1. Home
  2. Stories
  3. Bakit Absent Si Klasmeyt - Ika Apatnapu't Tatlong Pahina
Lagablab

Bakit Absent Si Klasmeyt - Ika Apatnapu't Tatlong Pahina

By supertoyantz ·

Ika Apatnapu't Tatlong Pahina

Nakasimangot na muling naupo si Cheska sa tabi ng kaibigan.

Nagtaka si Valerie.

"Oh bakit nakabusangot yang mukha mo ? " tanong nya.

Umismid si Cheska at isa isang inayos ang mga gamit.

"Hassle pala yung CR nila dito. Tingnan mo. " turo nya.

Napatingin sina Yohan at Valerie sa tinuro ng dalaga.

Kita nilang mahaba ang pila sa isang sulok ng nasabing fastfood.

Nagulat si Valerie.

"Pila sa CR yan ? " tanong nya.

Tumango si Cheska.

Namangha si Yohan.

"Wow, di naman ganyan kahaba ang pila sa men's room. Sabagay, mabilis kasing umihi ang mga lalaki kaya di humahaba ng ganyan ang pila. " puna nya.

"Pwede pa ngang magsabay sabay. " biro ni Valerie.

Napangiwi si Cheska at pasimpleng kinalabit ang kaibigan.

"Bebs, uwi na tayo. Parang pila ng relief goods yung CR eh. " bulong nya.

"Haha. Mauubos din yan. Bakit ba ? " tanong ni Valerie.

Napasimangot si Cheska.

"Najejebs na ko. " mariing bulong nya.

Saglit na natulala si Valerie bago unti unting napangisi.

"Lamon pa. Walang sinabi yung order ko sa order mo eh. Para kang mauubusan. Pati yung tira ko inubos mo. " sermon nya.

Kinurot ni Cheska ang kaibigan sa braso at bahagyang pinandilatan.

"Sige, sermonan mo pa ko. Parang di mo naman kilala ang ugali ko. Ayaw na ayaw kong nasasayang ang pagkain. " giit nya.

Natawa si Valerie.

"Magtigil ka nga. Anong sinasabi mong sayang eh di pa ko tapos kumain ! " sambit nya.

Napasimangot si Cheska.

"Eh ambagal mong kumain eh. Tama yan, magdaldalan pa tayo. Kapag nagkalat ako dito, ikaw ang maglilinis ha ? " banta nya.

Natatawang umiling si Valerie at binalingan si Yohan.

"Hey, okay lang ba kung umuwi na kami ? Medyo sumama na kasi itong tyan ni Ches eh. " wika nya.

Napatangu tango si Yohan.

"Oh no problem. Tara na. Uhm, pwede ko ba kayong ihatid pauwi ? " tanong nya.

Natigilan si Valerie at napatingin sa kaibigan.

Pero sumimangot lang si Cheska.

"Sige, makipagtalo ka pa sakin. Pag isipan mo pa kung papayag tayong sumama sya. Wag kang magmadali. Take your time lang Bebang. " inis na bulong nya.

"P-pero Kay, b-baka malaman to ni Caleb. " bulong ni Valerie.

"Kahit malaman to ni Caleb, wala syang dapat ikagalit. Nagmamagandang loob lang si Yohan na ihatid tayo hanggang sa bahay. Saka nilibre nya tayo oh, anu ba naman yung sagarin na natin. Ipasagot mo na rin yung pamasahe natin pauwi. " bulong ni Cheska.

Natawa si Valerie at sinukbit ang bag.

"Sabagay, may point ka. " bulong nya.

Binalingan nya si Yohan.

"Okay lang naman. Pero wala ka bang gagawin sa inyo ? " tanong nya.

Nagkandailing iling si Yohan.

"Wala wala. " nakangiting sagot nya.

Nagkibit balikat si Valerie.

"Okay. Pero sinasabihan na kita ha, di kami mayaman. Mahirap lang kami ni Ches. Yung bahay namin, wala pa sa one fourth ng bahay nyo. " banta nya.

"And so ? " nakangiting tanong ni Yohan.

Ngumiti ng kimi si Valerie.

"Wala lang. Baka kasi mag expect ka eh. " sagot nya.

"Of course not, excited na nga akong makarating sa inyo. " wika ni Yohan.

Ngumiti lang si Valerie pero napangiwi sya ng maramdaman ang kurot ni Cheska sa kanyang bewang.

"Mamaya ka na magpacute Bebang ! " mariing bulong nya.

Natawa si Valerie at inakay ang kaibigan palabas ng fastfood.

Sumunod naman sa kanila si Yohan.

..

Eksaktong paglabas nila ng nasabing kainan ay nasalabong nila si Caleb.

Nagulat ang lahat.

Walang nakapagsalita.

Si Caleb ang unang nakabawi.

Tila nakahinga sya ng maluwang ng malamang hindi lang pala ang dalawa ang magkasamang kumain.

Pati pala si Cheska ay kasama.

Para syang nabunutan ng tinik.

Mabilis na tumaas ang kanina lang ay bagsak nyang energy.

Nginitian nya ang kasintahan.

"Hi baby. " bulong nya.

Gulat na napatitig lang si Valerie sa nobyo.

"A-anong ginagawa mo dito ? " pabulong na tanong nya.

Ngumiti si Caleb at kinuha ang bag ng dalaga.

"Sinusundo ka. " pag amin nya.

Napanganga si Valerie.

"P-paano mong nalaman na nandito ako ? " tanong nya.

Ngumiting muli si Caleb.

"May nakapagsabi lang. " sagot nya.

Kumunot ang noo ni Valerie.

"Sino ? " tanong nya.

Tinuro ni Caleb ang puso.

"Ito. " bulong nya.

Natulala si Valerie sa sagot ng binata.

Bagama't kinilig, pilit nya itong tinago sa pamamagitan ng pag irap.

Ngumiti lang si Caleb at binalingan si Yohan.

"Hey, nandito ka pala. Kamusta pre ? " tanong nya.

Pilit na napangiti si Yohan.

"A-ayos lang naman. " sagot nya.

"Good good, uyy Kakay. Anyare ? Bakit ka nakasimangot ? Para kang natatae ah. " biro ni Caleb.

Lalong nalukot ang mukha ni Cheska at inambaan ng kamao ang binata.

"Shadap ! " banta nya.

Natawa si Caleb.

"Napasarap ata kain nyo ah. Di nyo man lang ako nilibre. " biro nya.

Tinuro ni Cheska si Yohan.

"Treat nya kame. " wika nya.

Nagulat si Caleb at ngumisi.

"Naks, bakit pare ? Birthday mo ? Di nyo man lang ako inaya. " sabi nya.

Pilit na napangiti si Yohah.

"M-maybe next time. " wika nya.

Tinapik ni Caleb ang balikat ng binata.

"Ayos yan pare. Hihintayin ko yan. Anyway, san ang punta nyo ngayon ? " tanong nya.

Akmang sasagot si Valerie ng maunahan sya ni Yohan.

"Sa bahay nina Val. Ihahatid ko sila pauwi. " may halong pagmamalaki ang sagot nya.

Nagulat si Caleb sa narinig.

Napatingin sya sa nobya.

Nagtama ang kanilang paningin.

Nag iwas ng tingin si Valerie.

Di alam kung ano ang sasabihin.

Hanggang sa sumingit na si Cheska sa usapan.

"Ano na ? Tutunganga na lang ba tayo ? " tanong nya.

Pasimpleng napabuntong hininga si Caleb at pinilit ang sariling ngumiti.

Nagulat sya sa ideyang magpapahatid sa ibang lalaki ang kasintahan pero di nya ito masyadong binigyan ng pansin.

Ang mahalaga ay kasama nya ang nobya.

"T-tara na. " aya nya.

Napatingin si Valerie sa binata.

"S-saan ka pupunta ? " tanong nya.

Kumunot ang noo ni Caleb.

"Ihahatid ka. Why ? Is there something wrong with that ? Eh lagi kong ginagawa yon. " tanong nya.

Natigilan si Valerie at natahimik.

Si Cheska ang nagsalita.

"Ay ewan ko sa inyo. Kung tatambay pa kayo dyan at magtititigan, uuwi na ako at may kailangan akong gawin ! " wika nya at pumara na ng jeep.

Natawa si Caleb.

Hinawakan nya ang kamay ng kasintahan pero nagulat sya ng pumiglas ito at dali daling sumunod sa kaibigan.

Napahinga na lang ng malalim si Caleb at binalingan si Yohan.

"Sakay ka na pare. " sabi nya.

Ngumiti si Yohan at sumakay ng jeep.

Pero nagulat sya ng makitang wala na syang maupuan.

"P-pare, puno na ata. " wika nya.

Nagkibit balikat si Caleb at sumabit sa estribo ng jeep.

"Sabit na lang tayo. Malapit lang naman eh. " sambit nya.

Napanganga si Yohan.

"H-ha ? Eh kung sa maghintay na lang tayo ng susunod na jeep ? " tanong nya.

Umiling si Caleb.

"Di mo ba narinig yung sinabi ni Cheska ? May gagawin daw syang importante. Bihira lang ang maluwag ngayon kasi labasan ng estudyante. Pero kung trip mong maghintay ng mas maluwang, ikaw ang bahala. " sabi nya.

Natigilan si Yohan.

Lalo syang nataranta ng sumigaw ang driver.

"Sasakay ka ba boy ? " sigaw nito.

Dali daling sumabit ang binata at buong higpit na niyakap ang estribo.

Muntik pa syang mapahiyaw ng magsimulang umandar ang jeep.

..

Tulad ng sinabi ni Caleb, hindi nagtagal ay nakarating na sila sa destinasyon.

Dali daling bumaba si Yohan at tumabi sa gilid.

Samantalang si Caleb ay hinintay na ang dalawang dalaga at inalalayang makababa.

Bagama't naiinis, di mapigilan ni Valerie ang kiligin dahil sa ginawa ng nobyo.

Batid nyang hindi ito nagpapasikat lamang.

Simula't sapul ay alam nyang maginoo talaga ang binata at isa ito sa mga katangiang lubos nyang minamahal.

Naunang bumaba si Cheska.

Sumunod si Valerie pero natabig nya ang paa ng pasaherong nakaupo sa huling bahagi ng jeep.

Nahulog sya at dumiretso sa mga bisig ni Caleb.

Tila naging slow mo ang lahat.

Mula sa pagtapilok, patungo sa pagsalo ni Caleb hanggang sa maingat nitong pagyakap sa kanya.

Nagkatitigan ang dalawa.

Parang tumigil na sa pag ikot ang mundo.

Tanging sila na lamang ang tao.

Walang sagabal.

Walang hassle.

Unti unti.

Pumailanlang ang malamyos na musika.

Nagmistulang awit ang tunog ng trapiko para sa tenga ng dalawa.

Ito marahil ang naging dahilan para mamigat ang mga talukap ng mata ni Valerie.

Sinundan ito ng marahang pag lapit ng mukha ni Caleb.

Dahan dahan.

Sabay na pinagbigyan ang napakalas na hatak ng pag ibig.

Ngunit tila hindi pa napapanahon para sa kanila.

"Gumawa ba daw ng music video ? " asar na tanong ni Cheska.

Napadilat ang dalawa.

Nanlaki ang mga mata ni Valerie ng mapagtanto ang kanilang ayos.

Nasa gitna sila ng kalye ni Caleb, yakap sya nito habang ang kanyang dalawang braso ay nakapalibot sa leeg ng binata.

Halos gahibla na lang din ang pagitan ng kanilang mga labi.

Ramdam na nila ang marahang pag hinga ng isa't isa ngunit walang tatalo sa lakas ng kabog ng kanilang mga dibdib.

..

Dali daling kumalas ng yakap ang dalaga.

Pulang pula ang kanyang mga pisngi.

Ramdam na ramdam nya ang pag iinit ng mga ito.

Asar na nilapitan nya ang kaibigan at hinatak sa kamay.

"Kahit kelan, bwisit ka. " bulong nya.

Napasimangot si Cheska.

"Bebs naman, mamaya na kayo mag SPG. Jebs na jebs na ko. " ganting bulong nya.

Kahit na kahiya hiya ang kanilang ayos, di maiwasang manghinayang ni Valerie sa sitwasyon.

Para syang galing sa isang malayong paglalakbay, uhaw na uhaw.

Ngunit hindi tubig ang solusyon sa kanyang problema kundi ang mga labi ni Caleb.

Pero dahil sa intrimitidang kaibigan, naputol ang romantic moment sa pagitan nila ng nobyo.

Wala sa loob na napabuntong hininga sya at nagsimula na lamang maglakad pauwi.

Ngunit tumigil si Cheska.

"Bebs. " wika nya.

Napasimangot si Valerie.

"Ano na naman ? " tanong nya.

"Naiwan si Caleb. " sagot ni Cheska.

"Hayaan mo sya, alam naman nya ang bahay natin. " wika ni Valerie.

"Tangek, si Yohan din. " paalala ni Cheska.

Natigilan si Valerie at mabilis na lumingon.

Kita nyang tila tulala si Yohan sa isang tabi.

Napatingin sya kay Caleb at nagtama ang kanilang mga mata.

Ngumiti ang binata dahilan para lalong mag init ang kanyang mga pisngi.

Mabilis na gumapang ang kiliti sa kanyang katawan.

Pero mabilis din nya itong pinagtakpan sa pamamagitan ng pag irap.

Binalingan nya si Yohan ng nakasimangot.

"Yohan ! " pasigaw na tawag nya.

Napatingin si Yohan sa kanya.

"H-ha ? " takang tanong nito.

"Come here boy ! " pabirong tawag ni Cheska na parang aso.

Muntik ng matawa si Valerie pero ng makita nyang naglalakad si Caleb palapit ay dali dali nyang sinigawan si Yohan.

"Sunod ka na lang ha ? " malambing na bilin nya.

Napatango tango si Yohan at dali daling sumunod sa dalaga.

Naiwan si Caleb.

Tinuro nya ang sarili.

"Baby, eh ako ? " tanong nya.

"Tse ! " taray ni Valerie at dali daling hinatak pauwi si Cheska.

Natawa si Caleb at sumunod na lang din sa kasintahan.

..

Ilang saglit lang ay nakarating na sila sa bahay nina Valerie.

Lumiko si Cheska at tumuloy sa sariling bahay.

"I shall return. " biro nya.

Natawa si Valerie at hinintay na makalapit si Yohan.

Tinuro nya ang bahay sa harap.

"Dito ako nakatira. Maliit lang no ? " sabi nya.

Ngumiti si Yohan at namamanghang napatingin sa paligid.

"Yan ka na naman. Pero wow, ang astig ng bahay nyo. May garden sa gilid oh. " turo nya.

Napangiti si Valerie at nagmamalaking binida ang mga tanim ng ina.

"Garden ka dyan. Konting tanim lang yan ni Nanay. " wika nya.

"Eh di mini garden. Pero kahit ano pang tawag dyan, ang gaganda pa rin ng halaman na to. Pwede sigurong magbusiness ang Nanay mo Val. " pang uuto ni Yohan.

Napangiti lang si Valerie at natigilan sya ng makitang pumasok sa bakuran si Caleb.

Ito na rin ang nagsara ng maliit nilang gate.

Ngumiti ang binata at dire diretsong pumasok sa loob ng bahay.

Napasimangot si Valerie.

Akmang susunod sya sa nobyo ng maalala ang bisita.

"Y-yohan, pasok ka. " aya nya.

Excited namang nagpaunlak ang binata.

Magkasunod silang pumasok sa loob.

Agad na hinanap ng mga mata ni Valerie si Caleb ngunit wala ito sa salas.

"Upo ka Yohan. " turo nya sa kahoy na sofa.

Matapos umupo ni Yohan ay nag excuse sya sa binata.

"A-ahm, saglit lang ha ? " wika nya.

Ngumiti si Yohan at tumango.

"Sure sure. " sambit nya.

Pumasok si Valerie sa kusina at duon nya naabutan si Caleb na nagsasalin ng tubig mula sa pitsel.

Kasama nito ang ina na nakaupo sa isang silya.

"Oh anak, may bisita ka pala. " puna ni Aling Vicky.

Tumango si Valerie.

"Si Yohan po Nay, classmate ko. " sagot nya.

Ngumisi si Caleb.

"Kumain na po kayo Nay Vicky ? " tanong nya.

"Ay nako hindi pa nga iho eh. Kauuwi ko lang din galing sa munispyo. Nilakad ko kasi yung mga papeles na kakailanganin. Napakarami palang tse tse buretse ng mga ganuon ano ? " balik tanong ni Aling Vicky.

Tumango tango si Caleb at sinalinan ng tubig ang isang baso.

Inabot nya ito sa ina ni Valerie.

"Naku sinabi nyo pa Nay. Pero mas mabuti na rin ho yon kesa naman maperwisyo pa kayo kung kelan kumikita na. " wika nya.

Tumango rin si Aling Vicky at tinanggap ang tubig.

"Naku salamat iho. Sinabi mo pa. Pero masaya din pala. Ngayon lang ako nakaranas ng may inaasikasong mga dokumento bukod sa mga birth certificate nito nina Bebang. " sabi nya.

Napangiti si Caleb at naupo sa silya.

"Payo lang po Nanay, ipunin nyo sa bangko yung kikitain nyo para naman po may nahuhugot kayo kapag emergency. " payo nya.

"Ay nako oo nga anak. Tulad na lang nung nasa dulong kanto. Nanakawan sila ! Ayun, nagsimula ulit sa wala. Talagang mag iipon kami ng Tatay nyo. " sagot ni Aling Vicky.

Ngumisi si Caleb.

"Tama po yon. Di natin alam kung anong pwedeng mangyari. Mabuti na yung may ipon para may nadudukot po. Malay natin, maisipan nyo ni Tatay na mag second honeymoon. At least may pera kayong magagastos sa pamamasyal. " biro nya.

Bumungisngis si Aling Vicky.

"Ay dyaskeng bata ka. Ang tatanda na namin ng Tatay nyo. Pero malay nga natin. " biro din nya.

Nagtawanan ang dalawa.

Napataas ang isang kilay ni Valerie sa mga naririnig.

Bagama't alam nyang close na close ang mga magulang pati na si Caleb, tila may bagay syang hindi alam.

Sinubukan nyang sumingit.

"Nay, ano pong pinag uusapan nyo ? " tanong nya.

Nagulat si Aling Vicky.

"Ay tipaklong. Nandyan ka pala anak ? " gulat na tanong nya.

"Sus si Nanay, kanina pa ko dito. " wika ni Valerie.

Natawa si Caleb.

"Antahimik mo kase eh. " sagot nya.

Inirapan ni Valerie ang binata at binalingan ang ina.

"Nanay ano pong pinag uusapan nyo ? " tanong nya.

Ngumiti si Aling Vicky at nginuso si Caleb.

"Bakit hindi ang nobyo mo ang tanungin mo anak ? " balik tanong ng babae.

Napatingin si Valerie sa binata.

Pero bigla syang napasimangot ng makita nyang kumindat ito.

"Eh bakit di na lang po kayo ? " tanong nya.

Akmang magsasalita si Aling Vicky ng sumingit si Caleb.

"Baby, yung bisita mo. Baka nakatulog na sa labas. " singit nya.

Natigilan si Valerie ng maalala si Yohan.

Tumango si Aling Vicky.

"Ay oo nga pala ano ? May bisita ka nga pala. Saglit nga at lalabasin ko. Baka sabihin bastos itong nanay mo. " sabi nya at lumabas ng kusina.

Ngumiti si Caleb at akmang susunod ng harangin ng dalaga.

"Hoy, anong pinag uusapan nyo ni Inay ? " tanong nya.

"Global warming. " nakangising sagot ni Caleb.

Pero napangiwi sya ng kurutin ng kasintahan sa tagiliran.

"Global warming ? Gusto mong makaranas ng Global Pain ? " banta nya.

Imbes na umiwas, niyakap ni Caleb ang dalaga.

"Eh yun ang paraan para mapatawad mo ako, sige, saktan mo ko. " bulong nya.

Natigilan si Valerie.

Nagkatitigan sila ng binata pero sya ang unang nagbawi ng tingin.

"B-bitawan mo ko. " bulong nya.

"Eh kung ayaw ko ? " tanong ni Caleb.

Napakagat labi si Valerie.

"P-please, may bisita tayo. " bulong nya.

Ngumisi si Caleb.

"Bisita ? Baka bwisita ? Ano bang ginagawa nyan dito ? " tanong nya.

Tumingin si Valerie sa binata.

"Hinatid ako. " sagot nya.

"Alam ko, pero bakit pa ? At saka bakit may pakain kain pa kayo sa jollibee ? " tanong nya.

Nag iwas ng tingin si Valerie.

"Eh sa nagugutom na kami eh. Pake mo ba ? " tanong din nya.

"Nagugutom ? Eh bakit di mo ko hinintay ? Oh kaya bakit hindi na lang kayo umuwi ? " tanong ni Caleb.

"K-kasi, teka teka nga. Bakit para kang pulis kung magtanong ? Ano bang pake mo kung magpalibre ako sa kanya ? Hoy CALEBRADOR, baka nakakalimutan mo. May atraso ka sakin ! Bitawan mo nga ko ! " giit ni Valerie.

Unti unting lumuwang ang pagkakayakap ng binata.

Lumamlam na rin ang kanyang mga mata habang tinititigan ang kasintahan.

"Ano bang gusto mong gawin ko para mapakinggan mo ang side ko ? " tanong nya.

Natahimik si Valerie.

"E-ewan ko. Ayaw ko munang pag usapan ang bagay na yon. K-kasi, masakit. Sobrang sakit. " sagot nya at tuluyan ng lumabas ng kusina.

Naiwan si Caleb na malungkot.

Nasasaktan sya sa ideyang nasaktan nya ang kasintahan.

Gusto nyang saktan ang sarili pero batid nyang wala iyong maitutulong sa kanilang problema.

Imbes na magmukmok sa isang tabi, minabuti nyang gawin ang lahat para sa nobya.

Akmang lalabas na sya ng masagi ng kanyang paningin ang isang garapon na may orange na pulbos sa loob.

Kumunot ang noo ni Caleb at wala sa loob na binuksan ang garapon para alamin kung ano ang laman nito.

Pagbukas pa lamang nya ay naamoy na agad nya ang pamilyar na aroma.

"Ah juice lang pala. " bulong nya.

Napatingin sya sa salas, kita nya ang pagkukwentuhan ng tatlo.

Muli nyang tinapunan ng tingin ang garapon sabay unti unting napangisi.

..

Naabutan ni Caleb na nag uusap sina Yohan at ina ni Valerie.

"Aba talaga ? Ikaw pala ang presidente ng student council sa inyo ? " tanong ni Aling Vicky.

Ngumiti si Yohan at tila nanlaki ang butas ng ilong.

"Opo. Running for valedictorian rin po ako. " pagmamalaki nya.

Namangha si Aling Vicky sa binata.

"Wow, azteggg. " wika nya.

Napangiti lang si Valerie.

Pero natigilan sya ng biglang lumabas si Caleb mula sa kusina dala ang isang baso ng juice.

Nilapag nito sa maliit na lamesita ang baso at inusog patungo kay Yohan.

"Oh Yohan, juice ka muna. " alok ni Caleb.

Lalong natahimik si Valerie ng maupo ang nobyo sa tabi nya.

Pinagigitnaan sya ng ina at ng binata habang si Yohan ay nasa tapat nila.

Napangiti na lang si Yohan at tinanggap ang inalok ni Caleb.

"Salamat pare. " sagot nya at diretsong uminom.

Nakangiting tumango si Caleb sabay bulong kay Valerie.

"Ang bait ko no ? Tinimplahan ko pa ng juice yang bwisita nyo. " bulong nya.

Napaismid si Valerie.

"Buti nakita mo kung nasan yung juice. " ganting bulong nya.

Ngumisi si Caleb.

"Nandun lang naman sya katabi ng mga asukal at asin. Pero may tanong ako baby. " bulong nyang muli.

"Ano yon ? " tanong ng dalaga.

"Nasan nakalagay yung mga kutsara nyo ? " nakangising tanong ni Caleb.

Akmang sasagot na sana si Valerie ng bigla syang matigilan at mapatingin sa iniinom ni Yohan.

"T-teka, anong pinanghalo mo don ? " pabulong na tanong nya.

Pigil ang tawang pinakita ni Caleb ang isang daliri na mamasa masa pa.

Nanlaki ang mga mata ni Valerie at mariing kinurot ang nobyo.

Pinigilan nya ang mapahiyaw.

"Napakabad mo ! " bulong nya.

Natawa si Caleb.

Pagkuwa'y sumali sya sa usapan.

"Ano nga ulit yung sinasabi mo Yohan ? " tanong nya habang pinagmamasdan ang pag inom ng binata sa tinimpla nya.

Matapos uminom ni Yohan, binaba nya ang juice sa lamesita at ngumiti sa binata.

Mula sa bulsa ay nilabas nya ang panyo at marahang pinunasan ang bibig.

"As I was saying nga, running for valedictorian ako. " pagmamalaki nya.

Napangiti si Aling Vicky.

"Matalinong bata pala itong si Yohan, Caleb. " turo nya.

Kumunot ang noo ni Caleb.

"Running for valedictorian ? Pwede ko bang malaman kung paano mo yan nasabi ? In-announce na ba ? " tanong nya.

Pasimpleng siniko ni Valerie ang nobyo.

Natigilan si Yohan sa tanong ng binata pero ngumiti pa rin sya.

"Well, di pa naman totally ina-announce. Pero tingnan mo naman, from first year to third year, consistent top 1 ako. Ano pa bang kalalabasan non di ba ? " pagmamalaki nya.

Napasimangot ng lihim si Valerie.

"Mayabang talaga. " bulong nya.

Pero ngumisi lang si Caleb.

"Nuon yon. " sagot nya.

Kumunot ang noo ni Yohan.

"H-ha ? Anong sabi mo ? " tanong nya.

"Ang sabi ko, nuon yon. " sagot ni Caleb.

Lalong nagtaka si Yohan.

"A-anong ibig mong sabihin ? " tanong ulit nya.

Maging sina Aling Vicky at Valerie ay naguluhan sa sinasabi ng binata.

Pero ngumisi lang si Caleb.

"Kung nuon, kampante kang masusungkit mo ang Valedictorian, iba na ngayon. " sabi nya.

Unti unting naliwanagan si Yohan.

"Hmm, you mean, may iba pang contender sa pagiging Valedictorian ? Wag mong sabihing ikaw ? Eh mas marami pa ang absent mo kesa sa pinasok mo. Nagtataka nga ako kung bakit di ka pa nada-drop eh. " pang aasar nya.

Nagkibit balikat si Caleb.

"May mga bagay talagang hindi mo na dapat pang malaman. Tulad na lang ng dahilan kung bakit ako umaabsent. Well anyway, back to topic. Kung mula first year up to third year, mataas ang porsyento na ikaw ang magiging Valedictorian, iba na ngayon. " sabi nya.

Nakaramdam ng inis si Yohan pero pilit nya itong tinago kina Valerie at ina nito.

"Bakit nga ? " tanong nya.

Inakbayan ni Caleb ang kasintahan.

"Mahihirapan ka dito sa manok ko. " pagmamalaki nya.

Natulala si Valerie.

Hindi lang sa sinabi ni Caleb kundi sa ginawa nitong pag akbay sa kanya.

Ramdam nya sa pagitan ng mga salita ng nobyo, ipinagmamalaki sya nito.

At hindi nya maintindihan ang nararamdaman, pero parang may bahagi ng pagkatao nya ang biglang sumabog.

..

Natawa si Aling Vicky at tumayo.

"Akala ko naman kung sino. Oh sya dyan na muna nga kayo at bibili lang ako ng lutong ulam dyan sa kanto. Baka umuwi ang tatay nyo eh. Wala akong niluto gawa nga ng nilakad ko. ? " wika nya

Ngumiti si Caleb at tumango.

"Opo Nanay. Ingat po kayo. " malambing na sabi nya.

"Sya sige. " paalam ng ina sabay labas ng bahay.

Pero maya maya ay nakarinig sila ng pagtawag sa labas.

"Bebang, yung payong nga pakikuha. Nasa banyo. " sigaw nito.

Di pa nakakarekober si Valerie sa sinabi ni Caleb kaya para syang tuod na walang kagalaw galaw.

Napansin naman ito ni Caleb kaya sya na ang tumayo at pumasok sa banyo para kunin ang payong.

Matapos iabot sa ina ni Valerie, muli syang bumalik at naupo sa tabi ng nobya.

Tahimik pa rin ang dalawa.

Kinuha nya ang remote at binalingan si Yohan.

"Oy pare. Gusto mong manuod ? " tanong nya.

Natigilan ang binata sa narinig.

"I-ikaw ang bahala. Uhm Val, saan ba ang CR nyo ? " tanong nya.

Tumayo si Caleb at minuwestra ang kusina.

"Tara samahan na kita. Dyan ka na lang baby. " singit nya.

Napakunot noo si Valerie.

Pero di sya nagsalita.

Hinayaan na lamang nyang kumilos si Caleb na parang duon nakatira sa kanila.

Hanggang sa bigla syang matigilan sa naisip.

Mabilis na lumipad ang kanyang tingin sa kusina kung saan nagpunta ang nobyo at si Yohan.

"Di kaya pinapamukha nya kay Yohan na lagi sya dito sa bahay ? Na kabisado nya ang bawat sulok ng bahay namin ? " tanong nya.

Unti unting naunawaan ni Valerie ang ginagawa ng kasintahan.

At dahil dito, wala sa loob na napangiti sya ng maluwang.

Kasabay ng panlalaki ng butas ng ilong.

Para syang tangang napangiti na halos makita na ang esophagus.

Kulang na lang ay mag harlem shake sya sa kinauupuan dahil sa laksa laksang kilig na mabilis na kumakalat sa kanyang katawan.