1. Home
  2. Stories
  3. Bakit Absent Si Klasmeyt - Ika Apatnapung Pahina
Lagablab

Bakit Absent Si Klasmeyt - Ika Apatnapung Pahina

By supertoyantz ·

Ika Apatnapung Pahina

Tulalang napatingin na lamang si Caleb sa katabi.

Hindi nya alam kung saan ang sinasabi nito at kung ano ang daratnan nila duon.

Pero base sa narinig nyang pag uusap ng mga ito na sadya atang ipinaririnig sa kanya, may isang lalaking naghihintay sa kanya kung saan man sila papunta.

Bagama't kinakabahan, di nya maiwasang magtaka sa nararamdaman.

Parang kilala nya ang kausap nito kanina lamang sa cellphone.

Di nya lang maalala kung sino.

..

Natigil sa pag iisip si Caleb ng mapansin ang paghinto ng sinasakyan.

Hindi pa sila nakakababa ay may apat na di nya maintindihan ang itsura ang lumapit sa kanila.

Nagtaka sya kung bakit tila kakaiba ang mga anyo nito.

"B-bakit ang lalaki ng ulo nila ? " tanong nya sa sarili.

At nasagot nga ang tanong nya.

Sabay sabay na lumapit ang apat na kalalakihan.

Natulala si Caleb.

Nuon nya ganap na nasagot ang kanyang tanong kung bakit tila malalaki ang ulo ng apat.

May suot itong mga helmet na hango sa isang pambatang palabas.

"T-teletubbies ? " tanong nya.

..

Muntik ng masamid si Gustavo.

Mabuti na lamang ay napigilan nya ang sarili kundi ay masisira ang ginagawa nyang pananakot kay Caleb.

Mukhang kilala nya ang apat na ito.

"Yung apat na ungas " bulong nya.

Napakamot sa ulo si Gustavo.

Mabilis syang bumaba ng kotse at inakbayan ang lalaking nakasuot ng itim na helmet ng teletubbies.

"Ano bang kagaguhan to Romeo ? " tanong nya.

"Hindi ako si Romeo. " sagot ng kausap.

Binatukan ni Gustavo ang pamangkin.

"Tado, kilala ko boses mo at pigura. Pati yang tatlong unggoy na yan. Anong pakana yan ? " asar na tanong nya.

Napakamot sa batok ang binata at marahang inalis ang helmet.

Di sya nagkamali.

"Daya naman. " sabi ni Romeo.

Muling binatukan ni Gustavo ang binata.

"Parang maloloko mo ko. Bakit kayo nakaganyan ? " tanong nya.

Ngumisi si Romeo.

"Akala ko tatakutin natin si Caleb ? " ganting tanong nya.

"Oo nga, pero sa itsura nyo ? Matatakot ba sya ? Eh ako nga muntik ng sumabog sa tawa kundi ko lang napigilan ang sarili ko. " inis na sabi ni Gustavo.

Natawa ng mahina si Romeo.

"Wala kaming helmet sa bahay. Ampanget naman kung magtatakip lang kami ng panyo kaya eto na lang pinasuot ko sa kanila. Ang cute kaya sabi ni Mommy. " katwiran nya.

Napasimangot si Gustavo.

"Ewan ko sayo. Hala isuot mo na yan at gawin mo na yung inuutos ko. " sambit nya.

Muling sinuot ni Romeo ang helmet.

"Ano bang meron ? Anong atraso sayo nung ungas ? " tanong nya.

Nagkibit balikat si Gustavo.

Tila nagdalawang isip kung sapat nga ba ang kanyang dahilan para sa mga inuutos nya.

Di nya maintindihan ang sarili kung bakit sya nagpadalus dalos na lamang sa pagpapasya.

Bago ito sa kanyang sistema kaya di nya maiwasang madismaya.

Napabuntong hininga si Gustavo.

Matalino ang pamangkin.

Batid nyang kahit na gumawa sya ng kwento ay malalaman pa rin nito ang katotohanan.

Kaya nagpasya na lamang syang sabihin ang totoong dahilan.

"Nagtaksil yan sa girlfriend nya. Nagkataon naman na kilala ko yung babae. " pag amin nya.

Natigilan si Romeo.

"Uncle ? Anong pakialam natin don ? " bulalas nya.

Napangiwi ng palihim si Gustavo.

Tama ang pamangkin.

Ano nga ba ang pakialam nya sa problema ng magkasintahan.

Kahit pa sabihing nagmamalasakit lamang sya ay lalabas na nangingialam pa rin sya.

Mali nga ang kanyang ginawa.

Pero huli na, nasa kanilang poder na si Caleb.

At wala sa lahi nila ang bumibitaw kaya wala syang magagawa kundi ituloy na ang nasimulan.

Hinarap nya ang pamangkin at tinapik sa balikat.

"Alam ko. Pero nakita ko kasi kung anong nangyari nak eh. Ewan ko ba. Nagkataong kasama ako nung babae nung oras na nakita namin ang pagtataksil na ginagawa nyang ungas na yan. Saglit ko pa lang nakilala si Valerie pero masasabi kong mabait syang bata. Para sakin, hindi sya dapat sinasaktan ng ganon. " paliwanag nya.

Saglit na natahimik si Romeo.

Muli nyang inalis ang suot na helmet at tinitigan ang tyuhin.

"Kahit ano pa pong katwiran nyo Uncle, wala pa rin tayong pakialam sa relasyon nila. Kung may problema sila, sila ang dapat na lumutas ng bagay na iyon. Kung talagang concern ka dun kay Valerie, dapat ay ginabayan mo na lang sya kung anong dapat nyang gawin, hindi yung kinidnap pa natin si Caleb. Mali ito Uncle. " naiiling na pangaral nya.

Napasimangot si Gustavo sa narinig.

"Kung makapagsalita ka, parang di ka nakikialam sa lovelife ng mga kaibigan mo. " wika nya.

Natawa si Romeo.

"Pero Uncle, simpleng tao lang ako at mga kapatid ko sila. Pero ikaw, bukod sa hindi kayo magkaanu ano, Detective ka. Diyata't basta basta ka na lang nagpasya. " puna nya.

Natigilan si Gustavo.

Tama si Romeo.

Nagpadalus dalos sya.

Kung krimen ito, siguradong apektado na ang buong imbestigasyon.

Napahinga sya ng malalim at marahang tumango.

"I know. What can I do ? Alam mong galit ako sa mga nagtataksil. " wika nya.

Ngumiti si Romeo.

"Yeah. Pero we can't help it. Nangyayari at nangyayari talaga ang mga hindi natin inaasahan. Well, nandito na yan. Ano pa bang gagawin natin ? " tanong nya.

"Bahala na kayo, rumadyo sakin yung mga bata dyan. May gulo ata. " sagot ni Gustavo.

Tumango si Romeo.

"Okay. Ingat ka Uncle. " wika nya.

"Salamat, wag nyo na lang saktan. " bilin ni Gustavo.

Ngumisi si Romeo.

"I don't think so. Alam mo namang malalandi ang mga teletubbies. " biro nya.

Natawa si Gustavo.

"Bahala kayo dyan. Kapag nagsampa ng extortion yan, yari kayo. " wika nya.

"Uyy, extortion daw. Sino kaya ang nalantad ang mukha ? Anong sasabihin nyan sa mga pulis ? Kinidnap ako ng batikang imbestigador na si Jack Valentine kasama ang apat na teletubbies ? Hahaha. Parang mas weird yon kaysa sa 1 minute rape Uncle. " biro ni Romeo.

Bumungisngis si Gustavo at piningot ang tenga ng pamangkin.

"Ewan ko sayo. Hala at pupuntahan ko na yung area. Baka nagkalat na yung mga bata ko don. " sambit nya.

Tumango si Romeo at muling sinuot ang ulo ng teletubby.

"Oki doki. Take care Uncle. Labyuuu. " landi nya.

"Labyu too pamangkin. " ganting biro ni Gustavo.

Sabay na silang bumalik sa kotse kung saan pinalilibutan ng tatlo pang alas si Caleb.

Di nya maiwasang maguilty ng makita ang takot sa mukha ng binata.

Maling mali talaga ang kanyang nagawa.

"Oh kayo dyan, ilabas nyo na yan. " utos ni Gustavo.

Nag apiran ang tatlo pang alas.

"All right. " sabay sabay nilang sabi.

..

Nahindik si Caleb.

Ito na yata ang kanyang katapusan.

Ni hindi man lang sya nakahingi ng tawad sa kasintahan.

Napakalaki ng kasalanang nagawa nya rito at mukhang mawawalan na sya ng pagkakataon para itama ang nagawang mali.

..

Umikot si Gustavo at binuksan ang pinto sa tabi ni Caleb.

Hinawakan nya ang binata sa balikat pero nagulat sya ng mapaigtad ito at isiksik ang sarili sa upuan.

Napailing si Gustavo.

Wala sa plano nya ang takutin si Caleb pero sa twing maalala nya ang sakit na lumatay sa mukha ni Valerie, pakiramdam nya ay kulang pa ang kanyang ginagawa.

Pero tama si Romeo, hindi sya dapat makialam.

Problema ng ito ng magkasintahan at tanging ang dalawa lamang ang may karapatang umayos nito.

Napahinga sya ng malalim at muling hinawakan sya balikat si Caleb.

"Iho. Baba ka na. " malumanay nyang utos.

Nagkandailing ang binata.

"A-ayaw ko po." sagot nya.

Ngumiti ng kimi si Gustavo.

"Caleb, sorry kung natakot kita. Wala akong balak na masama sayo. Ihahatid ka na ng Kwadro Alas sa bahay mo. " sambit nya.

Natigilan si Caleb at napatingin sa lalaki.

"K-kwadro Alas ? " tanong nya.

Tumango si Gustavo.

Nginuso nya ang apat na lalaking nagtatawanan sa di kalayuan.

Nakasuot pa rin ang mga ito ng helmet ng teletubbies.

"Yun sila o. " turo nya.

Napalunok si Caleb.

"S-sila kuya Rom yan ? " tanong nya.

Tumango si Gustavo.

"Yup, teka tatawagin ko. Apat na unggoy !. " tawag nya.

Natigil ang paghaharutan ng apat ng marinig ang pagtawag ng tyuhin.

Hawak kamay silang lumapit sa dalawa.

"Yes Auntie ? " tanong ni Romeo.

Napailing si Gustavo.

"Iuwi nyo na si Caleb. " utos nya.

"Oh, I thought gugulpihin namin sya ? " tanong ulit ni Romeo.

Nanlaki ang mga mata ni Caleb.

"G-gugulpihin ? " tanong nya.

Umiling si Gustavo at inakbayan ang binata.

"Tama na iho. Nagkamali ako, di dapat ako nanghimasok sa problema nila. Uhm Caleb, sana mapatawad mo ako ha ? " malumanay na wika nya.

Napalunok si Caleb at tinitigan sa mga mata ang lalaki.

"K-kasalanan ko rin po. Sinaktan ko si Val, dapat lang sa akin ang mabugbog. " sambit nya.

Muling umiling si Gustavo.

"No. Kung may dapat na gumulpi sayo, si Val yon at hindi kami. So come on, baba ka na dyan at sasamahan ka nila sa inyo. May aasikasuhin pa ako. " wika nya.

Saglit na tinitigan ni Caleb ang lalaki bago marahang tumango.

Mabilis syang lumabas ng kotse.

"S-salamat po Sir. " sambit nya.

Tinapik ni Gustavo sa balikat ang binata.

"Uncle, call me Uncle Gustavo. Uhm, payo lang iho, mabait ang nobya mo. Sa maikling panahon na nagkakilala kami, masasabi kong tapat sya at wagas kung magmahal. Nakita namin ang eksensa sa bintana kung saan may kahalikan kang iba. Kung ibang babae yon, malamang na wala ka ng ng nobya, gulpi ka pa. Pero syempre, hindi yon ang nangyari, dahil nga mahal ka nya. Sana naman pahalagahan mo ang pagmamahal ni Valerie sayo. " pangaral nya.

Napayuko si Caleb.

Unti unti na namang nangilid ang luha sa kanyang mga mata.

"O-opo. " sagot nya.

Napangiti ng kimi si Gustavo at inakbayan si Caleb.

"Kakampi mo ako Caleb, hindi kaaway. Wag ka sanang matatakot na lumapit sa akin kung sakaling may problema ka. Okay ba ? " tanong nya.

Marahang tumango si Caleb.

"Opo. " sagot nya.

"Good. Hoy apat na malalanding unggoy. Ihatid nyo si Caleb sa kanila. " utos ni Gustavo.

Sabay sabay namang sumagot ang apat.

"Yes Papa Gustavo." ladi nila.

Kahit kinakabahan, di maiwasang matawa ni Caleb sa sinagot ng mga ito.

..

Nilakad nina Caleb ang daan pauwi sa kanyang tinitirahan.

Tulad ng inutos ni Gustavo, hinatid sya ng apat na alas hanggang sa gate ng kanilang bahay.

"S-salamat mga kuya. " wika nya.

Ngumiti si Aldrin.

"Walang problema. " sambit nya.

"Tawagan mo na lang si Val. " suhestyon ni Darius.

Tumango si Rhoi.

"Tama, wag mo ng patagalin at baka lalo pang lumala ang tampuhan nyo. " singit nya.

Napatango tango si Caleb.

"Sige, gagawin ko yan. Tatawag agad ako sa kanya. " wika nya.

Ngumiti ang tatlong alas at magkakaakbay na naglakad palayo.

Akmang susunod na si Romeo ng muli syang pumihit at tinitigan sa mga mata si Caleb.

"Tukmol. " sambit nya.

Natigilan si Caleb sa narinig.

"S-sino ? Ako ? " tanong nya.

"Hindi ako. Malamang ikaw ang kausap ko. " sagot ni Romeo.

Natawa si Caleb.

Pero muling nagsalita si Romeo.

"What's funny ? " tanong nya.

Natigil sa pagtawa ang binata.

"B-bakit ? Galit ka ? " tanong nya.

Walang reaksyon sa mukha ni Romeo.

Nilingon nya ang tatlong alas na abala sa paghaharutan.

"Look at them. " sabi nya.

Napatingin din si Caleb sa tatlo.

"What about them ? " tanong nya.

"Anong tingin mo sa kanila ? " tanong ni Romeo.

Napaisip si Caleb.

"Cool, maangas at maaasahan. " sagot nya.

Tumango tango si Romeo.

"That's right. Maaasahan sila sa lahat ng bagay. Actually, iba't iba ang katangian ng mga yan. Pero nagkakasundo at hinding hindi nag iiwanan. Yan ang mga kapatid ko. " pagmamalaki nya.

Napangiti si Caleb.

"Oo nga eh. Nakakamangha kayo. " pag amin nya.

"Alam ko. Talagang nakakabilib kami. Pero may isa pang bagay na kabibiliban ka sa tatlong yan. " wika ni Romeo.

Kumunot ang noo ni Caleb.

"Ano yon ? " tanong nya.

Tinitigan ni Romeo sa mata ang binata.

"They all loved their queens. " sagot nya.

Natigilan si Caleb.

Mabilis nyang nakuha ang nais iparating ng kausap.

Nag iwas sya ng tingin dahil pakiramdam nya ay nanunuot ang tingin ni Romeo.

"I k-know. " bulong nya.

"And their queens also loved them. Vice versa. Give and take. Cause and Effect. " wika ni Romeo.

Napatingin si Caleb sa kausap.

"Mahal ko rin si Val. Mahal na mahal. " sambit nya.

Tumango si Romeo.

"I know, I can see it in your eyes. Pero may isa pa akong nakikita bukod sa muta. " wika nya.

Natigilan si Caleb at mabilis na tiniyak kung may muta sya sa mata.

"W-wala naman ah. " sabi nya.

"Syempre hindi literal ang ibig kong sabihin. " wika ni Romeo.

"A-ano bang gusto mong sabihin Kuya Rom ? " tanong ni Caleb.

Walang emosyon sa mukha ni Romeo.

"Ano bang ginagawa sa muta ? Pinaparami ? " tanong nya.

Napangiwi si Caleb.

"Yuck kadiri. Syempre inaalis. " sagot nya.

"Para ? " tanong ni Romeo.

"Para maging maayos ang paningin. " mabilis na sagot ni Caleb.

"May utak ka pala. Ngayon, ang gusto ko lang sabihin. May muta ka. " wika ni Romeo.

Muling nilinis ni Caleb ang mga mata.

"Wala nga. " sambit nya.

"Bobo. " sabi ni Romeo.

Natigilan si Caleb at napaisip.

"T-teka. Ibig mo bang sabihin, hindi ko ganon kamahal si Valerie ? " tanong nya.

Walang reaksyon sa mukha ni Romeo.

"Ikaw ang nagsabi nyan. " sagot nya.

Nahindik si Caleb.

"Whoa, mukhang mali ka kuya Rom sa observation mo. Alam ko sa sarili kong mahal ko si Valerie. Mahal na mahal. Hindi ko kailangan ipaliwag sayo ang nararamdaman ko. I will do everything just to make her happy. Alam kong nasaktan ko sya ngayon pero that doesn't mean na hindi full force ang pagmamahal ko sa kanya. Willing akong humingi ng tawad sa kanya sa kahit anong paraan. Kahit na lumuhod pa ako sa harap ng maraming tao, gagawin ko. " naiiling na sabi nya.

Ngumisi si Romeo.

"Kahit na pumagitna sa inyong dalawa ang Lola Constance mo ? " tanong nya.

Nanlaki ang mga mata ni Caleb.

"H-how did you know her ? " tanong nya.

Lalong lumawak ang ngisi ni Romeo.

"Hindi magiging Di Carprio ang apelyido ko kung mabagal akong mag isip. Hindi ko sinasabing alam ko ang lahat pero you know, parang Chess lang yan. Bago mo pa man damputin ang pyesa mo para tumira, nakahanda na ako para sa mga susunod mo pang hakbang. " sagot nya.

Natulala si Caleb.

"A-anong kinalaman ni Lola dito ? " tanong nya.

"Wag ka ng mag maang maangan pa Caleb. Alam kong hindi mo kayang suwayin ang Lola mo at ang pagpunta mo dito sa Pilipinas ang unang beses na sinuway mo sya. I doubt kung kaya mo pang ulitin yon. " pang aasar ni Romeo.

Natigilan si Caleb at mabilis na nag iwas ng tingin.

Nais nyang pabulaanan ang sinabi ng kausap pero walang boses na lumabas sa kanyang bibig.

Gusto nyang magsalita at sabihin sa binata na kaya nyang ipaglaban ang nobya kahit pa sa Lola Constance nya.

Pero ng maalala ang abuela ay unti unti ng nanginig sa takot si Caleb.

Parang nararamdaman nya sa balat ang tumatagos na tingin nito.

Ang titig na singtalim ng kutsilyo.

Ang boses na tulad ng sa kulog.

Kaya nga ba nyang ipaglaban ang nobya ?

..

Napailing si Romeo.

"Pathetic. " bulong nya.

Natulala na lamang si Caleb.

Parang napunta na ito sa ibang dimensyon at wala ng balak bumalik pa.

Napahinga ng malalim si Romeo.

Hinawakan nya sa balikat ang binata pero napaigtad lamang ito.

Nagtama ang mga tingin nila.

Pero unang nagbaba ng tingin si Caleb.

Muli, napailing si Romeo.

"Caleb. " tawag nya.

"Oh ? " mahinang sagot ni Caleb.

"Do you love Valerie ? " tanong ni Romeo.

Napapikit si Caleb.

"With all my heart. " walang gatol na sagot nya.

"Therefore, why are you scared ? Anong kinakatakot mo ? " tanong nya.

"I'm n-not scared. " mahinang sagot ni Caleb.

"Sabi ko naman sayo. When you are talking to me, talk to me. Walang kasinungalingan at walang pag aalinlangan. Just plain truth. Paano kita matutulungan kung ikaw mismo sa sarili mo hindi mo matanggap na may problema ka ? " tanong ni Romeo.

"W-wala akong problema. " tanggi ni Caleb.

Napahinga ng malalim si Romeo.

"Sige. Kung yan ang gusto mo. Uuwi na kami. Pumasok ka na sa loob. " utos nya at tumalikod na.

Napayuko na lang si Caleb.

Unti unti na syang nakakaramdam ng inis.

Partikular sa sarili.

Napatingin sya kay Romeo.

Malayo na ito kasama ng mga kaibigan.

Mariin syang pumikit at sinabunutan ang sarili.

"Aahhh. Kuya Rom ! " sigaw nya.

Napahinto sa paglalakad ang apat na binata at lumingon.

Dali daling tumakbo palapit si Caleb kay Romeo.

Hinawakan nya ito sa damit.

"Mahal ko si Val, mahal na mahal. Pero natatakot ako. Natatakot ako na baka hindi sya magustuhan ni Lola. B-baka masaktan ko lang sya. Ayaw ko ng saktan si Val. Ayaw ko na syang umiyak. Please. Kuya Rom, anong gagawin ko ? " desperadong tanong nya.

Walang reaksyon ang mukha ni Romeo.

Dahan dahan nyang inalis ang kamay ni Caleb na nakahawak sa kanyang damit.

"Then, leave her alone. Kung alam mong hindi mo sya kayang ipaglaban, ano pang silbi ng sasabihin ko ? " sagot nya.

Tumalikod na si Romeo at nagsimulang maglakad palayo.

Tinapik na lamang ni Aldrin sa balikat si Caleb.

"Go home. Magpahinga ka na muna at mag isip. Tama naman si Rom eh. Ano pang silbi ng sasabihin nya kung ikaw mismo ay sumusuko na ? Pahinga ka na lang muna boy. " suhestyon nya.

"Tama si Potpot. Wala kang mabubuong plano kung magulo ang isip mo. Try to have a rest. Malay mo, okay ka na bukas. " payo ni Rhoi.

"O kaya kumain ka na lang. Tama, ikain mo na lang yan. " suhestyon ni Darius.

Pumihit si Romeo at tinawag ang mga kaibigan.

"Hayaan nyo sya. " sabi nya.

Napailing na lang ang tatlong alas at sumunod na kaibigan.

Naiwan si Caleb na gulong gulo ang isip.

ITUTULOY !!!