1. Home
  2. Stories
  3. Bakit Absent Si Klasmeyt - Ika Dalawampu't Limang Pahina
Lagablab

Bakit Absent Si Klasmeyt - Ika Dalawampu't Limang Pahina

By supertoyantz ·

Ika Dalawampu't Limang Pahina

Napanganga si Valerie sa narinig.

Nais nyang nagsalita ngunit walang boses na lumabas sa kanyang bibig.

Ngumiti si Harriet.

"Iha ? " untag nya.

Napalunok si Valerie at pinilit ang sariling ngumiti.

"P-pero, nakakahiya po. " sabi nya.

"At bakit ka mahihiya ? Eh ako ang nagsabi sayong tawagin mo akong Mommy. Unless ayaw mo akong maging Mommy. " nagtatampong wika ni Harriet.

Mabilis na umiling si Valerie.

"Syempre gusto po ! P-pero baka kung ano na lang ang sabihin ng nila. Like Coleen, baka magalit sya. " bulong nya.

Ngumiti si Harriet at tumayo.

"Kung si Nicoleen ang iniisip mo, wala kang dapat ipangamba. Kulang na lang pilitin ako ng batang iyon na ampunin ka. " biro nya.

Na-touch si Valerie sa narinig.

"S-salamat po Tita. " bulong nya.

"Uhm. Tita na naman. " saway ni Harriet.

Napakamot sa batok si Valerie.

"S-salamat po M-mommy. " nahihiyang sabi nya.

Ngumiti ang ina.

"That's better. I think we better go back. Baka ubusan nila tayo sa food. " biro nya.

Napangiti din si Valerie at tumango.

"Opo nga. Kasama pa naman nila si Kakay. " pagsakay nya.

"Kakay ? Sya yung friend mo ? I thought her name is Cheska ? Di ba sya yung dapat na kasama mo sa tutorial ? " tanong ni Harriet.

"Opo. Nickname nya ang Kakay. Sya rin po yung dapat na makakasama ko sa pagtuturo kay Coleen pero di nga po sya napayagan ng Nanay nya. " sagot ni Valerie.

Humawak si Harriet sa braso ng dalaga at sabay silang naglakad.

"I think that's destiny. " wika nya.

"H-hindi ko po alam. " tanging nasabi ni Valerie.

Masaya silang naglakad pabalik sa silid.

..

Gabi.

Abala sa pagkukwentuhan ang apat ng pumasok si Harriet ng nakangiti.

Excited itong lumapit sa kabiyak at masuyong hinalikan sa labi.

"M-mukhang m-masaya ka. " bulong ni Gabriel.

Ngiting ngiti si Harriet.

"At bakit hindi ako sasaya ? Nakausap ko kanina si Dok. " sabi nya.

Nacurious ang lahat.

"Anong sabi Mom ? " tanong ni Coleen.

Ngumisi si Harriet at hinawakan ang kamay ng asawa.

"Uuwi na si Daddy ! " hiyaw nya.

Nanlaki ang mga mata ng magkapatid.

Tumakbo si Coleen at niyakap ang ina.

"Yeeeee !!! " tili nya.

Napangiti si Amy.

"Good news yan ate. " wika nya.

Ngumiti si Harriet.

"Bukas na bukas, magpapamisa ako. Pasasalamat sa paggaling ni Gab. Wag kayong mawawala Kakay at Bebang. " sabi nya.

Napangiwi ang magkaibigan.

"Bakit mo sinabi sa kanya yung pangalan natin ? " inis na tanong ni Valerie.

Umiling si Cheska at sumimangot.

"Hindi ako. Si Coleen ang nagsabi. " turo nya.

Bumungisngis si Coleen.

"What's wrong ? Eh sa yun naman talaga ang names nyo. Come on, wala ng mas papangit sa name ni Kuya. " biro nya.

Nagtawanan ang lahat.

Maging si Gabriel ay napangiti.

"W-wag nyo namang laitin ang pangalan ni Tatay. A-ayos naman yung Calebrador ah. " mahinang sabi nya.

Lumapit si Coleen sa ama.

"Talaga Daddy ? Eh bakit Gabriel ang name nyo ? Di ba dapat ikaw si Calebrador Junior ? " biro nya.

Iniwas ni Gabriel ang tingin sa anak at kinalabit ang asawa.

"C-change topic. " biro nya.

Muling nagkatawanan ang lahat.

Napatingin si Harriet sa asawa.

"Mahal, uuwi muna ako para ihanda ang mga dapat ihanda ha ? " lambing nya.

Tumango si Gabriel.

"S-sige mahal ko. P-pasensya na kung wala akong maitulong ha ? " sabi nya.

"Nonsense. Magpalakas ka para magawa ulit natin yung mga di na natin nagagawa. " wika ni Harriet.

Ngumisi ang lalake.

"M-matagal na nga pala tayong walang ano. " bulong nya.

Namula ang mga pisngi ni Harriet at kinurot ang asawa.

"Napakapilyo mo. Marinig ka ng mga bata !" saway nya pero nakangiti.

"M-miss na miss na kita. " bulong ni Gabriel.

Napangiti si Harriet at tumango.

"Ako rin mahal ko. Babawi tayo sa mga araw na nawala. " ganting bulong nya.

..

Napangisi si Caleb sa sweetness ng mga magulang.

Ito ang matagal na nyang inaasam, ang muling pagkakabuo ng pamilya.

"Mom. Mas mabuti sigurong ako na lang po ang umuwi para maghanda ng lahat. Dito na lang kayo sa tabi ni Dad. " sabi nya.

Napatingin si Harriet.

"Talaga ? Kaya mo ? " tanong nya.

Nagkibit balikat si Caleb.

"Di naman ako nag iisa. Marami kami oh. Anong ginagawa ng mga to. " biro nya.

Umepal si Coleen.

"Kuya's right Mom. Leave it to the experts ! " pagyayabang nya.

Natawa si Harriet.

"At ano naman daw ang magagawa mo aber ? Eh puro ka shopping at lamyerda. " pang aasar nya.

Nalukot ang mukha ng dalaga at inirapan ang ina.

Natawa rin si Amy.

"Tama si Ador ate, tutulungan ko na lang sya. " singit nya.

"Salamat Amy. Mas panatag ako ngayong dalawa kayo ni Caleb ang mag-aasikaso. " sabi ni Harriet.

Sumimangot lalo si Coleen.

"Parang walang tiwala si Mommy saken. " tampong sabi nya.

Natawa si Harriet at niyakap ang anak.

"Of course may tiwala ako sayo. Pero dito ka na lang, samahan mo kami ni Dad. " bulong nya.

Ngumuso si Coleen.

"Mas masaya ata don eh. " reklamo nya.

"Oh sige, ganito na lang Ate. Baka kasi kailanganin mo din ako dito eh. Sila na muna ang uuwi tapos susunod na lang ako bukas ng umaga sa bahay nyo. " suhestyon ni Amy.

Nagkatinginan ang mag asawa.

"I think kailangan nating sabihin sa kanya ang tungkol sa bahay mahal ko. " wika ni Harriet.

Tumango si Gabriel at tumingin kay Amy.

"Ming. " tawag nya sa palayaw ng kapatid.

Lumapit naman ang dalaga.

"Kuya ? " tanong nya.

Tiningnan ni Gabriel ang asawa.

Ngumiti si Harriet at tumango.

"Amy, sa tingin ko kailangan mo ng lumipat ng bahay. " sabi nya.

Napatda si Amy.

"A-aalis na ako sa bahay na pinagawa ni Kuya ? " tanong nya.

Tumango si Harriet.

"Oo, lilipat ka na sa bahay namin. Kasama namin. " nakangiting sabi nya.

Natigilan si Amy.

"P-pero paano yung bahay ? " tanong nya.

Hinawakan ni Gabriel ang kamay ng kapatid.

"P-pababantayan na lang natin sya. H-hindi ako kuntento ng hindi ko alam kung anong nangyayari sayo. " mahinang sabi nya.

"Tama ang kuya mo. Mag isa ka na lang sa bahay at babae ka pa. Hindi natin alam kung anong pwedeng mangyari sayo duon. " nag aalalang sabi ni Harriet.

Napangiti si Amy.

"Kaya kong sarili ko ate. Kuya, sayang yung bahay mo kung hindi titirahan. Kung pababantayan mo naman sa iba, baka abusuhin lang ang paggamit. " sabi nya.

Ngumiti si Harriet.

"Napag usapan na rin namin ito kanina. Ililipat na sa pangalan mo ang titulo ng bahay. Regalo ng kuya mo sa pagkapasa mo bilang guro. " sambit nya.

Natigilan si Amy at napatingin sa kapatid.

"K-kuya ? " tanong nya.

Ngumiti si Gabriel.

"T-tama ang ate mo. N-nakakahiya na wala man lang akong naibigay nung pumasa ka. P-pasensya na kung late. " sabi nya.

Napahawak sa bibig si Amy para pigilan ang pag iyak.

Marahan nyang dinantay ang pisngi sa dibdib ng kapatid.

"Kuya, hindi mo ko kailangang regaluhan ng kung ano. Dapat nga ako ang magpasalamat sayo kasi kung di dahil sa pag aalaga mo, hindi ko na alam kung anong nangyari sa akin. " bulong nya.

Hinaplos ni Gabriel ang buhok ng dalaga.

"T-tungkulin ko yon. M-masaya ako at hindi ka nagpabaya. " ganting bulong nya.

..

Napaiyak na lang si Valerie sa nakikita.

Maging si Cheska ay nangilid ang mga luha pero pilit nya itong pinaglabanan.

"Grabe, para akong nanunuod ng MMK. " sabi nya.

Siniko ni Valerie ang kaibigan.

"Lipat mo na nga yung channel. " biro nya.

Ngumisi si Cheska at kinalabit si Caleb.

"Hoy, ilipat mo yung channel at baka maiyak na tayong lahat. " bulong nya.

Natawa ang binata at lumapit sa ina.

"Mom, ihahatid ko muna sina Val at Cheska tapos uuwi na ako sa bahay. " sambit nya.

Pinahid ni Harriet ang luha at tumingin sa magkaibigan.

"Maraming maraming salamat sa inyo ha ? Wag kayong mawawala bukas. Lalong lalo ka na Val. " sabi nya.

Ngumiti si Valerie.

"Yes Ti, " di na nya natapos ang sasabihin ng pandilatan ni Harriet.

Napangiwi ang dalaga.

"O-opo M-mommy. " mahinang sabi nya.

Nanlaki ang mga mata ni Coleen.

Akmang magsasalita sya pero sinaway sya ng ina.

"Wag mo syang asarin anak, baka mahiya. " bulong nya.

Bumungisngis si Coleen at nagthumbs up.

..

Matapos magpaalam, sabay sabay na lumabas ang apat.

Naiwan sa silid ang mag asawa pati na si Amy.

Paglabas sa ospital ay pumara ng taxi si Caleb.

Pero tumanggi si Coleen.

"Ayaw ko ng taxi kuya, jeep tayo. " sabi nya.

Nagtaka ang binata.

"Baket ? Eh mas kumportable sa taxi. " katwiran nya.

Lumapit si Coleen kay Valerie.

"Sosyal si kuya no ? " biro nya.

Natawa ang dalaga.

Pero sumingit si Cheska.

"Taxi. Bihira lang akong makasakay sa taxi eh. " sabi nya.

"Jeep na lang. " giit ni Coleen.

"Taxi nga, palibhasa sawa ka na sa taxi. " sagot ni Cheska.

"Excuse me, bihira lang din akong sumakay ng taxi. " sambit ni Coleen.

"Kita mo, eh di taxi tayo. " giit ni Cheska.

"Ah basta, jeep. Ayan na Val, parahin mo ! " tili nya.

Natawa si Valerie at pinara ang jeep.

Nagdabog si Cheska at kinalabit si Caleb.

"Pengeng pamasahe, magtataxi ako. " sabi nya.

Naglabas ng pera si Caleb.

Lumapit si Valerie sa kaibigan.

"Sigurado ka ? " tanong nya.

"Oo naman, baket ? " tanong ni Cheska.

"Wala lang, mag ingat ka Kakay. Marami akong napapanuod sa TV na krimen sa taxi. Uso ang holdapan ngayon. " pananakot ni Valerie.

Natigilan si Cheska at sumimangot.

"Ang KJ mo ! " asar na sabi nya at naunang sumakay sa jeep.

Tatawa tawang sumunod na lang ang tatlo.

..

Habang bumabyahe, pasilip silip si Coleen sa binata.

Napansin ito ni Caleb kaya tinawag nya ang kapatid.

"Huy, ano pang problema mo ? " tanong nya.

"Oo nga, kanina ka pa di mapakali. " singit ni Cheska.

Napanguso si Coleen at binulungan si Kakay.

"Baka makita ulit natin sila Kuya Rom. " bulong nya.

Natigilan si Cheska at napangisi.

"Oo nga no. Kaya pala gusto mong magjeep ha. " sabi nya at sumilip na rin sa bintana.

..

Kumunot ang noo ni Caleb.

"Napapraning na naman yung dalawa oh. " turo nya.

Natawa si Valerie.

"Yaan mo na sila. Bukas, tutulong kami ni Kakay since na sabado naman. " sabi nya.

Ngumiti si Caleb.

"Talaga ? Sige sige, susunduin kita dito. " bulong nya.

Kinilig si Valerie sa pagbulong ng binata.

"W-wag na. Kami na lang ang pupunta para di ka maabala. " sabi nya.

Umiling si Caleb.

"Kahit kailan, di ka magiging abala sakin baby. " muling bulong nya.

Napakagat labi si Valerie.

"K-kahit na baby. Mas okay kung kami na lang ang pupunta. Wag ka ng umangal, magagalit ako. " banta nya.

Ngumisi si Caleb.

"Eh pinagbantaan mo na ako eh. Ano pa bang magagawa ko ? " sagot nya.

Napangiti si Valerie.

"Good boy. Uy dito na tayo. " sabi nya.

"Para po Manong. " sabi ni Caleb.

Huminto ang jeep at sabay sabay na bumaba ang apat.

"Wala eh. Sayang. " sabi ni Coleen.

"Buti nga ikaw kapitbahay mo lang sila. " malungkot na sabi ni Cheska.

Napapitik sa ere si Coleen.

"Invite natin sila bukas ! " hiyaw nya.

Kumunot ang noo ni Caleb.

"Sinong i-invite nyo ? " tanong nya.

Humagikgik ang dalawa.

"Yung mga alas. " sabi ni Cheska.

"Oo nga baby, invite nyo sina Kuya Rom. Di ba sabi mo sya ang tumulong para makapasok kayo nung gabi ? " tanong ni Valerie.

Napangisi sina Coleen.

"Narinig mo yon Kakay ? " tanong nya.

Tumango si Cheska.

"Rinig na rinig. Nakakadiri no? " biro nya.

"Yeah, kala ko sweet pakinggan. Pero parang nakakumay silang dalawa. " ganting tukso ni Coleen.

"Oh baby baby baby. My baby baby. " pakantang pang aasar ni Cheska.

Namula ang mga pisngi ni Valerie sabay kurot sa binata.

"Ang ingay mo kase ! " inis na sabi nya.

Natawa si Caleb at hinuli ang kamay ng dalaga.

"Hayaan mo na sila, inggit lang yang mga yan. " bulong nya.

Pinigil ni Valerie ang mapangiti.

"Tara na nga. " aya nya at nagsimula na silang maglakad.

Di pansin na magkahawak sila ng kamay ng binata.

Napangisi na lang sina Cheska at Coleen.

Maging sila ay kinikilig sa dalawa pero pinigilan na lamang nila ang mang asar dahil baka mahiya ang mga ito.

..

Nadatnan ng apat na nagtitiklop ng damit si Aling Vicky.

Tuloy tuloy na pumasok sa loob si Valerie at nagmano sa ina.

"Mano po Nay. " sabi nya.

"Kaawaan ka ng Diyos. Bakit ngayon lang kayo ? " tanong ni Aling Vicky.

Nilingon ni Valerie ang mga bisita.

"Nagpunta kami sa ospital Nay. Magaling na po yung Tatay nina Caleb. " imporma nya.

"Talaga ? Mabuti naman kung ganon. Pero sana sa susunod, magpapaalam ka naman ha ? " pangaral ni Aling Vicky.

Niyakap ni Valerie ang ina.

"Sorry po Nay. " sabi nya.

Ngumiti lamang si Aling Vicky at tinapik ang kamay ng anak.

"Ayos lang. Syempre nag aalala din kami dito. Kumain na ba kayo ? " tanong nya.

"Opo, pero di ako kumain ng marami. Gusto ko pa rin yung luto nyo. " bulong ni Valerie.

Natawa ang ina at sinulyapan ang mga bisita.

"Aysus Bebang. Wala kang manners. Bakit di mo sila patuluyin ? " naiiling na sawata nya.

Natawa si Caleb.

"Okay lang po Nay. Hinatid ko lang po si Val. Pasensya na po kung ginabi sya. " sabi nya.

Ngumiti si Aling Vicky.

"Naku wala yon. Ayos lang naman kung gagabihin kayo basta siguraduhin mong ligtas itong anak ko. Alam mo na, babae yan eh. " bulong nya.

Ngumiti si Caleb.

"Opo Nay. Pasensya na po ulit. Uuwi na rin po kami ni Coleen para di kami masyadong gabihin. " paalam nya.

Tumango tango si Aling Vicky.

"Ganun ba ? Sige sige. Sa susunod dito ka maghapunan anak ha ? " aya nya.

Nag thumbs up si Caleb.

"Sigurado yan Nay. Oy Coleen magba-bye ka na kay Nanay Vicky. " utos nya.

Yumakap naman si Coleen sa babae.

"Nanay ! Bakit sya lang inaya mo . " biro nya.

Natawa si Aling Vicky.

"Syempre kasama ka. " sabi nya.

Napangiti si Coleen.

"Yumyum. Siguradong mapaparami na naman kain ko. " wika nya.

Sumingit si Cheska.

"Eh ako Tyang ? " biro nya.

Natawa si Aling Vicky.

"Hiyang hiya naman kami sayo Kakay. " ganting biro nya.

Nagkatawanan ang lahat.

"Uwi na po kami Nay. " paalam ni Caleb.

"Hala sige at ng makapag pahinga na rin kayo. Mag iingat kayo mga anak ha ? " sabi ni Aling Vicky.

Tumango si Caleb at nilingon si Valerie.

"Baby, uwi na kami. " bulong nya.

Namula ang mga pisngi ng dalaga at pasimpleng ngumiti.

"Mag iingat kayo. " ganting bulong nya.

Kumindat pa si Caleb.

"Bye baby, see you tomorrow. " bulong nya.

Napangiti si Valerie at tumango.

"Sure. " ganting bulong nya.

Nagkatitigan silang dalawa pero tumikhim lang si Aling Vicky.

"Baka langgamin kayo. " biro nya.

Natawa na lang ang dalawa.

Inakbayan ni Caleb ang kapatid bago nagsimulang pumihit.

Di pa sya nakakalayo ay muli syang lumingon at binigyan ng flying kiss ang dalaga.

Napangiti si Valerie at pabirong sinalo ang halik.

Pasimple nya itong dinala sa mga labi.

Ngumisi si Caleb sa ginawa ng dalaga at nagpatuloy na sa paglalakad.

Pinagmasdan naman ni Valerie ang magkapatid.

Di maalis alis ang ngiti sa kanyang mga labi.

"Ingat ka baby. " bulong nya.

Biglang may nagsalita sa tenga ng dalaga.

"Baby, maghain ka na at nagugutom na ako. " bulong ni Aling Vicky.

"Baby, yung laway mo tumutulo. " bulong din ni Cheska.

Napasimangot si Valerie at inirapan lang ang dalawa bago dire diretsong pumasok sa bahay.

..

Sa ospital.

Tahimik ang buong silid.

Tulog na ang magkapatid na Gabriel at Amy pero nananatiling gising si Harriet.

Nakaupo lamang sya sa tabi ng kabiyak at pinagmamasdan ang maamo nitong mukha.

Napangiti si Harriet.

Di nya akalain na darating ang araw na muli silang magkakasama ng kabiyak.

Talagang nagpapasalamat sya sa Diyos dahil muli silang binigyan ng isa pang pagkakataon para itama ang mga mali.

Tama, kailangan nyang itama ang mga maling nagawa nya sa nakaraan.

Sisiguraduhin nyang hinding hindi na muling magkakahiwalay at magkakawatak watak ang kanyang pamilya.

..

Nasa kalagitnaan ng pagmumuni muni si Harriet ng makarinig sya ng mahinang tunog.

Kumunot ang kanyang noo at pilit na tinalasan ang pandinig.

Pamilyar sa kanya ang tunog na iyon.

Tumayo si Harriet at tinungo ang bag.

Pagbukas nya ay lalong lumakas ang tunog.

Tama ang kanyang hinala, may tumatawag.

Nakapagtataka.

Bihira lamang ang may alam ng bago nyang numero.

Ang dalawang anak at ilang piling tao lamang ang sinabihan nya kaya sigurado ang syang importante ang tawag.

Dinampot ni Harriet ang cellphone at tinignan kung sino ang caller.

Unregistered number.

Lalong nagtaka ang babae.

Dahil sa kuryusidad, sinagot ni Harriet ang tawag.

"Hello ? " tanong nya.

"Harrieta, bakit ba ang tagal mong sagutin ? " may halong pagkairita ang boses.

Napatda si Harriet.

Matagal tagal din nyang hindi naririnig ang boses na ito.

Hindi sya maaaring magkamali.

Dalawang tao lamang ang tumatawag sa kanya sa pangalang iyon.

Ang isa ay ang kanyang ama na matagal ng pumanaw.

At ang isa ay walang iba kundi.

"M-mama. " halos hindi na narinig ni Harriet ang sariling boses.

ITUTULOY !!!