1. Home
  2. Stories
  3. Bakit Absent Si Klasmeyt - Ika Apatnapu't Pitong Pahina
Lagablab

Bakit Absent Si Klasmeyt - Ika Apatnapu't Pitong Pahina

By supertoyantz ·

Ika Apatnapu't Pitong Pahina

Napaigtad si Caleb ng marinig ang pag anunsyo ng paglapag ng ispesipikong eroplano.

Naramdaman nya ang pagkapit ng kapatid sa kanyang braso.

Napatingin ang binata.

Kiming ngumiti si Coleen.

"Relax. " bulong nya.

Marahang tumango si Caleb.

Nakakahiya mang aminin, pero si Coleen pa ang nagmumukhang panganay at lalaki sa kanilang dalawa.

Ito ang kalmado at nagbibigay sa kanya ng suporta.

Habang sya ay di patuloy na pinipilit ang sariling ayos lamang ang lahat.

..

Nagtayuan ang mga ibang nag aabang.

Binalingan ni Coleen ang kapatid.

"Tara kuya. " aya nya.

Ngumiti lang si Caleb at tumayo na rin.

Naglakad sila palapit sa area kung saan sadyang nilaan para sa mga mag aabang.

Tumabi sila sa hilera ng mga nag aabang rin.

Di maiwasang mapangiti ni Caleb.

Katabi nya ang isang babae, may hawak itong bata at nagkandahaba ang leeg sa pagtingin sa labasan.

Hanggang sa may magsalita sa gilid nila.

"Ayan lumalabas na. Itaas mo na yung plakard natin para makita ni Auntie. " sabi ng isa.

Napatingin ang magkapatid sa mga papalabas na pasahero.

Unti unting bumilis ang tibok ng puso ni Caleb.

"Relax. " bulong nya.

Napalunok ang binata.

Pasimpleng sinusuyod ang mga papalabas na tao.

Ng biglang may magsalita sa kanilang likuran.

"Nandito lang pala kayo. " boses ng babae.

Napalingon ang magkapatid.

Di maiwasang sumimangot ni Coleen ng makita si Britney sa kanilang likod at nakangiting nakatayo.

Kiming ngumiti si Caleb.

"Gising ka na pala. Sorry kung nauna na kami dito, ang sarap kasi ng tulog mo. " paliwanag nya.

Ngumiti ng maluwang si Britney sabay sumiksik sa tabi ng binata.

"It's ok. Mukhang papalabas pa lang naman si Lola. " wika nya.

Pasimpleng siniko ni Coleen ang kapatid.

Nagkibit balikat lang si Caleb at muling binaling ang tingin sa mga papalabas na tao.

..

Ilang pasahero ang nagdaan ng excited na ituro ni Britney ang isang direksyon.

"There ! There's Lola Constance ! " tili nya.

Napatingin ang magkapatid.

Sabay pa silang napalunok ng makita ang abuela.

Pero hindi ito nag iisa.

Binalingan ni Caleb ang katabing si Britney.

"Is that your Dad ? " tanong nya.

Kumunot ang noo ng dalaga at tila sinisino ang katabi ng matanda.

Hanggang sa mapanganga sya ng makilala ang lalaking kasama nito.

"O-oh my. " bulong nya.

Maging si Coleen ay nagtaka.

"Bakit kasama Tatay mo ? " tanong nya.

Natahimik si Caleb.

Nakaramdam ng di maipaliwanag na kaba.

..

Nagpapalit palit ang tingin ni Coleen sa mga kasama.

Tila parehas na nahulog sa malalim na pag iisip ang dalawa.

Nagkibit balikat na lamang sya at sinulyapan ang direksyon ng abulea.

Nakita nyang huminto ito sa isang tabi habang ginagala ang paningin sa paligid.

At base sa nakikita nyang pasimpleng paglukot ng mukha nito, batid nyang nagsisimula ng mainis ang abuela.

Marahil ay hindi nito sila napansin dahil sa dami ng taong tumatakip sa kanila.

Pasimpleng humagikgik si Coleen.

Maya maya ay binuksan ng kanyang Lola ang dala nitong bag at naglabas ng cellphone.

Ng makita nyang nag dial ang abuela, nagpasya na syang itaas ang kamay at sumigaw ng bahagya para kunin ang atensyon nito.

"Lola ! " tili nya.

Dahil sa tinis ng tinig ng dalaga, mabilis nyang nakuha ang atenson ng mga tao sa paligid kabilang na ang kanyang lola at kasama nito.

Nagtama ang kanilang mga mata.

Akmang ngingiti ang abuela pero mabilis itong nagpalit ng bahagyang simangot.

Nagtaka si Coleen.

Akala nya ngingiti na ang kanyang Lola.

O masyado lamang syang umaasang namiss sila nito.

Napailing na lang ang dalaga at niyakap ang braso ng kapatid.

Hinatak nya ito palayo sa ibang tao at inakay palapit sa abuela.

Di pa sila nakakalayo ng maalala nya si Britney.

Nilingon nya ang dalaga.

Kita nyang bahagya pa rin itong tulala.

Marahil ay wala talaga itong ideya na sasama ang ama.

Di na sya nabigla.

Alam nya ang kwento ng pamilya ni Britney.

Bilang nobya ng kapatid, pahapyaw na naikwento ng kanyang kuya ang pagiging istrikto ng ama nito.

Batid nyang tulad ng kanyang abuela, pinupursige rin ng tatay ng dalaga ang pagpapakasal ng dalawa.

At hindi naman lingid sa kanila ang dahilan ng mga ito.

Para lalo pang pagtibayin ang kanya kanyang mga negosyo.

Pare parehas silang makikinabang.

Pare parehas kikita.

At sa dahilang ito, wala silang pakialam kahit na mismong damdamin ng anak at apo ang masagasaan.

..

Napabuntong hininga si Coleen.

Ayaw man nya pero di nya maiwasang makaramdam ng awa para kay Britney.

Batid nyang parehas lamang ng kanyang kuya, ginagamit din ito ng ama.

Para sa pansariling mga kapakanan.

At yun ang hindi nya matanggap, pero wala naman syang magawa kundi magpatangay na lang din sa agos.

"Psst, dyan ka lang ? " untag ni Coleen.

Dahan dahang nag angat ng tingin si Britney.

"A-ako ? " tanong nya.

Napasimangot si Coleen.

"Hindi, yung katabi mo. Tara na, tinatawag na tayo nila Lola. " sagot nya.

Bahagyang kinagat na lamang ni Britney ang ibabang labi at marahang sumunod sa magkapatid.

..

Paglapit ni Coleen, agad syang nagmano sa kanyang Lola.

"Mano po La. " sabi nya.

Tinanggap naman ng matanda ang pagmano ng apo.

Marahang tinulak ni Coleen ang kapatid.

Napalunok ng bahagya si Caleb at pagkuway nanginginig na hinawakan ang kamay ng abuela.

"M-mano po L-lola. " mahinang sabi nya.

Tumaas ang isang kilay ni Constance, ngunit tinanggap rin ang pagmano ng nag iisang lalaking apo.

"Akala ko nakalimutan nyo na ako eh. " wika nya.

Pinilit ni Coleen ang ngumiti.

Lakas loob na niyakap nya ang isang braso ng abuela.

"Si Lola talaga, pwede ba namang makalimutan ka namin ? Kamusta po ang flight nyo ? " tanong nya.

Nagkibit balikat lang ang matanda.

"It's a bit shaky. Or it's just me. Hindi na ako sanay ng bumabyahe. " naiiling na sagot nya.

"Ganun po talaga yon Lola. May luggage po ba kayo ? " tanong ulit ni Coleen.

Umiling si Constance.

"Konti lang ang dala ko. Hindi naman ako magtatagal dito. May kailangan lang akong asikasuhin." sagot nya.

Natigilan ang dalaga at napatingin sa kapatid na kasalukuyang nakayuko.

Pagtingin nya kay Britney ay tahimik din itong kinakausap ng ama.

Hindi pa man, nagsisimula ng kabahan si Coleen.

Pero pilit nya itong binalewala at inakay ang matanda.

"Tara na po Lola. Pagod na kayo for sure. " malambing na sabi nya.

"Buti pa nga. Oh wait, binati nyo na ba si Tito James nyo ? " tanong ni Constance.

Natigilan si Coleen.

"H-hindi pa po. " sagot nya.

Napailing ang matanda.

"Go, greet your Tito. " wika nya.

Napilitang ngumiti si Coleen sabay baling sa lalaki.

"G-good Morning ho S-sir. " sambit nya.

Napatingin ang ama ni Britney sa dalaga.

Nawala ang kunot sa noo nito at napalitan ng ngiti.

"Oh hi. You must be Coleen ? You're pretty like you Mom. " puri nito.

Napataas ang isang kilay ni Coleen pero pinilit na lamang nyang balewalain ang sinabi ng lalaki.

"T-thank you po. " tanging nasabi nya.

Saglit na tinitigan ni James ang dalaga bago bumaling ang tingin sa binatang nasa likod nito.

Pumorma ang ngisi sa kanyang mga labi.

"Hey young man. How are you ? " tanong nya.

Natigilan si Caleb.

Pagkuwa'y pinilit ang sariling mapangiti, pero duda sya kung ngiti ba ang lumitaw sa kanyang mga labi o ngiwi.

"I-i'm fine sir. H-how about you ? H-how's your flight ? " tanong nya.

Nagkibit balikat lamang ang lalaki.

"Just like your Grandmother said, it's a bit shaky. I don't know why we have to take that sit. I mean, is that VIP ? I don't feel luxury at all. Well, what can I expect in Philippines ? " panlalait nito.

Napatiimbagang si Caleb.

Nais nyang tablahin ang lalaki ngunit pinili na lamang nyang magpakadisente.

"Shall we ? " aya nya.

Tumango si James at binuhat ang maliit na atache case.

Muling yumakap si Coleen sa kanyang abuela at sumunod sa lalaki.

Nagkatinginan sina Britney at Caleb.

Kagat labing napayuko ang dalaga.

"I-i'm sorry. " bulong nya.

"For what ? " tanong ni Caleb.

"F-for my Dad. " sagot ni Britney.

Ngumiti ng kimi ang binata.

"It's okay. Tara na. " aya nya sabay alok ng kamay.

Napangiti na lang din si Britney at napatingin sa kamay ni Caleb.

Nagkibit balikat na lamang sya at tinanggap ito.

Sabay silang naglakad palabas ng airport.

..

Mag aalas kwatro na ng madaling araw nakauwi sina Caleb.

Napansin nyang bukas na ang karamihan sa mga ilaw ng kanilang tahanan kaya naman batid nyang gising pa ang ina.

Tulad nga ng inaasahan, nakadalawang busina lamang ang driver nila bago may lumabas na katulong mula sa loob.

Dali dali itong lumapit sa malaking gate.

Ng mabuksan ang tarangkahan ay dire diretso na silang tumuloy sa loob at dumiretso sa lugar na nagsisilbing parking area ng kanilang tahanan.

Matapos patayin ang makina, binuksan ni Caleb ang pinto sa kanyang tabi.

Mabilis syang lumigid sa likod para pagbuksan ang abuela.

Habang si Coleen naman ay sa kabilang panig ng Van para pagbuksan ang ama ni Britney pati na ang dalaga.

Maya maya ay may nagsalita.

"Mama ! " tawag ni Harriet.

Napatingin ang lahat sa papalapit na babae.

Kasunod nitong naglalakad ang kabiyak.

Mabagal na humahakbang palapit sa mga bagong dating.

Agad na inalalayan ni Caleb ang ama pero nakangiti lamang sya nitong sinaway.

..

Niyakap ni Harriet ang ina at hinalikan sa pisngi.

"Kamusta ang byahe ? " tanong nya.

"Ayos lang naman iha. Hala, pasok na tayo at napakainit. Kaya ayaw ko dito sa Pilipinas. Saglit pa lamang ako, pero nanlalagkit na ko. " reklamo ng matanda.

Natawa si Harriet.

Pero natigilan sya ng makita ang kasunod ng ina.

"Mr. Smith. " wika nya sabay abot ng palad para makipagkamay.

Ngumiti ng maluwang ang lalaki.

Hinawakan nya ng mahigpit ang kamay ng babae.

"Harriet. It's been a long time. How are you ? My, you're looking good. You're even prettier than I remember. " diretsong puri nya.

Ngumiti lang si Harriet at pasimpleng binawi ang kamay.

Niyakap nya ang braso ng kabiyak.

"Dad, this is Mr. Smith. Natatandaan mo sya ? Sya yung minsang nakadinner natin. He's a business associate and also father of Britney. " pakilala nya.

Ngumiti si Gabriel.

Nilahad nya ang palad sa lalaki.

"Kamusta pare ? " sambit nya.

Kumunot ang noo ni James.

"Who is he again ? " tanong nya.

Natigilan si Gabriel.

Ngunit ngumiti pa rin sya.

"Spokening dollar nga pala. " bulong nya.

Bumungisngis si Harriet.

"Dad. " saway nya.

Natawa ng mahina si Gabriel at muling inalok ang kamay.

"I'm Gabriel Concepcion. Husband of Harriet. " mabagal na sambit nya.

Tumango tango si James sabay abot sa palad ng lalaki.

"Oh. " tanging nasabi nya.

Ngumiti lang si Gabriel at pagkuwa'y binalingan ang biyenan.

"M-mano po Nay. " bati nya.

Tahimik na tumango lamang ang matanda.

"Nabalitaan kong nagkasakit ka daw. " tanging nasabi nya.

Ngumiti si Gabriel.

"Oho, pero maayos na ho ako ngayon. Nagpapagaling na lang. " sabi nya.

Binalingan ni Constance si Caleb.

"Dyan mo ba dinala ang pera mo sa bangko ? " tanong nya.

Natigilan si Caleb.

Napatingin sa ama.

Maging ito ay natulala sa narinig.

..

Napalunok si Harriet.

Karating pa lamang ng ina, pero ramdam na nya ang tensyon sa pagitan nito at ng kanyang asawa.

Mabilis syang nag isip.

Tumikhim sya para kunin ang atensyon ng lahat.

"Uhm, let's head inside. I prepared breakfast. I bet you're all hungry. " sabi nya.

Pero umiling ang ina.

"Mamaya na ako Harrieta, gusto ko ng magpahinga. Napagod ako sa byahe. " wika nya.

Saglit na natigilan si Harriet.

Mabilis syang nakabawi at marahang tumango.

"Oh sure Ma. Tara na ho. Pinahanda ko na yung room nyo. " sabi nya.

"Si James ? " tanong ng matanda.

Napatingin si Harriet sa kabiyak.

"H-hindi nyo naman ho kasi sinabi na may kasama kayo. Dun na lang sya sa kwarto ni Caleb. " sagot nya.

"Hindi ko kailangang magpaalam sayo kung may kasama ako o wala. Hala, ipaayos mo na agad ang kwarto ng anak mo. Nakakahiya kay James kung makita nyang marumi ang tutulugan nya. " utos ng ina.

Napayuko na lamang si Harriet.

Napatiim bagang si Gabriel.

Pero tiniis na lamang nya ang narinig at binalingan ang katulong.

"Lisa, paki ayos nga ang kwarto ng senyorito Caleb mo. " masuyong utos nya.

Agad namang tumango ang babae.

"Oho sir. " sambit nito at dali daling tumakbo papasok sa bahay.

..

Binalingan ni Constance si James.

"James, will you wait for a minute ? They're just preparing your room. I will just go upstairs to take some rest. If you want to eat something, just tell them okay ? " tanong nya.

Tumango tango ang lalaki.

"Oh don't mind me. Go ahead and take a rest. " sagot nito.

Ngumiti ng kimi ang matanda at naglakad na papasok ng bahay.

Saglit nyang nilibot ang tingin sa paligid pagkuwa'y binalingan ang anak.

"Harrieta. Ano ba ? " tawag nya.

Nataranta si Harriet.

Sinulyapan nya ang kabiyak.

"M-mahal. " bulong nya.

Ngumiti lamang si Gabriel at marahang tumango.

"Sige lang mahal ko. Samahan mo na si Inay. " wika nya.

Napangiti na lamang din ng kimi si Harriet.

Dinampian nya ng halik ang mga labi ng asawa bago binalingan ang mga anak.

"Kayong dalawa, baka naman matulog na kayo. Ihatid nyong Daddy nyo sa kwarto. Caleb, samahan mo si Mr. Smith sa kwarto mo. Pagamit mo muna room mo anak ha ? " bilin nya.

Tumango si Caleb.

"Opo Mom. Let's go sir. " sabi nya.

"You can call me Dad too. " wika ni James.

Natigilan ang lahat.

Napayuko si Britney sa narinig.

Hanggang sa muling magsalita si Constance.

"Harrieta ! Lekat na. Sinabi ng masakit na ang likod ko. " tawag nya.

Napapitlag si Harriet.

Dali dali syang lumapit sa ina at inalalayan ito.

..

Naiwan ang mag aama sa labas.

Unang nakabawi si Coleen.

Niyakap nya ang ama at inalalayan papasok.

"Dad, tara na po. " aya nya.

Ngumiti si Gabriel at binalingan ang lalaki.

"Nice to meet you Mr. Smith. My son will take you to your room. " sabi nya.

Tumango tango lang si James.

"Oh thank you. Nice to meet you too. " wika nya.

Ngumiti si Gabriel sabay baling kay Britney.

"Iha, pakisamahan mo na lang ang Daddy mo ha ? Para naman di sya mailang dito sa bahay. " masuyong sabi nya.

Kiming napangiti lang si Britney.

"O-opo Tito. " wika nya.

Ngumiting muli si Gabriel sabay tingin sa binata.

"Nak, samahan mong Tito James mo sa kwarto mo. Sa kwarto ka na muna ni Coleen matulog. " sabi nya.

Tumango si Caleb at hinalikan ang pisngi ng ama.

"Opo Dad. Matulog na rin po kayo. Kaya mo bang ihatid si Dad sa kwarto Coleen ? " tanong nya.

"Syempre, ako pa. Tara na Dad. " sagot ng dalaga.

Ngumiti lang si Gabriel at kumaway sa mga bisita.

..

Naiwan na ang tatlo.

Napahinga ng malalim si Caleb at pagkuwa'y binalingan ang ama ni Britney.

"Sir, this way. " alok nya.

"You don't want to call me Dad ? " tanong ni James.

Napatiim bagang si Caleb sabay sulyap kay Britney.

Napayuko lamang ang dalaga.

Ngumiti sya at marahang umiling.

"It's not proper. I will just call you Uncle. " sabi nya.

Nagkibit balikat na lamang si James at inakbayan ang anak.

"If thats what you want. " sabi nya.

Ngumiti lamang si Caleb at nagpauna ng maglakad papasok.

Tahimik na lamang na sumunod ang mag ama.

..

Ilang minuto ang lumipas.

Dilat na dilat pa rin ang magkapatid.

Magkatabi silang nakahiga sa kama at nakatingin sa kisame.

"Kuya. " untag ni Coleen.

"Oh ? " tanong ni Caleb.

Tumagilid ng higa ang dalaga at tinitigan ang kapatid.

"Sa tingin mo, bakit nandito yung Tatay ni bruha ? Siguro talagang pinapunta pa sya ni Britney para mapressure ka lalo Kuya. " tanong nya.

"Sabing wag mong tatawaging bruha si Britney eh. " saway ni Caleb.

Napasimangot si Coleen.

"Bakit ba ? Eh bruha naman talaga sya. " sabi nya.

"Have manners okay ? Bakit ba ganyan ka ? " tanong ni Caleb.

Lumabi lang si Coleen.

"Eh kasi maldita sya. Bad sya. Bakit ba pinagtatanggol mo yung babaing yon ? " balik tanong nya.

Napahinga ng malalim si Caleb at muling tinitigan ang kisame.

"Bad pala sya, tapos ginagaya mo pa. " sabi nya.

Napasimangot lang si Coleen.

Namayaming muli ang katahikan sa kanila.

Hanggang sa magsalita si Caleb.

"Sa tingin ko, hindi rin inaasahan ni Britney ang pagdating ng Tatay nya. Nakita ko kanina, parang gulat din sya. " wika nya.

"Huusss, pa effect lang nya yon. " ingos ni Coleen.

Nagkibit balikat na lang si Caleb.

"Either way, wala akong pakialam. " sabi nya.

"Talaga ? Eh di ka nga makakontra kay Lola. Dadagdagan mo pa ng isa pang kontrabida. " pang aasar ni Coleen.

Seryosong tumingin si Caleb sa kapatid.

"Kahit ano pang gawin ni Lola, hindi na ako papayag na maging sunud sunuran sa kanya. Kapag pinilit nya ako. " putol nya.

"Anong gagawin mo ? " tanong ni Coleen.

Tumiim ang bagang ni Caleb.

"Iiyak ako. " sagot nya.

Natigilan si Coleen sa narinig.

Pero tumawa lang si Caleb.

Napasimangot ang dalaga at pinagkukurot ang kapatid.

"Seryoso ! Anong gagawin mo ? " tanong nya.

Tawa ng tawa si Caleb.

Pero unti unti syang tumigil at napatingin sa kisame.

"Maglalayas ulit ako. " sagot nya.

..

Sa kabilang kwarto.

Di makapaniwala si Harriet sa narinig mula sa ina.

"W-what ? " tanong nya.

Kampanteng nahiga sa kama si Constance.

Nilagay nya sa dila ang gamot para sa sakit ng ulo pagkatapos ay dinampot ang baso ng tubig.

Matapos uminom, binalik nya sa tabing mesa ang baso at tinitigan ang anak.

"Anong nakakabigla sa sinabi ko ? " tanong nya.

Di makapaniwalang lumapit si Harriet sa ina.

"Pero Ma ! Malaki na si Caleb, hindi na natin pwedeng saklawan ang desisyon nya. Lalo na kung ganito kapersonal. Buhay na ng bata ang sinasaklawan nyo ! " giit nya.

Kumunot ang noo ni Constance.

"Wag mo kong pagtaasan ng boses Harrieta. " malumanay ngunit madiin nyang sabi.

Nakapagt labi si Harriet.

"S-sorry po. Pero baka maulit na naman yung dati. " sagot nya.

Naningkit ang mga mata ni Constance.

"Pinahiya na ako ng anak mo. Pinagmukha nya akong tanga sa harap ng pamilya nina James ng tumakas sya at maglayas. Sa tingin mo, papayag na lang akong ulitin nya yon ? " tanong nya.

"Pero di natin masisisi yung bata. Hindi nya na mahal si Britney. " sagot nya.

Napaismid ang matanda sa narinig.

"Mahal ? Anong mangyayari sa mahal mahal na yan ? Pakakainin ba sila nyan ? At ano bang nalalaman ng anak mo sa bagay na yan ? " sabi nya.

Napalunok si Harriet.

Ayaw man nyang ipasok ang dalaga, pero wala na syang choice.

"M-may nobya na hong iba ang apo nyo. Mahal na mahal nila ang isa't isa. " wika nya.

Kumunot ang noo ni Constance.

"So it's true. May ibang pinagkakaabalahan ang anak mo kaya hindi nya sinasagot ang mga tawag ko kay Britney. What's the name of the girl again ? Valerie ? Is she from beuna familia ? Saan sya nakatira ? Anong negosyo ng pamilya nila ? Kaya ba nilang pantayan ang antas ng pamumuhay natin ? O kahit kalahati man lang ? " sunod sunod na tanong nya.

Napalunok muli si Harriet.

"Mahal nila ang isa't isa. Yun ang mahalaga Mama. " mahinang sagot nya.

Napabangon mula sa pagkakahiga si Constance.

"Mahal ? Tonta ! Anong kahangalan yang pinagsasabi mo Harrieta ? Bakit hindi mo sagutin yung mga tanong ko ? Oh baka tama ang mga nakarating sa aking balita na hampaslupa yang babaing yan ? Ha ! Hindi na ako papayag. Tama ka na Harrieta ! Gusto mo bang pabayaan ko na lamang yang apo ko na kung sinu sino ang makasama ? Ano ? Tutulad sya sa Nanay nya na nabulag ng isang hamak na tindero ? Bakit ba ganyan kayo ? Ambilis nyong magpabulag sa mga opurtunista ? " sabi nya.

Nanlaki ang mga mata ni Harriet.

Di na sya nakapagpigil.

"Bawiin nyo ang sinabi nyo Mama. " bulong nya.

Napaismid si Constance.

"At bakit ko babawiin ? May mali ba sa sinabi ko ? " tanong nya.

Nagtagis ang mga bagang ni Harriet.

Kumuyom ang kanyang kamao.

"Lahat ng sinabi nyo mali. Unang una, mahal ko si Gabriel at hindi sya oportunista. Wag na wag nyong lalaitin ang asawa ko Mama. Alam ko na ang totoo. Alam ko na ang ginawa nyo para magkalayo kaming mag anak. Pinagbigyan ko kayo Mama. Pinalampas ko ang ginawa nyo. Pero nakikiusap ako, wag na wag ninyong lalaitin ang asawa ko. " mahina ngunit gigil na sabi nya.

Natigilan si Constance ng makita ang galit sa mukha ng anak.

Ito ang unang pagkakataon na kumontra si Harriet sa kanyang sinabi.

Magsasalita pa sana sya ngunit tumalikod na ang anak.

"Saan ka pupunta ? " tanong nya.

Tumigil sa paglalakad si Harriet ngunit hindi lumingon.

"Babalik na ako sa kwarto namin, Mama. Magpahinga na ho kayo. " sagot nya.

Naningkit ang mga mata ni Constance.

"Hindi pa kita tapos kausapin ! " pigil nya.

Lumingon si Harriet.

Bakas pa rin ang galit sa mga mata.

"Kung hindi ho kayo titigil sa mga sinasabi nyo tungkol sa asawa ko, mas mabuti hong wag na tayong mag usap Mama. At tungkol sa mga bata, hindi ko kayo susundin sa inuutos nyo. Malaki na si Caleb, binibigyan ko na sya ng kalayaan na gawin ang lahat ng gusto nya basta para ito sa kanyang ikabubuti. Nandito lamang kami ng Daddy nya para gabayan sila ni Coleen. Hanggang duon na lamang ang papel namin sa kanilang magkapatid. Guidance na lang Mama. Hinding hindi ko sasaklawan ang desisyon ng mga anak ko. Hinding hindi ko sila pipiliting gumawa ng mga bagay na alam kong labag sa loob nila dahil ayaw kong kamuhian ako ng mga anak ko. Tama Mama. Sa ginagawa nyong pakikialam sa mga apo nyo, hindi nyo napapansin, pero unti unti na silang lumalayo sa inyo. Good Morning Ma. " litanya nya.

Dire diretsong lumabas ng silid si Harriet.

Naiwan sa silid ang kanyang ina na tulala at hindi makapaniwala sa mga narinig mula sa anak.

ITUTULOY !!!