1. Home
  2. Stories
  3. Bakit Absent Si Klasmeyt - Ika Dalawampu't Siyam na Pahina
Lagablab

Bakit Absent Si Klasmeyt - Ika Dalawampu't Siyam na Pahina

By supertoyantz ·

Ika Dalawampu't Siyam na Pahina

Huminto si Caleb sa tapat ng isang pinto.

Hinawakan nya ang seradura at marahan pinihit sabay tulak ng marahan.

Tumambad sa dalawa ang kadiliman ng silid.

Kinapa ni Caleb ang gilid at ng maramdaman ang switch ng ilaw ay agad nya itong pinindot.

Bumaha ng liwanag sa buong kwarto.

Agad na pumasok ang binata at binaba ang dalawang bag na bitbit.

Nilingon nya ang dalaga sa labas ng silid at marahang ngumiti.

"So, this is your room. " sambit nya.

Tumango tango si Britney.

Humakbang sya papasok ng kwarto habang ginagala ang paningin sa paligid.

"It's a little small for me. " wika nya.

Napaismid ng lihim si Caleb.

"Choosy pa. " bulong nya.

"What ? " tanong ni Britney.

Umiling si Caleb at ngumiti.

"Oh nothing. This door leads to your personal bathroom. And that one is your closet. Don't worry, malinis ang lahat ng mga nandito. Sinisiguro ni Mommy na malilinis ang bawat rooms sa bahay kasi hate na hate nya ang mga ipis. " kwento nya.

Ngumiti din si Britney.

"Same here. Parehas pala kami ni Mommy na hate ang mga cockroaches. Kaya pala kami magkasundo. " wika nya.

Natawa ng marahan si Caleb.

"Halos lahat naman siguro ng girls takot sa ipis. Anyway, I better go. Feel at home ka na lang dito. If you need something, just go downstairs. Yung room bago yung kitchen ang rooms ng mga kasambahay natin. Just call them if you need something. " paliwanag nya.

Tumango tango si Britney.

Pagkuwa'y hinagis nya ang bitbit na shoulder bag at pagkatapos ay marahang lumapit sa binata.

Napaatras si Caleb.

Akmang iiwas sya ngunit huli na, nakapalibot na ang dalawang mapuputing braso ng dalaga.

"W-what are you doing ? " tanong nya.

Ngumisi si Britney.

"Just saying hello to my sweety. I missed you. " bulong nya.

Dahan dahang nilapit ng dalaga ang mapupulang labi sa labi ni Caleb, ngunit mabilis na nagpaling ng tingin ang binata.

Sa pisngi nya tumama ang halik nito.

Kumunot ang noo ni Britney.

"Kanina ka pa ah. " inis na puna nya.

"Magpahinga ka na Britney, may jet lag ka pa ata. " utos ni Caleb.

Lalong humigpit ang pagkakayakap ni Britney sa binata.

"Tara na, pahinga na tayo. Stay with me. " sabi nya.

Umiling si Caleb.

"I can't. Gabi na at kailangan ko ng umuwi. " sambit nya.

Kumunot ang noo ni Britney.

"Umuwi ? Pero nandito ka na sa bahay nyo. Saan ka uuwi ? " tanong nya.

Ngumiti si Caleb at marahang kinalas ang mga braso ng dalaga na nakapalibot sa kanyang leeg.

Naglakad sya patungo sa pinto.

"Di ba nasabi sayo ni Lola ? Matagal na akong lumayas sa mansyon na ito. " sabi nya.

Natulala si Britney.

"Whaattt ? Eh anong ginagawa mo dito ? " tanong nya.

"Binibisita sila. Kapag naglayas ba ? Di na pwedeng dumalaw ? " biro ni Caleb.

Napasimangot si Britney at mabilis na lumapit sa binata.

"Eh anong ginagawa ko dito ? Sasama ako sayo ! " giit nya.

Umiling si Caleb.

"I don't think na magugustuhan mo ang bahay na tinutuluyan ko. You see, hindi yun tulad ng mga nakasanayan mo. Dalawa lang ang rooms don at halos wala pa sa kalahati nitong room na gagamitin mo. Wala ring sariling banyo ang bawat kwarto at higit sa lahat, may mga ipis. " paliwanag nya.

Natigilan si Britney.

"K-kaya kong tumira don. " nakangiwing sabi nya.

Natawa si Caleb at hinalikan ang noo ng dalaga bilang tanda ng pagiging maginoo.

"Just take a rest. Kailangan ko na ring umuwi dahil marami pa akong kailangang bawiin sa studies ko. Sa nakikita mo, dahil sa kondisyon ni Dad, matagal tagal na rin akong di nakakapasok sa school. Kaya kailangan kong mag aral para makabawi naman sa mga pagkukulang ko. Ayaw kong umulit eh. " sambit nya.

"Iiwan mo ko dito mag isa ? " tanong ni Britney.

"Mag isa ? Nandito ang pamilya ko. Sina Mommy at Daddy ay next room lang. Tapos nasa tapat mo lang halos si Coleen. Anong mag isa ang sinasabi mo ? " balik tanong ni Caleb.

Napanguso si Britney at napahalukipkip.

Natigilan si Caleb sa ginawa ng dalaga.

Dati rati, kapag nagmamaktol si Britney at ginagawa ang mga bagay na ito, di nya mapigilan ang sarili dahil gandang ganda sya.

Pero di nya maintindihan ang sarili, tila wala ng epekto sa kanya ang pagpapacute ng dalaga sa kanyang harap.

Napailing na lang si Caleb at marahang ngumiti.

Alam na alam nya ang dahilan.

May iba na syang iniibig.

Sa pagkakaalala sa dalaga ay tila nakaramdam ng kaunting sundot ng konsensya ang binata.

Marahil ay kanina pa ito nag aantay ng kanyang tawag ngunit heto sya at nakikipaglandian sa kanyang dating katipan.

O mas tamang sabihin na muntik ng maging asawa.

Huminga ng malalim ang binata at tinapik ang pisngi ni Britney.

"So paano ? Uuwi na ako, kitakits na lang ulit bukas. " sambit nya.

Napanguso pa lalo ang dalaga.

"Ano pa nga ba ang magagawa ko ? Akala ko pa naman magkakasama na ulit tayo. Hmmp. Sige, kiss na lang. " sabi nya.

Napangiti si Caleb at hinalikang muli ang noo ni Britney.

"Goodnight. " sabi nya sabay talikod.

Napanganga ang dalaga sa ginawa ng binata.

Inis nya hinabol nya ito at hinawakan sa braso.

"Ano yung ginawa mo ? " tanong nya.

Kumunot ang noo ni Caleb.

"Goodnight kiss. " sagot nya.

"Heeellooo, ganyan mo ba ako halikan dati ? " tanong ni Britney.

Napangiti si Caleb.

"Dati yon Britney, iba na ang sitwasyon ngayon. " sagot nya.

Si Britney naman ang napakunot ang noo.

"Iba na ? Baket ? May iba ka na ba ? May naipalit ka na sa akin ? " sunod sunod na tanong nya.

Ngumiti ng matamis si Caleb.

"Yup. At wala akong balak na lokohin o pagtaksilan sya. Tulad ng ginawa mo sa akin. " sagot nya.

Natulala ang dalaga.

Ngumiting muli ang binata sabay tumalikod at nagsimulang bumaba ng hagdan.

..

Gabi ng makarating si Caleb sa bahay na pinagawa mismo ng kanyang ama, para sana sa kanyang ina.

Ngunit dahil sa nangyari dito, mas pinili nilang magsama samang muli sa mansyon tulad ng dati.

Ito ang matagal na nyang hinihintay na maulit, ang mabuo ang kanyang pamilya.

Sama samang tawanan habang kumakain ng hapunan.

Akala nya ay ayos na ang lahat, pero mukhang may hindi magandang niluluto ang kanyang abuela.

Ng maisip ang matanda, napahinga ng malalim si Caleb.

Hindi nya alam kung bakit kontrrang kontra ang Lola Constance nya sa ama.

Nagmamahalan ang kanyang mga magulang at talagang di nya makita ang logic kung bakit ito nakikialam sa dalawa.

Ang siste, hindi lamang ang ina ang nawalan ng asawa, kundi pati na rin sila ni Coleen ay nawalan ng ama dahil sa kagagawan nito.

Napatiim bagang si Caleb.

Wala sa sariling naikuyom nya ang kamao.

Hindi sya basta basta magpapatalo sa matanda.

Ayaw nyang saktan o salungatin ito dahil mahal nya ang kanyang Lola.

Ngunit hindi na dapat pang manghimasok ang abuela sa kanilang pamilya.

..

Bumaba si Caleb sa sasakyan.

Matapos masigurong nakalock ang lahat ng pinto, bitbit ang susi ay nilakad nya ang distansya mula sa maliit na gate.

Inabot nya ang lock pagkatapos ay pumasok sa loob.

Singuro din ng binata na nakalock ng mabuti ang gate bago muling naglakad patungo sa pinto.

Di pa man nya napipihit ang doorknob ay bigla ng bumukas ang ilaw mula sa loob.

Napangiti si Caleb.

Hinintay na lamang nyang bumukas ang pinto.

Di nga nagtagal ay may sumilip na babae sa bintana.

"Ador ? " tanong nito.

Ngumiti si Caleb.

"Tyang. " sabi nya.

Agad na umalis si Amy sa bintana.

Di nagtagal ay bumukas ang pinto.

"Oh, anong ginagawa mo dito ? " tanong nya.

Ngumisi si Caleb.

"Naglayas ako. " sagot nya.

Natawa si Amy at binatukan ang pamangkin.

"Hala pasok at duon mo na ipaliwanag. Yung sasakyan mo, nakalock ba ? " tanong nya.

Tumango si Caleb at hinalikan sa pisngi ang tyahin.

"Yup. " maiksing sagot nya.

Dire diretso syang naglakad patungo sa kusina.

Pumasok sya sa banyo dahil kanina pa sya ihing ihi.

..

Paglabas ni Caleb mula sa banyo ay naabutan nya ang tyahin na nagtitimpla ng gatas.

Napangiti ang binata.

Hinatak nya ang isang upuan ay naupo.

"Anong ulam Tyang ? " tanong nya.

"Wala, di ako nagluto. Busog na busog ako sa inyo eh. Bakit nagugutom ka pa ? " tanong ni Amy.

Tumango si Caleb.

"Ewan ko ba, parang nawala yung kinain ko. " maasim na sagot nya.

Kumunot ang noo ni Amy.

Nilapag nya sa harap ng pamangkin ang tinimplang gatas.

Hinatak ang upuan at naupo sa katapat nito.

"Ano bang nangyari ? " tanong nya.

Tahimik na nilaro ni Caleb ang kutsara sa gatas.

Pagkatapos ay huminga ng malalim.

"Ewan ko ba. Parang ang unfair unfair ng tadhana sa pamilya namin. " wika nya.

Natigilan si Amy.

"Ha ? Anong ibig mong sabihin ? Eh mukhang ayos na naman ang lahat ah. " sunod sunod na tanong nya.

Napailing si Caleb.

Sumalok sya ng gatas gamit ang kutsara pagkatapos ay nilapit ito sa bibig para hipan.

Ng sa tingin nya ay kaya na nya ang init, dahan dahang sinipsip ng binata ang gatas.

Nakaramdam sya ng kaunting ginhawa dahil sa ginawa.

"Si Lola. " sagot nya.

Natulala si Amy pagkarinig sa sinabi ng binata.

"A-ano na naman ang ginawa ng Lola mo ? " tanong nya.

Muling bumuntong hininga si Caleb.

"Nagsugo lang naman sya ng kampon. " sagot nya.

Kumunot ang noo ni Amy.

"Huh ? Pwedeng pakidiretsa na ako ? Uupakan na kita dyan eh. Binibitin mo ko ! " inis na sabi nya.

Natawa ng mahina si Caleb.

"Highblood ka lagi eh. Si Britney, nasa bahay. " sambit nya.

Napanganga si Amy.

"H-ha ? Yung mistisang hilaw na ex fiancee mo ? Bakit sya nanduon ? " tanong nya.

Nagkibit balikat si Caleb.

Muli syang sumimsim ng gatas.

"Pinapunta daw sya ni Lola. Duon daw muna sya habang bakasyon pa dun sa school nila. " wika nya.

Natahimik si Amy.

Kilala nya ang tinutukoy ng pamangkin.

"P-paano na si Val ? " tanong nya.

"Anong paano na si Val ? " balik tanong ni Caleb.

"Nasabi mo na ba sa kanya yan. Kailangan nyang malaman kung sino si Britney. " wika ni Amy.

Natahimik si Caleb.

"K-kailangan pa ba nyang malaman ? " tanong nya.

Tumango si Amy.

"Of course ! Karapatan ni Bebang ang malaman ang nakaraan mo. Sabihin mo sa kanya ang tungkol kay Britney. For sure na mauunawaan ka non. " wika nya.

Napahinga ng malalim si Caleb at marahang tumango.

"Siguro nga Tyang. " tanging nasabi nya.

"Kaya ka pala sumugod dito. Dito ka muna habang nanduon sya sa mansyon ? " tanong ni Amy.

Tumango tango si Caleb.

"Opo. Saka para may kasama na rin kayo. " sambit nya.

Napangiti si Amy.

"Hussss !! Ang sweet talaga ng pamangkin kong ito. " sabi nya.

Napangiti din si Caleb at muling humigop ng gatas.

"Mamaya tatawagan ko si Val. Ikukwento ko na sa kanya ang tungkol kay Britney. " wika nya.

"Good good. Teka, since na okay na ang Daddy mo, papasok ka na ba sa school ? " tanong ni Amy.

Tumango si Caleb.

"Yes Tita. " sagot nya.

"Glad to hear that. Oh sya, matutulog na ako at sisimba pa ako bukas. Ikaw ba walang balak magsimba ? " tanong ni Amy.

Natigilan si Caleb sabay napangisi.

"Aayain ko na lang siguro si Val na magsimba. " sambit nya.

Ngumiti si Amy at tumango.

"Mas mabuti nga yon. So paano, matutulog na ako. Check mo muna yung mga bintana at pinto ha ? Goodnight Ador ! " sabi nya sabay lapit sa pamangkin.

Mabilis na humalik si Caleb sa pisngi ng tyahin.

"Ngapala Tyang, pinapatanong ni Kuya Romeo yung number nyo. " biro nya.

Natigilan si Amy.

Tinago ang ngiti at mabilis na pinalitan ng simangot.

"Wag na wag mong ibibigay kung ayaw mong gulpihin kita. " sambit nya.

"Pa yummy pa si Tyang oh. Si Kuya Romeo na nga ang nagtatanong ng number mo. " biro ni Caleb.

"Pake ko kung sino sya ? Ayaw ko sa makulit at saksakan ng gwapo. Masakit yon sa ulo. " wika ni Amy.

Natawa si Caleb.

"Oh di inamin mong nagagwapuhan ka sa kanya. Naku Tyang, 18 pa lang ata si Kuya Rom. 24 ka na oy. " pang aasar nya.

Namula ang mga pisngi ni Amy.

"Ewan ko sayo. Dyan ka na nga ! " asar na sabi nya.

Natawa na lang ng malakas si Caleb.

..

Agad na dinampot ni Valerie ang cellphone.

"Hello ? " sagot nya.

"Hello baby. " wika ni Caleb.

Napasimangot si Valerie.

"Bakit ngayon ka lang tumawag ? Alam mo bang halos isang oras na akong naghihintay sayo ? " talak nya.

Natawa si Caleb.

"Teka naman. Di mo muna icheck kung safe ba akong nakauwi. " sambit nya.

Napakagat labi si Valerie.

"S-sorry. K-kasi naman ikaw eh. " mahinang sabi nya.

"It's okay baby. ALam ko namang miss na miss mo na ako eh. " sabi ni Caleb.

Napangiti si Valerie.

"Kapal mo. " wika nya.

"Bakit hindi mo ba ako namimiss ? " tanong ni Caleb.

"Syempre miss. Ikaw ba namiss mo ako ? " tanong din ni Valerie.

"Kung pwede nga lang na tabi tayong matulog. Bawat oras na di kita nakikita, parang isang araw ang katumbas eh. " sambit ni Caleb.

Kinilig si Valerie.

Nagpagulong gulong sya sa kama yakap ang isang unan.

"Bolero. " bulong nya.

"Bolero ? Tsk tsk, wala pa bang tiwala sa mga sinasabi ko ? " tanong ni Caleb.

"Syempre meron no. " sagot ni Valerie.

"Meron pala eh. Eh bakit di ka naniniwalang miss na miss na kita ? " tanong ng binata.

Napangiti ng maluwang si Valerie.

"Oo nga. Naniniwala na poo. Bakit ang tagal mong tumawag baby ? " tanong nya.

..

Sa kabilang linya, nawala ang ngiti ni Caleb sa tanong ng kasintahan.

Saglit syang natahimik.

Nagtatalo ang kanyang isip kung dapat nga bang sabihin sa nobya ang tungkol sa dating nobya.

Pero sa huli, naalala ni Caleb ang sinabi ng Tyahin kani kanina lamang.

Karapatan ni Valerie ang malaman ang kanyang nakaraan.

"Baby. " tawag nya.

"Yes baby ? " sagot ni Valerie.

Huminga ng malalim si Caleb.

"There is something I want to tell you. But before that, I want you to know that I love you so much. " wika nya.

..

Natahimik si Valerie at dinama ang matatamis na salitang namutawi sa bibig ng nobyo.

Ngunit bigla syang natigilan ng may mapansing kakaiba sa tono nito.

"Baby, I love you too. Mahal din kita. Baby may problema ka ba ? " tanong nya.

Rinig nya ang buntong hininga ng binata sa kabilang linya.

Lalong naligalig si Valerie.

"Baby ? " tanong nyang muli.

Ilang segundo muna ang lumipas bago nagsalita si Caleb.

"Baby. May bisita kami sa bahay. At hindi lang sya ordinaryong bisita. " wika nya.

Natigilan si Valerie.

"S-sino yun baby ? " tanong nya.

"My ex-fiancee. " sagot ng binata.

Napanganga si Valerie sa narinig.

Halos mabitawan nya ang cellphone dahil sa sinabi ng kasintahan.

ITUTULOY !!!