1. Home
  2. Stories
  3. Bakit Absent Si Klasmeyt - Ika Apatnapu't Dalawang Pahina
Lagablab

Bakit Absent Si Klasmeyt - Ika Apatnapu't Dalawang Pahina

By supertoyantz ·

Ika Apatnapu't Dalawang Pahina

Lunes ng umaga.

Magkasabay na naglalakad sina Cheska at Valerie.

Kahit na maaga pa, mataas na agad ang energy ni Kakay.

Patuloy lamang ito sa pagkukwento ng kung ano ano habang nananatiling tahimik at walang imik si Bebang.

Tuloy tuloy lamang sila sa paglalakad kasabay nag pagsasalita ni Cheska.

Hanggang sa makarating na sila sa kanto kung saan kailangan nilang tumawid patungo sa kabila.

Dire diretso lamang sa pagtawid si Kakay.

Nakarating na sya sa kabilang panig ng kalsada at akmang magpapatuloy sa paglalakad ng mapansing wala na syang kausap.

Mabilis syang lumingon at nanlaki ang kanyang mga mata ng makita ang kaibigan na mabagal na tumatawid sa gitna ng kalye.

Di kalayuan dito ay may isang pampasaherong jeep na medyo may kabilisan ang andar.

Hindi na nakareacr si Cheska.

Ang tanging nagawa na lamang nya ay takpan ang mga mata.

Kaya hindi na nya nakita ang isang binatang mabilis na tinakbo ang distansya at nahatak si Valerie patungo sa bangketa.

Bumagsak ang dalaga sa katawan ng binata hanggang sa mawalan sila ng balanse at mapaupo sa gutter.

..

Natulala si Valerie.

Hindi nya alam kung ano ang eksaktong nangyari.

Basta ang alam nya ay iniisip lamang nyang makita ang nobya ng biglang may humawak sa kanyang kaliwang kamay at buong lakas na hinatak.

Ng maalala ang kamay ay nuon nya lamang naramdaman ang sakit sa bandang pulso.

Mabilis na umakyat ang galit sa kanyang ulo at lumingon para hanapin ang humatak sa kanya.

Pero nagulat sya ng makita si Caleb na nakaupo rin sa kanyang tabi at hinihimas ang balakang nito.

"I-ikaw ? " tanong nya.

Ngumiti si Caleb.

"Good Morning Baby. " sagot nya.

Natigilan si Valerie.

Wala sa loob na pinagmasdan nya ang binata.

"A-anong ginagawa mo dito ? " tanong nya.

Ngumiti si Caleb.

"Tumatawag ako sayo pero it seems na lowbat ka kasi patay yung phone mo. I've been texting you. Sabi ko ihahatid kita sa school. Eh since na di ka nga sumasagot, nagdecide na akong puntahan ka sa inyo. Pero sabi ni Inay Vicky kakaalis nyo lang daw ni Kakay. Kaya ayan, patakbo na akong sumunod. Buti na lang naabutan ko kayo. " sabi nya.

Patuloy pa sana syang magsasalita.

Pero mabilis na tumayo si Valerie at nilapitan ang tulalang si Cheska di kalayuan.

"Hoy. Tara na. " sambit nya.

Napatingin si Cheska sa kaibigan.

"B-bebs ? " tanong nya.

"Problema mo ? " sagot ni Valerie.

Napanganga lang si Cheska at sinuyapan ang spot kung saang muntik ng masagasaan ang kaibigan.

"P-pero. A-anong nangyari ? Bakit safe ka ? " tanong nya.

Kumunot ang noo ni Valerie.

"Safe ? Bakit naman ako hindi magiging safe ? Nag almusal ka ba ? " tanong nya.

Lumapit si Caleb sa dalawa.

"Baby, ako ng magdadala nyang bag mo ? " tanong nya.

Nanigas ang likod ni Valerie.

Pero mabilis nyang pinigilan ang emosyon at seryosong nagsalita ng hindi man lang tinitingnan ang binata.

"Wag na, kaya ko pa namang buhatin ang bag ko. " walang emosyong sagot nya.

Nawala ang pagkatulala ni Cheska at nakalimutan ang nangyari ng marinig ang dry na sagot ng kaibigan sa nobyo nito.

Akmang magsasalita sana sya pero mabilis na humawak si Valerie sa kanyang braso at pilit na tinangay sa paglalakad.

Naiwan si Caleb.

Tanging paglingon na lamang ang nagawa ni Cheska.

Kita nyang tanging pagkaway na lamang din ang nagawa ng binata.

..

Last subject na para sa araw na iyon.

Pakiramdam ni Valerie ay drain na drain ang kanyang enerhiya.

Lunes na lunes pero napakaraming pinagagawa ng kanilang mga guro.

Malapit na kasi ang foundation day kaya nag a-advance na sila ng mga lectures.

Isang linggo kasing mapapahinga ang mga teachers sa pagtuturo.

Bagama't pagod, kahit papaano ay nagpapasalamat si Valerie.

Kailangan nya ng maraming gawain para maabala ang sarili at maiwasang ang masyadong pag iisip.

Sa twing may bakanteng oras kasi sya, hindi maiwasang sumagi sa isip si Caleb.

Ng maalala ang kasintahan ay napahilamos sa muhka si Valerie.

"My God, bakit ganito ? " tanong nya sa sarili.

Nais nyang sumigaw ng mga oras na iyon.

Pero pinigilan nya ang sarili dahil siguradong ikapapahamak lang nya ito.

Nagtiis na lamang syang kagat kagatan ang kuko habang kunwaring nakikinig sa paliwanag ng guro.

Hanggang sa tumunog ang bell.

Hudyat na tapos na ang klase para sa araw na iyon.

Napahinga ng malalim ang ibang mga estudyante.

Tuwang tuwa dahil tapos na naman ang isang araw.

Maaari na silang magpahinga at magrelax sa kani kanilang paraan.

Pero hindi si Valerie.

Hangga't maaari, nais nyang abalahin ang sarili.

Kailangan nya ang diversion para makalimutan sandali ang nobyo at ang sitwasyon nila.

..

Nasa tahimik syang pagiisip ng biglang may magsalita sa kanyang harap.

"Val ? " tanong ng boses.

Napaangat ang tingin ni Valerie at nagulat ng makita sa harap si Yohan.

Di nya maintindihan kung ngiti ba o ngiwi ang nasa mukha nito.

Tumikhim si Cheska sa kanyang tabi.

Kiming napangiti si Valerie at tinanguan ang kaibigan.

Pagkuwa'y sinulyapan ang binata sa harap.

Pinilit nya ang sariling ngumiti.

"Y-yes ? " tanong nya.

Alumpihit na nagsalita si Yohan.

"U-uhm, f-first. G-gust ko lang sanang humingi ng sorry sa nangyari last time. I'm really sorry Val. " mahinang sabi nya.

Natigilan si Valerie.

Oo nga pala.

Muntik na nyang makalimutan ang nangyaring iyon.

May atraso nga pala sa kanila ni Cheska ang ungas na ito.

Pero dahil sa bigat ng kanyang dinadala, nakaligtaan na nya ang bagay na iyon.

..

Kinapa ni Valerie ang sarili.

Inisip at tinantya kung galit pa ba sya sa binata.

Hanggang sa nagkibit balikat na lamang sya at napangiti.

Walang rason para magtanim ng sama ng loob.

"It's okay. Kalimutan mo na yon Yohan. " sabi nya.

Tila nakahinga ng maluwang ang binata.

"R-really ? Thank God Val ! Sorry talaga sa nagawa ko pati na ng mga pinsan ko. I'm really really sorry. " wika nya.

Ngumiti si Valerie at nginuso si Cheska sa tabi.

"Sa akin ay okay lang. Pero remember, dalawa kaming nanduon. " paalala nya.

Natigilan si Yohan at napatingin sa dalaga sa tabi nito.

Dahan dahan syang lumapit at tumapat sa harap ni Cheska.

"U-uhm, C-ches ? " tawag nya.

Ngunit nagpatuloy sa pagsusulat ang dalaga.

Napatingin si Yohan kay Valerie.

Napangiti ang dalaga at siniko ang kaibigan.

"Huy. " tawag nya.

Nag angat ng tingin si Cheska mula sa pagsusulat at nagtaas ng isang kilay.

"Yes ? What can I do for you nigga ? " taray nya.

Kahit malungkot, napahagikgik si Valerie.

Natatawang napailing na lamang sya.

Napangiti din ng kimi si Yohan.

Wala sa loob na nailagay nya ang kamay sa bulsa.

Mannerism nya ito kapag kinakabahan.

"G-gusto ko lang humingi ng sorry. Y-you know, yung nangyari nung last saturday. " mahinang sabi nya.

Naningkit ang mga mata ni Cheska at binitawan ang ballpen na hawak.

Tiningnan nya mula ulo hanggang paa si Yohan.

Dahan dahang napangisi.

"Ang lagay eh. " binitin nya ang sinabi.

Kinabahan si Yohan.

"H-ha ? " tanong nya.

Tuluyan ng napangisi si Cheska.

"Ang lagay eh, ganun ganun na lang ? Wala bang bayad danyos dyan ? Yun bang ano ngang tawag don Bebs ? " tanong nya.

Napailing na lang si Valerie at tinalikuran ang kaibigan.

"Bahala ka sa buhay mo. Nangikil ka na naman. " bulong nya.

Pero di sya pinansin ni Cheska.

"Ah basta, ang lagay eh ganun ganun lang ? " nakangising tanong nya.

Napalunok si Yohan.

"A-ano bang ibig mong sabihin ? " tanong nya.

Napasimangot si Cheska at nilahad ang palad.

"Ang hina mo namang makagets. Wala bang lagay ? Suhol ba. " sagot nya.

Natigilan si Yohan at pagkuwa'y unti unting natawa.

"Hahaha, yun lang ba ? Sus, tara ! Treat ko kayo. Kahit saan. " sabi nya.

Nagliwanag ang mga mata ni Cheska at mabilis na inayos ang mga gamit.

Pero napatingin sya sa kaibigan.

"Ay, tanungin mo muna si Val. " wika nya.

"Oh bakit ako ? " tanong ni Valerie.

"Baka may gagawin ka ? May lakad ata kayo ni Caleb ? " pabulong na tanong ni Cheska.

Natigilan si Valerie ng marinig ang pangalan ng kasintahan.

Natahimik sya at di nakapagsalita.

Hanggang sa sumingit si Yohan.

"If you want Val, bibili na lang ako sa labas then wait nyo ko sa covered court. Gusto mo ba yon ? " tanong nya.

Napaisip si Valerie at nilingon ang kaibigan.

"May gagawin ka ba ngayon ? " tanong nya.

Umiling si Cheska.

"Akala ko nga may practice tayo eh. " sagot nya.

"Oo nga Yohan, bakit wala tayong practice ? Eh next week na yung play ? " tanong ni Valerie.

Ngumiti si Yohan.

"Nag decide akong bukas na lang since na marami tayong ginawa ngayon. Baka ma-drain yung classmates natin kapag nagpractice pa tayo ngayon. " sagot nya.

Napangiti din si Valerie.

"Yan dapat. Isipin mo yung iba at di lang yung sarili mo. " wika nya.

Nahihiyang napangiti si Yohan.

"S-syempre, natuto lang ako sa mga pagkakamali ko. Ayaw ko na kasing nagagalit kayo sa akin eh. " sabi nya.

Napangiti din si Cheska.

"Eh kung ganyan ka ng ganyan, eh di magkakasundo tayo. Hala ano pang ginagawa natin ? Kainan na ! " sambit nya.

Natawa na lang sina Yohan at Valerie sa sinabi ng dalaga.

..

Nagkasundo ang tatlo na sa pinakamalapit na fast food na lang kumain.

Marami rami ring tulad nilang mga estudyante ang kumakain dito.

Pagpasok pa lamang nila ay agad na nakakita ng pwesto si Yohan.

"There ! Maganda yung view oh. " turo nya.

Nagpauna na syang naglakad kasunod si Cheska.

Natigilan si Valerie.

Hindi nya malilimutan ang pwestong iyon.

Ito mismo ang pwestong inupuan nila nina Caleb ng minsang ilibre din sila nito.

Napahinga na lang malalim ang dalaga at sumunod sa kaibigan.

Pero muli syang napahinto ng maupo si Yohan sa mismong pwestong inupuan ni Caleb.

Dalawa ang bakanteng upuan at natural na piliin nyang maupo sa tabi ng kaibigan.

Maya maya ay nakangiting nagtanong si Yohan.

"So, what's your orders Madam ? " tanong nya.

Napangisi si Cheska.

"Tama ba ang narinig ko ? Orders ? With 's' ? Sure ka ? " tanong nya.

Napangiwi si Yohan.

"H-hindi mo naman siguro oorderin lahat ng nasa menu ? " tanong din nya.

Ngumisi lang si Cheska.

"Malakas kaming kumain Yohan, lalo na yang si Val. " turo nya.

Napangiti si Yohan at binalingan ng tingin si Valerie.

"Hindi halata sa inyong dalawa. Parehas kayong sexy. " biro nya.

Bumungisngis si Cheska.

"Talaga talaga ? Sige pa Yohan, utuin mo pa kameee. " sambit nya.

Natawa na lang si Yohan

"Haha ! Anyway, anong order nyo ? " tanong nya.

Sinulyapan ni Cheska ang menu.

"Spag with Chicken na lang saken. " sagot nya.

"Okay, ikaw Val ? " tanong ni Yohan.

Pero nanatiling walang sagot si Valerie.

Natigilan ang dalawa at napatingin sa dalaga.

Winagayway ni Cheska ang kamay sa harap ng kaibigan pero tagus tagusan ang tingin nito.

Natawa ang dalaga at dahan dahang hinipan ang tenga ng kaibigan.

Tulad ng inaasahan, napaigtad si Valerie.

"A-ano ba yon ? " tanong nya.

Bumungisngis si Cheska.

"Anyare sayo Bebs ? Tulala ka na naman ? Kanina pa kami kwento ng kwento, pero mukhang nasa ibang planet ka. Share share naman dyan oh. " biro nya.

Pinilit ni Valerie ang ngumiti.

"Ewan ko sayo, oh ano order na. " sabi nya.

"Tinatanong nga ni Yohan kung anong order mo. " imporma ni Cheska.

"A-ah ganun ba ? U-uhm, 1 piece chicken with rice na lang. " sagot ni Valerie.

Ngumiti si Yohan.

"Wala na Val ? " tanong nya.

Umiling si Valerie.

"W-wala na. Okay na yon. " sagot nya.

Pasimpleng siniko ni Cheska ang kaibigan.

"Tangek, dagdagan mo pa. Tingnan natin kung hanggang saan ang yabang nyan. " bulong nya.

Natawa ng mahina si Valerie.

"Sira ka talaga. Nililibre na nga tayo, kung anu ano pang naiisip mo. Mahiya ka nga ! " saway nya.

Umirap lang si Cheska sabay baling kay Yohan.

"Uhm, Yohan. Nahihiya si Val na ipakita ang katakawan nya. Gusto nya daw ng Peach Mango Pie saka Large fries. " turo nya.

Nanlaki ang mga mata ni Valerie pero naramdaman nyang pinisil ng kaibigan ang kanyang kamay sa ilalim ng mesa.

Ngumiti lang si Yohan at tumayo.

"Is that all ? " tanong nya.

Tumango ang dalawang dalaga.

"Yeah, thats all. " sagot ni Cheska.

Nakangiting naglakad patungo sa counter si Yohan.

Pero humabol pa si Cheska.

"For now. " sabi nya sabay bungisngis.

Nailing na lang si Valerie sa ginawa ng kaibigan.

..

Pinagmasdan ng dalawa ang pagpila ni Yohan.

Napatingin si Cheska sa kaibigan.

"Bebs. " tawag nya.

Lumingon si Valerie.

"Oh ? " tanong nya.

"May problema ba kayo ni Caleb ? " tanong ni Cheska.

Natigilan si Valerie.

Gusto nyang umiling pero ng makita nya ang nakangiting mukha ng kaibigan, pinili na lamang nyang wag magsalita.

Muling nagsalita si Cheska.

"Kung gusto mo ng kausap, alam mo namang nandito lang ako eh. " wika nya.

Ngumiti si Valerie at hinawakan ang kamay ng kaibigan.

"Alam ko. Never mo pa kong iniwanan. " sabi nya.

"Syempre, what are friends for di ba ? Para na kitang kapatid. " mahinang sambit ni Cheska.

Nakapagat labi si Valerie para pigilan ang paghikbi.

"I k-know. Ganun rin naman ako sayo Kay. " wika nya.

"Ano bang nangyari ? Nakita na natin si Caleb kanina pero di sya sumunod. Umabsent na naman. Akala ko ba papasok na sya ? " tanong ni Cheska.

Tumingala si Valerie para pigilan ang luhang nagbabantang tumulo.

"H-hindi ko alam. " sabi nya.

"Isa pang napansin ko, parang ayaw mo syang kausapin. Di na lang ako nakialam kanina kasi syempre, issue nyo yon. " wika ni Cheska.

Natahimik si Valerie.

Sinikap nya munang payapain ang damdamin bago sinagot ang kaibigan.

"Ikukwento ko sayo mamaya sa bahay. B-baka di ko mapigilan dito eh. " bulong nya.

Tumango tango si Cheska.

"Ganun ba ? Sige sige. Gusto mo bang dun na lang ako matulog sa inyo ? " tanong nya.

Lalong impit na naiyak si Valerie sa concern na nakikita nya sa mga mata ng kaibigan.

Wala sa loob na niyakap nya ito ng mahigpit.

"T-thank you Kakay. Dala ka na lang ng unan mo kasi ayaw kong nilalawayan mo yung unan ko. " biro nya kahit na umiiyak.

Natawa si Cheska.

Maging sya ay naiiyak na rin sa nakikitang paghihirap ng kaibigan.

"Hiyang hiya naman daw ako sa laway sa unan. Eh ikaw nga itong gumagawa ng graffiti sa punda. " ganting biro nya.

Nagtawanan sila kahit na parehong nangingilid ang luha sa mga mata.

Wala silang pakialam kahit na pinagtitinginan na sila ng mga tao sa paligid.

Parang napakatagal na nyang hindi nakakatawa ng ganuon.

Pakiramdam ni Valerie ay may isang pagkatao nya ang naibalik ni Cheska.

Bagama't ang malaki pa rin ang kulang, mas okey na ang pakiramdam nya kumpara kanina.

Hinaplos ni Valerie ang pisngi ng kaibigan.

"Salamat bes. " bulong nya.

Ngumiti si Cheska at ginantihan ng haplos sa pisngi ang dalaga.

"Anytime bes. Uhm, kissing na ba to ?" tanong nya.

Tumango si Valerie at dahan dahang nilapit ang mukha sa kaibigan.

Napanganga ang mga tao sa paligid.

Maging si Yohan na nakapila sa counter ay halos malaglag ang panga sa nakikita.

Hanggang sa biglang ngumisi ang dalawang dalaga at humiyaw.

"MABUHAY !! " sabay nilang sigaw.

..

Napapailing na bumalik si Yohan dalaga ang mga biniling pagkain.

Kasunod nya ang isang crew na may bitbit ding tray.

Matapos ayusin sa mesa.

Saka pa lamang nagsalita ang binata.

"Muntik ng malaglag yung hawak ng lalaki kanina. " sabi nya.

Kumunot ang noo ni Cheska habang binubuksan ang gravy.

"Why oh why ? " tanong nya.

Napangiti si Yohan.

"Akala ata maghahalikan kayo. " sagot nya.

Nagkatinginan sina Valerie at Cheska.

"Muntik na, buti na lang naalala naming nasa public place pala kami. Kung nasa kwarto sana kami. " nakapagat labi pa si Kakay.

Humagikgik ng palihim si Valerie at pasimpleng tinapakan ang paa ng kaibigan.

Nagpalipat lipat ang tingin ni Yohan sa dalawa.

"W-weee ? Di nga ? " tanong nya.

Tinapunan ni Cheska ng malagkit na tingin ang kaibigan.

Natatawang sinaway ni Valerie ang dalaga.

"Wag mong lokohin si Yohan. " sagot nya.

Natawa rin si Cheska.

"Oo nga pala, dapat sikret nga pala yon. Ssshh, wag kang maingay Yohan. " bulong nya.

Lalong napanganga si Yohan.

Pero mabilis na sinaway ni Valerie ang kaibigan.

"Kumain ka na lang Yohan. Salamat nga pala ulit sa libre ha ? " sabi nya.

Napalunok ng laway si Yohan bago nagsalita.

"W-wala yun. K-kahit once a week ililibre ko kayo. " wika nya.

Napangisi si Cheska.

Tila may isang magandang awitin syang narinig.

"Talaga ? Kung ganyan ka ng ganyan, talagang magkakasundo tayo. " sabi nya.

Ngumiti lang si Yohan at nagkibit balikat.

"Kayo lang eh, lagi na lang yung Caleb Concepcion na yon ang pinapansin nyo. Eh ni hindi nga pumapasok yon eh. Tsk tsk, bagsak na yun sigurado. " wika nya.

Natigilan ang dalawang dalaga.

Gusto sanang ipagtanggol ni Valerie ang kasintahan pero naunahan na sya ni Cheska.

"Syangapala Yohan, yung costume natin sa play ? Ayos na ba ? May babayaran ba kami ? " tanong nya.

Umiling si Yohan.

"Wala na kayong babayaran. Ako ng bahala don. " pagyayabang nya.

Napangiti lang si Cheska.

"Aahhh okeeyyy. Mabuti kung ganon. " tanging nasabi nya.

"Kumain ka na nga bruha. " saway ni Valerie at baka makaisip pa ang kaibigan ng kung anong kalokohan.

..

Mahigit isang oras ang lumipas, tapos ng kumain ang tatlo at nagpapahinga na lamang ng tumayo si Cheska.

Nataranta si Valerie.

"S-saan ka pupunta ? " tanong nya.

Ngumisi si Cheska.

"Sa kubeta, magdedeposito ng ihi. Sama ka ? Cheer mo ko ? " biro nya.

Napasimangot si Valerie at pinalo ang pwet ng kaibigan.

"Bilisan mo ! " utos nya.

Binalingan ni Cheska si Yohan.

"Hoy Yohan, wag mong itatakas itong friendship ko ha ? " paalala nya.

Natawa si Yohan.

"Haha, ikaw talaga. Puro ka biro. Bakit ko naman yan itatakas ? " tanong nya.

"Naniniguro lang. Baka mamaya may dumating ka na namang kamag anak eh. " bulong ni Cheska sa tenga ng kaibigan.

Natawa bigla si Valerie at muling pinalo ang pwet ng kaibigan.

"Bilisan mo na ! " sabi nya.

Sisiga sigang naglakad patungo sa banyo si Cheska.

..

Nangingiti si Yohan habang pinagmamasdan ang dalaga.

"Kalog talaga yang kaibigan mo. " sabi nya.

Ngumiti lang din si Valerie at tumango.

"Ganyan talaga yan. Kulang kasi sa buwan. 6 months lang lumabas na sya sa tyan ng nanay nya." biro nya.

Napanganga si Yohan.

"H-ha ? 6 months ? P-pwede ba yon ? H-hindi ba delikado yon ? " tanong nya.

Napangiwi si Valerie sa narinig.

Sa isip isip ay napatanong.

"Nung magsabog ata ng humor ang Diyos, nasa bakasyon ang isang to. " bulong nya.

"H-ha ? Anong sabi mo Val ? " tanong ni Yohan.

Umiling si Valerie.

"W-wala. Uhm, ang tagal naman ni Cheska no ? Baka nakakaabala na kami sayo. " sagot nya.

Ngumiti si Yohan sabay napailing rin.

"Oh no, not at all. Lalo ka na Val. " sabi nya.

Pinilit na lamang ni Valerie ang sariling ngumiti.

Pero duda sya kung ang ngiti nga ba ang kanyang nagawa at hindi ngiwi.

Mabilis syang nag isip ng topic para mabaling ang atensyon ng binata sa ibang bagay at hindi sa kung anu ano pa.

Ngunit nagsalitang muli si Yohan.

"Uhm, syangapala Val. Pinapasabi ni Mommy na thank you daw sa pagpunta mo sa birthday nya. " sabi nya.

Natigilan si Valerie ng maalala nag sinabi ng binata.

"A-ah wala yun. Nakakahiya nga kasi ang aga naming umalis eh. " tanging nasabi nya.

Napangiti na tila nahihiya si Yohan.

"And that was because of me and my cousins. Yun ang gusto ko sanang pag usapan natin kanina pa. Nahihiya lang talaga ako. Sorry ha ? " sambit nya.

Tinitigan ni Valerie ang binata at tinantya kung nagsasabi ba ito ng totoo.

Napangiti na lang sya ng kimi.

"It's okay. Ayos na sakin yun as long as na humihingi ka ng sorry. " sabi nya.

"Yeah. Pati na rin sa mga nagawa ng pinsan ko. Sa twing maalala ko yon, nahihiya ako sayo. " wika ni Yohan.

Ngumiti na lamang si Valerie sa kawalan ng masabi.

Dinampot nya ang natirang fries at sinawsaw sa ketchup sabay subo.

Ginawa nya ito para abalahin ang sarili.

"Gosh Kakay bakit ang tagal mo. " sa isip isip nya.

Maya maya ay nagsalita si Yohan.

"Hey Val, may ketchup ka sa baba ng lips mo. " turo nya.

"Ay thank you. " sambit ni Valerie at akmang kukuha ng tissue pero naunahan na sya ni Yohan.

"Here, let me. Baka kasi kumalat lang, malagkit yan. " sabi ni Yohan sabay dampit ng isang tissue at dinampian ang gilid ng labi ni Valerie.

Natigilan ang dalaga.

Wala syang nagawa kundi hayaan na lamang ang binata dahil baka mabastusan ito kung sakaling sawayin nya.

Marahan lamang ang pagpunas ni Yohan sa kanyang labi at saglit lamang ang itinagal nito.

Ngumiti na lamang ng kimi si Valerie.

"T-thank you. " mahinang sabi nya.

Ngumiti din si Yohan at tumango.

"No problem. Ang tagal ni Cheska no ? Baka nakatulog na yun sa CR. " biro nya.

Natawa ng mahina si Valerie.

"Ang sabihin mo, baka may nakitang boylet yon. " ganting biro nya.

Nagtawanan na lamang sila ni Yohan.

..

Sa labas ng fast food resto, malungkot na napahinga ng malalim si Caleb.

Kitang kita nya ang ginawang pagpunas ni Yohan ng tissue sa labi ng kasintahan.

Aminado syang ng makita nya iyon ay nais nyang sugurin ang binata at bigyan ng isang malakas na suntok.

Pero ng makita nyang tumawa si Valerie, pakiramdam nya ay bigla syang nanliit.

Mabuti pa si Yohan, nagagawang pangitiin ang kanyang mahal.

Samantalang sya na nobyo at dapat na gumagawa ng bagay na iyon ay walang idinudulot dito kundi puro pighati at problema.

Muling napahinga ng malalim si Caleb.

Kadarating lamang nya galing sa ospital para ibili ng pang maintenance na gamot ang ama at naisip nyang daanan na ang kasintahan.

Mag iisang oras na syang naghihintay sa covered court.

Pero nagtaka sya ng halos maubos na ang estudyante sa eskwelahan ngunit walang Valerie at Cheska na dumaan.

Dali dali syang umakyat sa classroom dahil akala nya ay may practice ang mga ito.

Mabuti na lamang at may mangilan ngilang kaklase nilang naiwan kung saan sya nakapagtanong.

Nasabi nga ng isa nyang kamag aral na sabay sabay ng umalis ang tatlo.

Syempre nagtaka sya kung sino ang pangatlo.

At ng sabihin nitong si Yohan ang isa ay nagsimula syang kabahan.

Naalala nya ang nangyaring engkwentro sa pagitan nila ng binata at mga pinsan nito at natatakot syang maulit muli iyon.

Papunta na sana sya sa bahay nina Val ng madaan sa nasabing fast food.

At nagulat sya sa nahagip ng kanyang mga mata.

Sina Val at Yohan.

Tila masayang nagkukwentuhan.

Tanging ang dalawa lamang ang kanyang nakita at wala si Cheska.

..

Tinapunan ni Caleb ng huling tingin sina Yohan at Valerie bago nagpasyang tumalikod.

Naglakad na lamang sya patungo sa sakayang ng jeep at malungkot na pumara.

Gusto sana nyang puntahan ang kasintahan at ayaing kumain sana.

Pero naunahan na pala sya ni Yohan.

Akala nya ay magkagalit ang dalawa dahil nga sa ginawa ng binata.

Ngunit sa nakikita nyang masayang tawanan ng mga ito, mukhang nagkamali sya o baka nagkapatawaran na.

Tahimik na naupo si Caleb sa pinakadulong pwesto ng jeep.

Mabuti na lamang at walang gaanong sakay.

Matapos iabot ang bayad at tumingin na lamang sya sa labas at inalala ang masasayang pagsasama nila ni Valerie.

Pilit nyang kinalimutan ang nakita.

Pero mahirap.

Mahirap magsawalang kibo.

Naalala nya ang pag uusap nila ng ama kagabi.

Pati na ang sinabi ni Romeo ng Kwadro Alas.

"Fight for her. " tila paulit ulit na umuugong ang mga katagang iyon sa kanyang tenga.

Natigilan si Caleb at napatingin sa kinalalagyan.

Heto sya at nakasakay sa jeep habang ang kanyang kasintahan ay pinasasaya ng iba.

Pinili nyang ibigay sa iba ang responsibilidad na sya ang dapat na gumagawa.

Anong klaseng boyfriend sya ?

Napangiwi si Caleb.

Marahil ay kung malalaman ni Kuya Rom ang kanyang ginagawa, siguradong katakut takot na bulyaw na may kasama pang batok ang ginawa nito.

Pero di na nya kailangan pang umabot sa ganon.

Nilingon ni Caleb ang driver at malakas na nagsalita.

"Manong para ho. " sigaw nya.

Huminto naman ang jeep.

Di na nag abalang bawiin ang bayad, patalon na bumaba si Caleb at nagmamadaling naglakad pabalik sa nasabing fast food.

Determinado.

Buo ang loob na puntahan ang babaeng pinakamamahal.

ITUTULOY !!!