukuyang inaayusan ng kanilang mga kaklase.

Di maiwasang mapangiti ni Caleb.

Halatang naiirita si Valerie dahil sa dami ng burloloy na nilalagay sa mukha nito.

Ngunit kahit na ganuon, kitang kita ng binata ang pagbabago sa itsura ng kasintahan.

..

Winasiwas ni Cheska ang kamay sa harap ni Caleb.

"Huy!" untag nya.

Napatingin ang binata.

"Oy. " sagot nya.

Tumabi si Cheska at inangkla ang braso sa braso ni Caleb.

"Nainlababo ka naman sa bespren ko. " biro nya.

Napangiti ang binata at marahang tumango.

"I don't know what to say. Pero habang tinitigan ko sya, di ko maiwasang mapaisip. " sambit nya.

Kumunot ang noo ni Cheska.

"Mapaisip ? Tulad ng ? " tanong nya.

"Yung mga pinagdaanan namin. Masaya ako dahil sa kabila ng lahat, kami pa rin. " sagot ni Caleb.

Napangiti din si Cheska.

"Ah yun lang pala. Kala ko naman kung ano. Medyo korni ha. Saka wag kang magsalita ng maaga kay Bebang. Di mo pa nakikita lahat ng baho nya. " biro nya.

Natawa si Caleb.

"Baho talaga ? Well, as my Mom said, we come to love not by the finding perfect person, but by learning to see an imperfect person perfectly. " sambit nya.

Napatingala si Cheska at suminghot ng malakas.

"T-tissue! Sabi ko na sayo, don't english me. I'm not yet graduating eh. " reklamo nya.

Natawa si Caleb at piningot ang ilong ng dalaga.

"Makakatagpo ka rin ng para sayo. Tapos saka mo sabihin sakin yan. " wika nya.

Ngumisi si Cheska at ginala ang paningin sa paligid.

"Actually, natagpuan ko na sya. Di hamak na mas pogi sayo. " sambit nya.

Napataas ang isang kilay ni Caleb at sinundan ng tingin ang tinitingnan ng dalaga.

Pero napailing sya ng makita kung sino ang tinutukoy nito.

"Parehas na parehas kayo ni Coleen. " sabi nya.

"Excuse me, ako ang magwawagi sa puso nya. " malakas na loob na sabi ni Cheska.

Nawala ang ngiti sa mga labi ni Caleb at hinawakan sa magkabilang balikat ang dalaga.

"Marami nang nagsabi nyan Kakay. Wag mo ng biguin ang sarili mo. Yang tulad ni Kuya Rom yung tipo na mahirap hanapan ng katapat. Saka, napaka chickboy nyan. Hindi sa hinahadlangan kita Kakay ah, pero parang kapatid na rin kasi ang turing ko sayo. Ayaw kong masaktan ka lang sa bandang huli." seryosong sabi nya.

Napasimangot si Cheska at lumabi.

"Para mo namang sinabi na wala akong ka pag asa pag asa sa kanya. Ganun ba ako kapangit ?" bulong nya.

Napangiti si Caleb at tinapik sa pisngi ang dalaga.

"Wala akong sinabi na pangit ka. Saka, si Kuya Rom na mismo ang nagsabi na maganda ka di ba ? Mag dududa pa ba ako sa sinabi nya eh kilalang tirador ng mgaganda yan. " palakas loob nya.

Pero napabuntong hininga lang si Cheska.

"Kung maganda ako, anong problema ? Kasi mahirap lang kami ? " sabi nya.

Lalong natawa si Caleb.

"Alam kong alam mo ang sagot sa tanong mo. " wika nya.

Muling napasimangot si Cheska.

"Eh ano ba kasi ? Napakahirap namang makuha nyang Romeo na yan. Sino ba sya ? Di naman sya ganun kagwapo ah! " singhal nya at tinapunan ng tingin si Romeo.

Pero sya rin ang nahirapan sa ginawa. Para lang syang tumingin sa cake na katakam takam ngunit di nya pwedeng kainin dahil may sakit syang diabetes.

Naramdaman na lang ng dalaga ang pag akbay ng binata.

Paglingon nya ay nakangiti ito.

"Mali rin ako sa part na pigilan kita. Malay natin, kayo pala talaga ng nakatadhana ? Alam mo namang baliw ang author natin. Walang makapagsasabi kung sino ang partner ni Kuya Rom. Malay natin, ikaw pala. Depende na rin siguro sa gusto ng madlang people. " biro nya.

Naningkit ang mga mata ni Cheska at unti unting napangisi.

"May point ka repa. So ngayon, to be continued muna ang story namin ni Romeo my labs. " sambit nya sabay tinaas ang isang kamay para sa makipag apir sa binata.

Natawa si Caleb at sinalubong ang apir ni Cheska.

"Very true. " landi nya.

. . . . .

Ginala ni Valerie ang tingin sa paligid.

Kanina pa sya nagkakandahaba ang leeg nya sa kakahanap sa kaibigan.

"Nasan na ba ang bruhildang yon ? " bwisit na sabi nya.

Pero natulala sya ng may mahagip ang kanyang mga mata.

Ayaw man nya, pero mabilis na lumatay ang kirot sa kanyang puro ng makita ang hinahanap.

"B-bakit sila magkaakbay ? Inaahas ba sakin ni Kakay si Caleb ? " tanong nya sa sarili.

Ngunit mabilis nyang winaksi ang nasa isip, bagkus ay wala sa loob na naglakad sya patungo sa dalawa.

Ilang saglit lang, nasa likod na sya nina Caleb at Cheska.

Muli nyang pinagmasdan ang kamay ng binata na nakapatong sa balikat ng kaibigan.

Dahil sa dami ng tao, di nya naririnig ang pinag uusapan ng mga ito.

Pero base sa nakikita nyang kislap ng mga mata ng dalawa, mukhang nag enjoy naman kung anong pinag uusapan nila.

Di na sya nakatiis, tumikhim sya ng mahina.

"Ahem. " papansin nya.

Ngunit dedma ang dalawa at patuloy na nagtawanan.

Gupamang ang bwisit sa sistema ni Valerie.

"Ahem! " mas malakas na papansin nya.

Sa wakas ay lumingon ang dalawa.

Kunot noo ang mga ito pero napangiti agad ng makita sya.

"Bebang! " sita ni Cheska.

"Babes! " wika ni Caleb.

Pinigilan ni Valerie ang irapan ang nobyo.

"Babes mong mukha mo, hoy Kakay! Kanina ka pa namin hinahanap! Ni hindi ka pa nag me-makeup! Aba naman Kakay, tayo na next oh! Tapos ngayon ka pa lang mag aayos ? Yung totoo ? Ayaw mo bang ituloy itong play ? Gusto mo bang mapahiya yung section natin ? Paano na tayo mananalo nyan ? Paano tayo makaka graduate ? Paano tayo makakakuha ng trabaho ? Paano na ang kinabukasan natin ? Wala na! Kasi kung saan saan ka pa nag sususuot! " sunod sunod na litanya nya.

Napanganga ang dalawa at napatingin sa isa't isa.

"H-hala, nalaglag na ata yung kapirasong turnilyo nya. " bulong ni Kakay.

"Sshh, baka lalong magalit! " saway ni Caleb.

Lalong nabwisit si Valerie.

"Bahala kayo dyan! " singhal nya sabay talikod sa dalawa.

Mabilis na humarang si Caleb sa daraanan ng dalaga.

"Babes! " pigil nya.

Ngunit napangiwi sya ng maramdaman ang pinong kurot ni Valerie.

"Babes mong mukha mo. " bulong nito.

Unti unting nagets ni Kakay ang sitwasyon.

"Ahhh, kaya pala. " sambit nya.

Marahas na napalingon si Valerie at tiningnan ng masama ang kaibigan.

"OH ngayon ? Nakuha mo na ng importansya ng make up ? " singhal nya.

Ngumisi lang si Kakay at marahang tumango.

Naglakad na sya palayo.

"Di na lang kasing sabihin na wag kong lapitan si Caleb. Selos lang yan friend. " bungisngis nya.

Nanigas ang katawan ni Valerie.

Ngunit mabilis syang nakabawi at sinundan ang kaibigan.

"Hoy bruha! Anong sinasabi mo ? Bwisit ka, totoo naman sinasabi ko ah! Patapos na sila oh, tayo na next! " sigaw nya.

Napahagikgik lang si Kakay.

"Bukas pa yung munisipyo, dun ka magreklamo, wag dito. " biro nya.

Napakagatlabi si Valerie at tinapunan ng tingin ang nobyong nangingiti rin.

Pinandilatan nya lamang ito ng mga mata.

"Isa ka pa! Kampi ka na sa kanya ? " sumbat nya.

"Di ah, sayo ako naniniwala. " nangingiting sabi ni Caleb.

Napaingos si Valerie.

"Hah! Dapat lang. Kita mo Kakay ? Wala kang kampi dito. Tara na nga at baka hinahanap na nila tayo! " aya nya.

Naghawak sila ng kamay ng kaibigan at naglakad na pabalik sa likod ng stage. Pero nagulat sila ng marinig ang sigaw ng nobyo.

"Wag kang magselos baby. Ikaw lang ang loves ko! Go go go! " sigaw ni Caleb.

Napatingin sa kanila nag ibang estudyante at napangiti.

Nanigas naman ang likod ni Valerie sabay irap sa nobyo.

"Balik na kami! " sambit nya.

"Sure baby! Love you! " sigaw ni Caleb.

Napakagat labi si Valerie at huminga ng malalim.

"Labyu too! " pabulong na sabi nya.

Nagtama ang paningin nila ng binata at di nya maiwasang mamula ang mga pisngi.

Ramdam nya ang tumatagos na tingin nito. Wala sa loob na nag iwas sya ng tingin, nungit nuon lang nya napansin na marami rami na rin ang nakatingin sa kanila.

Lalong nag init ang pisngi ni Valerie at mabilis na inakay ang kaibigan.

. . . . .

Napangiti lang si Caleb.

Kahit di nya masyadong narinig, batid nyang gumanti ng I love you ang kasintahan.

Sinundan na lamang nya ng tingin ang dalawa habang naglalakad patungo sa likod ng stage.

Maya maya ay nagulat sya ng biglang mawalan ng balanse ng may tumusok na kung ano sa kanyang pwet.

Parang nakuryente ang binata at napatalon sa gulat.

Galit na nilingon ni Caleb ang salarin ngunit natigilan sya ng makita ang apat na tore sa kanyang likuran.

"K-kayo. " bulalas nya.

Napangisi si Aldrin na halatang syang may gawa ng krimen.

Nagtawanan ang apat at pinalibutan ang binata.

"Puro ka kakornihan! " nakangising tukso ni Darius.

"Puro ka kalandian! " asar ni Aldrin.

"Puro ka kalaswaan! " dugtong ni Rhoi.

"Bagito Moves. " banat ni Romeo sabay tawa na parang demonyo.

Sumabay ang tatlong alas.

Napatingin sa kanila ang halos kalahati ng mga nanunod.

Kita nya ang humahangang tingin sa mga mata ng kababaihan.

Inis naman at inggit ang nasa mga mata ng kalalakihan.

Muli syang tumingin sa apat na unggoy at di maiwasang matawa.

Pero saglit lang ito at isa isa nyang tinapunan ng tingin ang apat na alas, pang huli si Romeo.

"Mga kuya, maraming salamat sa mga tulong ha. " taos pusong pasasalamat ni Caleb.

Natigil sa pagtawa ang apat at napangisi.

"Ayos lang tol. Basta pag kelangan mo kame, kahit na anong ginagawa namin, basta legit ha ? Darating at darating kame. " wika ni Rhoi.

"Tumpak. Basta ang ulo, wag lalaki. Di porke puro pogi tropa mo, pogi ka na rin. Ang kagwapuhan namin ay patak ng niyebe sa tag araw. " biro nya.

Natawa si Caleb.

"Hey! You're not suppose to be here. Di ba ikaw ang pinalit na Romeo ? " tanong ni Aldrin.

Natigilan ang lahat.

"Yeah, bakit ka nandito pa ? " tanong nya.

Natigilan rin si Caleb.

"Holy cow. Oo nga pala! Oh wait mga kuya. Susunod na ko kina Val! " tarantang sabi ni Caleb.

Nagtawanan ang apat na alas at sinitsitang muli ang binata.

"Hoy, san kami uupo ? " tanong ni Darius.

Napahinto si Caleb at ginala ang paningin sa paligid.

Pero nanlumo sya ng halos wala na syang makitang magandang pwesto.

Napakarami ng tao.

Mga kawpa nya estudyante sa eskwelahan pati na ang mula sa ibang lugar ay tila nagtipon para lamang mapanuod sila.

Napangiwi sya at muling tinapunan ng tingin ang apat na kaibigan.

Tila nakaunawa naman ang mga ito.

Nag thumbs up si Aldrin.

"Ayos lang bro. Sige na at mag make up ka na rin. Baka masira na rin ang future mo dahil sa lintek na make up na yan. " biro nya.

Di maiwasang mataw ni Caleb at sumaludo sa apat na alas bago nagmamadaling sumunod sa magkaibigan.

. . . . .

Hingal na lumapit sa mga kamag aral si Caleb.

Napahawak pa sya sa balikat ng isang kaklaseng lalake habang hinahabol ang hingina.

"S-sorry guys. Nalito ako. Kala ko kasi di ako kasali. Sorry talaga. Di na naman ako kailangang lagyan ng make up, ayos na to. Magbibihis na lang ako. Mabilis lang pramis. " sunod sunod na sabi nya.

Ngunit tahimik na napatingin sa kanya ang mga kaklase.

Nagtaka si Caleb at tinapunan ng tingin ang kasintahan.

"Oh ? Anong meron ? " tanong nya.

Muli, wala syang tugon na nakuha.

Nagtatakang lumapit si Caleb sa nobya na inaayusan ng baklang parlorista.

"Babes ? Bakit ? Sobrang late na ba ko ? Di pa naman ako kasama sa first scene di ba ? May time pa. Mabilis lang akong magbihis pramis. " nahihiyang sambit nya.

Nag iwas ng tingin si Valerie.

Tila naiiyak na ang dalaga.

Bagay na lalong ikipag taka ni Caleb.

"Huy babes. Ano ba ? Para naman akong tanga dito eh. Galit ka ba ? Guys, wag nyo naman akong ganituhin, di pa naman tayo start eh. Sorry na. " sambit nya.

"B-baby. " naiiyak na bulong ni Valerie.

Napatingin ang binata sa nobya at akmang magtatanong ngunit biglang may nagsalita sa likod.

"Di mo naman talaga kailangang magmadali Caleb. Isa lang naman role mo dito di ba ? Puno ? " bigkas ng boses.

Nanigas ang likod ni Caleb ng marinig ang pamilyar na tinig.

Dahan dahan syang lumingon at halos malaglag ang balikat nya ng makita si Yohan.

Nasa likod nito ang pinsan pati na ang mga barkada nitong tila walang gagawing matino sa buhay.

Napalunok si Caleb at napatingin sa binti ni Yohan.

Natawa ang binata at tinapik ang binti.

"Baket ? Kala mo dahil dito, makukuha mo na yung role ko ? Asa kapa! Feelingero. Isuot mo na nga yung puno mong costume. Dun ka nababagay! " singhal ni Yohan sabay bangga sa balikat ni Caleb.

Nagtagis ang mga bagang ng binata at akmang gaganti ng may humawak sa braso nya.

"Hoy totoy, baka kahit yung role na puno, di mo magampanan ng maayos. " wika ni Serge.

"Bakit naman pre ? " tanong ng back up sa likod.

Hinigpitan ni Serge ang hawak sa braso ng binata.

"May puno bang lumpo ? " tanong nya.

Nagtawanan ang mga barkada ni Serge sa likod.

Nahindik si Valerie at napahiyaw

"Ano ba! Di ba kayo titigil ? Wag nga kayong manggulo! Kakay! Tawagin nyo yung guard! " sambit nya.

Akmang tatakbo si Cheska ng biglang humarang si Serge sa daraanan.

"Oops, honey. Long time no see ah. Di mo na ko binalikan. " nakangising sabi nya.

Nanindig ang balahibo ni Cheska sabay atras at nagtago sa likod ni Valerie.

Napahinga ng malalim si Caleb at tinapik ang kamay ni Serge.

Nagalit ang binata at akmang aamba ng suntok ng pigilan ni Yohan.

"Kuya wag dito. Sa labas na. " nakangising bulong nya.

Gigil na binawi ni Serge ang amba at bumalik na sa entrance para pigilan ang sinumang makikialam.

Tiningnan ni Yohan si Caleb na may halong pangungutya.

"Akala mo talaga eh no. Di ka bagay na bida pare, pabida pwede pa. Kung ayaw mong isuot yung puno, umalis ka na lang. Wala kang ibang role dito. " pang aasar nya.

Ngunit nanatiling nakatingin lang si Caleb.

Kinuyom nya ang kamao.

Galit na rin sya.

Wala syang pakialam kung mabugbog man ng mga pinsan ni Yohan, basta makabawi lang sya sa binata.

Ngunit naramdaman nya ang paghawak ng kasintahan mula sa likod.

Mabilis na kumalma si Caleb at ngumiti ng malungkot.

Imbes na kausapin si Yohan, nilingon nya ang kasintahan pati na ang mga kaklase.

"Guys, cheer up! Same plan pa rin naman. Mananalo ang section natin. Di ba ? " nakangiting sambit nya.

Nagkatinginan ang mga kaklase nya at isa isang ngumiti.

"Tama! " sigaw ng mga ito.

Napangiti na lang rin Valerie at niyakap ang nobyo.

"Dito ka lang babes ha ? " bulong nya.

"Of course, hanggang dito lang naman yang silbi ni Yohan-Gay na yan. Akin ka parin naman pagtapos ng play. " nakangiting bulong rin ni Caleb.

Natigilan si Valerie.

"H-ha ? Anong tinawag mo sa kanya ? " tanong nya.

"Yohan-Gay. Eh para kasing bakla, andami laging kasamng papa. " biro pa ni Caleb na sadyang pinarinig kay Yohan.

Umalma si Yohan.

"Anong sabi mo ? " tanong nya.

"Huh ? Sabi ko Gay, ikaw yon ? Affected ? " tanong ni Caleb.

Nagtawanan ang mga kaklase nila.

Bwisit na binitbit ni Yohan ang costume at nagtungo na sa nakalaang silid na ginawa nilang dresing room para magpalit ng damit.

Binelatan ni Cheska ang binata at lumapit sa kaibigan.

"Kala ko nagbago na sya. " inis na sambit nya.

Napabuntong hininga na lang si Valerie at ngumiti

"Tapusin na lang natin to Bes. " sabi nya.

Tumango si Cheska at hinarap ang mga kaklase.

"Tama si Val. Tanggapin na lang natin na pumangit ng konti yung Romeo natin. Hay nako. Pag Romeo talaga yung pangalan, isa lang naiisip ko. Pero move on na. Nandyan na yan eh. " naiiling na sabi nya.

Natawa si Caleb at sinuportahan ang kaibigan.

"Tama si Cheska. Move on na. Wag nyong hayaang sirain ng lungkot ang performance nyo. Uhmmm, ganito na lang. Manalo man o matalo, may 15 thousand tayong pag hahatian.." sabi nya.

Natulala ang lahat.

"San naman manggagaling yon ? " tanong ng isa.

Ngumiti lang si Caleb.

"Basta, ako na bahala don. Pero galingan nyo na lang. " kumindat pa sya.

Sumingit si Valerie.

"Teka guys, para lang ba sa pera tong ginagawa natin ? Paano na yung karangalan ni Ma'am ? Yung pinaghirapan natin ? Pera lang ba ang dahilan ng lahat ? " tanong nya.

Natahimik ang lahat. Tila nahiya.

Pero sumingit si Cheska.

"Ako bes, pera pera lang talaga. " biro nya na ikinatawa ng lahat.

. . . . .

Mabilis na umandar ang oras.

Umugong na ang masigabong palakpakan tanda ng pagtatapos ng pagtatanghal ng naunang section.

Tila naging bato ang lahat.

"Hala tayo na! " sigaw ng isa.

"Bakit ang bilis ? Shit naman. " kinakabahang wika ng isa pa.

Walang nakasagot.

Isa isang nagsidatingan ang naunang section.

Maiingay ang mga ito at nagtatawanan.

"Tayo na panalo nito. " sabi ng isa.

"Oo nga, wala naman tayong kalaban na maganda yung gagawin. Parang di man lang nag prepare. " banat ng isa pa.

Isa isang lumampas ang mga ito na tila wala sina Valerie sa tabi.

..

Ng makalampas ang lahat ay tila nahulog sa malalim na pag iisip ang lahat.

Mabilis na kinalma ni Caleb ang mga kaklase.

"Sssh guys. Relax. Wag nyong intindihin yung mga yon. Remember yung pangako natin kay Ma'am Senining. We will do our best no matter what. Wag nyo na kasi isipin yung premyo. " sambit nya.

"Narinig mo ba yung sinabi nila ? Wala daw magaling. Parang di daw nag prepare yung ibang section. " takot na sambit ng isa pa.

Napailing si Caleb.

"Baka tama naman sya, di talaga sila nag prepare. Pero tayo ba ? Di ba tayo naghanda ? Eh di ba halos araw araw kayong nag papractice para dito ? " tanong nya sa lahat.

Walang nakasagot.

"S-sayang yung prize kung sakali ." bulong ng isa.

"Wag nyo kasing isipin yung mapapanalunan. Kung dun kayo nakafocus, sayang lang yung pinagpaguran ng lahat. Saka, maipagpapalit nyo ba yung experience nyo kasama ng lahat ? Yung mga practice na puro tawanan lang at bonding ? Nasan na napunta yon ? Wala na ? " tanong nya.

Muli, walang nakasagot.

Lumapit si Valerie at ngumiti sa mga kasama.

"Tama si Caleb. No matter what, nag enjoy talaga ako kasama kayo. I-enjoy na lang din natin yung play. Saka, pag nagkamali ako, wag nyo kong sisihin ha ? " tanong nya.

"Oy di ah. Ako rin ah, wag nyo kong sisihin pag nagkamali ako. " sagot ng isa.

"Walang maninisisi. Tulungan tayo. Pag nakalimutan dahil sa kaba, saluhin natin agad. Okay ba ? " tanong ni Cheska.

Sumang ayon naman ang lahat.

"Let's pray first. " aya ni Caleb.

Napangiti si Valerie at tumango.

Pumikit din sya na ikinigaya ng lahat.

Saglit silang nanalangin.

Matapos ang ilang sandali, unti unti ng naalis ang kaba ng lahat.

"Tara na at kunin na natin yung premyo! " sambit ni Cheska.

Nagtawanan ang lahat at nag kanya kanya ng akyat ng stage.

Nilingon ni Valerie ang nobyo.

Pero nagulat sya ng salubungin ng halik nito..

Naghiyawan ang lahat.

Mabilis lang ang halik ngunit pulang pula na ang pisngi ni Valerie.

"A-ano bang ginawa mo ? " hiyang hiyang sabi nya.

Nakangising napakamot sa batok si Caleb.

"Wala na kong magawa para alisin yung kaba mo. Relax na kasi, tingnan mo pati sila nahahawa sayo. " wika nya.

"Asu! As if naman na ayaw nya. " pang aasar ni Cheska.

Muli silang nagtawanan.

"Let's go guys! Kaya natin to! " sigaw ni Caleb.

"Rwarrrr! " ganti ng lahat.

Napaismid lang si Yohan sa likod.

"Whatever, hala at tumabi ka na nga dyan. Tara na! " aya nya at nagpauna na sa pag akyat mula sa likod ng stage.

"Nandyan ka pala ? " pang aasar ni Cheska na ikinatawa ng iba.

Umismid lang si Yohan at nilampasan ang dalaga.

Napailing na lang si Caleb at tinapik ang balikat ng nobya.

"Go baby, make Daddy proud. " biro nya.

Bagama't nahihiya, napangiti na lang si Valerie sa nobyo.

"Salamat. " bulong nya.

"Saan ? Sa pagpapalakas ng loob mo ? " tanong ni Caleb.

Tumango si Valerie.

"Oo, pati sa labi mo. " bulong nya at gumanti ng mabilis na halik sa binata sabay patakbong sumunod sa mga kasama.

Naiwan si Caleb na tulala.

Pero unti unti syang napangiti habang dinadama ang lambot ng labi ng kasintahan.

ITUTULOY !!!