1. Home
  2. Stories
  3. Bakit Absent Si Klasmeyt - Ika Apatnapu't Limang Pahina
Lagablab

Bakit Absent Si Klasmeyt - Ika Apatnapu't Limang Pahina

By supertoyantz ·

Ika Apatnapu't Limang Pahina

"So paano Yohan, salamat ulit ha ? Mag iingat ka pauwi. " nakangiting wika ni Valerie.

Napangiti rin si Yohan sabay marahang tumango.

"Sure sure. Maybe babalik na lang ako sa school para masundo ako ng driver namin. " sabi nya.

"Di ka na namin masasamahan pabalik, sayang pamasahe eh. " biro ni Cheska.

Natawa si Yohan.

"No it's okay. Isang sakay na lang din naman ako pabalik eh. Ayos na rin yon, para matuto akong mag commute. You know, bihira lang kasi akong sumakay sa public vehicles eh." sabi nya.

Natigilan si Valerie narinig.

Napatingin sya sa kaibigan at maging ito ay napailing na lang din.

Pinili na lamang nyang ignorahin ang likas na kayabangan ng binata at sinamahan ito hanggang sa pagdating ng isang jeep.

Si Cheska na ang pumara.

"Dyan ka na Yohan, dadaan sa school yan. " turo nya.

Tumango si Yohan at binalingan si Valerie.

"So paano, uwi na ko. Kitakits na lang bukas. Uhm may cellphone ka ba Val ? " tanong nya.

Muling natigilan si Valerie.

Akmang magsasalita sya ng biglang sumingit si Cheska.

"Walang phone yan. Parehas kami. Di kaya ng budget eh. " sagot nya.

"May mura namang phone. Ay wait, meron atang hindi nagagamit sa bahay. Bigay ko na lang sayo bukas. " sabi ni Yohan.

Napangiti na lang si Valerie sabay iling.

"Di na kailangan Yohan. Wala rin akong paggamitan. " katwiran nya.

"Pantawag at pang text sa family mo. Friends. Si Ches or ako. Textmates tayo. " nakangiting sabi ni Yohan.

Imbes na sumagot, nginuso na lamang ni Valerie ang nag aabang na jeep.

"Uy sakay na, nakasimangot na si Manong. " biro nya.

Natawa si Yohan.

"Sige na nga. Hahanapin ko pa rin yung phone then ibibigay ko sayo. Sige girls, una na ko. Bukas na lang. " paalam nya at tuluyan ng sumakay ng jeep.

Tanging pagkaway na lamang ang sinagot ng dalawang dalaga.

Hinintay na muna nilang makaandar ang jeep bago nagsimulang maglakad pabalik.

Iiling iling na lang si Cheska.

"Mayabang talaga yang si Yohan. Ang laki ng kaibahan nila ni Caleb. " sabi nya.

"Oh bakit mo naman pinagkumpara yung dalawa ? " tanong ni Valerie.

Nagkibit balikat si Cheska.

"Wala lang. Di ko lang maiwasan since na sila ang nagtutunggali dyan sa puso mo. " biro nya.

Natawa si Valerie.

"Nagtutunggali talaga ? " sabi nya.

"Ay oo nga pala. Si Caleb nga lang pala laman nyan. " tukso ni Cheska.

Napailing na lang si Valerie at hindi nagsalita.

Pero nagpatuloy si Cheska sa pagkukumpara sa dalawa.

"Sabihin na nating mayaman sina Yohan, pero nakakagulat pa rin yung sa edad nyang yan, di pa sya nakakapag commute? Ibig sabihin, mula ng ipanganak sya, kapag mamamasyal sila or aalis ng bahay, laging nakakotse ? Oh come on. " naiiling na sabi nya.

Nagkibit balikat lang si Valerie.

"Ewan ko, actually, wala akong pakialam. " wika nya.

Nagpatuloy lang si Cheska.

"Tingnan mo si Caleb. Sa lahat ng mayaman, sya itong sabik sa gawaing pang mahirap. Nag co-commute, kumakain ng streetfoods, nagkakamay, naglalakad sa initan, simple kung manamit, magalang magsalita at makitungo. Ang layo talaga. " napapailing na wika nya.

Napangiti ng lihim si Valerie.

Gusto nyang magkomento at ipagmalaki na ang mga katangiang sinasabi mismo ni Chesk ay ang mga katangian minahal nya sa binata.

Dagdag pa na mapagmahal itong anak at kapatid.

At syempre, mapagmahal na boyfriend sa kanya.

Natigil ang paglalakbay diwa ni Valerie ng muling magsalita si Cheska.

"Ngapala Val, kanina ko pa napapansin, parang may tampuhan kayo ni Caleb. Tama ba ako ? " tanong nya.

Bumagal ang paglalakad ni Valerie.

Dahil sa sinabi ng kaibigan, muli na naman nyang naalala ang nakaraan.

Ang dahilan kung bakit sya lumuha ng nagdaang gabi.

Napakagat labi ang dalaga at napatingin sa malayo.

Kinapa nya ang sariling damdamin.

..

Napahinto sa paglalakad si Cheska ng mapansing wala na syang kasabay.

Paglingon nya ay nagulat sya ng makita si Valerie na tulala at nakatingin sa kawalan.

Mabagal itong naglalakad.

Bagama't nakatingin sa dinaraanan, batid ni Cheska na malayo ang iniisip ng kaibigan.

"B-bebs ? " tanong nya.

Ngunit tila walang narinig ang dalaga.

Lumampas ito sa kanya na tila walang nakikita.

Patuloy lamang ito sa marahang paglakad hanggang sa mapangiwi ng may masipang bato.

"A-aray. " daing ni Valerie.

Napailing si Cheska at nilapitan ang kaibigan.

"San ka na ba kasi nakarating ? " tanong nya.

Napakagat labi si Valerie sabay marahang umiling.

Napahinga ng malalim si Cheska.

"Akala ko bestfriends tayo. " mahinang sabi nya.

Napatingin si Valerie sa kaibigan.

"O-oo naman. " wika nya.

Ngumiti si Cheska.

"Pero parang ang dami dami mong di sinasabi sakin Bebs. " nagtatampong sabi nya.

Natigilan si Valerie at mariing kinagat ang labi.

Di sya makatingin ng direkta sa mga mata ng kaibigan.

Tama ito.

Marami nga syang inilihim sa dalaga.

Ni wala itong ideya kung bakit sya nagagalit kay Caleb.

..

Napabuntong hininga si Cheska at pasimpleng ngumiti.

Hinarap nya ang kaibigan.

Hinawakan ang baba nito at marahang inangat.

Nagtama ang mga mata nila ng dalaga.

Napatda si Cheska.

Kitang kita nya sa mga mata ng kaibigan ang pagdurusang dinaranas nito.

Kaya sa halip na magtampo, awa ang kanyang naramdaman.

..

Unti unting nangilid ang mga luha sa mata ni Valerie.

Impit syang nagsalita.

"B-bes. " bulong nya.

Ngumiti ng kimi si Cheska sabay tango.

"Ayos lang yon Bebs. Hindi naman ako nagagalit dahil sa hindi mo sinabi sa akin. Alam kong may dahilan ka. Ang tanong ko, kaya mo pa ba ? " tanong nya.

Lalong nakagat ni Valerie ng mariin ang ibabang labi sa sinabi ng dalaga.

Tapat talaga ito sa lahat ng oras at laging maaasahan.

Bagama't mapang asar at maloko, alam nyang hinding hindi sya pababayaan ng kaibigan.

Dahil dito, pasugod na niyakap ni Valerie ang dalaga.

Di na nya napigilan ang sarili, bumalong na ang masaganang luha mula sa kanyang mga mata at umagos ito pababa sa kanyang mga pisngi.

"B-bes, ang sakit sakit nung nakita ko. " bulong nya.

Hinagod ni Cheska ang likod ng kaibigan.

Hindi pa man nya nalalaman ang buong kwento, sa nakikita nyang dalamhati nito, parang nararamdaman na nya ang sakit.

Nais na rin nyang maiyak sa mga oras na iyon bagama't pinili nyang magpakahinahon para na rin sa kapakanan ng kaibigan.

"Sshhh, ano bang nangyari ? " tanong nya.

Napasigok si Valerie.

Akmang magsasalita sana sya ng may makitang paparating.

Agad na kumalas ng yakap ang dalaga at inayos ang sarili.

..

Nagtaka si Cheska.

Magtatanong sana sya kung bakit ito biglang kumalas ng mapansin ang mga mata nitong nakatingin sa kanyang likuran.

Mabilis na lumingon ang dalaga at nuon nya nakita si Caleb na naglalakad patungo sa kanila.

Agad na nag react si Cheska at tinago sa likod ang kaibigan para hindi makita ng binata ang ginagawa nitong pagpupunas ng luha.

Sya na ang humarap sa paparating na binata.

Automatikong pumorma ang ngiti sa kanyang mga labi at umawang ang bibig para batiin ito ngunit naunahan sya ni Caleb sa pagsasalita.

"M-mauna na muna ako. " mahinang wika nito.

Nagtaka si Cheska.

Wala sa loob na napatango sya.

"Bakit parang nagmamadali ka ? " tanong nya.

Napangiti ng kimi si Caleb.

"M-may tumawag lang kasi. B-baby, uwi muna ako. " sabi nya.

..

Ng masiguro ni Valerie na napahid na nya ang kanyang mga luha, umalis sya sa likod ni Cheska at hinarap ang binata.

"Sige. " walang emosyong sabi nya.

Napangiti ng malungkot si Caleb.

"T-tatawagan kita. " wika nya.

Hindi sumagot si Valerie.

Binalingan nya ang kaibigan at kumapit sa braso nito.

"Tara na Kay. " sambit nya.

Natigilan si Cheska at napatingin sa kaibigan.

Matapos ay kay Caleb.

"Ingat ka Caleb. " tanging nasabi nya.

Ngumiti ang binata at marahang tumango.

"S-salamat. B-bebs. " tawag nya.

Walang emosyong lumingon si Valerie.

"Oh ? " tanong nya.

Napangiti si Caleb.

"W-wala. A-alagaan mo lagi ang sarili mo. " sagot nya at naglakad na palayo.

Natigilan si Valerie.

Tila may kung anong nais sabihin ang nobyo dangan nga lamang at hindi maayos ang kanyang pakikitungo rito.

Napansin nya ring tila may problema ang binata.

Nais sana nyang magtanong pero pinipigil sya ng kanyang pride at galit.

Kaya wala syang nagawa kundi pagmasdan na lamang ang kasintahan habang unti unti itong nawawala sa kanyang paningin.

..

Mabilis na lumipas ang mga oras.

Alas dos na ng madaling araw ngunit hindi pa rin sya dinadalaw ng antok.

Matapos isalaysay ni Valerie ang mga nasaksihan sa pagitan ng kasintahan at ng ex nitong si Britney, tulad nya, nagngitngit din sa galit ang kaibigan.

Kanina ay nais nitong sugurin ang bahay nina Caleb.

Pero pinigilan nya ang dalaga.

Malaking gulo ang nais nitong mangyari.

Labag sa batas ang kanilang gagawing pagsugod at sobrang kahihiyan ang aabutin nila kung sakali.

Napangiti na lang si Valerie.

Kitang kita nya sa mukha ni Cheska ang galit habang kinukwento nya ang nakita.

Marahil, kung nasa tabi lamang nila si Britney, baka kung ano na ang nagawa nito na hindi nya nagawa nuon.

..

Hinaplos ng pagmamahal si Valerie at binalingan ang kanyang tabi kung saan nakatahiyang natutulog si Cheska.

Nakanganga pa ang bibig nito at marahang naghihilik.

Napahagikgik si Valerie at masuyong kinumutan ang kaibigan.

Saglit nya muna itong pinakatitigan.

Matapos ikwento ang lahat, nagpasya si Cheska na dito matulog at samahan sya.

Sobrang na-appreciate nya ang pagmamalasakit nito.

Namiss nya ang kakulitan ng dalaga.

Madalas itong makitulog sa kanila tulad nyang madalas ding makitulog dito.

Parang magkapatid ang kanilang turingan, marahil ay higit pa nga kaya naman labis ang kanyang pasasalamat dahil nagkaroon sya ng kaibigang tulad nito.

Napahinga ng malalim si Valerie.

Kahit papaano ay nabawasan ang kanyang lungkot dahil sa presensya ng dalaga.

Dagdag pa ang maunawain at mabait na magulang.

Masasabi nyang maswerte sya kahit na hindi sya lumaki sa karangyaan.

Napangiting muli si Valerie.

Inabot nya ang bag at kinalkal ang mga gamit.

Naalala nya si Caleb.

Sabi nito kanina ay tatawag agad ito ngunit kanina pa sya nagtataka kung bakit wala man lang syang narinig na pagtunog mula sa cellphone.

Hanggang sa matigilan sya ng makita ang aparato.

"Kaya naman pala. " bulong nya.

Patay ang cellphone.

Oo nga pala.

Kahapon pa nga pala nya ito hindi binubuksan.

"Siguro kanina pa sya tumatawag. " bulong nya sa sarili.

Nagtalo ang isip ni Valerie kung bubuksan ba o hindi ang cellphone.

Hanggang sa magwagi ang kagustuhang malaman kung nagtext ba ang binata.

Binuksan ng dalaga ang aparato at naghintay ng ilang saglit.

Tatlong minuto ang lumipas, sunod sunod na text ang natanggap ng dalaga.

Napangiti ng kimi si Valerie.

Hinintay nya munang matanggap lahat ng mensahe.

"Dami, 44 messages. " mahinang basa nya.

Sinilip ni Valerie ang lahat ng mensahe.

Lahat ng mga ito ay galing sa nobyo, tulad ng kanyang inaasahan.

"Mahal na mahal kita baby. Bakit patay ang Phone mo ? Galit ka pa rin ? Ano bang gusto mong gawin ko ? Sorry na baby. Please give me another chance. Kumain ka na ba ? Wag kang magpapagutom ha ? Lagi kang magpapray. I love you baby. " basa nya.

Halos pare pareho lang ang laman ng mga texts.

Paulit ulit hanggang sa magsawa na siguro ang binata at itigil na ang pagtext sa kanya.

Sinulyapan ni Valerie ang huling mensahe ni Caleb.

Pinagmasdan nya ang oras at natigilan ng mapansing wala pang limang minuto ang nakalilipas.

"G-gising pa sya. " sambit nya.

Nakagat ni Valerie ang ibabang labi habang nakatitig sa huling mensahe ni Caleb.

Naglalaban ang kanyang isip kung itetext ba ito.

"P-pero ano namang sasabihin ko ? " tanong nya sa sarili.

Napatingin si Valerie sa kaibigang naghihilik.

Sabi ni Cheska ay kung talagang mahal sya ni Caleb, hindi nito gagawin ang nakita nya.

Marahil ay may sapat daw na dahilan kung bakit nangyari ang bagay na iyon.

Naisip na rin nya ang sinabi nito pero sadyang natatabunan lamang ng galit ang kanyang katwiran.

Masyado syang nasaktan sa nakita.

..

Muling napabuntong hininga si Valerie.

Sa tingin nya ay tama si Cheska.

Nasaktan sya kaya naisip nyang saktan din si Caleb.

At sa nakikita nya, nagdusa na rin ang nobyo.

Hindi na dapat pang tumagal ang kanilang sakitan dahil aminin man nya o hindi sa sarili, mahal na mahal nya ang binata.

Napangiti ng kimi si Valerie.

Tinawagan nya ang nobyo ngunit napasimangot sya ng marinig ang operator.

"Ano ba yan ! Ngayon pa ko nawalan ng load ! " inis na bulalas nya.

Walang nagawa ang dalaga kundi hintayin na lamang ang mag umaga para personal na makausap ang kasintahan.

Marami silang dapat bawiin.

Miss na miss na nya si Caleb.

Napangiti na lang si Valerie.

Paulit ulit nyang binasa ang texts ng kasintahan hanggang sa matigilan ng muling tumunog ang cellphone para sa baogng text na dumating.

Lumawak ang ngiti ng dalaga sa pag aakalang ang nobyo ang nag text.

Excited nya itong binuksan para lamang magtaka dahil hindi ito galing kay Caleb.

"Mom ? T-teka, wala namang cellphone si Inay ah. Saka hindi Mom ang tawag ko sa kanya. Kaninong number ba itong nasave ko ? " tanong nya sa sarili.

Hinalungkat ni Valerie ang isip.

Patuloy na inalala kung kaninong numero ba ang nakaregister sa kanyang Phone.

"Tsk, sino kaya ito ? " tanong nyang muli.

Binasa nya ang text.

Lalong napakunot ang kanyang noo.

"NAIA Terminal 3, 3:45am. Ingat kayo sa byahe anak, pakisabi sa kuya mo na nakita ko na yung charger nya. Mamaya na lang syang magcharge paguwi nyo. I love you nak. On your way home, buy me palabok ha. ^^, wag nyo na masyadong pansinin ang Lola nyo. Be kind to her. Bantayan mo yang kuya mo, at baka kung anong masabi nya. call me kapag nasa airport na kayo. okay Nicoleen ? " basa ni Valerie.

Napanganga ang dalaga.

"N-nicoleen ? Si Coleen ang katext nito. Mom ? Di kaya si Mommy Harriet ito ? Oo nga pala !, kay Coleen nga pala itong phone. Nagkamali si Mommy Harriet. Teka, iforward ko kaya ito kay Caleb ? O kaya kay Coleen ? Ay shet wala nga pala akong Load ! Anong oras na ba ? May bukas pa kayang tindahan ? Shucks naman. Ano bang ginagawa nila sa airport ?" sunod sunod na bulong ni Valerie.

Napatayo sya mula sa pagkakahiga sa kama.

Nagpabalik balik ng lakad hanggang sa matigilan ng may maalala.

Muli nyang tiningnan ang cellphone at binasa ang text hanggang sa makumpirma ang hinala.

"Wag nyo ng masyadong pansinin ang Lola nyo, Be kind to her. " basa nyang muli sa text.

Napanganga si Valerie.

"H-hindi kaya. nasa airport sila para sunduin ang Lola ni Caleb? Oh my God. " bulalas nya.

ITUTULOY !!!