1. Home
  2. Stories
  3. Bakit Absent Si Klasmeyt - Ika Apatnapu't Anim na Pahina
Lagablab

Bakit Absent Si Klasmeyt - Ika Apatnapu't Anim na Pahina

Written by supertoyantz on

Ika Apatnapu't Anim na Pahina

"You know, I'm so excited. At least we have Lola here na di ba ? Mas happy ang vacation ! " masiglang sambit ni Britney.

Binalingan nya ang katabing si Coleen pero napasimangot sya ng makitang naka headset ito at nakapikit ang mga mata.

Kanina pa sya kwento ng kwento ng kung anu ano sa pag aakalang may kausap sya, yun pala ay hindi nakikinig ang dalaga.

Kinalabit nya ang binata sa harap, katabi ng driver.

"Babes, malayo pa ba ? " tanong nya.

Ngunit nagtaka ang dalaga ng walang tugon ang binata.

"Caleb ? " untag nya.

Ang driver ang nagsalita.

"Natutulog ho si Senyorito, Ma'am. " wika nito.

Natigilan si Britney.

Unti unting umahon ang inis sa kanyang katawan.

Natulog pa naman sya ng maaga para maihanda ang sarili.

Akala nya ay makakabonding nya ang magkatapid oras sa byahe.

Pero heto ang dalawa, tinulugan sya.

Nagngitngit si Britney at tumingin sa bintana.

Pinagmasdan ang mga gusaling nadaraan.

Hanggang sa unti unti na rin syang tangayin ng antok.

..

Isang oras ang lumipas.

Napatingin si Caleb sa kapatid.

"Ano ? Gigisingin pa ba natin ? " tanong nya.

Umiling si Coleen.

"Bakit pa ? Andito naman si Manong eh. Tayo na lang ang mag abang kay Lola. " sagot nya.

Napatingin si Caleb sa dalagang mahimbing na natutulog.

Di nya maiwasang makaramdam ng awa para dito.

Kanina ay nakausap nya ang ina bago sila umalis ng bahay.

Excited daw talagi si Britney kaya naman maaga itong naghapunan at maaga ring natulog.

Napatingin sya sa suot na relos sabay baling sa kapatid.

"Maaga pa naman tayo ng 50 mins. For sure magtatampo ito kapag hindi natin ginising. Parang hindi mo naman narinig yung sinabi mo Mommy. Nag prepare pa daw sya para dito eh. " sambit nya.

Napasimangot si Coleen.

"Oh eh ano ? Tayong ngang mga apo, hindi excited, pero sya. " wika nya.

Napangiti si Caleb at tinapik ang balikat ng kapatid.

"Hindi ka excited na makita si Lola ? " tanong nya.

Napalabi si Coleen.

"As if naman na excited ka. " sambit nya.

Nagkibit balikat si Caleb at sumandal sa gilid ng van.

"Actually, natatakot ako. " bulong nya.

Hinarap ni Coleen ang kapatid.

"Sa inyo ni Val. " sabi nya.

Napangiti si Caleb sabay marahang tumango.

"Alam ko. Si Britney pa rin ang ipipilit ni Lola. " wika nya.

"Pero parang di naman nya alam ang ginawa nyang bruhang yan. " sabi ni Coleen.

Inawat ni Caleb ang kapatid.

"Ssshh, wag mo syang pagsalitaan ng ganyan. Marinig ka eh. " sambit nya.

"Oh eh ano ? Sa totoo namang bruha sya. Di lang once ka nyang niloko, twice pa ! At ang malala, botong boto pa rin si Lola sa kanya. Ano bang ginawa ng babaeng yan at bet na bet sya ni Lola ? " tanong ni Coleen.

Napangiti si Caleb sabay iling.

"Para namang napakasamang tao ni Britney. Hindi naman sya ganun kasama. " pagtatanggol nya.

Dinutdot ni Coleen ang dibdib ng kapatid.

"Hoy kuya, baka gusto mong makarating kay Val yang mga sinasabi mo ? Kakaratehin ka non " pananakot nya.

Natigilan si Caleb ng maalala ang nobya.

Di nya maiwasang makaramdam ng lungkot.

Nilabas nya ang cellphone at pinakita ang sent messages sa kapatid.

"Look sis. Di ko na mabilang yung mga texts at misscalls ko sa kanya. Pero ni isa, wala man lang syang nireply. " malungkot na pahayag nya.

Natahimik si Coleen.

"Nagtatampo lang sayo yung tao. " pagtatanggol nya kay Val.

"Nandun na ko. Pero kahit naman sana bigyan nya ako ng chance na pag usapan namin yung problema di ba ? Paano ito masosolusyunan kung iwas sya ng iwas ? Di ba nakwento ko na sayo yung sinabi ni Kuya Rom ? Bago mo hanapan ng solusyon ang problema, tanggapin mo muna sa sarili mo na may problema nga. " kwento ni Caleb.

Napabuntong hininga si Coleen.

"Maybe naisip na rin ni Val na makipagbati sayo. It's just that nahihiya sya kasi babae nga sya di ba ? Maybe naghihintay lang din sya ng move from you kuya. " paalala nya.

Napahinga din ng malalim si Caleb.

"Ano pa bang move ang gusto nya ? Gusto nya pa bang humilata ako sa kalye ? O ipagsigawan sa lahat na sorry ? Kaya ko namang gawing kahiya hiya ang sarili ko mapatawad nya lang ako. Pero kailangan ba talagang umabot sa puntong yon ? " tanong nya.

Natahimik si Coleen.

Bagama't nais nyang pangatwiranan ang sinabi ng kapatid, wala syang maisip na dahilan kung bakit kausapin ni Valerie ang kuya nya.

Tama ito, paano nga naman masosolusyunan ang isang problema kung ayaw mong harapin ito.

Napatingin sya sa kapatid.

Marahil ay dahil sa kakambal nya ito, pakiramdam nya ay nararamdaman din nya ang nararamdaman nito.

Nalulungkot din sya.

At ayaw nyang malungkot ang kapatid.

Kailangan nyang makaisip ng paraan.

Di sinasadyang napatingin sya sa natutulog na si Britney.

Napasimangot si Coleen at tinuro ang dalaga.

"Alam mo kuya. Lahat ng nangyaring masama, sya talaga ang may pakana eh. " pambibintang nya.

Napatingin si Caleb sa kapatid.

"Oh ayan ka na naman. Tama na nga ang paninisi." saway nya.

Pero napailing iling lang si Coleen.

"Hindi kuya, sya talaga. It's all her fault. First, nagkasira kayo ni Lola dahil sa kanya. I mean, oo nga nuon pa sya terror. Pero kahit papaano naman ay nagkakausap kayo nuon di ba ? Pero mula ng magkaroon ng problema sa relasyon nyo ng babaeng ito at hiwalayan mo sya, lalong naging masungit si Lola sayo. To think na kailangan mo pang tumakas pauwi dito sa Philippines di ba ? Para takasan sya. Yun naman talaga ang main reason mo di ba kuya ? " tanong nya.

Natahimik si Caleb ng walang maisagot sa kapatid.

Tama ito.

Ang pinakarason kung bakit sya napauwi sa Pilipinas ng hindi sinasadya ay dahil sa pagpipilit ng kanyang abuela na ipagkasundo sya kay Britney sa kabila ng katotohanang dalawang beses na sya nitong niloko.

Pero kahit papaano ay nagkaroon naman ng magandang bunga ang ginawa nyang pagsugal.

Natagpuan nya ang ama at ang babaeng syang tinitibok ngayon ng kanyang puso.

Napabuntong hininga na lamang si Caleb at nag iwas ng tingin.

Ngunit hinawakan ng kapatid ang kanyang pisngi at pilit na hinarap.

"Look at me Kuya. " sabi ni Coleen.

Tinirik ni Caleb ang mga mata sabay tawa ng mahina.

Napasimangot si Coleen.

Kinurot nya ang pisngi nito.

"Isa, di ka aayos ? " banta nya.

Natawa si Caleb.

"Ano ba kasi yon ? " tanong nya.

Tumaas ang isang kilay ni Coleen.

"Di ba tama naman ako ? Ang main reason mo sa pagpunta dito sa Philippines ay para takasan sya ? " tanong nya.

Nawala ang ngiti sa mukha ni Caleb.

"Sort of. " pag iwas nya.

"Anong sort of ? Nakakainis ka na kuya ha. Parang di mo ko kapatid nyan eh. " inis na sabi ni Coleen.

Napangiti ng malungkot si Caleb.

"Ano bang meron kung sasagutin ko yan ? " tanong nya.

"Sumagot ka na lang kasi. Yung totoo. " pilit ni Coleen.

Napabuntong hininga si Caleb.

"Yeah. " tipid na sagot nya.

"Anong yeah ? " tanong ni Coleen.

Napailing na lang si Caleb sa kakulitan ng kapatid.

"Yeah, I mean oo. Dahil sa pagpipilit ni Lola na ituloy ang napagkasunduan nila ng Father ni Britney, napilitan akong tumakas at bumalik dito sa Pilipinas. Pero blessing in disguise na rin di ba ? " tanong nya.

Napatango si Coleen.

"You found Dad. At yung baliw mong syota. " nakangiting sagot nya.

Napangiti na lang din si Caleb.

"Yeah. Syempre pati si Kakay no. " paalala nya.

"Of course si Kakay. Yung siraulong yon. You know kuya. Lately napag isip isip ko. " sabi ni Coleen.

Pero sumingit si Caleb.

"Oh ? Nag iisip ka ? " biro nya.

Kinurot ni Coleen ang braso ng kapatid.

"Epal ka. Seryoso nga. Lately, napag isip isip ko. 16 na ako pero kapag binibilang ko yung mga friends ko back then. Parang walang natira. " sabi nya.

"Eh ako ? Si Mom, si Dad. Si Tyang. We're friends. " wika ni Caleb.

"Of course silly. Syempre iba kayo. Ang ibig kong sabihin. Yung friends outside the family. Parang wala akong maalala na nagtagal. Well, I think it's my fault. Pasaway ako eh. " sambit ni Coleen.

Napangiti si Caleb at hinatak ang kapatid dahilan para mapasandal ito sa kanyang balikat.

"Bata ka pa. Tayo. Marami pang darating para dagdagan ang listahan natin ng friends. " wika nya.

"I know. Pero look at Bebang and Kakay. They have bestfriends. Minsan naiisip ko, sana nag anak pa sina Mom no ? Kahit isang girl pa sana. Para may nasasabihan din ako ng secrets ko. " bulong ni Coleen.

"At bakit ? Anong tingin mo saken ? Pwede mo namang sabihin sakin yang mga secrets mo ah. " sabi ni Caleb.

Napangiti ng kimi si Coleen.

"Syempre iba pa rin yung babae. Kaya nga thankful ako at nakasundo ko si Val eh. Ewan ko ba, parang close na agad ang pakiramdam ko sa kanya. Pati si Kakay. Look at us, bago pa lang kaming friends tingnan mo naman. Parang antagal na naming magkasama. " kwento nya.

Napangiti din si Caleb.

"I'm happy for you. At least nadagdagan ang friends mo. Tao ka na. " biro nya.

Natatawang pinalo ni Coleen ang braso ng kapatid.

"Look who's talking. Ikaw kuya ? Ilan friends mo ? " tanong nya.

Napangiti si Caleb at napakamot sa batok.

"Kailangan talagang bilangin ? " tanong din nya.

"Asus, wala ka kamong masabi bukod sa aming pamilya mo. Dahil tulad ko, umiiwas ka rin eh sa iba eh. " sagot ni Coleen.

Napailing na lang si Caleb.

"Kaunti man o marami ang kaibigan ko, ang mahalaga lahat sila totoo. Kesa naman marami nga, puro naman plastik. Anong silbi non ? " tanong nya.

Tumango tango si Coleen.

"Eh di ba friends mo sina Kuya Rom ? Yung Kwadro Alas. Naks, astigin ang mga friends. " pang aasar nya.

Natawa si Caleb.

"Yeah. Friends ang tingin ko sa kanila. Ewan ko lang kung anong tingin nila sakin. " sabi nya.

"Oh bakit naman ? " tanong ni Coleen.

Nagkibit balikat si Caleb.

"Remember, nagalit sakin si Kuya Rom. " sagot nya.

"Di naman siguro nagalit sayo yon. Sabi mo nga, gusto ka nilang tulungan pero ikaw itong ayaw magpatulong. Pati yung pagtulong nya sa inyo ni Mom sa pagpasok sa hospital kahit na natutulog sya. Remember din ? " paalala ni Coleen.

"Kaya lang kami sinamahan ni Kuya Rom nuon kasi inutusan sya ng Mommy nya. Pero kung ako lang ang humingi ng tulong non, for sure na di ako non papansinin. Baka nga sigawan pa ako non. " naiiling na wika ni Caleb.

"Parang di naman nya gagawin yon. " pagtatanggol ni Coleen.

"Bakit mo naman nasabi ? Close kayo ? " tanong ni Caleb.

Napalabi si Coleen.

"Oo. Baket ? May angal ka ? " singhal nya.

Natawa si Caleb.

"Paano kayong naging close aber ? " tanong nya.

"Binigay nya sakin PSP nya as a remembrance. Oh ha. " sagot ni Coleen.

Lalong natawa si Caleb.

"Nawala ni Kuya Rom ang PSP nya at nagkataong ikaw ang nakapulot. Tapos ayaw mo ng isauli. Yun ang kwento. Haha. Sabihin ko kaya sa kanya kung nasan yung PSP nya ? " biro nya.

Pinandilatan ni Coleen ang kapatid sabay mariing kinurot sa braso.

"SUBUKAN MO ! SUBUKAN MO ! " banta nya.

"Nanlalaki butas ng ilong mo. " biro pa ni Caleb.

Natawa na lang din si Coleen at muling humimlay sa balikat ng kapatid.

"Wag ka kasing paepal kuya. " sabi nya.

"Paepal ? " tanong ni Caleb.

"Pa Epal. It's means mapapel. Wag kang mapapel. " paliwanag ni Coleen.

"Hanep, san mo naman daw natutunan yan ? " tanong ni Caleb.

"Kay Kakay. " sagot ni Coleen.

Napailing na lang si Caleb.

"Kung anu anong natututunan mo don. " wika nya.

"Kuya, baka di na magpunta si Val sa bahay. " biglang sabi ni Coleen.

Natigilan si Caleb.

Wala syang masabi.

Muling nagsalita ang dalaga.

"Gusto mo bang tulungan kita kuya ? " tanong nya.

Marahang umiling si Caleb.

"Wag na hon, let kuya do this. " sagot nya.

Ngumiti si Coleen.

"Kasalanan talaga to ni Bruha eh. " paninisi nya.

"Ssshhh, wag mo syang sisihin. Sabi ko nga sayo, hindi ganon kasama si Britney. You used to hangout di ba ? " tanong ni Caleb.

"Yeah, pero that's because gusto lang nyang mapalapit sayo non. Hindi para maging kaibigan ko. At ng nakalapit naman na sya, sinaktan ka naman nya. So anong gusto mong maramdaman ko sa kanya ? " balik tanong ni Coleen.

Natahimik na lang si Caleb dahil sa kawalan ng maisagot sa sinabi ng kapatid.

"Just the same, give her a chance. " sambit nya.

"Give her a chance ? You mean may chance na magkabalikan kayo ? " nakataas ang isang kilay na tanong ni Coleen.

Napangiti si Caleb.

"It's too late for that. I already saw my other half. " sagot nya.

Napangiti din si Coleen.

"Si Val. " wika nya.

"Yeah. " sambit ni Caleb.

"Pero si Lola. Kaya mo na ba syang ipaglaban kay Lola ? " paalala ni Coleen.

Natigilan si Caleb at natameme.

"I d-don't know. Ang alam ko lang mahal ko si Val higit pa sa naramdaman ko nuon kay Britney. Nasaktan ako nuong pagtaksilan nya ako, pero iba ngayon. Iniisip ko pa lang na may ibang lalaking mamahalin si Val, sobrang sakit na. Paano pa pag nagkatotoo di ba ? " mahinang sambit nya.

Niyakap ni Coleen ang braso ng kapatid.

"Fight for her then. Marami kang kakampi. Marami kami. " bulong nya.

Napangiti na lang si Caleb at hinaplos ang pisngi ng kapatid.

Alam na nya ang bagay na iyon.

Pero di nya alam kung sapat ba ang kanyang lakas ng loob para harapin ang pinakamalaking tinik sa relasyon nila ni Valerie.

Napahinga ng malalim si Caleb sabay tingin sa relos.

"I think we have to go. 5 mins na lang. " sabi nya.

Nag inat inat si Coleen.

Lumapit si Caleb sa driver nila.

"Manong pasok na ho kami. Kapag nagising ho si Britney, pakisabing pwede po syang sumunod. If gusto nyang magstay dito, hintayin na lang po nya kami. Pakisabi na lang po na tumawag na lang sya. " paalala nya.

Tumango naman agad ang butihing matanda.

"Opo senyorito. " sagot nito.

Ngumiti na lang si Caleb at nilapitan ang kapatid.

Nakangiting niyakap ni Coleen ang bewang ng kanyang kuya.

"This is it kuya. " wika nya.

"Yeah. This is it. " sagot ni Caleb.

"Let's go ? Well, tama ka kuya, kahit papaano namimiss ko na rin si Lola. Namimiss ko yung pagsigaw nya eh. " biro ni Coleen.

Natawa si Caleb at inakbayan ang kapatid.

"Ako rin, kahit na lagi syang nakabulyaw. Lola is our Lola. No one can change that. Tara na sis, let's give Lola a big hug. " sabi nya.

"Okay. " sagot ni Coleen.

Magkasabay silang naglakad patungo sa entrance ng airport.

..

Sa loob ng van, unti unting dinilat ni Britney ang mga mata.

Nagulat sya ng maramdaman ang pagbagsak ng mga luha.

Kanina pa pala sya umiiyak.

Mula ng marinig nya ang mga hinanakit ni Coleen para sa kapatid nito.

Maraming masasakit na salita ang sinabi ng dalaga.

Nais nyang ipagtanggol ang sarili.

Pero sa huli ay napag isip isip din sya.

Walang mali sa sinabi ni Coleen.

Nasabi nito ang mga salitang iyon dahil sa galit sa kanya dahil sa ginawa nya sa kapatid nito.

At sa tingin nya ay sapat lamang ang reaksyon ng dalaga.

Kung sa kapatid nya nangyari ang nangyari sa kuya nito, malamang na sinugod na nya ang babae.

Pero tahimik na kinimkim ni Coleen ang mga saloobin nito laban sa kanya.

Marahang pinahid ni Britney ang mga luhang bumasa sa kanyang pisngi.

Di nya maintindihan ang nararamdaman.

Mahal nya si Caleb.

Ngayon ay sigurado na sya.

Pero sa tingin nya ay huli na.

Kailangan na nyang tapusin ang kahibangan.

Kailangan ng nyang tapusin ang paghihirapan ng magkasintahan dahil sa kanyang kagagawan.

Mahal nina Valerie at Caleb ang isa't isa.

At wala syang karapatang pigilan ang dalawa in the first place, nagkaroon na sya ng chance.

At sinayang nya ang pagkakataong iyon.

Hindi lang isa, dalawang ulit pa.

..

Napahinga ng malalim si Britney.

Unti unti syang napangiti ng mapait.

Masakit.

Masakit ang magpaubaya.

Ngayon pa lang ay kinakain na sya ng hapdi.

Parang may isang di nakikitang kamay ang mahigpit na pumipiga sa kanyang puso sa ideyang mawawala na ng tuluyan sa kanya si Caleb.

..

Napatingala si Britney.

Muli na namang naiipon ang mga luha kaya kailangan nya itong pigilan.

Kinuha nya ang pouch at nilabas ang maliit na salamin para ayusin ang sarili.

Matapos nito ay binalik nyang muli sa bag at binuksan ang pinto.

Nilapitan nya ang driver na abala sa pagkukutingting ng cellphone nito sa harap ng sasakyan.

"Manong. " tawag nya.

Napatingin ang matanda at dali daling tinago ang cellphone.

"Kayo po pala Ma'am. Gising na ho pala kayo. " gulat na sabi nito.

Pinilit ni Britney ang mapangiti.

"N-nasan sila ? " tanong nya.

"Ah yung magkapatid po? Nasa loob na ho, kakapasok lang. " sagot ng matanda.

Tumango si Britney.

"Susunod na ho ako sa kanila. " sabi nya.

"Ah sige ho. Sa gate 3 ho sila. Gusto nyo ho bang samahan ko kayo ? " tanong ng driver.

Umiling si Britney.

"No need Manong. Dyan nyo din ako sinundo right ? Medyo kabisado ko na ho. Dito na lang ho kayo sa sasakyan. " sagot nya.

Ngumiti na lang ng kimi ang driver.

"Sige ho. Mag ingat ho kayo. " sambit nya.

Tumango lang si Britney.

Pagkatapos ay tinahak ang daang tinahak din ng magkapatid.

Magulo ang isip.

Ngunit determinado na syang pakawalan ang binata.

Masakit.

Pero kailangan.

Bahala na.

ITUTULOY !!!

More from supertoyantz

Related Stories

PSErotica

Paaaralin Kita Foundation

emachine

NOTE: Mejo romantic drama ang story na to. Experiment lang kung effective since karamihan ay mejo comedy ang gusto. hehehe...

6 minutes Read Time