1. Home
  2. Stories
  3. Bakit Absent Si Klasmeyt - Ika Apatnapu't Apat na Pahina
Lagablab

Bakit Absent Si Klasmeyt - Ika Apatnapu't Apat na Pahina

By supertoyantz ·

Ika Apatnapu't Apat na Pahina

"Kung makangiti ka naman, halos makita ko na yung buong pagkatao mo. " boses ng babae ang pumukaw sa pag i-imagine ni Valerie.

Automatiko syang napalingon sa pinto at nakita nya ang kaibigan si Cheska.

Dire diretso itong pumasok sa loob at umupo sa kanyang tabi.

Napakagat labi si Valerie at hindi na napigilan ang sarili.

Mariin nyang kinurot ang braso ng kaibigan dahilan para mapahiyaw ito sa sakit.

"ARAY ! Ano bang problema mo ? " asar na tanong ni Cheska.

Bumungisngis si Valerie bagay na lalong ipinagtaka ng dalaga.

Nakasimangot na pinagmasdan nya ang kaibigan.

"Dalawa lang yan Bebang, kung hindi ka naiinis, masaya ka. Sa tingin ko naman hindi ka naiinis. Ano bang nangyari at mukhang may nag fieldtrip na sangkatutak na langgam dyan sa damit mo ? " tanong ni Cheska.

Natawa si Valerie.

Mahigpit nyang niyakap ang kaibigan.

"Masama bang maging masaya ? " tanong nya.

Kinalas ni Cheska ang pagkakayakap ng kaibigan at hinawakan ito sa magkabilang balikat.

"Depende sa tao. Yung mga tipo mo kase eh delikadong nagiging masaya, nakakaperwisyo ka ng pinakamalapit na tao sa paligid. " biro nya.

Imbes na mapikon, tumawa lang ng mahina si Valerie at muling niyakap ang kaibigan.

Nagtataka man, hinayaan na lamang ni Cheska ang dalaga hanggang sa makarinig sila ng kalukos mula sa kusina.

Sabay na napatingin sa bukana ang dalawa at nakita nilang lumabas si Yohan.

Di na ito nagulat ng makita kung sino ang bagong dating.

"Oh hi Ches. " bati ni Yohan.

Ngumiti lang si Cheska.

"Oy. " tanging nasabi nya.

Diretsong naupo si Yohan sa dati nyang pwesto.

Maya maya ay kasunod ng binata na lumabas si Caleb.

Mabilis na tinago ni Valerie ang ngiti at sumeryoso ang mukha.

Kinindatan ng binata ang nobya pero umirap ang dalaga.

Natawa na lang si Caleb at nakangising naupo sa tabi ni Valerie.

Binalingan nya si Cheska na nasa kabilang panig nito.

"Tapos ka ng magdownload Kay ? " pang aasar nya.

Natawa si Cheska at hinimas ang tyan.

"Oo, ewan ko ba pero biglang sumama itong tyan ko. " sagot nya.

"Baka naman kasi pati styro kinain mo. " biro ni Caleb.

Dinagukan ni Cheska ang binata.

"Gago. " tumatawang sagot nya.

Nagtawanan ang dalawa.

Napasimangot si Valerie.

"Kung maghaharutan kayo, dun kayo sa labas. Baka may tao sa gitna nyo. " asar na sabi nya.

Ngumisi si Cheska at kinalabit si Caleb.

"Oy Caleb, sa labas daw tayo magharutan at may nagseselos. " biro nya.

Mabilis na dumapo ang mga daliri ni Valerie sa braso ng kaibigan.

"Hindi ako nagseselos ! " giit nya.

Natatawang iniwas ni Cheska ang sarili.

"Oh di hindi kung hindi, wag ka ng mangurot at nagiging obvious ka. " dagdag nya.

Ngumisi lang si Caleb pero pinandilatan sya ni Valerie.

"Ikaw ? Anong ngini-ngisi ngisi mo dyan ? Binuhusan nyo ba yung banyo ? Baka naman di kayo nagbuhos ? Ako ang pagagalitan ni Inay. " asar na tanong nya.

Imbes na matakot sa galit na mukha ng nobya, ngumisi lang si Caleb at dahan dahang nilapit ang mukha sa dalaga.

..

Natigilan si Valerie at napatitig sa binata.

Umawang ang kanyang bibig para sana pigilan ito ngunit nabitin sa ere ang kanyang pagsasalita.

Sumikip ang kanyang paghinga at habang ramdam nya ang unti unting pagwawala ng kanyang puso.

Nais nyang tumutol sa gagawin ng binata dahil unang una, may mga tao pa sa paligid.

Ayaw nya ng PDA.

Ikalawa ay dapat galit sya dito.

At kapag magkagalit ang magkasintahan, dapat walang halikan.

Pero nablangko na ang pag iisip ni Valerie.

Sa huli, inamin na rin nya sa sarili na matagal na rin nyang inaasam ang mga labi ng kasintahan.

Pinagbigyan na lamang ng dalaga ang kapritso ng puso at tinanggap ang maaaring mangyari.

Dahan dahan nyang pinikit ang mga mata at bahagyang inumang ang mga nguso.

Buong pagmamahal na hinintay ang mga labi ng pinakamamahal na nobyo.

..

Pero imbes na sa mga labi, dumiretso sa tenga ni Valerie ang binata at marahang nagsalita.

"Baby, may nakita ako sa CR. " bulong nya.

Kumibot kibot ang mga labi ni Valerie.

Sa isip isip ay nagtataka dahil tila kay tagal naman atang dumampi ng mga labi ng nobyo.

Hanggang sa muling ulitin ni Caleb ang pagbulong.

"Babes, yung mga panty mo, nakahilera dun sa sampayan. Nakakahiya kay Yohan kaya niligpit ko muna bago ko sya pinapasok. " bulong nya.

Unti unting pumasok sa pag iisip ni Valerie ang sinasabi ng kasintahan.

Dahan dahan syang napalunok sabay atras.

Rinig nya ang paghagikgik ni Cheska sa likod.

"Kahiya much. " bulong ng dalaga.

Muntik ng mapangiwi si Valerie ng mapagtanto ang sitwasyon.

Ramdam nya ang pag akyat ng dugo sa kanyang mga pisngi at ang unti unti nitong pag iinit dahil sa kahihiyang inabot.

"Shet ! Assuming ako ! " giit nya sa utak.

Mabilis na hinamig ng dalaga ang sarili.

Sumimangot sya at inirapan ang binata.

Binalingan nya si Cheska na pinipigilan ang sariling tumawa ng malakas.

"Sige Kakay, tawa pa. " banta nya.

Imbes na matakot, lalo pang humagikgik ang dalaga.

Lalong nalukot ang mukha ni Valerie.

Nilingon nya si Caleb at pinandilatan.

"Anong ginawa mo ? " asik nya.

Ngumiti ang binata.

"Tinabi ko sa gilid. Ikaw naman kasi baby, bakit di mo man lang nililigpit after mong hubarin ? " nakangising tanong nya.

Lalong nagsintir si Valerie.

Kinurot nya ang nobyo tanda ng inis pero tumawa lang ito.

Naging malandi ang ngiti ni Caleb.

"Nakita ko si Winnie the Pooh. " bulong nya.

Natulala si Valerie.

Muli na namang nag init ang kanyang mga pisngi at sinuntok sa braso ang binata.

"Shut up ! " gigil na saway nya.

Tumawa si Caleb at pinigilan ang kamay ng nobya.

"Baby, sayo ba yon ? Bakit parang anliit ? Pero infairness ang cute ng design. Si Winnie the Pooh. " bulong nya.

Namula ang mga pisngi ni Valerie at kinagat ang ibabang labi para pigilan ang pagtawa.

"Tse ! " sabi nya sabay tayo.

"Oh san ka pupunta ? " tanong ni Caleb.

"Ewan ko sayo. " sagot ni Valerie at patakbong tinungo ang banyo.

Nagkatinginan na lang sina Cheska at Caleb sabay biglang tawa ng malakas.

..

Pinigilan ni Yohan ang mapasimangot.

Palipat lipat ang tingin nya sa tatlo at pilit na inuunawa ang tinatakbo ng usapan ng mga ito.

Pero bigo sya dahil pabulong lamang ang pagsasalita ng mga kaharap.

Ramdam nya ang inis.

Kung umasta ang tatlo ay tila wala sya sa eksena.

Kaya ng biglang umalis si Valerie ay di na napigilan ni Yohan ang sarili.

Tumikhim sya at pinaramdam ang presensya.

"Ahem. " singit nya.

Natigil sa pagtawa ang dalawa at gulat na napatingin sa kanya.

"Yohan. " sambit ni Cheska na tila nagulat pa ng makita sya.

Napangiti ng tipid si Yohan.

"Yes it's me. Andito pa kaya ako. " nakangiting biro nya.

Natawa ng mahina si Caleb.

"Kamusta na nga pala pare ? " tanong nya.

Ngumiti si Yohan at nagkibit balikat.

"Eto, naghahabol ng requirements. Nagpapataas ng grades. You know, malapit na ang GRADUATION namin eh. Kailangang i-maintain ang pagiging top. " pang aasar nya.

Pilit diniinan ang salitang Graduation.

Nais nyang ipamukha sa binata na malabo itong makatapos dahil sa ginagawang pagliban sa klase.

Pero di naapektuhan si Caleb.

Bagkus ay sumandal lang ito sa sofa at nakipagtitigan.

Lumaban naman ng titig si Yohan.

Ilang minuto ring nayamani ang katahimikan bago umawat si Cheska.

"T-teka. Easy lang. " pigil nya.

Ngunit hindi natinag ang dalawa.

Maya maya ay lumabas si Valerie mula sa kusina.

Nakahinga ng maluwang si Cheska at pasimpleng nginuso ang dalawa.

Kumunot ang noo ni Valerie.

Tumayo sya sa gilid ng dalawa at isa isa itong tiningnan.

Ramdam nya ang tensyon.

At mabili nya itong pinutol sa pamamagitan ng pagtayo sa pagitan ng mga ito.

Hinarap nya si Yohan.

"Ngapala Yohan, paano nga pala yung costumes natin ? " tanong nya.

Tinapunan muna ng tingin ni Yohan si Caleb bago nakangiting tiningala ang dalaga.

"Well, let me take care of it. Ako na ang bahala sa gagamitin natin. Maybe sa wednesday, invite ko kayong lahat sa bahay. " sagot nya.

Kumunot ang noo ni Valerie.

"Baket ? " tanong nya.

Ngumiti si Yohan.

"Para makapag sukat na at maipatahi yung mga costumes. " sagot nya.

Nanlaki ang mga mata ni Cheska.

"Magpapatahi pa ? Bakit di na lang umarkila ? " tanong nya.

Tumango tango si Valerie.

"Oo nga. Mas makakatipid tayo kapag umarkila na lang. " dagdag ng dalaga.

Ngumiti lang si Yohan at nagkibit balikat.

"Wala eh. Decision ni Mommy. She wants to give help daw sa play natin kaya sya na ang magpoprovide ng costumes. Lalo na ng malaman nyang tayo ang magkapareha. " sabi nya.

Natigilan si Valerie at napatingin sa kaibigan.

Maging si Cheska ay natulala ng maalala ang Mommy ni Yohan.

..

Tumikhim si Caleb at hinawakan sa kamay ang kasintahan.

Marahan nya itong hinatak palapit at inalayayang makaupo sa pagitan nila ni Cheska.

Pagkuwa'y binalingan nya si Yohan.

"Ngapala pare, sino bang namamahala ng play nyo ? " tanong nya.

Ngumisi si Yohan at pasimpleng inayos ang kwelyo.

"Ako lang naman. " sagot nya.

Umismid si Caleb.

"Bakit pa ba ako nagtatanong eh mukhang ikaw yung tipo ng taong ayaw naagawan ng spotlight. " bulong nya.

Natawa ng mahina si Cheska.

"TOMO. " bulong din nya.

"Ano yon Caleb ? Anong sabi mo ? " tanong ni Yohan.

Umiling si Caleb at napangiti.

"Wala. Ang sabi ko, baka kailangan nyo pa ng tulong. " pag iiba nya.

Ngumiti si Yohan.

"Thanks but no thanks. I can manage it all. This week will be crucial for us. Konti na lang ang time para makapag practice kami so kailangan talagang cooperation sa bawat isa. " paliwanag nya.

Tumango tango si Caleb at binalingan si Valerie.

"Ano bang benefits pag sumali ka ? " tanong nya.

Pero inirapan lang sya ng kasintahan.

Si Cheska ang sumagot sa tanong ng binata.

"May prize daw ang mananalo. 15 thousand pesos. " sagot nya.

Bahagyang nagulat si Caleb.

"Oh. Sounds good. Ayos naman pala eh. Masusulit ang pagod. " sambit nya.

"Oo nga eh. Pero syempre, di naman basta papayag yung ibang section na tayo ang mag uwi ng premyo. Syempre gagalingan din nila. " wika ni Cheska.

"Of course. That is what competition is all about. Doing your very best. Pero syempre, dapat din nating tingnan yung mabubuong bonding sa pagitan ng mga kaklase natin. Yung saya at tawanan habang nagpa-practice. Mas mahalaga yon kaysa sa pera. " litanya ni Caleb.

Natawa ng sarkastiko si Yohan sa narinig mula sa binata.

"Really ? So you mean to say you're not after the prize money ? " tanong nya.

Nagkibit balikat si Caleb.

"Ikaw na rin ang nagsabi na hindi na ako makakasali kahit na gusto kong makipag cooperate. So I guess bubuo na lang ako ng cheering squad to cheer you. " biro nya.

Natawa si Cheska.

Maging si Valerie at pasimpleng napangiti.

Pero napailing iling si Yohan.

"I doubt kung hindi ka makikihati sa pera if ever na manalo kami. " mahinang sabi nya.

Napahinga ng malalim si Caleb.

"Ewan ko sayo Yohan. Di naman lahat ng tao gahaman sa pera. Oo nandun na ako na talagang malaki yung premyo, pero ilan ba ang magpaparticipate sa section natin ? 40 plus ? Sa tingin mo, magkano ang makukuha ng bawat isa ? Sabi ko nga sayo, hindi pera ang mahalaga sa magaganap na competition kundi yung bonding at experience mismo. Wag mo kasing tingnan lagi ang pinansyal na aspeto. " pangaral nya.

Saglit na natahimik si Yohan.

Naningkit ang kanyang mga mata sa mga sinabi ni Caleb.

Parang pinalalabas nito na mukha syang pera.

..

Nagkatinginan sina Valerie at Cheska.

Ramdam nila pareho ang umiigting na alitan sa pagitan ng dalawa.

Kahit pa sabihing walang sinasabing masasakit na salita ang mga ito.

Pakiramdam ni Valerie ay maaaring magsuntukan ang dalawa anumang oras.

Kaya bago pa umabot sa puntong iyon, mabilis na syang nag isip ng paraan para pukawin ang atensyon ng dalawa sa isa't isa.

"Baka naman pwedeng sumali si Caleb. " sabi nya.

Napatingin sina Yohan at Caleb sa dalaga.

Tumango tango si Cheska.

"Yeah tama. Ang pagkakaalala ko sa pagkakasabi ni Ma'am Jean, lahat daw tayo dapat magparticipate. Di ba Bebs ? " tanong nya.

Napapitik sa ere si Valerie.

"Oo nga ! Dapat lahat ng nasa section natin, makicooperate. Di ba kahit si Ma'am tumutulong sa atin from the start ? " balik tanong nya.

Kumunot ang noo ni Yohan.

"Uhm, what's the point ? " tanong nya.

Ngumisi si Caleb at binalingan ang binata.

"Ang ibig nilang sabihin, pwede akong sumali. Remember, magkakaklase pa rin tayo. " sagot nya.

Natigilan si Yohan at napatingin sa dalawang dalaga.

Pagkuwa'y dahan dahang tinitigan si Caleb.

"As if I would allow that. " mahina ngunit mariing sabi nya.

"Ano yon pare ? " tanong ni Caleb.

Umiiling si Yohan at pinilit ang sariling ngumiti.

"Eh di sige. Kung gusto mong sumali, sino ba naman ako para bawalan ka di ba ? Ako lang naman ang leader ng grupo. " sarkastikong sabi nya.

Umismid si Cheska.

"Sino bang nag appoint sayo ? Ikaw lang naman eh. " bulong nya.

Natawa ng mahina si Valerie pero di sya nagsalita.

Natuwa naman si Caleb sa sinabi ni Yohan.

"So anong role ko ? " tanong nya.

Unti unting napangiti si Yohan.

"Hmm, maybe townspeople. You know, pandagdag. " sagot nya.

Natigilan si Caleb.

Pero nagkibit balikat na lang sya.

"Well, di naman ako magiging choosy. Buti nga makakapag participate ako to help our section. Okay na sakin yun. Wala ba akong lines ? " tanong nya.

Napaisip si Yohan at marahang umiling.

"Wala naman masyado, just follow what other townspeople say. Kapag sumigaw sila, sumigaw ka na lang din. Kapag nagpalakpakan, pumalakpak ka. Ganun kasimple. " sabi nya.

Ngumiti si Caleb.

"Ayos yon, di gaanong mahirap. Tatayo lang ako na parang tumatambay. " biro nya.

"Yeah, okay na yon. If ever na manalo tayo, magkakaroon ka rin ng share sa premyo. " nakangiting banggit ni Yohan.

Napahinga ng malalim si Caleb.

Unti unti na syang naiirita sa paulit ulit na pagbanggit ni Yohan tungkol sa pera.

"Paulit ulit ka naman Yohan. Sinabing hindi pera ang habol ko. Gusto ko lang magparticipate to help our section. Ganito na lang, if ever na manalo tayo, wag mo na lang akong hatian. Is that fine ? " tanong nya.

Napangisi si Yohan.

"Wow, are you sure ? Sayang yung money. Baka nabibigla ka lang ? " tanong nya.

Umiling si Caleb.

Ngali ngaling suntukin na nya ang kausap pero pilit pa rin syang nagpakahinahon.

"Yeah, may pera naman ako kahit papaano. " sabi nya.

Nabigla si Yohan.

"Oh really ? Di halata pare. " biro nya.

"Kailangan bang ipahalata ? " tanong ni Caleb.

Nagkibit balikat si Yohan.

"Di naman. Anyway, bukas magpractice tayo. Siguro naman pupunta ka ? " tanong nya.

Napatiim bagang si Caleb.

"Of course. " sagot nya.

Ngumisi si Yohan.

"Well kahit naman hindi ka pumunta. Konti lang naman ang scene mo. Pero pumunta ka na rin, para makita mo kami ni Val magpractice. " pang aasar nya.

Lalong napatiim bagang si Caleb ng maalala ang ibang eksena sa play na medyo intimate.

Napatingin sya sa kasintahan pero napayuko lamang ito.

Napabuntong hininga na lamang sya.

"S-sige, pupunta ako. " mahinang wika nya.

"Well, see you tomorrow na lang. May lakad pa kami ng mga pinsan ko. Ay syangapala, remember yung guy na kasama mo na sumuntok kay Kuya Serge ? " tanong ni Yohan.

Natigilan si Caleb.

"Oh baket ? Anong meron ? " tanong nya.

Ngumisi si Yohan.

"Yari sya, nalaman na nila Kuya kung saan sya nag aaral. " sagot nya.

Natulala si Valerie sa narinig.

Napahawak sya sa kamay ni Cheska.

"A-anong gagawin nyo kay Kuya Rom ? " tanong nya.

Ngumisi si Yohan.

"Gaganti sila sa ginawa nyang panununtok kay Kuya Serge. Goodluck na lang sa kanya. Ang angas nya eh, porke lasing lang si Kuya. " sagot nya.

Naningkit ang mga mata ni Cheska.

"Ginawa yon ni Kuya Rom dahil ayaw nyo kaming pauwiin ! " giit nya.

Tumatawang napaatras si Yohan.

"Whoah, bakit sakin ka nagagalit ? Eh wala akong kinalaman dyan. Di ko naman sila inutusan eh. " sabi nya.

"Yohan, pigilan mo sila. Baka magkagulo ! " bulalas ni Valerie.

Napailing si Yohan.

"I'm sorry Val. Di ko kayang pigilan si Kuya tsaka yung mga barkada nya. At sa pagkakakilala ko sa kanya, mukha talagang magkakaroon ng gulo. Di papayag yon si Kuya Serge na hindi makaganti. Siguradong malaking kahihiyan at sakit ng katawan ang aabutin nung lalaking yon. " sabi nya.

Nahindik si Valerie.

Akmang magsasalita sana sya pero naramdaman nya ang kamay ni Caleb sa kanyang braso.

Napatingin sya sa nobyo.

Nagtama ang kanilang mga mata at nakita nya.

"You don't have to worry about him. " bulong ni Caleb.

"Bakit hindi ? Eh baka mapano sya ! " diin ni Valerie.

Ngumiti si Caleb.

"Parang hindi nyo kilala yung taong yon. " bulong nya.

Kumunot ang noo ni Valerie.

"Why ? " tanong nya.

"Basta, kung meron ka mang dapat ipag alala, yun ay yung pinsan ni Yohan. " bulong ni Caleb.

Atubiling napatango si Valerie.

Ngumiti si Caleb at hinaplos ang kamay ng kasintahan.

"Relax ka lang baby. Kayang pangalagaan ni Kuya Romeo ang sarili nya. Besides, baka nakakalimutan mo kung sino sya. At alam nyong hindi sya nag iisa. " bulong nya.

Unti unting nakalma si Valerie ng maalala ang Kwadro Alas.

Sigurado syang hindi pababayaan ng tatlong kaibigan nito ang binata.

Napanatag ang kanyang loob pero natigilan sya ng maramdaman ang paghaplos ng nobyo sa kanyang kamay.

Mabilis nya itong binawi at inirapan si Caleb.

Tumawa lang ang binata at muling binalingan si Yohan.

"Pakisabi na lang sa pinsan mo na Goodluck. Damihan nya kamo ang dadalhin nyang tropa kung susugurin nya sina Kuya Rom. " paalala nya.

Naningkit ang mga mata ni Yohan.

"Di ka rin maangas eh no ? Imbes na mag alala ka para sa mayabang mong kaibigan, nagrerequest ka pa na damihan ang isasama ni Kuya Serge. Hah, don't worry makakarating. " bigkas nya.

Ngumiti si Caleb.

"Wag kang magalit, tulad ng sinabi mo, wala rin akong kinalaman sa alitan nila. Busy ako sa sarili kong kaaway eh. " diin nya sabay titig kay Yohan.

Nagkatitigan ang dalawang binata.

Hanggang sa si Yohan na mismo ang sumuko at binalingan si Valerie.

"Hey Val, uwi na ako. May inuutos kasi sa akin si Mommy eh. " sabi nya.

Napatayo si Valerie.

"Ah ganun ba ? Salamat sa paghatid at sa treat ha ? " wika nya.

Ngumiti si Yohan.

"Oh sure, no problem. Anytime. " sambit nya.

Tumayo na rin si Cheska.

"Hatid ka na namin Yohan. " suhestyon nya.

Napangiti ng maluwang si Yohan.

"Really ? Thank you. Tara na. " sambit nya.

Tumayo rin si Caleb.

Napatingin si Valerie sa binata.

"Dito ka lang. " pigil nya.

Natigilan si Caleb.

"B-bakit ? " tanong nya.

Sumimangot si Valerie.

"Walang tatao dito. " sagot nya.

Napanganga si Caleb sabay baling kay Cheska.

Pero mabilis na lumabas ang dalaga.

Natawa si Yohan at tinapik ang balikat ni Caleb.

"Bantay ka muna dito pare. " pang aasar nya.

Napatiim bagang si Caleb at napatingin kay Valerie.

"Mag ingat kayo. Hintayin ko na lang kayo dito. " wika nya sabay lumapit sa TV at binuksan ito.

Kampanteng naupo sa sofa si Caleb.

Naguilty naman si Valerie.

Nais nyang samahan na lamang ang nobyo pero naisip nya si Yohan.

Nakakahiya kung hindi man lamang nila ihahatid ito hanggang sa sakayan matapos ng mga ginawa nito para sa kanila.

..

Sumipol si Cheska mula sa labas ng bahay.

Napahinga ng malalim si Valerie at nginitian si Yohan.

"Tara na. " aya nya.

Naunang lumabas ng bahay si Yohan.

Binalingan muna ni Valerie si Caleb.

"S-saglit lang kami. " sabi nya.

Ngumiti ang binata.

"Sure baby, take care. " malambing na sabi nya.

Napangiti rin si Valerie pero mabilis syang sumimangot at inirapan ang nobyo.

Dali dali syang lumabas ng bahay.

Naiwan si Caleb na nakangiti.

..

Ng wala na ang tatlo ay dinampot ng binata ang remote at naglipat lipat ng channel.

Napahinto sya sa paglilipat ng sumakto sa Eat Bulaga ang palabas.

Kampanteng nanuod si Caleb.

Maya maya ay biglang nag ring ang kanyang cellphone.

Agad nya itong kinuha sa bulsa at sinagot kahit na hindi tinitingnan kung sino ang tumatawag.

"Hello ? " tanong nya.

"Calebrador ? " tanong ng nasa kabilang linya.

Kumunot ang noo ni Caleb ng marinig ang totoong pangalan.

Bibihirang tao lamang ang nakakaalam nito kaya siguradong kilala nya ang kausap.

Pamilyar sa kanya ang boses, pero di nya matukoy kung sino.

"Yes ? Sino po ito ? " tanong nya.

"Lekat kang bata ka ! Nasan ka ba ? Anong sino to ? Di mo ba nakikilala ang boses ko ? " tanong ng kausap.

Natigilan si Caleb.

Unti unting nanlaki ang kanyang mga mata at napanganga ng maalala ang specific na tao.

Matagal tagal na rin nya kasing hindi naririnig ang boses nito kaya marahil ay hindi nya mabosesan.

Pero ang paraan ng pagsasalita nito ay hindi nya maaaring maikumpara sa iba.

Parang nang aangkin.

Parang laging galit at nag uutos.

Napalunok si Caleb.

"L-lola ? " tanong nya.

"Aba't sino pa ? Nasan ka ba ? Bakit wala ka daw sa bahay ? Sinong kasama mo ? Hoy Calebrador, bakit di ka sumasagot ? Lekat na batang to. " sagot ng matanda.

Pinagpawisan si Caleb.

Ramdam nya ang paggapang ng takot sa kanyang mga ugat.

Boses pa lamang ng abuela ang kanyang naririnig pero pakiramdam nya ay gusto na nyang magtago sa ilalim ng kanyang kama tulad ng dati nyang ginagawa kapag nagtataas ito ng boses.

"CALEBRADOR ! " bulyaw ng Lola nya.

Napapitlag si Caleb.

"P-po ? " tanong nya.

"Putris. Ano bang nangyayari sayong bata ka ? Aaaaahh, bukas na nga yan, hintayin mo ako. Gusto kong kasama ka sa susundo sa akin. " utos ng matanda.

Lalong natigilan si Caleb sa narinig.

"S-susunduin po ? S-saan po ? B-bakit po ? " sunod sunod na tanong nya.

"Anong saan ? Anong bakit ? Nakalimutan mo na ba ? Di ba sabi ko uuwi ako ? Nandito na ako sa airport, malapit na ang flight ko. Bukas ng madaling umaga nandyan na ako. Marami tayong dapat pag usapan. " sagot ng matanda.

Namatay na ang tawag.

Naiwang tulala si Caleb.

Pakiramdam nya ay bigla syang nanghina.

Tila nablangko ang kanyang utak at huminto sa paggana.

Akala nya matapang na sya.

Akala nya kaya na nyang salungatin ang abuela.

Akala nya kaya na nyang panindigan ang kanyang mga desisyon.

Pero duda syang naglaho ng lahat ang mga ito.

Boses pa lamang ng matanda ay nanginginig na kanyang katawan.

Paano pa kung kaharap na nya ito ?

"Bakit sya uuwi ? Anong gagawin nya dito ? Bakit ngayon pa ? A-anong pag uusapan namin ? " tanong nya sa sarili.

Maraming katanungan ang sunod sunod na lumitaw sa kanyang utak.

Pero kahit isa ay wala syang naisagot.

Napatingin na lamang si Caleb sa TV.

Nakatutok ang kanyang mga mata sa palabas pero wala rito ang kanyang isip.

Naglakbay na ito kung saang lupalop ng mundo.

Umaasang makakakuha ng mga sagot sa tanong na hindi nya alam kung paano haharapin.

ITUTULOY !!!