1. Home
  2. Stories
  3. Bakit Absent Si Klasmeyt - Ika Labing-Apat Na Pahina
Lagablab

Bakit Absent Si Klasmeyt - Ika Labing-Apat Na Pahina

By supertoyantz ·

Ika labing-apat na Pahina

"Kaya ayon, marami din kaming napag kwentuhan ni Tyang Amy. Mabait sya tulad ni Caleb. Nakakabilib din yung magtyahin na yun eh no. Pero mas nakaka- " naputol ang pagtatatalak ni Cheska ng mapansing wala na syang kausap.

Sinulyapan nya ang kaibigan.

Pangiti ngiti ito na tila nananaginip ng gising.

Napasimangot si Cheska.

Pasimple nyang hinarang ang isang paa sa daraanan ni Valerie.

At dahil sa parang naglalakad sa alapaap ang dalaga, hindi nya naiwasang matapilok.

"Oh loko. " bulong ni Cheska.

Gulat na lumingon si Valerie sa paligid.

Kumunot ang noo ng mapansing wala na sya sa ospital.

"Huh ? Nasan ako ? " tanong nya.

Nagsalubong ang kilay ni Cheska.

"Hala ? Napano ka te ? Di makamove on sa pag uusap nyo ni Caleb ? " tanong nya.

Tinitigan ni Valerie ang kaibigan.

"Kakay ? " bulong nya.

Umikot ang eyeballs ni Cheska.

"Aruy Dyosko. Nausog ata. Tara nga at bumalik tayo sa ospital. Palalawayan kita kay Caleb. " sabi nya sabay hawak sa kamay ni Valerie.

Natatawang binawi ni Valerie ang kamay.

"Grabe ka naman. " sabi nya.

Humarap si Cheska.

"Ako pa ang grabe ? Aba, ayan na yung bahay nyo oh ! Nakasakay na tayo ng jeep, nakapaglakad na rin tayo ng ilang kilometro, naikwento ko na rin yung sikreto ng kapitbahay natin, tapos ikaw ? Nakangiti lang ? Anyare te ? " reklamo nya.

Bumungisngis si Valerie at niyakap ang braso ng kaibigan.

"Wag ka ng maraming tanong. Sabay tayong gumawa ng assignment mamaya ha ? " lambing nya.

Nanlaki ang mga mata ni Cheska at sinalat ang leeg ni Valerie.

"Huh ? Wala naman tayong nadaanang puno ng balete. Hindi ka rin naman siguro nakulam ? Pero bakit parang hindi na ikaw ang kaibigan ko ? Umanin ka ! Sino kaaa !!! " sigaw nya.

Natatawang napailing na lang si Valerie.

"Hay nako. Nag da-drugs ka ata Kakay. Iwas iwasan ang pagra-rugby. Masama yan sa kalusugan. " kumindat pa sya bago tuluyang pumasok ng bahay.

Napanganga na lang si Cheska.

..

Kinabukasa, aligaga si Valerie.

Kanina pa sya nakatambay sa pinto ng classroom ngunit bigo pa rin syang makita ang inaasahan.

"Shall we start Val ? " boses ni Yohan.

Napapitlag si Valerie.

Dahan dahan nilingon ang binata.

Nakangiti ito na tila nagtagumpay sa isang masamang binabalak.

"F-five minutes pa pwede? " request ng dalaga.

Nawala ang ngiti sa mukha ni Yohan.

"Five more minutes ? Val ano ka ba ? Kanina mo pa sinasabi yan, may susunod na klase after natin. 2 hours lang ang meron tayo, pero nasayang na ang 30 minutes dahil sa paghihintay natin kay Caleb. Hindi na sya darating Val. " sabi nya.

Nakaramdam ng inis si Valerie.

Ngunit hindi nya mapasubalian ang katotohanang tama ang sinasabi nito.

Minuwestra pa ni Yohan ang mga kaklase nilang tila naiinip na rin sa paghihintay.

"Look at them, sa tingin mo wala silang ibang gagawin after ng practice ? Hindi lang tayo ang importante dito Val. May mga buhay din sila. " sabi nya.

Napalunok si Valerie.

"S-sige. P-pasensya na. " mahinang sabi nya.

Ngumisi ng palihim si Yohan at hinawakan sa siko ang dalaga.

"Come on. Let's plan this thing first. " wika nya.

Wala sa loob na napasunod na lang si Valerie.

Ngunit bago sya tuluyang nagpatangay, sinulyapan nya muna ang hallway, nagbabakasakaling susulpot kahit ang anino man lang ni Caleb.

Pero muli syang nabigo.

Nabuntong hininga na lang ang dalaga at nagpatangay na lang sa agos.

..

Tulad ng dati, sabay na naglalakad pauwi ang magkaibigan.

Habang nasa daan, pinagmamasdan ni Cheska ang script na binigay ni Yohan para sa kanila.

"Look mo Bebs, nabasa mo na ba itong part na to ? May kissing scene pala kayo ni Yohan sa last part ah. " puna nya.

Natigilan sa pagmumuni muni si Valerie at inagaw ang hawak ng kaibigan.

"Saan ? " tanong nya.

Tinuro ni Cheska ang nabasang parte.

Nanlaki ang mga mata ni Valerie.

"Shet ! Di ko alam to ah !. " bulalas nya.

"Oh bakit parang ayaw mo ? Teka nga, magtapat ka nga saking babae ka. " awat ni Cheska.

Napatingin si Valerie sa kaibigan.

"Anong ipagtatapat ko sayo ? " tanong nya.

Naningkit ang mga mata ni Cheska.

"3 years Bebang. 3 years mo na akong ginugulpi sa twing inaatake ka ng kilig kay Yohan. Then ngayong magkaklase na kayo at ngayong may kissing scene pa, anong problema at mukhang ayaw mo ng ideya ? " balik tanong nya.

Natigilan si Valerie.

Nahihiyang yumuko at nagpatuloy sa paglalakad.

Ngunit di nagpaawat si Cheska.

Hinarang nya ang kaibigan at pinakatitigan sa mga mata.

"I thought we're best friends ? " tanong nya.

Bumuntong hininga si Valerie.

Hinawakan ang kamay ng kaibigan at nagpatuloy sa paglalakad.

Nagtatakang napasunod naman si Cheska.

Ngunit hindi sya nagtanong.

Hanggang sa makarating na sila sa tapat ng bahay nila.

Huminto sa paglalakad si Valerie at pinakatitigan ang kaibigan.

"Kay. H-hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko. Bukod sa pamilya ko, ikaw lang ang tanging taong nakakakilala sa akin. Pero di ko talaga alam Kakay. " mahinang sabi nya.

Napangiti si Cheska at pinisil ang mga kamay ni Valerie.

"It's okay Bebs. Siguro ay naguguluhan ka pa. Matagal mo ng crush si Yohan then all of a sudden, biglang binulabog ni Caleb ang mundo mo. Hindi ko kayang magpayo dahil hindi pa naman ako nai-inlove. Pero if ever na kailangan mo ng tulong ko, wag kang mag alanganan. " sabi nya.

Napangiti ng matamis si Valerie.

"S-salamat Kakay. " taos pusong sabi nya.

..

Araw ng sabado.

"Val, tapos na ako. " sambit ni Coleen.

Pero nabigla sya ng makitang tulala ang dalagang tutor.

Takang kinalabit ng dalaga ang kaibigan.

"Val ? " untag nya.

Tila nagising sa malalim na panaginip ang dalaga.

"H-ha ? " tanong nya.

Kumunot ang noo ni Coleen.

"What happened Val ? " tanong nya.

Pinilit ni Valerie ang ngumiti.

"W-wala. T-tapos ka na ? " balik tanong nya.

Tumango si Coleen at pinakita ang mga sagot.

Agad namang kinuha ito ni Valerie at tsinekan.

Namayani ang katahimikan habang ginagawa ito ng dalaga.

Ilang minuto rin ang lumipas bago nakangiting pinakita ni Valerie ang resulta ng pagsusulit ni Coleen.

"Di mo na talaga ako kailangan dito Coleen. Perfect ka na naman oh. " sabi nya.

Napangiti ang dalaga.

Pero hindi ito umabot sa magagandang mga mata.

Hindi ito nakaligtas sa paningin ni Valerie.

"Parang hindi ka masaya ? " tanong nya.

Ngumiti ng pilit si Coleen.

"Of course I'm happy. " sabi nya.

Binaba ni Valerie ang hawak na papel at hinawakan ang mga kamay ng dalaga.

"Coleen. Ano bang pinag-usapan natin tungkol sa mga problema ? Hindi sa nanghihimasok ako, pero bilang kaibigan mo, alam kong may iniisip ka. Hindi kita pupuwersahing sabihin yun sa akin. Pero lagi mo sanang tatandaan na kapag kailangan mo ng karamay, nandito lang ako lagi. " sabi nya.

Nais matawa ni Valerie sa mga salitang binitawan.

Parang inulit lang nya ang sinabi ng kaibigang si Cheska nuong makaraang magusap sila.

..

Ngumiti ang dalaga.

"W-wala naman akong problema. It's just that. " putol ni Coleen.

"It's your Kuya. You missed him right ? " tanong ni Valerie.

Nabigla man, hindi pinabulaanan ng dalaga sinabi ng guro.

"Y-yeah. M-matagal na kasi syang walang contact sa akin. You know, kambal kami ni Kuya. Marami akong nababasa about twins. Nararamdaman daw ng isa ang nararamdaman ng kakambal nya. I don't know if that's true pero parang pakiramdam ko, kailangan ako ni kuya sa mga oras na ito. " malungkot na pag amin nya.

Natigilan si Valerie.

Naisip ang sitwasyon ni Caleb.

Batid nyang tama ang dalaga sa sinabi nito ngunit hindi nya alam kung paano nya ito matutulungan.

Napahinga ng malalim si Valerie.

Pakiramdam nya ay naiipit sya sa sitwasyon.

Nais nyang tulungan ang magkapatid sa problemang kinakaharap ng mga ito.

Pero hindi nya alam kung saan magsisimula.

O kung dapat ba syang manghimasok.

..

Mabilis na nag isip ng paraan si Valerie para pasayahin si Coleen.

Napatingin sya sa relong nakasabit sa dingding ng library.

"Coleen. Nasan ka kahapon ? " tanong nya.

Nagtaka ang dalaga.

"Dito lang. " sagot nya.

Kumunot ang noo ni Valerie.

"Dito lang ? As in nandito ka lang buong maghapon ? " tanong nya.

Tumango si Coleen.

"Yup. Kahapon, and the other day. " sagot nya.

"Wee ? Kelan ka huling nag party ? " tanong ulit ni Valerie.

Napaisip si Coleen.

"Last week I guess. Why ? " balik tanong nya.

Napanganga si Valerie.

"Last week pa ? You mean, nandito ka lang buong linggo ? But why ? I thought you like partying ? " tanong nya ulit.

Nagkibit balikat si Coleen.

"I don't know. Lately nawawalan na ako ng gana sa mga ganon eh. Saka, parang pangit atang tingnan na nagpapakasaya ako samantalang ni hindi ko alam kung nasaang lupalop ng mundo ang nag iisang kong kapatid. " paliwanag nya.

Napangiti si Valerie.

"Wow. Nagbago ka na. Ewan ko ba, pero I'm happy for you. Hindi naman kasi talaga magandang tingnan sa tulad mo na kung kani kaninu lang sumasama. Baka dumating yung time na mapahamak ka pa. You know what I mean. " sabi nya.

Napangiti din si Coleen.

"Yeah. Thanks. Nalibang ako sa pagbabasa. I'm reading Dan Brown's works lately. Nabasa mo na ba yon ? " tanong nya.

Umiling si Valerie.

"Nope. Mahal yung books ni Dan Brown. Pero kilala ko sya. At masasabi kong magaling sya base sa mga naririnig ko." sabi nya.

Napangiti si Coleen.

"Yes tama ka. Magaling si Dan Brown. He's a master of thiller / mystery type of novel. Tapos ko na yung Da Vinci Code, papahiram ko sayo if you want. " sabi nya.

Napangiti si Valerie.

"Wow ! Sige sige. Gusto ko yan. " wika nya.

Natawa si Coleen.

"Eh what about local writers ? May mga kilala ka ba? " tanong nya.

Napaisip si Valerie.

"Wala gaano eh. Pero yung ibang classmates ko, addict sa online stories. Lagi ko silang naririnig na pinagkukwentuhan itong isang online writer. Magaling daw pero ewan ko. Wala pa akong time na basahin yung mga gawa nya eh. " sabi nya.

Nacurious si Coleen.

"Online writer ? What's his name ? " tanong nya.

"Teka. Nasa dulo na ng dila ko eh. Ayun !, si TOYANTZ. Naku sikat na sikat yan sa school namen. Ewan ko lang kung tama yung pagkaka-pronounce ko. " sabi ni Valerie.

"Hmm. Check ko nga yan. " sambit ni Coleen.

Napangiti si Valerie at muling napatingin sa relo.

"Coleen, sabi mo matagal ka ng nandito sa bahay di ba? " tanong nya.

Tumango ang dalaga.

"Yes, why ? " sabi nya.

Napangisi ang tutor.

"Gusto mong pumunta sa bahay ? " tanong nya.

Natulala si Coleen.

Unti unti syang napangiti.

"Sige ! " bulalas nya.

Natawa si Valerie.

"Okay. Paalam muna tayo. " sabi nya.

Agad na tumayo si Coleen at hinawakan sa kamay ang dalaga.

Pagkatapos ay excited na lumabas ng kwarto.

..

Sa ospital.

Kasalukuyang nanunuod ng TV si Caleb ng pumasok ang tyahin dala ang mga pinamiling pagkain.

"Caleb, kumain ka na. " sabi ni Amy.

Napangiti ang binata at tinulungan ang tyahin sa pag aayos ng mga pinamili.

"Ang dami naman nito Tyang. " puna nya.

Ngumiti ang babae.

"Sahod ko ngayon. " sabi nya.

"Alam ko po. Pero di nyo kailangang bumili ng maraming pagkain. Eh dalawa lang naman tayong kakain eh. " natatawang sabi ng binata.

"Ay akala ko pupunta ka kina Valerie ? " tanong ni Amy.

Natigilan si Caleb.

"S-sinong nagsabi ? " tanong nya.

Natawa si Amy.

"Ikaw ! " sagot nya.

Napanganga si Caleb.

"S-sinabi ko yon ? " tanong nya.

Natawa ng malakas si Amy at ginulo ang buhok ng pamangkin.

"Biro lang, ito naman. Napapansin ko kasing nalulungkot ka eh. Mukhang namimiss mo sya. " tukso nya.

Di matindihan ni Caleb pero biglang nag init ang kanyang mga pisngi sa sinabi ng tyahin.

Nais nya itong kontrahin ngunit naisip nyang wala naman itong sinabing mali.

Tama ang kanyang tiya.

Miss na miss na nya ang dalaga.

Nuong lunes pa sila huling nagkita.

"Si Tyang talaga. " tanging nasabi nya.

Ngumiti si Amy.

"Hay nako iho. Kilala kita, para kang si Kuya Gab nung nanliligaw pa lang sya kay Ate Harriet. Di mapakali at parang nakalutang sa ulap. Hala sige na. Puntahan mo na sya para naman di ka sumaya ka na. " pagtataboy nya.

Napangiti si Caleb.

"S-salamat po Tyang. Ayos lang po ba kayo dito ? " tanong nya.

"Oo naman. Ikaw nga ang kagabi pa dito eh. Nahihiya na nga ako sayo. " sabi ng babae.

"Tyang, anak ho ako ni Dad. Natural lang na ako ang magbantay sa kanya. " sagot ni Caleb.

"At masasabi kong isa kang mabuting anak. Hala sige na. Wag na tayong mag dramahan dito. Bilisan mo, dalhan mo na lang sya ng kaunting pagkain oh. " sabi ni Amy.

Napangiti si Caleb.

Tumango sya at kumuha ng kaunting pagkain sa mga pinamili ng tyahin.

"Okay na po ito Tyang. Alis na muna ako. Babalik na lang ako mamayang gabi. " sabi ng binata.

Ngumiti lang si Amy.

"Mag ingat ka. Paki kamusta mo na lang ako kay Val ha ? Kung makikita mo si Cheska, pakisabi dalhan nya ulit ako ng pocketbooks. " bilin nito.

Tumango tango si Caleb.

"Opo. Sige po Tyang." sagot nya.

Kumaway lang si Amy.

Nakangiting lumabas ng silid si Caleb.

Pakanta kanta pa sya habang lulan ng elavator.

Di nya maikakaila ang siglang unti unting pumupuno sa kanyang pagkatao sa mga oras na ito.

"I missed her so much. " bulong ng binata.

Hindi na nya kayang ikaila ang pagkasabik na nararamdaman.

Ilang araw lang nyang hindi nakita ang dalaga ngunit pakiramdam nya ay katumbas ito ng ilang taon.

..

Bumukas na ang elevator, dali daling lumabas si Caleb.

Hawak ang mga pagkain para sa dalaga, pumara sya ng jeep.

Napatingin pa sya sa relos na suot ng kanyang katabi.

"Mag five na pala. Nakauwi na kaya sya galing sa bahay ? " tanong nya sa sarili.

Alam nyang galing sa tutorial ang dalaga.

At kung hindi sya nagkakamali, pauwi pa lamang ito.

Marahil ay wala pa ito sa bahay pero ayos lang sa kanya kung maghihintay sya ng ilang oras.

..

Ilang minuto ang kinain ng pagbyahe ni Caleb sakay ng jeep.

Pagbaba ay nilakad na lamang nya ang patungo sa bahay nina Valerie.

Malapit na sya ng may mapansin syang kakaiba.

"Parang may bisita. Sino kaya to ? " tanong ng binata sa isip.

Biglang lumabas ang isa sa mga kapatid ni Valerie.

Agad na lumapit si Caleb sa bata.

"Psst !, Ria !. " tawag nya.

Napatingin ang bata.

Nanlaki ang mga mata nito at automatikong napangiti ng maluwang.

"Kuyaaa !! " sigaw ni Ria.

Dali daling tumakbo ang bata patungo kay Caleb.

Agad namang itong kinarga ng binata.

"Namiss kita ah. " sabi nya.

Bumungisngis si Ria.

"Ako rin kuya. Ay yung doll ko ? " tanong nito.

Napatapik sa noo si Caleb.

"Ay oo nga !. Sige bukas promise. " sagot nya.

Napanguso si Ria.

"Ayyyyy. " sabi nya.

Natawa si Caleb at hinalikan sa pisngi ang bata.

"Promise, may food ako oh. Nasan si Ate Val ? " tanong nya.

Nawala ang tampo ng bata pagkakita sa pagkain.

Agad nya itong kinuha.

"Dun dun. Tara po. " sagot nya.

Napangiti lang si Caleb at tumango.

Naglakas loob na pumasok sa bakuran ng mga ito at dire diretso sa pinto.

"Hello !. " malakas na bati nya.

Pero ang malawak na ngiti ay biglang nawala pagkakita kung sino ang bisita.

Nanlaki ang mga mata ni Coleen.

"K-kuya ? " bulalas nya.